21st Incident: Restore 復元 

Wala na si Daisy.

Hindi ko alam kung papaano ko ito ipo-proseso sa utak ko. Kahit patay na si Daisy, malagim pa rin ang nangyari sa kanya.

Ito ba ang tindi ng sumpa?

Na kahit patay at multo ka na, wala ka pa ring kawala?

What are we suppose to do now?

I saw Rio slamming the door at nanginginig naman si Ayako na malayo na ang agwat sa likuran namin.

"Shit! This is insane!" himutok ni Rio at sinipa niya ang seat sa corridor. Ngayon ko lang siyang nakitang galit na galit at pikon na pikon. It must be hard to know that he never maximized himself in helping Daisy's ghost.

I don't know. It must be what he's thinking because he is the only person who knows and is in power to help Daisy.

Pero kahit si Rio, walang nagawa nang kunin siya ng mga multong iyon.

I feel sad for Daisy. She's tragic. Even after death, she faced tragedy. It makes me want to scream but I can't do that anymore. My throat hurts. Oh please! I can't be sick right now.

Bigla namang bumalik sa ala-ala ko ang mukha ng mid-thirties guy na kumuha kay Daisy. Namumukhaan ko ang taon iyon. Pero hindi ko pa rin maalala.

Why is this happening to me?! Namumukhaan ko ang taong ito pero hindi ko pa rin maalala kung saan ko siya huling nakita.

It's strange...

It's frustrating.

Sumakit ang ulo ko at napahawak ako sa noo ko.

Naglakad ako pabalik. Papunta kay Ayako. Manhid na ang mukha ko pero nararamdaman ko pa rin ang bigat sa dibdib ko. Dahan dahan akong naglakad.

Naluha si Ayako habang tinitignan ako at tumakbo siya papalapit sa akin at niyakap niya ako. Naramdaman kong humigpit ito.

"Ano na ang mangyayari sa atin ngayon?" bulong ko na medyo napatid pa ang paghinga ko dahil sa kawalan ko ng pag-asa.

Paano na nga ba kami ngayon? Wala na si Daisy. These ghosts are just too powerful. Yung pakiramdam na para akong nasa loob ng isang hourglass na pilitin ko mang makawala ay nasa loob na naman ako ng isang mysteryo at nalulunod rito.

They're more than just ghosts, I believe.

"We need to move on and find the plastic file case. Remember?" Ayako whispered to my ear. The tone of her voice is uplifting. And then, I saw her face, nakangiti siya. Malungkot ang mga mata pero nakangiti. I think she's doing this to uplift me.

"Wag kang manghina sa akin ngayon. Ikaw lang ang lakas ng loob ko. Kapag sumuko ka, sasamahan kita. Dalawa tayong babagsak."

"No—" sagot ko pero hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay biglang sumagot si Ayako.

"Kung ayaw mong mangyari 'yon, lakasan mo ang loob mo at ako rin, lalakasan ko ang loob ko. Dalawa tayong gagawa ng paraan." At nabuhayan ako sa sinabing ito ni Ayako sa akin.

It was a very uplifting line from Ayako. Ginising ako ng mga sinabi niya sa akin.

"So hindi ako kasama? Remember, I am the paranormal expert here." Heto na naman ang intrada ni Rio.

Maya maya ay may narinig kaming nalaglag sa sahig na malapit sa amin. It was loud enough to get our attention.

Hinanap ko kung saan nanggaling ang ingay na 'yon.

Nakita ko si Police Inspector Ueda na nagmamadaling umalis nang makita naming siya na nasa likurang banda ng isang corner ng wall which is just 10 steps laway from us.

Teka lang! Minamanmanan niya ba kami?

"What are you doing here Police Inspector Ueda?" tawag ko sa kanya. Huminto siya ng saglit pero agad rin siyang nagpatuloy ang pagtakbo niya palayo sa amin.

Hindi ko maipaliwanag pero umiral ang adrenaline rush ko at kumilos na lang ang katawan ko ng kusa. Hinabol ko siya. Pero mabilis siyang nakapasok ng elevator at isinara ito. Nakita ko siya pero umiwas siya ng tingin sa akin. Nakita ko na may mga kasama siya sa loob ng elevator. At ito nga ang mga duguang multo na naka surgical masks din. Tantiya ko, mga 5-6 ang nasa loob na kasama niya.

One of them grabbed his shoulder.

Humigpit ang pagkakahawak nito.

At napansin kong napakunot si Police Inspector Ueda.

Nasaktan ba siya?

Doon ko na na realize, kung cursed itong taong ito.

Nagulat ako at naiwan akong tulala habang nagsasara ang pinto ng elevator at tumunog na ito na hudyat na pababa na ito. Bakit ba ang bagal ko mag react? I need to talk to this person. Damn!

Dumiretso ako ng stairs pero agad akong pinigilan ni Rio.

"You can't go there, may CCTV. Tumakas lang tayong makapasok dito kaya wag kang papahuli."

Oo nga pala. We have to be careful lalo na ang patakas lang kaming pumasok dito. Ugh!

"Anong gagawin natin? Hahayaan natin siyang makatakas? Makakatulong siya sa atin!"

"Yes. Hayaan natin siya pansamantala." Rio answered.

"What?!"

"You heard me." At agad na pinakita ni Rio sa akin ang ID ni Inspector Ueda na hawak-hawak niya. "Babalikan niya 'to for sure."

Sa una hindi ko matanggap na kailangan naming siyang pakawalan. Pero nang makita ko yung ID, saka na ako kumalma. We will surely get to see him again...

---

We are currently at Private I Café. Nakalusot kami sa paglabas namin sa Shibuya Hospital. At dahil wala na si Daisy at si Oliver bilang staff at manager ng Private I Café, may tatlong bagong pumalit sa kanila. Hindi ko pa sila kilala pero basing on their nameplates, They are Ian, Ira and Ivo. I think they are from the Philippines.

The waitress named Ira served us our orders. She also has pink hair na pinuna ni Rio.

Somehow, the hot green tea that I ordered made me feel restored. Iba talaga ang nagagawa ng green tea sa akin. It uplifts my spirit. Ayako is really enjoying her Sage tea. She's elegant like that. She likes something mild but with sweet aroma. And there's Rio who is very happy with his Strawberry smoothie. Winter ngayon, so yeah, go figure.

Nasa isang table kami na may wall dividers at private talaga ang area namin. Dito na rin namin piniling mag stay dahil mas makakapag-usap kaming tatlo tungkol sa curse ng 23:57.

"Ano na?" tanong ko sa dalawa kong kasama.

"Ano na nga ba?" na ibinalik ni Rio sa amin ang tanong. Nakangisi na naman 'to sa amin ni Ayako na nililito kami.

"Why are you returning my questions? It's your idea to let go of Police Inspector Ueda!" medyo uminit na naman ang ulo ko.

"Easy. Remember, may kailangan tayong malaman at kapag ganyan ka careless, mauuwi sa wala ang pinaghirapan natin. So relax. Wala pa rin akong idea kung anong gagawin sa ngayon. Ikaw, Ayako, any ideas?"

Sabay natuon ang atensyon namin ni Rio kay Ayako.

Ayako finished her Sage tea and shrugged. I think she was conserving her energy. Napuna ko ang eyebags at namamagang mata ni Ayako. All of these are making her stressed as well. Kahit hindi naman niya sabihin nakikita ko. Somehow, the tea she drinks restores her. Pakiramdam ko ganito din ako but Ayako must be undergoing a lot of internal struggles. Siyempre, si Ayame pa ang isa sa mge problema niya.

Ito yata ang epekto ng curse. Papatayin ka ng paunti-unti. Sleep deprived na, pagod pa. Imagine, winter pa to nangyayari. Sigh!

"Ayako, you look really tired. Would you like to rest first?" alok ko na kung pwede magpahinga muna kami.

"You can't say that to a very beautiful woman! It's impolite sa sabihan siyang haggard."

Wow! Minanipula ni Rio ang comment ko into a blatant definition. Ang sabi ko lang mukha siyang pagod. Hindi ko naman sinabing haggard ang girlfriend ko. Tsk!

"Wag ka nga makialam sa usapan naming ng girlfriend ko." Told Rio directly. Siguro matatauhan na 'to.

"Rio's correct. Sinasabihan mo kong haggard?!" Ayako replied.

Wow. Nabaligtad ako ng wala sa oras.

Napangiti lang si Ayako at si Rio. Siguro they wanted to change the gloomy feel into something different. Well, matapos naming dito sa Private I Café, haharap na naman kami sa curse ng 23:57.

Ano na nga ba ang gagawin namin ngayon?

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako nga nangyayari ngayon o maasar kasi kanina lang ay nawala na si Daisy. Kinuha ng mid thirties guy na namumukhaan ko pero hindi ko maalala. Tapos ngayon, nandito kami sa café at zero knowledge ulit sa susunod naming gagawin.

Or perhaps, all of these are too overwhelming for us that we can think of our next action.

Yet.

Ang daming kailangang isipin sa totoo lang. Pero we got to start somewhere in order to uncover the real solution for this curse.

Tumunog na naman ang ringtone ko. Galing ang numero sa opisina ng Peculiar Magazine.

Nang sagutin ko ay hindi pa ako nakakapagsalita ay bigla nagsalita na ang nasa kabilang linya.

"Good day. This is Kitade of Peculiar Magazine. May I speak with Kobayashi-san?"

"K-kitade-san? This is Kobayashi." Sagot ko. Napatingin ako kay Ayako.

"Shibata-san gave me your number. My apologies to call on your free time but I had to call you about your article submissions. Have you come up with you ideas for your next article? "

"Uh." Teka na blanko ako. Bakit ako tinawagan nito at hindi si Ayako?

"Please wait a second. I am with Ayako. I'll ask her about it."

Sinenyasan ko si Ayako kung sino ang tumatawag. At patuloy naman si Rio sa pagkain niya na parang nilalaro pa yung cake.

"Peculiar Magazine called. Yung bago nating editor."

"Ah. Si Kitade-san." Ayako remembered.

Sa totoo lang hindi ko maalala ang pangalan niya. Pero tumango na lang ako.

"Pinatay ko kasi ang phone ko kaya di niya ako ma-tawagan. Sa ngayon, wala pa akong idea." Sagot ni Ayako sa akin.

Kinausap ko ulit si Kitade-san at sinabi ko ang totoo— Wala pang naiisip si Ayako na topic for the next article.

Kailangan ko na magpaka-honest kasi malapit na rin naman ang deadline at tumigil kami ng pagpasa ng article last issue nang ma confine ako due to stress at fatigue dahil sa curse na ito.

Kitade-san just politely told me to meet them next week and report to them on our plans for our freelance gig. Importante ito dahil sa publishing, kapag may isang section article na mawawala ng matagal, madadmay ang buong magazine.

Nang ibaba ko na ang phone, saka ko na pinaliwanag kay Ayako yung case na baka mapalitan kami kung magha-hiatus kami.

Nakikinig lang si Rio at patuloy na pinaglalaruan ang cake. I am not even sure kung nakikinig ba talaga siya.

Sa paglalaro niya ng strawberry cake ay tumalsik ang strawberry cuts at icing sa padaan na babae. Agad akong naghanap ng tissue at pinunasan yung natalsikan na white coat. Oh my goodness! This is really bad.

Kilala ko siya! Siya si Mamiya Tomomi-san!

"We met again, Kobayashi-san!" energetic na bati sa akin ni Mamiya-san. Hindi niya na pinansin yung natapon sa kanya.

Tinignan naman ako ni Ayako. Yung tingin na tinatanong niya "Sino yang babaeng yan?"

"Ayako. Rio. This is Mamiya-san. We met here before. Mamiya-san, these are Rio and Ayako."

"You met her before?" Ayako replied. "And when was it?"

Ayako somehow became curious.

"Uh oh! Someone needs to explain some details!" Rio added habang pabalik sa amin dahil kumuha siya ng bagong fork para sa cake niya.

"Uhm, it's not like that. I am just a fan! I admire the photos which Yuya-san took. The photos taken by Yuya-san which appeared in Peculiar Magazine were personally the best ones, I believe." Sagot naman ni Mamiya-san.

Pero nakikita ko pa rin na parang hindi naniniwala si Ayako. From the way she looks at me right now, pakiramdam ko kailangan ko talagang magpaliwanag pag-uwi namin mamaya. At para maliwanagan ang medyong nagseselos kong girlfriend, binigyan ko ng detalye si Ayako tungkol kay Mamiya-san. Kaya naman isinama ko na si Mamiya-san sa mesa namin.

"Si Mamiya-san ay isang Psyichiatrist. When I was confined in Shibuya Hospital, Police Inspector Ueda suggested me to see her. Pero wala talaga akong balak. And then, na meet ko siya dito by accident. At dito kami nagkakilala."

Ayako got interested. Kasi nga si Police Inspector Ueda ang link sa kanya. Somehow, natuwa rin ako at dumating si Mamiya-san dahil mukhang mapapadali ang susunod na meet up namin ng police inspector. Wala namang naintindihan si Mamiya sa pinaliwanag ko kay Ayako dahil hindi naman siya nakakaintindi ng Tagalog.

"Mamiya-san, do you know a police inspector from Shibuya ward named Ueda?" diretsahang tanong ni Rio kay Mamiya-san. Masyadong malapit ang mukha ni Rio kay Mamiya-san. Kaya naman ay hinatak ko ito papalayo bago pa siya mas ma wirdohan lalo kay Rio,

Baka sa halip na makakuha kami ng information ay baka matakot pa si Mamiya-san sa amin.

"Why?" Mamiya-san reluctantly asked

"Well, he lost his ID. We need to return it to him." Sagot ni Rio habang pinapakita ang ID.

Magaling magaling. Iba talaga mag manipula ng sitwasyon 'tong si Rio. Hindi ko alam minsan kung sinasadya ba niya o hindi ang mga ginagawa niya.

Agad na tinignan ni Mamiya san ang ID ng malapitan.

"I heard his name before and I think I've seen his face before. I remember I had a patient before with the same name." Agad niyang binuksan ang tablet niya at may hinanap sa Excel file niya. Nakalista dito ang mga pangalan ng naging patients niya. "Ueda Kotaro. Police inspector of Shibuya ward. Is he the same person?"

Pwede bang ipakita sa amin ni Mamiya-san ang info ng patients niya? But I don't care, we need this information. At ng makita namin ang profile ay nakumpirma nga namin. Siya si Police Inspector Ueda. This is getting interesting. Nagkatinginan kami ni Ayako. Clueless pa rin si Mamiya-san sa mga nangyayari.

"Mamiya-san. Do you want to help out Yuya-san and Ayako-chan for their next article for Peculiar Magazine?" Biglang bwelta ni Rio.

What? Where did that come from?

Agad namang nabuhayan lalo si Mamiya-san at nakita kong nanlaki ang mga mata nito.

"Really? How?" she asked with so much excitement.

"Both of them can't figure out the topic for their next article. I think it would be nice if someone like you can help the both of them. You see, Ayako-chan and Yuya-san are currently undergoing major stress. It might be a clinical depression or something more. Why don't you figure it out and diagnose them. Then, they can probably write something about Psychological Stress. I mean it's your forte because you're a Psychiatrist/" paliwanag ni Rio.

Holy sh*t!

Hindi ko alam pero may tinatagong talino pala itong si Rio. Na resolve agad ang problema naming sa ipapasa naming article. Nakilala pa namin si Police Inspector Ueda. At the same time, magkakaroon pa kami ng session kung paano, in a way, magagamot ang stress at fatigue namin dahil sa curse na ito.

At ngayon, we have a topic for our next article: Pyschological Stress.

Grabe, sa pag upo ni Mamiya-san, na resolusyonan agad ng ito. Finally!

"For the mean time, I have to go now." Paalam ni Rio sa amin.

Nagulat ako kasi bigla siyang aalis at iiwanan kami. What's happening?

"Are you leaving already?" tanong ni Ayako na hindi makapaniwala.

May iniabot sa akin si Rio na isang note. Patago ko itong binasa.

I'll take it from here.

Anong pinaplano ni Rio? Kung ano man 'yon sigurado na tungkol 'to sa 23:57 curse. I think I need to go with Mamiya-san. Kailangan kong malaman yung details kung sino si Police Inspector Ueda. Siya lang ang link naming ngayon. Kahit profile niye, malaking bagay na. Kaya naman ay hinayaan ko lang si Rio na papalabas siya ng pinto ng Private I Café. Pero may kakaiba nang aura si Rio. Hindi ko maipaliwanag.

Sa labas ay naghihintay na ang mga naka surgical masks na mga multo sa kanya pero parang wala lang ito kay Rio. Nakatingin rin si Ayako dito at halata sa mga mata niya ang takot. Nakikita na rin ni Ayako ang mga ito.

Hindi naman sa hinahayaan ko lang si Rio. Pero let's face it, sa aming tatlo, siya lang naman ang may kakayahan na makatolerate at makapagtaboy ng mga multo. Kaya sa palagay ko ay kung ano man ang binabalak niya, tungkol pa rin ito sa pag resolve ng ongoing curse sa aming lahat.

---

Sa loob ng isang western style livingroom, nakaupo kami ni Ayako. Puti ang walls na may almost transparent floral wallpaper patterns. May mg green elements sa paligid tulad ng seats, halaman at table. May mga libro rin sa loob. Relaxing ang living room na ito. Pero hindi ito livingroom dahil nasa loob kami ngayon ng session room ni Mamiya-san. Pumasok siya na may dala-dalang green tea para sa amin.

This room feelz cozy. Matapos ang sunod sunod na unpredictable set of stress na nangyayari sa amin, itong room na ito ang pinakamagandang nangyari sa amin so far. I can feel the heater at unti-unti nitong pinapabalik ang temperature ng mga nanlalamig kong daliri.

Ayako silently drank her green tea.

"So what about Psychological stress do you want to know?" excited na tanong ni Mamiya-san sa amin.

Hindi talaga kami handa. Ni hindi ko pa nga dala yung DSLR ko para sa article kasi biglaan pero nagpatuloy pa rin kami. Pansamantala, itong Iphone ko muna ang gagamitin ko. Then babalik na lang ako dito ulit for more photos.

"We love to know any details we can get." Ayako replied to Mamiya-san.

"How about tell us everything about your visitors. I mean whenever they have theraphy session with you, I guess they have variety of thinking. We need those in our article." I suggested.

"Indeed. Well, I guess it's better if I do session with you so that you will have an idea of what's going on in every session."

"Interesting." Sagot ko. "Oh yeah, can I take some photos?"

"Sure." Gad naman inayos ni Mamiya-san ang desk sa kwarto. "I would be honored that this room will be photographed by the Yuya Kobayashi."

"Haha! No no! Unfortunately, I don't have my DSLR right now but I think my Iphone can manage the job because your room has great lighting." I told her.

"Thank you. A friend helped me on the interiors." Mamiya-san replied.

"So, how do your sessions go? Tell us about it." Singit ni Ayako at inihanda na rin niya ng phone niya at nagsimula nang mag record.

Biglang naging awkward ang scenario. Umupo wulit si Mamiya-san para makausap kami.

"It's a one on one session. I think you an idea whenever someone tries to seek help about any stress related concerns, a psychiatrist talks to them personally and we uncover every inhibitions and let them be comfortable in opening up." Sagot ni Mamiya-san na sa totoo lang ay bakas ang kaba niya habang nagpapaliwanag. Siguro nagigin awkward na rin siya kay Ayako. I don't know.

"So, as I was saying earlier. I think it would be great if you will undergo with this talk. I mean, both of you are having stress. Rio even said that it might be a clinical depression. That's why I need to talk to you on a one on one basis." Mamiya-san began having her own confidence again. "So, which one's first?"

One on one session. Sino nga ba mauuna sa amin ni Ayako? Nagkatinginan lang kaming dalawa. Personally, gusto ko na mauna si Ayako pero mukhang ako ang gustong mauna ng dalawang babaeng nasa harap ko. No choice.

Naghintay si Ayako sa labas ng living room. Actually may waiting area talaga sa labas. Designed for one on one lang talaga ang kwarto. Sa loob pa ng living room ay may maliit na kwarto. Bukas lang ang pinto nito.

Naghanda na si Mamiya-san. Dala niya ang isan notebook at pen. Comfortable lang ang pwesto namin. At naamoy ko na ang mabangong aroma. Ito yata ang session para kumalma ako at magkwento.

"So start telling me anything you want." Mamiya-san said.

Natigilan ako ng kaunti dahil ako pala ang maguumpisa. Wala pa akong maisip. Hanggang sa nagsalita na rin ako.

"I was confined in Shibuya Hospital because of fatigue. But even before that I have been feeling restless." Panimula ako.

Mamiya-san is just listening.

"Do you know the reason why you feel restles?" she asked.

"Yes." Gusto ko ng sabihin talaga pero hesitant pa rin ako.

I mean, baka hindi siya maniwala.

Pero kaya nga ako nandidito. Kasi makikinig siya sa kahit na anong ka wirdohan na sasabihin ko. Di ba?

Pero bago ko pa subukang mag open up ay bigla na lang akong narinig sa sigaw mula sa labas. Sigaw ni Ayako 'yun. Kaya naman natuon ang attention ko sa labas at agad na rin akong lumabas ng living room.

Nagulat ako nang makita ko na hinahatak si Ayako ni Ayame sa isang kwarto sa labas. Patuloy pa rin ang pagsigaw ni Ayako at nagpupumiglas. Tumakbo ako at sinundan ko sila at sumunod rin si Mamiya-san sa amin.

Nang makapasok ako ay nagulat ako sa nakita ko. Nakita ko sa loob ng kwarto ang isang photo na pamilyar na pamilyar sa akin.

"S-si Dr. Carl Higashi 'to a." nasambit ko.

"D-Do you know this person, Mamiya-san?" tanong ko.

"Uh... Do you happen to know my late fiancé?" she replied.


 

RAYKOSEN Creator

21st Incident: Restore 復元