20th Incident: Transition 遷移 

Aghk!

Hindi ako makahinga. Mahigpit at malamig kamay ang humahawak sa leeg ko. Sinubukan kong ibuka ang bibig ko para makakuha ng hangin pero halos Maputol na ang leeg ko dahil sa payat na daliring tumutusok sa lalamunan ko. Hindi na maramdaman ng mga paa ko ang sahig. Wala na nga yata akong tinatapakan.

Hindi ko naman siya makita dahil nakatingala na ako sa tindi ng sakal na nararamdaman ko. Hindi na ako makahinga at kinapa ko na ang mukha niya. Hawak hawak ko pa pala ang bracelet na bigay ni Rio sa akin.

Nang dumikit ito sa mukha niya, humiyaw siya. At bigla na lang na bumagsak ako sa sahig kasabay ang pagbagsak ng katawan sa tapat ng mukha ko. Si Ayako ito.

She was possessed.

I don't know on how Ayame was able to enter the room with ofuda and salt but I figured out that the bracelet is already a powerful tool. Isinuot ko ang isa at isinuot kay Ayako ang isa pa.

Walang kaalam-alam si Ayako sa buong pangyayari dahil wala pa rin siyang malay nang buhatin ko siya pabalik sa kwarto.

Hinawakan ko ang kamay niya. Mula sa point of view ko, nakita ko ang bracelets na suot naming dalawa.

These gifts saved us.

---

Kinabukasan, kinuha ko ang baon kong damit at pants sa bag ko. Ito na ang huli kong damit dahil nasa lumang kwarto ko ang mga damit ko. I think hindi rin naman ako papapasukin kasi, crime scene pa rin naman ang kwarto ko hanggang ngayon. Matapos naming makapaghanda at makapagbihis ni Ayako ay agad na kaming dumiretso sa Shibuya Station at tumuloy sa ShibuyaHospital. Suot ko ang blue coat ko at red turle neck naman ang suot ni Ayako. I told her not to remove the bracelet as it serves as her protection against Ayame. I also showed mine who is pretty much the same as hers. Somehow, we finally felt like a couple. Not until when he have another load. This pink haired guy with striking gold pants and bright green coat. I am totally okay with this young man's taste in clothing. I think it's cool pero masyadong striking at hindi ako sanay sa mga tingin ng mga taong nakapaligid sa amin. Unlike him, he's pretty much used to all of these attention. Actually, he's like the person who like being showered with stares.

"I now know the meaning of the Death Card." Rio uttered habang naglalakad na kami sa isang busy street. Pinauna ko na si Ayako.

I looked at him with a puzzled expression.

"It has ended your stay in 303." Tuloy niya habang ngumiti.

"That simple?" balik ko sa kanya dahil ang dense naman ng hula sa akin kung yun lang ang ibig sabihin nun.

"Well, that simple thing happened to open new beginnings that are now unveiled to you."

Sa tono ng boses niya, may pinapahiwatig siya. It is true. Sa loob ng isang araw, marami akong mga nalaman. A transition of being overly clueless to slightly clueless. Ugh.

"I know what happened last night when Ayame attacked you."

I was surprised with what he just told me.

"Bakit hindi mo kami binalikan?" tanong ko.

"You wanted me out, right?" Rio anwered with a grin and continued. "I know you can handle it."

"Paano kung hindi?"

"Sorry ka na lang." sagot ni Rio. Tsk.

"How was she able to possess Ayako kahit may ofuda na sa pinto?" bulong ko sa kanya.

"I am not sure but only ghosts with strong connection to someone has the power to go through the barrier of an ofuda." Sago niya sa akin.

At nang makapasok na kami sa ShibuyaHospital, nagulat ako sa narinig mo mula sa staff na nasa front desk.

"I am afraid that there is no Daisy Figueroa that was admitted in this hospital." Sabi ng nurse na nasa information area na binabasa ang records sa monitor niya.

Hindi pwedeng wala si Daisy dito. She's in danger lalo na at multo na si Oliver ngayon.

"Wait. Did she left already?"

"No. There is a misunderstanding. What I mean is, there is no record of her being admitted here." Paliwanag ng nurse.

"That's impossible. She and I were admitted here. I just got out the other day." Sagot ko.

"That's true. I went here to visit him and I saw Daisy."

"We were in room 612." I supported what Ayako said.

"Let me check again" natatarantang sagot ng nurse. She became unsure and had to check the database again.

Nang mawala ang tingin ng nurse sa amin para mag focus sa monitor niya, dumiretso na sa paglalakad di Rio. Naka silent hand gesture siya at pumasok ng elevator.

Pipigilan ko sana pero nakapasok na siya. At kinausap na kami ulit ng nurse.

"I'm sorry but there's really no Daisy Figueroa in this hospital. I saw your name, Kobayashi-san but Daisy's name is not in the database. You were in a room for three people but only you were the patient throughout the whole time." Paliwanag ng nurse.

What?

"I need to talk to Doctor Carl Higashi and Nurse Riiko Katou." I demanded.

Pagkabanggit ko ng mga pangalang yun ay nagulat ang nurse na kausap ko.

"If you are trying to do some prank, please don't use dead people's name." nanginginig ang boses niya nang kausapin niya ulit ako.

Dead people? Wait. What's going on?

"What do you mean?"

"I have no time for this kind of joke." she's really mad.

"Seriously, they were the ones who checked us up." I relaxed a bit after a deep sigh.

"How can dead people for four years already, check you up? According to the record, Dr. Suzuki was the one monitoring you. Please do not waste my time." The nurse tried to compose herself.

Napaurong ako sa mga narinig ko. Four years ago. I can't control the movement of my eyes. Napapaisip na naman ako.

"Did they committed suicide in Shibuya station?" Nauutal kong tanong.

The nurse did not respond. Pero kitang kita ko ang takot sa mukha niya. I take it as a 'yes' then.

"Thank you. My apologies for any inconveniences." Ayako said while supporting my back. Ayako knew that I'm losing my composure already. She just knew whenever my eyes move erratically.

Naglakad kami papuntang upuan.

"I can sense that we really need to figure this one out, Yuya." Panimula ni Ayako sa akin. "Let's go to room 612."

She suggested that in a different tone. Are we going to get inside without logging in? Of course, it's not right pero kailangan din para makumpirma.

Tumango ako at sumenyas.

Ito na siguro ang isa sa bagay na ayokong gawin dito sa Tokyo. Ang mag disobey ng law dahil foreigner pa rin ako. Argh! Pero nasa loob na kami ng elevator at nakayuko papalayo sa view ng CCTV. Patay na talaga ako kung mahuhuli ako pero iniisip ko na lang na kailangan namin gawin ito.

Pagkadating naming sa 612, nandun na si Rio at nakatayo sa loob kasama si Daisy na nakahiga sa kwarto. Nagulat pa si Daisy sa pagkadating namin.

Wait. What exactly is going on?!

Kitang-kita sa mga mukha naming lahat ang naguguluhan. Bukod kay Rio na kalmado lang. Nalilito na rin si Daisy kasi bigla kaming bumisita.

"Daisy? I thought..." hindi ko na naituloy ang sasabihin ko.

"Siya ba ang kapatid nung Oliver?" tanong ni Rio sa akin.

Tumango si Ayako.

"Nasaan si kuya?" Daisy uttered. Parang may hinahanap niy ito sa likuran ko. Ineexpect niya na darating ito.

Hindi pa ako nakakasagot nang biglang...

"Patay na ang kuya mo, Daisy." Deklara ni Rio.

Whoa! Whoa! Whoa!

"What are you doing?!" tanong naming pareho ni Ayako kay Rio.

"Telling her the truth." Sagot niya.

"Your brother was killed last night." Patuloy na pagkukwento ni Rio kay Daisy.

That's harsh. What is he trying to do?

Gulat na gulat si Daisy sa buong pangyayari. Hindi pa nakaka recover si Daisy sa shock ay nagsalita na naman si Rio.

"Your brother is now a vengeful ghost. Hindi pwedeng matulad ka sa kanya, Daisy." Patuloy ni Rio.

Nagkatinginan kami ni Ayako. Nagtatanong sa isa't isa kung anong nangyayari na sabay naming sinagot nang pag kibit balikat.

"What are you talking about?!" tanong ni Daisy. Sa totoo lang ay ito na rin ang tanong na isinisigaw ng utak namin ni Ayako.

What's going on?

Really, what exactly is going on?

"Has anyone among you touched Daisy?" Rio asked.

I can't remember. Judging on Ayako's face, she haven't

"Now touch her."

Wala akong idea kung anon a ang nangyayari pero ginawa ko pa rin. Lumapit ako na kumakabog ang dibdib. Hindi ko alam kung bakit exactly. Nang subukan kong hawakan si Daisy, na shock ako.

Hindi ko siya mahawakan. Tumagos lang ang kamay ko.

Napaurong ako. Kitang-kita ko rin ang gulat na mukha ni Daisy. Parang malamig na hangin ang sumaklob sa akin sa realization na ito. Mahina a pigil na tili naman ang narinig ko mula kay Ayako na nakita ko na nagtakip ng bibig.

"Patay ka na, Daisy." Abiso ni Rio.

Natawa si Daisy rito. Pero ang tawa niya ang may halong takot sa mukha niya.

"Hindi mo lang alam na patay ka na. Pwedeng matagal ka nang pagala-gala na nakalimutan mo na ang tragic memory kung paano ka namatay. Hindi ako normal tulad ng ibang tao. May kakayahan akong naiiba sa karaniwan. At sa palagay ko, kaya hindi sinasabi ng kuya Oliver mo sayo ang totoo dahil gusto ka niyang makita at makasama palagi."

Matapos ang sandaling katahmikan at nagsalitang muli si Rio.

"Ngayon Daisy, isipin mong mabuti at sabihin mo sa amin, paano ka namatay. Para makalaya ka at matahimik na."

"H-hindi totoo ang sinasabi mo!" sigaw ni Daisy sa amin.

Nagka-crack ang salamin sa pinto pero hindi nman ito tuluyang nabasag. Pero nagulat pa rin kami dahil nakatayo kami ni Ayako malapit sa pintuan.

Sa gulat ko ay kinuha ko ang asin sa bulsa ko at isinaboy ko kay Daisy.

Pero sinalag ito ni Rio.

"Hindi siya vengeful ghost, Yuya. Hindi makakatulong sa kanya ang asin."

"What should we do?!" Ayako exclaimed.

"Nothing yet" Rio replied. Lumingon siya kay Daisy.

"Alalahanin mo kung kailan at paano ka namatay Daisy."

"Rio. I know how and when Daisy died." sagot ko. If there's any way I can help, I think I should participate in it.

"Namatay siya nang masagasaan siya ng advertising truck sa Shibuya crossing."umpisa ko. "She ran because she is scared of the ghost of Ayame. Sabi niya takot siya dito dahil magkamukha si Ayako at si Ayame."

Tinignan ko si Ayako at hinayaan ko siyang magpatuloy ng kwento.

"Kaya kailangan namin magsinungaling ni Oliver sa kanya na binigyan ko siya ng dugo. Para maramdaman niyang safe siya. However, even before I felt strange already. May mali pero hindi ko ito pinuna agad. Ayun pala hindi na kailangan dahil patay na pala siya."

"Noong una nagtataka rin ako kung bakit biglang katabi ko na si Daisy nang ma admit at ma-confine ako sa kwartong ito."

"S-shut up!!" sigaw ni Daisy sa aming lahat habang nagtatakip ng tenga at mahigpit na ipinipikit ang mga mata niya.

"Something is wrong." Rio replied.

Daisy is still perplexed. Bukod pa rito ay balot rin ng takot ang mukha niya.

Hinwakan niya bigla ang kamay ni Daisy.

"Huh?" Nagulat kaming lahat nang mahawakan ni Rio si Daisy.

Sinubukang alisin ni Daisy ang kamay niya pero hinigpitan ni Rio ang hawak dito.

"If you try to remember your death on your own, I can help you" Rio smiled. "...Or you can become a ghost who forgets her entire being. You'll become dangerous."

"Hindi ka vengeful ghost. Hindi mo lang alam na namatay ka. You are just wandering."

Daisy calmed down. Tinignan niya si Rio na umaasa.

Ipinikit ni Daisy ang mga mata niya at inalala ang mga nangyari.

Patuloy kaming naghintay sa kung anong sasabihin ni Daisy. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis ko sa gilid ng mukha ko. Hindi naman mainit sa loob at hindi rin ito malamig na pawis.

"I remember..." Biglang nagsalita si Daisy. "I remember everything about my death."

"I was already dead when you first saw me in this room, Yuya-san." Banggit ni Daisy sa akin. "I died in this bed."

Hinipo ni Daisy ang higaan. Mula nang ma realize niya kung paano siya namatay, hindi niya na mahawakan ang higaan at tumagos na ito sa kamay niya. Nagulat siya, pero muling kumalma ang mukha niya at nagpatuloy sa pagkwento.

"Who killed my brother?" Kalmadong tanong ni Daisy sa amin.

"I have no idea yet. It could ba work of the curse. It could be a real human." Sagot ni Rio. "It could be... You."

Gulat na gulat ang mukha ni Daisy sa huling sinabi ni Rio. Inalis ni Daisya ang kamay niya sa pagkakahawak ni Rio.

"I'm just kidding. Of course it can't be you. As I've said, you're not a vengeful ghost. Remember?" Natatawang sagot ni Rio. Sa totoo lang siya lang ang natatawa sa sinasabi niya.

"I just want to find out if a ghost can actually laugh. I've never seen one."

At na-realize ni Rio na walang tumatawa sa amin. At napatigil na rin siya.

"Yuya-san. Please tell the details of Oliver's death to Daisy."

"Someone killed him in my apartment. One of the cursed people I know told me that it might be the work of other vengeful ghosts too. Though, it's very unlikely. Tapos nakita ko rin ang ghost ni Oliver on that same day. That is why we are here. We wanted to protect you from harm because Oliver is now a vengeful ghost. Rio can only tell if a ghost is vengeful. We thought about you. And then, we got surprised..."

Yes. We got surprised. Multo na pala si Daisy. Wandering ghost. I don't even know kung anong pinagkaiba nun sa vengeful ghost. Pero alam ko sa sarili ko na hindi na ako takot kay Daisy ngayon.

"Kuya Oliver has been strange since the 23:57 incident. I think he really deeply cared for my well-being then. Although, he became far different when he visited me here. Back then, I didn't know I already died."

"I think you liked it when he visited you." Rio answered. "I think it's your reason why you're attached in this room, isn't it?"

"Kaya pala hindi ako makaalis dito...."

"Pero parang may pwersa na pumipigil para makalabas." Daisy reflected.

"What do you mean?" lumapit si Rio at nagtatakang

"Ayaw akong ilabas ni nurse Riiko at ni Doctor Higashi." Sagot ni Daisy. "Kahit na sa labas lang ng kwarto na ito."

Nagkatinginan kami ni Ayako at ni Rio.

"Listen. According to the nurse here, Dr. Higashi and Nurse Riiko is dead." I told Daisy. "I think they're uh..."

"They are probably ghosts too. I am not sure yet because I haven't met them yet." Dugtong ni Rio.

Matapos na sabihin ito ni Rio ay biglang sumara ang pinto at namatay sindi ang ilaw.

Nakita na lang namin na nasa tabi na ni Daisy sina Nurse Riiko at Dr. Charles Higashi. Duguan na ang mga suot nila. Nakangiti ang mga mata. Namukhaan ko sila sa suot nilang surgical masks. Nakasalubong na namin sila noon sa Shibuya Crossing. Noong unang beses naming silang nakita ni Ayako.

So it is true. They are also dead. Ang lamig-lamig na ng mga kamay ko at isinara ko na lang ang mga ito sa gulat. I was anticipating this pero nagulat pa rin ako.

Hinawakan ng dalawang ito mga braso ni Daisy at mabilis na hinatak papalbas ng kwarto. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Mabilis rin ang paglabas nila.

Agad akong lumabas ng kwarto. Sumunod naman sina Ayako at Rio sa akin.

Hinabol namin si Daisy. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko rin alam kung paano siya mababawi. Hindi ko rin alam kung anong ginagawa ko. Kumilos na lang ng kusa ang mga paa ko.

Katabi ko si Rio na agad na kinuha ang asin sa jacket ko at isinaboy iyon. Pero hindi ito umabot.

Mabilis ang paghatak nila kay Daisy. Lumingon si Daisy sa amin at takot na tako ang mukha niya.

Sa dulo ng corridor, nakatayo ang sillouhette ng isang matangkad na tao.

Kumawala si Daisy para bumalik sa amin at nagsimula namang kumuha si Rio ng ofuda. Kasabay ng pangyayaring ito ay nakita ko ang mukha ng taong nakatayo, ang mid thirties na lalake.

Babalikan n asana nina Dr. Higashi at Nurse Riiko si Daisy pero mabilis ang paghabol ng mid thirties na lalake.

Hawak-hawak niya ang isang braso ni Daisy. Nagpupumiglas si Daisy pero malakas ang mid thirties na lalake. Halos kaladkarin niya na ito.

Kitang-kita ko ang mukha ni Daisy na takot na takot habang hinihila ng mid-thirties na lalake at unti-unti na silang naglalaho.

"Yuyaaaaa!!!" sigaw niya hanggang sa mawala siya kasabay ng mga kasama niya.


 

RAYKOSEN Creator

20th Incident: Transition