1st Incident: Smile 笑顔
“ And that is the 23:57 urban legend. Creepy ‘di ba?” kwento ni Ayako sa akin matapos niyang inumin ang hot milk tea niya at inilapag ang tasa sa wooden table. Binasa niya ang buong kwento ng urban legend sa webpage screen ng notebook niya. Umiikot na rin kasi ang urban legend na ito sa internet at sa palagay ko sikat na ang kwentong iyon. Ako na lang yata ang hindi nakakaalam nito.
“I don’t think that’s creepy at all. Di ba parang publicity na rin ito ng Private I Café, kung saan nandito tayo ngayon, ang urban legend na ‘yan? Haha! Sure, marami silang nakangiti and it’s weird and then what? Tokyo is the safest city in the world!” sagot ko na may halong pagka-pilosopo habang tinitignan ko ang mga kuha kong photos ng Shibuya sa DLSR ko. Pilosopo man gang sagot ko pero totoo yung trivia ko about Tokyo. Well back to the main point, hindi ako naniniwala sa mga urban legends. Kasi— Urban legends nga di ba?
“Whatever, Yuya. I still think it is creepy.” sabi ni Ayako sa akin na kinuha ulit ang tasa niya ng milk tea at nagpatuloy sa pag inom. At tinuon niya na ang attention niya sa notebook at nag type habang ako ay tuloy tuloy pa rin sa pag browse ng photos na kinuha ko kanina. Naramdaman kong parang gusto niya akong sabihan ng “Shut up” pero wala naman siyang sinabi. But her actions tell it all. Alam kong matapos niyang magkwento ng mahaba ay parang unintentinally na natabla ko siya. Pero hindi ko talaga trip ang urban legends. At kahit maganda ang ambience ng café, nagkaroon ng awkward silence matapos naming mapag usapan ang urban legend ng 23:57.
Ako si Yuya Kobayashi. Male. 20. Isang Japanese language student at part-time English teacher. My dad is a Japanese national engineer at ang mom ko naman ay Filipina na dating English teacher sa Tokyo. Si Ayako Mendez, na kasama ko ngayon, ay katulad ko rin na Japanese-Filipino na English teacher. 18. Co-teacher ko siya pero ahead ako sa kanya ng two years. In Japanese terms, I am Ayako’s senpai (senior). We are in a relationship. Though, I think, mukhang nasusubukan ang relationship namin ngayong nagmistulang walking contradiction ako sa kinahuhumalingan niyang urban legend.
Maaga pa lang ay nasa Private I Café na kami dahil parehong off namin sa part-time job as English teachers sa Tokyo. Tambayan na naming dalawa ang café na ito dahil bukod sa napakagandang ambience at pareho kaming mahilig magbasa ay Pinoy ang may ari nito. Isa itong multimedia and book café na may two floors. Red, yellow and white ang main colors ng lugar pag tinignan mula sa labas pero ang interior ay variety of mint green colors. Kaya siguro ganito ang kulay ay para malamig sa mata ng mga customers—dahil nga book café ito. May library section na pwedeng basahin ang wide variety of books. Pwede mo rin bilhin ang natipuhan mong libro. May section din for computer users kung saan pwede kang mag focus at walang manggugulo sayo. At kapag gutom ka na ay maaari kang mag order ng variety of drinks at light meals. Ang pinaka paborito kong spot ay ang hang out section, na kung saan ay nandito kami ngayon. Ito ay may mga blue-green na beanie bags na nakalapag sa sahig at maari kang magstay dito para kumain, uminom and/or gumamit ng notebook. Isa itong perfect place to slow down. Isang “laid back” shelter sa realidad na sobrang bilis at busy na lifestyle sa Tokyo. Nalaman lang namin ni Ayako ang lugar na ito couple of months ago. Kasabay ng paglabas at pagkalat ng iba’t ibang balita tungkol sa mga nawawalang tao hanggang sa pagsikat ng 23:57 urban legend.
“Sure, may mga reports na maraming nawawala lately but there has to be other reasons. What could those ‘happy’ people ever do to you?” argument ko a isip-isip ko. Ayoko na makipagtalo pa kay Ayako at baka mas lalong mag init ang ulo niya sa akin. I spoiled the main reason why were here – To enjoy ourselves. And here I am, being an annoyance to her. I am sorry. Well, I am partly sorry. Sorry.
Bakit ba kasi napag usapan namin itong urban legend na ‘to?!
There is actually a reason. It is also the main reason why we are in Private I Café Shibuya branch as well. Apart from being English teachers, may freelance work kami bilang “duo” writer and photographer sa isang weekly magazine publication sa Shibuya. Ayako writes the article every week and I provide the photos for her articles. The magazine is called, “Peculiar (ペクリヤー)”. It is a young-adult contemporary Japanese magazine which has variety of contents from pop-culture hanggang sa weird urban legends. At dahil may kaalaman na rin kami sa Japanese writing at communication, nakuha namin ang trabahong ito. Isa itong highlight ng career namin dahil exciting para sa amin ang makagawa ng articles na makakita in print sa Tokyo. Kung may percentage na compatability kami ni Ayako, iyon ay ang makita ang gawa namin in print na mababasa at makikita ng mga tao.
At ang article na sinusulat ni Ayako ngayon ay ang article about the 23:57 urban legend. At katulad nga ng nasabi ko kanina, hindi ko trip ang article niya ngayon. Kaya hindi talaga ako excited. Pero interesting article ito para kay Ayako so we decided to go with it. Don’t get me wrong, I support her in her interests! I really do! The thing is, paano ko kukuhanan ng photos ang urban legend article? Meron naman akong naiisip na concept pero I think my ideas are just plain. You see, when I really like the article, great concepts are just overflowing! Sabi ko na lang sa sarili ko na matatapos din ang project na ito at next week ibang article ulit ang isusulat ni Ayako. I feel a bit bad for being a half-hearted photographer for an article that she is really into.
Tak tak tak. Patuloy si Ayako sa pagta-type ng article at ramdam ko ang motivation niya. Ayaw ko na siyang guluhin pa at naubos ko na rin ang green tea ko. Oorder pa sana ako nang biglang…
“Let’s go!” aya ni Ayako at tumayo na siya dala-dala ang notebook niya. Nakangisi siya. I knew that smirk! “I’ve just sent the article via email and Tetsu-san immediately approved the article and we need to meet him!”
I knew it! I am very happy for her! It got approved! Ang bilis a. But the important thing is, it got approved today!
Walking distance lang ang Peculiar office sa Private I Café. Sinuot ko ang blue coat ko at iniabot ko kay Ayako ang white coat niya. Mabilis kaming lumabas ng Private I Café. Kung kanina ay parang hindi na ako kakausapin ni Ayako, ngayon ay pareho kaming masaya sa nangyari. The best part ay kailangan naming ma-meet ang editor naming na si Tetsu-san. I am not sure kung bakit at first time na ipatawag kami personally para pumunta sa office ng Peculiar magazine. Usually, online na niya sasabihin ang mga kailangan naming i-revise. Nararamdaman ko na mukhang magiging interesting para sa welfare namin itong project na ito kahit hindi talaga ito ang interest ko.
Sa Shibuya crossing, nakatayo kami ni Ayako sa yellow line. Hinihintay naming mag green light para makatawid na kami sa kabilang street. Nang mag green light na ay mabilis ang paglalakad ng mga tao. Nakasalubong namin ang grupo ng mga taong naka white surgical masks. It’s not that I mind. Sa Japan kasi people are encouraged to wear surgical masks lalo na kapag taglamig or season ng cold at flu.
Yung nakakuha lang sa atensyon ko sa kanila ay yung surgical masks nila ay may smiling mouth drawing gamit ang red ink. They are aroung 10-15 people. Naka black coats sila at nang mapansin ko ang mukha ng isa sa kanila, natuon ang pansin ko sa mata niya. Mukha siyang salaryman na naka brush up ang buhok na nasa mid thirties. Ang mata niya ay nakangiti. Usually, in a scenario like this na tatawid ka sa Shibuya crossing ay poker-face ang lahat ng tao. Pero sila, kahit nakatakip ng surgical masks ang bibig nila, kitang kita ko sa mga mata nila na nakangiti sila.
Biglang napatingin sa akin ang tinignan kong mid thirties na naka mask. At kinilabutan ako dahil nang magkatinginan kami, para akong hinihigop ng mga mata niya. Sanay akong nginingitian pero iba itong taong ito. Actually, kakaiba silang lahat na naka surgical mask na may smiling art in red ink. Parang nanlamig ako nang makita ko ang mata ng nakasalubong ko. Weird. Huminto ang lalaking nakasalubong nakatinginan ko at binababa niya ang surgical mask niya ng dahan dahan.
Dahan dahan…
Nakita ko ng bahagya ang ngiti niya. Hindi ko maipaliwanag pero natakot ako sa ngiting iyon. Habang binababa ng mid thirties na lalake ang surgical mask niya, ay agad kong inalis ang tingin ko. Diniretso ko ang tingin ko sa kabilang street na pupuntahan namin.
“May event ba ngayon sa Shibuya?” tanong ni Ayako sa akin na pabulong habang papalakad kami at nakakasalubong namin sila. Medyo naramdaman kong humigpit ang kapit sa akin ni Ayako.
“Siguro,” I shrugged. I don’t really mind but those people in surgical masks were definitely weird.
Ramdam ko na takot si Ayako dahil hindi siya kumakapit sa akin ng ganun kahigpit.
Para mawala ang takot ni Ayako at maramdaman niyang secured siya…
“Okay ka lang?” sabi ko.
Tumango siya.
Then, I replied with a smile.
It may be comforting for Ayako but I can sense that behind us were group of smiling eyes in surgical masks as well...
Chapter 1 End.
To be continued...
Ang talagang purpose ko lang ay isulat ang concept ng 23:57 at wala akong pen at paper kaya Wattpad ang naging medium ko noon at ngayon ay nasa Webkom na.