19th Incident: Visit 来遊 

Room 505. 

Hinihingal pa rin ako. Nanlalamig. Nanginginig.

Kasama ko sa loob ng apartment na ito si Ayako at si Rio. Hindi ko pa rin lubos maisip kung paano naming nai-survive ang nakakatakot na maglapit ng multo ni Oliver sa amin.

Kanina lang ay malapitang nakikita namin ang mukha niyang nakangiti at basag na. Pero nasa harap na pala naming si Rio at nagsaboy ng asin. Nawala si Oliver. Pansamantala.

Hinihintay kami ni Oya-san at ng nanay ko na magksasama at naguusap sa common room tungkol sa incident na nangyari sa loob ng apartment ko. Narinig nila ang hiyaw ni Ayako at nang magtanong sila ay hindi na ako sumagot. Si Rio na ang nagpalusot para sa amin. Hanggang sa binigyan na kami ng susi ni Oya-san para sa room 505 ng apartment building.

Pumasok kami ni Ayako at ng mom ko sa apartment at hindi pa nga nagagamit ito. Kasunod namin si Rio at si Oya-san na sinamahan kami para sa bagong kwarto. Napansin ko na may tinatapal na si Rio sa pintuan ko. Isang ofuda. Kung dati ay hindi ako naniniwala sa mga rectangular papers na may Japanese characters na ito, ngayon ay nagiging pag-asa ko na ito. Dahil iilan lang naman ito sa mga pwedeng maka protekta sa amin sa mga vengeful ghosts ng 23:57. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung bakit sila tinawag na vengeful ghosts ni Rio kung nag-suicide sila.

Nauna na si Oya-san sa amin dahil kailangan pa raw niyang makapagbigay ng statements sa police about the incident. Mukha na siyang pagod. Matanda na rin kasi siya at bukod pa doon ay winter pa. Siyempre, kailangan niya pang asikasuhin ang financial reports ng damage dahil may namatay sa apartment na pinapaupahan niya. That's just exhausting.

Pagkalabas ni Oya-san, nakita ko na nakaabang sa labas ang batang nakabuntot sa nanay ko. I immediately closed the door. For a moment, I don't know if I was freaked out or losing all the sanity I have. Hingal lang ako ng hingal.

"Okay ka lang ba dito, anak?" tanong ng mom ko sa akin. Hindi ko siya sinagot pero nginitian ko siya. Hindi ko naman talaga kayang maging okay sa ngayon pero kahit papaano kailangan na may assurance ang nanay ko na okay na ako— kahit hindi naman talaga.

"Ano bang nangyari?" tanong ng mom ko habang magkakasama kami ni Rio sa living room. Si Ayako naman ay inaayos ang mga dala-dala nila ng mom ko sa isang sulok. Inilabas na rin ni Ayako ang binili nilang drinks t inihanda sa aming apat.

Hindi ko alam kung paano sisimulan pero sinubukan ko...

"While I was in Rio's house, I got a call from Investigator Yamamura and told me that there was a dead body inside my apartment. Of course, I immediately went home."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy...

"Then nalaman ko na si Oliver ang namatay. I don't know how he was able to enter my room. Ang alam ko lang magulo ang kwarto ko and he's dead there. Nothing was stolen. Someone was looking something inside my room."

"What could that possibly be?" mom asked.

"A filecase, I think. My filecase." That's the only answer that popped in my head. It's a random realization but that's the only thing I can think of. "It has everything I need to know about something."

At tinignan ko si Ayako. Hindi ko maipaliwanag ng maigi sa mom ko dahil nandun ang takot ko na baka madamay siya. Well. Nadadamay na siya I think.

"We really need that filecase then." Ayako said.

"I have no idea on what you're talking about." Rio added.

Mom did not reply.

"Mom, do you believe in ghosts?" I asked. I gathered all the courage I could get in this question. Kasi magmumukha lang akong nababaliw sa harap ng nanay ko kung tatanungin ko ito pero, I have to know what she thinks.

"I do." She said.

"Why did this suddenly become all about ghosts now?" tawang sagot ng nanay ko sa akin. I am not sure if she replied in jest para maging light ang ambience ng room. Mom always do this when things get awkward.

"Of course she believes in ghosts." Rio said. "Everyone has their own ghosts."

At tumawa si Rio. At naging awkward ulit kami. Magaling.

"Mom. Do you know Investigator Yamamura?" Kailangan ko lang maitanong.

Napansin kong pinagpawisan ang mukha ng nanay ko at nanginginig ang bibig niya. Paiba-iba na siya ng direction ng tinitignan at hindi pa man nagsasalita ay pakiramdam ko ay mauutal siya.

Ring!

I saw the phone screen

Pangga calling...

Pangga means "Love" in Ilonggo.

Okay, I don't know if that was awful or sweet. But that totally did break the ice. Also, breaking the mood. And, I never got my answer.

Mom talked to dad for a bit. I have no idea of what they're talking about kasi lumayo ang nanay ko.

Katabi ko si Ayako at katapat naman niya si Rio.

"Ayako, may gusto kang sabihin sa akin kanina hindi ba?" tanong ko.

"Mamaya ko na lang ikukwento sayo." Mahinang sagot ni Ayako sa akin dahil papalapit na ang nanay ko. I think Ayako knows that I am trying to protect this secret to my mom too.

We can't just tell her that we're cursed right after she had a conversation with dad.

Nang makalapit na ang nanay ko at tinanong ko siya ulit.

"Ma, kilala mo ba si Investiga—" hindi pa ako tapos ay pinutol na ako ng mom ko.

"I know this is sudden but I really need to go."

Nagpasya nang umuwi ang nanay ko dahil kailangan pa raw niyang maghanda ng dinner para sa dad ko. I am not sure about that. It just felt weird.

Why is she evading the question about Investigator Yamamura?

Ayoko talaga siyang umalis. Lalo na nang mapansin ko na naghihintay sa labas ng pintuan ko ang batang nakabuntot sa nanay ko. Hindi siya makapasok siguro dahil sa ofuda na nasa pinto ng apartment ko.

Hihihi!

Nakakakilabot na isiping makakasama ng nanay ko ang batang ito sa pag-uwi.

Gusto ko mang pigilan ang nanay ko, pero alam ko sa sarili ko na maguguluhan at matatakot lang rin siya.

Naglabas si Rio ng beaded bracelet at ipinasuot niya sa nanay ko. Sabi niya, regalo daw niya ito s kanya. Nagtataka naman ang nanay ko pero tinanggap naman niya ang regalo at nagpasalamat. Ang alam ko, kung ano man 'yun, mapo-protektahan nun ang nanay ko. Napansin ko rin na habang hindi alam ng nanay ko, may inilagay siyang omamori charm sa loob ng bag ng nanay ko. This kid! I don't know if that's a good or bad. Tsk!

"O sige mauna na ako." Paalam ng nanay ko sa pintuan ng room 505 na ayaw nang magpahatid sa elevator.

Nang maglakad ang nanay ko, napansin ko na hindi makalapit ang bata sa nanay ko. I am relieved.

Pero ang ikinagulat ko ay ang paghubad ng nanay ko ng bracelet na ibinigay ni Rio sa kanya at hinawakan niya ang ulo ng batang iyon.

Hindi ko nakita ang mukha ng nanay ko. At pumasok na silang pareho sa loob ng elevator.

Hihihi!

Nag echoe ang boses na yun nang magsara ang pinto. Napalunok ako at malamig na pawis naramdaman kong gumapang sa pisngi ko.

Wait. Teka lang.

Hingal na hingal ako at nanghina ang tuhod ko. Anong nangyayari? Hindi ito maproseso ng utak ko. Alam ba ng mom ko na sumusunod ang bata sa kanya? Sino ang batang 'yun? At kung alam ng mom ko na sinusundan siya, anong ibig sabihin 'nun?

Ang dami na ng mga nangyayari, sumasakit na ang ulo ko.

Eventually, I decided to run and follow pero masyado na silang malayo. Nasilip ko sila sa labas mula sa view ng 5th floor. Nakasakay na ng taxi ang nanay ko. Mula sa loob, nakatingin ang bata sa akin.

No. No. No...

What should I do?

I wanted to chase them. Pero hindi ko na maramdaman ang paa ko.

Biglang namalayan ko na lang na nasa harap ko na sina Ayako at si Rio. Wala pala akong suot na slippers at hindi ko na maramdaman ang paa ko sa sobrang lamig ng winter.

"T-teka lang. Kukuha ako ng blanket at slippers!" Tumakbo pabalik si Ayako para makakuha ng blanket dahil nakaramdam na ako ng panginginig.

"Ang nanay ko..." at agad akong pinigilan ni Rio sa pagsasalita.

"Nasa curse din ang mom mo." Binulungan ako ni Rio. "Pwede mo silang sundan kasama ng batang nakaaligid sa mom mo. PERO, wala ka ring magagawa."

Tinignan ko si Rio ng nagtataka.

"Baka may mangyaring masama lalo sa kanya kung wala akong gagawin." Matapos kong sabihin ito ay nagsimula na akong makaramdam ng lamig.

"Pero pwede kang bumalik ng apartment at alamin ang gustong sabihin ni Ayako-chan. At pwede pa kitang matulungan." Dagdag ni Rio. "Hinubad man ng mom mo ang bracelet, may inilagay naman akong omamori sa bag niya. Ano, kakalma ka na?"

Hindi ako sigurado kung tama ang desisyon ko. Pero may point si Rio. Mas maganda kung malalaman ko muna lahat bago ako mag-react. I think assurance na rin na tinulungan niya ang nanay ko na kahit papaano mapagkakatiwalaan ko si Rio.

Tumayo ako at naglakad pabalik ng apartment. Habang naiwan na si Rio.

Napuna ni Ayako na balisa ako at parang nalilito at wala sa sarili nang pumasok ako sa loob ng apartment. Pero agad naman akong umiling nang tanungin niya ako. Ayoko munang idagdag ito sa mga dapat kong isipin.

Dumating naman si Rio na may dala-dalang pagkain mula daw sa lolo niya. Bumaba nap ala siya.

Gusto ko nang magsalita kay Ayako tungkol sa nanay ko pero nang maguumpisa na ako ay agad namang sumingit si Rio.

"Ano nga ba ang gusto mong sabihin sa amin Ayako?" tanong ni Rio na parang mini-mislead niya ang usapang ito. Pero tama rin naman, kaya kami nandito ngayon ay para pag-usapan ang mga pangyayaring ito sa isang appropriate na lugar. Kung ano man ang gustong sabihin ni Ayako sa akin.

At dito sa room 505, malalaman ko ang totoo tungkol kay Oliver...

Hinihingal pa rin ako at nanginginig. Pero pinili ko pa rin ang pakinggan ang gustong sabihin ni Ayako sa amin ni Rio. Ang awkward lang na tatlo kaming nasa loob ng kwartong ito pero mas overwhelmed ako sa lahat ng mga nangyayari ngayon.

"Anong gusto mong sabihin tungkol kay Oliver, Ayako?" tanong ko.

Noong una ay hesitant si Ayako. Pero tinitigan ko siya at naintindihan niya ang titig ko na gusto ko malaman ang totoo mula sa kanya.

"Nagkakilala na kami ni Oliver noon pa." Panimula ni Ayako. "Noong araw na dapat ay bibisitahin kita sa ospital, magkakilala na kami. Nalaman niya ang tungkol sa curse ng 23:57. At ipinaliwanag ko sa kanya ang situation. Akala ko noong una ay sisisihin niya ako sa pangyayari. Pero hiningi niya ang tulong ko."

"Cursed din si Oliver, 'di ba?" singit na tanong ni Rio. Wrong timing talaga to parati e. Tinanguan ko siya at tumahimik na siya.

"Humingi siya ng pabor na magsinungaling kami kay Daisy." Patuloy ni Ayako sa pagkukwento.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Noong nasa Shibuya hospital ka, napagkasunduan namin ni Oliver na magsinungaling kay Daisy. Kunwari ay binigyan ko siya ng dugo para kumalma siya. Dahil natatakot siya sa akin. Ayaw ni Oliver na natatakot si Daisy sa akin dahil lumalala daw ang sitwasyon at nagiging delikado ang kondisyon niya. At dahil may paranoia na raw si Daisy sa kanya. Kaya kailangan naming magsinungaling."

Kaya pala sila nagtitinginan na parang magkasabwat silang dalawa. Kung alam ko lang eh hindi na lalong lumala ang pagdududa ko sa kanya. May halong asar at pikon ang unti-unting namumuo sa akin ngayon.

"Bakit hindi mo ako sinabihan?" tanong ko sa kanya. Naramdaman kong humahapdi na ang mga mata ko. Kasabay niyo ang pag init ng mukha ko at ang pagsikip ng dibdib ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit ko matuwa sa nalaman ko ngayon.

"Yuya... Katabi mo lang si Daisy sa kwarto. At hindi mo ba naalala, pinaalis ako ng hospital nang sakalin kita? Dahil kay Ayame..."

At bumalik na naman ang lahat ng memories ko ng event nang ma-control ni Ayame si Ayako.

Sino ba kasi si Ayame?

"Ayako, who is Ayame? Bakit ganun na lang ang kailangan niyang gawin. Kapatid mo siya hindi ba?"

"Ayame is not my sister."

"What do you mean?!" I asked.

"She is my childhood friend. We used to be best friends."

"And then she got to absorbed to be your friend." Rio added.

"How did you know?"

"Hula lang." Rio replied while smirking.

"So how come na magkamukha kayo?" This is really confusing!

"She—She went under the knives to copy everything about me. She said, she wanted to me be." At humagulgol si Ayako. At hindi na siya nagsalita.

"Then what happened?" I asked.

"I don't want to remember it." Ayako whispered.

"Something terrible probably happened." Rio added while looking at his nails. "It's best to let her speak about it when she's comfortable saying it to you."

Pinipiga ko na ba ng information si Ayako?

No, I don't think so.

I sighed. At pinakalma siya. Kung ayaw niya munang magsalita, wala na rin naman akong magagawa.

After several minutes, kumalma na rin si Ayako. Kinuha niya ang isang plastic bottle ng gamot sa loob ng bag niya. At ininom niya iyon.

"Umiinom ka ng anti depressant? Kailan pa?"

"Since last week. I had to undergo counseling too."

Hindi ko alam ang mga ito. How come? It's terrible that I don't know a lot of things about Ayako. At ngayon, pati ang condition niya, huli ko na nalaman?

Pero pinili kong huwag magalit kasi wala rin namang patutunguhan kung magagalit ako. Lalo na at may isa pa kaming kasama sa kwarto.

"Sige, dito ka na muna magpahinga." Alok ko habang pinahiga ko siya at kinumutan. Matapos ay hinaplos-haplos ko ang ulo niya.

"Ano na ang gagawin natin, Yuya?" tanong ni Ayako sa akin.

"Pupunta tayong ShibuyaHospital. Si Daisy, kailangan may makuha rin tayong info sa kanya."

"Hindi kaya makakasama sa condition ni Daisy kung bibisita tayo sa kanya?" Ayako is pretty worried.

Napaisip ako. Pero wala na akong choice.

"Pero kung patay na si Oliver at nagmumulto siya, delikado si Daisy." Sagot ni Rio. "Well, sino ba si Daisy?"

"Kapatid ni Oliver si Daisy" sagot ko.

May point si Rio. Pero nakakaasar pala ang magpaliwanag nang magpaliwanag sa taong ito dahil late ko na siya nakilala. Kung hindi lang siya magaling sa mga paranormal things na 'to, iniwan ko na rin to e.

At dumilim na sa labas. 21:38. Maaga pa naman talaga pero nakaramdam na ako ng pagod. I just met this kid. Someone died in my room. A lot of things are going on just today. Kakalabas ko pa lang ng ShibuyaHospital at mukhang babalik na naman ako doon bukas. That's just like the most usual plot twist that is happening in every novel I read.

"Bukas, sa ShibuyaHospital tayo." Sabi ko kanila Rio at kay Ayako.

"Okay." Sagot ni Rio habang nakaupo na sa higaan namin ni Ayako.

"Anong ginagawa mo?"

Tumingin ang mga mata ni Rio pakaliwa at pakanan at ibinalik ito sa akin at wala pa ring isinagot.

Nakuha ko na.

"Ah. Wait. Hindi ka matutulog dito." Warning ko sa kanya.

"A-alam ko! Oo naman! Ang sungit a." Rio replied habang papalabas na siya ng pinto.

"Nililinaw ko lang."

Si Ayako naman at tinitignan kami habang pigil na natatawa. Binalikan ko siya ng "What?" na tingin.

At itinakip niya ang kumot sa buong mukha niya.

Umuuga ang kumot. Tumatawa siya.

Kanina, umiiyak ang girlfriend ko, tapos ngayon natatawa naman siya. Parang mababaliw na ako sa mga nangyayaring 'to e.

At isinara ko na ang pinto.

Maya-maya pa ay may kumatok ulit.

"Are you sure na okay lang kayo dito?"

"May problema ka ba Rio?!" asar kong sagot.

"Wala naman."

"Kailangan na naming magpahinga."

"Okay, just wear these tomorrow." Rio threw two bracelets at me.

"What are these?"

"Gifts."

And he left.

These things are probably one of the charms.

Nang isasara ko na ulit ang pinto ay nakita ko si Ayame. Galit na galit siyang nakatingin na sa akin. Mukha man ni Ayako ang nakikita ko, alam ko na si Ayame ito.

Pinili ko siyang huwag pansinin at isara ang pinto dahil alam ko sa sarili ko na hindi naman siya makakapasok sa kwarto.

Pero mali ako...

Dahil pagkalingon na pagkalingon ko, nasa loob na ng kwarto si Ayame.

Hihihi. 

RAYKOSEN Creator

19th Incident: Visit 来遊