18th Incident: Aura 霊気 

Babae ang nakita kong naglalakad na naka surgical masks na lumabas sa elevator at papalapit sa mag lolo na sina Oya-san at si Rio. Hindi ko maipaliwanag pero nanlamig ako. Siguro dahil na rin sa malamig sa labas. Duguan ang mga paa nito at naka puting damit. Ang buhok nito ay mahaba at ang balat nito ay nababalutan na rin ng sarili nitong dugo.

Nakatitig ang babaeng ito ng matalim sa mag lolo. Alam ko na kaya na ni Rio ang naka surgical mask na ito pero hindi ko pa rin mapigilang matakot.

Sinabuyan ni Rio ang multo ng asin at nawala ito. Sumenyas na si Rio na pwede na akong makaalis habang ang lolo naman niya ay nagtataka. Lumabas na ako ng apartment building para sunduin si Ayako sa station. Maraming mga tao sa labas at may mga pulis pa rin na nagbabantay sa vicinity ng apartment building.

Napahinto ako saglit dahil nakaramdam na ako ng pagod. Ngayong araw ay marami na ang nangyari. I met this pink haired dude, Oliver died and then Rio-kun is Oya-san's grandson. I'm not sure on how will I process all of these in my head. One thing that makes these all worth it is that I am somehow close to get all the information I need.

Tak. Clack Shik.

Ito na naman ang pamilyar na tunog. At nasa likuran ko nanggagaling ang mga tunog na 'yon na ayaw ko nang marinig. Kahit hinihingal ako, sinubukan ko pa ring maglakad papalayo. Pero mas lalong lumalapit ang tunog na iyon na parang bumubulong sa tenga ko.

Kinapa ko ang jacket ko. Hinahanap ko ang asin na dinala ko mula sa bahay ni Rio-kun. Pero wala. Patuloy pa rin akong nagmamadali at mas binilisan ko pa ang paglalakad para sunduin si Ayako.

Bakit naman ngayon pa ako sinusundan ng mga ito? Argh! So frustrating.

And what's more frustrating is that I can't find that friggin' salt!

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Napalingon ako at nakita ko ang mabilis na paglalakad ng mga naka surgical masks papalapit sa akin. Mapupula ang mga nakangiting mga mata nito at mas mabilis na sila ngayon. Actually, ilang hakbang na lang at malapit na sila sa akin.

Shit! Hindi dapat ako tumingin!

Kinapa ko ulit ang jacket ko pero hindi ko makapa yung asin. Natunaw na kaya iyon? That's not possible. Winter ngayon. Argh!

Naramdaman ko na lang na may humawa sa batok kong malamig na kamay.

Nanlamig na naman ako pero hindi lang dahil sa winter ngayon. Naramdaman ko na lang na may parang sumaboy sa likuran ko. Asin nga.

Si Rio. Humabol pala. At iniwan niya ang lolo niya? Eh?

"I need to follow you. I told you, I need to find out the meaning of that Death card." Patuloy na sinabi ni Rio habang tumatakbo kami. Hindi na ako nakasagot. Ayoko nang magaksaya ng energy para makipagtalo sa batang 'to.

Wala pa kami sa station ay nakita ko na agad si Ayako na naka crimson red coat. May dala-dala siyang paperbag ng mga pinamili niya at kasama niya ang nanay ko.

"Anak! Tumakbo ka ba? Hingal na hingal ka a?" puna ng nanay ko sa akin na medyo nandilat ang mata dahil halos mapaluhod na ako sa sobrang pagod.

At nang mapaluhod ako sa harapan ng nanay ko ay nakita ko ulit ang batang babaeng nakakapit sa damit ng nanay ko. Nagulat ako dahil halos matanggal na ang kuko niya sa pagkakakapit sa damit ng nanay ko. Nakikita ko na ang basag nitong kuko at ang dugong tumutulo mula rito.

Napahiyaw ako at napaatras. Agad akong pinagtinginan ng mga tao sa paligid. Pero katulad ng Japanese custom, hindi sila dapat nakikialam sa iba pwera na lang kung may aksidente. Kaya naman matapos akong pagtinginan ay patuloy na ulit sila sa paglalakad.

Nilapitan ako ng nanay ko at ni Ayako dahil nagulat rin sila sa akin. Pero mas ikinagulat ko na nakangiti ng kakaiba si Ayako sa akin. Alam ko naman na si Ayame ito pero hindi ko pa rin maiwasan ang matakot. Well, matatakot kahit sino sa nakikita ko ngayon. Napaurong ulit ako at nabunggo ko si Rio na nasa likuran ko.

I have to compose myself. Inhale. Exhale.

At bumalik na ako sa dati. Not really but I think mas okay na ako ngayon.

"Ma! What are you doing here?! " Tanong ko dahil nagtataka pa rin ako kung bakit silang dalawa ay magkasama.

"Magkasama kami ni Ayako kanina pa pero hindi ko pinasabi sa kanya kasi gusto kong sorpresahin ka. At nasorpresa ka nga. At kani-kanina, nalaman namin ni Ayako ang tungkol sa nangyari. Pinaguusapan kanina sa train pero naguguluhan pa rin ako. Anong nangyari?"

"Sa apartment ko po. May namatay."

"Ha?!" sabay si Ayako at si mama. Medyo iba na rin ang tingin nila sa akin.

"Wait wait. It's not what you're thinking. I did not kill this person. Pagdating ko patay na siya. Investigator Yamamura informed me when he saw the dead body too."

"Who is this dead person?" Ayako asked.

"Siya si Oliver Figueroa."

Napatakip ng bibig si Ayako nang marinig niya ang sinabi ko at agad ko siyang yinakap. At hinagod naman ng nanay ko ang likod ni Ayako. Wala naman idea ang nanay ko kung sino ang tinutukoy ko.

"I have to tell you something, Yuya." Ani ni Ayako sa akin habang shocked pa rin siya sa mga nangyari. "There is something about Oliver that you need to know."

"EHEM!" pa-epal ni Rio para makuha ang attention naming lahat. Ang galing talaga ng timing ng taong 'to e.

Napahawak ang nanay ko sa dibdib niya sa gulat dahil sa mababa pero malakas na boses na iyon galing kay Rio.

Rio bowed to my mom and to Ayako.

"I am Rio Sakurada. I am Yuuya-sempai's kouhai(junior) in RevelAcademy. Nice to meet you." Sambit ni Rio-kun na nasa harapan ko na.

Tumango naman ang girlfriend ko at ang nanay ko kay Rio bilang sagot at nagpakilala rin sila.

Pinuri ni Rio na maganda raw ang mata ni Ayako. At may kakaiba rin itong aura. Matapos na sabihin ito ay sumulyap si Rio sa akin.

Nakuha ko ang tingin na iyon. Gustong iparating sa akin ni Rio na may black aura na nakapaligid kay Ayako. Oo, dahil nasa sumpa rin siya. Hindi ko man nakikita ito, ito naman ang ipinahihiwatig ng tingin ni Rio sa akin.

Awkward na ngumiti si Ayako at ang nanay ko na patuloy naman ang pagkausap sa akin sa pamamagitan ng mga tingin niya. Sinagot ko rin na kibit balikat.

Nang makita ng Rio ang nanay ko, una niyang napuna ang batang nakakapit dito. At ibinalik niya ang tingin sa nanay ko.

"Ma'am, you are currently carrying a burden..." At nakatuon na ang tingin ni Rio sa mukha ng nanay ko. "Ma'am, you have to let your son carry the burden too."

Hindi ko alam ang ire-react ko. Gago 'to a. Gusto niya bang ilipat sakin yang batang yan? Teka, ayoko rin naman na nasa nanay ko yang nakakapit sa kanya pero hindi ibig sabihin na kailangan ako ang umako diyan. May iba pa sigurong paraan.

Alam ko na wi-wirduhan na ang nanay ko sa kanya. Pero naiintindihan ko ang alam ni Rio. Medyo nakukuha na rin ni Ayako ang sinasabi ni Rio at nagkatinginan rin kami.

Ngayon, halos lahat kami nagkakaintindihan sa tingin pa lang.

"Whatever it is that Ayako wants to tell about Oliver, it would be great if we talk about it to a place that is appropriate." Rio suggested.

He has a point.

"Ma, I cannot let you enter my apartment kaya baka sa common room ko na lang kayo maipapasok habang wala pa ang pansamantalang kwarto ko na ipinangako ni Oya-san sa akin."

"Pwede naman sa apartment ko muna kayo tumuloy. Ayoko rin kasing mag isa ngayon. Lalo na at may nangyari sa apartment ni Yuya" suggestion ni Ayako sa aming lahat.

"Thank you, Ayako-chan! Tara na!" Sagot ni Rio.

Teka lang! Maka "chan" to si Rio. Kaka-kilala pa lang niya sa girlfriend ko a!

"'Seriously, hindi kayo papabayaan ng lolo ko. Sinabi naman niya kanina na maghahanap siya ng bakanteng kwarto para sayo Yuya-san. Pwede kayo mag usap doon." Patuloy sa paglalakad si Rio.

Nagulat ang nanay ko at ang GF ko na nagtagalog si Rio. Ipinaliwanag ko ito habang naglalakad kami pabalik sa apartment. Ikinuwento ko rin kung paano ako nagulat nang malaman ko na ang may ari ng apartment building na tinitirahan ko ay lolo niya. 1

Nang makarating kami sa apartment, unang bumungad sa amin ang mga pulis na nasa labas. Doubtful ang nanay ko at si Ayako na pumasok. Nagsimula na rin akong magdalawang kung papasok pa ba kami o magre-rent na lang kami ni Ayako ng ibang kwarto pansamantala. Ang mom ko naman ay may bahay sa Asakusa kasama ang dad ko kaya okay lang. Paalis na sana kami nang biglang lumabas si Oya-san at tinawag ang apo niya. Kasabay nito ang paglabas ni Investigator Yamamura.

Medyo napaurong ang mom ko at pumwesto sa likuran ko nang makita niya si investigator.

"Are you done with the investigating?" I asked Investigator Yamamura.

"Yeah. Someone already arrived earlier to inspect and I think I'm done for today." Sagot niya habang kinukuha niya ang winter gloves niya sa loob ng trenchcoat niya. Napuna ko na may sugat siya sa kamay habang isinusuot niya ang leather winter gloves niya. Hindi ko 'to napuna kanina. Siguro dahil na-shock pa ako sa pagkamatay ni Oliver.

"Wait, have I met you before?" tanong niya sa nanay ko.

"I don't think so." Sagot ng nanay ko. At humigpit ang kapit niya sa braso ko. There is certainly something wrong that is going on.

"She's my mom." I interrupted. "Mom, this is investigator Yamamura."

Ipinakilala ko sila sa isa't isa pero alam ko na parang may kakaiba. Ayoko namang mag-isip ng masama kaya nagtanong na lang ako.

"So, Investigator Yamamura, where are you headed?" I asked Investigator Yamamura.

"I'm going to go home and call it a day." Sagot ni investigator.

Maya-maya lang ay lumabas na rin mga assistant forensic officers na may dala-dalang stretcher. Sigurado ako na kahit na natatakpan ng puting tela ang katawan na nasa stecher ay si Oliver ito.

Rio interrupted the two forensics at ibinalik niya ang kamay ni Oliver na naka labas sa puting tela.

"What are you doing?! You might destroy any evidences there anr imprint your own fingerpritnts! Don't get yourself into trouble!" sabi ng isang forensics officer.

Itinaas ni Rio ang kamay niya at nag sorry na hindi naman bukal sa loob niya.

Nagpaalam na si Investigator Yamamura kasabay ng mga forensics at patuloy sa paglalakad.

Lumabas na rin si Oya-san para tawagin kami. Magkakilala na rin si Oya-san at ang mom ko kaya mas lalong nakita ko na naging mas maasikaso si Oya-san. Nauna na ang mom ko at si Oya-san.

Magkatabi na kami ni Ayako at nahuli si Rio sa paglalakad. Agad niyang hinawakan ang mga balikat namin ni Ayako at may itinuro sa isang poste.

Nakatayo doon ang duguan at basag na mukha ni Oliver.

Nakatingin siya sa direction kung saan dinala ang nagkay niya. His look is filled with anger and he is pointing his finger towards the ambulance where the assistant forensics officers put his body. Sa likuran niya, nakita ko ang dalawang naka surgical masks din. May mga namumukhaan na ako. Iba silang tatlo sa mga naka surgical masks na nakikita ko noon.

Tumingin si Oliver sa direksiyon naming at ngumiti siya. Basag ang mukha niya na katulad ng itsura niya nang makita ko ang mukha niya sa apartment ko. Tumulo ang dugo mula sa bibig niyang napupunit na.

Napahiyaw si Ayako at yinakap ko siya. Tumakbo kaming lahat papasok ng apartment building.

Nang lingunin ko si Rio, hindi na siya ang nasa likuran naming ni Ayako. Kitang-kita ko nang malapitan ang mukha ni Oliver at ang nakakatakot na ngiti niyang hindi na namin siguro makakalimutan kahit kailan...


 

RAYKOSEN Creator

18th Incident: Aura 霊気