17th Incident: Doubt 疑い
"I have to go!" pagpaalam ko kay Rio-kun. Agad akong tumayo at kumuha ng isang dakot ng asin na nasa isang jar na nakapatong sa shelf. Hindi naako nakapagpaalam para manghingi dahil na rin sa nagmamadali ako.
Kailangan ko talagang makauwi agad.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Rio sa akin. Excited ang tono ng boses niya.
"I need to go home."
"Wait! You can't go out of Red Cage—"
"I know! The people in surgical masks are currently at the door. But I still need to go if I have these salts." Agad kong sinabi sa kanya na wala na talagang makakapigil sa akin.
"No no no. It's not that. I just want you to pick a card before you get out of here."
Binalasa niya ang tarot card at inilatag ang mga iyon sa mesa.
"Pili ka ng isa!" nakangiti nitong sabi. Nakita ko ang mga mata niyang anticipated sa pagpili ko ng card.
What? Nakuha pa nitong manghula. But I can't just argue with this person, mas lalong tatagal ang usapan. Kaya pumili na ako ng isang card at ibinigay ko ito sa kanya.
"Death Card!" sambit ni Rio-kun na may nakatingin ang mga nanlalaking mga mata nito habang nakangiti. Kasabay nito ang pagwasiwas niya ng card sa mukha ko.
Kinabahan ako lalo kaya mas lalo akong nagmadali. Binuksan ko ang pinto at inihanda ko na ang sarili ko.
At gaya ng inaasahan, may mga naka surgical masks sa harap ng pinto. Duguan at nakangiti sila sa akin. Papasugod na sila sa akin ng bigla ko silang sabuyan ng asin.
Nawala silang bigla.
Binilisan ko ang pagtakbo. Naramdaman kong medyo nangangalay ang paa ko pero hindi ko na pinansin iyon. Mas importanteng makauwi ako.
Nag detour ako. Ayokong pumasok pabalik sa eskinita. Kaya pumunta ako sa lugar kung saan ay may maraming tao. But seriously, hindi ito ang assurance na safe na ako. Gusto ko lang ng may maraming tao sa paligid para lumakas ang loob ko.
Nakarating ako ng 109 building at tumawid ng Shibuya crossing. Yes, nasa Hachiko entrance na rin ako sa wakas. Tumakbo ako ng mabilis papuntang Shibuya Station.
Naramdaman ko na lang na may sumusunod sa akin. Si Rio. Nakangiti at kumakaway sa likuran ko at isang hakbang lang ang layo niya sa akin.
"What are you doing?" sagot ko habang tuloy pa rin ako sa pagtakbo papababa ng stairs papuntang Hanzomon platform. Wala akong pinapakitang emotion sa kanya kahit nagulat akong nasa likod ko na lang siya.
"I am following you. You're funny! Ha ha!"
Tsk.
"Why are you following me?" tanong ko habang nag tap na ako ng passmo card para makapasok na.
"Well, I want to know clearly why you got the Death card."
"Probably because somebody died in my apartment" I'm not sure of what I've said though.
"Someone died in your apartment?" Oh yeah, he didn't know this.
"Yeah, and I will find out who."
"But Death card doesn't necessarily mean 'death"
Great. Tarot card lesson 101 with this kid.
"Death card means "to end of something" and it means there's "a new beginning". I'm going to find that out." Paliwanag niya .
"Cool, you're one of these fortune tellers?"
"I just learned all about Tarot Cards three months back. One of my curses. to predict future through this card."
"Really."
"I'm just kidding. This is not one of my curse, I just find reading Tarot cards cool. They say, the tarot never lies."
Yeah, whatever.
At sumakay na kami sa unang train na dumating. It's surprising that no paranormal things are happening. No supernatural are following us. No surgical masks. I thought, mas magiging weird ang mga mangyayari dahil kasama ko si Rio-kun. Pero kabaligtaran. I think the only thing that is surprising in this train is his striking get up.
Nang makarating kami sa apartment, maraming pulis ang nasa labas at may yellow tape. Nakiusap ako sa isang police kung pwede akong papasukin. Pinakita namin ni Rio-kun an gaming mga residence cards para ma confirm ang identity namin at ipinaalam ko na rin sa kanila na ang apartment room ko ang scene kung saan nakita ang dead body.
Agad naman nila akong pinapasok pero alangan silang papasukin ang kasama ko. Bakit kasi sumama pa 'to sa akin? Mukhang suspicious ang hitsura. Malamang hindi siya papapasukin niyan. Pero nagulat na lang ako nang bigla siyang papasukin nang may ibulong si Rio-kun dito. I am not sure but this person is getting suspicious for me. Pero that's not my priority. Somebody's dead in my apartment nd I need to get there.
Nagmadali akong pumasok nang main door ng apartment building nang biglang makabangga ako ng dalawang pulis.
Teka lang... Mamumukhaan ko sila!
Sila yung dalawang pulis na bumisita sa akin sa ShibuyaHospital para mag imbestiga sa report details nang ma confine ako.
Sina Police Inspector Ueda at Police Inspector Sawada. Pareho silang naka surgical masks. Mga police sila from Shibuya ward. Pero bakit nasa apartment building ko sila. Alam nilang nakikilala ko sila pero parang paiwas sila at mabilis ang paglakad nila papalayo sa amin. Gusto ko silang habulin pero nagmamadali na rin ako. I need to get inside immediately. Pero nagulat na lang ako nang biglang hinatak ni Rio-kun ang braso ni Police Inspector Ueda.
"You are one of the cursed ones!" Nanlalaki ang mga mata ni Rio-kun nang sabihin niya ito. Walang sumagot at agad nilang inialis ang kamay ni Rio-kun at agad na sumakay.
Pansamantala akong napatitig sa kanila habang paalis ang mga police.
Anong nangyayari?
Pero hindi nagpaliwanag si Rio-kun at agad na dumiretso s apartment guilding door.
"What's going on?" tanong ko sa kanya.
"One of them is cursed. But we have far more important things to investigate. Right?"
"Right." I know it's surprising to know that one of those police is cursed but I need to go to my apartment and it's important.
Hindi ko na hinintay ang elevator at agad na akong nag stairs. Napansin kong hindi sumunod si Rio sa akin. Nasaan na siya?
At nakita ko si Rio na parang may tinitignan sa main desk sa ground floor.
"Oi, Rio! Anong ginagawa mo? We need to go to my apartment!" asar kong sita sa batang 'to.
"Mauna ka na. Mag e-elevator ako. Naka boots ako. Kanina pa tayo takbo ng takbo. Ang sakit na ng paa ko." Sagot niya pero parang hindi naman. Kasi iba ang espression ng mukha niya. Parang may tinitignan siya sa desk.
At saka ba't kasi pa siya sumama?
Tinanong ni Rio kung anong floor at room number ko at agad akong umakyat ng stairs.
Kabado akong papalapit sa room 303. Ang apartment ko. Bukas ang pinto. Ang weird pero walang nag iimbistiga sa paligid. Agad akong pumasok. Maliit lang ang kwarto ko kaya kitang kita ko ang lahat kahit nasa pintuan pa lang ako.
And there it is. The dead body in my room.
Lalake ito... Duguan ang mukha niya. Hindi ko nakilala dahil halos mapuno na nang dugo ang buon mukha niya. Pero nakikilala ako ang build ng katawan niya. At ang uniform na suot niya. Uniform ng manager ng Private I Café.
Si Oliver!
Nawalan na ng lakas ang mga tuhod ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman. Somehow nagpapasalamat ako at hindi ito si Ayako. Still, I did not saw this coming. Patay na si Oliver.
Pero kaka-kausap ko lang sa kanya kanina a. Why did this happened? Bibisitahin pa niya si Daisy sa ShibuyaHospital 'di ba?
Why is he here? Why is he here in my apartment and dead?!
Biglang may pumasok sa loob ng apartment ko.
"Investigator Yamamura?!"
Hindi siya umimik.
Ting!
At nandito na si Rio.
"Who's this?" sabay na tanong sa akin ni Rio-kun at ni Investigator Yamamaura sa akin at habang turo-turo nila ang isa't-isa.
Matapos ang pagpapakilala ko sa kanila, saka na ako nagtanong.
"What's going on, investigator?"
"Not sure exactly but I have few clues of what's going on. I think he was trying to find something in your house. Look." At itinuro niya ang kalat kalat kong gamit.
Magulo na ang shelves ko at pati ang drawers. Hinanap ko agad ang isang box kung saan nakalagay lahat ng importanteng documents ko. Safe ang passport, passbook, at mga documents ko. Walang nakuha. Hindi ko naman ugali ang mag iwan ng pera sa kwarto pero hindi ako nanakawan ng kung anong importante.
"Anything missing?" tanong ni Yamamura sa akin.
"Nothing. That's strange."
"Maybe he did not found what he's looking for." Rio-kun replied. "Perhaps, he was unable to—because he was, well... killed."
"Ehem, kid please do not intrude." Sabi ni Investigator Yamamura kay Rio. "Let me handle this case."
"Let me tell you what I think. Both of you're looking for the same thing." Nakangiti si Rio-kun na nakalapit ang mukha niya kay Investigator Yamamura.
Hindi na nakasagot si Investigator Yamamura.
"Investigator Yamamura, what is it?" tanong ko.
"Wait, do you believe this kid?" medyo asar na si Investigator Yamamura.
"But I can't fully trust you either." Sagot ko.
Natawa naman si Rio. Nagawa pa niyang matawa sa ganitong scenario. This kid.
"Okay. I think Oliver was looking for the missing plastic file case before he died." isplika ni Investigator Yamamura.
"And I remember, you want to know the content of the plastic file case" sagot ko habang nare-realize ko ang sinasabi niya sa akin.
"Yeah. Of course! I mean, I want to know all the information that the missing file case has!" sagot ni investigator sa akin.
"And both of you think that I am hiding it? Di ba sinabi ko na na nawawala ang plastic file case?"
"But I won't do something like this. One angle is that Oliver is the only one doubting you. And I am doubting Oliver." Paliwanag ni Investigator Yamamura.
Cool.
"What is this plastic file case?" tanong ni Rio-kun.
"Shut up ka muna diyan!" Tinabla ko na siya dahil magugulo ang usapan.
"What do you mean by not trusting Oliver?" patuloy ko sa pagtanong kay Investigator Yamamura.
"Matagal ko nang minamanmanan si Oliver simula nang nasa hospital pa tayo. Just a hunch because he's suspicious." Kasabay nito ang suspicious look din niya kay Rio-kun. "Habang sinusundan ko siya kanina, dumiretso siya dito. Nalaman ko na ito pala ang apartment mo. Kaya ko rin nalaman na may scene dito dahil nakita ko ang katawan niya nang katukin ko ang pinto."
"Wait. You mean, you are the first witness? So you're counted as one of the suspects." Rio-kun asked.
Doon na akong magsimulang magduda.
"I know what you're thinking but I did not kill this person! I called you immediately when I found out that he's dead." Paliwanag ni investigator sa akin.
"Then how come that you know that he's dead?!" I asked.
"He screamed and there was a loud noise. It seemed like his head was slammed on the ground. I think the near apartment neighbors heard the scream and noise. When I heard it, that's when I decided to step in. And then, I found out that this is your place and called you." Tuloy-tuloy ang pagpapaliwanag ni Investigator Yamamura sa akin. This person can't be lying.
"I am not sure if I can believe that." Sabi ni Rio habang natatawa.
"Excuse me, kid. Don't bother us. Why is he here anyways?" asar na asar na tanong sa akin ni investigator Yamamura.
Hindi na ako nakasagot at pinalabas na siya ng kwarto. Nakakapagtaka lang ng hindi lumalaban si Rio at hindi siya nagsalita.
Hinabol ko siya pero bumaba na siya at pasara an ang pinto. Kumaway lang si Rio sa akin at sinabing maghihintay siya sa baba. At sumara na ang pinto ng elevator.
"What are you doing?!" tanong ko kay investigator.
"Are you seriously asking that question to me? What is he doing here?! This is a crime scene! He shouldn't be here!"
Pero nakakaduda lang si Investigator Yamamura. Naalala ko na underage pa pala si Rio-kun kaya okay na rin ang umalis siya.
Napansin ko ang pinto ko na sira na ang door knob.
"So, Oliver destroyed the door in order to get in."
"Un." Sagot ni Investigator Yamamura na tumango.
"Why are you investigating by yourself here?" dineretsa ko na siya.
"I was with the other police. I was handling this case because I am an investigator and I personally wanted them out of the scene so I can talk to you more about the connection of this scene to 23:57."
"So, there is a possibility that someone out there killed Oliver."
"I think the people in surgical masks might be behind all this. I mean, that's not impossible." Paliwanag ni Investigator Yamamura.
Somehow, hindi ako kumbinsido dito. Pero hindi ko siya pwedeng kontrahin ngayon dahil dalawa lang kaming nandito. Pero may naisip akong isa pang angulo.
"Or probably the two police that I saw are involved too."
"What do you mean?"
"While I was in ShibuyaHospital, two police did their investigation and then I saw them again exiting the apartment building."
"So, that's probably it!" sagot niya sa akin.
Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung tama ba ang naisip ko. Andami na ng mga nangyayari. At kakalabas ko pa lang sa hospital kahapon at nangyari naman ito ngayon. This 23:57 has to be resolved already.
"Nasaan si Ayako? I need to see her." Matapos ang lahat ng mga mabilis na pangyayaring ito, kailangan ko na maktia ang purpose kung bakit ako umuwi agad.
Nasaan na si Ayako?
Agad akong lumabas ng kwarto para puntahan ang katapat kong kwarto. Ang room 310. Ang apartment ni Ayako.
Pero walang nagbubukas ng pinto.
Kasunod ko si Investigator Yamamura.
Kinalabog ko na ang pinto. At sinita ako ni Oya-san. Nakita ko siya na nasa alley na kinakausap ang mga kapit bahay namin. Siguro standard na ito dahil nagkaroon nga ng incident sa apartment.
Agad akong humingi ng dispensa. Though, he is still kind to me and told me he was very sorry about the incident in my place.
"I will transfer you to a vacant room for the mean time." This man is really one of the kindest person I've ever met in Tokyo.
"Thank you very much, Oya-san."
Ipinaliwanag naman ni Investigator Yamamura ang pangyayari kay Oya-san. I excused myself. Iniwan ko na muna sila at bumaba. Hindi na ako mapakali. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Ayako.
"Ayako, are you home?!"
"Yuya? Nope, I went to Harajuku. I'm at the train now, going home."
"Are you close?"
"Just a station away now. Why? You sound odd. What happened?"
"I will wait for you at the station."
"Okay."
Agad kong ibinaba ang phone at sakto ang pagbukas ng pinto ng elevator.
Nasa tapat ng pinto si Rio na may iniinom na grape juice. Hula ko binili niya yun sa vending machine sa ground floor. Pero nagulat na lang ako nang nakita kong bukas ang fridge na nasa desk.
Holy crap! Nangingialam tong batang 'to ng hindi kanya. This is bad!
"Bakit mo kinuha yung hindi sayo?"
"Nauuhaw na ako e."
Wala talagan matinong logic 'tong batang 'to e.
Bumili na lang ako ng bago sa vending machine at pinalitan ko yung drink.
"You know, you don't have to do that." Natatawang sabi ni Rio sa akin at ininom niya ang grape juice.
Argh! Nakaka-stress na 'tong batang 'to.
"You're welcome." Sagot ko.
Nakakahiya. Baka kung anong masabi sa amin pag nalaman na may nangialam ng gamit sa desk area. Kahit walang tao dun hindi ka dapat nangingialam ng hindi sayo.
Hindi ko alam kung isasama ko ba 'tong batang 'to sa paglabas ko o iiwanan ko siya. Pero sigurado ako na kahit saan man 'to maiwan, gagawa na naman 'to ng ikakasakit ng ulo ko e.
Napagdesisyunan ko na iwanan na lang siya dahil nagmamadali na akong lumabas ng apartment. Pero bago pa ako makalabas ay bumukas na ang pinto ng elevator.
Nakita kong lumabas si Oya-san sa elevator. Gusto ko nang dumiretso pero ayoko namang maging bastos. Kaya hinintay ko siyang makalabas para batiin at magpaalam na lalabas.
Nakita kong agad na kinausap niya si Rio.
"Rio, my grandson, it's been a while." Naluluhang sabi ni Oya-san. ""Welcome home."
So kaya pala pinapasok siya agad sa apartment ng walang problema dahil apo siya ng may-ari. Nakita ko ang awkwardness nila sa isa't isa.
Yinakap ni Oya-san ang apo niya habang umiiyak pero walang reaction si Rio dito. Blanko lang.
Tahimik na akong lumabas nang mapansin kong may nakayapak na lumabas pintuan ng elevator.
At tama nga ako. Naka surgical mask nga ito...
17th Incident: Doubt 疑い