16th Incident: Red Cageレッドケージ 

Red surgical mask. Spider print shirt. Yellow boots.

 Pink hair.

Ibinaba niya ang pula niyang surgical mask. At sabay nito ang pagsenyas niyang sundan ko siya habang tumatawa.

 I knew this person!

"I want to really laugh hard at you right now but we have to run as fast as we can and get out of here." sabi ni pink haired dude sa akin. At itinuro ng nguso niya ang nasa likuran namin. "They are following us."


 Tak. Clack. Shk.

Napalunok ako at nanlamig sa narinig ko. Ayokong tumingin at agad kong binilisan ang paglalakad at pagsunod sa pink haired dude na 'yun. Mabilis akong tumakbo pero hindi ko pa rin mahabol ng malapitan ang taong 'to.

Patuloy kaming tumakbo at papalabas ng eskinita. Naramdaman kong nakatapak ako sa basing parte ng sahig at nadulas ako.

Ang sakit ng pagkakalaglag ko sa sahig at naramdaman kong parang nakukuryente ang mga binti ko nang subukan kong tumayo.


 Tak. Clack. Shik.

Shit! Bakit ngayon pa ako nadulas! Damn!

Pinilit kong tumayo at kumapit sa isang tube na nakakabit sa pader na malapit sa akin. Pero hindi talaga kaya. Tumindi ang nakukuryenteng pakiramdam ng binti ko at hindi ako makapaglakad. Ni hindi ko magalaw ito. Nakatayo man ako pero hindi na ako makapaglakad.


Tak. Clack. Shik.

What should I do?

AAAAHHHH!

Sumigaw ako dahil bukod sa sumasakit ang paa ko ay kailangan kong makuha ang attention ni pink haired dude. Nakakahiya para sa akin na pinulikat pa ako at kailangan niya akong tulungan pero kailangan kong makaalis dito. Also, I need to know what he knows.

Lumingon si pink haired dude at natatawa siyang bumalik. Naasar na talaga ako sa ka wirduhan ng gagong 'to pero kailangan kong makaalis dito.

Hindi ko rin alam kung bakit ayokong maabutan ng mga sumusunod bukod sa hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin kapag naiwan ako dito.

Nanlamig ako at nanginig.

Sinuportahan ako ng pink haired guy sa paglalakad habang patuloy kami sa isang malapit na apartment.

"Malapit na tayo sa safe area." Sabi niya.

Safe area? Really.


            Though, I need to trust this person. Binalikan niya ako. Ibig sabihin siguro nito, may kailangan rin siyang malaman about 23:57? Hindi kaya?

Biglang may humablot nang balikat ko. Bumilis ang paghinga ko at kasabay nito ang pagtibok ng puso ko. Malamig ito. At lalong humigpit ang kapit nito sa balikat ko. Ayokong lingunin ito.

Katapusan ko na ba?  

Biglang may isinaboy si pink haired dude na white powdered material habang tumatawa ito nang malakas. At nawala ang malamig na kumapit sa balikat ko. Tinamaan rin ako ng isinaboy niya at nalasahan ko ito. Asin.

Teka lang. Asin? Ang alam ko, aswang lang ang sinasabuyan ng asin. I don't have time for this curiosity! I need to get out of here real quick!

Tak. Clack. Shik.

            Mabilis na ito sa paglalakad papalapit sa amin. At binilisan na naming ang paglalakad. Hanggang sa halos kaladkarin na ako ni pink haired dude. Nakita namin ang pulang pinto sa lumang apartment building na may white star paint. Hindi ko alam pero medyo may duda ako sa pagpasok sa loob ng pintong iyon. Pero ayoko namang maabutan ng mga naka surgical masks.

            Pagpasok namin ay agad naming isinara ang pinto. Madilim sa lugar. Hingal ko lang ang naririnig ko. At biglang...

            Tag! Tag! Tag!

Shit! Pinigilan ko ang pinto. At agad na ni-lock ang pinto bukod pa sa knob lock nito. Bumilis ang pagkabog ng dibdib ko habang  patuloy pa rin ang pagkalabog ng pinto.

            Nilagyan ni pink haired dude ng asin ang ilalim ng pinto.

            At nawala ang pagkalabog ng pinto. Tumahimik. Madilim at ang nagsisilbing liwanag lang ng kwartong ito ang liwanag na nanggagaling sa butas sa gilid ng pulang pintong ito.

            "Why are you using salt?" tanong ko.

            "Cursed people hate salts. High priests and Monks have been using salts to fight otherworldly beings." Habang patuloy siya sa paglalagay ng asin sa sahig. "Besides, this is EPSOM salt. So this is pretty special. But I think you can use any salt."

            "Are you kidding me?!" Mukhang pinaglololoko lang yata ako ng taong 'to.

            "Look. Nobody's banging the door." Tumayo siya at itinuro ang pinto.

  Indeed. It became quiet.

            Sinilip ko ang peephole. At nagulat ako nang makita ko ang lalaking naka surgical mask at sa likuran niya ang iba pang naka surgical mask.

Duguan ang mga maugat na mata nito na papalapit na tumingin pabalik sa akin.


Nanlamig ako at agad kong inalis ang mata ko sa peephole. Pinagsisihan ko ang pagsilip dito.

            At tuluyan na ngang nawala ang kalabog ng pinto. Napansin kong maraming mga ofuda na nakadikit sa pulang pinto. Ofuda ang tawag sa mga rectangular na mga papel na may mga Kanji characters. Ginagamit ito na charm pantaboy at barrier against evil spirits.

            Do these ofuda really work? Pero ayoko nang magtanong...

            Biglang lumiwanag at napakunot ang kilay ko sa silaw. Binuksan ni pink haired dude and ilaw sa kwarto.

            "Those ofuda will keep us safe." Sabi niya sa akin na para bang may sense ang sinasabi niya.


            Pero may mas nakakuha ng attention ko. Natulala na lang ako nang makita ko ang kabuuan ng kwarto nang lumiwanag ito. Isa itong pulang kwarto na may mga kung anu-anong weird items.

            A bird cage with a doll inside. Transluscent skull na may mga perlas sa loob. A mannequin with a slit on her tummy with red rose petals inside it. All of these are really bizaare, dark and gothic. Though those items indeed emit a creepy vibe, they are aesthetically beautiful and elegant. This room felt like I am inside a chamber of occult. This is a room of a supernatural fanatic!


  "Welcome to Red Cage, my abode!"  pakilala ni pink haired dude sa kwarto niya habang kinukumpas niya ang dalawa niyang kamay.


Really now.  

            "Who are you?" yun na lang ang unang lumabas sa bibig ko.

            "Oh yeah! Excuse me, I got carried away because of the chasing earlier! Haha!"

            Wow. This person is unbelievable. Nagagawa pa niyang matawa sa nangyari sa amin.

"My name is Rio. Rio Sakurada. I am one of the cursed ones too, Yuya." Agad niyang iniabot ang kamay niya habang nakayuko. Nakita ko ang tattoo ng 23:57 sa mga daliri niya.

Hindi ko siya kinamayan.

But wait. Did he just call me by my first name? How did this person know my name? Hindi ko pa naitatanong ay bigla na siyang sumagot.

"You might be wondering but I know you. The thing is, you don't know me. Haha! I am from RevelAcademy too, Omotesando Department."

So that's it. RevelAcademy. Doon ako nagtapos ng senior highschool.

"How old are you?" Tanong ko. Dahil hindi ko maalala na naging kaklase ko ang taong 'to.

"Haha! I am 15."

So that's why he has this playful vibe. He's five years younger. Bata pa talaga. Akala ko noong una ay magkasing edad lang kami dahil matangkad ang batang ito.

"You're too you young to get cursed!" sagot ko sa kanya dahil naalala kong kasama siya sa mga isinumpa.

"I've been cursed for the whole time. 23:57 is just one of my curses."


            I don't have a clue on what the hell is this kid is trying to say.

"Sounds cool. You think this is funny?" sarkastiko kong sagot.

"No! I think this is exciting!" at nanlaki ang mga mata niya nang sabihin niya iyon.

At naasar na ako.


"I think this is a game isn't it? I am beginning to doubt your credibility about what you know about 23:57."

" You can doubt me but...Can you solve this alone, Yuya?" tanong ni Rio sa akin.

"Yuya-san. Add 'san'. Don't get too familiar. I can't solve this alone. Sure! But how about you?" hamon ko.

 "I can protect myself from those in surgical masks. How about you?" hamon ni Rio pabalik sa akin.

            Tsk. Hindi na ako nakailag. Ang hambog ng taong 'to a.

            "Have a seat if you want to exchange information with me. Or you can go out right that red door if you're not interested." Sabay turo niya sa pinto na may gumagalaw-galaw na shadow mula sa labas.

            At umupo ako sa itinuro niyang red chair na may intricate designs. Ang mesa ay may black spider web. Kakaibang design sa mesa.

            "Rio-kun." Panimula ko. At dahil mas bata siya sa akin ay ginamit ko ang '-kun'.  "Let's exchange information. But you'll need to start speaking first. Tell me what you know everything about 23:57."      

Pumunta ng kitchen si Rio-kun at kumuha ng tea cups. Inalok niya ako pero tumanggi ako. Pero humingi ako ng tubig.

"It all started when my class mate in school committed suicide four years ago with thirteen people ." Sumeryoso ang mukha ni Rio-kun. "Si Gen Kawashita. Kaibigan ko siya. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay at iyon ang naging dahilan kung bakit ako nandito ngayon."

"But don't get me wrong, I have no regrets! I love occult things like this! Haha!" pahabol niya sabay ang pagtawa niyang hindi ko mawari kung anong meron sa kanya.

"How did you get cursed?"

"Because of my curiosity, I did some research and it led me to try if the curse is real. It's real!" Ngumit siya at uminom ng tea.

Mula sa view ko, nakikita ko ang 23:57 na naka tattoo sa mga daliri niya. Kinikilabutan ako dahil ang twisted ng taong ito. Pero I can't leave this person because of what he knows.

"Why do you have to tattoo the curse on your skin?" tanong ko. "Not that I am bothered with tattoos but I am bothered that you are inking the curse on you."

"I want this tattoo to serve as a reminder of the death of Gen." sagot niya habang tinitignan niya ang tattoo niya.

"So, you know anything about 23:57 incident four years ago?" gusto kong ibahin ang usapan sa tattoo niya at nagpaka straightforward na ako.

"Yes. One of the thirteen people who committed suicide was Gen. He was actually standing there outside." At itinuro niya ulit ang pintuan.

Nakita ko ulit ang pulang pintuan na may mga ofuda at natakot ako nang makita ko ulit ito. Damn!

Paano nga pala ako makakalabas dito? Shit! Nanlamig ako sa realization na sa red door lang ako pwedeng lumabas. Pero mamaya ko na poproblemahin ito.

"Do you know the identity of the thirteen people who were cursed?"

"Gen is the only person I know. I don't know the rest." Sagot niya.

"I think we know two identities already. Ayame and Gen."

"Ayame?"

"Yes. Ayame is also one of the thirteen who committed suicide. So we only need to know the remaining eleven people's identities. Then we can probably find a way to solve all of this." Unti-unti na akong naliliwanagan. Kahit marami pa talagang tanong na dapat malaman at mga misteryong dapat ungkatin, kahit papaano ay may nalaman ako.

"By the way, Gen is always following you throughout the curse. How can you survive something like that?"

"I have salts." Seryoso siya habang sinasabi niya ito.

"Gen became a ghost who seeks vengeance. I still have no idea why because he committed suicide. Vengeful ghosts can be stopped temporarily with salts. You should get one too."

At ito ang isa sa pinaka importanteng nalaman ko ngayon. I need salts to defend myself. Naalala ko na bigla akong nag collapse habang nasa curse ako. Makakatulong ang nalaman kong ito para mas lalo kong malaman ang totoo sa likod ng 23:57 incident.

Also, vengeful ghost. Ibig sabihin ang thirteen na ito ay vengeful ghosts? Nalinawan na rin ako.

"By the way, pwede ka na magtagalog. Filipino-Japanese rin ako." Sabi ni Rio. In Tagalog. Yes, narinig ko siya magtagalog.

What the eff?! Kanina pa kami nagha-Hapon nito. Hindi pa niya sinabing Japinoy rin siya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko maaasar. Natatawa lang siya sa reaction ko sa isang rebelasyon niya.

"May isa pa akong tanong. Paano mo nalaman na nasa curse ako?" tanong ko dahil nasa-sidetrack na naman kami.

"May kakayahan akong makita ang hindi nakikita ng ibang normal na tao."

Gusto kong matawa sa sinabi niya dahil pareho lang naman kami.

"Nakakakita rin naman ako ng multo, Rio-kun. Hindi lang ikaw." Hindi ko naman gustong barahin siya pero totoo naman. Pareho lang kami.

"Dahil nasa curse ka. Pero ako, last year lang ako nagkaroon ng ganitong kakayahan." Pagpapaliwanag niya. "Nakakakita ako ng iba pa bukod sa mga multo. May mga alaga rin ako."

Sabay tumingin siya sa anino niya. Ayoko pang usisain ang sinsasabi niya. Basta magpapaka-straight-forward ako sa totoong pakay ko.

"So, paano mo nga nalaman na nasa curse ako?" pagiiba ko ng topic.

"May black aura na bumabalot sayo. Ako rin ay may black aura. Mga cursed lang ang mayroong ganito. At hindi mo namalayan pero may sumusunod na naka surgical mask sayo habang nasa loob ka ng Private I Café. Isa rin yun sa hints ko kung bakit ko nalaman na nasa 23:57 curse ka. Kaya ako nagbigay ng clues about 23:57. Para makuha ang attention mo at malaman kung tama ang hinala ko. At tama nga ako. Haha!"

Nanlamig ako sa narinig ko. Kung totoo ang sinasabi niya, nakakabaliw ang nasa posisyon niya. Well, para na nga siyang nababaliw sa ka-wirdo-han niya.

"Are you serious?" bigla kong naitanong ito. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang lumabas ito sa bibig ko.

"You may opt not to believe it."

"No, I'm not trying to insult you. I just felt strange with all these revelations. So how can we remove this curse?"

"If I can, I should have done it before. You're funny."

"I don't know. You're enjoying being cursed!"

"Well, you got a point." At patuloy siya sa pag inom ng tea. "So, you should tell me everything you know about 23:57 too."

"I was with my girlfriend when we both got cursed. Also, Ayame is haunting her. She is my girlfriend's sister." Pinaikli ko ang kwento ko. "I met other curse people too."

Nanlaki ang mga mata ni Rio-kun at nakangiti siya.

"I would like to meet them." Sabik na sabik na sabi ni Rio-kun s akin.

"Teka. So wala ka pang nakikilalang ibang cursed bukod sa akin?"

"Wala."

Natawa ako pero pinigil ko 'yon. Napansin yun ni Rio-kun.

"At least I have these salt!" sagot niya ulit habang may hawak-hawak siyang isang dakot na asin sa kamay niya. Ayaw patalo nito.

Biglang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Investigator Yamamura at agad kong sinagot ang phone. Pero hindi pa ako nakakapagsalita ay inunahan na ako ni Investigator Yamamura.

"Yuya! Where are you? You need to go home immediately!" pabungad ni inspector sa akin.

"W-why?!"

"I need to talk to you." Sagot niya mula sa kabilang linya. "Go back to your apartment. This is about, you know."

"Sabihin mo na lang sa phone."

"I can't tell the full details yet but I am on a case and I found a dead body in your room and—pzzt-pzzzt!" naputol ang linya.

 Shit!


 Dead body? Sa apartment ko? Wait.

Napatigil ako at natulala. Nanlamig ako habang nagiisip. Parang huminto ang mundo ko. Kabog na lang ng dibdib ko ang naririnig ko.

 Si Ayako lang naman ang may susi ng kwarto ko.

No no no...

Please don't let anything happen to her.


 

RAYKOSEN Creator

16th Incident: Red Cageレッドケージ