15th Incident: Tattoo & Glasses 刺青と眼鏡
I have no idea on how to handle this situation.
Sabay kaming minumulto ng nanay ko. Bakit ba siya nadamay dito?
Knock. Knock. Knock.
Nagulat ako sa tunog mula sa pinto ng kwarto ko. Nang maibalik ko ang tingin ko sa nanay ko, wala na ang bata. At sa screen ng video ko, wala ring tao sa ikod ko.
"O mukhang may bisita ka yata. Check mo kung sino yan. Mauna na rin ako. Maaga pa ako bukas." Paalam ng nanay ko sa akin.
"Sige, ma. I might visit you at your new house within this week." Sabi ko.
Then we exchanged our goodbyes and then I logged off.
Pero nandun pa rin ang pagaalala ko sa nanay ko. This is really serious.
Knock. Knock. Knock
"Ha-i! Matte kudasai!"
"Ye-s! Wait a minute!"
Pasagot ko sa kumakatok. At dahil nasa Tokyo ako, I never thought that Napamadali ako sa pagtayo at isinuot ko at slippers ko
Bago ko buksan ang pinto ay sinilip ko muna kung sino siya.
Si Oya-san.
Anong kailangan niya ng ganitong oras?
Pagbukas ko ng pinto, walang tao...
"What?!"
Ako lang ang mag-isa sa area na iyon at walang katao-tao sa paligid.
Nakita ko ang katapat na pinto. Ang kwarto ni Ayako. Room 310.
At lumamig at lumakas ang hangin. Winter ngayon pero nandoon ang takot ko sa kakaibang simoy ng hangin na 'to.
Nandun ang kagustuhan kong makausap si Ayako pero mas pinili ko na isara ulit ang pinto. Dahil siguro gusto ko munang magkaroon ng oras para sa sarili ko.
Well, sa ngayon, hindi ko alam kung magkakaroon pa ba ako ng oras lalo na at nakalaan na ito para sa mga misteryong kailangan kong alamin.
--
Kinabukasan, Saturday, hindi na ako nakakulong sa hospital at bumuti na rin ang pakiramdam ko. Finally, I can freely do what I want. Naalala ko, bago ako lumabas ng Shibuya hospital, sabi ni Dr. Higashi na kailangan ko ng maraming pahinga. The thing is, I am currently in Private I Café para alamin ang identity ng thirteen people. Matigas talaga ang ulo ko. At first, passive ako sa ganitong bagay. Hindi nga ako nanininwala sa mga ganitong kababalaghan noon. Until, I experienced it. I never knew na magiging ganito ako sa persistent sa pag alam ng misteryo ng 23:57.I need to know ang profile ng mga taong nag commit ng suicide sa event na iyon.
Marami pa rin talaga akong gustong malaman.
Nasaan ang filecase?
Sino ang batang umaaligid sa nanay ko?
Bakit ganun na lang ang panggugulo ng kapatid ni Ayako sa amin?
Bakit nagpakamatay ang thirteen people na 'yon?
Sino-sino sila?
Bakit itinatago ng police at ng Peculiar magazine ang lahat ng related sa 23:57.
Bakit huminto ang oras sa 23:57 nang mangyari ang event na iyon kay Daisy?
Paano kami makakawala sa sumpang ito?
Marami pang mga tanong na hinahanapan ko pa ng sagot. Sa totoo lang sumasakit ang ulo ko sa kakaisip pa lang dahil hindi normal ang nangyayaring ito sa akin. Sa amin. At sa totoo lang, bakit ba kasi ako nasa ganitong sitwasyon?
Para akong na trap sa isang web of mysteries.
Wala na si Tetsu-san. Si Daisy naman ay nagpapagaling. Hindi ko lang alam kung anong pwedeng mangyari sa kanya knowing that she is still in the curse. Wala na akong balita kay Investigator Yamamura. Kahit katapat ko lang si Ayako, I never knocked her door. Maybe because part of me wants give space and I want my own space too. Apart from the fact that crazy things are happening when we are together, I want to think thoroughly alone first. I want to be alone for the mean time and figure out things. Especially those that are related to 23:57.
May nagpatong ng green tea sa mesa ko. Si Oliver. Nakasuot siya ng pang manager na uniform.
"It's in the house." Senyales niya na libre niya na itong green tea sa akin. At sinamahan niya ako sa mesa.
"Thank you!" sabay tango ko kay Oliver at inilapit ko ang green tea sa harapan ko. "Did you visit Daisy?"
"Un. Earlier today." Sagot niya sa akin. "Noong una, akala ko hindi na ako papapasukin ni Nurse Riiko. Akala niya ako ang cause kung bakit nagsuka si Daisy. Pero ayun, naipaliwanag ko naman ang side ko at pinayagan ako."
"So you told her abou-" hindi pa ako nakakatapos sa gulat kong tanong ay sumago na agad si Oliver.
"No. No. I just told her that I panicked and I did things because of Daisy's condition. Somehow she believed that." Oliver told me with relief.
"So, what made you decide to stay in Private I Café?" tanong niya sa akin.
Hindi ako nakasagot agad. Sa totoo lang, medyo alangan ako kay Oliver. He is also a mystery to me. Unlike Daisy who is very vocal about what she knows and what she wants to say, Oliver is quite different. Parang may parehong vibe sila ni Ayako...
At makalipas ang ilang segundo, sinagot ko ang tanong niya.
"Alone time. Gusto kong gamitin ang araw na ito para sa bagay na hindi konektado sa - alam mo na" pabulong kong sabi. "Pero siguro, bukas, kapag mag isa pa rin ako, magagawa kong mag imbestiga nang walang iisipin. Pero sa ngayon, gusto ko lang munang mag stay dito."
Kahit ngayong araw lang.
"I am doing the same thing pero, alam mo na. Busy pa sa café ngayon." At tumayo na si Oliver para bumalik sa trabaho.
"So, are you going to visit Daisy again?"
"Around 16:30 siguro. After my shift."
"I see."
At bumalik na ulit si Oliver sa manager's office ng café.
13:30. Nasa library section ako ng Private I Café. Multimedia café ito at pwede kang maghanap ng librong trip mong mabasa at dalhin sa table mo. The great thing about this café, you can borrow or purchase a copy of the book na natipuhan mo sa library section ng café.
Sa photography section, nakita ko ang isang libro about Harajuku Fashion Photography. Gusto kong subukan ang photography style na ito. Vibrant colors and something lively. Mayroon din gothic lolita and aristocrat style. Even though photographer ako, I never tried doing fashion photography. Sabin g isang kaibigan ko sa work na maraming pwedeng maging modelo sa Harajuku and some of them would be willing to pose for you to show off their eccentric but interesting taste in fashion.
Kahit papaano nabuhayan ako. Hindi naman ako mahilig sa fashion pero yung kahit anong related sa photography ay bumubuhay sa dugo ko. Kasi ang pagaaral ko ng Japanese language is a requirement. Same thing with teaching as an English teacher, is a job. Photography is different. It saves memories and it's something I like doing.
Nang kukunin ko na ang Harajuku Fashion Photography book, may nauna na sa akin na kumuha nito. Nakita ko ang tattoo niya sa mga daliri niya pero hindi pa ako sigurado. Yun ang nakakuha ng attention ko.
Ang kumuha ng libro ay isang lalake na kasingtangkad ko. Pero magkaiba kami. Dyed ng pink ang buhok niya. Pink shirt na may back spider web print, black leather pants at yellow boots. Black painted nails at may suot suot siyang silver accessories at mga omamori charms na nakasabit sa bag niya. May napansin rin akong set of tarot cards sa bag niya. Sobrang striking ng outfit ng taong ito. Katulad ng mga modelo sa Harajuku Fashion Photography book na binabasa niya. Personally, I think his taste in style is weird but that did not took my attention at all. Yung nakita kong nakatattoo sa daliri niya na mabilisan ko lang na nakita.
Napansin niyang nakatingin ako sa kanya. At akala niya ay kailangan ko ang libro na hawak niya.
"Do you need this?"
Umiling ako nang ibigay niya ang libro sa akin. Hindi ako nakapagsalita dahil may kakaibang aura ang taong ito. Hindi ko alam kung dahil wala siyang kilay kaya nawi-wirdohan ako sa kanya o siguro dahil baka lang hindi talaga ako sanay makakita ng ganitong extreme fashion style sa malapitan.
Agad siyang tumalikod papuntang exit ng Private I Café.
Itinaas niya ang kamay niya na parang kumakaway sa akin kahit nakatalikod at papalakad siya papalayo.
Kahit baliktad ito, nakita ko ang tattoo sa mga daliri niya.
23:57
"It's nice to meet a cursed one too!" sabi niya habang patuloy sa paglalakad palayo. Kasabay nito ang pagtawa niya.
Shit! This kid!
23:57. Sa limang daliri niya nakatattoo ang mga ito. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.
Who in the world is he? Cursed din siya. Sigurado akong may nalalaman rin siya sa incident.
You won't get away.
Agad ko siyang sinundan. Pero nabigla ako nang may mabunggo ako.
Isang babaeng nakasalamin. Natabig ko ang kape na hawak niya at tumapon ito sa puting damit niya at sa magazine na hawak hawak niya. Na-shock ako.
Napansin ko sa may salamin na nakatayo ang pink haired dude na yun sa labas at nakangiting kumakaway sa akin. Inaasar ba niya ako?
Argh! Damn it! Who are you?!
Gusto kong habulin siya pero ayokong maging bastos sa babaeng nabunggo ko.
"Sumimasen! Sumimasen!"
"My apologies! I'm sorry!"
Hindi ko alam kung saan ako maguumpisang manghingi ng dispensa sa nangyari sa babaeng nakasalamin.
Nang mabaling ang attention ko sa lugar kung saan nakatayo ang pink haired dude, wala na siya. Pero may iniwan siyang mensahe. Nakita kong may nakasulat sa frosted na salamin.
23:57. Can you solve it?
Nakasulat ito sa English text. Anong ibig niyang sabihin?
Anong pakulo nito? Kung cursed siya, bakit parang tuwang-tuwa pa siya at parang laro lang sa kanya ang mga nangyayari.
Mabilis na nawala ang nakasulat dahil sa lamig sa labas.
Tuso ka, pink haired dude.
Na frustrate ako sa mga nangyayari. Dahil sa bukod sa hindi ko siya mahabol, hindi ko pa maiwanan ang nabunggo ko.
Argh! Why is this happening now?!
Medyo nainis na rin sa akin ang nakaputing babaeng ito.
Bigla kaming nilapitan ni Oliver. Nanghingi siya ng dispensa sa mga nangyari at agad na pinalitan ang natapong kape ng babae. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko, dahil hindi ko naman siya pwedeng punasan. Babae pa rin siya. Binigyan ko siya ng panyo ko. Pero hindi niya tinanggap iyon.
Oliver offered a towel at iyon ang tinanggap niya. Sinenyasan ako ni Oliver na he will handle the situation with the lady. Patuloy akong nanghingi ng sorry pero hindi nagsasalita ang babaeng ito.
Kailangan akong makaalis dito. Pero kailangan hindi ako maging bastos.
Kumuha ako ng calling card sa loob ng at ibinigay ko sa kanya ng dalawang kamay. Proof na I am really sorry for what happened. I told her that she can contact me and I am willing to pay for the clothes and pay for the damage to the wet magazine.
"Y-you are Kobayashi Yuya-san?!" gulat na gulat na sabi ng babaeng ito sa akin.
"I-I am a fan!"
What.
"T-thank you." Sagot ko sa babaeng nakasalamin. This is an awkward moment.
"I love your series of photos at Peculiar magazine!"
"I actually have Peculiar magazine. I just felt bad because you are not in this week's issue." At pinakita niya sa akin ang magazine na hawak hawak niya. It's the current issue of Peculiar magazine.
"Yeah. Unfortunately, the current article for this week's release failed to get printed."
"That's too bad."
"I know." Sagot ko.
"Ah! I'm sorry! I forgot to introduce myself!" agad niyang inabot ang calling card niya sa akin gamit din ang dalawang kamay niya. Matapos ay nag bow.
"My name is Tomomi Mamiya. I am a psychiatrist!"
"Wait!" napaisip ako sa sinabi niya.
"I know! A lot of people can't believe it. I am too young for this job. I got accelerated and got advanced classes, that's why." Napahawak siya sa mukha niya habang nagpapaliwanag.
No. That's not it!
Agad kong kinuha ang calling card case ko. Hinanap ko ang calling card na ibinigay sa akin noon. And I found it!
Dr. Tomomi Mamiya
Psychiatry Specialist
Ito rin yung kaparehong business card na binigay sa akin ng police sa Shibuya Hospital. If my memory serves me right, I think he's Police Inspector Ueda. Tama.
"Huh? How did you get another another card? I can't remember that you came to my office before." Usisa ni Tomomi Mamiya.
"Dr. Tomomi Mamiya..."
"Just call me Mamiya-san."
"Mamiya-san...I got this from someone beforehand."
"I see."
Agad niyang iniangat ang salamin niya. Inayos niya ito mula sa gilid ng frame.
This lady is unbelievable. I think she's probably around my age. I mean, with her age, she already has a "doctor" attached to her name. Apart from that, she doesn't look average. She is an intelligent beauty.
"How can I make up to you? Your clothes got stained."
Mamiya-san tried to refuse my offer but eventually thought of something when I insisted.
"Sign my copy of this book!"
It was really awkward. I never thought someone would adore the photos I took.
At doctor pa.
Matapos kong pirmahan ang kopya ng Peculiar magazine niya ay nagpasalamat ako. Sa totoo lang wala ang article namin ni Ayako sa issue na yon, pero pinirmahan ko pa rin.
Patuloy ako sa paghingi ng dispensa pero at the back of my mind, kailangan ko ring makaalis, baka sakaling mahanap ko pa ang pink haired dude na yun.
Nagpaalam ako at umalis kay Mamiya-san at kay Oliver. Nag thumbs up hand gesture si Oliver. Senyas na siya na ang bahala.
14:10. Lumabas ako ng Private I Café suot suot ang blue jacket ko at ang red scarf na isinama niya sa paperbag na iniwan niya sa akin sa Shibuya Hospital.
Alam ko naman sa sarili ko na the chance for me to find that pink haired dude is pretty slim but I am still taking my chances. Pero maraming tao ang naglalakad. The place is very busy. At time like this, I can understand why. Also, weekend. Shibuya is a very popular place and an established business spot. I think, it's close to impossible to find that guy here.
Anong kinalaman niya sa 23:57?
Unlike other people who got cursed,
this person still walks like everything is nothing.
That is really something I can't understand.
I decided to walk in the street instead. Kahit maaraw ay malamig na malamig pa rin. Solid blue and alapaap habang contrasting ito ng mga napakakulay na buildings na nakatayo sa paligid.
"I guess I'll just use this time to think." Sabi ko sa sarili ko.
I am not a wanderer kind of person. I don't like letting my feet decide and take me to random places. But now, I wanted to think while walking. Kahit saan ako dalhin sa kakalakad ko.
Napaisip ako. The moment I fainted in the train station, no news has been revealed about Tetsu-san's death. No news has been disclosed about my hospitalization too. Nangyari itong pareho sa Shibuya station, so dapat talaga someone reported anything about it.
Then, nawala ang filecase. No matter how I analyze things, every secret is in the missing filecase. I mean, I need to know the identity of the thirteen people who committed suicide. Saka ko na siguro aalamin ang iba pang nakakagulo sa utak ko ngayon.
Ang kailangan kong gawin ngayon ay hanapin ang file case. Tama! I shouldn't have been distracted from all these random things right from the start.
So where do I start?
Perhaps, I should go to Shibuya Station. I can probably find something there.
14: 44. Na realize ko na lang na nasa empty street na ako. Ito yung parte ng Shibuya na residential at hindi na pinupuntahan ng mga tao. I decided to use the street back to Shibuya Station.
Habang naglalakad ako, napansin kong may sumusunod sa akin.
Tak. Clack. Shik.
Those are very familiar sounds.
Nag umpisa na akong magpawis at manlamig. Binilisan ko ang paglalakad.
Tak. Clack Shik.
Hindi na ako lumingon dahil saying ang oras. Ang kailangan ay makaalis ako dito. Napadaan ako sa isang building na salamin ang mga pader.
Nakita ko ang sarili kong tumatakbo. Mag isa lang ako.
Pero patuloy pa rin ang mga tunog na naririnig ko.
Tak. Clack. Shik.
Napalunok ako.
Sila ba ang thirteen people?
What am I saying? Of course they are!
Pumasok ako sa Shibuya station entrance na direktang stairs pababa. Walang katao-tao dito. Sa loob loob ko ay safe na ako.
Pero hindi.
Mula sa ibaba ng stairs ay naririnig ko ang papaakyat na mga tunog na iyon.
Hindi pa naman ako nakakababa kaya balak kong bumalik pero narinig ko na naman ang mga footsteps na iyon sa likuran ko.
Para na akong praning sa nangyayaring ito.
What if those are just footsteps of people?
What if I created these paranoia inside my head?
What if I am just creating these things that scares me?
I think I'm getting paranoid.
Patuloy na lumakas ang pagtunog ng mga yapak papalapit sa akin. Mula sa likuran ko at mula sa ilalim ng stairs.
Saan ako pupunta? Kung iiwasan ko ang stairs, kailangan kong bumalik. Pag bumalik ako, there were people in there too.
If these noise are from the people who are in surgical masks, then I don't know what will happen next.
I probably should face them?
I don't know. I don't know.
Hinihingal na ako at hindi ko alam kung nauubusan na ako ng hininga o nagpa-panic attack na ako.
Bahala na. Mangyari na ang mangyari. Hanggang sa may humablot sa braso ko at hinatak ako sa isang maliit na eskinita.
Lumingon ako at nanlaki ang mga mata sa unang nakita ko...
Naka surgical mask siya. Pulang-pula ito.
At nakangiti siya sa akin...
15th Incident: Tattoo & Glasses 刺青と眼鏡