14th Incident: Friday 金曜日 

Nagulat kaming lahat sa nakita namin.

Ang kapatid ni Ayako ay akap-akap siya sa likuran nito.


Nakikita rin pala ng mga kasama ko ang babaeng ito?

Napasigaw si Daisy sa takot at bumangon sa pagkakahiga. Kaya lang nakalimutan niyang may mga bali ang ribs niya at hindi pa talaga siya magaling. Nagsuka siya ng dugo. Nanlaki ang mata ko sa gulat. Oliver assisted her. Pero maski siya ay natataranta.

Gusto kong alalayan sina Oliver at Daisy.

Kaya lang...


Biglang nasa harapan ko na ang nakangiting babaeng ito at sinakal niya ako. Sa palagay ko alam ni Ayako ang buong pangyayari. Aware na siya sa existence ng kapatid niyang nanggugulo.

Pinigilan niya ito sa pagsakal sa akin. Umiinit na ang mukha ko at hindi na rin ako makahinga.

"Ayame!" sigaw ni Ayako sa duguang babae.

Ayame... Is this the name of that horrifying sister who keeps on bothering us?

Pansamantalang natoon ang pansin ng duguang babae kay Ayako. Napansin ko na lang na nawala bigla ito.

Nagulat ako nang makita ko si Ayakong napayuko at ngumiti. Ang ngiting madalas kong makita kapag nagiiba na siya.

Matalim ang tingin sa akin ni Ayako kasabay ng pagngiti at pagdurugo ng mga ngipin nito.

Shit! This is bad!


Agad akong binalikan ng sakal ni Ayako. Or ni Ayame. Whoever this is!

Lumalabo na rin ang paningin ko at wala na akong kawala.

Nakita ko na lang si Oliver ay inalalayan si Daisy para makaalis sa kinahihigaan niya.


Napatakbo si Investigator Yamamura sa may pintuan. Palabas na siya ng mabangga niya ang papasok na nurse.

Si Nurse Riiko!

All of a sudden, biglang bumalik si Ayako sa sarili niya. Nagulat siya nang makita niyang hawak-hawak ng dalawang kamay niya ang leeg ko. Hindi siya makapagsalita at nakatingin lang siya sa mga kamay niya habang nangingilid ang mga luha sa nanlalaki niyang mga mata.

"What are you doing to the patients?!" galit na galit na pasigaw ni Nurse Riiko. "Please get out immediately!"

Agad na pinalabas sina Ayako, Oliver at Investigator Yamamura sa kwarto naming ng mga security sa ShibuyaHospital. I think they were marked as threats to the patients.

Kahit naman siguro sino ay magugulat sa nangyari sa kwarto namin ni Daisy. Inilalakad si Daisy ni Oliver na bali ang ribs nito at nagsusuka ng dugo. Habang ako naman ay sinasakal ng visitor ko.

Pero paano ba namin maipapaliwanag ang scenario na iyon? Lalo na at nasa hospital pa kami.

Nanalalabo na ang mga mata ko. I think, kailangan ko nang makapagpahinga. Nakita ko na inaasikaso na ni Dr. Higashi si Daisy.

Pasara na ang mga mata ko. Kasabay nito ang pagsara ni Nurse Riiko sa pinto ng kwarto namin.

Katak.

--

Kinabukasan, Friday, pinayagan na akong makalabas ng ShibuyaHospital. Sobrang natuwa ako dahil sa wakas makakabalik na ako sa dati kong routine! Dr. Higashi told me na dapat ko raw inumin ang lahat ng gamot na nireseta niya. Lalo na ang antidepressants. Although, tiwala naman ako sa payo ng doctor sa akin, naniniwala pa rin ako na paulit-ulit na maaapektuhan ang health ko hangga't hindi ko nalalaman ang mga mysteryo ng 23:57. Kaya kailangan kumilos na agad ako pagkalabas ko dito. Napaisip ako habang inaayos ko ang sarili kong mga gamit sa higaan.


Napansin ni Daisy ang pagiging tulala ko. Hindi na siya makabangon dahil sa complications. Mas tatagal yata siyang mako-confine dito.

"Mauna na ako, Daisy."

"Pag gumaling ako, we have to meet again."

"Don't worry, bibisitahin kita dito sa free time ko." I told her. Though, this is not my honest reply. Because I have lots of things to deal with after I get out of here.


"After knowing the origin of 23:57, I hope you will find out the ways to remove the curse. I have faith in you..."

At nginitian lang ako ni Daisy.

I felt strange...

Mauuna akong makalabas kaysa ka Daisy sa ospital. Nagkaroon ng minor complications nang mabigla ang ribs niya sa pagbangon at nang magsuka siya ng dugo. Kaya kailangan niyang mag stay. Actually, kahit naman walang complications, kailangan pa rin niyang mag stay para sa paghilom ng mga nabali niyang buto during her accident. I heard, she needs to stay for three more months.

Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung paano siya naka-survive sa aksidenteng iyon.

Well, hindi iyon accident.

It was because of Ayako's sister.

Ayame. 'Yun ang tawag sa kanya ni Ayako.

Tok. Tok. Tok.

"Kobayashi-san, you need to be with me to sign some papers for your insurance card." Tawag ni Nurse Riiko sa akin. Agad akong ngumiti kay Daisy at tumugon rin ito ng slight bow.


Buti na lang talaga at may insurance card ako. Mahal man ang binabayaran ko sa insurance monthly, naging malaking tulong ito nang ma-ospital ako dito. I am also thankful sa iniwang paperbags ng mom ko at nagkaroon ako ng pampalit.

Since today, I never met Ayako hanggang makalabas ako ng ospital. Actually, hindi ko na nakita sila Oliver at Investigator Yamamura noong araw na iyon. I think they were not permitted to visit us again due to the scenario which Nurse Riiko misunderstood. And as I've said earlier, Daisy was left there because she needs to recover.


Friday. 18:20. Nakasakay na ako ng taxi papauwi sa bahay.

Habang pauwi, excited ako. Makakabalik na rin ako sa dati kong activities. Kaya mas makakapagpahinga ako at makakapagprepare ako for the upcoming week.

18:59 na nang makarating na ang taxi sa harap ng apartment building, nakita kong nagtatapon ng basura si Oya-san. (Author's note: Siya yung may-ari ng apartment. See Chapter 4.)

"Oya-san! Hisashiburi desu ne! Kyo wa isogashi-sou!"

"Oya-san! It's been a while! Today seems overly busy eh!"

Bati ko sa kanya.

"Ara! Tadaima! Sugoku isogashin da na..."

"Oh! Welcome back! I've been terribly busy..."

sagot ni Oya-san sa akin while squinting. Magaspang na ang boses niya sa katandaan.

"Hora, takusan pura gomi aru yo."

"Look, I have lots of plastic trash here!"

Dugtong ni Oya-san na dala-dala ang isang malaking bag.

Sa Tokyo, may trash discipline law sila na kailangan hiwa-hiwalay ang pagtatapon ng plastic, paper, at burnable trash. Sobrang organized talaga. Dito rin natuto ako ng disiplina sa paghihiwalay ng mga basura. Friday kasi ngayon at bukas ng umaga, kokolektahin ang mga plastic trash. May schedule ng kuhanan ng iba't ibang klase ng basura. Dito rin siguro nabuo ang asar ko sa mga taong basta-basta na lang nagtatapon ng basura sa kalye. Well, wala naman kasing gumagawa ng ganun dito.


"Ja! Tetsudaimashouka?"

"Well, shall I help you?"

Alok ko sa kanya.

"Arigatou!"

Kinuha ko ang dala-dala ni Oya-san. Hanga ako sa kanya. Kahit may edad na siya, masipag pa rin siya sa paglilinis ng buong apartment namin.

Ang totoong pangalan ni Oya-san ay Kojiro Uno. Sa tingin ko, mga nasa seventy plus na siya pero malakas pa rin ang pangangatawan. At hindi tulad ng ibang may-ari ng apartments, hands on siya sa lahat ng needs at maintenance ng apartment. Narinig ko lang na mag isa na lang siya sa buhay. Siguro, ito na rin ang paraan niya para maging productive at outlet niya para hindi niya maramdaman na nagiisa siya.

Matapos ko siyang tulungan sa pagtapon ng basura sa garbage room, sabay kaming pumasok ng apartment at sumakay ng elevator.

Pagkabukas ng elevator ay halos mapasigaw ako sa gulat nang makita kong may mga naka surgical masks.

Nababalot sila ng dugo. Sa palagay ko mga anim sila. Inalis ko kasi agad ang tingin ko sa kanila.

Kasama sila ang thirteen people sa 23:57 incident.

Pumapatak ang dugo nila sa sahig.

"Daijoubu?"

"Are you okay?"

Tanong ni Oya-san sa akin nang mapansin niyang nagulat ako.

Hindi niya nakikita ang mga nakikita ko.

Ayokong pumasok sa elevator na 'yan! Pero kung hahayaan ko naman na si Oya-san pumasok, baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.

Damn it! Hindi ako dapat nag iisip ng ganito!


Mag stairs na lang kaya ako? Pero paano si Oya-san? Argh!


Bahala na!


Hindi ko alam kung saan ko kinuha ang tapang ko pero pumasok kaming pareho sa elevator.

Ako ay malapit sa pindutan habang nasa gitna naman si Oya-san. Hindi ako tumitingin sa paligid at nakatuon lang ang attention ko sa number 3 button.

Tinanong ko kung anong floor si Oya-san. Sabi niya 6th.

Damn it! Mauuna pa rin ako. Bahala na talaga.

Nang pindutin ko na ang 6, may humawak ng kamay ko. Duguan ang kamay na ito.

Namatay sindi ang ilaw sa elevator.

Ito na nga ba ang sinasabi ko e! Ba't pa kasi ako nag elevator? Third floor lang naman ako, pwede akong maghagdan!


Yuya, what are you doing to yourself?!


Huminto nang saglit ang elevator at nag reset ang button.

Natakot din si Oya-san pero hindi niya pinapahalata. Actually, nagtataka na rin siya dahil lagi naman daw on time ang maintenance ng elevator.

Pipindutin ko na ang 3 at 6 nang may nauna nang pumindot.

2.

3.

5.

7.

2357. Shit.

Is this a message? I already know the incident!

At aalamin ko naman talaga ang history ng incident, why are you still doing this?!


Nagulat na lang si Oya-san na nakailaw na ang mga numbers. Medyo nakita ko na pinagpawisan siya.

Pinindot ko ulit ang 6.

Nang makarating na sa 3rd Floor, nagbow ako kay Oya-san bilang paalam. Actually, hindi ko pwedeng itaas ang ulo ko hangga't hindi sumasara ang pinto ng elevator. Isa ito sa mga dapat gawin kapag nagba-bow ang Hapon sa Japan kapag magpapalam sa elevator. Pero sa totoo lang, ayoko lang tumingin sa loob ng elevator. Kailangan sumara ito bago pa may makita akong kung ano.

Sa view ko na sapatos lang ni Oya-san ang nakikita ko. Actually, pati rin ang mga sapatos ng mga duguan na kasama niya sa loob. Pero habang pasara ito, ay agad na sumilip ang batang babae sa paanan na nakangiti.

Hihihi.

Nanlamig ako. Siya ang batang tumulak sa kamay ng nanay ko kaya siya nasugatan.

Teka... Kasama ba siya sa thirteen people who committed suicide? Wait? Isn't she too young to decide on crucial things such as "suicide"?

Naguguluhan na naman ako!

Room 303. Ang kwarto ko. Medyo nanibago ako kasi ilang araw rin akong hindi nakapasok dito.

Matapos kong maligo, magbihis, magluto at kumain, binuksan ko ang notebook ko. I browsed the internet para hanapin ang blog entry ng 23:57 na kumakalat sa internet. I need to start somewhere...

At binasa ko ulit ang blog entry...

Ang dami na ng tabs na naka open sa browser ko. There are so many things that are running inside my head nang basahin ko ulit ang blog entry na iyon. I never thought na magiisip ako ng maraming questions ng sabay-sabay.

But everything boils down to one goal, I need to find the missing file case!

Kung totoo ang sinasabi ni Tetsu-san, 'yun ang magiging way para malaman ko ang mga nakatagong information sa 23:57 incident.

Nang matapos ko ulit basahin ang blog entry ni Daisy, nagkaroon ako ng ibang perspective. Napansin kong marami na ang mga comments sa blog entry na iyon. Napabasa ako sa mga comments at may isang comment na nakakuha ng attention ko.


2011年1月27日。

この日は、23:57事件に関連している。

あなたが何かを知っている場合は、私に連絡して!

January 27, 2011.

This date is related to 23:57.

If you know something, please contact me!

May ibang comments na gusto lang makakuha ng attention at kung anu-anong kasinungalingan ang pinagsasabi na naranasan rin daw nila ang smiling people, pero hindi ito tugma sa mga nararanasan ko ngayon. Those people who ride with the hype. Those people who creates stories in order to get some attention. Those people who think that this is fun...

But this specific comment caught my attention. Because, that date is the date of the 23:57 incident. So, this person surely knows something!

I saved the email posted after the comment.

Binuksan ko ang email browser ko at nagpadala ng email. Pero kailangan ko ring magingat kaya ang ginamit kong email ay yung alternate email ko na walang identification tungkol sa akin.

That message could be a prank. It could be for real. It could be something that will entrap me. I don't know. Pero katulad ng sinabi ko kanina, I have to start somewhere. I need to contact this person.

その日を知っている。13人の自殺についてだった。しかし、私はまだ質問がある。呪われている。あなたは23:57事件についての情報を持っている場合、あなたの助けを必要としている。

I know that date. It was about the suicide of the thirteen people. Though, I still have questions. I am cursed. If you have any information about 23:57 incident, I need your help.

And I clicked send.


Message sent.

Okay, whatever happens, at least may nasimulan ako ngayong gabi.

I should rest.

Pero may biglang nag video call sa akin sa Messenger App ko.

It's my mom.

Napatingin ako sa oras. 23:50.

Bakit naman gusto akong makausap ng nanay ko ng ganitong oras?


"O, Ma? Bakit?"

"Wala lang, I was just checking you. Sabi ni Dr. Higashi, nakalabas ka na. Hindi na ako nakabisita, kasi yung papa mo nagkasakit."

Hindi ko alam ang isasagot ko. Katulad ng nasabi ko dati, hindi kami in good terms ng tatay ko. Pero tatay ko pa rin yun kaya nang malaman kong nagkasakit siya, nagalala ako.

"Kumusta na siya?" hesitant itong tanong ko na ito.

"Pero don't worry, magaling na siya. Ikaw kumusta ka naman?"

"Ito po, magpapahinga na."

"Ah ganun ba? Kasama mo pala si Ayako?"

Huh?


Gusto kong sabihin na mag isa lang ako. At ayoko ring tumingin sa likuran ko. Pero, nakikita ko sa video na may kasama ako sa likuran ko.

Shit!

Ang nakakagulat pa ay nang makita ko ang kasama ng nanay ko...

Ang batang babaeng nakangiti...

Naka-kandong siya sa nanay ko.

Malamig na pawis ang tumulo mula sa noo ko habang may papalapit sa gilid ng mukha ko. Hindi ko alam kung lilingunin ko ba iyon o hindi.

Time check, 23:57. 

RAYKOSEN Creator

14th Incident: Friday 金曜日