11th Incident: Revelations Part 1 黙示録パート1
Shibuya Hospital. Sa loob ng puting kwartong ito, lima kaming magkakasama. Si Daisy, Si Oliver, Si Yamamura-san, si Ayako at ako.
Lahat kami ay nasa sumpa ng 23:57 urban legend.
Ngayong magkakasama na kaming lahat dito, kahit nawawala pa ang file case, siguradong may malalaman at malalaman ako tungkol sa origin ng 23:57.
Hihihi
At nagulat na naman ako sa narinig ko na nag-echo sa loob ng kwarto. Akala ko ay ako lang ang nakarinig ng tawang iyon nang biglang...
"Narinig niyo ba ang tawang iyon?" tanong ni Investigator Yamamura sa aming lahat. At lahat kami ay tumango. Bukod kay Daisy na nakapikit pa rin sa kinahihigaan niya. Wala pa rin siyang malay. Napuna ko ang machine sa tabi ng higaan niya. Patuloy ang heartbeat niya. So buhay pa siya? Not that I wanted her to die. Pero nagulat talaga ako.
At isa pang ikinagulat ko ay pasyente rin siya dito.
Marami pang mga tanong sa utak ko nang makita ko si Daisy pero bago 'yon, kailangan ko munang malaman kung may kasama pa ba kami sa loob ng kwarto— bukod sa aming lima.
At dahil nakahiga ako sa kama, si Yamamura ang naghanap ng pinanggagalingan ng tumawa. Siya lang yata ang pinakamatapang sa amin.
Nasa sumpa ba talaga siya? Bakit parang hindi naman halatang stressed siya o di kaya naapektuhan ng curse?
"Walang ibang tao dito bukod sa ating lima." Kumpirma ni Investigator Yamamura sa aming lahat. Kasabay nito ang paghawi niya ng isa pang white curtain na nakita naming empty ang higaan.
Tatlo ang higaan sa kwarto. Dalawa rito ang occupied na. Kaming dalawa ni Daisy ang pasyente. At ang isa nga, ay walang nakahiga.
That's the weird thing. Nasa iisang kwarto lang kami ni Daisy. Coincidence ba talaga ito?
"Unhh..."
At umungol na naman si Daisy... Nagising na siya.
Nang mabuksan niya ang mga mata niya ay agad na lumapit si Oliver para pindutin ang button para may dumating na in-charge. Pero bumangon si Daisy para pinigilan siya na gawin ito. Wala man siyang sinabi pero ang paghawak lang niya sa kamay ni Oliver ang naging senyales na hindi na huwag nang tawagin ang nurse
At sinunod naman ito ni Oliver. Nagtaka lang ako kasi standard na ang tumawag ng in-charge tuwing magigising ang pasyente from an operation. Pero hindi ito nangyari.
Pero may isa pa akong ipinagtaka lalo...
Paanong nakakabangon siya na parang wala lang. Kagagaling lang niya sa aksidente. If she survived, why can she even move? If my memory serves my right, she was in a TERRIBLE accident. It would be tough to survive that.
I began to reminisce again...
KRRRRRRKK... PITPIT! CRAASSSHHHH
Nasagasaan si Daisy ng advertising truck sa Shibuya crossing. Kitang-kita ko ang buong pangyayari. Nakatingin sa akin si Daisy habang nangyayari ang aksidente hanggang sa pagtalsik niya sa sahig. Kasabay nito ang pagtalsik ng dugo niya sa kaliwang pisngi ko. Mabilis na kumalat ang dugo niya sa sahig at nakatingin pa rin si Daisy sa amin na takot na takot.
Hanggang sa mawalan na siya ng hininga.
I saw the whole accident. Kitang-kita ko rin nang mawalan siya ng hininga. Pero hindi kaya naagapan siya? It is possible, right? Well, of course! She's here with us in this room! Unless, she's dead and she's...
No! I don't think so! She's in her bed and in the hospital, she couldn't be...
"Wag kang lalapit! Lumayo ka!" takot na takot na sabi ni Daisy kay Ayako nang makita niya ito sa unang pagkakataon matapos ang aksidente niya.
"I am not her, Daisy!" pasigaw na sagot ni Ayako.
Ayako was teary-eyed. What shall I do? Hindi ko masisisi si Daisy. Kasi kahit na girlfriend ko siya, one thing is sure.
Ayako is really shrouded with mystery.
At ano ang ibig niyang sabihin sa "I am not her."
Gusto kong itanong kay Ayako kung ano ang ibig niyang sabihin sa sinabi niya pero masyadong maraming nangyayari at kailangang mapakalma si Daisy.
Hinawakan ni Investigator Yamamura si Ayako sa braso at inilabas muna siya.
Oliver decided push the button instead and to callm down her sister. I can't do anything. I mean, seriously, what can I do? Pasyente rin ako. Also, my head feels heavy. I feel like crap with all the meds.
Seriously? Isa lang ba ang doctor at nurse sa Shibuya Hospital? I'm seriously asking this and I'm not trying to sound funny. Nakakapagtaka.
Daisy was calmed down. Hindi na siya binigyan ng pampakalma kasi makakasama raw ito sa current condition niya. Lalo na at kakagising lang niya. Dr. Higashi told us that she broke her ribs and he had minor arm fractures. Tumalsik man siya during the accident, she managed to survive and good thing walang skull fractures or any head injuries. Even though she lost a lot of blood, Oliver participated on her recovery. Daisy's brother provided the blood she needs.
At napansin ko na parang pumayat bigla si Oliver. Maputla. And he's looking to me as if everything was all my fault. He's not saying anything but he's sickening look is insane. Galit siya talaga sa akin dahil sa nangyari kay Daisy.
Paano ba kami magkakausap tungkol sa mga nalalaman namin tungkol sa 23:57 kung takot si Daisy kay Ayako, hindi ko pinagkakatiwalaan si Ayako, and Oliver is blaming me for everything that happened to his sister?
Both Dr. Higashi and Nurse Riiko immediately left dahil kailangan raw nila bumalik ulit sa stations nila.
Muling pumasok si Investigator Yamamura at si Ayako sa kwarto. Takot na takot pa rin si Daisy nang makita niya si Ayako.
"Daisy, Ayako participated in giving you blood. I cannot give enough blood for you even if I wanted to. When she intended to visit Yuya, she found out that you needed blood too and it matched her type. She saved you." Paliwanag ni Oliver kay Daisy.
Kumalma naman si Daisy dahil dito. Pero alam ko, may takot pa rin siya kay Ayako.
Inakap ni Daisy si Oliver. Nakita ko naman na ngumiti si Oliver mula sa view ko. Pero iba ang ngiting iyon. Hindi iyon ang ngiti dahil medyo napanatag si Daisy, parang may kakaiba talaga sa ngiting iyon ni Oliver.
Kasabay nito ang pag ngiti rin ni Ayako. At nanlamig ako.
Why would she smile? Is she happy for them? Hindi kaya may iba pang dahilan bukod doon?
Five of us were left in this room. For a while, everyone's awkward with each other. Lahat naman makakaramdam ng ganito, ginulo ng 23:57 urban legend ang buhay naming lahat.
"Do you smoke?" tanong ni Investigator Yamamura kay Oliver randomly mula sa tahimik na tahimik na kwarto. Umiling si Oliver na hindi siya naninigarilyo.
"I don't smoke too. I am just trying to break the silence." Investigator Yamamura replied while giving an awkward smile.
"Aram niyoh kaseh, kelangan ma sorubu ang rahat ng itoh."
Wait. What? Anong sinabi niya ulit?
Nag Tagalog ba si Investigator Yamamura?
"Alam niyo kasi, kailangan ma solve ang lahat ng ito." Yun pala ang actual na sinabi niya. Pero dahil Hapon siya, naintindihan ko naman kung bakit ganun ang accent at pronunciation niya.
"Marunong ka pala mag-Tagalog?" Sabi ko.
"Konti rang" sabay nag hand gesture pa si Investigator Yamamura.
At naging light ang ambience ng kwartong iyon.
"Guys, alam ko na medyo may doubts pa tayo sa isa't isa. Pero pwede bang i-set aside muna natin ang duda natin para malaman natin ang lahat ng tungkol sa 23:57? " I told everyone. Someone has to start this. Otherwise, lilipas ang oras na wala kaming nalalaman.
"Si Investigator Yamamura ay may nalalaman tungkol sa 23:57 urban legend. Kaya mas maganda siguro kung malaman natin ang lahat ng nalalaman ng isa't isa. Baka sakaling may solusyon para sa sumpang ito." Paliwanag ko sa lahat. Tinignan nila ako ng seryoso at willing naman silang makipag-cooperate. Nag buntong hininga ako.
"Kung bibigyan natin ang isa't isa ng pagkakataong magpaliwanag. Siguro mas lilinaw ang lahat. Pwedeng isa-isa muna tayong magsalita. Sino sa inyo ang gustong mauna?"
"Bakit hindi ikaw ang mauna?" sabi ni Investigator Yamamura. Gusto ko ring mauna pero sa palagay ko, mas gusto kong makinig. Dahil may selfish akong rason. Kailangang may makuha akong information sa kanila at baka mapagtagpi-tagpi ko ang lahat ng ito.
"Kayo na lang ang mauna. Dahil mas marami ang nalalaman ninyo kaysa sa akin." Palusot ko. Though, I think totoo naman ang sinabi ko. Dahil sa aming lima, kahit marami akong nalalaman, mukhang ako pa rin ang pinaka-kaunti ang information na maikukwento dahil recently lang kami nagkaroon ng curse. Si Daisy nauna sila ni Oliver. Si Investigator Yamamura naman, hindi ko pa alam.
Itinaas ni Oliver ang kamay niya.
"Ako na ang maguumpisa."
"Nauna akong magkaroon ng curse kay Daisy."
Nagulat kaming dalawa ni Ayako. Ang buong akala ko, sabay silang nagkaroon ng curse. Kaya siguro nang maranasan ni Daisy ang 23:57 curse ay sumunod si Oliver.
"Simula noon, naparanoid din ako. Nagkaroon ako ng anxiety disorder. Bukod pa roon ay para na akong nababaliw sa mga nangyayari. Kaya nang malaman ko na naiwan si Daisy noon para sa last shift sa Private I Café. Agad akong sumunod. Pero nalaman kong huli na ang lahat kaya hinintay ko siya sa Omotesando Station at sabay kaming tumakas. Pinaliwanag k okay Daisy ang sitwasyon. Noong una ay napaparanoid din siya. May mga panahong ayaw niyang kumain. Laging natatakot. Pero binigyan ko siya ng lakas ng loob. At tinuruan ko siya ng isang outlet. Ang isulat sa journal ang lahat ng nararamdaman niya. Ako kasi, ang outlet ko ay ang maging busy sa pagpapatakbo ng Private I Café. Hindi man ako ang may-ari nito, hindi ibig sabihin na papabayaan ko na lang ito. Kaya kahit papaano nagkaroon ako ng isa pang rason kung bakit kailangang hindi ako tuluyang mabaliw sa mga nangyayari."
"Yung laman ng journal ni Daisy, ang unang mga pahina noon ay isinulat ng isang Private I Café waitress sa isang blog."
"Sino siya?" tanong ni Investigator Yamamura.
"Uh. Hindi ko alam kung relevant pa ito para may malaman pa tayo sa origin ng 23:57 urban legend. But I will tell you. Sa pagkakatanda ko, siya si Yuri Katou."
"So, paano unang nangyari sayo ang curse?"
"Nag umpisa ito nang umuwi ako galing sa Private I Café. Manager na ako ng café noon. Natural lang na huling umuuwi ang manager pero nang mag last train ride ako, doon ko na na encounter and mga smiling people. Eventually, naka surgical masks na sila."
"Does it even matter kung naka surgical mask sila o hindi?" I asked.
No one answered.
"Pumasok ka ba sa pagitan ng post at wall?"tanong ko. Hindi ko mapigilan ang magtanong kasi kailangang gamitin ko ang opportunity na ito habang magkakasama kaming lahat at nagbibigayan ng impormasyon.
"Oo. Bakit mo naitanong? "
"Kami rin ni Ayako, pumasok kami sa post at wall bago naming naranasan ang 23:57." Sagot ko habang nagkatinginan kami ni Ayako.
"Me too. I entered the post and wall." Isang revelation ni Investigator Yamamura sa aming lahat.
So that was it! Lahat ng nasa curse ay pumasok sa post at wall.
"Pero bumalik kami ulit ni Daisy noon sa post at wall para lumabas. Naisip na rin naming yan noon pero walang nangyari. Patuloy pa rin ang sumpa sa amin." Agad na pinutol ni Oliver ang pag asa naming tungkol sa post at wall.
Wala nang nagsalita simula noon. Siguro lahat kami ay nagiisip ng mataimtim sa mga sitwasyon namin.
Kung hindi post at wall ang source at solution ng lahat ng ito. Paano kaya kami makakawala sa sumpang ito?
"Sa palagay ko, iyon lang ang masasabi ko. Ito lang naman talaga ang nalalaman ko. Both of Daisy and I are not aware of the main origin of the 23:57. Gusto ko nang matapos ang lahat ng ito." Pagtatapos ni Oliver sa gusto niyang sabihin.
Kakaunti lang rin pala ang nalalaman ni Oliver tungkol sa 23:57. Kahit nagsabi na siya ng information, hindi pa rin sapat iyon...
"I guess, I will be the next one." Tumayo si Investigator Yamamura sa kinauupuan niya habang dala-dala ang hand bag niya. "I think I experienced all of these prior to you guys. Well, I was into the curse before the urban legend was circulated in the internet. Prior to when Daisy and Oliver were betrayed by the waitress and posted the story as a blog entry. "
Kung nauna siya, mas makakakuha ako ng impormasyon sa investigator na ito. Si Investigator Yamamura ang pinaka bago kong nakilala pero marami siyang nalalaman. Bukod pa rito, investigator siya. Kaya gusto kong marinig ang mga nalalaman niya tungkol sa 23:57 urban legend.
"It all started when I went home drunk in Shibuya Station."
"23:50. I attended the drinking party. It was a promotion party of my colleague then. I was so drunk that time that I my friend had to ride with me on the train." Naging seryoso ang mukha ni Investigator Yamamura.
Ibig sabihin, hindi lang si Investigator Yamamura ang mag-isang nakaranas ng sumpa. May kasama pa siyang isa.
Gusto kong magtanong pero mas gusto kong ipagpatuloy niya ang kinukwento niya kesa sa i-interrupt ko siya.
"Both of us waited at the last train. 23:57, we rode the train together. At first, everything appeared to be pretty normal. I never paid any attention to my surroundings because I was practically drunk." At nagbuntong hininga si Investigator Yamamura. "Until I saw all the people were wearing surgical masks. All of them have that smiling eyes. And then they began to bleed..."
Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Dahil bumalik ulit ang mga horrifying experiences ko sa mga taong naka surgical masks na yun.
"They chased us as well. At the next station, the time is stil 23:57. It should have been 23:58 by then but the time did not change at all. That's a very strange. These people almost caught us until both of us managed to survive and escape together."
"Who was your friend?" tanong ni Ayako kay Investigator Yamamura.
"He was my senior before when both of us worked as a team in Shibuya Police ward. He decided to quit eventually in the police department he was assigned to. He later became an editor." Paliwanag ni Investigator Yamamura sa amin. Kasabay nito ang pagkuha niya ng photo sa loob ng bulsa ng handbag niya.
"He was the editor of Peculiar magazine. He is Kouhei Tetsu."
At nagulat ako sa narining ko. Kouhei Tetsu.
At nang makita ko ang photo na inilabas ni Investigator Yamamura, isa itong group photo ng mga police na nagiinuman sa isang izakaya.
"He is the one with bubbly vibe and slightly chubby one." Turo ni Investigator Yamamura sa photo habang nakatingin kaming lahat.
Kilala ko siya. Hindi ako nagkakamali! Siya ang editor namin!
Si Tetsu-san!
No way...
11th Incident: Revelations Part 1 黙示録パート1