10th Incident: White Curtain白幕 

Si Dr. Carl Higashi ang tumingin sa sugat ng nanay ko sa daliri. Dahil wala ng doctor na in-charge doon, siya ang unang tinawagan. Dahil bukod siya ang doctor ko, ay malapit lang ang tinitirahan niya sa ShibuyaHospital. Mabilis ng pag respond ng staff sa hospital sa aksidente. Well, alam ko na hindi siya aksidente.


Kinakabahan ako sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Ano bang ginawa ng nanay ko at bakit kailangang madamay siya sa lahat ng ito? Gulong-gulo ako sa nangyayari.


Hindi ko na nga alam kung paano ko malalampasan ang lahat ng ito,kailangan pang may madamay.


Tinitignan ko ang nanay ko habang ginagamot siya ni nurse Riiko. Nagaalala talaga ako para sa kanya. Dahil bukod sa nangyari sa nanay ko, wala siyang alam sa mga nangyayari.

Hindi nga niya alam na katabi na niya pa rin ang batang naka-surgical mask na ito.

Siguro okay na rin na wala siyang alam sa lahat ng nangyayari.

Napansin ng nanay ko na tinititigan ko siya. At agad akong bumalik sa sarili ko mula sa malalim na pag-iisip. Nagpaalam at umalis si nurse Riiko para ibalik lahat ng gamit niya sa panggagamot at para magsulat ng report tungkol sa mga pasyente niya.

"Ma! You need to go home!" pasigaw kong sabi sa nanay ko. At sinuway na naman niya ako dahil lumakas ang boses ko.

"Don't worry. Daliri lang ito. Malayo ito sa bituka." Ngiting sabi ng nanay ko. Ito na naman ang nanay ko na sinusubukan pagaanin ang mood ng sitwasyon.

"Yuya, ano bang nangyayari sayo anak?" isang seryosong tanong ng nanay ko.

"Okay. I am okay." I just really don't want to elaborate things.

"Don't worry. Don't worry."

"Just go home today at hindi na ako magaalala." Sabi ko sa nanay ko.

Medyo kinainis ito ng nanay ko dahil pinapauwi ko siya agad pero naintindihan niya rin na nagalala ako para sa sugat niya.

Pero, hindi lang iyon ang dahilan...

Naisip ko na tuwing kasama ko ang mga taong nadadamay sa sumpang ito, may nangyayaring masama sa kanila.

Si Daisy. Nasagasaan siya nang makasama ko siya.

Si Tetsu-san, Nasagasaan siya nang magkita kami sa Shibuya.

I don't know what will happen next kapag tumagal pa sa tabi ko ang nanay ko.

I don't want to imagine!

May iniwan na dalawan paperbag ang nanay ko sa loob ng drawer ng side table na malapit sa higaan ko. Yung isa puros prutas ang laman at ang isa ay damit. Saka niya ako hinalikan sa noo at umalis.

Dumating naman si Nurse Riiko at Dr. Higashi para sa last check up ko sa gabing iyon.


Umalis ang nanay ko sa ospital at naiwan kami ni Nurse Riiko.

Somehow, kahit alangan akong aalis ang nanay ko dahil hindi ko alam ang pwedeng mangyari sa kanya, mas mabuti na ito kesa sa baka may mas mangyaring masama sa kanya kung kasama ko siya.

Sinumulan na akong kuhanan ng pulso at tinignan rin ang heart rate ko.


Bukod sa fatigue, I am currently having anxiety disorder daw.

Kahit naman siguro sinong malagay sa sitwasyon ko ngayon, magkakaroon ng anxiety disorder.

"When can I get out of here?" diretsahan tanong ko sa kanilang dalawa.

At nagtinginan si Dr. Higashi at Nurse Riiko.


"I advise for you to have couple of days rest." Sagot sa akin ni Dr. Higashi habang nagsusulat si nurse Riiko ng report.

"No. It's impossible, Dr. Higashi. I missed my classes and work too. I don't want to stay longer. I need to catch up as soon as possible." Paliwanag ko para payagan nila akong makalabas agad.

Pero ang totoong dahilan ay gusto kong gamitin ang free time ko para ungkatin ang source ng 23:57 curse na ito. At hindi ko magagawa iyon hangga't nandito ako at nakahiga.

Baka sakaling may malaman rin kasi ako kung paano ako makakawala sa sumpang ito. Iyon na lang ang pinanghahawakan ko ngayon.

Mula sa two days advice ay ginawa itong isang araw na rest na lang. Thankful naman ako at pinakinggan ako ng doctor ko. Pero sa isang araw ko na mamalagi sa kwartong ito... Marami rin palang maaaring mangyayari...

"I am Police Inspector Ueda. I am with Police Inspector Sawada," pagpapakilala ng isang Japanese police sa akin at pati sa kasama niya.

Umaga pa lang nang dumating ang dalawang police na ito from the Shibuya Ward.

Gusto lang daw malaman ng police ang buong pangyayari nang mahimatay ako sa Shibuya station sa Hanzomon platform. At kailangan lang daw silang malaman ang condition ko para maisulat rin nila sa report nila.

"I am okay. Though, I want to know more about the incident there with my editor." Sagot ko habang may gusto rin akong makuhang info mula sa kanila.

Nagtinginan silang dalawa at sinagot ako na hindi raw nila alam ang sinasabi ko.

"My editor, Tetsu-san, died there! An accident happened in Shibuya Station!"

Nagtinginan na naman silang dalawa. At sinagot ako na hindi raw nila alam ang pinagsasasabi ko. Walang accident raw na nangyari kagabi.

What are you saying?! You are the police! You should have known!


Biglang bumalik ang alalala ko nang subukang abutin ni Tetsu-san ang kamay ko bago siya tuluyang nasagasaan ng train.

Impossibleng hindi nila alam iyon. Incident iyon. At ang mga ganoong incidents ay dumadaan sa police. Lalo na sa isang lugar tulad ng Shibuya.

At sumakit na naman ang ulo ko sa pagiiisip. I was advised to get some rest by both of them. Babalik na lang raw sila.

Pero hindi pa ako tapos...

"The plastic file case! It's with me in the station. Do you guys have it?"


Tiwala ako sa Tokyo, kapag may nawawalang gamit ka kasing naiwan doon ay makukuha mo ulit ito sa Shinjuku Station. Ito ang isa sa mga nagustuhan ko sa Tokyo, walang nangunguha ng gamit.

Pero tulad ng inaasahan kong sagot mula sa kanila, hindi na naman nila alam ang pinasasasabi ko. Wala raw akong hawak na plastic file case nang mahimatay ako sa Shibuya Station.

Anong ibig sabihin nito?!


Nagsimula na akong magduda sa sarili ko. If there's no accident, then Tetsu-san must be alive! Ibig sabihin, wala rin siyang ibinigay na plastic envelop sa akin?

Damn it! What exactly is going on?!

What's with all of these? Is my mind tricking me?

May kinuhang card si Police Inspector Ueda mula sa bulsa niya. Isang business card ito at ang nakasulat ay nasa Japanese:

Dr. Tomomi Mamiya

Psychiatry Specialist

Sinabihan ako ng police na pwede akong magpa consult sa recommended doctor na iyan. Makakatulong sa siya sa akin.

Nainsulto ako.

So they both think I'm going crazy?

F*ck them!!

Pero sinubukan ko pa ring maging composed. Foreigner pa rin ako at hindi ako pwedeng gumawa ng isang eksena dito. Nakakainsulto talaga ito para sa akin pero mas mabuting paganahin ko ang isip ko kaysa sa maging emotional ako at magalit.

"Thank you. I will visit her soon." Pero sa totoo lang, gusto ko na matapos ang pakikipag usap ko sa kanila. Dahil kung tumagal pa sila, baka hindi na rin ako makapag pigil.

Nagpasalamat sila at nagpaalam. Bago sila tuluyang umalis ay tinanong nila ako kung sino ang pasyente na kasama ko. Nakasarado raw kasi ang white curtain.

Hindi ko kilala. Hindi ko nga siya nakikita dahil hindi pa ako nakakaalis sa higaang ito. Sinabi ko na wala akong idea at nagpaalam na sila sa akin at hindi na inusisa ang katabi ko.

Kung sino man siya...

They both left eventually.

Nang makaalis na silang dalawa, na-curios na naman ako sa pasyenteng nasa kabila ng white curtain divider. Simula kasi ng nadoon ako, wala akong ingay na narinig sa area niya. Wala rin yata siyang bisita.

Nang abutin ko ang white curtain para hawiin ito ay tumunog naman ang pamilyar na ringtone na mula sa opening theme ng isang basketball anime na kinahihiligan ko. Nagulat talaga ako sa malakas na tunog nito.

Nakuha ng attention ko ang dalawang paperbags na iniwan ng nanay ko sa side table ko. Doon nanggagaling ang tunog. Nang buksan ko ang paperbag nandoon ang mobile phone ko. My mom left it there along with the charger.

Great! I need this!

Tumatawag si Shibata-san sa akin at agad kong sinagot ang phone.

"Hello. Shibata-san, what is it?"

"Yuya-san? Can we meet?" naramdaman ko ang seryoong boses nito na unusual sa lively na boses niya.

"Sure." Naramdaman ko rin kasing seryoso siya at gusto ko rin talaga siyang makausap.

At dahil sa parehong nasa Shibuya lang naman ang hospital kung nasaan ako at ang Peculiar office, agad na nakarating si Shibata-san. Maga 5-7 minutes ko lang siyang hinintay. Pero hindi siya dumating ng ma-isa.

This time, may kasama siyang isang mid thirties na babae.

"I would like to introduce you to Harumi Kitade. Your new editor." Pakilala ni Shibata-san sa babaeng nakasalamin na katabi niya. At ang babaeng ito ay nag bow sa akin bilang bati. Ibinalik ko naman ang bow niya.

"I am Kitade Harumi. I am here because starting today, I will work as your active editor and I will be hands on to your upcoming articles. Thus, I will meet you most of the time about your-"

Wait. What? Pinatigil ko si Kitade-san sa pagsasalita.Wala talaga akong naintindihan sa sinasabi ni Kitade-san. I know it's rude pero may isang bagay akong kailangang makumpirma.

"Tetsu-san is dead isn't he?"


Hindi umimik si Shibata-san. Pero alam ko sa reaction niya, there's something fishy.


"He will be replaced by Kitade-san. Please continue to forward all your upcoming articles to her. I will continue to as an assist. Please continue to write and provide photos to Peculiar magazine."

"You're not answering my question!"

Stop making me feel that I'm going crazy already! Enough!

Hindi pa rin siya umimik at yumuko lang siya. At nakumpirma ng pagyuko niya ang tanong ko.

Tetsu-san is really dead.


Ilang segundo rin akong natahimik. Hanggang sa nagdecide ako at nagbuntong hininga.

"I am sorry Kitade-san but I cannot talk about work right now. I hope you understand. Can I talk to Shibata-san alone?"

Nag bow si Kitade-san at lumabas pansamantala sa kwarto. Alam ko na clueless siya sa pangyayari kaya minabuti kong wag niya nang malaman ang detalye. Kasi isa lang ang siguradong sigurado ako ngayong sa sarili ko, ang mga nadadamay ay namamatay.

Pero habang papalabas si Kitade-san sa pintuan ng kwarto, nag aabang na sa kanya ang mga naka-surgical mask.

Can I really do something about all of this?

"Shibata-san. Tetsu-san died and I was there with him." Panimula ko at gusto ko pa sanang magpaliwanag about the paranormal events na nangyari pero bigla siyang nagsalita.

"He committed suicide, right?"

"No." Nagulat ako sa sagot niya sa akin.

"He was killed!"


"Suicide is a bad image for our magazine. That's why, the superiors have to cover up this incident. We cannot announce that this happened to the public. It will also reflect strongly to his family's image. Thus, we are assigned to do we can to hide this incident."

"What do you mean?"

"Tetsu-san has resigned and he got a heart attack. That's the truth that you will say to anyone from now on." I don't know but when Shibata-san said this line to me, I felt he became somewhat different.

"What?! Shibata-san, what is these all about?"

"I cannot say anything more." Hindi niya pinansin ang tanong ko. Instead, he gave me something. "Please take this week's issue of Peculiar Magazine for future references on your upcoming articles."

I can't believe this!


Ipinatong niya ang copy ng Peculiar magazine sa side table ko. Kinuha ko 'yon at tinapon.

Enough of this Peculiar Magazine!

"Speak up, Shibata-san! Tetsu-san's dead! He was killed in a supernatural way that I cannot explain the reasone why! You know it's not suicide and you know it's not heart attack either! I can't believe you can do this!"

Nawala na ang composure ko sa lahat ng ito. May namatay pero bakit kailangang protektahan pa rin ang image ng magazine? Dumadami na ang tanong ko. At marami sa kanila ang hindi pa nasasagot!

Tumalikod si Shibata-san.

"Shibata! Come back here! Shibata-san!"

Lumabas si Shibata-san ng kwarto at umalis na sila ng tuluyan ni Kitade-san. Clueless pa rin si Kitade-san sa buong pinaguusapan namin.

Huminto ng saglit si Shibata-san habang nakatalikod.


"We will talk to you again once you're calm."

F*ck! This is making me all go crazy!


Pero alam niyo ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako mapakalma? Sumusunod na kasi sa kanilang dalawa ang tatlong lalakeng naka surgical masks.

Nakakalat sa sahig ang kopya ng Peculiar magazine. Medo nakabukas ito. Inilabas nga yata nila ang article namin ni Ayako na The Urban Legend of 23:57.


Ayokong basahin ang magazine na iyon.


Tulala lang ako sa direction kung nasaan ang pinagtapunan ko ng Peculiar magazine.

Ano bang nangyayari? .

At kumirot na naman ang ulo ko.

"My speculations were correct." isang pamilyar na boses ang narinig ko na pumulot ng kopyang nakakalat sa Peculiar magazine.

Dumating ang isang taong hindi ko inaasahan.

Nakasuot siya ng lumang black leather shoes. Naka trenchcoat na light brown at mahaba-haba ang wavy nitong buhok. Kilala ko siya!

Si Investigator Yamamura.

Nanlaki ang mata ko sa gulat. This is totally unexpected! Hindi ko alam kung paano nangyari nalaman niya kung nasaan ako. Pero kakailanganin ko iyon.


He started browsing the copy of Peculiar magazine.

"The 23:57 urban legend is not in here."sabi niya matapos niyang isara ang magazine at tignan ako ng seryoso.

Teka lang muna. Sunod-sunod ang mga nangyayari.

Let me absorb these first.


Hindi ako nakapagreact agad sa sinabi niya dahil maraming pumapasok sa isip ko.

Hanggang sa nagbuntong hininga ako.

"How did you-" patanong ko pero hindi ako pinatapos ni Investigator Yamamura.

"How did I found you? I think that it's not important compared to all the information that I can tell you about 23:57."

Nanlamig ko.

Now you're talking. You got my attention.

Nanabik ako nang marining ko ang 23:57.

"But before that, did you know that Daisy's accident, Tetsu-san death and your hospitalization were not in the news?"

Napa-squint ang kaliwang mata ko. Nagtaka ako kung anong pinagsasasabi niya.

"These events were not told in any news. Not in newspapers, radio, and even in TV."


So what's the relevance of this to 23:57. I never said this but Yamamura-san knew that I am asking this just by looking at my reaction.

"Your article about 23:57 was not published. Even though it's popular as an urban legend ang in the internet, it wasn't published in TV, radio nor in print." Paliwanag niya sa akin.

"This means... there are higher-ups who were manipulating the release of any information about 23:57."

"I heard about Shibata-san's explanation about hiding Tetsu-san's REAL reason of death to public. What's going on now is not just about Peculiar magazine's goal to hide Tetsu-san's death. Even the police of Shibuya-ward are involved in hiding the 23:57 incident."

Oo nga. So that's it!

And for the very first time, nalinawan ako.

In just 5 minutes, a lot of information were feeded to me. This Investigator Yamamura-san, he knows a lot. It's not just about being clever. He is clever indeed! But he knows something about the 23:57 urban legend.

Binigay niya sa akin ang kopya ng Peculiar magazine. Nang tignan ko ang magazine, I confirmed it with my own eyes. Somebody really halted the release of 23:57 Urban Legend article in public. Probably not just somebody. Perhaps a group of people too!

This means, hindi lang grupo ng mga naka surgical masks ang problema namin ngayon. Pati ang mga police ng Shibuya ward at ang Peculiar magazine na rin mismo.

Who would have thought? I don't need to move around in order to gather information about 23:57. How ironic that I got all this revelation just be being in this bed. Near this white curtain divider.

At napatitig ako sa white curtain na ito.

"Unh.."


May narinig ako sa kabilang side. Isang ungol ng isang pasyenteng kasama ko sa kwarto. Natahimik kaming dalawa ni Investigator Yamamura.

Dahan dahan na lumapit si Yamamura-san sa white curtain.

Hihihi.


Nagulat kami sa tawang narinig namin. Nagkatinginan kami ni Investigator Yamamura. Parang nagusap lang kami sa mata. Agad na hinawi ni Investigator Yamamura ang white curtain. Nagulat ako sa nakita ko.

Katabi ko sa hospital si Daisy...

Pero hindi lang ito ang ikinagulat ko, dahil may dumating pang isang bisita.


Si Oliver. At kasama niya si Ayako.

Lahat ng nasa sumpa ng 23:57 ay nandito ngayon...

Si Oliver na nasa pinto na nagulat rin nang makita ako.

Si Daisy na nasa higaan at kasama ko pala sa kwartong ito.

Si Investigator Yamamura na kahit maraming nalalaman ay nagulat sa buong pangyayari.

Si Ayako na kasunod lang ni Oliver na isang misteryo pa rin sa akin.

At ako na naguguluhan, nagulat pero nabuhayan sa nangyayaring ito.

Pagkakataon na sana ito para mapagdikit-dikit na namin ang lahat ng nalalaman namin tungkol sa 23:57...

RAYKOSEN Creator

10th Incident: White Curtain白幕