"Ikaw lang sapat na" By: MegumiJ29❣️


Isang gabi tayo'y magkatabi.
Sa ilalim na madilim na kalangitan.


Nakahiga sa damuhan. Nakatanglaw sa mga bituin sa kalangitan.


Habang ako'y naka higa sa iyong dibdib.


Dinig lakas ng kabog ng iyong puso.


Para sa akin ba tumitibok ang puso mo?


Napatanong sa aking sarili habang nakatingin sa iyong kagwapuhan.


Ikaw naman ay patuloy na nakatingin sa kalangitan.


Hindi mo wari aking nasa isipan habang ikaw'y pinagmamasdan.


Habang tumatagal, nahuhulog sa'yo.


Hindi magtatagal puso ko'y namamahal na sa'yo.


Pilit ko rin pinapakalma ang bilis ng tibok ng puso ko, takot akong marinig mo ito.


Baka malaman mo na ikaw na pala ang nagmamay ari nito.


Gayunpaman pagnalaman mo kaya magbabago pa ba iyong isipan?


O patuloy nalang ba akong aasa sa isang pangarap ng puso ko.


Ang mapasakin ka, hindi na ako maghahangad pa ng iba.


Ikaw lang sapat na, sobra sobra pa.


Ang kaso hanggang kaibigan lang pala.

MegumiJ29 Creator