"Hindi sigurado, pero marupok pagdating sa'yo"


Heto ako't sumubok muli. Sa hindi siguradong pag ibig na hindi ko alam kung tatagal hanggang sa huli.


Dahil simula ng mamasdan ko ang iyong mukha sa unang pagkakataon, ay hindi na nag baka sakali.


Dinala mo ang puso ko sa lugar kung saan hindi mapakali.

Ang isipa'y hindi mapahinga sa pag iisip ko sa'yo.


umiibig na sa'yo, ng hindi sigurado.


Hindi mawaglit masasayang sandali sa isip at puso.


Kakaiba ang dating mo, ang mga salitang namumutawi sa labi mo.


Ngayon ako'y nakatingin sa kalawakan, ngiti mo ang naaalala ko.


Hindi sigurado, ngunit basta sa'yo bumibigay ako.


Bakit ang rupok ko.


Pag dating sa'yo mahal ko.


Nasasaktan.


Sumasaya.


Lumuluha.


Kinikilig.


At patuloy na nagmamahal sa'yo.


Bawat halik mo ang hinihintay ko.


Bawat yakap mo na bumubuo ng araw ko.


Mga mensahe mo na napapatalon pa ko.


Hindi sigurado kong hanggang saan tatagal ang pagmamahal kong ito.


Pero pag dating sa'yo, lahat ng hindi ay nagiging oo.


Oo, dahil ikaw at ako.


Dumating man sa huli, ikaw parin ang pipiliin ko.


Hindi sigurado, pero pagdating sa'yo marupok ako.




—🎶MegumiJ29❣️



Photo credited to the rightful owner.
MegumiJ29 Creator