"YANI AMPARA! BANGON NA!! TIRIK NA ITRIK NA ANG ARAW!!!"
ilang beses inulit ng babae ang mga salitang ito ng pasigaw. Dahil sa pagkarindi ay napilitan na lamang gumising si Yani kahit na parang hinihila pa siya ng kanyang higaan.
Sa totoo lang ay hindi exaggeration ang salitang napilitan lang si Yani bumangon. sapagkat iyon ang katotohanan, sobrang sakit ng mga kasu-kasuhan at kalamannan niya ng umagang iyon. Hirap man gumalaw, bago bumangon ay inangat niya ang kanyang kamay upang batukan ang "alarm clock" na kanina pa nag-iingay.

"ARAY!! woi mortal, ang aga-aga mukhang balak mo ata maputulan ng kamay." Singhal ng alarm clock.

Mula sa pagkahiga ay bumangon si Yani at umupo. Gamit ang kanang kamay na ibinatok niya sa alarm clock, kinusot niya ang kanyang mga mata sa pag-babakasakaling mas gumaan ang mga ito at mas maimulat niya ang mga mata ng maayos.

"Mali-late na tayo Yani!! o baka gusto mong 'di na tayo mag-almusal?"
Tumingin si Yani sa direksiyon kung nasaan nagmumula ang boses na gumising sa kanya. Dahil sa pagkusot ni Yani sa kanyang mga mata at sinag ng araw mula sa bintana kung nasaan nakatayo ang babae at alarm clock, nagmistulang camera na nag-pupukos ang kanyang paningin. Paunti-unting nabuo sa harap ni Yani ang imahe ng isang-

Teka.. Bago 'ko ituloy ang kwentong ito may mga nais lang akong linawin. Una, Ang mga kaganapang ito ay hindi sa loob ng bahay kung saan ang isang nanay ay ginigising ang kanyang anak. Ikalawa, Hindi ito fairytale na kung saan may mga nagsasalitang gamit. Bagkos ito ay kwento ng-

Paunti-unting nabuo sa harap ni Yani ang imahe ng isang-
Isang maliit na dilag, Hindi rin ito exaggeration sapagkat kahit dalaga na, ang height ng dilag na ito ay 7 inches lamang kasama na sa bilang ang pagtingkayad niya. Kapansin-pansin rin ang kanyang kulay itim na buhok na sa sobrang tingkad ng kulay ay malinaw pa rin na makikita ang bawat hibla kahit madilim ang paligid. Nakalugay ito na abot hanggang talampakan. Kabaliktaran naman ng kanyang buhok ang mala-porselana niyang balat na tila kadugtong na ng puti niyang dress. Paresan mo pa ng ma-amo niyang mukha, NAPAKA-AMO na nasa puntong kahit namumula na siya sa galit ay hindi pa rin matatakot sa kanya miski ang mga daga. Maliit man ang dilag na ito, ay makakabali pa rin ng leeg ang pigura ng kanyang katawan. Pangmodelo sa runway to be exact, kung umabot lang sana siya sa heigh-

"Paumanhin mahal na prinsesang Elise, babangon na ang iyong lingkod." Sarkastikong wika ni Yani habang pinapagpag ang kanyang pantalon at damit.

"Mainam kung gayon, kahapon pa tayo walang kain. Sayang naman ang sampung taon na ginugol natin sa-" naantala ang pagsasalita ni Elise nang may marinig siyang kakaibang tunog na nagmumula sa labas ng bintana. subalit isinawalang bahala niya lang ito at itinuloy ang pagsasalita.
"kung mamatay lang din tayo sa gutom."

Hindi na pinansin pa ni Yani ang nagsasalitang alarm clock, naglakad siya patungo sa bintana para sumilip.

Agad namang sumunod si Elise, apat na mga pakpak na kawangis ng mga pakpak ng tutubi ang mahiwagang lumitaw sa likuran ni Elise. Lumipad siya at dumapo sa kanang balikat ni Yani.

Pagsilip ni Yani sa bintana ay napapikit siya ng bahagyadahil sa pagkasilaw. Nawala din ito kalaunan. Ganap nang nakita ni Yani ang tanawin sa labas ng kanyang bintana. Namangha siya kung paano kinukumutan ng araw ang tuktok ng kagubatan gamit ang kanyang sinag. Napakasigla rin ng luntiang paligid dahil matatanaw mo sa kahit saang anggulo ang mga nagliliparang mga ibon.

"Yani mag-ingat ka, baka nakakalimutan mo kung nasaan tayo."
Sapat na ang mga salitang iyon na binitiwan ni Elise para maalimpungatan si Yani at bumalik sa riyalidad. Tumingin si Yani pa-ibaba, na nagresulta ng kanyang pag-atras ng bahagya.
"HAHAHAHA masasanay ka rin." Wika ni Elise habang tinatapik-tapik ang batok ni Yani.

Napabuntong hininga na lamang si Yani. Kailangan na niyang masanay sa ganitong uri ng pamumuhay.
Pamumuhay kung saan, hindi siya maaring umapak sa lupa at tanging mga sanga ng mga higanteng puno ang magsisilbi niyang daan upang magtungo sa kanilang nais puntahan.

Sa kasalukuyan ay nasa loob ng malaking puno si Yani at Elise. Ang punong ito ay may taas na 200 meters. Ito ay matuturing nang higante sa mundong ito. Kung saan ang average height ng mga puno ay 100 meters.

Si Yani at Elise ay nagpalipas ng gabi sa isang butas na malapit sa gitnang bahagi ng higanteng puno. Ngunit sapat na ito upang matanaw nila ang tuktok ng ibang mga puno.

Habang ninanamnam ni Yani ang katotohanang ampalaya flavor ay muli nanaman nilang narinig ang kakaibang tunog subalit 'di pa rin nila ito pinansin sapagkat mas nangingibabaw ang kanilang kumakalam na sikmura.

"Yani, manghuli ka kaya ng ibon para may almusal tayo."
.
.
.
"Oi Yani tingnan mo sa banda roon, parang kusa na atang inaalay ng ibon na yun ang sarili niya sakin."
.
.
.
Tumingin si Yani sa direksyon kung saan nakaturo si Elise. Totoo nga, may isang ibon na humiwalay sa kanyang grupo at unti-unting limilipad patungo sa direksyon nila.
........
"Teka, Gutom lang ba 'to?Eli-" Hindi pa natatapos magsalita si Yani ay sumigaw na agad si Elise.
"Yani takbo!! bilisan mo pumasok ka dito sa loob." Hingal na sigaw ni Elise.

Ang dilag na kanina lang ay nasa balikat ni Yani ay tila kidlat na lumipad papasok sa kaloob-loobang bahagi ng silid.

Sino ba namang hindi masisindak. ang kanina pangkaraniwan na ibon ay isa palang napakalaking nilikha. Nalinlang sa ilusyon ng distansya si Yani at Elise.

Ang kaninang pipit, ngayon ay dalawang beses nang mas malaki sa average na tao kagaya ni Yani ( 5'7 ). Ang wingspan ng ibon na ito ay sampung metro. Hindi na kailangan pa ng proweba o karanasan. Sapat nang makita ang tuka at mga kuku ng ibon na ito para bulungan ka ng sarili mong anino.

"Hindi ikaw ang nasa taas ng food chain."

........
Pumasok si Yani sa loob ng puno. Subalit hindi ito dulot ng takot. Kalmado lamang siyang naglakad na para bang walang panganib na naka-amba sa kanila.

"Elise malalaman na natin ngayon kung nag aksaya lang ba tayo ng sampung taon." Wika ni Yani habang naglalakad patungo sa pinakadulong pader ng silid.

Habang abala si Elise na tinititigan ang tuka ng ibon na pinipilit silang abutin sa loob ng maliit na butas. Binunot ni Yani ang kanyang pocket knife at gumuhit ng bilog sa pader.

"Luna"

Bulong ni Yani sa kanyang sarili. Isang alaala ang panandaliang sumagi sa isipan ni Yani nang makita ang hugis na iyon.

Agarang ginuhitan ni Yani ang bilog ng isang linyang pahalang at nagsimulang magsalita na parang nag-oorasyon.
"O' dakilang puno ng pagkaganid, pakikipagsundo ay pakinggan. Aking imahinasyon ay angkinin, gawin mong katotohanan."

Pagkatapos banggitin ni Yani ang mga katagang ito— gamit ang pocket knife ay pinadugo ni Yani ang kanyang hinlalaki at minarkahan ng dugo ang iginuhit niya sa pader.

Mahiwagang naglitawan sa hangin ang mga kulay berdeng ilaw na kasing laki ng holen.

Kanina ay sobrang 'dilim sa loob ng silid sa kadahilanang natakpan ng malaking ibon ang nag-iisang lagusan ng sinag ng araw. Ngunit dahil sa mga munting berdeng ilaw ay napalitan ng nakakasilaw na liwanag ang kadilimang ito. Subalit ito'y panandalian lamang agaran din ito nasundan ng isa pang nakakamanghang pangyayare.

Ang mga berdeng ilaw ay parang mga sago na hinigop ng larawan na iginuhit ni Yani sa pader at nagtipon-tipon ang mga ito para bumuo ng isang tuldok. Paunti-unting lumabas sa tuldok na nasa pader ang isang patpat, sa mga naunang segundo ay sampung sentimetro lamang ang haba ng patpat, nang katagalan ay umabot ito sa haba na isa't kalahating metro (1½m.) at sa puntong iyon ay bahagya nang nag-iba ang korte ng patpat at bumuo ito ng patulis na dulo.

Gamit ang kanang kamay ni Yani ay kinuha niya ang nabuong patpat at ipinalo sa hangin. Naglabas ito ng malakas na tunog na parang hiniwa ang hangin. Naagaw nito ang atensyon ni Elise— napangiti si Yani nang bahagya. Isa itong sibat na yari sa kahoy at may habang isa't kalahating metro. Masasabing perperkto ang balanse ng lambot at tigas upang maiwasiwas ng walang pag-aalala na baka ito aymabali. Bagamat gawa sa kahoy ay maari pa rin na maihalintulad sa isang bakal na ulo ng sibat ang talim ng dulo nito.

Hindi pa man tapos sa pagkamangha si Elise at Yani ay muli nanaman nagliwanag ang tuldok at paunti-unti itong naglabas ng kalasag (Shield). Hindi kagaya ng sibat, ang kalasag na ito ay mas malaki lamang ng kaunti sa isang plato. Agaran din itong kinuha ni Yani bago pa tuluyang mahulog. Nasa isang pulgada (1inches) ang kapal ng kalasag. Ang korte nito ay bahagyang pakurba na parang likod ng pagong at may hawakan sa loob na tamang-tama sa laki ng kamay ni Yani.

Pagkatapos lumabas ng kalasag ay pa unti-unting nabura sa pader ang tuldok at ang iginuhit na larawan ni Yani.

"Wala ka pa ring pinagbago, talagang mahal na mahal mo talaga ang mga sandata na 'yan." Wika ni Elise habang nakatingin kay Yani na nakatindig na para bang mandirigma sa libro ng isang epiko.

"Mamaya na natin pag-usapan 'yang mga nostalgic memories. Mali-late na tayo." Bagamat maaga pa kung maituturing ang bukang-liwayway. Para kay Yani at Elise na layunin hanapin ang isang tao gamit ang limitadong oras at hindi tukoy na lokasyon nito— sa mundong masukal na gubat ang makikita mo sa kahit na anong direksyon.

Parang pakikipagkarerahan sa isang hourglass na wala kang ideya kung gaano pa kadami ang natitirang buhangin sa loob. Ngunit binabagabag ka ng pangamba na maari itong maubos sa ano mang oras.

Mula sa kinatatayuan ni Yani ay iwinasiwas niya muli sa hangin ang kanyang sibat. Mahigit dalawang metro ang distansya ni Yani mula sa butas at higanteng ibon subalit pagkatapos niyang iwasiwas ang kanyang sibat, nagkaroon ng pagsabog sa kinaroroonan ng higanteng ibon. Naging rason nang pagtalsik nito.

Bumukas ang lagusan ng liwanag na naging dahilan upang masilayan ng daigdig ang loob ng isang matayog na puno.

Kung titingnan mula sa labas ng butas, makikita ang larawan ng isang ginoo na may tindig ng isang mandirigma. Ebidensya ang makisig na hubog ng kanyang katawan at iilang peklat sa mukha na tila nakalmot ng mga mababangis na hayop. May hawak itong mahabang sibat at isang maliit na kalasag. Kaagaw-agaw pansin ang kulay berde nitong mga mata— tila nasa loob ang luntiang daigdig na ito. Sa kanang balikat ng ginoo, meroong munting nilalang na lumilipad-lipad. Kawangis ng mga diwata na sa mga kwentong pambata mo lamang maririnig at mababasa.

Ang larawan sa loob ng hindi perpektong bilog na frame na 'to, ang magiging balot ng isang partikular na aklat— tungkol sa mga nilalang na babaguhin ang kasaysayan ng nakaraan at hinaharap.

Jstar Creator

Malaking bird