Naging bituin ang mga mata ni Yani nang buksan ang laman ng kanyang bag. Ipinahiram ng kaibigan niyang matalik ang libro na lagi nitong binabasa. Sabik na sabik siya dahil matagal na panahon niya ring pinilit ang kaibigan niya na pahiramin siya.
Binuklat ni Yani ang libro na hawak niya. Tila gayuma na inakit si Yani ng amoy lumang libro na ito. Burado man ang pamagat sa balot ng libro ay napakalinaw pa rin ng mga titik sa unang pahina. Muling nadarang si Yani na tila gamu-gamu. bumungad sa kanya ang madilaw na papel na parang apoy ng lampara at ang itim na itim na mga letra na nakapatong rito.
.
.
Ito ay lipun ng mga kwento ng mga nilalang na walang takot sumalungat sa agos ng tadhana.
.
.
"Sabi nga sa kantang napakinggan ko, Mga patay na isda lamang ang sumasabay sa agos." bulong ni Yani sa sarili.
.
.
Lahat ay diterminado sa iba't ibang dahilan at patuloy na sinasalubong ang agos. Iisang direksyon lamang ang kanilang nilalangoy subalit isang malakas na ragasa ang susubok sa kanila. Ang iilan ay madadala, and nalalabi ay mananatili ngunit darating ang panahon na magkakasulubong ang mga ito. Kung ano ang kaganapan sa pagtatagpong iyon— ay nasa likod na pahina ng aklat na ito.
Napakamot na lang si Yani sa kaniyang ulo. "Pambata ba talaga 'tong libro na binabasa ko." napatawa siya nang mag-isa pero patuloy pa rin na binasa ang librong hawak niya.
Pasilip sa nakaraan ni Yani.