Lila's POV
Umaga nang magising ako. Naalala ko ang pangitaing nakita ko simula nung nahawakan ko ang Music box kagabi.
Bumangon ako at bumaba na para mag-almusal at makapunta sa INN. Ngunit...
" LILA ! " Pasigaw na tawag sa akin ni Laluna habang kumakatok sa pintuan.
Nagmadali akong bumaba at agad na pinagbuksan si Laluna nang Pintuan, napansin ko ang dala nyang pouch.
" ..M..Magandang umaga Laluna? maaga pa, anong meron? " sabi ko habang kinukusot pa ang aking mata.
" May nakita akong papel! " makikita ang pananabik kay Laluna habang sinasabi nya ito.
Hinawakan nya ako sa kamay at dinala ako sa sala namin.
" Magugustuhan mo ito! " sabik na sinabi ni Laluna sa akin. Binuksan nito ang dala nyang pouch at kinuha nya ang laman sa loob. Isang papel na gusot.
" ..I-isang papel? ...para saan yan? " nagtatakang itinanong ko sa kanya.
Binuklat ni Laluna ang gusot na papel at ipinakita sa akin.
" Nakita ko ito sa isang libro ni Elder Merril, itinabi ko ito ngunit napakielaman ng kapatid ko ... pinaglaruan nya ito nang hindi ko na pansin, inakala rin ni mama na basura ito kaya... ginusot nya. " ninenerbyos na sabi ni Laluna.
" ....Kung kay Elder Merril ito kailangan natin isauli. " sabi ko kay Laluna.
" Huwag na natin muna isauli! Natatakot akong pagalitan nya ! " sabi ni Laluna habang nangingilid ang kanyang luha.
" ...Umm... sige Laluna~ " sagot ko sa kanya at kinuha ko ang papel na kanyang hawak . "... oh kakaiba ang sulat na to.. Di na rin mabasa ang ibang nakasulat gawa ng pagkasunog dito..." pabulong na sabi ko kay Laluna.
" Ga-ganun ba? " sagot ni Laluna.
Habang nag-uusap kaming dalawa ay tinawag kami ni mama para kumain. " Susunod na po kami mamaya ina! " Sagot ko at inaya ko si Laluna sa itaas ng kwarto.
Nang makaakyat kami ni Laluna sa kwarto ay sinarado niya ang pintuan.
" Alam mo ba basahin iyang nakasulat Lila? " tanong ni Laluna sa akin .
" ...Oo , ang nakasulat dito ay... "
Athrú Méid. " matapus kong banggitin ang magic spell na ito ay.... bigla akong lumiit na parang pitong taong gulang.

[ Athrú Méid ] [ also called: Size Alteration / Shifting ]
ABILITY TO:
Manipulate the size of anything and everything.
Manghang nakatingin sa akin si Laluna at " L-Lila! woah!!!! " niyakap niya ako nang mahigpit. Ang cute mo! Lumiit ka! " sabi niya habang namumula ang kanyang mukha at pinanggigigilan ako.
" L-Laluna.. na...naiipit ako ... " sabi ko kay Laluna.
Agad niya akong binitawan sa pagyakap ni Laluna.
" ...Pano kaya ako babalik nito sa dati kong laki? ohh... itong nakasulat siguro na- " Lu Athrú Méid ! "
Nang basahin ko ulit ang nakasulat sa papel. Bumalik ako ulit sa dati.
" Lila! Ang galing mo! " masayang pagkasabi ni Laluna.
" ... Nakarandam ako nang pagkahilo... " nanghihinang sinabi ko at napakapit ako kay Laluna.
" Kumusta?! Ayos ka lang ba Lila?! " nag-aalalang tanong sa akin ni Laluna.
Hindi ako nakaimik sa kanyang tanong, sa halip inalalayan akong maglakad ni Laluna at inupo sa higaan.
" Pasensiya na Lila! Hindi ko sana pinasubukan sa 'yo ito. " Nag-aalalang sabi sa akin ni Laluna.
" Ayos lang ako Laluna wag ka mag-alala, hindi lang siguro ako sanay gumamit ng kakaibang spells. " Sagot ko sa kanya.
Maya-maya pa ay' kumatok na si mama sa kwarto at muli niya kaming tinawag para kumain. Bumaba kami ni Laluna para kumain na.
Nang makababa na kami ni Laluna, sabay na kaming kumain nang agahan sa kusina.
Biglang sumagi sa isip ko ang librong hiniram ko kay Elder Merril na hindi ko pa pala nabibigyan ng oras para mabasa.
"...yung libro ni Elder Merril~ babasahin ko mamayang gabi pagkatapus ko gawin ang ilan quest..." mahinang pagsabi ko.
Tumingin sa akin si Laluna at nginitian niya ako.
" Hindi mo pa nababasa? Ayus lang yan Lila! Basahin mo na lang kapag may libre kang oras." Sagot ni Laluna.
Matapus namin kumain ay naghanda na kami para pumunta sa INN. Dinala ko ang librong Hiniram ko kay Elder Merril at umalis na kami ni Laluna sa bahay.
Ngunit nang makarating kami sa INN... Sarado ito...
" Sarado sina Tanny~ ?" Nagtatakang pagkasabi ni Laluna.
" ...Oo nga , ohhh... Siguro... Babasahin ko na lang tong libro.... " Sabi ko kay Laluna sabay tingin sa hawak na libro.
Nagpunta kami sa lugar na
" Lilac Memorial "
Pagsasalarawan:
Ang Lilac Memorial ay isang lugar na may bulaklak na puro Lilac, walang ibang uring bulaklak o halaman ang matatagpuan sa lugar na to kundi lilac lamang.
...600 years Ago. Sabi-sabi ng mga tao sa Ecrin village, ang lugar na Lilac Memorial ay pinagtatayuan ng isang malaking Kingdom ngunit sa isang malaking trahedya, ang Kingdom ay gumuho , bagamat maraming iba't ibang teyorya at kwento ang Lilac Memorial pero hindi pa rin alam ang tunay na pangyayare.
Nang marating namin ang Lilac Memorial ay umupo kami sa ilalim ng puno para magpahinga at sariwain ng kapaligiran.
Uminat si Laluna at humiga sa damuhan." Ang ganda sa lugar na ito Lila. " Sabi sa akin ni Laluna.
Pagtango ko at sabing " Um, kaya lagi akong nagpupunta dito... "
Binuklat ko ang libro at tinignan ang pahina.
" Babasahin mo na Lila? " Tanong ni Laluna sa akin.
" Oo babasahin ko na siya..." Sagot ko kay Laluna.
Ang Nilalaman ng librong
"Flower Pot" ay isang alamat, kaalaman sa iba't ibang uri ng
bulaklak.
" Vālī Pratīka "
[
Emblem Guardians ]
Ang mga taong ito ay may taglay na pambihirang lakas at abilidad sa paggamit ng kakaibang Magics.
" Ummm...pero...sa panahon na meron tayo ngayon...normal na ang may Magics skills ... " Sabi ko.
Sila'y pinili ng gods para protektahan at gamitin ang kanilang kakayahan upang tulungan ang mga taong may pangangailangan.
" Kung ganun.... Ang tao noong unang panahon... ay hindi pa likas ang kakayahan sa paggamit ng magics...?"
Pagtango sa akin ni Laluna.
" Ganun na nga Lila! "
Sa iba't ibang Vālī Pratīka may isa lamang silang magic na kayang gawin.
Ang Vālī Pratikā ay iba't ibang uri ng bulaklak, Halimbawa: daisy, Rose, Yellow bell, Sampaguita , gumamela at iba pa. Kada-isang Vālī ay hawak nila ang isang Pratīka'ng Bulaklak.
Walang pinili ang gods para panghawakan ang isang pratīka, mahirap o mayaman pwede silang maging isang vālī.
Tinuturing silang special at mataas na tao sa kadahilanang sila'y isang Guardian na inatasang maglingkod sa mortal.
Base sa aking pagsasaliksik, pag pumanaw ang Vālī Pratīka, sila muli ipapanganak ngay parehas na itsura, ugali at mahika ng sila pa'y nabubuhay.
Hindi alam ang eksaktong oras at taon kung kailan sila mabubuhay muli.
Isa pa sa teoryang ito posibleng maalala ng Vālī Pratīka ang kanyang nakaraan.
Matapus kong basahin ang libro, sinara ko ito.
" ...Sabi ni Elder Merril base sa katotohanan ang librong ito di ba? " Patanong na sinabi ko kay Laluna.
" Oo Lila , totoo rin daw ang Vālī Pratīka . " Nakangiting sagot ni Laluna sa akin.
" ... Isasauli ko na ang librong ito kay Elder Merril. " Sabi ko at tumayo na ako at inayos ang aking suot.
"Sige! Sa-Sama ako! " Masiglang sabi ni Laluna.
Umalis kami ng Lilac Memorial at na tungo sa lugar ni Elder Merril.
Nang makarating kami sa kanila , naabutan namin si Elder Merril na kausap si Blacksmith Thara.
" oh Laluna, Lila napabisita kayo. " Sabi ni Elder Merril habang siya'y nakangiti at lumapit sa amin.
" Magandang umaga Elder Merril. " Sabay na pagkasabi namin ni Laluna.
" ... Isasauli ko na po itong hiniram kong libro. " Sabi ko sabay pag-abot nang libro kay Elder Merril.
Kinuha ni Elder Merril ang librong inabot ko at nilapag nya ito sa mesa. " tapus mo na bang basahin ito? " Tanong ni Elder Merril.
" ...Opo~ may gusto rin po sana akong itanong tungkol sa librong Flower Pot. " Sabi ko kay Elder Merril.
" Flower Pot? Matagal na ang librong yan di ba? " tanong ni blacksmith Thara.
Tumingin si Elder Merril sa librong Flower Pot at napabuntong-hininga.
" Sobrang tagal na ang librong ito, lima lang ang nilabas na kopya nito. Maswerte na ako at isa ako sa nabigyan. " Malungkot na sagot ni Elder Merril, sabay tingin nito sa akin at sabing " Anong itatanong mo Lila? "
" Ang Vālī Pratīka po ba ay totoong nabuhay noon? Ano pong nangyare sa kanila? " Nahihiya man akong itanong kay Elder Merril, pero naglakas-loob pa rin akong itanong ito para makakuha ng sagot.
Nasurpresa si Elder Merril sa aking tanong.
" Totoong nabuhay ang Pratīka. Noong panahon na iyon ay marami sila, maraming nagsasabi noon na may isang taong pumapatay sa kanila para kunin ang Pratīka at gamitin ang kapangyarihan nito sa masama. " Seryosong sagot ni Elder Merril.
" Posibleng nabubuhay pa kaya ang mga Vālī Pratīka ? " Tanong ni Laluna.
" Tulad ng nakasulat sa libro posibleng mabuhay muli ang Vālī na may parehas na katauhan ng sila'y nabubuhay pa. " Sagot ni Elder Merril kay Laluna.
Dali-daling kinuha ni blacksmith Thara ang librong Flower Pot at binasa ang importanteng impormasyon sa libro.
" Ibig sabihin normal na tao lang kumikitil sa mga Vālī? Bakit pa niya pinapatay ang Vālī Pratīka kung sa isang Vālī ay may spesiyal naman na abilities? " Interesadong tanong ni Blacksmith Thara.
" Walang pinagkaiba ang sistema noon at ngayon... tulad ng sabi ko espesyal ang Vālī.. ang taong kumitil sa Pratīka ay may iba't ibang uri ng magic na galing sa Vālī na pwede nyang gamitin ng walang limitasyon. " sagot ni Elder Merril.
" AHH!! Naiintindihan ko na! " masiglang sabi ni Blacksmith Thara.
"...Paano malalaman ang isang tao kung siya'y Vālī? " Tanong ko kay Elder Merril.
" Hindi ko rin alam ang sagot Lila, bagamat hindi rin ako tiyak sa impormasyong aking nakuha ilan taong nakararaan ngunit, ang Vālī mismo ay may kakayahang maalala ang kanyang nakaraan hindi nga lang agaran, pati na rin kapwa nitong Vālī Pratīka ang makapagsasabi." Sagot ni Elder Merril.
" Buhay pa kaya ang taong pumatay sa Vālī? " Naiinis na tanong ni Laluna.
" Buhay pa siya ... " Malungkot sagot ni Elder Merril, dagdag pa nito " Gusto nyang ubusin ang ilan pang natitirang Vālī Pratīka, hindi siya kontento sa magic na meron siya... at iilan tao sa henerasyon natin ay limot o hindi alam na nabubuhay pa ang ilan sa Vālī Pratika."
Habang pinag-uusapan namin ang tungkol sa Vālī Pratīka, sumagi sa isipan ko na baka isa ako sa may hawak ng Pratīka.
" Hindi naman siguro...? " Sabi ko sa aking isip.
Tanghali ng matapus kami sa pag-uusap. Nagpaalam na si Laluna na umuwi at inaya ako saglit ni Blacksmith Thara pumunta sa INN.
Habang naglalakad ...
" Nagsarado ang INN saglit. " Sabi ni blacksmith Thara.
" ... Ohh... Bakit po pala?" Tanong ko kay Blacksmith Thara.
" Nilinis namin ni Tanny ang buong INN! May paparating kaming bisita! "
Tuwang-tuwa na sabi ni blacksmith Thara.
" ...bisita? " Tanong ko.
" Oo Lila! May guess na darating Galing siya sa ibang Sky island! " Excited na sabi ni blacksmith Thara.
Nang marating namin ang INN sumalubong sa amin si Tanny.
" Thara! Saan ka ba galing?! Ilan minuto na lang darating na siya! " Pasigaw na sabi niya at hinila ni Tanny si Blacksmith Thara.
" PUM~NYU! Sandali! " sabi ni Blacksmith Thara.
Pumasok na kami sa INN at nagkaroon nang kaunting pag-uusap, tatlo lang kami nila blacksmith Thara, Tanny sa INN.
May hinanda silang masasarap na pagkain sa mesa.
"Magugustuhan kaya nya to~ ? " nahihiyang tanong ni Tanny.
Umakbay si Blacksmith Thara at sinabing " Magugustuhan nya yan! "
Habang nagkukwentuhan . May kumatok sa pintukan.
" SIYA NA SIGURO YAN! " Excited na sabi ni Blacksmith Thara habang tumakbo papunta sa pintuan.
Binuksan ni blacksmith Thara ang pintuan.
At-
" WELCOME SA INN ! "
" ......... "
Sino Kaya ang Lalakeng bisita ni Blacksmith Thara ?
- Abangan !