Lila's POV

Umaga nang papunta ako malapit sa INN , dala ko ang basket para kunin ang pagkain roon na ipinag-utos na kunin ng aking mama. Nang makarating ako sa INN, maraming Adventurers ang nandun nagpapahinga at nag-uusap tungkol sa mga Quest at Dungeons na kanilang napuntahan. Nakakatuwang tignan ang kanilang kasuotan.

" Lila ! Nandito ang pinakukuha sa 'yo ! " tawag ng isang waitress sa INN na si Tanny. Pumunta ako sa kanya at binuksan ko ang dalang basket. Inilagay ang tinapay at bote ng gatas.

" Narito ka pala, Lila. " sabi ni kuya Aaron habang nakangiti ito sa 'kin at pina-pat ako sa ulo. Mabait na tao si kuya Aaron, isa siyang Hero Sa Ecrin village , kilala bilang makisig na adventurer .

Name: Lila

Gender: female

Hair color: Lilac

Eye color: Light green

Age: 16yrs old



-info-

Job/class: Mage

Name: Tanny

Gender: female

Hair color : red

Eye color : blue

Age: 28 yrs old

Race: bunny.

-info-

job/class: Waitress/bard

Name: Aaron

Gender: male

Hair Color: yellow

Eye color: blue

Age: 20 yrs old

-info-

Job: hunter

" Ako na ang magdadala ng basket na yan . Halika na, ihahatid kita sa inyo " sabi ni kuya Aaron .

Sabay kaming lumabas ni kuya Aaron at napansin ko ang kanyang bag na parang puputok sa sobrang daming laman. Tila nagsisiksikan na ang mga laman nito sa loob.

" Kuya Aaron, ano pong laman nitong bag na dala n'yo? " tanong ko kay kuya Aaron .

" Mga nakuha ko sa paglalakbay. " Sagot niya sa akin.

Nang makarating kami sa bahay ni mama, sinalubong niya kami at inabot ni kuya Aaron ang basket kay mama habang nagpapahinga kami sa sala. Dumating si mama dala ang pagkain at ibinigay niya ito sa amin ni kuya Aaron.

Binuksan ni kuya Aaron ang bag niya at kinuha ang ilan sa mga laman nito sa loob at nilagay niya sa mesa.



" Galing ako sa dungeon kanina at ito ang mga nakuha ko , "Cores" "Crystal" . " sabi ni kuya Aaron at naghahalungkat pa ng gamit nito sa loob ng bag .

[ Cores ] [ Cores of elements,Monster ]

=ginagamit sa pag-craft ng weapons at accessories .

[ Crystal ] [ Diamond , Sapphire , Emerald etc ]

= ginagamit sa paggawa ng mga accessories .

Nilabas ni kuya Aaron ang isang music box at pinakita niya ito sa akin .

" Binili ko ito sa isang village kung saan kami nagpunta ng ka-party namin. Napukaw ng atensyon ko nitong Music box at naisip kong bilhin para sa 'yo  Lila. "

" Wo~ah...! Ang ganda naman nito kuya Aaron " sabi ko habang may malaking ngiti at liwanag sa aking mga mata. Naka tinggin sa akin si kuya Aaron at kanyang sinubukan na patugtugin ang Music box ngunit hindi ito gumana .

" Hnnn? Ayaw niya tumugtog ...? Nako, nasira ata sa biyahe ... " sabi ni kuya Aaron at kita mo sa kanya ang pagkadismaya. Nilapag nito ang Music box at tumingin sa akin si kuya Aaron " sa susunod na paglalakbay ko, bibili ako ng iba . " nakangiti siya sa akin nung sinabi ito.

Kinuha ko ang Music box na kanyang bigay at " Kuya Aaron ! Thank you po sa regalo! " masaya akong nakatanggap nito dahil bihira lang ako makatanggap ng gantong bagay .

Muling ngumiti si kuya Aaron sabay sabing "Mabuti at gustuhan mo. "

Nang 10 yrs old pa lamang ako. Unang beses ko makita si kuya Aaron sa Ecrin Village . Ilan taon din kaming magkasama at lagi siyang nand'yan sa tabi ko, binabantayan at pinoprotektahan ako palagi .

Nang maaubos ang kinakain namin. Nagligpit na rin si kuya Aaron ng kanyan gamit para umalis na papunta ibang Sky Island.

" Mauuna na ako Lila pagbalik ko may pasalubong ako sa 'yo . " sabi ni kuya Aaron .

" Mag-iingat ka po kuya Aaron! " nakangiting sinabi ko kay kuya Aaron.

Naglakad siya papalayo at habang tinitignan ko siya mula sa aking kinatatayuan hanggang sa hindi ko na siya matanaw sa kalayuan.

Pumasok na ako ulit sa bahay at kinuha ang Music box nabigay ni kuya Aaron .

" Paano kaya ito maayos? Aaaa!! Kailangan ko pumunta sa blacksmith! Siguro matutulungan niya ako na maayos to! "

Dali-dali akong pumunta sa blacksmith dala ang Music box .

Ilang minuto ang lumipas at nakarating ako sa Blacksmith. Doon ay sinalubong ako ni Blacksmith Thara .

Name: Thara

Gender: female

Eye Color : brown

Hair color : Black

Age: unknown

Race: bunny

-Info-

Blacksmith owner

" Lila ? Napabisita ka sa aking shop ! "

Naglalakad siya palapit sa akin at tinanggal ang kanyang suot na gloves pangtrabaho.

" Anong maitutulong ko? " tanong niya sa akin. Pinakita kay Blacksmith Thara ang Music box .

" ...Binigay ito sa akin ni kuya Aaron....sinubukan niya ito patugtugin... ngunit hindi po gumana ..." .

Kinuha niya ang Music box at tinignan ito.

" Mabuti wala akong ginagawa ngayon araw. Matatapus ko ito mamayang gabi."

nakangiti nyang sinabi sa akin.

" ....Blacksmith Thara~ ...m-magkano po ang ibabayad ko... sa pag-ayos n'yo nung Music box? ..." nahihiyang tanong ko kay Blacksmith Thara , hindi ko kaagad naisip na kailangan ko palang bayaran ang pang-ayos nun~

" Hindi mo kailangan magbayad. Hindi naman ganun kalaki ang sira nito at isa pa... kakaibang Music box ito ... mukhang matagal na ito, base sa kanyang itsura. "

Seryosong sagot sa akin ni Blacksmith Thara habang tinitignan nito ang Music box.

"...Matagal na? ... Kaya siguro ito hindi gumana dahil sa kalumaan ng Music box...? Saan kaya ito galing?.. " tanong ko kay Blacksmith Thara.

" Hindi ko pa alam Lila, pero interesado akong malaman at maayos yan ! " makikitang excited si Blacksmith Thara sa kanyang pagsagot.

Lumabas na ako sa Blacksmith at nagpaalam na kay Blacksmith Thara para uuwi na at magpahingga.

Habang hinahanda ni Blacksmith Thara ang gagamitin sa pag-ayos nang Music box , kanyang napansin ang Mana na nag-f-flow dito.

Kanyang nilapitan ang Music box at binuksan ito. Siya'y nagulat sa kanyang nasilayan .

" Ang Music box na ito ay .... "

[ Mana ]

=Ginagamit Sa pag cast ng Magic Spells.

Lila's POV

Maaga akong nagising at nag-ayos sa aking sarili, pagsilip ko sa bintana ay nakita ko si Laluna naglalakad at may hawak na Libro.

Name: Laluna

Gender: female

Eye color: Violet

Hair color: violet

Race: human

Job/class: shaman

- info -

Lila's childhood friend.

Tinawag ko siya at agad siya lumingon sa akin . Lumabas ako nang bahay para kausapin siya.

"... Saan ka pupunta Laluna? " tanong ko sa kanya.

Pinakita nya ang mga Librong dala nya sa akin. " Isasauli ko na tong Librong hiniram ko kay Elder Merril " sagot ni Laluna sa akin .

Kinuha ko ang ilan librong dala nya, napansin kong nahihirapan siyang dalhin ang mga ito kaya tinulungan ko siya.

"... Sasama ako sa 'yo papunta kanila Elder Merril... " sabi ko kay Laluna.

Masayang sumagot nang " Sige , maraming salamat Lila !" si Laluna at kami ay pumunta kay Elder Merril .

Si Elder Merril ang Elder ng Ecrin Village. Sabi-sabi ng ilan taong nandito sa amin, ilan taon na rin nabubuhay si Elder Merril . Isa siyang Druid at may malakas na kapangyarihan noon sa kanyang kabataan pa .

Nang makarating kami ni Laluna sa bahay ni Elder Merril, nakita namin siyang nagbabasa ng libro.

Ang kanyang tirahan ay isang malaking puno at napapaligiran ito ng mga bulaklak at halaman kaaya-ayang tignan ang lugar na ito.

" Tuloy kayo . " Sabi ni Elder Merril.

Lumapit kami ni Laluna kay Elder Merril .

" Marami pong salamat sa pagpapahiram sa akin ng aklat . " Pag-abot ni Laluna kay Elder Merril nang libro .

Lumabas ang ilan Pixies and Faeries sa mga bulaklak kung saan sila nagtatago. Kinuha nito ang mga librong nasa mesa ni Elder Merril kabilang ang dala ko.

" Kamusta ang pagbabasa nang libro? " tanong ni Elder Merril kay Laluna.

" Nagustuhan ko po ang lahat ng iyon! " sagot ni Laluna.

" Anong libro ang pinaka nagustuhan mo sa lahat ? " tanong ni Elder Merril .

" Nagustuhan ko po ang librong Flower Pot. Marami akong nalaman sa iba't ibang uri ng bulaklak! " masiglang sagot ni Laluna.

Tumayo si Elder Merril at binuksan ang bintana .

" Nakakatuwa at nagustuhan mo yun~ ... ang librong yun ay sinulat base sa tunay na pangyayare, ilan taong lumipas. " Sabi nito.

" ... History pala ang aklat na yun ... " sinabi ko .

" Ganun na nga Lila. Ang ilan bulaklak na nabanggit sa librong yun ay tinatawag na Vālī at sila'y espesyal . " sabi ni Elder Merril .

[ Vālī ] [ Guardian | warden ]

[ Pratīka ] [ Emblem ]

" ...Katulad rin ba sila ng Adventurers na may Class , Jobs? Bakit sila tinawag na espesyal? ..." tanong ko kay Elder Merril.

" Sila'y tinawag Vālī dahil hawak nila ang Pratīka ... ang taong may hawak ng flower Pratīka ay may limitasyon ang mahika ... kapag nawala ang Pratīka sa kanila , mawawalan sila ng buhay .... " malungkot na pagkasabi ni Elder Merril .

" Pwede ko po bang mahiram ang Librong yun? " tanong ko kay Elder Merril .

Kinuha ni Elder Merril ang Libro at inabot ito sa akin .

" Basahin mo nang maigi ito Lila. " nakangiting sinasabi ni Elder Merril sa akin .

Nang mahiram ko ang Libro, nagpaalam kami ni Laluna kay Elder Merril at umalis na sa kanilang bahay.

Ilan minuto ang nakalipas, nakauwi na kami at naabutan si Blacksmith Thara sa bahay .

" Blacksmith Thara? ohh..! magandang umaga po . " nagtatakang tanong ko .

" Lila! Mabuti nakauwi ka na ! Pasensiya na pumasok ako ng walang paalam. Nakabukas kasi ang pintuan kaya pumasok na ako. Nga pala dala ko na ang Music box . " sabi ni Blacksmith Thara at nilapag ang Music box sa mesa .

" Wow! Ganda naman niyan ! " manghang pagkasabi ni Laluna habang tinitignan ang Music box .

" Hindi ako nahirapan ayusin ang Music box. Wala siyang anong sira na malala. Ginagamitan lang ng mana ito. " sabi ni Blacksmith Thara .

" Mana? Ibig sabihin kailangan ng mahika ng Music box na ito ? " tanong ni Laluna .

" Ganun na nga Laluna. Special ang Music box na ito na nangangailangan siya ng sapat na Mana, para tumugtog ito ." seryosong sabi ni Blacksmith Thara .

" Hindi pala basta-basta ang Music box na ito . " at dahan-dahan kong kinuha ang Music box .

Umupo si Blacksmith Thara , nakita ko sa kanyang mukha ang pagka-interesado nito sa Music box .

" Ilan taon na ang makalipas ng makakita ako ng Music box na ganito ulit. Ang music box na ito ay ginagamitan ng special Magic at malakas mana ... tumutugtog lamang itong Music box kapag pamilyar ang magic na ginamit dito o may hawak nito sa kanya. " sabi ni Blacksmith Thara .

" Kung ganun hindi ko rin pala magagamit ang Music box na ito ? .... " malungkot na sabi ko .

" Ginagamitan naman yan ng magics, malay mo Lila pwede mo siyang mapagana. " sabi ni Laluna.

" Itatabi ko na lang ito siguro . " nakangiting sinabi ko kay Laluna at Blacksmith Thara .

Isang oras tumagal ang aming usapan . Umuwi na sina Laluna at Blacksmith Thara .

Umakyat ako sa itaas at pumunta sa kwarto dala ang Music box at librong hiniram ko kay Elder Merril .

Habang nagliligpit at inaayos ang ilan kagamitan sa kwarto, napansin ko ang Music box na naglilinawag .

" ...Oh anong nangyayare sa Music box? " nagtataka kong sinabi at hinawakan ang Music box .

Dama ko ang malamig na enerhiya na nanggagaling dito at parang may bumubulong sa akin na ipikit ko ang aking mga mata at ibigay ang mana na meron ako sa Music box na ito .

Sa pagsara ko ng aking mga mata ....

May pangitain akong nakita .

" Mahal Prinsesa ! Nagustuhan mo ba?! "

Isang boses ng lalake ang aking nadidinig. Masigla siyang nagsasalita habang nasa harapan ko ? Hindi ko malinaw na makita ang kanyang itsura .

" ... Oo nagustuhan ko! m..maraming salamat ... "

Sagot ng babae na parang ako yata ? Hindi ko rin alam pero tinatawag ako ng lalakeng yun na prinsesa .

!!!!!



Nang matapos kong maidilat ang aking mga mata .

...Naghahabol ako nang paghinga at sobrang nanghihina...

....Hindi ito ang unang beses na may pangitain akong nakikita ....

...At ano nga ba ang lahat ng mga nakikita ko ...

.. ang lahat nang iyon ba ay imahinasyon ko lang? Oh isang - .....?
iRaasin Creator