“Puting Rosas.”
Isinulat ni Jam Denver Bautista/Kuro
Sa isang liblib at malayong lugar ay nagtatago ang isangt kamangha-manghang kagubatan na kung saan nakatira ang iba’t-ibang lahi ng mga ibon. Ngunit sa isang maliit na halaman ay namumugad ang isang paru-parong may puting pakpak.
“Malapit na ang tag-lamig, nararapat lamang na lumikas na tayo patunong timog.” Sambit ng Agila na tila isang pinuno na nagsasalita.
“Oo nga, marahil bukas ay mag-uumpisa na ang simoy ng malamig na hangin, kinakailangan na nating maghanda sa ating paglikas.” Sambit naman ng Kalapati na tila nagsisilbing kanang-kamay ni Agila.
Sumang-ayon ang karamihan sa mga ibon.
“Ngunit Agila, kung lilikas tayo ngayon ay baka maabutan tayo ng malakas na hangin. Baka tayo ay mapahamak!” Sambit ng Loro.
“Kayo ay magtiwala saakin, ako ang hari ng himpapawid. Ako ang magsisilbing gabay ninyo!”
Sumigaw ng pag sang-ayon ang karamihin. Ang iba naman ay nag-aalangan sapagkat posibleng tangayin sila ng hangin.
“Uhmm… maaari pa akong sumama sa iniyo?”
Bigla na lamang sumulpot si Paru-Paru na siyang ikinagulat ng karamihan.
“Sumama? Nagpapatawa ka ba?” Ang Agila ay ngumisi at bigla na lamang humalakhak.
“Ikaw? Baka sa pagdating ng hangin ay tangayin ka na lamang at maalisan ng pakpak. Wala kang magagawa kundi manigas sa lugar na to sa pagsait ng taglamig. Tanging kami lamang na nag mamay-ario ng himpapawid ang may karapatan sa paglalakbay na ito.”
Isang nakapangigilabot na ngiti ang lumitaw sa mukha ng Agila. Sumunod naming ngumisi ang karamihan.
“K-Kaya kong makipagsabayan!” Utal-utal na sambit ng Paru-Paru.
Bakas sa kaniyang muokha ang pagkainis at kalungkutan dahil sa diskriminasyong na kaniyang dinaranas.
“Kung gayo’n ay tayo’y magkarera!” Singit ng Kalapati. “Si Agila, ako, at ikaw na patpating Paru-paru. Kung sinong mananalo ay siyang magiging pinuno n gating grupo.”
“Karera? Niloloko mo ba ako Kalapati?” Bakas ang inis sa mukha ng Agila. Ang tunog ng pagbubunguan ng ikaniyang matulis na tuka ay umaalingawngaw sa buong kagubatan.
“N-Natatakot ka bang manalo ako, Agila?” Singit ng Paru-paru na pilit nilalabanan ang kaniyang takot.
“Anong sabi mo!?” Nanlaki ang mata ng Agila.
“Karera! Karera! Karera!” Sambit ng karamihan sa kagubatan.
Ang halo-halong ingay ng mga ibon ay rinig na rinig sa kagubatan na tila ba ay nagaganap na kaguluhan.
“Kung gayon ay maghanda na kayo. Mangangarea na tayo ngayong araw at kung sinong panalo ay siyang magiging pinuno saating paglalakbay na magaganap kinabukasan. Ang matatalo ay siyang mapapaalis sa ating samahan.” Sambit ng Agila na malaki ang tiwalang siya ang tatanghalin kampiyon.
Nagsigawan ang mga ibon sa tuwa at pagkasabik na panoorin ang karerang magaganap. Ang pag-alingawngaw ng kani-kanilng naghalo-halong tinig. Kung iisipi’y tila may kaguluhan sa kagubatan, ngunit ang kanilang tinig ay tila musika kung iyong pakikinggan.
Nagtipon-tipon ang mga ibon sa gitnang parte ng kagubatan kung saan magaganap ang karera nina Agila, Kalapati, at Paru-Paru. Bakas ang pagkasabik sa kani;ang mga tuka at hindi mapigilang gumawa ng ingay.
“Sa pagbilang ko ng tatlo! Isa! Dalawa! Tatlo!” Sambit ng Loro na sumigaw pagsapit ng tatlo.
Agad na nanguna ang Agilla sa paglipad. Mabilis nitong pinapagaspas ang kaniyang mga naglalakihang pakpak at paniguradong magbibigay sa kaniya ng kalamangan sa taas ng pagliupad. Pumapangalawa naman ang Kalapati ay nmagagawa pa ring ngumisi. Ang itim nitong mga mahahabang pakpak ay nagbibigay sa kaniya ng kakayahang lumihis ng direksyon kahit nasa ito ay nasa hangin. Ang nasa dulo naman ay ang Paru-Parong mabagal ang paglipad
.
Sila ay mangangarerera sa buong kagubatan. Kinakailangan nioang ikutin ang kagubatan ng tatlong beses. Ang unang makatapos ang tatlong libot ay ang siyang tatanghaling panalo at magiging inuno ng magaganap na paglikas ng mga ibon.
Padilim na ang mag-umpisa silang mangarera. Sa gitna ng kanilgn pangtutunggali ay bigla na lamang nagkaroon ng malakas na hangin. Npagdesisiyonan ni Agila na sumilong muna saglit sa isang mataas na puno dahil sa labis na pagtitiwalang siya pa rin ang tatanghaling panalo kahit na magawang abutin ng Klapati ang kaniyang kinalalagyan. Ang Kala[ati naman ay nagdesisyong sumilong na lamang sa isang kuweba upang magpahinga. Ito ay nawalan ng tiwala sa sarili na siya ang tatanghaling panalo kahit anong gawin nitong paghampas ng pakpak. Sapagkat iniisip nitong ang Agil ang nakatakdang tatanghaling panalo.
“Bakit kpo pa ikasi naisip ang karera na ito kung wala rin naming akong pag-asang manalo.” Sambit nito habang nanginginig sa simoy ng hangin.
Sa klabilang dako, tumigil saglit ang Paru-Paru sa isang bulaklak. Ang malakas na simoy ng hnagin ay tinatangay ang mga puting rosas sa direksyonh ng karera. Napansin ito ng Paru-Paru at umi9sip ng paraan kung paano gagamitin ang hangin sa kanilang karera.
“Hmm… subukan ko kayang magpatangay sa hangin gaya ng mga bulaklak na ito?” Sambit nito sa kaniyang isipan.
Pilit nitong ibikuka ang kaniyang mga nagliliitang pakpak at ilang Segundo pa lamang ng pagkakabuka nito ay agad na itong tinangay ng malakas na hangin. Dama nito ang sakit ng kaniyang mga pakpak ngunit hindi iniisip niya na lamang ang kaniyang nais patunayan.
“Nais kong iparating s amundo na maliliit man ang aking mga pakpak ay kaya kong makipagsabayan sa hangin. Na ang pagiging iba ko ay hindi hadlang sa pag-abot ko sa aking mga pangarap. Kung kaya’t pagsisikapan ko ito.”
Ito ang kaniyang pilit itinatak sa kaniyang isipan. Dahil dito ay kinakaya nito ang lahat.
Mabili siyang tinangay ng mga hangin kagaya ng mga puting bulaklak. Hindi ito napansin ng Agila mula sa taas sapagkat inakala nitong ang Paru-Paru ay bulaklak. Nakita ito ng Kalapati ngunit sapagkat siya ay nasa baba ngunit sumuko na lamang ito dahil malayo na ang narrating ng Paru-aru.
Sa linyang magtatakda ng panalo ay unang nakarating ang Paru-Paru. Gulat na gulat ang karamihan sa kanilang nasaksihan. Pagkatapos ng pag-ihip ng malakas na hangin ay magkasunod na nakarating ang Agila at ang Kalapati. Bakas ang pagkainis sa mukha ng Agila at ang Kalapati naman ay pagod na pagod at tila kinakapos ng hininga.
Sa huli, ititnakdang kampiyon ang Paru-Parung tinalo sang Agila at Klapati at naging pinuno ng kanilang paglikas patungong timog sa paghahanda sa parating na taglamig. Mula noon ay kumalat ang balitang ito sa buong kagubatan at sa iba pang mga grupo. Ito ay naging isang alamat na kumalat sa maraming kagubatan at grupo ng mga hayop at nasging inspirasyon ng marami pang insekto na nangangarap tulad ng Paru-Paru.
“Ang Alamat ng Mayabang na Higante”
Nuong unang panahon ay pinamumunuan pa ng mga higante ang buong mundo. May isang higante na sobrang yabang. Si Ramon ang pinaka malaki, pinaka malakas at pinaka mabilis. Ang tatlo na ito ang batayan ng mga higante sa pakisigan. Hindi hindi mapantayan ang taas ng tingin ni Ramon sa kanyang sarili.
Isang araw napag deskitahan ni Ramon ang mga tao na naghahanda sa pasko na tatlong araw nalang ay sasapit na. Ang mga tao ay tinuturing na mababang uri ng mga nilalang. Mahihina, Bansot, Mabagal at Mga mahihirap. Habng tinitingnan ni Ramon ang mga tao ay nainggit siya dahil masaya ito sa kanilang ginagawa. Kaya tumakbo sya ng napaka bilis at sinipa ang isang bahay. Lumabas anag may ari ng bahay at ininsulto ito ng mayabang na higante.
”Maliit, Bansot, Mahina”
Lubhang nainis ang mortal at hinamon si Ramon sa isang duwelo. Tumawa ng malakas ang higante sa lakas ng tawa nito ay para bang maririnig mo ang mga kulog. HAbang tumatawa ang higante ay hindi na mapigil ng mortal ang kaniyang sarili at tinuro ang higante.
“Ikaw higante hinahamon kita sa isang duwelo at kung matalo mo ako ay iaalay ko sayo ang aking buhay ngunit kung matalo kita hinihiling kosabathala na gawin ka pang mas maliit saaming mga tao.”
Sumagot naman ang mapagmataas na higante
“Sa Paraan lamang ng mga higante ako makikipag laban sayo, Una sa Ptangkaran pangalawa sa palakasan at pangatlo sa pabilisan. Kung manalo ka man kahit isang beses ay tatangapin ko ng lubos ang aking pagkatalo at tatalima ako sa sinabi mo.”
Biglang yumuko at lumuhod ang higante at dinuraan ang kanyiang kamay.
“Kung kahit isa ay dika manalosaakin sisirain ko ang buong bayan hahahaha”.
HInawakan ng mortal ang daliri ng higante bilang simbolo ng pagkakasundo.
Nang araw din nayon nagharap ang higante at ang mortal. Mabilis na natalo ang mortal sa pataasan. Hanggang hita lamang siya ng higante.
“Hahahaha Bansot, Di ka mananalo sa akin sumoko ka nalang” bulalas ng higanti.
Sumunod ang palakasan, nag “Wrestling” ang dalawaat isanag ppitik lang ng higante ang mortal. Lubhang na pinsala ang katawan ng mortal at humiling sa bathala na tulungan siya. Sumunod namanang pabilisan. Kailangan libutin nila ang buong mundo at kung sino ang unang maka uwi ay sya ang panalo. Nagsimula na ang laban at pilit na tumakbo ang mortal kahit masakit pa ang kaniyang katawan. Si higante naman dahil kampante na hindi sya matatalo ng mortal ay munain muna at natulog. Kakaiba ang gawi ng mga higante dahil inaabot sila ng isang lingo bago magising.
PInipilit ng mortal na maglakad at di sya nawawalan ng pag asa na manalo. Sa kalagitnaan ng kaniyang paglalakad ay nakita nya ang mataas na bulubundukin. Muntik na syang panghinaan ng loob dahil sa taas ng kaniyang aakyatin. Humingi sya ng tulong sa bathala at dininig sya nito. Bumaba sa kaniya ang Haribon isang malaking agila. Sumakay sya dito at itinawid sa mga bundok. Sa karagatan naman ay isinakay sya ng isang malaking pawikan. Sa madaling sabi ay tinulungan sya ng mga nilalang na ito upang malibot ang buong mundo.
Sa kabilang banda naman ang ating Mayabang na higante ay natutuog parin. Humihilik parin ito sa dahil sa himbing ng kaniyang tulog. Dalawang araw na ang nakalpas ng mga panahon na iyon. Nakarating na ang mortal sa kapatagan nagpasalamat sya sa malaking pawikan. Nagdasal muli ang mortal at hindi tulad ng dati hindi na ito dasal ng paghingi ng tulong kundi dasal ng pagpapasalamat.Naglakbay magisa ang mortal at makalipas ang isang araw ay nakarating sya sa bayan. Duon nakita nya ang higante na natutulog pa. Biglang bumaba ang asawa ng Haribon ang Adarna. Kumanta ito at habang kumakanta ito ay nagising ang higante. Tumawa ang higante dahil nasa harapan niya ang mortal.
“Hahaha bat nandito ka sumusuko ka na ba”.
Hindi na kaagad nakasagot ang mortal dahil biglang nagkaroon ng malaking usok sa paligid. Kasabay ng paghinto ng kanta ng Ibong Adarna ayang paglitaw ng isang sanggol na sobrang liit. Nagsalita naman ang Adarna, Dahil sa iyong kayabangan ay ikaw ay aming paparusahan na maging maliit, Masmaliit pa kaysa sa normal na mga tao ikaw ang magiging ninuno ng mga unano.
Sumula nuon ay pinangalanan nila ang paslit ng Ramonito na ang ibig sabihin ay maliit na Ramon. Sa araw ng pasko ang Mayabang na Higante ay naging ninuno ng mga maliliit na tao.
Enchanted River
By: Mai Tsuki
NAGKAYAYAAN kaming magpipinsan na mag-camping sa tabi ng ilog. Kasama namin ang ilang kaibigan na taga-rito sa Hinatuan, Surigao Del Sur. Saktong Christmas vacation ngayon at walang ibinigay na project sa school. Masusulit namin ng pamilya ko ang buong bakasyon dito. Ang kinaroroonan namin ngayon ay ang sikat na Hinatuan Scared River o mas kilala sa tawag na Enchanted River. Maraming hiwaga ang bumabalot sa ilog na ito. Sinasabing inaalagaan daw ito ng mga engkanto at diwatang nagpapanatili sa kulay asul nitong tubig.
Ngayong gabi lalo pa itong nakamamangha dahil sa repleksyon ng bilog na buwan. Idagdag pa ang maraming alitaptap na parang sumasayaw sa paglipad ng mga ito sa hangin. Isang pusang itim ang biglang lumitaw. Tinitigan ako nito, para akong nahipnotismong napasunod sa pusa.
“Lucario! Saan ka pupunta?” tawag sa akin ni Felix. Isa siya sa mga pinsan kong lalaki.
“Dito lang! May titingnan lang ako!” sigaw kong sagot nang nakatalikod.
“Huwag kang lalayo! Bumalik ka kaagad dito!” pahabol pa niyang turan.
Tuloy ako sa pagsunod sa pusa nang mapahinto ako sa malamig na hanging dumampi sa aking balat. Kumaluskos ang mga sanga ng punong kahoy, humuni ang mga gising na hayop sa gabi. Lumingon-lingon ako sa paligid saka ko napagtantong nasa loob na ako ng kakahuyan. Ang daming ligaw na halaman sa paligid, nagtataasan ang mga punong kahoy at ramdam kong parang may nagmamatyag sa akin.
“Felix? Andrea? Timmy? Lorry? Andrew?” tawag ko isa-isa sa mga kasama ko. Kahit isa walang sumagot.
Ngayon na lang ulit ako nakabisita sa probinsya kaya hindi ko kabisado ang lugar na ito. Ang huling punta ko rito ay noong labindalawang taong gulang ako, labing-anim na ako ngayon.
Nang bigla kong marinig ang lagaslas ng tubig sa ilog. Ibig sabihin hindi pa ako nakakalayo maaari ko pa itong sundan para makabalik sa camping site namin. Sinundan ko ang tunog ng tubig hanggang makarating nga akong muli sa tabi ng ilog.
Hindi ko maiwasang tingnan ang sarili kong repleksyon sa tubig. Matangkad pala talaga akong lalaki, payat, kimpe ang itim na buhok, moreno at sabi nila kahawig ko raw si Lola Amaya na may lahing kastila. Ilang sandali pa nang biglang umihip ang mas malakas na hanging nagpagalaw sa mga sanga ng puno. Naglaglagan ang mga dahon sa ibabaw ng ilog at doon napako ang tingin ko.
Nang makita ko sa tubig ang repleksyon ng malaking nilalang na may ulo ng kabayo at katawan ng tao? Nangilabot ang buong katawan ko’t naging estatwang bato ako sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero ayaw sumunod ng nangangatog kong mga tuhod. Papalapit nang papalapit sa akin ang tinatawag nilang tikbalang. Wala akong magawa kundi ang ipikit na lamang ang aking mga mata.
“Manatili kang nakapikit!”
Sumunod ako ayon sa tinig na narinig ko. Dama ko ang malamig na presensyang pumalibot sa aking katawan. Maya-maya pa’y nakaramdam ako ng antok, tila ayaw nang bumukas ng mga mata ko…
*
PABIGLA akong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na damuhan? Tiningnan ko ang buong paligid wala na ako sa kakahuyan?
“Gising ka na pala.”
Tuluyan kong itinayo ang sarili ko’t humakbang nang paatras nang masilayan ko ang babaeng nakatayo sa harapan ko. Lunok-laway ko siyang tinitigan mula ulo hanggang paa. Sobrang ganda niya. Nililipad ng hangin ang nakalugay niyang mahaba at itim na buhok. Sobrang puti ng kutis niya, mahaba ang pilik mata, mapula ang labi, asul ang kulay ng mga mata at nakasuot ng puting bestida. May koronang bulaklak na nakapatong sa ulo niya at puting panyong nakatali sa braso.
“S-Sino ka? Nasaan ako?” Muli akong humakbang ng isa paatras.
“Isa akong engkantada. Ako si Sapphira isa sa maraming engkantadang nangangalaga sa ilog.” Tumalikod siya. “Muntik ka nang salakayin ng tikbalang kanina.” Nilingon niya ako nang may maamong tingin. “Mabuti at dumating ako kung hindi siguradong napahamak ka na.”
Kung gano’n sa kanya galing ang boses na narinig ko. “S-Salamat sa pagliligtas mo sa akin.” Sa pagkakataong ito naibsan nang kaunti ang nararamdaman kong takot. “M-Maaari mo ba akong ibalik sa mga kasama ko?” alanganin kong pakiusap.
“Matutulungan kita pero kailangan mong baliktarin ang suot mong damit para hindi ka mailigaw ng tikbalang.”
Sinunod ko ang sinabi niya’t hinubad ko ang damit ko nang nakatalikod sa kanya. Binaliktad ko’t isinuot muli ang t-shirt ko.
“Pangontra iyan sa mga nilalang na gustong mambiktima ng mga taong katulad mo. Ngayon, sasamahan kita hanggang makarating kang muli sa tabi ng ilog. Sundin mo lang ang bawat sasabihin ko,” aniya.
Tumango ako bilang sagot. Nagpatuloy kami sa paglalakad sa madamong lupa na hindi ko kabisado. Medyo kakaiba kumpara sa lugar na pinanggalingan ko. Nagtataasan ang mga damo, may higanteng kabute sa bawat daan, naglalakihan ang dahon ng gabi at nagliliwanag ang ilaw ng mga alitaptap na nakadapo sa mga halaman. Para akong nasa fantasy world.
“Ito ang teritoryo naming mga engkanto at engkantada.” Nilingon niya ako habang nilalandas namin ang palikong daan. “Dinala kita rito kanina habang wala kang malay para mailayo ka sa tikbalang. Dito hindi ka magagalaw ng mga masasamang nilalang. May sari-sariling teritoryo kasi ang bawat nilalang at may batas na sinusunod. Kaming mga engkantada sumusunod lamang kami sa batas ng kalikasan. Pinapangalagaan namin at pinapanatiling malusog ang kapaligiran.”
Masyadong malalim ang mga sinasabi ni Sapphira pero nauunawaan ko naman siya. Masuwerte ako’t isang mabuting engkantada ang sumaklolo sa tulad kong mortal na tao. Hindi ko tuloy maiwasang mamangha sa ganda at kabutihang taglay niya. Habang naglalakad kami biglang humangin nang malakas sumabay sa hangin ang mga talulot ng rosas, napakaromantiko.
“Narito na tayo sa lagusan patungo sa mundo ninyong mga tao.” Itinuro ni Sapphira ang nagliliwanag na portal sa aming harapan. Nakalitaw ito sa malaking puno ng balete, nagliliwanag at balot ng malatinding mahika.
Pumasok kami sa loob, nakalabas kami sa kabilang ibayo kung saan pamilyar ang buong paligid. Nakabalik na nga ako sa kakahuyan kung sana ako inatake kanina ng tikbalang.
“Kapag naihatid na kita sa ilog, ikaw na ang bahalang magpatuloy papunta sa mga kasamahan mo,” seryosong wika ni Sapphira.
“M-Magkikita pa kaya tayo?” wala sa hulog kong tanong. Ewan ko ba bigla na lang sumagi sa isip ko kung may pag-asa pang magkita kaming dalawa pagkatapos nito.
Hindi siya sumagot siguro na-offend ko siya. Sinundan ko siya sa paglalakad hanggang sa huminto siya’t hinarang ang sarili sa daan.
“Nasundan nila tayo!” sambit ni Sapphira.
Pagkasilip ko sa harapan nakita ko ang tikbalang sa gitna at may kasama itong dalawa pang nilalang. Isang mukhang kambing na walang sungay, may mahahabang paa na tulad sa tipaklong at malalaking tainga na pumapalakpak. Ang isa nama’y higanteng mukhang unggoy na mayroong mahabang buntot at malalaking kamay at paa.
“Ang mukhang kambing na ‘yan ay isang sigbin habang ikugan naman ang mukhang unggoy. Pareho silang kinatatakutang nilalang na umaatake sa mga tao,” paunawa ni Sapphira.
“P-Paano tayo ngayon makakatakas sa kanila?”
Kakaibang tensyon ang bumalot sa pagitan ng mga masasamang nilalang at ng kasama kong engkantada. Nang lumitaw ang tila alitaptap sa aming harapan. Mga maliliit na nilalang na may pakpak at nagbibigay ng matinding liwanag. Mga diwata? Hindi rin nagtagal nang dumating ang iba pang engkanto at engkantada.
“Sa wakas dumating na sila!” Bakas sa mukha ni Sapphira ang ginhawa nang dumating ang mga kasamahan niya.
“Itakas mo na ang taong ‘yan, Sapphira!” sambit ng isa sa mga engkanto.
Hinawakan ako ni Sapphira sa kamay, singbilis ng buhawi ang aming pagtakas. Lumingon ako, nakita ko ang mga engkanto at diwatang nakikipaglaban sa tatlong masamang nilalang. Naghalo ang dilim at liwanag sa kanilang sagupaan. Sunod-sunod ang pagsalakay ng mga engkanto. Walang nagawa ang tatlo sa lakas ng mahika ng mga engkanto at diawata. Nakita ko kung paano umatras at tumakbo sa loob ng kakahuyan ang tikbalang, sigbin at ikugan.
“Wala kang dapat alalahanin sa kanila. Makapangyarihan ang mga kasama kong engkanto at diwata.” Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Sapphira.
Natulala ako sa maamo’t masigla niyang mukha. Tila nangyari na ang ganitong eksena noon? Para bang may munting alaala sa isip ko na gustong kumawala?
“Hindi ka pa rin nagbabago, Lucario. Basta-basta ka na lang sumusunod sa mga hayop na nakikita mo.”
Nabigla ako nang banggitin niya ang pangalan ko samantalang hindi ko pa iyon sinasabi sa kanya. “K-Kilala mo ako?” Biglang napako ang tingin ko sa pamilyar na panyong nakatali sa braso niya.
Mahinhin siyang tumawa habang mabilis pa rin ang pagtakbo namin. Pakiramdam ko talaga nagkita na kami noon hindi ko lang maalala. Nang makarating kami sa sinasabing dulo ng ilog ni Sapphira, kanyang itinuro ang tubig.
“Hanggang dito na lang ako. Hindi na kita maaring samahan.” Nakatayo si Sapphira sa tabi ng ilog. “Sundan mo lang itong ilog at makakabalik ka na sa mga kasama mo,” aniya.
Nakaramdam ako ng kakaibang lungkot sa puso ko. Para bang ayaw ko pa siyang iwan dito. Gusto ko pa siyang makasama. Nakatayo lang ako’t nakayuko sa lupa, ayaw pang kumilos ng mga paa ko palayo sa kanya. Nang maramdaman kong may malambot at mainit na dumampi sa pisngi ko. Nagulat ako nang makitang nakahalik sa akin si Sapphira. Isang halik na nagpaangat ng init sa buong katawan ko.
“S-Sapphira?” banggit ko sa pangalan niya.
“Lucario, masaya ako’t nagkita tayong muli…” Humakbang siya nang paatras. “Maglakad ka’t huwag na huwag kang lilingon pabalik…”
“S-Sandali! Sapphira!!!” sigaw ko.
“Paalam, Lucario!”
Kasabay ng matamis niyang ngiti ang pagliwanag ng buong paligid. Sa sobrang liwanag para akong nilalamon nito hanggang sa mapapikit na lamang ako. Sa isang iglap naglaho ang matinding liwanag. Pagmulat ko ng aking mga mata…wala na siya. Ang tahimik ng paligid ni huni ng mga gising na hayop at kulisap, wala akong marinig…
*
SUMASAKIT ang likod ko nang magising ako sa loob ng tent. Sumilip ako’t nakita ko ang mga kasama kong nag-iihaw ng isda sa tabi ng ilog. Mukhang nakabalik na nga ako nang ligtas. Tiningnan ko ang suot kong damit, hindi na ito nakabaliktad. Kinapa ko ang pisngi kong tila may basang tubig. Luha? Nasapo ko ang noo ko nang bigla itong kumirot.
Naaalala ko na, minsan na kaming nagkita ni Sapphira…
Labindalawang taong gulang ako noon, nang magtungo kami rito sa Enchanted River. Katulad din nang nangyari sa akin ngayon, naligaw ako sa kakahuyan. Isang sugatang kuneho ang sinundan ko noon. Nang mahabol ko siya sa pusod ng gubat tinulungan ko siya. Gamit ang dala kong puting panyo itinali ko ito sa sugat ng kuneho. Hinayaan kong umalis ang kuneho pero hindi na ako nakabalik sa mga kasamahan kong nasa ilog. Umiyak ako noon, hindi malaman ang gagawin kung paano makakauwi. Hanggang sa lumitaw si Sapphira. Sinabihan niya akong baliktarin ko raw ang damit ko para hindi ako maligaw.
Hinawakan niya ang kamay ko’t sabay kaming naglakad. Tila isang pantasyang eksena nang sabayan kami ng maraming hayop at kulisap sa aming paglalakad. Ang lamig ng palad niyang nakahawak sa kamay ko. Pero ang damdamin ko noon ay nagliliyab na para bang sinisilaban ako ng apoy. Hanggang makabalik ako sa dulo ng ilog at doon kami huminto.
“Mag-iingat ka sa pag-uwi mo,” mahinhing sabi ni Sapphira.
“Maraming salamat po. Siya nga po pala ako si Lucario,” pakilala ko.
Kinuskos niya ang buhok ko sa ulo. “Sapphira, isa akong engkantada.” Ngumiti siya saka hinalikan ako sa pisngi. “Napakabuti mong tao. Maraming salamat sa ginawa mong pagtulong sa munting kuneho.”
Matapos no’n isang nakakasilaw na liwanag ang nagpapikit sa mga mata ko. Nang magising ako yakap-yakap na ako ni Lola Amaya. Nakabalik na ako sa pamilya kong sobra ang pag-aalala sa pagkawala ko. Dinala nila ako sa albularyo noon para masuri. Doon nila nalaman na naengkanto ako sa kakahuyan.
Pagkatapos kong alalahanin ang nakaraan lumabas ako ng tent para samahan ang mga kasama ko. Matapos kong ikuwento ang nangyari kagabi naglakad-lakad ako sa tabi ng ilog. Napaupo ako sa malaking bato saka tumingala sa langit. Ang laki ng ngiti ko nang matuklasan kong ang iniligtas kong puting kuneho noon ay si Sapphira. Kaya pala pamilyar ang panyong nakatali sa braso niya dahil sa akin ang panyong iyon. Nagbalat-kayo siya bilang kuneho.
“Pangako, hindi na kita kakalimutan… Sapphira,” bulong ko. Sa pagsulyap ko sa tubig lumitaw ang nangkangiting repleksyon ni sapphira. “Merry Christmas sa inyong lahat sa loob ng kakahuyan.”
“Hoy! Sinong kausap mo?”
Bigla akong ginulat ni Felix mula sa likod. Mabuti at hindi ako tuluyang nahulog sa tubig.
“W-Wala, may pinasalamatan lang na espesyal na nilalang…”
“Uy! Ang tamis ng ngiti,” biro pa niya.
Tinawanan ko lang siya sa pang-aasar niyang nagkakagusto na raw ako sa mga lamanlupa. Ang hindi niya alam na hindi lahat ng mga alam nating kakaiba ay masama. Maraming mabubuting nilalang ang naninirahan sa mundo na siyang nangangalaga sa ating kalikasan. Hindi lahat mabuti at hindi rin naman lahat masama katulad ng mga tao. Ang pagtulong sa mga nangangailangan, pangangalaga sa kalikasan, pagmamahal na walang kapalit at kapayapaan sa bawat isa; hindi ba’t kay ganda sana ng mundo nating lahat? Kung alam lang sana ng mga tao kung paano magpakatao.
“Siguradong ayos ka lang, Lucario?” Bigla akong tinapik sa balikat ni Felix.
“Oo naman. Pasko na nga pala sa makalawa, huwag mong kalimutan ang regalo ko, ha.”
Bumalik kami sa mga kasama namin habang nagkukwentuhan sa balak naming gawin sa darating na Pasko. Hinding-hindi ko malilimutan ang Christmas vacation na ito dahil kay Sapphira at sa mga mabubuting nilalang sa Enchanted River.
Worries of Hereafter
-Lord Korumples
Holidays, that is the time for celebration of different events. What it is per individual may vary depending on one’s faith and environment. All that is needed is to give respect to the differences. There is one belief that exists that this time is also the period of reincarnation.
When people die, their spirits wander the world. Spirits often carry heartaches and pain as they go. Due to the burden of their past, they are unable to start a new life, hence holding off the process of reincarnation.
When holiday season arrives, people gather to celebrate and holiday breaks occur. The world is filled with joy and good vibes, driving off the negativity of fellow humans as well as spirits. This event then allows the spirits to let go of their bitter past and continue on with their new future. But is reincarnation necessarily a good thing?
To forget everything that one did in his life time… The pain may go but the love and joy is difficult to let go of. Yet holding on to the memories of the past brings nothing but despair. For it is but an illusion you can never go back to and will serve as shackles towards the new journey. Letting go is not a bad thing though, it is actually liberating to a degree.
The thing of worry is what will one become? Will one be a child of a rich family or of an impoverished one? Will one be reborn with talent or major deformities? Will one have a healthy body or one that is meant to be enjoined with a bed for the rest of time? Any situation you may and not know can be one’s case in the next life, be it the worst possible case or the best.
Reincarnation is not limited to being human. It is not too bad being reborn as a pet whose needs are all provided and live life giving joy to the master. It may also be fun to be a wild animal in a jungle, living life on the edge while hunting and being hunted at the same time. Yet one may also live the rest of his existence as livestock. Spending one’s miserable days being fattened in cages and breathe the last moments listening to one’s own squeals of pain.
Plants may be immobile but they too, live. To be a tree that lives life in serenity; enjoying the nature where it is a part of sounds great. Yet it is also a life of boredom of stillness and envy to the mobile. Helplessness is also expected, unable to defend oneself when chaos arises or the inability to migrate when nutrients are insufficient.
A possibility also exists that one will be reincarnated as nothing. The presence, individuality, memories, feelings and everything will disappear. A very scary fate for some as this fate cannot give happiness. Yet it may also be a plausible choice, a future with no pain.
The life of the future may be way better than the one in the past, yet it may also be worse. Maybe it is for the best to be content on being a spirit instead of the chance of a bad destiny? Yet being a spirit forever may also be considered as the worst fate. How it may be viewed may vary individually. Yet what decides what you may be?
Does a god who judges the spirits depending on how they lived their past exists? Or is it just a chance of luck as to which life has available slots? Maybe a gacha game where everyone has a one percent chance of getting a life of five star rarity. It is also a possibility that one’s next life and all the lives after it are pre-determined even before starting the previous life.
Thinking about what may happen may be fun and scary at the same time but worrying about things one can do nothing about is but an unnecessary additional stress. Unless the truth about the world is clear and a definite action of turning the wheels of fate exists then the previous statement is but unnecessary.
The future may be unknown and the past maybe but an unchangeable memory yet the present truly exist. It may be but a part of history tomorrow as if it did not matter but it is definite now. To live life without regrets is impossible but to live true is plausible. Be true, be kind and enjoy your holidays.
Wish,
In Oxford dictionary the definition of wish can be ‘to want something to happen or to be true even though it is unlikely or impossible.’
And even if the chances of me seeing you again is low I’ll keep on hoping and wishing.
-_-_-
Elpis
“Ang inet!!” sabi ko sabay pay-pay saking sarili.
“Sino ba naman kaseng naka isip na mag-blackout tapos ang inet inet ng panahon!” Tumayo ako saka pumunta sa kusina para uminom ng tubig napatigil ako ng makita kong bumaba si Mama sa hagdanan na sobrang ayos and dating.
“San nanaman kaya pupunta si Mama?”
“ma san ka po pupunta?” tanong ko sakanya,
Tumingin siya saken .
“Naku dadating ngayon yung kumare ko galing Macau tapos kasama niya yung anak niya na kaedad mo siguro, lika sumama ka saken baka may dalang maraming chocolate yun.” Sagot ni Mama.
Biglang kuminang mata ko ng marinig ko yung ‘Chocolate’,
“Chocolate is Life!!”masayang sabi ko sa sarili ko.
“Chocolate?” ulit ko baka nabingi lang ako bigla, mahirap na.
“oo chocolate.”
Tumakbo ako pa-itaas sa bahay saka pumunta sa aking kwarto para mag-palit ng damit dahil masiyado nakong pawisan.
“Ma hintayin mo po ako!” sigaw ko habang nag-papalit ng damit.
“chocolate here comes Mame!! Mwehehe.” Maday kong bangit sa aking sarili.
Ng matapos akong mag-palit agad na akong pumunta sa baba,
Nakita ko doon si Mama na humihintay saken.
“Ma lika na.” masaya kong ani.
“sige lika na siguraduhin mo lang na hindi ka makulit kung hindi naku lagot ka talaga saken.” Bwbala sakin ni mama.
“Opo promise cross my heart.” Saad ko saka nag thumbs up kay mama.
Naglakad na kameng papunta sa bahay ng kumare ni mama na galing Macau.
Ng makadating kame na-sorpresa ako sa ganda ng bahay ng kumare niya.
-_-_-
John Lourd
I did not know why my mother wanted to visit Phillipines.
I mean the climate is very hot, and what’s worse is that there’s no Electricity!!
I mean who on Earth would think of cutting the electricity when the temperature is like 38° C?
“stupid humans.”
I grab my Ps4 and played ‘Persona 5’ instead of problematizing thsi stupid electricity.
I was in the middle of the game when my mother knock on the door(who else would knock on my door other than her? A ghostm)
“What?!” I shouted.
“JL come downstairs I want you to meet someone.” She told me behind the doors.
“No thanks.” I shrugged her off and continued playing.
“John Lourd Pulpulaan! I want you downstairs now!” I throw my phone in the sofa an got off to bed.
“I’m coming!” I opened my dooor and I saw her standing there smiling.
“let’s go, make sure that you’ll be kind and polite ok?” I just nob.
We both go down the stairs and I saw a woman and girl sitting in our sofa.
The woman seem to be around her 30’s while the girl seems to be around my age, 12.
“Jl this lovely girl right here is Elpis and this beautiful woman right here is your Tita Margaret,”
“Margaret and Elpis this is my son John Lourd.” My mother introduced is with each other.
“Elpis? What a weird name.” my mother glared at me.
“Jl be polite.” She warned me.
“Dmo ba alam na ang ibigsabin ng Elpis ay “hope” sa Greek. In Greek mythology Elpis was the personification of hope. She was the last spirit to remain in the jar after Pandora unleashed the evils that were in it.” I looked at her in my do-I-look-like-I-care look.
“Tsk…” I turned around and walk away.
-_-_-
Elpis
“suplado nun ah.” Napa-iling nalang ako sa sarili.
“Pag-pasensiyahan niyo na anak ko hah, Elpis ok lang ba kung pag-may-oras ka bisitahin mo anak ko? Wala pa kasi siyang kakilala dito eh.” Sabi ng Kumare ni Mama.
“Oo naman po.”
“Margaret ok lang bayun sayo?” Tanong ng Kumare ni Mama.
“naku ok lang naman sakin Lina, maganda narin yon kase walang kamasa si Elpis sa bahay lalo na pag-pumupunta ako saking trabaho.”
“Meryenda muna tayo.” Pag-aya samin ni Tita Lina.
“Naku nakakahiya naman sayo Lina eh pumunta lang naman kami dito ng anak ko para kumustahin ka.” Pag-tangi ni Mama.
“Luh!? Si mama grasya nanga lumalapit, tinang gihan pa.”saad ko sa aking sarili.
“Naku naman Margaret minsan lang naman to kaya lina kayo, punta tayu dun sa kusina.” Pag-aalok ulit ni Tita Lina.
“naku sige lika na Elpis.” Naunang pumubta si Tita Lina sa Kusina tapis sumunod kaming dalawa ni Mama.
Ang ganda ng kusina nila.
May mahabang table counter, tapos may malaking dining table sa gitna.
“umupo nalang kayo sa Table para ihanda ko na yung Meryenda natin.” Sabi ni Tita Lina.
Pumunta kami ni mama sa dining table saka umupo habang hinihintay ang meryenda namin.
Mga ilang minuto ang nakalipas lumapit si Tita Lina samin na may hawak na tray.
Inilapag niya ang tray sa lamesa saka ipinunta sa gitna ang meryenda.
May nakita akong madaming pagkain doon.
May prutas, meron pang keso, tapos parang chips, tapos sushi, at madami pa pero ang nakakuha talaga ng interest ko ay yung melted chocolate tapos break stick,
Syempre wag natin kalituman yung juice.
“is this heaven?”
Umupo si Tita Lina sa isang upuan na malapit lang sa upuan ni mama.
“Hindi mo ba tatawagin anak mo Lina?” tanong ni Mama kay Tita Lina.
“naku mamaya nalang Margaret lalo na at mukhang hindi ata maganda pakiramdam niya, siguro dahil hindi pasiya sanay sumakay ng eroplano.” Sagot ni Tita Lina sa tanong ni mama.
“a ganun ba…” ani ni mama.
“oh sige kain na kayo.”
Kumuha ni Mama ng pinggan,
“Anong gusto mo anak?” tanong sakin ni Mama.
“yung chocolate po tapos bread stick gusto ko.” Naka-ngiti kong saad.
“Naku ikaw talagang bata sobrang hilig mi sa chocolate, siguraduhin mo lang na mag-si-sipilyo ka hah.”
“opo ma.”
Kumuha si Mama bf anim na bread stick saka binuhusan niya ng chocolate yung gilid ng pinggan.
“O ayan kain mo lahar hah.” Inilapag niya yung pinggan sa aking harapan.
“Opo.” Sabi ko saka kumuha ng isang bread stick saka ito isinawsaw sa chocolate,
Pag kasubo ko palang nalasahan kona ang masarap na lasa ng pag-kain.
“ang sarap.” Hindi ko mapigilan ang sarili ko na sabihin yon.
“Naku mabuti kung ganon.” Sabi ni Tita Lina na may malawak na ngiti sa kanyang labi.
Kumuha narin si Mama ng kanyang meryenda.
“eh ikaw Lina ba’t dika pa nag-me-meryanda nakakahiya naman pag kami lang yung kumakain.” Sabi ni mama namay ngiti rin sakanyang labi.
“Naku sasalugan ko nalang si Jl mamaya.” Naka-ngiting saad niya.
Napatigil kami ng narinig namin boses ng anak ni Tita Lina nasi John Lourd
“why didn’t you call me?” masungit na sabi ni John Lourd.
“may period ata to sungit eh.” Napa-irap nalang ako sa kawalan.
“akala ko kase hindi maganda pakiramdam mo.” Pag-pa-paliwanag ni Tita Lina.
Hindi na nag-salita si John Lourd saka umupo siya sa tapat ng upuan ko.
“gusto mo bang ako nalang kumuha ng pag-kain mo?” pag-aalok ni Tita Lina sakanyang anak namay matinding galit ata sa mundo.
“No thanks.” Yyn lang ang sinabi ni John Lourd saka kumuha ng kantang meryenda at walang imik itong kumain.
Ngumiti lang ng mapait si Tita Lina saka siya masaya ulit ngumiti na parang walang nangyare.
“kumusta kana pala Margaret matagal natatong di-nagkikita ah, ulang years naba?”
“naku ok lang naman kami ng anak ko,” saad ni Mama.
Kumuha ako ulit ng isang bread stick saka isinawsaw ulit ito sa chocolaté habang nakikinig kina Mama at Tita Lina.
“10 years na tayong di-nagkikita buti nga at naisipan mong bumisita eh.” Pag-papatuloy ni Mama.
“naku oo nga no… masiyado kase akong busy sa trabaho ko at ngayon ko lang nai-sipan na mag-bakasyon.” Tumawa si Tita Lina ng mahina.
“naku diko alam na may-asawa kana eh.” Masayang saad ni Mama.
Kinuha ko yung isang baso na malapit lang saken saka kumuha ng maiinom na juice.
“Naku-pag-pasensiyahan mona ako Margaret sa Macau kase ako naikasal at hindi dito sa Pilinas.”
“naku ikaw naman Lina, ok lang yun.” Sabi nj mama habang tumatawa.
“nga pala Margaret ilang taon na pala anak mo?” Tanong ni Tita Lina.
“12 years old palang Lina, eh ikaw ilang taon na anak mo?”
“Naku mag-kaparehas lang naman pala edad ng ating mga anak.” Ngiting saad ni Tita Lina.
May-sasabihin pa sana si Tita Lina ng mag-salita si John Lourd.
“Are you a pig or what?” tanong niya saken habang naka tingin ng masama.
“tao po ako obvious naman po eh.” Sagot ko sakanyan.
“then why are you so messy while eating?” sabi niya habang nakataas ang isang kilay niya.
Gusto ko rin sanang mag-taas ng kilay kaso hindi pala ako marunong.
Ibinuka ko ang aking labi para sana may-sabihin kaso mas nanuna ng mag-salita si Tita Lina.
“John Lourd Pulpulaan!! Your manners!. She’s our guest.” Tumayo mama niya saka galit na pinagalitan si John Lourd.
“Nakakatakot pala mama niya pag galit nu?” sabi ko sa sarili ko.
Tumayo si John Lourd saka nag-walk out.
“walk out king ata to eh.”sabi ko sa sarili.
“pag-pasensiyahan niyo na si Jl hah.” Pag-papaumanhin ni Tita Lina samin.
“Naku ok lang yan Lina siguro hindi lang talaga maganda pakiramdam ng anak mo.” Sabi ni Mama.
“sorry rin Elpis hah.” Malungkot sa sabi ni Tita Lina.
Ngumiti ako saka nagsalita,
“Ok lang po yun Tita at saka totoo naman po sinabi niya makalat nga talaga akong kumain, sorry po.”
“naku wag-kang mag-sorty ok lang yun saken saka normal naman da mga bata ang pagiging-makalat.” Ngiti ni Tita Lina.
“Lina kung ok lang sana, pwede ba kaming makigamit ng CR.” Sabi ni Mama.
“Naku ok lang Margaret, merin kaming CR na malapit dito sa kusina liko lang kayo sa kanan at makikita niyo nayun.” Sabi ni Tita Lina habang nag-lilinis ng pinag-kainan namin.
“Naku salamat.” Pag-pa-pasalamat ni Mama.
“walang anuman Margaret.”
Tumayo si Mama kaya tumayo narin ako.
“Lika na nak hugasan natin yang mukha mo saka kamay.” Pagyaya sakin ni Mama.
“Opo ma.”
Pumunta na kami ni mama sa CR na binanggit ni Tita Lina.
Pagdating namin sa CR unang hinugasan ni Mama yung mukha ko saka kamay tapos nag-hugas rin siya saka kami lumabas.
Nakita namin si Tita Lina natapos ng linisan yung lamesa.
“Salamat ulit Lina pero kelangan nanaming umalis eh talagang gusto lang kitang kamustahin.” Pag-pa-pasalamat ni Mama.
“Thank you po Tita Lina.”
“naku kayo naman ok lang saken… ah oo nga pala eto chocolate,” binigyan ako ni Tita Lina ng dalwang malaking tobleron.
“Thank you po!” masaya kong saad.
“nga pala Margaret ok lang ba kung bumisita ulit anak mo dito… gusto ko sanang may kalaro si Jl eh.”
Ngumiti si Mama saka tumango.
“ok lang talaga saken Lina.”
“naku salamat… medyo nababahala rin kase ako dahil ni minsan wala pang naipakilala sakin na kaibigan si Jl eh.” Malungkot na saad ni Tita Lina.
“Naku magiging ok lang ang lahat Lina.” Sabi ni Mama na may ngiti sa labi.
“punta nalang po ako dito bukas Tita.” Tumingin sita saken saka ngumiti.
“salamat.” Pag-papasalamat ni Tita Lina.
“sige Lina kelangan na naming umalis, salamat sa pagkain.” Pagpapa-alam ni Mama.
“sige samagan ko muna kayo.” Sabi ni Tita Lina.
Ng makalabas kame sa bahay nila nag-paalam kame ulit ni Mama saka umuwi na.
-_-_-
John Lourd
“That girl is really annoying.”
I hate her guts, she dare talk to me like that.
I flop on my bed and took my laptop.
I was about to watch some Netflix movies when I heard someone knock.
“Tsk how annoying.”
I get up and walk towards my door.
I opened it and I saw my mother standing there with a frown in her face.
I opened the door even wider and let my mother come in.
My mother look at me sternly.
“what was that Jl?” she ask.
“what do you mean?” I look at her in boredom.
“Stop acting like you’ve done nothing wrong! I ask you for one thing and that is to be polite but you didn’t is that to hard for you to understand nor to do!?” my mother was fuming mad.
“I wasn’t feeling well.” Definitely a lie I just don’t like visitors, they’re a nuisance.
“Elpis is going to visit here tommorow and if you’ll end up acting like the last time you are grounded!” when my mother was done ‘Lecturing’ me she walk out in my room.
“So that annoying girl is going to visit here again, eh?”
Let’s just see if she’ll visit here again after what I’m going to do to her.
I flop in my bed and watch Netflix.
-_-_-
Elpis
Maaga akong bumangon dahil kelangan kong bumisita ulit kina Tita Lina.
Agad akong naligo saka nag sipilyo, pag baba ko sa hagdan may naririnig akong nag luluto sa kusina.
Pumunta ako sa kusina at nakita doon si Mama na nagluluto ng breakfast namin.
“anong ulam ma?” tanong ko kay Mama saka umupo sa isang upuan.
“hotdog at itlog.” Sagot ni Mama sa tanong ko.
Pagkatapos biyang magluto naghain na siya ng pag-kain namin.
“maaga ka atang nagising ngayon ah.* sabi ni Mama saken habang inilalapag niya pag-kain namin.
“8:00 am na po Ma san maaga dun?” inilapag ni mamw pqgkain ko sa aking harapan saka nag-simulang kumain.
“kase pag-humigising kana mga 9:00 am na ganun.” May point naman si Mama.
Umupo si mama saka nag-simula narinh kumain.
Ng matapos naming kumain nag hugas na muna ng mga hugasin si mama saka ko siya tinulungan para magligpot ng mga hinugasan.
“May-trabaho ka ngayun ma?” tanong ko kay mama habang pinu-punasan yung kutsara.
“syempre anak kaya ok lang sakin kung nandun ka muna kina Lina kesa anamn andito kalang sa bahay.” Napa-tango nalang ako sa sinabi ni Mama.
Ng matapos naming iligpit yung mga hugasin, naligo muna si Mama tapos nag-ayos dahil pupunta na siya sa kanyang trabaho.
“Lika na Elpis, kukuhanin nalang kita oag-tapos na ako sa trabaho hah?”
“opo ma.”
Lumabas kaming dalawa sa bahay saka niya ini-lock yung pinto saka kami dumiretso sa bahay nina Tita Lina.
Ng makadating lamr agaf na nag-doorbell si mama at mga ilang segundo nasa tapat na namin si Tita Lina.
“Sige Lina pagpasensiyahan mona lang ang anak ko lalo na’t makulit talaga ito.”
“Ok lang yun saken Margaret.” Mahinang tumawa si Tita Lina.
“sige hah, o anak paka bait ka.” Pag-papaalam ni mama.
Kumaway ako sakanya gabang paslis siya.
Pumasok na kami sa bahay ni Tita Lina.
At nakita ko sa sala si John Lourd an nanonood ng Tv.
“umupo kana Rlpis ounta lang ako maligo.” Tina-nguan ko nalang si Tita Lina.
Ng umalis na siya pumunta ako sa tabi ni John Lourd na mukhang seryosong seryoso sa panonood.
“musta kana Jl? Ok lang ba pakiramdam mo?” Tanong ko sakanya peto imbrst na ngitian niya ako tumingin sita sakin ng masama.
“don’t call me Jl, I did not give you any permission to call me like that.” Umirap siya saka ibinaling ulit ang kanyang ulo sa Tv.
Ramonito sent Today at 12:12 AM
“sungit talaga .” napa iling nalang ako.
“uy John Lourd laro tayo!!” Madaya king sabi.
“Will you stop! I don’t wanna play. Leave me alone.” Saka siya nag-walk out pero sinundan ko siya hangang nasa tapat na nita kami ng kwarto.
Humarap siya sakin saka umirap.
“stop following me.”
“laro na kasi tayo bilis.” Pangungulit ko sakanya.
“how many times do I have to tell you that I don’t want to play.”
“Laro na tayo.” I still insisted.
“no.”
“Yes.” Sabi ko.
“no, now get out.” He glared at me.
“Laro na kasi tayo.” Pangungulit ko sa kanya.
“no.” binuksan niya pinto ng kwarto niya saka pumasok soya at sinaraduhan ako.
“sama mo talaga.”
“Elpis??” lumingin ako at nakita ko si Tita Lina na kakatpos lang naligo.
“ba’t ka andito? Asan si Jl?” lumapit siya saken.
“nasa kwarto niya po.” Sagot ko sakanyang tanong.
Lumapit si Tita Lina sa pinto ng kwarto ni Jl sak kumatok ng tatlong beses.
“jl buksan mo tong pinto!”
“Leave me alone!!” rinig naming sabi niya.
Tumingin sakin si Tita Lina.
“Naku oag-pasensiyahan mona Elpis hah?” ngiti ako saka tumango.
“ok lang po tita.”
“Punta kana lang sa salas tapos manood ng tv oara handaan kita ng meryenda mo.” Sabi niya saken taya tumango ako at oumunta ulit sa salas at nanood nalang ng Tv.
Mga ilang minuto ang nakalipas dymating nasi tita namay dal dalang pag-kain.
Inilag niya ang mga pagkain sa osang maliit na lamesa.
“Meryenda kana Elpis at tatawagin ko lang si Jl.”
“Sige po salamat.” Umalis na si Tita Lina para tawagin si John Lourd at ako naman nag-simula ng kumain.
Mga ilang minuto siguro ng dumating si Tita Lina na Kasama si John Lourd.
Umupo si John Lourd sa kabilang couch saka kumuha ng kanyang sariling meryenda.
“kain lang kayo ha para mag-luluto nako ng lunch natin.”
Tumango ako.
Masaya kong kinain ang aking meryenda ng may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko.
Dahan dahan akong tumingin kung ano yung gumalaw at may nakita akong daga.
“wah!!” agad akong kumaripas ng takbo papaalis don sa couch ni inu-upuan ko.
“Elpis bakit ka sumigaw?” Lumapit sakin si Tita Lina at tinignan kung ok lang ako.
“Elpis ok kalang?” tanong ni Tita Lina ulot sakin.
Saka ako umiling.
Napalingon kaming dalawa ni Tita Lina ng marinig baming tumawa si John Lourd.
“hahaha.” Hindi siya tumigil sa katatawa.
“So masaya yun oara sa kanya ganun?”
Tumigil siya sa katatawa ng tignan ako.
My tears started to fall.
“John Lourd Pulpulaan!! In your room now!!” agad na umalis John Lourd kasam ang daga.
Tumingin sakin si Tita Lina.
“Sorry talaga sa ginawa ni John Lourd sa ginawa niya sayo.” Pagpapa-umanhin ni Tita Lima sa ginawa ni John Lourd.
Tumanho kang ako habang pinupunasan ang mga luha ko.
“mamaya lang Elpis hah? Kakausapin kolang si John Lourd.” Agad na umalis si Tita Lina at dumiretso sa kwarto ni John Lourd.
Pumunta ako sa labas ng bahay oara mag-pahangin.
-_-_-
John Lourd
My door opened and my mother looked at me.
Her eyes were cold and there was no smile in her face.
“John Lourd Pulpulaan !!! Have I not told you that you should treat her like a guest!! I am so disappointed in you!” I looked down feeling ashamed… my mother’s right I shouldn’t have done such a cruel thing.
“Go talk to her and tell your sorry!!”
“o-ok…” I walk out of the door and headed to the living room hut I couldn’t see her.
I look around the house but still I couldn’t find her…
“what if she go home already?” but I thought there house was far away from ours.
“what if someone tries to hurt her or something?” I panic.
This was my fault if only I wasn’t such a brute.
I walk out of the house and looked for her in the garden in hopes of finding her there.
And thank goodness I did.
She was sitting in the grass while looking at the koi fish in our small pond.
I walk slowly.
And when she felt my presence she looked at her back but she ignored me.
I walk closer to her and I was standing beside her
“E-elpis…” I stummer a bit cause I’m not really good with this kind of things.
She didn’t say anything and just keep quiet.
“Elois I’m sorry for what I did… It was wrong of me to do it and I won’t make any excuses cause I am truly sorry… I-I just want to ask… your forgiveness.” I looked down feeling embarras and guilty.
I looked at her when she chuckled a bit.
She looked at me and smiled.
-_-_-
Elpis
Tumingin ako kay John Lourd saka ngumiti.
“ok lang yun ikaw naman hahaha ako nga rin dapat mah sorry eh… sorry dahil sobrang kulit ko at sorry rin dahil sobrang OA ko rin.” Umupo siya sak tinignan ako.
“that’s fine by me.” He smiled a bit.
“so… mag-kaibigan na tayo?” tanong ko sa kanya.
“No.” sagot niya.
“eh!?? Sige na mag-kaibigan na tayo!” mahina siyang tumawa hangang sa palakas ito ng palakas.
Sumimangot ako dahil seryoso ako sa sinabi tapos tatawanan niya lang ako aba’t galing ah.
"ok... Ok, Let's be friends."
Napatigil ako sa sinabi niya.
Saka tinignan siya.
"Weh!?sure?" Paninigurado ko.
"Yup."
"So.. pwede na tayong mag-laro."
Tumango siya ng may ngiti sa mukha.
"Punta tayo mag laro sa malapit na park, ok lang?"
"Fine by me but first we need to tell mom."
"Yes!" Tumayo ako saka naman siya tumayo saka kami pumunta sa loob ng bahay nila para mag-paalam lay Tita Lina.
-_-_-
John Lourd
Ever since that day we became friends and we would always play together.
It's been a month and I slowly get to know her day by day.
And honestly I was happy that we became friends.
But sadly happy days needs to end because our flight to Macau is already near.
-_-_-
Elpis
Naisipan naming pumunta ngayon sa park at mag-picnic pero kaming dalawa lang ni Jl.
Pagka-dating namin agaf akong nag-set-up.
Inilapag ko ng mabuti ang picnic blanket at pag-katapos nun ay ipinunta ko ddon ang oicnic basket.
"The weather is great and gusy of wind is just right, perfect for flying kites."
Dalawa ang kinuha niyan isa para saken at isa para sa kanya.
Nag-simula na kaming magpalia
pad ng saranggola.
Mga ilang minuto biglang lumakas yung ihip ng hangin kaya nabitawan ko yung kite.
"I'll get it." Sabi ni John Lourd saka sinundan yung kite.
Mga ilang minuto na nakalipas pero wala parin si John Lourd kaya naisipan kong hanapin nalang siya.
Mag-lalakad na sana ako ng may-narinig akong tumawag sakin.
"Uy Elpis!!!" Ng lumingon ako nakita ko yung dalawa kong classmate nasi Bea at Ken.
"Hi." Awkward ko na bati.
"Nung ginagawa mo dito?" Tanong ni Bea.
"Ah w-wala nagpapahangin lang." Palusot ko.
"Weh!?" Paninigurado naman ni Ken.
"Oo nga."
"Tagal na kitang di nakita ah... So asan yung laruan na hinihingi ko sayo? Kung gusto mo parin tqyong maging mag-kaibigan kelangan mo yun ibigay kung hinde ikaw kawawa wala nangang may-gusto sayo sa school tapos mawawalan kapa ng kaibigan." Sabi sakin ni Bea.
Tumingin ako sa baba dahil siguro nahihiya ako.
"Ibibigay ko na bukas." Sabi ko.
"Aba't dapat lang." Sabi naman ni Ken.
"Ah oo nga pala pengeng pera wala kaming dala eh." Sabi ni Ken.
"Wala sorry."
"Aning wala alam kong meron yan ibigay mona kas--" naputol ang sasabihin ni Ken ng sumulpot bigla si John Lourd.
"Aning ginagawa niyo hah!! Layuan niyo nga si Elpis!!" pagtatangol sakin ni Jl.
Hindi ko alam pero napa-itak nalang ako.
Natakot siguro si Bea at Ken kaya kumaripas agad sila ng takbo.
Humarap sakin si John Lourd at halata ang galit sa kanyang mga mata.
"Who are they?" Tanong sakin ni John Lourd.
"Mga kaibigan ko." Sagot ko sa tanong niya.
"Elpis people like them shouldn't be called friends cause they don't deserve you, real friends don't do that with each other." Sabi sakin ni Jl.
"Pero... mawawalan nanaman ako ng kaibigan." Mapait kong sabi.
"That's why I'm here, ok?" Tumingin ako sakanya saka tumango.
"Good always remember ni matter where we are and no matter what happens we're still friends and no one on Earth can change that." Sabi niya saken.
"Promise?"
"Promise, now let's eat and stoo crying you look ugly when you cry."
"Ansama mo." Saka kami tumawa.
-_-_-
John Lourd
And so tge dreadful day finally came,our flight to Macau.
I ask my motger if we could see Elpis amd Tita Margaret again and she said yes.
It was a painful to say goodbye but just like what they say people come and go...
But I believe that not because people would go they wouldn't return.
And without me noticing I slowly change, I became much more optimistic and way more cheerful.
I wasn't rude to people who are close to me,
I can talk to people without sounding offensive,
I am not a snob,
And I learned how to be happy,
Elpis change me.
And I wish that I'll see you again someday.
I'll keep on hoping and wishing.
End
Wish
(a tribute to our 8 years of friendship)
Owner of the photo:
Johnlourd Pulpulaan
Taken in:
San malo, Macau.
The Gleaming of Hope In Christmas: Spiritual/drama By:MegumiJ29
"Malapit nanaman ang pasko!" Masayang wika ni Tomi. Palagi siyang masaya sa tuwing sasapit ito ngunit may kaakibat din na lungkot.
Dahil sa murang edad niya ay nasa daan siya palakad lakad. Palagi lang siyang nasa tapat ng isang simbahan. Kapag may praise ang worship na nagaganap ay pinapayagan siyang makibahagi sa mga ito. Nahihiya man ay tumutuloy siya sa loob ng simbahan.
Pagkatapos ng worship service ay may meryenda na pwedeng kainin. Masayang masaya siya na makakain ng hindi galing sa napulot sa kung saan na pagkain. Sa taong kagaya niya na ang lansangan na ang tirahan ay balewala na kung saan galing ang ilalaman sa kanilang tiyan. Ang importante ay maitawid nila ang bawat pagkalam ng kanilang sikmura.
"Marami akong natatanggap na regalo tuwing pasko mula sa hindi ko mga kilalang tao. Hindi ko na kailangan pang bumili at mainggit sa ibang bata na nakikita ko. Tuwing pasko lang ako nagiging masaya." Biglang lungkot ang mukha ni Tomi. Pasko din kasi ng mawala ang kaniyang mga magulang. Kahit gusto man niyang kamuhian ang pasko ay hindi niya magawa.
Dahil kasi sa pasko ay bago ang mga suot niyang damit at palagi siyang maraming pera at nakakain ng masarap na pagkain galing sa mga taong may ginintuang puso.
Sa edad niyang sampu ay marami na siyang nasaksihan sa kalye. Kung saan maraming buhay na naglalakad at marami na ring binawian ng buhay. Isang beses ay sa kaniyang harapan mismo. Kaya nasanay na siya sa ganitong sitwasyon.
Mga batang gumagamit ng mga hindi dapat gamitin katulad ng marijuana, rugby at kung minsan ay droga. Kaya malalakas ang loob ng mga batang ito na nasa lansangan. Kung minsan panga ay napag tripan siya ng mga ito. Buti nalang ay may mga pulis na naglilibot sa lugar kaya hindi siya nagalaw ng mga ito.
Laking pasasalamat niya at may mga pulis kung hindi baka kung saan na siya pulutin.
Isa pa sa nagpapalungkot sa kaniya ay kapag may nakikita siyang mga pamilya na masayang magkakasama...
"Anong gusto mo Myla?" Malambing na tanong ng isang ginang sa kaniyang anak. Habang nakatingin sa kaniyang anak habang may masuyong ngiti na naka paskil sa kaniyang mga labi.
Sumagot naman ang batang babae sa kaniyang Mama. "Gusto ko pong pumunta sa Jollibee, Mama!"
Binuhat naman ito ng kaniyang Papa at hinalikan sa pisngi at ito ang sumagot sa anak. "Oo naman! Kung ano ang gusto ng aming prinsesa 'yun ang masusunod." Masayang naghalakhakan ang pamilyang ito.
Naiinggit ang batang puso ni Tomi sa pamilya na nakikita niya.
Sana ganiyan din ako. Malungkot na saad ni Tomi sa kaniyang sarili. Ilang beses na niyang hiniling na sana ay buhay pa ang kaniyang mama at papa. Namatay sa isang aksidente ang kaniyang mga magulang at tanging siya nalang ang natira.
Dumaloy ang mga butil ng luha sa kaniyang pisngi habang pinagmamasdan ang masasayang mukha ng bawat pamilya sa kaniyang harapan. Pinilit niyang pigilang ang mga kumakawalang luha sa kaniyang mata ngunit patuloy lang ito sa pag daloy.
Kagagaling niya lang sa simbahan, kakatapos lang praise and worship service ng mga ito. Kaya pagkatapos niyang kumain ay umalis na agad siya. Hindi na siya nakapag paalam sa pastor na palagi siyang iniimbita sa loob ng simbahan.
Nagtungo na ulit siya sa munting bahay na kaniyang tinutuluyan, sa isang abandunadong bahay na sira-sira at hindi pa nagagawa ng may ari nito. Malapit ito sa kakahuyan, kaya hindi pansin ng mga tao.
Dito na lalong kumawala ang bawat luha na kahit anong pigil niya ay patuloy parin sa pagdaloy. Ilang pahid man ang gawin niya ay hindi parin tumitigil. Katulad ng pag asam niya na sana, sana isang araw ay bumalik muli ang kaniyang pamilya.
Ang kaniyang mama na kayakap niya sa tuwing gabi at kinakantahan siya ng paborito niyang awitin. Dama niya ang init ng pagmamahal nito sa kaniya. Bawat haplos ng mama niya sa kaniyang buhok. Tuwing pag gising sa umaga ay masayang ngiti nito ang bubungad sa kaniya at ipagluluto ng paborito niyang almusal. Ang mama niya na gumagamot sa sugat niya sa tuhod kapag nadadapa.
At ang kaniyang papa naman na ipapasan siya sa likuran at pakiramdam niya siya si superman na nakakalipad. Tumatakbo sa bakuran habang sipa sipa ang bola na binili ng kaniyang papa at kung minsan ay naglalaro sila ng basketball. Mga bagong damit na binibili nito palagi na magkaterno silang dalawa. Mga sandali na bumabalik balik sa kaniyang alaala. Mga masasayang sandali na kapiling niya ang kaniyang pamilya.
Ngayon ay tanging malamig na simoy ng hangin ang humahaplos sa kaniyang katawan. Tanging latag ay karton na nahingi niya lamang sa isang tindahan. Ang laruan na mga bigay lang sa kaniya. Pusang palaboy nalang ang kaniyang katabi na tinuring na niyang kapatid. Ang pangalan nito ay ming ming wala na siyang ibang maisip na pangalan bukod sa meow. Hindi na rin siya nakakapag aral. Mga galos sa katawan niya na naghihilom nalang ng kusa, wala nang mama niya na gagamot sa bawat galos at sugat niya sa katawan. Punit na damit at bihira nalang mapalitan dahil wala naman na siyang damit na maaaring isuot. Tuwing pasko lamang nagiging bago ang kaniyang damit.
Birthday niya na wala naman makaalala bukod sa kaniya na itinuring nalang din niyang normal na araw. Tatlong taon na siyang naghihintay muli sa kaniyang mga magulang na sana ay panaginip lang ang nangyari sa mga ito. Subali't hanggang ngayon ay bigo parin siya. At patuloy na umaasa na isang araw ay panaginip lang ang lahat ng ito.
--
Umulan ng malakas at walang masilungan si Tomi dahil sa lakas ng bagyo. Wala namang matinong bubong ang abandunadong bahay. Basang basa na siya at ang kaniyang pusa dahil sa lakas ng ulan at ang bubong naman kasi ay sira sira kaya talagang basa ang buong paligid.
Sa ayaw at sa gusto niya ay pumunta siya sa simbahan. Nahihiya man ay naisipan niya na kumatok sa simbahan at makiusap na patuloy muna siya at aalis din kinabukasan.
Apat na araw nalang din ay pasko na. Mahiyain siyang bata kahit na sa lansangan niya siya nakatira. Kaya hanggat maaari ay ayaw niyang makaabala ng ibang tao. Pero hindi sa ngayon dahil ginaw na ginaw na siya sa sobrang basa na at malakas pa ang hangin.
Naka ilang katok din siya bago nag bukas ang pinto ng simbahan. Pupungas pungas pa si Pastor Brigido nagbukas sa kaniya ng pinto. Paano ba naman ay alas dos palang ng madaling araw, kasarapan pa ng tulog.
"Oh Tomi? Halika't pumasok ka sa loob." Sabi ni Pastor Brigido at iginaya siya papunta sa loob ng isang silid. Nahabag ang pastor sa nakita niyang itsura ng bata. Kayakap nito ang munting kuting na nilalamig din dahil basang basa ng ulan. Musmus pa lamang ay ganito na ang inabot ng batang ito. Ilang beses na itong kinakausap ng pastor tuwing pumupunta ito ng simbahan ngunit tahimik lamang ito at ayaw magsalita. Nakikimi sa bawat tao na nagtatangkang kumausap sa kaniya.
Dali-dali naman na pinaalis ang damit ng bata at hinayaan na makaligo ng saglit sa banyo na may maligamgam na temperatura ng tubig sa shower. Habang nasa banyo ang bata ay pinunasan naman ng pastor ang munting kuting at binalot sa makapal na tela para hindi ginawin.
Nang matapos si Tomi sa paliligo ay lumabas na siya ng banyo at may nakalatag ng damit sa kama. Isang maliit na kwarto ang pinagdalhan sa kaniya ng pastor ngunit kumpleto sa kasangkapan. May maliit na t.v. na naka sabit sa pader, kama, maliit na lamesa at isang upuan sa tabi ng kama. Malinis ang silid at may simpleng pintura na kulay lightblue.
Bumalik muli ang pastor na may dala ng mainit na noodles at kanin. Nilagay nito sa maliit na lamesa sa gilid ng kama. Pinakain din nito ang kunting sa maliit na mangkot.
Nakapag bihis na si Tomi at pumunta muna sa harapan ng pag kain ngunit tumingin muli sa pastor na ngayon ay naka upo na sa gilid ng kama.
Hindi alam ni Tomi kung paano niya sisimulan ang pagkain lalo na at nakatingin ang pastor. Nakaramdam siya ng pagkailang ng mga sandali na ito. Naramdaman naman ng pastor ito.
Bago lumabas ay may sinabi ang pastor. "Mahal ka ng Diyos Tomi." Hinaplos niya ang buhok nito ng bahagya kaya napatingala si Tomi at napatingin sa pastor. "May mga bagay na hindi tayo maintindihan datapwa't lahat ng bagay ay may sagot ang Diyos, hindi man ngayon ay sa susunod na mga araw. Huwag mong kalimutan ang pananalig sa kaniya. Siya ang may bigay ng buhay, ang manunulat ng ating kwento habang tayo'y nabubuhay alam niya ang bawat nilalaman ng ating puso. Manalig ka lang. Kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako na tinalaga ng Diyos para ipalaganap ang kaniyang mga salita at ang kaniyang mga pangako sa atin." Mataman lang na nakikinig si Tomi sa mga sinsabi ng pastor na tila humahaplos sa kaniyang puso.
"Mahal ka ng Diyos. May dahilan ang lahat ng bagay. Sige na at kumain kana, huwag mong kalimutan na manalangin bago ka kumain." Tumango lamang si Tomi at lumabas na ang pastor.
Nanalangin muna siya bago kumain katulad ng sabi ng pastor. Ginaya niya kung paano manalangin ang mga ito tuwing nagsisimba siya. "Panginoon, maraming salamat po sa mga biyayang natatanggap ko sa araw na ito. Salamat po sa mga taong patuloy na tumutulong po sa akin ng walang hinihintay na kapalit. Salamat po sa lahat ng bagay panginoon. Kayo na po ang patuloy na magbalik ng biyaya sa mga taong tumutulong sa akin kahit wala akong sabihin. Salamat po sa lahat, kayo na po ang patuloy na gumabay sa amin. Ilayo niyo po kami sa lahat ng kapahamakan. In Jesus name Amen." Pagkatapos niyang manalangin ay inumpisahan niya ng kainin ang pagkain.
Pagkatapos niya ay dinala niya sa kusina ang pinagkainan.
Sa gilid ng simbahan nakatayo ang bahay nina pastor. Kaya malapit lang ang tinutuluyan nila. Naisipan ni Tomi na pumunta sa simbahan at doon nalang matulog. Dinala niya ang kumot at unan na nasa kwarto. Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan sa kaniya ng pastor kaya sa simbahan nalang siya natulog. Mahaba naman ang mga upuan dito kaya kasya naman siya.
Bumalik naman ang pastor kung nasaan siya kaso ay hindi na niya nakita si Tomi sa silid kaya pumunta nalang siya sa cctv room para makita kung nasaan na ito. Malakas pa naman ang hangin at ulan sa labas tiyak na mababasa at magkakasakit lang ulit si Tomi.
Nakita niya si Tomi sa Simbahan sa pinaka huling row ng upuan at dito mahimbing ng natutulog kayakap ang kaniyang munting kuting.
Napangiti ang pastor sa nakita niyang kalagayan ng bata."Napaka buti ng batang ito, kahit ang kuting ay hindi niya pinapabayaan at tinurung na niyang kapamilya."
Napag pasyahan nalang ng pastor na hayaan nalang ang bata na makatulog sa upuan at ayaw na niyang maistorbo ang mahimbing nitong pagtulog.
--
Maagang nagising si Tomi, maliwanag na ang buong paligid ng simbahan kaya naisipan niya na bumalik na sa abandunadong bahay. Tumila na ang malakas na ulan sa labas.
Habang papalabas siya ay nakita niya ang asawa ni pastor na si Mrs. Loreta. Hindi ito katangkaran, balingkinitan, may pagka istrikta ang awra nito pero masayahin ito, makuwento at higit sa lahat ituturing ka nitong kapamilya, taos puso.
Nagdidilig ito ng halaman sa tapat ng simbahan at nakita siya, "maganda umaga, hijo." Ngumiti ito sa kaniya at napayoko siya.
Kahit ganoon ay sumagot naman siya sa pag bati nito. "Magandang umaga din po."
"Kain ka muna ng almusal, Hijo?" Alok nito kay Tomi at napadako din ang paningin niya sa kuting na yakap nito.
"Ah, hindi na po. Maraming salamat po sa pag papatuloy niyo sa akin dito." Sabi ni Tomi at yumukod at dali-daling umalis, hindi na niya hinintay ang sasabihin ni Mrs. Loreta.
Ilang beses siyang tinawag nito at hindi na siya lumingon pa ulit.
Pagdating niya sa abandunadong bahay ay Nakita niya ang magulong itsura nito. Maraming nagkalat na mga sirang kahoy at ang bubong ay tuluyan ng tinangay ng hangin kaya maliwanag na ang buong paligid.
Araw-araw ay ang pagharap niya sa mga pagsubok na hindi niya alam kung hanggang kailan. Sa bawat pagising niya sa umaga ay paghahanap ng ilalaman niya sa kaniyang sikmura ang kaniyang problema.
Hinayaan niya na magpalakad lakad si mingming.
Lumabas muna siya upang pumunta sa mga convenience store. Dahil tuwing umaga ay may mga bagong lagay na pagkain sa basurahan. Ang mga naexpired na tinda nila ay itinatapon na sa basurahan. Kaya masaya siyang pumunta sa mga ito. Sa gabi naman ay sa mga fast food naman siya tumatambay. Dito naman ay marami siyang kaagaw na naghihintay sa mga pagpag na ibibigay sa kanila. Swertehan nalang kung sino ang maaabutan.
Nakarating na siya sa convenience store. May ilan na naghahalungkat sa basurahan. Nang marami na ang nakuha ng mga ito ay umalis na din naman, kaya pagkakataon na naman niya.
Kaunti na ang nakuha niya pero sapat naman para sa kanila ni mingming.
Kahit gusto silang sitahin ng mga crew ay hindi nalang din nila ginagawa dahil naaawa din sila sa mga taong ito.
Sabay silang kumain ni mingming pagkatapos niyang kumain ay nilatag niya ang nahingi niyang karton sa convenience store at dito nahiga habang nakatingin sa kalangitan.
"Totoo kaya ang Diyos? Kung totoo siya bakit may mga kagaya namin na palaboy laboy sa daan? Pantay nga ba talaga ang mundo lalo na sa kagaya namin?" maraming tanong ang pumapasok sa isip ni Tomi ng sandaling ito. Lalo na at palagi na siya napupunta sa simbahan, nabuksan ang isip niya sa mga bagay-bagay.
Nakatulog si Tomi sa kaisipan na ito.
--
Pag gising niya ay may narinig siyang mga boses na nanggagaling sa labas ng abandunadong bahay. Lumabas siya at nakitang may mga tao at may mga construction truck sa labas. Nag taka siya bakit maraming tao. Nakita siya ng isang tao at sinuway siya na umalis. Kaya napilitan siyang umalis kasama si mingming dahil natakot siya sa mga ito.
Nakita niya kung paano gibain ang abandunadong bahay na tinuring niyang tahanan sa ilang taon. Wala na siyang matutuluyan sa ngayon. Nakaramdam siya pagkadurog sa kaniyang puso at naging dahilan muli ng pagdaloy ng kaniyang luha.
Wala na...unti unti ng gumuguho ang kaniyang pag asa sa mga sandaling ito.
"meow..." Napayuko siya sa pusang hawak niya na tila nararamdaman din nito ang lungkot na nararamdaman niya. Kaya hinaplos niya ito sa katawan.
Naglakad lakad siya sa kalsada para maghanap ng bagong matutulugan mamaya.
Sa kaniyang paglalakad hindi niya namalayan na may humaharurot na sasakyan. Nagmamadali ito na makarating sa pupuntahan. Sa pag mamadali nito at overtake sa mga sasakyan ay nagkamali ito ng pagkabig ng sasakyan, sa pagkabig nito ay nasagi ang kaliwang bahagi ng katawan ni Tomi. Na naging dahilan ng pagtalsik nito sa daan.
Nagpagulong gulong ang katawan nito kasama ang munting kuting at humagis sa huling ikot ng katawan ni Tomi. Pinilit ikilos ni Tomi ang kaniyang katawan ngunit hindi na niya maikilos ang katawan. Nakikita nalang niya ay ang liwanag na tila tinatawag na siya.
Ito naba ang oras ko? Makakasama ko na ba ang mga magulang ko Jesus? Lalong lumiliwanag ang kaniyang paningin nakita niya ang imahe ng masayang mukha ng kaniyang magulang na nag abot sa kaniya ng kamay....
Pinalibutan siya ng mga tao sa paligid niya at ang naka bunggo naman sa kaniya ay tumigil at halo halo ang emosyon sa ngayon. Dahil may kinakaharap din ito na problema.
Tiningnan nito ang bawat parte ng katawan ni Tomi at ng makitang nawalan ito ng malay ay pinulsuhan niya ito. Nang maramdaman niya ang pulso nito ay dahan dahan niyang binuhat ito papasok sa back seat ng sasakyan. Marahan niyang naihiga sa likod. May kaunting dugo na dumaloy sa noo nito.
Pumasok agad sa driver seat ang naka bangga at ngayon ay nag ingat na sa pagmamaneho at baka din mahulog ang katawan ng bata sa likod.
Nakarating naman siya ng maayos sa hospital. Dumulog naman agad ang mga nasa doctor at nurse na naka assign sa ngayon.
Nakailang palakad lakad ang babae na naka bunggo ka Tomi. Nagmamadali siya dahil kailangan niyang maabutan ang asawa niya at ang kabit nito na paalis ng bansa. Malabo na atang mangyari ito dahil sa naka sagasa pa siya ng bata. Nahabag naman siya sa kalagayan ng bata at nanalangin na sana ay mabuhay ito. Dahil kung hindi ay tatakasan na yata siya ng katinuan sa sunod sunod na nangyari sa kaniya.
Matapos tignan ng doctor ang mga vital signs ng bata ay ginamot nito ang sugat sa noo nito at gumawa nadin siya ng request para mapa x-ray ang bata at makita kung may nabali ba na buto dito. Agad naman sinagawa ang pag x-ray dito. Tinulak lang ang stretcher at pinasok sa loob ng x-ray room. High tech na ang mga gamit ngayon kaya kahit may suot na damit ito ay nakikita parin ng maayos ang x-ray results. Pagkatapos ay dinala na si Tomi sa isang pribadong kwarto, request na rin ng babae. Kinabitan ito ng swero at nag injection nadin sila ng kailangan na gamot ng bata.
Nilista ng doctor ang mga kailangan bilhin na gamot at mga kailangan. Pagkatapos ay lumabas na ng silid ang mga ito.
"Oh Diyos ko! Ano po ang nangyayari sa akin. Tulungan niyo po ang batang ito," nagpalakad lakad ang babae at hindi mapakali sa pag aalala sa bata. Nawala na nga sa isip niya ang walang hiya niyang asawa na sumama sa kabit nito. At tanging pag aalala sa batang nabunggo niya.
Sa emosyon na bumabalot sa kaniya ay hindi niya namalayan ang pag daloy ng luha sa kaniyang mata at mamasa ang kaniyang pisngi dahil sa luhang nag uunahan sa pagdaloy.
Napag pasyahan niyang tawagan ang kaniyang tiyuhin dahil ito lang tanging malalapitan niya sa sandaling ito.
"Hello, Uncle Brigido kailangan ko po ng tulong..." Hindi niya matapos ang sasabihin dahil sa paghikbi at paninikip ng dibdib dahil sa nangyayari sa kaniya.
Mataman naman na nakikinig ang nasa kabilang linya at hinihintay susunod niyang sasabihin.
"Uncle... Nakasagasa po ako ng bata at ang mabait ko pong asawa ay sumama na sa kaniyang kabit..." Nanghina ang tuhod niya at napa upo na sa sahig habang humahagulgol sa nararamdaman niya.
"Kumalma ka lang Natalie, magiging maayos din ang lahat. Manalig ka lang sa Panginoon. Ang lahat ng bagay ay may rason na magdadala sa atin sa kaliwanagan ng ating isip. Hindi natin nababatid ang nais ng Diyos na mangyari sa atin ngunit magtiwala tayo sa kaniya. Siya ang may alam ng lahat ng bagay. Ang asawa mo? Hayaan mo ang Diyos ang umayos ng lahat ng bagay. Hayaan mo at pupunta kami diyan ng Auntie Loreta mo. Saan bang hospital iyan?" Pinilit kumalma ni Natalie at sinabi niya ang address ng hospital sa kaniyang uncle at binaba na ang tawag.
Lumapit siya kay Tomi at umupo siya sa silya malapit dito. Kinapitan niya ang kamay nito at naramdaman niya na malamig ito. Kaya hindi nanaman niya napigilan ang kaniyang luha. Sinabayan niya ng panalangin na sana ay maging ayos na si Tomi at magising na ito. Nakatulugan niya ang pag darasal.
"Mama, Papa, saan po tayo pupunta?" Tanong ni Tomi sa kaniyang magulang habang naglalakad sila sa napakagandang hardin.
"Pupunta na tayo sa tunay nating tahanan. Kung saan wala ng kapighatian. Wala ng problema kundi mga nag aawitan ng papuri sa lumikha ng lahat ng bagay. Mga anghel na tagapag bantay at tagapag balita ng kabutihan ng Diyos sa lahat. Pupunta na tayo sa tahanan ng Diyos..." Masayang sambit ng kaniyang mama. Habang ang papa niya ay naka ngiti lang din sa kaniya. Kinapitan nila ang kamay ni Tomi, sa kaliwa ang papa niya sa kanan naman ay ang mama niya.
"Mama ayoko pa pong umalis, kawawa naman po si mingming. Wala po siyang kasama ako nalang po ang kasama niya."
Natawa ang kaniyang mama at papa sa kaniyang sinabi. "Ngunit anak may bago ng mag aalaga sa kaniya. Nakuha na siya ng mabuting bata na babae. Nakita niya ang kuting mo na humagis at humampas sa sasakyan nila. Kaya pinatigil niya ang sasakyan at kinuha ang munting kuting mo." Sagot ng kaniyang mama.
Naiyak ito sa narinig na kwento ng kaniyang mama, "kawawa naman pala si mingming, Mama. Baka hinahanap na niya ako."
"Okay lang siya anak mabait ang naka kuha. Ngayon nga e, pinapakain siya nito."
"Hindi na ba ako love ni mingming at hindi niya ba ako namimiss, Mama?"
"Namimiss ka naman niya anak. Pero sa ngayon kasi ay hindi niya alam pa iyon dahil kumakain siya at masaya sa bago niyang bahay." Paliwanag nito sa anak. Kaso mo ay hindi parin niya maintindihan.
Habang naglalakad sila may narinig silang umiiyak kaya napabitiw si Tomi sa kanila at bumaling sa kabilang dako kung saan may nakita siyang babaeng umiiyak habang nakakapit sa isang batang nakahiga.
"Lord, sana po ay gumising na ang batang ito. Hindi ko na po alam ang gagawin, tulungan niyo po ako." Panalangin ng babae.
"Mama, kawawa naman po 'yung babae umiiyak. Bakit po siya umiiyak? Parang gusto ko pong pahiran ang mga luha niya Mama." Inosenteng turan ni Tomi.
"Sige na Tomi, hindi ka na muna namin maisasama sa bago naming tahanan. May tao pang kailangan ka. Sana buksan mo ang puso mo para sa kaniya at mahalin mo siya tulad ng pagmamahal mo sa amin."
Nagugulumihanan siyang napatingin sa kaniyang magulang. Nakangiti lang ito sa kaniya at unti unting lumalayo ang imahe ng mga ito. Pilit niyang hinahabol ang mga ito.
"Mama, Papa, saan kayo pupunta...." Sigaw niya at nadapa siya at patuloy na inaabot ang mga ito ngunit nawala na sa kaniyang paningin.
Lumakas ang iyak ng babae at napatingin siya ulit dito at dito naman siya lumapit. Nang magawa niyang malapitan ang babae at kakapitan niya ito sa balikat at may pwersa na humila sa kaniya pabalik sa kasalukuyan...
Nagising si Natalie ng may tumawag sa pangalang niya.
Napamulat siya at bumaling sa pintuan ng silid, ang kaniyang uncle Brigido at Auntie Loreta pala ito.
"Magandang umaga po Uncle at Auntie," tumayo siya at humalik sa pisngi ng mga ito.
Niyakap siya ng Auntie Loreta niya at hinagod ang kaniyang likod. "Huwag ka ng mabahala nandito lang kami para sa'yo."
"Maraming salamat po sainyo. Naabala ko pa kayo." Kumalas na sila sa pag kakayakap.
"Naku ayos lang iyon Natalie, ano ka ba naman para tayong hindi pamilya niyan." Napangiti si Natalie sa kaniyang Auntie dahil sa sinabi nito.
"May dala kaming pagkain at mga prutas para makakain ka naman. Baka hindi ka pa kumakain." Inabot nito ang dalang sopas at nilagay naman sa side table ang dalang prutas.
Pinaupo niya ang mga ito sa sofa at pinatong niya sa glass table ang binigay nito na pagkain. May dala din ang mga ito na magagamit niyang plato at inumin.
"Ano ba ang nangyari? Kumusta naman ang bata?" Tanong ng Uncle Brigido niya at napatingin sa dako ng bata. Nangunot ang noo niya dahil parang kilala niya ang bata.
Napatayo siya at pinuntahan ito at napag sino niya kung sino talaga ito. Ito ang bata na palaging nasa simbahan at kagabi nga ay doon pa ito natulog sa kanila.
"Kilala ko ang batang ito ah? Tignan mo Loreta ang batang ito. Parang si Tomi" Lumapit naman ang asawa nito sa kaniya.
Nakilala din niya ito. "Oo nga at si Tomi ito, ang batang palaging nagsisimba sa atin at nakitulog pa sa atin nung isang gabi?" Gilalas na sambit ni Mrs. Loreta.
"Kilala niyo po siya Uncle, Auntie?" Napatayo din ito.
"Oo naman Natalie." Sagot ng kaniyang Auntie.
Biglang nagdilat ng mata si Tomi at nagtataka kung nasaang lugar siya. Pinilit niyang kumilos ngunit masakit ang kaniyang katawan. Napatingin siya sa taong nasa gilid nagtaka siya kung bakit nandito sina pastor at ang asawa nito. Napadako din ang tingin niya sq likod, nakita niya ang isa pang babae. Ito ay umiiyak at lumapit sa kaniya.
"Salamat sa Diyos at gising ka na." Lumuluha ito at kinapitan ang kamay niya. Nabawasan ang naka dagan na mabigat sa dibdib ni Natalie nakahinga siya ng maluwag dahil buhay ang bata at gising na ulit ito.
Hinawakan niya ito sa kamay at paulit ulit na nagpasalamat sa panginoon. Hinagod naman ni Auntie Loreta ang likod nito.
"N-nasaan po ako?" Tanong nito at paos pa ang kaniyang boses.
"Nandito ka sa hospital, patawarin mo ako. Hindi ko sinasadya." Napahagulgol nanaman ito. Sobra ang epekto nito sa kaniya.
"H-huwag na po kayong umiiyak. O-okay lang po 'yun. Wala n-naman p-pong may gusto sa n-nangyari." Inabot niya ang pisngi ni Natalie at pinahiran niya ang mga luhang nagbabagsakan sa mata nito.
Parang hinaplos naman ang puso ni Natalie sa ginawa ni Tomi. Na nagdulot ng ngiti sa kaniyang mga labi.
Dumating ang doctor ng tinawag ito ni Mrs. Loreta. Tinawag niya ito ng makitang gising na si Tomi para malaman din nila kung ano ang kalagayan nito.
Tumayo muna si Natalie sa pagkakaupo at hinayaan ang doctor na tanungin ang bata kung ano ang nararamdaman nito.
Nang matapos ang doctor ay sinabi nito ang kalagayan ng bata sa kanila at ang resulta ng x-ray.
"Masakit pa ang ibang bahagi ng katawan ng bata at dahil sa impact ng pagkaka bundol sa kaniya. Pasalamat nalang tayo at hindi grabe ang nangyari. Base din sa X-ray ng bata ay wala naman malalang pinsala ang kanyang katawan. Pasalamat tayo sa Diyos at hindi malala ang natamo niya. Bibigyan nalang namin siya ng mga pain reliever para sa pananakit ng katawan at gamot sa pamamaga para hindi na ito lumala."
"Maraming salamat po Doctor," nagbilin nalang ang doctor ng mga kailangan gawin bago umalis.
Naghanda na si Natalie ng makakain Tomi at sinubuan niya ito ng pagkain. Nahihiya si Tomi pero wala naman siyang magagawa dahil nakakaramdam na rin siya ng gutom.
Tumagal sila ng isang araw sa hospital at dahil hindi naman masyadong malala ang kalagayan ni Tomi at wala namang nafracture na buto ay pinayagan na itong sa bahay magpagaling. Napag alaman niya din kasi na wala na pala itong magulang at tanging siya nalang ang mag isa at palaboy sa kalye.
--
Ten years later...
"Mom! Nakita mo ba ang bagong bili ko na damit?"
"Nasa taas ng Drawer mo anak, doon ko nilagay. Ikaw talaga ang bata mo pa malilimutin kana." Nasa kusina ngayon si Natalie upang maghanda ng almusal nila ni Tomi. Nasa bakasyon kasi ang mga kasambahay nila ngayon. Kahit nandiyan naman ang mga ito ay siya talaga ang naghahanda ng pagkain nila ni Tomi. Gustong gusto niya itong gawin.
Lumapit si Tomi dito at niyakap ito sa tagiliran. "Sorry na Mom, inaantok na kasi ako kagabi." Sabi nito at hinalikan ang mommy Natalie niya sa gilid ng sintido. Ngayon ay mas malaki na siya dito. Ngunit lumaki parin na sweet na binata itong si Tomi.
"Aww... Ang baby Tomi ko ang sweet talaga."
Napakalas si Tomi sa mommy niya at napakamot ng batok. Nahihiya siya pag binibiro siya ng ganito. "Mom naman."
"Sige na anak, pakitapon muna ng basura natin sa labas. Dadaan na ang truck ng basura. I love you anak."
Napangiti si Tomi pag ganito ang mommy niya. "I love you too, Mom." Humalik siya ng mabilis aa pisngi nito at kinuha na ang mga basura at nilabas niya sa labas. Nailagay niya lang sa tapat ng gate nila ito. Papasok na sana siya sa loob ng bahay. May pusang naglalambing sa kaniyang binti.
Nangunot ang noo niya dahil may naalala siya sa pusa. Naalala niya ang pusa niya dati na si mingming. Lalo na at kamukha ito ng pusa niya dati na nawala ng naaksidente siya. Dinampot niya ang pusa at hinaplos ang katawan nito na tila gustong gusto naman niya.
"Messiah... Where are you Messiah?" Narinig ni Tomi na may nagsasalita g babae sa harapan niya.
Napadako ang tingin niya sa babae. Natulala siya dito at hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kaniya.
"Nandiyan ka lang pala Messiah. Salamat kuya sa pag bantay kay Messiah, akala ko nawala na siya."
Nakailang kurap si Tomi bago bumalik sa katinuan. Napakamot pa siya sa kaniyang kilay. "Ah.. eh... Okay lang 'yun." Nahiya naman siya at nagbabae ng tingin.
"Kunin ko na po si Messiah." Tumango si Tomi at inabot ito. Napatitig nanaman siya sa maamong mukha nito.
"Salamat kuya." Nakangiting pasasalamat nito.
"Teka miss, anong pangalan mo?" Pahabol na tanong ni Tomi na may halong ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ako po si Hopeful, pweding Hope nalang..." Nakangiting wika nito bago umalis.
-Wakas- -MegumiJ29