"Maningning na pag-asa" By:MegumiJ29

Sa'n patungo ang buhay
Walang kakulay-kulay
Bakit napaka lumbay
Gusto nalang maglakbay

Sa kakaibang mundo
Ang Imahenasyon ko
Natupad ang nais ko
Na masaya ang mundo

Maningning ang pag asa
Walang makakakuha
Ngiti sa aking mukha
Ngunit ito'y haraya

Sa Diyos ang salamat
Sa dunong man ay salat
Dalisay na pag-lingap
Kanyang pinalaganap

Pasko'y palatandaan
Kanyang kapanganakan
Mahalaga kang tunay
Huwag kang mabagabag

Buhay man ay di pantay
Lihim na sumubaybay
Diyos sa aking buhay
Suminag ngiting tunay
"World Etude" by Asahira

Why does everyone looks forward for Christmas?
A long awaited season yet ends so fast,
All feelings are intertwined but it won't last,
As memories turn into speck of dust.
Why should I believe a thing that I can't feel?
I asked myself about that thing as I kneel,
Is that because everyone's fate are all sealed,
Through emotions that are yet to be revealed?
Should I reject or should I believe on bliss?
If I, myself, was devoured by the abyss,
Can I still recall the events of past,
If I can't see anymore the day's radiance?
No lights are to be radiated in the night
No emotions are to be exposed in light
Not all Christmas are blissful and some were blued
As the universe denied my world etude
“Hiling sa Paskong Darating” ni Mai Tsuki

Taon ay hindi naging maganda,
Dahil sa sakuna at pandemya.
Mga tao ay binalot ng kaba,
May mga naulila’t nabahala.

Hiling sa huling buwan ng taon,
Himig ng Pasko ay naroroon.
Nawa’y matapos ang kalungkutan,
Nang makabalik sa kasiglahan.

Ang Pasko nawa’y maging masaya,
Dahil ito’y para sa mga bata.
Lahat ng sakit sana’y mawala,
Sa ating pananampalataya.

Kaligtasan ng buong pamilya,
Ang inaasam ng bawat isa.
Pagpapala nawa’y matamasa,
Maawaing Diyos na lumikha.

Aking hiling sa Paskong darating,
Matugunan ang bawat hinaing.
"Bitter Memories of the Holiday Season" by: AzureLune

All of the seraphim of heaven sing
But thorns in my heart continuously sting
dvent bells are echoing and ringing
But my soul’s bitterness is lingering

How to savor blessings of this season?
Darkness of my past took my sole reason
The fate snatched my most beloved person
And my world became a dark cold prison

The choir sings the melodies of Christmas
People enjoy the early morning mass
But here I am just letting time to pass
My life seemed to be a messy canvass

Will this holiday’s chilly numbing breeze
Ease the rankling and cause the time to freeze?
I cried ‘til my tears I can no more squeeze
‘Til my breathing became a steady wheeze

My wish of a Christmas full of sparks and mirth
During the night of our dear savior’s birth
Became a flickering flame in the hearth
And will stay the same ‘til I leave the Earth
"Pasko sa pandemya" By: ZaiPenworld

Pasko ng mga tao ay masaklap
Regalo ay iyak at paghihirap
Sana sa paskong mayroong pandemya
Pagkakaisa ang ating ialay

Ating Diyos na makapangyarihan
Sana kami ay iyong mapagbigyan
Sa paskong ito ay makasama siya
Pati na rin ang mahal kong pamilya

Ang mayakap ang mahal ko sa buhay
isang regalo na syang mabibigay
Dalangin ko'y umayos na ang mundo
Upang mundo ay may masayang pasko

Halina't magtulungan kaibigan
Kumilos para sa kinabukasan
Hilinging matapos na ang pandemya
Upang bumalik ang ngiti at saya
"Noche Buena" by: Hazel_Lily

ang disyembre ay paparating na,
ikaw ba ay makakauwi pa?
para sa noche buena?
o baka sambitin mo na naman ang mga salitang
"sa susunod na taon na"

palagi nalang,
'di ba pwedeng dito ka nalang?
tuwing pasko, presensya mo lng ang hinihintay ko,
bakit naman ganto.

pwede namang di ka nalng lumisan at manatili nalng
ngunit pinili mo pading lumisan para lng may
maipakain sa tyan na kumakalam
maaari namang dito ka nalang sa ating bayan maghanap buhay
at hindi sa ibang bansa na parang ang kapalit ng
iyong mga pera na ipinapadala ay iyong buhay

buhay,
para sa buhay
umuwi ka na bago ka pa maging bangkay
buhay,
ang iyong buhay ay kaya mong i-alay
para lng sa magandang buhay.

ngunit paano mo pa iyon makakamtan
kung sa iyong pag uwi,
hindi na maleta
kundi kabaong na ang aming madadatnan.

..
ngayong hapunan,
hinihintay padin namin ang iyong pagbabalik,
at madama ulit ang iyong mga yakap at halik.
ngayong hapunan,
sa hapag kainan,
kami'y maghihintay kahit abutin pa ng ilang taon at buwan.
"A warm shade" by:cjp00

ako ay nanginginig
Sa hangin na malamig
Kasama ang babaeng mahinhin
Habang nakatingin sa bituin

lamig ay unti unting nawawala
Dahil sa ngiti sa kanyang mukha
At bigla kami ay nagkadikit
Dali dali kamay ay sinungkit

Sabay paamin nang nararamdaman
Kaba na natangal sa akin katawan
Subalit huli na ang lahat
Sana noon ako nagtapat

Kung kailan wala na siya
Tsaka ngayon lang nagpasya
Mga mata ko ay lumuluha
At kung nasan ka sana masaya ka
"Hugot sa Pasko" by Hammy
Sino nga ba ang hindi masisiyahan
Kung sa resort ang ating ka pupuntahan
At anupat itapat sa kapaskuhan
Kay gandang isipin at gandang pag masdan

Duon nga tayo ay nagpunta
Sobrang ligalig sobrang saya
Subalit pag hugot sa bulsa
Aking pitaka nawawala

Ay talagang patay
naiwan sa bahay
ako ay inaway
ikaw ang may lagay

"Paskong kay lamig" by:squiddd

Ilang minuto bago sumapit ang pasko,
Tila di na maalala ang presensya ko,
Iniisip ang mga araw na nakasama ka sa araw na to,
Masaya parin kaya ang pasko mo ,o taglay mo rin ang lungkot ko?

Sasapitin pa kaya ang ninanais na saya?
Kung iniwan mong sakit ay danas pa,
Hahanapin pa ba ang mga yakap at ligaya?
Ngayong malamig na paskong wala ka,

Ano pa bang mas sasakit?
Sa paskong puno ng pait,
Panalangin sa araw-araw ay puro ikaw,
Kahilingang magbalik ka na, ang dating ikaw,

Paskong kay lamig dulot ng pagiisa,
Sana'y masaya ka,
Lungkot ko'y alam kong di mo alintana,
Sana'y kapiling ka,

"Cold Air's Chill" by Lord Korumples

I feel the chill, that time is near
This pain I feel on my chest here
Is burning’s still, inside’s a sear
I cannot kill, the sting I bear

A season of gift, where’s the kindness?
For there’s a rift of pitch darkness
Time to uplift, give happiness
Yet far I drift, filled with sadness

The things I want, I can’t possess
I’m but a grunt, I bear distress
The things I want, I can’t possess
I’m just a runt, a complete mess

Will I let slip, the past I knew?
As I then sleep, as cold air blew
And then I weep, to see what’s true
Will I let slip, the past I knew?
Owl Tribe Creator