undefined

Illustration by: Karasu

Author: Sam Carreon

Type of Love: Storge

Nakakahiya. Sobra. Gusto kong lumubog sa kama. Anong araw ngayon? Feb 14. Araw ng mga puso, araw ng mga mag-jowa. Bwisit. Sana all may jowa. Ini-imagine ko date iyong araw na ito: flowers sa hallway, harana, paliligiran ka ng mga classmates mo, surprise someone na may flowers. Ang saya sana ano? Kikiligin na sana ako nung nangyari ‘yan kanina kaso ano ending? Iz a joke lang pala. Yung feeling na pinaasa ka na ikaw yung i-susurprise?

Hoy!

Nag-flash ng notif yung phone screen ko. Nag-chat si Lej, matagal na naming kasama since elem. Ayaw ni Mama na nagpapasok kami ng kung sino-sino sa bahay, exception si Lej. Mabait siya, maasahan, di tulad ng iba diyan. At least siya tantyado ko ugali. Chill. Hindi tulad ng iba diyan.

Pero truth lang, wala ako sa mood makipag-chat. Di lahat nakakapag-beach ok? Buti pa siya nakakalabas, ako nakakulong dito sa bahay, mag-isa ( late uuwi si Mama) At sinong kasama ko? Si Fae. Yung kapatid ko, si Fae. Si rappa gangsta, Fae. Si Mahal na Reyna, Fae.

“ ‘Te. Kung magsusulok ka sa kwarto, sara mo nga ang pinto!! Gusto mong manakawan tayo?!”

Si Fae yon, sigaw lang niya mula sa sala, abot na hanggang kabilang-bahay. Kita? Rappa gangsta. Nag-ayos ako ng upo, sabay tago ng planner sa unan. Mahirap na.

“ ‘Te!” Pumasok siya sa bedroom, Nakapamaywang siya, as usual. Maka-taas ng kilay mas magulang pa sa magulang.

“ O?!” wala ako sa mood makipag-usap pero magagalit to kapag di ako sumagot.

“ May nakita kang notebook na black?!”

“ Notebook?”

“ Notebook! Black. May pangsara sa harap! “

Umiling ako.

“ Sigurado kang wala?” tanong niya.

“ Wala ngaaa. “ Ang kulet, sobra.

May kasamang dabog yung paglabas niya. Kung makabagsak ng pinto, wagas. Buti wala si Mama, kanina pa siya na-warshock kung sakali.

“ Yung planner ko!” ngawa niya mula sa sala. Sigurado binaligtad na niya lahat ng upuan, pinto, pati siguro kusina .

Malas niya, hindi niya yon makikita. Nasa akin yung planner niya. Chineck ko yung planner sa ilalim ng unan. May space sa pagitan ng pader saka ng dulo ng bed, hindi niya naman siguro ako makikita kung nagsulok ako don.

Ewan ko sa kaniya, anlakas maka-reklamo e siya nga itong nagplano na mapahiya ako kanina sa harap ng mga classmates ko. Sigurado akong siya yon. Siya lang naman nagreact ng haha nung nagshare ako ng Valentine proposal sa FB. Dagdag pa na SSG officer si Fae. Sigurado ako barkada niya class pres namin. Loko-loko rin ‘yon, e.

Ang tanong ko lang talaga, bakit? Anong meron? Ba’t ako ipapahiya ng ganon? Anong galit niya sa kin? Seryoso. Wala akong ginagawa sa kaniya. Siya nga may atraso sa kin.

Kaya ninakaw ko planner niya. Para naman makaganti ako nang konti. Ngangawa-ngawa siya don sa sala, parang tanga. Di kaya tumigil. Planner lang iyon, konti pa nga lang etong ginawa ko, e.

Chineck ko mga notes niya sa planner.
English. : ESSAY!
Science : ideas for Performance Task

Seryoso? Eto lang talaga? February 14 tapos eto pa rin notes niya? Hay! No chill talaga.
Come to think of it, hindi ko naisip na ganito siya ka-workaholic minsan kasi lagi siyang napapaligiran ng mga classmates niya. Marami rin siyang friends.

Ayoko mang aminin pero naiinggit ako sa kay Fae. I mean, may friends naman ako. Wait, meron ba? Madalas si Lej lang talaga kasama ko. Di tulad ko, mas maayos naging high school experience ni Fae. Mas magaling siya sa maraming bagay, mas mature, mas masipag. Minsan naiisip ko, sana nagpalit na lang kami. Siya na lang ang ate, ako na lang yung mas bata. Tutal, siya naman ang responsable, siya mas mabait.

Naisip kong i-chat si Lej, para may matino naman akong kausap. Teka ba’t 18 unread messages?


Hoyyy!!
Sorry, panget signal dito.
Sana all nagbebeach haha.

Andami niyang sinend na selfies. Pero in fairness, gwapo siya d’on. Di ko sasabihin sa kaniya syempre.

Send more selfies, bebenta ko haha.


Pahingi na lang ako ng notes.

Ay ganon? Change topic?

Despedida ni Tita. Kailangan sumama, mahirap na haha
Akala ko ba war sila ni Mama mo?
Haha.

Ba’t nagvivideo call tong taong ‘ to? Akala ko ba walang signal sa pinuntahan nila? Pero bakit ko ba naman aayawan? Buti nga di siya nagsasawa sa boses ko kahit feeling ko araw-araw siya lang kausap ko. Ngayon lang hindi. Kundi sana, may nag-save sa ‘kin kanina sa pagkapahiya. Kung kayang nandiyan siya kanina, ano kayang gagawin niya?

“ Hindi ko matantya kung galit ka sa akin sa chat lang. “ Nakabukas yung camera, pero napatapat yung cam sa lips niya. Kissable. Kunwari wala ako nakita.

“ Ba’t naman ako magagalit sa yo? “ sabi ko.

Ay bwisit, nag-hang pa yung signal nung sasagot na sana siya. Ayan, may signal na ulit.

“ Sorry, anyway, ano kasi yon? “ tanong ko.

Di siya agad sumagot, pa-suspense. “ Nag-away kayo ni Fae no? “

Grabe, memorize na niya ako.

“ Hindi kaya, miss lang kita no? “ Napatahimik siya sa sinabi ko. Weird.

“Seryoso, nag-away kayo no? “

Tama naman siya. Kaso, kaya nga ako nag-chat para makalimot. Ayan tuloy, buhay na naman ulit asar ko sa bruha. “ Para namang laging ako na lang may kasalanan kapag nag-aaway kami. S’ya kaya etong masungit. “

“ Pareho lang kayo. “

“ ‘Di kaya. “

“ Sabi mo, e.”

Biglang tumahimik.

“ Pero tingnan mo, lagi niya akong inaaway, ano ba galit niya sa kin?” tanong ko.

“ Alam mo ang totoo, palagay ko hindi naman talaga siya galit sa ‘yo. Ganon din kasi si Mama. “

“ Laging galit? E siya verbal abuse na “ Kilala ko Mama ni Lej, ang bait-bait non. Ang layo niya sa gawi ni Fae, pero pwede rin kaya na ganon si Fae sa mga friends saka classmates niya sa school? Bakit sa ‘kin masungit siya? Di ba dapat kami yung mas close?

“ Hindi, ibig kong sabihin,” Hala, seryoso na boses niya. “ Hindi lang nila pinapakita ng maayos ang feelings nila. “

“ May feelings ‘yon? “ Tawa ko.

“ Meron, mukha lang wala. “

Nagtagal pa yung convo at kung san-san na napunta ang topic. Inabot kami ng ilang oras. Siguro kung hindi pangit ang signal, aabutin kami ng hatinggabi, o kung hanggang anong oras uuwi si Mama. Kung di lang nag-call si Mama, di matatapos convo namin.

‘Di ako mapakali sa sinabi ni Lej. Merong feelings pala, huh. Chineck ko ulit yung planner niya. Wala namang naiba. School notes pa rin. Napa-check ako sa Calendar.

21
Recognition
Goal: HIGHEST HONORSSS!
P. S. ‘Wala sanang low grades T.T . ( English! )

Matalino naman si Fae, with high honors lagi na-aachieve niya kahit super busy niya sa SSG at sa andami-daming orgs na sinalihan niya. Mas gusto ko na mas matalino ako sa kaniya at nakaka-highest honors ako. Pero nakikipag-compete ba siya sa kin? At yung sa English, ano yon? Dahil nakaka-score ako ng 95 sa English at siya 89 lang?

Sinilip ko siya sa sala, nagmumukmok pa rin, nakabusangot, pero diretso pa rin upo sa couch habang gumagawa ng assignment.

In-investigate ko ulit yung planner niya. Andaming naka-bilog na dates sa red highlighter, syempre mga project deadlines, pero may naka-highlight ding dates sa kulay blue. Halos birthdays. Birthdays ng mga friends niya. Birthdays ng mga pinsan namin saka tita at tito, birthdays ni Mama at sa ‘kin. May detailed notes din sa kung anong gift ang ibibigay niya. Binigyan nga pala niya ako ng diary last year. Inisip ko dahil ayaw niya na nagkakalat ako sa social media , pero…

Oo nga. Kapag may post ako sa FB, kahit puro shared posts saka nonsense ang mga pinagpopost ko don, lagi siyang may reaction.

Ayoko mang aminin, pero may sense naman talaga pinagsasabi ni Fae. Sinilip ko siya sa sala. Nakaupo pa rin siya sa sahig. Nakakalat lahat ng gamit niya: notebook, libro, organizers, pens, highlighters.

Naglakas akong loob magtanong. “ Asan ka kanina? “

Hindi niya ko pinansin, busy, e.

“ Hoy, asan ka kanina? Nagklase ba kayo?”

“ Oo. Syempre. Ayusin mo kasi magtanong. ”

Grabe, kalma lang. Eto na, now or never kahit na gusto ko siyang tirisin sa sama ng tingin niya sa ‘kin. Sa loob-loob ko, natatakot ako. Alam ko ang totoo, pero paano kung sabihin niyang galit siya sa kin? Dahil ang selfish ko? Dahil ang immature ko?

Pumwesto ako malapit sa pinto para mabilis makatakbo pero enough para marinig niya ko. “ May kinalaman ka ba sa Valentine surprise ng class namin kanina? “

Sana hindi siya magalit. Sana hindi siya magalit. “ Ano? Meron ba? “

Napatingin siya sa kin, anlaki ng mata. “ Na sa ‘yo yang planner ko? “

Patay! Hawak ko pa pala yung planner.

“ Ate, akin na. “

Tinago ko sa likod ko yung planner sabay takbo papunta sa bedroom. Ewan ko bakit, gusto ko ba siyang saktan? Gusto kong gumanti? Nagui-guilty ako kaya mas lalo akong nagtatago?

Bigla ko na lang naramdaman na muntik akong matumba nung hatakin niya ako. Hinagis ko sa bedroom yung planner. Nag-unahan kaming makapasok pero naunahan ko siya sa loob. Isasara ko yung pinto kaso inipit niya yung braso niya sa loob. Napa- aray sya. Syempre masakit. Kasalanan naman niya e, hatakin ba naman ako. Sinasara ko yung pinto, ayaw paawat.

“ ATE!!!” sumisigaw na siya. Yung tipo ng sigaw na hanggang kabilang barangay maririnig mo. Sigaw nanay. Sa loob- loob ko, naiirita ako. Ang lakas maka-asta na mas matanda, ang yabang-yabang. Hindi na ko nagsalita. May kung anong pumasok sa isip ko, kaya mas pinili ko na pitikin mga daliri niya na na-stuck sa pinto para bitawan na niya ang pagharang niya sa pinto.

“ Ang selfish mo. Makasarili ka! Para kang bata!”

Hindi ko sinasadya na mas lalong madiin yung pagkakadiin ko sa pinto. Gusto kong tirisin braso niya, pero at the same time naiiyak ako dahil sa sitwasyon. Alam ko ang tamang gawin, pero pag bumitaw ako, nagpatalo na rin ako.

“ Immature? Immature? E ikaw? Ikaw lang may alam na dream ko may magpropose sa kin sa Valentine’s. “

“ Anong tingin mo sa kin, ipapahiya kita? “

Pero hindi naman niya kukunin yung planner kung hindi niya inentertain yung idea na may ganti siya sa ‘kin.

“ Gusto mo ng attention, na ikaw lang ang pinupuri. Selfish ka. Selfish! “ sigaw niya.

Gusto kong umiyak. Ewan ko kung galit ako, guilty, nalulungkot?

“ May galit ka ba sa kin? Bat mo ko ipapahiya? “

“ Hindi ko nga ginawa yon! Oo na, may pinagsabihan ako na gusto mo ng surprise, pero di ko kasalanan na ganon ang nangyari sa yo. “

“ Sino?”

“ Tanong mo si Kuya Lej, crush ka n’on date. “

Napabitaw ako sa pinto. Hinayaan ko na siyang kunin yung planner niya. Kita ko yung bakas sa braso niya. Nasugatan siya sa pagkakaipit niya. Dapat akong mag-sorry, pero ako pa nauna umiyak.

***

Nanginginig pa rin tuhod ko. Nalagpasan ko na ang pakikipagsocialize kanina kahit na gusto ko na lang lamunin ng lupa everytime na muntanga akong sumagot kanina sa pagitan ng mga parents ng mga kaklase ni Fae. Busy sa trabaho si Mama, ako lang available.

“ Akin na.” inagaw sa kin ni Fae ang report card niya.

Wala pa rin kaming matinong usapan ni Fae. Gusto ko mag-sorry, pero galit pa rin s’ya sa ‘kin. Ano magagawa ko?

Si Lej, umamin rin siya. Siya nga ang nag-organize ng Valentine’s surprise pero cinancel niya noong biglang nagdecide Mama niya na pupunta sila sa beach para sa tita niya. Nabigla rin si Lej na ganon pala ginawa ng mga classmates namin. Hindi na niya kasalanan na loko-loko sila.

Bigla na lang umiyak si Fae.Pinagtitinginan siya ng mga tao. Bumaba kasi grades niya this quarter. Gusto ko siyang asarin. Sasabihin ko, ‘ako ang nanalo, ako ang mas magaling’. Pero ang immature n’on.

Hindi ako pwedeng umatras ako ang ate. Ako ang ate.

Niyaya ko siya sa CR. Napahiya ako nung Valebtibe’s, ayoko naman ng ganon sa kaniya. Selfish ako, pero di ganon ka-selfish. Tinry ko siyang i-comfort kahit feel ko baka magalit lang siya sa kin. Konting tapik lang sa likod, at least.

Pero may ginawa siyang di ko expect. Niyakap niya ko. Ang awkward. Nababasa na blouse ko sa luha saka sipon niya pero ang totoo gusto ko ring umiyak. Niyakap niya ko. Niyakap niya ko.


Owl Tribe Creator

Storge by Sam Carreon and Illustrated by Karasu