Hindi ko alam kung bakit binabasa mo pa itong buhay ko.

Anyway.

Mga 9 ng umaga ako nagising sa kadahilanan na puyat ako. Hindi na ako kumain ng agahan kasi wala namang pasok ngayong Sabado.

Nagluto ako para sa tanghalian pagkatapos humarap agad ako sa desktop. Chinect ko ang email ko dahil nag chat si Jay na nag sent siya sa akin ang project namin, ang sabi niya natapos niya ang mga iba at ako na daw mag check kung meyroon pang bugs at ako na mag-aayos . Akalain bang nag puyat rin itong isang ito para lang dito sa project namin. Itutuloy ko sana yung nasimulan kong kwento pero mas importante ang project namin.

Dinownload ko ito at nirun ko sa computer ko, Running as well at nandito yung mga idea na pinag usapan namin ng partner ko. Nilaro ko lang ito at tinitignan kung may mga bugs and error.

May nakita naman ako mga errors kaya inayos ko lang. Actually kakaunti ang mga bugs, kaunting enhancement at tapos na.

Sinend ko kay Jay yung project namin sa email at sinabi ko rin ang mga bugs na inayos ko at mga dinagdag ko and enhancement para hindi naman mukhang simple.

Pagkatapos ko sinend, tumayo ako sa pag uupuan ko at nag timpla ng kape. Oo nga pala, bakit binabasa niyo pa itong story kung ganito lang ang laman ng story ko? Okay ikaw na bahala kung patuloy mo sa pagbabasa ng story na ito.

Pagkatapos ko mag timpla ng kape, bumalik ako sa desktop at gumawa ng Chapter 1 ng aking kwento. Ang title pala ng story na sinusulat ko ay 'Magical Bestfriend' alam kong common kaya yan nalang ang title.

Ang plano ko, hindi ko muna i popost ang chapter one sa facebook, isabay ko ang Chapter 2 para hindi mabitin yung mambabasa ko.

Mga isang oras nang nakalipas, 1k words palang naisulat ko sa Chapter 1. Actually, mga 1k words lang ang kaya ko sa pag susulat ng story sa isang Chapter, kapag 2-3k words, well hindi na ako yun.

Nag pahinga ako sa pagsusulat, nag kape kahit lumamig na. Umupo ako sa tabi ng bintana ng apartment ko at nag iisip katulad ng bakit ako nag susulat? Bakit ang tahimik ng buhay ko at bakit malamig ang iniinom kong kape. 18 years old na ako wala parin akong kaibigan o bestfriend na tinatawag, ano kaya pakiramdam na may bestfriend ka?

Well dami kong tanong sa isip ko, natatabunan na yung mga idea ko sa mga story, bumalik na ako sa desktop dahil na refresh na ang walang laman kong utak.

Nag chat sa akin si Jay at sabing, "Woow, enenhance mo talaga? galing naman, buti naman naayus mo yung mga errors, actually nakita ko mga yun pero hindi ko inayos kasi ang hirap ayusin hahaha." Natawa ako sa chat niya, kasi parang naririnig ko yung boses niya kahit hindi ko siya narinig in person.

"Haha, pero tapos na yan no?" Tanong ko sa chat at ang reply niya ay, "Oo, pero ako na mag test run para siguradong wala nang sira." At nag offline na siya.

Ayos isang araw lang tapos na yung project namin, simple Crazy Maze lang naman ginawa at sa next Tuesday pa ang deadline.

Okay balik pagsusulat nanaman ako ng Chpater 2, iniisip ko muna kung may assignment ba akong gagawin at wala naman.

Nag simula na ako mag type sa computer, I mean sa keyboard. Pfft sino kaya timang na nag tytype sa monitor, or sa system unit ng computer.

Habang nag tatype ako sa keyboard, nag chat na sa akin si Jay. Ang sabi "Walang sira, bug, errors, or something. Means tapos na po yung project natin."

"Wow nice, haha hindi ko na akalain na natapos natin ng isang gabi lang." Reply ko sa chat.

"Kaya nga eh." Reply niya.

"By the way, meyroon ka bang ginagawa?" Tanong niya sa akin sa chat.

"Oo, gumagawa ng bago kong story." Reply ko, sinasabay ko ang pag sulat ng chapter 2 sa pag chachat sa kaniya.

"Ayt, sige gawin mo po na yan at mag ouout na ako, baka na istorbo po kita." Chat niya sa akin ni Jay.

"Sige, pero sagutin mo muna yung tanong ko, ano ginagawa mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya sa chat.

"Gumagawa ng sarili kong project, or gumagawa ng sarili kong laro." Reply niya.

"Woow, ayos yan ahh." Reply ko naman.

"Sige po, out na po ako." Pag paalamam nya at saka siya nag out. Ayos ah, may pinag aabalahan pala si Jay sa buhay niya. Kaya pala ambilis niyang tinapos ang coding niya sa project namin.

Teka lang, first time ko nag chat sa iba ah, ganun pala ang pakiramdam na may kausap kang iba maliban sa magulang mo o sa teacher namin sa school.

Haysss, ituloy ko na nga lang yung ginagawa kong story.

Isang oras rin lumipas at tapos narin ang Chapter 2 ko na may 1k words parin, hindi nagbabago ang word length ko sa pagsusulat ng story. Pinost ko na sa Role Play Account ko sa Facebook ang Description, Prologue, Chapter 1 hanggang 2 ng 'Magial Bestfriend'. Nakaranas rin ako ng gutom kaya kumain na ako ng pang Tanghalian.

Ang tahimik talaga ng environment ko dito sa apartment, kinuha ko ang maliit kong Bluetooth Speaker at saka nag playng music. Ang mang mang ko bakit hindi ko yun ginawa habang nag susulat ako ng kwento.

Anyway habang kumakain ako ng Tanghalian ko nag text sa akin sa Mama ang sabi, Nag padala na siya sa akin ng allawance ko whole month at nireply ko lang na Thanks Ma.

Taga probinsya talaga ako naninirahan pero dahil hindi ko gusto ang School sa amin at nabubully ako, nag pasya akong lumipat dito sa Syodad. Nong lumipat ako ng School, wala naman naging problema.

Pagkatapos kong nanghalian, niligpit ko ang pinagkainan ko, bumalik na ako sa computer para i check ang story ko sa facebook, and ayon nag maraming nagkagusto sa story kahit ang tought ko sa ginawa kong story ay pangit ang pinag dilevery ko ng story at common ang title na sinet ko.

Marami rin nag cocoment na ilagay ko daw sa wattpad, halos lahat nga sila nag cocomment ng ganun. Hindi naman ako mag mamatigas ng ulo kaya sige ilalagay ko siya sa Wattpad.

Gumawa ako ng account sa wattpad, binind ang Role Play Account ko sa Facebook at ang email ko.

Gumawa ako ng Book Cover, hindi ako magaling sa pag gawa ng book cover kaya mukhang basura ginawa ko peroi okay nadaw sabi ng nag cocomment.

Pinost ko na ang 'Magical Bestfriend' sa wattpad at inannounce ko sa facebook reader ko na meyroon na sa wattpad. Maraming natuwa sa announcement ko, maraming nag lagay sa reading list ang unang post ko sa wattpad nag vote. Well hindi naman masama.

Balak ko sana ilagay ang isa kong completong story sa galing sa facebook, well ginawa ko na nga.

Well oras na ng pahinga at chill, pinatay ko muna ang computer ko para mag pahinga rin siya. At saka lumabas ako ng appartment.

Hangang dito muna at magkita nalang tayo sa susunod na part ng story ko sa buhay, kahit normal binabasa mo pero sige na nga
White Ink Creator