Nagising ako ng maaga keysa sa alarm clock ko nasanay na ako dahil ganito ang aking ginagawa araw-araw. Naligo agad ako kahit malamig at nag luto ng itlog, prinito actually ito lang kasi madaling lutuin. Pagkaluto, kumain na ako ng agahan pagkatapos niligpit ko na ang pag kainan ko at saka na ako lumabas sa apartment. Nag renta ako ng apartment para malapit lang ang pinapasukan ko.
Tinatanong ninyo kung ano grade ko, well Grade 12 na ako at strand ko ay ICT. Gusto ko talaga mag program ng laro or something. Nag susulat rin ako ng kwento pero isa lang ang natapos kong series at sa ngayon nag iisip parin ako ng panibagong story plot.
Ilang minuto rin ay nakarating na ako sa aming school campus at dumeretso na sa aming room. Ako nanaman ang nauna rito, walang pa mga kaklase ko. Kung nag tatanong kayo kung may kaibigan ako rito, actually wala. Hindi naman ako talkative kagaya ng iba at hindi naman ako masyadong friendly or something.
Nilapag ko ang laptop ko, by the way lagi kong dala ang laptop ko para mag edit ng mga na publish ko ng story and other stuff, dito narin ako ng proprogram actually.
Pagkatapos ko ng edit ng mga story ko, tumayo na ako at saka naglinis, nakalimutan ko na kasama ako sa cleaners ngayong araw.
Lumipas ang ilang minuto nag simula na ang aming klase.
One hour later, vacant namin. Well pagkakataon ko na mag isip ng bagong plot ng story. Kung nag tatanong parin kayo kung magaling ako mag sulat ng story, uhm hindi naman ako magaling kagaya ng iba, kakaunti pa yung mga readers ko. By the way sa facebook ako nag popost ng story gamit ang roleplay na account para sa privacy. Takot ako mag post ng story sa mga website kagaya ng wattpad, webtoon, at iba pa.
Lumipas na ang mga ilang oras, wala parin ako naiisip na plot story.
Main subject na namin, binigyan kami ng project na gumawa ng sariling program gamit ang mga natutunan namin. Java program ang gagamitin namin, actually hindi mahirap at madali ang Java Programing, nag tatanong kayo kung ano ang Java program?
"Ang Java ay isang nakabatay sa klase na language na may program na nakatuon sa object na idinisenyo upang magkaroon ng ilang mga implementation dependencies as possible.".
Hindi niyo parin gets? Ako rin eh. Pero dahil sa pinag aralan namin ito, madali na sa amin ang Java Program.
Nag tanong ako sa teacher namin na kung individual ba, sumagot ang teacher na dual o dalawahan. No choice kasi sinabi na ng teacher namin.
Hindi ako magaling sa pagpili ng kasama, pinili ko yung lalake na katulad ko rin na Loner and not wierd. Ang pangalan niya ay Jay Quinto.
Nag usap kami kung ano ang gagawin sa project namin, as well magaling naman itong kasama ko. Nakaisip agad siya ng gagawin namin. Make a crazy puzzle game, yung mala impossible game, ganun.
Mag chachat nalang daw siya sa akin or mag discord para sabay naming gawin.
Uwian na namin, pumunta muna ako sa palengke at namili ng mga ingredients para sa haponan ko pati narin sa pang agahan.
Pagkatapos ko mamili dumeretso agad ako sa apartment ko. Nilagay ko sa lamesa lahat ng mga binili ko sa palengke. Nagpalit ako ng pambahay yung wala ka nang bra, mag isa naman ako dito sa apartment, ano ba.
Nagluto agad ako ng pang hapunan ko and then kumain agad ako pagkatapos ko niluto.
Umupo at humarap agad ako sa desktop ko at saka chineck ang chat. Nag sent si Jay ng Discord server at nag join na ako. Kaming dalawa lang ang nandon. May iba't ibang section; may section na para sa conversation lang, meyroong pag sesent ng codes, meyroon din voice chat at video chat.
Pumunta si Jay sa Video Chat kaya pumunta rin ako. Nakita ko ang mukha niya sa video chat, boring ang mukha niya kagaya sa akin.
"Uhmm Pauline ganito ang gagawin. Ako na bahala mag code tapos ayusin mo nalang ang mga bug, pwede ba sa iyo yun?" Tanong niya sa akin.
"Oo okay lang." Sagot ko naman.
"Kasi, mas mahirap mag ayos ng bug. Talagang okay lang ba talaga sa iyo?" Muli niyang tanong.
"Oo, actually gusto ko na nahihirapan ako para mas challenge." Sagot ko naman.
"Ayos so ganito--"
Nag usap kami ng kami about lang sa project. Nag share screen siya at tinitignan ko lang ang prinoprogram niya, sinend sa akin ang kaniyang proggram sa akin at sinubukan ko ayusin.
Nag puyat kami dahil lang dito, Sabado naman bukas so okay lang mag puyat.
1 am kami nag pahinga, hindi pa namin tapos ang aming program na laro. Wala pa nga sa 50% .
Natulog na yung kasama ko. At ako naman ay nag iisip ng bagong plot ng story.
Habang nag sscroll down ako sa newfeed sa facebook, may biglang pumasok sa isip ko. Paano kaya kung ituloy ko yung mga kwento ko noong bata pa ako. Tama yun nalang, kaso nga lang nakalimutan ko yung main plot pero natatandaan ko pa yung nangyari sa ginawa kong kwento.
Kinuha ko agad ang papel at ballpen at isulat ang mga idea, mga apat na idea na naisulat ko, ngayon kailangan ko nang mamili kung ano ang mas okay.
Yung dalawa, parang ang layo sa nangyari na story nakaraan, so may dalawa nalang ako pag pipilian.
Nag isip talaga ako maigi kung kung ano ang mas malapit na idea.
Naka ilang minuto narin ako nag iisip. At ayon nakapili na ako.
Okay sasabihin ko na, Story about a Magical Girl na may bestfriend siyamg normal na lalake, pero hindi alam ng lalaki na may Magical ang babae. Mga ganon, alam kong masyadong baduy yung naisip ko, well bata palang ako noon kaya ganiyan yung main plot.
Aga-agad kong sinulat sa desktop ko ang Main Plot, Characters, mga Plot twist at mga lugar na pumasok sa isip ko at kailangan nalang na pag dugtungin. Gumawa agad ako ng draft na Description story and Prologue.
Masyadong gabi na kaya kailangan ko nang matulog at sa susunod ko nalang gawin ang Chapter 1 ng bago kong kuwento.
Well hanggang dito nalang kita nalang tayo sa next part