*Third Person's Pov*




"Ngayon magsimula na tayo. Sino ang first witch na magrerepresent ng kaniyang gawang potion?"

I was about to raised my hand pero inunahan na nila ako.

Kingina.

Sayang potion ko mga pre pag di ko ito narepresent!

Hanggang sa matapos na ang last subject. Hindi ko narepresent ang potion ko. As expected naman sa mga potions nila. It was so very very well at powerful talaga.

"Psst wag ka na malungkot diyan. Ako nga rin di narepresent yung gawa kong teleportation potion ko."

Hindi ko pinansin si Taison at kinuha lang yung broom ko. Ipinahiga ko ito sa ere kaya lumutang ito. Maybe I can represent it next time.

"Alam mo yung feeling na nagpakahirap ka gumawa ng successful potion pero di mo pala maipapakita sa lahat?" I said dramatically.

Ito ang tunay na nagpapaemo sakin.

"May next time pa naman. Siguro hindi muna ito ang time." Taison smiled at me.

Taison is my bestfriend since 2000years of my childhood. Para na kaming magkapatid. We're witches. Hindi kami namamatay not until our magic is gone. Age is not in our blood. Also witches have a glowing tattoo sa foreheads.

Once na mawalan ito ng liwanag at maging normal na tattoo ibig sabihin tigs na. Wizards have too. Pero scar sa kanilang noo. Like us gomoglow din ito. Pag nawala ng glow ibig sabihin tigs na.

Wizards can't die too not until their magic gone.

Hindi rin sila tumatanda. Magic ang buhay namin.

"Lagi kang lipad nuh?"

"Gago ineexplain ko lang sa mga readers kung ano talaga tayo."

Kumunot ang noo niya sabay hakdog. Tangina mukha siyang may titi sa noo. Naupo ako sa walis ko at lumipad na. Papalubog narin kasi ang araw.

Dali siyang sumunod sakin. Takot maiwan.

Nung nasa ere na kami ay muli akong lumingon dun sa may fog. Meron parin. I wonder kung anong nasa likod ng fog na yan.

"Doe!"

Nagulat ako ng may sumigaw sa pangalan ko. I glanced behind us and saw my older twin. Xiao a.k.a Win.

"Winnie?"

Winnie the pooh- charot! Shocks! Anong ginagawa niya dito?!


-


*Jemon's Pov*


"Majimbo!"

"Hindi yun majimbo bubu!"

"Eh ano?!"

"Wazimbu kasi yun!"

"Ok ok..."

I took a deep breath.

Tinignan ko ang wand ko and said the magic word.

"WAZIMBU!" I shouted.

Napangiti ako ng lumiwanag ang wand ko. In a split of seconds lang ay may masarap ng pagkain sa harapan namin. I heard my older brother clapped his hands. His not actually my biological brother alam niyo yun? He's my older friend na parang turingan namin sa isa't isa ay magkapatid.

"Gumagaling ka na Jemon." he complement bago dumakot ng hita ng manok.

"Kailangan kong magsanay. Hindi na dapat ako pwedeng matalo sa training match this weekend." I said and take the book from him.

Gusto kong maging legit wizard knight para kalabanin ang mga deputang mga witches dahil sa kanila kaya madaming nagkasakit na wizards at dahil parin sa kanila kaya nawala ang parents ko.

They don't deserve to win against us!

"Gusto mo talagang maging knight nuh." he says.

"Oo naman kuya Jun. I want to avenge my parents."

"Pareho tayo ng pakay but I can't be a knight."

"Because you're a prince right? And soon to be a king of Owishi land of wizards. Malapit na pala yung soon na yun."

Kuya Jun is actually a prince. Walang king at tanging queen lang ang meron. The queen is the daughter of Queen Eliot and the daughter of general Eliot.

Si Jun na naatasan na maging isang king pag dating ng panahon kung sakaling mawala ang reyna. Astig nga eh kasi maharlika talaga siya kung ituturing.

I'm so lucky na naging kaibigan ko ang anak ng reyna. But it's such a wonder dahil hindi kilala ng lahat ang kaniyang ama. Pero nasabi sakin ni kuya Jun na isang witch pala ang kaniyang ama. His father died because of the wizards. Hindi ko nga alam kung galit siya sa mga witches.

"Kuya galit ka ba sa mga witch?" I asked.

Dumiretso ang tingin niya sa kalangitan. To inform you guys nasa taas lang naman po kami ng puno ng maharlika.

"Of course I do. Even my father is a witch that doesn't mean na gusto ko ang mga witch. Mangkululam sila at alam mo naman kung gaano sila kasama. They using black magic against us."

Even thought his half witch half wizard ay mas malaki ang nakuha niyang katangian sa side ng wizards. His life tattoo, magic, but his intelligence when it comes to create magical potions, it obviously in the witch sides.

"You can use black magic too. Tandaan mo may naimbak kang potions sa basement mo." I said.

He smiled at me. Tumayo siya mula sa puno bago at humawak sa sanga na nasa taas namin.

"Kumakapal na yung hamog dun oh." he said and pointed the fog na kita namin dito sa taas ng puno.

"May contest na naman sigurong nagaganap sa pagitan ng witches at wizard." I said.

"Bakit hindi pa sila sumuko?"

Yun ang hindi ko alam.

"Mukha bang alam ko?"

Tumawa siya sa sinabi ko.

"HOOOOOYYYYY JEONG JUN SIRE!!!!! KUNG NANDIYAN KA SA TAAS NG PUNO MAHULOG KA SANA!"

Pareho kaming napatingin sa baba. We saw Ren deep down down there. Nakatingala siya sa amin habang tinatawag si Jun. Ren and I are actually his guard at dahil sa guard nga kami ay naging kaibigan kami ng prensipe.

He has more than 100 friends pero lahat ng mga yun ay plastik. Mga deputa.

"HOOOOOOYYYY KA RIN REN! GUSTO MO MAHULUGAN NG BUKO SA ULO HUH?!"

"ANO?! PAKYU KA! BUMABA KA NA DITO! THE PARTY IS ABOUT TO START!"

Party?

Kung ganon nanalo ulit ang mga wizards against sa witch? .....cool.

"Socialize na naman. Ano sama ka Jemon?"

I smiled bago tumango nalang. I need to guard the prince. That's our job.


-


*Third Person's Pov*

Lahat ng mga wizards ay nagdiriwang dahil sa muling pagkapanalo laban sa mga witch.

"Swerte talaga tayong mga wizards kasi kahit anong gawin ng mga witch ay talo parin sila hahaha!"

"Gamitin ba naman ng wizards ang mga potions ng witch mismo ang gumawa? Sinong matatalo ngayon?"

"Wizards deserve this victory!"

Mala Harry Potter ang lugar ng mga wizards hindi tulad sa mga witch na puro bato at nasa gitna pa ng gubat.

Giant eagle with tiger head flying in the sky. Kita din nila ang mga white spirits at engkanto. They are all celebrating.

Ang mga wizards ay bumabanggit ng kung anong magic words para mas mapaganda ang fireworks sa umagang ito.

"Mahal na kamahalang Jun." salubong ni Yena. Ang nakatakdang ikasal sa kaniya pagdating ng araw.

Napagkasundo na sila noong mga bata palang sila.

Yena is known as the princess of ice land.

"Naigagalak kong muli ang ating pagkikita." she smiled.

"Oh bruha- este mahal na kamahalan you can just talk to the king in modern way." singit ni Ren.

Yena smiled before she comb her blond hair na may crystal ice pa.

Jemon can't help but felt irritated towards the princess of ice. Mukha daw kasing pabebe.

"Sarreh nemen eh se neheheye eke." legit pabebe nga.

Jun cleared his throat pati sila Jemon at Ren.

"Mabuti pa tayo ay lumabas na. Tiyak akong excited na tayong makita ng mga panauhin." sabi ni Jun bago inaya si Yena na lumabas na.

Nagkatinginan si Jemon at Ren.

"Anong salita yun?" tanong ni Ren.

"Taglish siguro."

Sumalubong sa kanila ang maluwag na field ng kanilang palasyo. Pinagigitnaan ito ng palasyo nila.

Basta ganon.

Masayang masaya ang mga wizards sa muling pagkapanalo. Sino ba naman hindi masisiyahan pag nanalo ang kampo niyo.

Halos lahat ng wizards ay present sa celebration maliban lang sa isa diyan.



"Zimbalizimzim!"

Umilaw ang magic wand na hawak ni Jerry. Tinapat niya ang dulo ng wand sa test tube glass.

Napa-'whooo' siya ng bahagyang lumiwanag ang likido na nasa loob ng test tube.

"Nagpapakawitch ka na ba?"

Itinaas ni Jerry ang suot na goggle sa kaniyang ulo bago lingunin ang istorbo.

"Hindi. May gusto lang akong gawin."

"Ano ba?"

Lumapit si Xiaju sa tabi ni Jerry. Kinuha nito ang librong nasa mesa. Ang libro ng kaniyang kaibigan.

"Don't you dare paki paki my book!" ewan na sigaw ni Jerry sabay bawi sa kaniyang libro.

"Lah siya apakadamot. Muset ka."

Jerry rolled his eyes sa kaniyang friend. Bumalik siya sa ginagawa but of course he'll wear his goggles.

"Ano ba kasi yang ginagawa mo? Ayaw mo bang maki-join sa pagcecelebrate ng wizards doon sa labas?"

"Wala akong pake sa celebration na yan." he answered while looking at his book.

"Wow walang pake buti ka pa sana all."

"Ano bang ginagawa mo dito? Iniistorbo mo ako."

"Wow busyng busy? Hindi naman yan importanteng project natin ah."

Sinamaan siya ng tingin ni Jerry tsaka pinagtataboy.

"Lumabas ka na nga peste ka!"

Ginamit niya ang magic wand at kinuryente ang pwet ni Xiaju ng paulit ulit hanggang sa makalabas na ito.

"Wala na ding istorbo." he said.

Tinitigan niya ang libro. Naisip niya kung ano nga ba talaga ang ginagawa niya.

Isang lagusan patungo sa mundo ng mga tao.

Nabasa niya kasi sa alamat ng mahika na may dating mga tao ang nakapasok sa Owishi kaso di sila nakasurvive.

Ngayon curious siya kung anong itsure ng human world.


-


"Aray ko. Bwisit na bibwit na yun." Xiaju hissed while caressing his sore butt. "Ano ba kasi yung ginagawa niya? Omg I'm so curious!" he says pa na nanlalaki ang mga mata. Nagmukha tuloy bangag.


*Wiiiiiiiiiiiibooom!*


"DEPUTANG BIBWIT!" mura niya ng pumutok ang fireworks sa ere.

ZonArt98 Creator

Kaboom!