Third Person's Pov
"Wizard at witches ay hindi magkasundo. Alam niyo na yan. Kalaban ng wizard and mga witch."
Halos hating gabi na pero wala paring pahinga sa pag aaral ng iba't ibang mga poition si Doe.
Bukas na ang final exam nila at kailangan na niyang masucces ang potion na ginagawa niya. If papalpak ito siguradong sermon at bully ang matatanggap niya mula sa mga kaklase at sa kaniyang guro.
Suot ang kapang itim ay pinunas niya dito mismo ang maduming kamay.
Wala daw kasi siyang pamunas.
Purong itim na damit at kapang suot ng mga mangkukulam. Sa mga lalake ay polong itim at itim na pantalon syempre. Samantalang sa mga babae naman ay kulay itim na gown na long sleeve.
Lahat silang mga witches ay may itim na kapa na suot. Ang haba nito ay hanggang tuhod.
Panlaban ito sa lamig.
At lahat ng mga witches ay may suot na eye liner sa mga mata maliban sa mga lalaki.
Sa babae ay eyeliner at black lipstick.
"Doe!"
Namura ni Doe ng wala sa oras ang taong bumulabog sa kaniya.
Tumalikod siya mula sa ginagawang potion at humarap sa gagong putangina.
"Taison naman! Gabing gabi nambubulabog ka. Di mo ba nakikita na busy ako sa pagbuo ng makabagong potion ko?!" singhal niya.
Pumasok si Taison sa loob ng kaniyang silid. Since nasa fantasy land sila alam niyo na siguro kung anong klase ang bahay ng mga witches.
"Eh kasi may nakita akong bato!" sabay pakita sa kumikinang na bato.
Tumayo si Doe sa kinauupuan bago nilapitan ang kaibigan. Inagaw niya ang bato mula sa kamay nito. Sinuri ng mabuti.
"Adik ka ba? Pangkaraniwang bato lang ito potek." singhal niya tsaka hinagis ang bato pabalik kay Taison na hindi nito nasalo.
Taison simply glance the books on his friend's table.
Makalat.
Walang hiya hiya na lumapit siya sa mesa nito. Binasa ang bawat nakasulat.
"Alam mo ba kung anong potion yung ginagawa mo?" tanong niya at kumuha ng isang punit na papel.
May nakasulat ditong 'eskipeda'.
"Syempre alam ko!"
"Weh? Anong potion?"
"Edi yung potion na kagaya ng ginagawa ng mga legend na mangkukulam. Yung nakakapagbago sila ng anyo?"
Kumunot ang noo ni Doe ng mapansin itong umiling. May mali ba sa ginagawa niya?
"Doe I feel you. Gusto mong maging isang legend na mangkukulam pero itong mga ginagawa mo? I mean lahat ng potions na nagagawa mo simula't sapul..." turo niya sa dalawang bookshelf na may lamang mga iba't ibang potions at libro.
Alam na ni Doe ang susunod nitong sasabihin.
"Ay healing ganon ba?" pagtuloy ni Doe.
Alam naman ni Doe na in the first place ang kaniyang kakayahan ay paggawa lamang ng mga midesina. Effective healing, kayang bumuhay ng patay at ano pang miracles. Kaya ang mga magulang niya ay hindi naging proud sa kaniya.
Dakilang legend ang mga ito at dahil sa kaniya ay minsan iniinsulto sila. Both his parents are gone dahil sa pakikipaglaban sa greatest enemy nila: ang wizard.
"Alam mo Doe. Ikaw lang ang may ganyang kakayahan. Bakit hindi mo yan gamitin para makatulong sa sugatang witches na mandirigma?" tanong ni Taison.
His power is kind of sidekick pero malaki ang maitutulong nito para sa mga sugatan. Naglakad palapit si Doe sa bookshelf niya kung nasaan ang mga healing potions na nagawa niya simula noon.
Sa ngayon nandito lang ang mga ito, nakatengga hangga't wala pang laban na nagaganap. Kinuha niya ang maliit na bote na may lamang pink na likido.
Lumiliwanag pa ito.
"Yung mga nagagawa kong potions minsan ay nakakapagbigay din ng buhay. Paroonin mo."
Pinanood lang ni Taison si Doe na lumapit sa halaman nito. Nag iisa lang yun. It's kind of grass. Binuksan niya ang bote at pinatuluan ang halaman.
After awhile the grass starts moving. Taison gasp ng makita ang ugat nito na naging mukha.
Parang isang cute na nilalang ang nakikita niya.
Malalaki ang mga mata nito at subrang cute. Gumawa ito ng ingay.
Taison can't help but to giggle.
Umakyat ang damo patungo sa kamay ni Doe hanggang sa balikat niya. Para bang nanglalambing ito.
"Oh em gee Doe! Ang cute niya!"
"Hindi lang healing potion ang nagagawa ko. Kaya ko rin magbigay ng buhay sa mga kahit anong bagay." pagmamayabang niya sabay ngiti.
-
*Doe's Pov*
Lumipad ang isang uwak patungo sa sanga ng kahoy.
Gumawa siya ng ingay sign na magsisimula na ang klase.
Lahat ng witches students ay nagsitungo sa paaralang bato.
Shetseukatseukată…ˇok Doe umayos ka.
Minadali ko ang pagsusuot ng kapa saking katawan. I wear the witch hat. Lahat kaming mga mangkukulam ay nagsusumbrero ng ganito.
Ayoko sana kasi ang chaka pero ano magagawa ko? No hat no entry. Parang no id no entry.
Kinuha ko lahat ng mga libro ko about sa mga potions and black magics. Mga libro din na binigay ng mga guro.
"Kwekwekwe?"
Natigil ako sa pagmamadali ng marinig ang aking alagang dahon na nagsalita.
I turned my head to look at him. Oooohhhh~ tangina ang kyut niya talaga.
Lumapit ako sa kaniya tsaka siya hinaplos sa ulo. Pumikit siya at ngumiti. Kahit papaano nababawasan ang stress ko dahil sa kaniya. Heck! I'm so proud to my potion.
"Papasok lang saglit si Doe ok?"
"Kwekwekwe?"
"Oo babalik agad ako. Uuwian kita ng black earth~" I chuckled ng tumalon talon siya.
So cute talaga di tulad ng nagfefeeling kyot.
"Sige babye na Gras." Gras pinangalan ko sa kaniya kasi grass siya.
Napasigaw ako sa isipan ko ng pagkabukas ko ng pinto ay bumulaga saking harapan ang pangit na pagmumukha ni Taison.
Charot.
"Magandang umaga Doe. How's your day?" Taison greeted as he smiled.
Bahagya niya pang tinaas ang suot na sumbrero.
"Tanginang pagmumukhang yan." I instead said.
Hinila ko siya kasi pareho na kaming malalate.
"Wala bang good morning too diyan?!" sigaw ni Taison kasi tumatakbo kami.
Tanginang ng gagong to. Hindi niya ba alam na malalate na kami sa klase?
"Yung walis ko?" tanong ko ng nasa gitna na kami ng gubat at wala na sa lugar namin na mga bato.
Taison yanked his hand tsaka pumitik sa ere. In a split of seconds ay nasa akin na ang magic broom ko.
"Parang mamamatay ka na kung malalate ka." he said pero di ko na pinansin.
Sumakay ako sa broom ko then lumipad na. Iniwan ko na yung mokong.
Haaaayyyyy alam niyo yung pakiramdam na nasa ere ka? I feel so free kingina. Dinamdam ko ang hampas ng hangin sa gwapo kong mukha.
I feel so relaxed parang gusto kong nasa ere nalang habang buhay. Pero nung makita ko ang academy namin doon ko lang naisip na walang poreber.
Pababa na sana ako sa may safe na area na pwedeng pang landing ng mapansin ang kumpol ng hamog sa silangan.
"Oy Doe di ka pa ba lalanding? Malalate na tayo."
Hindi ko pinansin ang unggoy sa likuran ko. I just stared the thick fog sa silangan.
"Anong meron dun?" tanong ko ng mapansin ang ilang mga witches.
"Ah yun? Araw na naman kasi ng contest, laban sa mga wizards at soon gera na naman. Sakto bebenta na naman sa bayan ang healing potions mo."
Contest? Para saan? Bakit may pacontest? May pacontest si Mayor?
"Puntahan kaya natin?"
"Gago lang boi?!"
"Simula nagkaisip ako hindi pa ako nakakakita ng wizard. Anong itsura nila?"
"Malamang tao. Tara na malalate na tayo."
I feel Taison tagging my hoodie. Tinignan ko siya before deciding to land down. Hindi na importante sakin yan but those wizards kill my parentsă…ˇ
"Shit!"
Nagulat ako ng nagmura si Taison. Narealized na ba niya kung gaano siya kachaka? Charot. Ang sama ko na masyado.
"Minumura mo na ba yang pagmumukha mo?" I asked.
"Yung mga tanginang fairy!"
"Wag mo nga idamay yung ibang fairy pakyu ka!"
Naisipan muna naming lumanding sa lupa bago harapin yung pasaway na fairy.
"Kingina ka Henry! Balak mo ata ako ihulog kanina!" singhal ni Taison.
Tumawa si Henry. Kahit maliit siya ay dinig namin siya. Tangina lakas ng tawa. Henry claps his hands together at yun lumaki ang mokong.
Nawala nga lang yung pakpak niya. His eyes are green at may kung anong make up na green sa magkabilang gilid ng mata niya. May kung ano rin na pixedust na kumikislap sa buhok niya.
Iba ang suot niya kesa sa amin at sa mga wizards. Ayun sa mga larawan na nakita ko. Kung kami ay purong itim na kapa, yung mga wizards ay school uniform na may kapa din pero walang hoodie sa kanila. Ang mga fairy ay tulad din sa mga wizards pero medyo madumi tignan.
Bakit ko ba ineexplain tae.
"Kanina pa kayo late alam niyo ba yun?" naiiling na sabi ni Henry.
"Papasok pa ba tayo?" tanong ni Taison.
"Malamang oo!"
Hinila ko na si Taison patungo sa school. Once we late ay paniguradong mag ka-cutting ang bubung ito.
*RRRRRRRIIIIIINNNNNGGGGG*
Pagkatunong ng scarecrow alarm ay alam kong nightmare na ang susunod. It's time for using your own potions. Shitz! Anong magagawa ng potions ko.
Bigla kong naalala yung potion na nagawa ko.
The potion na kayang magbigay buhay sa lahat ng bahay. Kahit pag ibig niyong wala ng buhay ay mabubuhay ng potion ko.
Tumayo ako mula sa long table at nilagay ang bag ko sa ibabaw. I start rummaging my bag. I smiled ng madala ko yun. Madaming potion sa bag ko pero halos lahat yun ay pang miracle potion.
"Doe!!!!"
Gago ba ito?
"Ano bang kailangan mo?"
"Aattend ka parin sa potion subject?"
"Oo. Ipapakita ko sa kanila na hindi ako magiging manggagamot in the future!"
Never ever ever ever ever ever ever ako magpapatalo sa mga kinginang bully na yan.
Hindi porket na may chance silang maging legend witch o magdirigma gaganyanin na nila ako?! Oy don't small the smaller!
"Sure ka? Pag nabully ka talaga tatakbo ako."
Isa lang masasabi ko sa kaniya.
"DUWAG."
*gasp* "Hala siya ang sama mo sakin!"
"Mas masama ka sakin! Hindi mo ako tinutulungan."
"Eh alam mo naman na yung mga potions ko eh pang teleportation lang."
"Oo pang draky."
I slung my bag on my shoulder bago siya tignan.
"In short may kwenta pero duwag ka lang gamitin."
"Wow mag eemo ka na ba? Ito na ba ang tinatawag na love or hate?"
Hakdog?
"Gago." sabi ko nalang tsaka siya iniwan.
Narinig ko pang tinatawag niya ako pero di ko siya pinansin. Gago bahala na siya sa buhay niya.
Dumeritso ako sa training room. Yung room na pwede naming gamitin yung potions. Pagkabukas ko ng pinto ay naroroon na ang lahat ng mga kaklase ko. Kami nalang siguro ni Taison ang wala pa.
"Ooooohhhh nashock ako. Pagkatapos ng all in all potions na ginawa mo at triny eh mag tratry ka parin? Kapal talaga ng mukha mo."
"Mga beshie umaasa parin na magiging legend or soldiers."
Di ko na pinansin ang deputang grupo nila Juri. Grupo ng bulli. #LI
"Doe bakit hindi mo pa matanggap na manggagamot ka nalang in the future."
"Tama na yan. Let's start the presentation already. Delekado pag umabot kayo ng gabi." sabi ni gurong Boa.
"Ano bang mangyayari?"
Nagulat ako dahil sa boses ni Taison na nasa likuran ko na pala.
"Lalarga ang mga engkanto. Alam niyo naman ang mga engkanto diba? Kakampi sila ng wizards. Once the engkanto got you walang pagdadalawang isip na idadala ka nila sa mga wizards."
"Anong gagawin ng mga wizards sa witches?" tanong ng isa kong kaklase.
"Ikukulong nila at papatawan ng parusang kamatayan. Ang ilan naman ay pipilitin na gumawa ng potions at ito ang gagamitin nila against sating mga witches."
Napakasama talaga ng wizard. I don't know what the exactly reasoned why they become enemies.
But according to the book of history of witches. Nagsimula ito sa dalawang magkaibigan na fairy. Isang araw paggising ni fairyA ay wala na daw siyang pakpak. Nagalit siya sa kaibigang si fairyB.
Palihim siyang gumawa ng potion and used it para mawala din ang pakpak ng kaibigan. The fairyB got mad sa ginawa ni fairyA. Using the wood na kamukha ng wand ay nilagyan niya ito ng pixie and used it against her friend. Doon na nga nagsimula ang hidwaan.
Marami sa mga fairy ang nawalan ng pakpak because of their clumsiness fighting. Dahil nagsisihan na ay napagdeisusyunan na hatiin ang fairies sa dalawa. Doon nabuo ang witches at wizards.
Witches can do magic poisoned habang ang wizards naman ay can do magic tricks using their wand. But without the wand ay walang laban ang mga wizards. Habang ang witches naman ay without the potions they're useless. Pero that doesn't mean na wala na kaming powers. No. Lahi kami ng mga fairies kaya may powers parin kami.
We can use magic just using our bare hands pero may limit. Without our originally power we all dead. The magic is our life.
At higit sa lahat ay papatunayan kong SAKALAM AKO!
....