undefined

THE 13TH STREET

Ito ang lugar kung saan naglipana ang mga ilegal na gawain; droga, sugal, prostitusyon at kilalang tambayan ng mga kriminal. Hindi lang din ito basta lugar na kinatatakutan ng lahat, maging ang mga kapulisan ay hindi hinahamak na pasukin o i-raid ang lugar na ito. Hindi rin nakapagtataka na may iba't ibang grupo ng mga gangster rito. Dahil naging sentro ito ng mga ilegal na gawain, kasalukuyan itong nasa pangangalaga ng isang Mafia Clan - Ang MONTEREAL CLAN.

Sa pamumuno ng Montereal Clan naging organisado kalakaran sa 13th Street. Unti-unti ding nakikilala ang ilang gang factions.

Ang Montereal Clan ay may tinatawag na EMPRESS, siya ang piniling mamuno sa 13th Street. (EMPRESS - ang tawag sa panganay na babae ng isang Mafia Clan).

Sa pagdating ng Empress magkakaroon ng malaking pagbabago sa mundo ng mga gangster.

Isang tradisyon ang mabubuhay dahil sa kanyang pamamalakad. Ang pagpili ng isang MIKADO. 

Ang Mikado ay isang titulo na ibinibigay sa pinaka magaling, malakas at pinaka kilalang tao na hawak ng isang Mafia Clan

Ang Mikado ay isang titulo na ibinibigay sa pinaka magaling, malakas at pinaka kilalang tao na hawak ng isang Mafia Clan. (Mi-Kado is a Japanese term for rulers or emperors).

Ang maging Mikado ay parang pagiging isang HARI sa nasasakupan nito.

Ngunit ang titulong ito ay hindi basta basta nakukuha ng hindi dumadaan sa madugong labanan o mga pagsubok at tanging ang Empress lamang ang maaaring pumili ng isang Mikado dahil ito rin ang susunod na mamumuno ng kanilang angkan.

Ang maging MIKADO ay isang kapangyarihan. Hindi lang sa 13th Street kundi sa mas malaking mundo ng mga gangster--ang Mafia World.

Gangsters, factions, Empress, Mikado, at Mafia world? Handa ka na bang pasukin ang mundong ito?

"WELCOME TO A BLOODY BATTLE!"

(War of the Gangs)


 

Lapis Creator

Sa pamumuno ng Montereal Clan naging organisado kalakaran sa 13th Street. Unti-unti ding nakikilala ang ilang gang factions. Ang Montereal Clan ay may tinatawag na EMPRESS, siya ang piniling mamuno sa 13th Street. Sa pagdating ng Empress magkakaroon ng malaking pagbabago sa mundo ng mga gangster.