undefined

[ EMPRESS ]

Nabasag ang katabi kong vase nang tumarak doon ang inihagis na patalim sa akin. Naiwasan ko iyon dahil halos araw-araw ay laging ganito ang pagbati niya sa akin ng bunso kong kapatid--- si Alexandria Montereal.

Ilang segundo pa ay pinalibutan na ako ng mga sampu o higit pang bodyguards, lagi silang nakabantay ngunit lagi ring nalulusutan ng kapatid ko. Matalim ang tingin ko sa bahagi ng pinagmulan ng dagger knife.

"Ms. Lucienne," may pag-aalalang tawag sa akin ni Mr. Aki, ang Head Buttler at Head Security ng Montereal Clan. Halos kaedaran ko lang si Mr. Aki. Sa pagkaka-alala ko ay kinupkop siya ni Lolo noong maliit pa ito, natagpuan siya sa isang gubat na pagmamay-ari ng Montereal. Walang nakakaalam ng totoong pinagmulan o pagkakakilanlan niya. Simula ng manirahan siya dito sa Mansion ay naging malapit kami, si Lolo rin ang nag-train sa kanya at kalaunan ay naging personal bodyguard ko hanggang i-promote siya ni Lolo na maging Head Buttler and Head Sucurity.

"Hmn?" hindi ko siya nilingon, kinuha ko lang ang dagger knife sa nabasag vase. Nasa garden kami at mapayapa sana ang umaga ko habang nagkakape at nagbabasa ng mga reports nang abalahin ako ni Alexandria.

"Don't worry. I'm fine," tinitigan ko muna ang talim ng dagger knife bago ko ito inihagis pabalik kay Alexandria.

"Hey Witch! Kung gusto mo talagang maging Empress, galingan mo naman. Hindi mo ko mapapatay sa maliit na patalim lang," nasalo niya ito ng dalawang daliri lamang ng hindi nasusugatan. Sinenyasan naman ni Mr. Aki ang mga bodyguards na bumalik na sa orihinal nilang pwesto. Alam niyang ganito lang kaming magkapatid. Hilig ang magpatayan.

"Tss, nagpa-practice lang naman ako," halata ang inis niya sa akin. Alam ko ang inggit niya simula pa lang ng mga bata pa kami. Kung ano-ano na nga lang ang mga bagay na ginagawa niya para lang mapatay ako. At lahat ng iyon ay hindi naging successful.

She badly wanted to be in my position. To be an EMPRESS. An Empress is the next heir of the Mafia Clan if the firstborn child is not a man.

Natawa ako ng bahagya, "You should be practicing more, little witch."

"Ms. Lucienne," tiningnan ko si Mr. Aki, may hawak pala siyang dagdag na mga papeles.

"Arghh! Could we set Mikado now? I hate reading these nonsense reports." May pagrereklamo man ay kinuha ko pa rin ang mga papel na dala niya, inisa-isa ko iyon. Ang Mikado ay isang titulo na ibinibigay sa pinaka magaling, malakas at pinaka kilalang tao na hawak ng isang Mafia Clan, siya rin ang mamalakad sa bawat transaksyon at gulo sa nasasakupan namin. (Mi-Kado is a Japanese term for rulers or emperor)

Kadalasan naman ng reports ay mga for approvals ng mga transactions namin, o kaya naman mga cases o paglilinis sa mga kalat ng hawak naming tao o gangs. Malaki ang expenses namin para hindi lumabas sa publiko ang mga kagaguhan ng mga gangster na yon.

Ang iinit kasi ng mga ulo lagi. Inuuna lagi ang kamao bago ang utak! Tsk.

"Blockers, Demonic, Queens, Clovers, Jokers. Sila na naman?!" Those are the gang factions that always made the mess.

Lagi na lang sila! Hospital bills, Police reports etcetera! Etcetera! Argh! Nakakasura na.

Sila ang mga Gangster walang ginawa kundi gumawa ng gulo. At dahil ako ang Empress, ako ang ginawa nilang tagapag-linis ng mga kalat nila. Since they were under the protection of the Montereal Clan, wala akong choice. Kung sabagay, di nila alam ang patakaran ng Mafias, ang alam lang nila ay manggulo. Kailangan mapanatili ko ang bawat transaksyon na malinis at walang sabit---yung hindi malalaman ng media o ng gobyerno.

"Oww! I know them Sis!" Excited na lumapit si Alexandria at kinuha pa ang ilang papeles na hawak ko.

"They're the high-ranking factions of gangs on 13th Street. Of course, you do know them..." hindi ako pinatapos ni Alexandria, halatang interesado siya sa mga gangster na iyon. "As far as I know, magkakaibigan sila."

Napangiti ako sa sinabi niya. Magkakaibigan sila? Sino bang niloloko nila? Wala silang totoong kaibigan sa mundo ito. Imposible.

"Err... Creepy... Pwede bang wag kang ngumiti ng ganyan Sis?"

"Mr. Aki set a meeting with them today at 7 p.m. at 13th Street Grounds, and Sis, take this," iniabot ko sa kanya ang isang envelop. "..and that's your assignment, Sis."

"Wait! What?! Eh magmamall ako ngayon!" Iniwan ko siyang nagmamaktol sa garden. Wala akong pakialam sa pag-iinarte niya. Hindi rin naman niya ko pwedeng suwayin dahil ako ang Empress. Kung anong salita ko ay siyang batas sa Mansion na ito.

Pumunta ako sa library kung saan laging tumatambay si Papa. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nasalo ko ang bagay na inihagis ni Lolo sa akin. Nagulat ako ng bahagya dahil kasama pala ni Papa si Lolo. Bihira kasi bumisita si Lolo, madalas nasa ibang bansa ito.

Pangalawang dagger knife na ang hinahagis sa akin ngayon araw ahh. Parang normal na sa amin ang ganitong batian. Hindi naman din ako nasugatan. Hindi rin naman kasi malakas ang pagkakabato niya, sapat na lakas lang para masalo ko.

"Good Morning my Empress." bati ni Lolo sa akin na parang wala lang.

"Good Morning." nakangising ibinalik ko sa kanya ang patalim. Nasalo niya rin ito ng hindi nasusugatan.

"Mga abnormal." Natatawa pang sabi pa ni Papa.

"Wala namang normal sa pamilya natin Papa." Nagtawanan na lang kaming tatlo. Parang mga baliw.

"So what are you doing here, my Empress?" tanong ni Lolo sa akin.

"It's about Mikado." napatayo pa si Lolo ng marinig niya ang salitang 'MIKADO'.

"When is the battle?" excited pa ito na akala mo ay isports lang ang magaganap.

"I have to talk to them first. I'll inform you of the schedule after..."

"Are you sure about this? Hindi ba masyado pang maaga para pumili ng Mikado? At isa pa matagal na nating hawak ang 13th Street hindi na..."

"I know, Dad, but I don't want to rule 13th Street anymore, doing petty things-I want to do something new. Nakakasawa na kasi ang paglilinis ng mga kalat nila!" Naningkit ang mga mata kong maalala ko na naman ang tambak na paper works ng dahil sa kanila.

"Don't be too greedy, my Empress. You're just 24. Hindi ka pa handa para sa..."

"Hey guys! Wazzup! Wazzup!" di na natuloy ni Lolo ang sasabihin niya ng dumating ang isa ko pang baliw na kapatid. He's ahead of me, but He's not a real Montereal. To make a long story short, He was my father's best friend's son. His real father died on the day He was born. His dad died in a Yakuza war in Japan.

"HARI! Mind if you knock first?! Nag-uusap kami rito." Inis na sabi ni Lolo. Yes, his name, Hari, came from his real father's surname.

"Sorry Papz. Dad." Papz ang tawag ni Kuya kay Lolo. Napairap na lang ako sa kanya, wala talaga siyang takot kay Lolo at Dad at ganoon din naman ako. Hindi ako takot sa kanila, kahit sila pa ang pinakatatakutang Mafia Leader ng Montereal Clan. I'll be one of them, eventually.

"Tss... Crazy." tanging nasabi ko.

"Ano bang pinag-uusapan niyo?" Hindi pa rin siya nagpatinag at nangingialam pa rin sa usapan namin.

"MIKADO." A simple answer from Lolo.

"Woah?! Woah?! Wait?! Mag-aasawa ka na?!" Napa-kunot noo ako sa sinabi ni Kuya Hari.

"Anong pinagsasabi mo? Mag-aasawa ka diyan?"

"Evil Sis. That's your role. When you choose a Mikado, you have to marry him afterward." He said it with conviction.

"Weh? Nasa tradisyon ba yun?"

"Kaya ka nga 'EMPRESS' dahil ang magiging asawa mo ay isang Mikado meaning isang Emperor. Didn't you read the Mikado's Creed? Our Mafia clan..."

"If that's so? I will break that LAW. Gusto ko lang naman maalis ang responsibilidad nang paglilinis ng mga kalat ng mga Gangster na yun. I had enough." May sasabihin pa sana si Kuya Hari pero nagwalk-out na ko.

Paglabas ko ng library sinalubong ako ni Alexandria.

"Sis! Pwede bang kay Aki na lang toh, tinatamad ako eh." tukoy ni Alexandria sa binigay kong assignment sa kanya kanina, tuloy tuloy lang ako sa paglalakad habang siya ay nakasunod naman sa akin.

"Okay. But you have to do some research for me on the profiles of those high-ranking gangs. Give it to me before 5 p.m."

"Okay! Noted my Empress!" Nag-salute pa ito sa akin bago umalis, kahit papaano si Alexandria lang ang medyo matino sa pamilya namin, I guess. Hindi siya takot sa akin eh, mas takot pa si Kuya King at Dad ko sa akin. Maybe because they know what I can do.

Maghahanda na ko para sa meeting mamaya. I want to know kung talagang magagaling ang mga gangs na yun.

Blockers, Clovers, Queens, Demonic, and Joker Gang.

Let's see if you are worth Mikado's title.

**********

#WKcrosspromotion

B̳̿͟͞L̳̿͟͞A̳̿͟͞C̳̿͟͞K̳̿͟͞ S̳̿͟͞O̳̿͟͞U̳̿͟͞L̳̿͟͞ R̳̿͟͞E̳̿͟͞A̳̿͟͞P̳̿͟͞E̳̿͟͞R̳̿͟͞ b̳̿͟͞y̳̿͟͞ a̳̿͟͞r̳̿͟͞t̳̿͟͞c̳̿͟͞a̳̿͟͞d̳̿͟͞i̳̿͟͞a̳̿͟͞ d̳̿͟͞e̳̿͟͞s̳̿͟͞c̳̿͟͞e̳̿͟͞n̳̿͟͞d̳̿͟͞a̳̿͟͞n̳̿͟͞t̳̿͟͞

Dahil sa kanya nabuksan ang pintuan ng dark hallowed spiritual portal, nagdulot ng paghahasik ng kadiliman sa human world ngunit sa isang banda siya din ang susi para muling isara ang lagusan. Ngunit kailangan niya munang makontrol ang hybrid nehim sa katawan niya at maabot ang mataas na antas na level ng pagiging black soul reaper.

MC Name : Dai Abare

undefined



follow this comic at: https://webkomph.com/comics/black-soul-reaper


 

Lapis Creator

An Empress is the next heir of the Mafia Clan if the firstborn child is not a man.