undefined

Lt. Rodgers and Gen. Penergraph

- Feriol Balisi 2022

PRESENT DAY.... 

ang lugar na kinatitirikan ng mga kasundaluhan ay mainit na pawang nasa disyerto, ang lugar kung saan maraming tent ang nakatayo dahil ito ay nasa campo militar, maraming mga sundalo ang nanunuluyan ang iba ay nag aalmusal, nag kakape, habang ang iba ay nag eensayo gumamit ng baril, nag sasanay din ng mga ibang armas, my gumigising-bumabangon mayroong namamahinga at nag mamarcha.

"bakit pa kaya kailangan natin manakop, napakalakas na ng ating bansa kung tutuusin mayaman naman ang ating bansa pagdating sa likas na yaman, bakit pa tayo makiki baka sa ibang bansa."

dumating si Stephan Rodgers "Kaibigan!!!"

"Stephan nandito ka pala" ipinakikilala Brigadier General. Nollard Pennergraph

nabigla si nollard kay stephan "Ginulat mo naman ako stephan, ano kailangan mo??"

"Wala naman akong kailangan napadaan lang ako, Nollard napansin ko lang eh mukhang malalim ang iyong iniisip." pagtataka ni stephan

"Tama ka sa iyong napansin kaibigan mayroon lang ako na iniisip." sagot ni nollard sa kaibigan

"Sabi na haha ano ba iyang iniisip mo tungkol ba sa dalaga?" pagbibiro ni tinyente stephan.

"Ano!!! nagkakamali ka diyan tinyente haha dahil wala ako interes."

"Kunwari kapa heneral eh halata naman sa itsura mo HAHA."

"Mali ka talaga kaibigan sa itsura ka bumase eh, kay aga aga pinatatawa mo ako,"

"pero sige sasabihin kuna, Iniisip ko kung anong taktika na gagamitin para sa ating misyon" ilang saglit ang kanilang pag uusap ay maantala dahil may mensaherong sundalo ang darating.

dumating ang sundalo habang nag uusap ang heneral at tinyente. "Heneral!! mensahe mula sa kataas-taasan" kinuha ang mensahe Binasa ito ni Nollard.

"salamat," binasa ng heneral ang nilalaman ng liham.

"nag utos na sila saatin na kailangan simulan na ang pananakop sa mga karatig rehiyon."

"para yatang masiyado minamadali, hindi pa ito ang panahon dahil kulang pa sa mga kawal ang ating hawak at hindi pa buo ang taktika na gagawin natin." sambit ni tinyente stephan.

sumagot si heneral nollard "nag padala na din ako ng liham na kakailanganin ko na dagdag kawal upang magawa ang plano na gagawin ko"

"pero matatagalan pa bago dumating ang mga dagdag na kawal" paalala ng tinyente sa heneral

"kung ganun edi mas mainam para ng sa ganun maayus ko ang taktika na ating gagamitin sa labanan" 

"Minumungkahi ko heneral na mas mainam kung mamaya gawin nanatin iyan upang maging pamilyar ang mga sundalo natin" 

sinabi ni tinyente stephan ay "naisip ko lang hindi ba my mga ibang sundalong drovish na ang nandito sa bansa bakit hindi tayo sakanila humihingi ng mga dagdag na kawal"

"Hindi maari tinyente dahil my sarili din silang misyon na ipinagawa sakanila, magiging abala sila sa pananakop kaya hindi tayo maaaring makahingi na dagdag na kawal." sagot ng heneral mungkahi ni tinyente rodgers

"Alangin masyado" huminga ng malalim si tinyente rodgers

"matanong lang ilang hukbo ang narito sa kampo natin?"

"ang bilang natin ay nasa 4,000 pa lamang."

"kung mapaaga ang ating pag pag sakop malamang 2,000 kawal lamang ang ating dadalhin." 

tugon nig tinyente "magiging unti ang bilang natin dahil kailangan 2,000 sundalo ang maiwan dito sa kampo, para magkaroon ng depensa kapag tayo ay aalis kung kinakailangan."

"hindi pa ito talaga ang panahon upang lumusob, tinyente, masyado pang maaga... kakailanganin pa natin mas pag handaan ang plano upang magawa ng maayos." nag aalangan ang heneral kung sakaling ipagpatuloy ang misyon.

"tama ka sa iyong sinabi heneral, sa ngayun ang magagawa natin ay ipag patuloy ang ating ensayo at preperasiyon, ngunit heneral nollard nag aalala ako na baka managot tayo sa kataas-taasang opisyal ng militar." kahit pa ang tinyente ay sang ayon sa sinasabi ng heneral nollard, parehas silang nag aalangan sa utos ng kataas-taasan ngunit nag aalala sila na baka mayroong parusa kung hindi nila ito susundin, pero kahit ganun ipinag paliban na lamang ng heneral ang planong pag sakop dahil masyado pang unti ang bilang ng mga kawal.

Maya maya pa my dumating sa base militar ng heneral ito ay naka karwahe lulan ang isang panauhin 

nandito na po tayo ginoo "paalala ng nagmamaneho sa karwahe. ang panauhin ay bumaba na sa karwahe at papunta na sa kampo ng heneral.

dumating ang sundalo sa silid ng heneral, "heneral myroon po kayong panauhin"

"ha! nakakabigla ano kaya ang magiging sadya saakin, pero sige papasukin niyo na" ang heneral ay nabigla sa sinabi ng sundalo hindi nya ito inasahan, ilang saglit pa lamang pumasok na ito sa sa silid ng heneral 

"dito po tayo ginoo" ginabayan ng sundalo ang panauhin,

"mabuti naman sumakto ang araw ngayun dahil hindi ako magiging abala masyado."

Ang panauhin ay nag pakilala sa heneral. "Magandang Umaga po heneral, Maynard Phosner po heneral, isang karangalan po ang mapanayam kayo" Nakipag kamay ang heneral at si Maynard si maynard ay nakasuot na pang pormal, magarang kasuotan na kagalang galang.

"Isang karangalan din ginoong maynard" pagbati ng heneral sa binata. "maari ka ng maupo.... ginoo, tinyente maari ninyo muna kami maiwan"

"masusunod po heneral!" umalis na ang sundalo sa silid "Heneral mauna muna ako, mag  iinspeksyon pa ako ang sa mga kawal natin" nagpaalam na si tinyente stephan kay heneral nollard dahil magiging abala ito.

"mabuti pa nga tinyente." sagot ni heneral nollard

"Salamat Heneral Nollard" nag pasalamat ang tinyente sa oras na binigay ng heneral.

magpapatuloy na sa pag uusap ang heneral at ang binatang panauhin "para saan nga pala ito?" tanong ng heneral sa binata.

"heneral isa po akong estudyante sa pambansang unibersidad ng Drovenia, mayroon po kaming proyekto para sa pag gawa ng artikulo, ang magiging laman ng artikulo ay tungkol po sa inyo" sagot ni maynard sakaniya.

"ah isa palang proyekto sa unibersidad, sige pinapayagan kita gawin yan"

"maraming salamat po heneral, nais po namin na ipagpatuloy ang nasimulan niyo nung kayo po ay estudyante pa lamang."

"sa totoo lang hindi ko aakalain na my magpapatuloy pala ng aking nilikha nung ako ay nag aaral pa sa unibersidad na iyun, kung ganun tama lang pala na itinigil ko iyun haha, nakakatuwa isipin."

"ganun nga po heneral, nga po pala maari na tayo mag simula."

"ito po ang unang katanungan Ano po ang nag udyok sa inyo para maging sundalo??"

si nollard ay natahimik sa tanong ni maynard, tila pinag iisipan ang magiging sagot sa estudyante.

*

sa malayong dako ng lupain kung saan naka tayo ang base militar ng drovish army na pinangungunahan nila heneral nollard, my mga groupo na armado ang naka masid at nag mamanman, tila ba na nag aabang lang sila ng tamang pagkakataon.

lumapit ang armadong tauhan sa kapitan "Kapitan, mukhang kakaunti pa lamang ang bilang ng mga kalaban sa kampo na ito" 

"Napansin ko din, pero hindi tayo pwede basta basta lamang mag pakampante, magpadala ng mensahe sa kabilang hanay, sabihin mo na mag handa na sa pag atake, hintayin ang aking hudyat." nag utos na ang kapitan para pag hahanda sa na lalapit na pag atake sasamantaklahin nila nag pagkakataon ng maaga. 

 "masusunod kapitan!!"

matapos sumilip ng kapitan sa likod niya libo libong tauhan ang dala nito lahat purong armado, ano mang oras ay handa na para sa digmaan, para ito sa planong pag atake sa base militar ng mga Droevish.

undefined

CHAPTER BREAK 2 WEEKS.

kakayanin kaya ito ng heneral kahit pa ang bilang nila ay hindi sasapat, kung sakaling lumusob ito sa kanilang puwesto my pag asa ba kaya?