HELLO PEOPLE OF THE UNIVERSE!!!!


Ako nga Pala si Titania Joy Sta. Ana... at ngayon mag s-start ako ng aking internal monolouge dahil nag fefeeling ako na ako ang bida... eh bida bida ako eh, so eto na nga ang aking background. Ako lang naman ang only child at nagiisang LIGAYA ng aking Lolo.. YES! Only child ni Lolo cause Di ma locate ang aking beloved na mga magulang Kung pwede Lang silang I Google map at pag turn right and left ko andun na sila EDI WOW.

Kasalukuyan akong 2nd year sa kursong mechanical engineering, oh teka lang, wag kayong ma amaze di porket nag engineering matalino... dahil heto ako sinisisi ang bobo kong past self 2 years ago ng nag a-apply palang sa college entrance exam, shuta bobo mo gurl bat engineering? matalino ka? Eh di naman ako magaling sa math, ambisyosa lang...

.
.

"Ligaya! Yung tuyo prituhin mo na at ng makapag almusal na!"

"Uho Lolo!" 

undefined

.
.

Oh ayan ako, ganda ko diba, kitang kita pa yung sinampay ko at yung half-sister kong termos dahil same years lang ambag namin dito sa world, in short antigo na yan... benta ko kaya sa philippine pawn star noh?

Also, mahirap Lang Kami, may FOREVER sa tuyo and para balance diet huwag natin kalimutan ang gulay na available at free sa masaganang garden ng aming super generous na kapit bahay.

.
.

"Lolo! Wala na tayong Lana oil... Hingi muna ako kina Tiyang Linda Kung Meron silang gamit na."

"Pagbalik mo pumitas Karin Ng labuyo diyan sa Labas ng mahalo sa suka."

"Uho Lo"

.
.

Very normal lang ang aking life... Hingi dun, pangutang dito... Typical din na millennial ... Internet is Life... Free data is lifer... Free WiFi is lifest. Imiikot Lang sa Facebook, Twitter, Instagram, YouTube, Tiktok at higit sa lahat sa Webnovels ang pang araw-araw kong buhay.

.
.

"Ligaya Joy! Nabasa mo na? Nag update na boi! Tae! Wonderful pramis! May clue na Kung sino Yung may tattoo!"

Si Cheska Marie na abot Pluto ang Ka excitedan na bungad saakin, bespren ko pala kahit bruha. Balak pa ata akong ispoil sa binasa naming webnovel.

Saka LIGAYA na JOY pa? super happiness?

.

"Tumigil Ka! Baklang to, di pa ako nag aalmusal kapag ako talaga naka rinig Ng spoile..."

"Yung Manalo daw sa hunting contest ang may Tattoo!!! KYAAAHH... Sa tingin mo sino Kaya?? Sa tingin mo siya na Yung main lead?"

"CHIISSSKAAAA!" sigaw ko sabay sabunot sakanya "Lechugas Kang bakla Ka Sabi Kong wag mo Kong iispoil eh!" dagdag ko pa, ang bruhang to aba't talagang nilantad na lahat... Ayaw na ayaw ko pa naman ang na ii-spoil!

.

"Grabi siya oh! Si AUTHOR mismo nag spoil nun! Naka note Yun sa update niya pakatapos ang cliffhanger!" Inis na sagot niya sabay hila sa short ko para kumalas sa very nice and gorgeous kong bewang.

"Staaappphhh! P*cha Chiska! Garter-less panty yan! Kapag ito nalaglag hihilahin ko Yang BABY BRA mo!" Sagot ko sabay hampas sakanya Nung malunggay na pinabigay ni Tiyang Linda. Love talaga ako ni Tiyang Linda, kita mo Oil lang hiningi ko may freebies pang malunggay.

"Bruha talaga to! Like basahin mo nalang kaya noh!"

"Whatever! bruha kadin! Bahala ka diyan mag peprepare pa ako ng sizzling dried fish with vinegar and hot chilli."

"Gagu, tuyo Lang Naman sa suka pinasosyal pa... Txt mo ko pag pa school kana sabay Tayo."

"Basta ikaw." - insert *wink

"Eewww" -insert *mukh-asim

.
.

.

So kwento ko yung pinang-gigilan namin ni Cheska na webnovel na kasalukuyan naming pilit na inaabangan, yun lang naman ang...

The Knight with Dragon Tattoo

Dibaaaaa... ang cheesy ng title, wag niyo na pakialaman, maganda yung story pramis! Though Di Siya Yung pang BOX OFFICE na story, masyado kaming naabsorb sa Kung SINO BA TALAGA ang Knight with dragon tattoo. Like nag e-exist ka ba or imagination ka lang ng bida, However, dahil sa bruhang Chiska na prove ko na totoo siya as per the author.

.
.

"Lolo luto na po, Kain na Tayo!" sigaw ko

Sabay lapag ng tuyo sa lamesa at nag timpla Ng kape sa lababo... oo lababo, andun malapit Yung ingredients eh.

"Sige, tapusin ko Lang itong winawalis ko."

"Lo, tulungan nalang kita niyan mamaya, manlalamig yung kape!"

.
.

Ahem.

Yung story pala ng The Knight with Dragon Tattoo ay story about Sarrah Daisy Lavinia Ziavida, isang long lost princess from other dimension na nakatakdang magliligtas sa kaharian Nila. So syempre ang setting is nasa Earth siya as ampon, inaapi, basta imagine niyo yung mga bida sa Kdrama na sinalo lahat ng kamalasan sa buhay tapos i-re-reveal na sheeeettt PRINSESA siya at taga ibang dimension pa, basta ganun na vibes...

Since cliche nga... Nung nalaman ng mga kontrabida na si Sarrah ang long lost princess ay nagpadala sila Ng mga alipores para patayin siya sa start ng story, NGUNIT oo malaking NGUNIT! Niligtas siya ni Mr. Knight with dragon tattoo at dinala siya sa place kung saan siya nararapat, taaaarraaaaayyyy... I mean dinala siya sa original dimension niya, well sa kabutihang palad hindi siya namukhaan ng ating Bida kaya may kwento akong kinakaadikan ngayon. Wahaha. actually yun talaga nag dala, kasi hindi matatahimik ang mga kaluluwa naming readers hanggang walang knight with dragon tatto reveal.

So well, after that kahit nasa ibang dimension na siya, desidido parin ang author na pahirapan ang buhay niya, so marami siyang struggle na hinarap from bullies to killers oo PATAYAN dhay, but dun pumasok sa eksena ang apat na nag ga-gwapuhang nilalang na handang ialay ang kanilang buhay sa bida, por the F4 yaaarrnn?? edi sana ol. Ngunit, ang ating Bidang hibang, ay di parin MAKA MOVE ON Kay koyang may dragon tattoo, Kaya ichapwera Yung mga gwapong gagu. Hay nako! ako Yung na fu-frustrate magbasa. Eh team Crown Prince ako! Siya yung green sa green flag! Kung ayaw mo akin nalang teh.

.
.
.

*Blaaagggg

SHUTA! gulat naman ako dun, ano ba kasi yun, sounds like nahulog na Pinggan... wait Huwag mong sabihing...

.

.

*Meow - victory meow

"Anak Ng p*tang gala! Bumalik Ka dito! Tuyo ko Yan!" Sigaw ko sabay habol sa Pusa palabas Ng bahay papuntang kalsada dala ang walis tambo.

"Bumalik Ka Di..."


*PEEEEEEEEEPPPPPP


Ah...

Truck-kun?


"LIGAAYYAAAAA!!!" sigaw ni Lolo habang hinahabol ako

Sorry Lolo

.
.
.
.
.
.
.
.
.

Bawi nalang ako next Life...

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

*BAAAAAAAAAAAAMMM!!!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Uwaaaahhh!!"

"Uwaaaahhhh!!"

"Waaaahh!!"

Urrrgghhh... shet...

Buhay pa ako? LUH grabe ah, masamang damo talaga ata ako...

"Uwaaaahhh!!"

"Uwaaaahhhh!!"

Teka, kaninong baby yan ang ingay paki MUTE nga please... saka nasagasaan ako ng truck huy, gusto ko lang mag recover ng fast dahil for sure wala kaming pambayad sa hospital bills. Saka Nasan ba ako ngayon? Asan si Lolo? bat pinabayaan niya ng mag isa ang kanyang lovely apo. Bakit ang bigat ng ulo ko. 

.

.

.

"Tanya..." voice ng unknown creature

Sino to? Bakit ang labo mo bro di kita maaninag, naapektuhan ba ng impact ang mata ko? Saka, sinong Tanya? Titania ako Gagu.

"Awawawuuu" ako
.

.

.

Huh?

.

.

.

Ba't ganito boses ko? PARALISADO BA AKO? Damage din dila ko? Bakit parang di ko boses....

"Kain na Tanya..." voice ng same unknown creature

"Awawawuuu" ako ulit, shuta di ko talaga boses to, bat parang boses ng bata?

"Awawawuuu" ako parin, di pa ako convinced kanina na ako nga, boses bata talaga more like BABY?!

"Tanya..." voice ng same unknown creature

Di nga ako si Tanya pisti! Teka nga bat ba ang labo talaga ng paningin ko? so minulat-mulat ko ang mata ko para luminaw ang paligid.

.

.

.

HUUUUHH?!!!!!

TAAAAEEEEEEENNNNNAAAA HEGAAANTEEEEE!!!!!!!

Attack on Titan ba to? BAKIT MAY TITAN?!

"Awwaaaahhhh!" sigaw ko sa gulat... sabay taas ko ng kamay sa takot! OKEY NA AKO MAMATAY DAHIL SA TRUCK! INUULIT KO OKEY NA AKO SA TRUCK!!! Ayokong makain ng buhay!

Wait... kalma self... bigla kong nakita ang kamay ko.

Bakit ganito ang kamay ko? Ang chubby at ang smol ... parang BABY!!??

Teka nga muna, baby hands...

"Awwwwuuuu"

Plus baby talk...

at Titan...

.
.

What the f*ck? Nag TIME TRAVEL ba ako sa pagkababy???

"Tanya Meldytte Kain na"

Tanya Meldytte? Di nga ako yuuun!

Bakit niya ba ako tinatawag na Tanya?

.
.
.

Hm?

wait lang parang familliar yung name...

Tanya... Meldytte... daw?

Hmmm....

Teka.

Teka lang muna.

Wait...

...


TANYA MELDYTTE ba kamo??? 

undefined

.
.

HINDI BA YUN YUNG PANGALAN NG KONTRABIDA #2 NA NAMATAY SA WEBNOVEL NA BINABASA KO????

Anong nangyayari dito??? 

Temo_chan Creator

Sana naintindihan niyo ... magulo ako mag kwento.