There will be days you will look back at a chapter of your life.
A journey of happiness and sadness.
A memories;
Love,
Pain,
Acceptance,
and Healing.
It is true that nothing hurts more than to the 'unsaid feelings' and never ending 'what if's'.
A regretful past you wanted to begin again, end, or have a closure.
Unfortunately, you never had a chance to...
Cause chances are for those who deserve it.
-----
"What if pala naging tayo noon no?" matapos sabihin iyon ay kinuha niya ang isang stick ng yosi na kanina pa naka-ipit sa kanang tainga niya. Agad ko namang inilabas ang lighter at sinindihan iyon. Tumitig pa siya nang diretso sa akin bago humigop ng hangin. Mahinhin akong natawa at napailing pa sa reaksyon niya.
His eyes seem so cheerful.
"Edi hindi mo makikilala si Khym kung naging tayo?" Itinago ko ang lighter sa maliit na purse na dala ko at sunod na kinuha ang snifter glass sa ibabaw ng kotse ko, marami pang laman iyon na rum dahil kakakuha ko lang non mula sa loob.
Narito pala kami Jhay sa parking lot, nagpapahangin lang dahil kakatapos lang ng program sa wedding reception. Halos lahat naman ng bisita ay abala sa pagkain at kanya kanyang nagkukwentuhan, ang iba naman ay nakikipag-usap sa bride.
"I'm just joking." he chuckled. May dala rin itong sariling alak, rum glass naman ang gamit nito.
"I know, by the way congratulations on your wedding." I offer a toast for him. I knew that he was just joking about those 'what if's". Tsk.
"Thank you for hosting my wedding, Jam." Sabi niya habang malapad na nakangiti at nakatitig muli sa akin, inilapit pa nito ang rum glass sa snifter glass ko. A toast of acceptance.
"Of course, akala ko nga hindi mo ko i-invite sa kasal mo eh. Haha! Akala ko galit ka pa rin sa aking kupal ka. Haha!" pareho kaming natawa. Ganito kasi kami noon.
"Hey TOTGA couple! What are you two doing here? At ano namang pinagtatawanan niyong dalawa?" nanggaling sa likod ko ang boses na iyon kaya agad ko siyang nilingon.
"Bryan! TOTGA couple ka diyan? Baka mamaya may ibang makarinig sayo, ay ayoko ng issue ahh." I take a sip on my snifter glass. Humagod agad sa lalamunan ko ang init ng rum. A taste of bitter truth.
"Oyy, biglang napainom! Haha! Wala namang mali sa sinabi ko ahh?" pang-aasar pa ni Bryan sa akin. Napabuga naman ng maraming usok si Jhay habang nakangisi.
"G*go ka talaga!" sabi ko na lang at nagtawanan na lang kami.
Bryan is one of our college friends. Batch mates kami but his from engineering while us is from tourism. Naging magkakaibigan kami dahil sa online games at siya ang masasabi kong saksi ng lahat ng nangyayari sa amin ni Jhay nung college.
"Bro, congratulations again! I thought hindi ka mag-aasawa after you and Jam separated..." malakas talaga mang-asar itong si Bryan. Ilang years na rin pala kaming hindi nagkita at nagkasama ng ganito. Naging busy na kasi kami sa kanya kanya naming buhay after graduation.
"Saan naman galing yan? Ni hindi nga naging kami ni Jhay noon! Haha! Tsaka di ko maalalang nanligaw siya sa akin, Haha! Magkaibigan lang kami nitong kupal na to'." Depensa ko sa sinabi ni Bryan.
Totoo naman, we are just close friends. Best of friends? I guess? Hmmn... I'm not sure anymore.
"Oo, akala niya kasi noon di ako nanliligaw sa kanya. Slow kasi itong si Jam. Naging M.U. kaya tayo dati kaya lang ayaw mo lang ng label. Haha! Kaya ikaw Bry, maging 'direct to the point' ka sa dito ha. Super slow kasi yan! Haha!" hindi ko inasahang sasagot si Jhay.
"Hoyy! Talagang pag-uusapan natin rito yan? Sa araw pa talaga ng kasal mong kupal ka? Haha! Umayos nga kayo!" dinaan ko sa biro, bigla akong nakaramdam ng 'awkwardness', hindi dahil we have a thing before but because I respect her bride, Khym.
Iniba ko na lang ang usapan namin, puro mga kalokohan namin noon nung college days, mga bagay na akala namin magagawa pa namin kahit matapos ang graduation namin tulad ng online games, pag-gagala or pagtambay sa bahay ng bawat isa. Yung akala kong hindi mababago.
Ang sarap alalahanin ng nakaraan pero di na pwedeng balikan. Sana may rewind ang buhay.
Maya maya lang ay naubos na ni Jhay ang iniinom niya pati ang yosi, nagpaalam na ito na bumalik sa loob para asikasuhin ang mga bisita na kausap ng misis niya. Tinanaw ko pa ang paglapit niya sa kanyang bride, niyakap at binigyan ng halik.
"How long will you hurt yourself, Jam?" sandaling napakunot noo ako sa tanong ni Bry. Hindi ko siya tinapunan ng tingin, nanatili ang mga mata ko kila Jhay at Khym.
He slightly knocks on my car, para kunin ang atensyon ko kaya napalingon na ako sa kanya.
He's always trying to get my attention. Again.
Napailing ako nang maalala ko ang sinabi niya kanina.
TOTGA. The One That Got Away.
Maybe?
Back in the day, Jhay and I couldn't ever separate. Our circles are always saying that we're meant to be together. We have deep understanding for each other, the same sentiments, the same hobbies, and almost everything else. Label na lang talaga ang kulang sa amin dahil daig pa namin ang mag-jowa.
We even promise ourselves that we will fulfill our dreams together. Pati nga pagpapamilya napag-usapan at naiplano na namin noon, bagay na hindi alam ng iba naming kaibigan maliban kay Bryan.
Naglabas ng yosi si Bryan mula sa bulsa ng coat niya. Ilalabas ko na sana ang lighter ko at sisindihan ko sana iyon pero pinigilan niya ako.
"I'll never smoke in front of you, may hika ka kaya." Wow, he still remembers that.
"Eh bakit naglabas ka ng yosi?"
"Eh sa gusto ko lang ilabas. Ikaw nga eh, lagi kang may dalang lighter kahit di ka naman nag-yoyosi." inilagay niya ang yosi sa may tainga niya. "Alam naman ni Jhay na may hika ka pero hinahayaan mo siyang mag-yosi sa harap mo. Tsk, masyado kang obvious alam mo ba yon?" halata ang inis sa tono niya.
"Alam mo, wala tayong matinong conversations. Haha!" tinawanan ko na lang siya. I tried to lighten the mood. Kapag ganito na kasi siya nagsisimula na naman kaming mag-away.
Kung kami ni Jhay noon ay laging magkasundo, kami naman ni Bry ay opposite. Para nga daw kaming aso't pusa nito. Kahit kasi maliit na bagay ay kaya naming pag-awayan.
"You still love him, don't you?" natahimik ako sa sinabi niya. Nawala ang ngiti ko na kanina ko pa suot.
"You even host his wedding..." Ito na naman siya, sinusubukan ako.
I took a sip again, saka malalim na napabuntong hininga.
"You know, you can't drink."
"Why not?!" di ko napigilang mapasigaw ng bahagya. Parang ang ikli talaga ng pisi ko pagdating kay Bry. Hindi dahil magaling siyang mang-asar, kung hindi dahil lagi naman talaga siyang tama.
"Cause you're driving later? You're still not answering my questions, Jam." napipikon na ang itsura nito. Masama ang titig niya sa akin, para bang gusto niya kong magising sa katotohanan.
"Why'd you keep trying, Bry? Kahit nga siguro di mo itanong yan sa akin eh alam mo na ang sagot." I intently looked at his eyes.
"Cause I want you to see me..." napayuko ito. He softened a bit. Dahil don ay ikinalma ko ang sarili ko. Lumapit pa ako sa kanya. Close enough to see his face.
Mukhang naniwala ito kay Jhay na slow ako, na sobrahan ata sa pagka-'direct to the point' itong si Bry. But I don't want to give him a false hope.
"You know me well, Bry..." I paused to give him time to grasp the situation. "... I'm still not ready for this." I rejected him once again.
"Why'd you still hard on yourself, Jam." hinawakan nito ang kanang pisngi ko. Mariin naman akong napapikit at dinama ang init ng palad niya. He's comforting side makes me weak.
"I apologize for coming into your life, Bry. Pasensya ka na kung hindi ako kasing tapang mo..." Now I can't stop the tears that run into my cheeks.
Si Bryan na lang talaga ang nasa tabi ko pero pinagtutulakan ko pa palayo.
Nine years had passed but he's still there for me.
Patiently waiting.
Bakit nga ba hindi na lang ikaw Bryan?
For nine years I'm still in love with the same person. Longing and barely hoping. At isang kat*ngahan ang ginawa ko ngayong araw. Yes, I attended and hosted his wedding. Why? Just to make myself realize that I had to stop hoping.
Na baka sakaling mawala itong nararamdaman ko kapag nasaksihan ko mismo ang taong mahal ko na may mahal ng iba.
Ayoko na rin kasi talagang umasa.
Pagod na kong umasa.
I know I've been unfair to Bryan for so many years.
"Sorry for hurting you again. Sorry for breaking your heart, Bry." He suddenly hugs me while I'm apologising and I just let him do that because I don't know how to ease his feelings right now. Alam ko ang sakit ng hindi nasusukliang pag-ibig.
"You should understand my pain too, Jam. This might not be the right place and time, but I think you should tell him..." He was speaking about my unsaid feelings for Jhay. Before, I was too conceited to be okay with being apart from Jhay.
"I can't..."
"You have to."
"Para saan pa, Bry?! Para mas lalong durugin ang sarili ko?" kumalas ako sa pagkakayakap niya.
"Oo! Siguro nga mas kailangan mo durugin o basagin ang sarili mo, Jam! Para maka-move on ka na. Alam mo, pareho naman kayong nagmahalan at nasaktan noon eh. Ang pinagtataka ko lang bakit hindi niyo kasi sinubukan? Bakit hindi naging kayo? Ano bang naging problema niyo nine years ago?" mahabang litanya ni Bry sa akin.
This time ako naman ang napayuko at marahang pinunasan ang patuloy sa pagdaloy na luha ko. Nauulit na naman ang nangyari noon, ipinagtulakan ko rin si Jhay palayo sa akin. Naalala ko pa ang huling sinabi ni Jhay sa akin, sa mismong araw ng graduation namin.
"Kailan ka magiging handa para sa akin, Jam? Kailan mo aamining mahal mo rin ako?! Kung ayaw mo sa akin sabihin mo na agad! Hindi yung pinapaasa mo lang ako!"
Those lines hit me hard, nagpaulit ulit yon' sa utak ko na parang sirang plaka. Sa akin lang kasi umiikot ang mundo niya noon, at sa lahat halos ng bagay o desisyon niya ay lagi akong kasama. Kaya natakot ako. He's too dependent. Napagdesisyunan kong ipagtulakan siya palayo.
I overthink.
Natakot akong maging mundo niya.
Nasaktan rin ako sa desisyon ko dahil ako ang rason ng kalungkutan niya.
Noong panahong iyon ay nalulunod rin ako sa kalungkutan. Hindi ko nasabi sa kanya, hindi ko siya nabigyan ng pagkakataon na samahan ako madilim kong mundo.
Ang nasa isip ko kasi ay kaya ko namang mag-isa.
Kakayanin ko at hindi ko siya idadamay sa kung ano mang tumatakbo sa isip ko.
Though I'm hurt, but he's pained beyond measure too.
"Ako ang may kasalanan noon, Bry." Nagulat ako ng pagharap ko sa kanya ay nasa likuran na niya pala sila Jhay at Khym. Dahil don ay nataranta ako.
"Let's just stop here..." akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ko ng pigilan ako ni Bry. Hindi ko alam kung hanggang saan ang mga narinig nila pero ayoko nang patagalin pa ang pananatili ko doon. Baka kasi magkagulo lang at kung ano pang isipin ni Khym.
Babae ako, at maiintindihan ko kung magagalit ito sa akin dahil sa nangyayari ngayon sa mahalagang araw niya.
"No, Jam. This is your time to explain yourself. Bakit ba lagi mo na lang tinatalikuran ang lahat?!" pagpupumilit ni Bryan.
"Please, Bry..." I'm begging.
"Don't let her go, Bry. Don't make the same mistakes I made in the past." sabi pa ni Jhay.
Ano bang gusto niyang mangyari?
"Khym knows everything about our past, Jam. She let me invite you to our wedding for us to get reunited and have closure." napatingin ako kay Khym. I envied her more.
"We're adults now, Jam. Hindi ako galit sayo o kung ano man. All I want is for us to go on to the next chapter of our lives, free of any baggage from the past. And praying and hoping that you would be the same as well," her sincere smile affirms that she's saying her truths. Kaya siguro siya minahal ni Jhay dahil malakas ang loob nitong harapin at tanggapin ang nakaraan namin ni Jhay.
"It's still my fault, Jam. I let you go miserable alone. You think I didn't know, but I'm aware of everything, Jam. And I'm sorry for letting you through that." dagdag pa ni Jhay.
"Okay..." bumuntong hininga pa ko dahil di ko na maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maipaliwanag dahil hindi sumagi sa isip ko na mangyayari ito.
I've been waiting for this opportunity to come. A final chapter for us.
Bryan has been my great listener from the start until now.
Jhay is my great love that I lost.
"I'm sorry for making everything complicated." As I started to express my feelings, I realized that this could be the end of what I still have with them. Nanatili silang tahimik at nakikinig lang sa akin.
"I realized it wasn't anyone's fault at all. I just loved you for a long time." I paused and looked straight at Jhay, then my eyes turned to Bryan. "And I just took you for granted."
Napayuko at napangiti ako habang patuloy pa rin ang pagdaloy ng mga luha ko.
"Not everyone will have this opportunity. I'm glad that I finally said this in front of you guys. I am very sorry..." patuloy ko pa kahit humihikbi ako habang nagsasalita.
"Maybe, when destiny's allow it, I hope I can see and love the way you loved me, Bry. And for you, Jhay, I wish you well and have a happy life with her. Again, I'm sorry. I am very sorry for causing pain to you both." Pagkatapos kong sabihin iyon ay pumasok na ko ng kotse ko, hindi ko na hinayaan pang pigilan ako ni Bry. Sinimulan kong paandarin ang kotse ko at tuluyang umalis na sa lugar na iyon.
This is how it felt?
Mixed emotions.
Happy-sad?
Pained.
Loved.
Maybe we were meant to be a lesson to each other.
I can't be with Jhay because he has Khym.
I can't be with Bry because I am still lost.
I don't want to give him a love that is not yet healed and whole.
Is this a goodbye?
Goodbye to the ones I once loved.
Goodbye to the love I once had.
I can't stop crying and thinking about how I ended up alone.
Mabilis ang pagpapatakbo ko sa kotse ko, hindi ko namalayan na nasa crossroad ako at saktong pag-ilaw ng red traffic lights.
A light blinks on my side in an instant, and after a few seconds, all I hear is the loud screeching sound of my car.
A truck hits my car.
I can't feel my body, but my heart is still in pain from what happened earlier.
Unti unti akong nawawalan ng lakas. Mukhang napagod na rin ang mga mata ko kaya napapikit na lang ako.
"Call ambulance!"
I heard Bryan's voice, "Jam! Jam! No! Wake up, please!" I tried to open my eyes, pero wala na talaga akong lakas.
"I'm sorry, Bry." I tried to utter those words, though I'm not sure if he heard me.
See you in the next chapter.
There will be days you will look back at a chapter of your life. A regretful past you wanted to begin again, end, or have a closure. Unfortunately, you never had a chance to... Cause chances are for those who deserve it.