Tanging mga mahinang pagbulong lamang ng mga saksi at mga dumalo sa anunsyong isinasagawa sa plaza ang bumabalot sa paligid. Ngunit ang mahihinang huning ito’y tuluyang naglaho nang tumindig sa entablado ang prayle kasama ang mga Indiong(Pilipino) nakagapos ang mga kamay gamit ang makapal na lubid.
“Estos indios son revolucionarios y traidores a España” Wika ng prayle habang binabagtas ang kalakihan ng entablado.
TRANSLATION: “Ang mga indyong ito’y mga rebolusyonaryo at mga taksil sa Espanya.”
Hindi na ikinagulat ng mga dumalo sa anunsyo ang binanggit ng prayle dahil ito ay panahon ng himagsikan. Ngunit bakas sa kanilang mga mukha ang magkakaibang pananaw sa isinasagawang anunsyo ng prayle. May iilang natakot, dahil sila ay di hamak na indyo rin na hindi malayong masangkot at maituring na kasapi ng rebulosyon. Ang iba ay naaawa sa kapwa nilang Pilipino, ngunit may iilang nagalit dahil ang paghuli sa rebulosyonaryo ay indikasyon na nangingibabaw pa rin sa kapangyarihan ang Espanyol sa kanilang sariling bayan.
“Es la una y media de la tarde” Tumigil sa paglalakad ang prayle
TRANSLATION: 1:30 ng hapon
“En el nombre de Dios, estos indios son sentenciados a muerte por los medios de garrote” Wika ng prayle habang naghahandang bumababa sa entablado.
TRANSLATION: “Sa ngalan ng Diyos, ang mga indyong ito’y hinahatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng garrote”
Main Character’s POV
Unti-unti nang nawawalan ng malay ang indio, hindi na nito nararadaman ang sakit na dulot ng garrote habang dumidilim ang paligid tanging huling paghinga niya na lamang ang kaniyang naririnig.
ITUTULOY…