G.T.C. Labaratory...
Ipinatawag ng GTC Empire, ang mga kilalang personalidad, pati na ang mga official ng gobyerno at mga sangay ng militar, para ibahagi ng Golden Tiger ang isang makabagong combat suit na ginawa nila.
Isa na dito ang Gamma....at sa pangu-nguna ni General Brian Tavarez... sinalubong siya ng isa sa mga bagong presindente ng kumpanya na si Benedict Kieth Ong...ang panganay na anak ni Benjamin Ong...
KIETH: Ikinagagalak kong makarating ka sa presentation na ito, General Tavarez...
GEN. TAVAREZ: Maraming salamat sa pag-anya-ya...curios talaga ako kung ano ang kakayahan ng sinasabi niyong saiga project...at kung kaya nitong lagpasan ang technolohiya ng Gamma.
KIETH: Come on...it’s 2035, na lampasan na natin ang mga iba’t ibang sakuna, pati na ang pandemya na dumating sa atin...ngayon oras na siguro para mag-upgrade.
GEN. TAVAREZ: Kung ganon, pangunahan mo Mr. Ong...
KIETH: My pleasure General...come this way!
At sumunod si General Tavarez sa hall upang ipakita ang demonstration ng pinakabangong combat suit.
Ngunit habang sila ay nag-lalakad, ay natanong ni Kieth kung kumusta na ang kaniyang asawa na si Dr. Celistina Ranna Tavarez...
KIETH: Siya nga pala, kumusta na ang asawa mong si Celine? Balita ko na promote na siya bilang director ng megatro hospital...
GEN. TAVAREZ: Ah...matagal na niyang pinapangarap yun...pero ngayon tila ata nag-bago na siya ng pananaw...kung dati pursegido siyang makamit ito, ngunit ng dumating anak namin...kahit sa mga simpleng bagay lang sinasabi niyang masaya na siya, at hindi na kailangan ng iba pa.
KIETH: Mukang naging malaking impluwensiya niya sa iyo...kung dati inaalok ko siyang mag-karoon ng posisyon dito, pero ngayon mukang malabo na talaga.
___________________________________________________________
At sa loob ng lab...naupo si Gen. Tavarez para sa mas malapitang pag-saksi sa ginagawang presentation ng G.T.C.
KIETH: Ladies and Gentlemen...nais ko muna mag-pakilala sa inyo, ako ang siyang bagong C.E.O ng G.T.C Enterprises...ako si Benedict Kieth Ong...at narito tayo ngayon...para saksihan ang siyang makabagong technolohiya, na siyang p-protekta sa mundo, at sa bansa natin laban sa kahit na sinong nais manakop sa mapayapang lupain ng perlas ng silangan. Ito ang lalagpas, at mag-mamana sa iniwang alamat ng Gammaranger.
Sumenyas si Kieth sa kaniyang mga tauhan, upang ilabas ang mga na sabing suit...at ilang saglit pa ay tumambad na sa kanila ito. Na ikinamangha ng iba.
WOOOAAAAHHHH
GEN. TAVAREZ: Kakaiba...
KIETH: Ito ang prototype ng Project saiga na nilikha ng ama ko, ilang taon na ang nakakalipas...at ngayon nasa tamang panahon na tayo, para gamitin sila...ang bawat isang suit na ito nag-tataglay ng tesla plasma reactor, upang mas mailabas ang kapasidad ng sino mang user...pamula 0 to 100%.
Habang patuloy ang pag-sasalita ni Kieth, ay siya namang isang mysteryosong nilalang ang siyang nag-tatangka na isabutahe ang naturang presentation.
_____________________________________________________________________
KIETH: Para ito sa ating kinabukasan natin lahat...anong mang araw ay isasagawa na ng G.T.C ang kanilang pag-mamass produce ng Saiga suit...pamula sa kapulisan at mga militar, asahan niyo ang mas matindi pa nating pag-nanasa para sa mas magandang kinabukasan....
At nang matapos ang pag-sasalita ni Kieth Ong, ay siyang nag-bigay ng masigabong palakpakan ang ibinigay sa kaniya...
CLAP!-CLAP!-CLAP!
Pero ilang sandali lang ay...
NILALANG: Showtime!
Tila natapos na ang nilalang sa kaniyang binabalak, at ito ay ang pag-upload ng isang computer virus na siyang nag-activate sa lahat ng combat suit na nasa presentation stage...na ikinagulat ng lahat ang mga sumunod na nang-yari.
KIETH: Anong nang-yayari? Bakit nag-activte ang lahat ng prototypes!?
SCIENTIST: Sir, merong nag-upload ng isang virus sa lahat ng main system natin...hindi ko na magawang makontrol ang lahat ng combat suit!
KIETH: Ano!
At ilang sandali pa ay gumawa na sila ng kaguluhan sa buong lab hall...
BRATATATATATATATA
AAAHHHHHHHH
Nag-sipag takbuhan ang mga tao sa loob ng hall, dahil sa kaguluhan, ang iba ay namatay at ang iba naman ay nasugatan...
Dumating ang mga security team ng G.T.C para pigilan ang kaguluhan...at habang patuloy ang kaguluhan, ay siya namang kumilos ang naturang nilalang, at lumapit ito sa stage habang prinoprotektahan naman ng mga tauhan niya si Kieth Ong.
GEN. TAVAREZ : Protektahan niyo ang lahat ng nasa loob ng lab----
Habang nag-uutos si Brian sa kaniyang mga tauhan ay inatake siya ng isa sa mga suit, ngunit mabilis niya itong naiwasan, at saka nilabanan. Ibinalibag niya ito, at saka winasak....
BAAAAAAMMMMMMMMMM
Nakita ni Brian ang mga proto suit na siyang nag-babalak kila Kieth Ong.
GEN. TAVAREZ: President Ong!
______________________________________________________________
Habang siya ay nag-tatago, ay biglang bumungad sa kaniya ang responsable sa lahat ng kaguluhan sa loob....
NILALANG: Kumusta na, Benedict Ong....
KIETH: S-Sino ka!?
NILALANG: Mukang nakalimutan mo na ako...nakaka-sama ka naman ng loob.
Tinangal nang nilalang ang kaniyang coat, at ilang sandali pa ay bumungad sa kanila ang tila isang metalic warrior na siyang ikinagulat ni Kieth...
KIETH: I-Ikaw isa kang...!
NILALANG: Ito na ang oras ng paniningil ko sa iyo!
Inilabas nito ang kaniyang beam saber, at akmang tatapusin si Kieth Ong...pero mabilis na sumaklolo si Brian para tulungan ito...
BANG!-BANG!-BANG!
GEN. TAVAREZ: President Ong! Ayos ka lang ba?
KIETH: General!
NILALANG: Gamma...ang pinag-lipasan ng panahon, hindi na dapat kayo nakikielam sa bagay ito...dahil wala na kayong puwang dito!
Biglang bumilis ang kilos ng naturang nilalang, at ilang sandali pa ay....
SLLLLAAAASSSSSSSSHHHHHH
GEN. TAVAREZ: EEEERRRRRR....a-anong ginawa niya...
Isang napakabilis na kilos ang ginawa ng nilalang, at nasugatan nito si Brian sa katawan....at pag-katapos ay kinuha ng Nilalang ang ilan sa mga data files ng Saiga Project...
KIETH: Sandali! Ibalik mo iyan!
NILALANG: Mag-kikita muli tayo, Ong...asahan mo ang pag-babalik ko!
Tila isang pag-yanig ang naganap, hanggang sa mawasak ang bubungan ng G.T.C. Hall, at isang higanteng kamay ang siyang dumampot sa nilalang, at saka ito umalis ng tuluyan dala ang naturang mga data file ng project saiga....
KIETH: Tch...General...ayos ka lang ba?
GEN. TAVAREZ: Ayos lang ako...pero sino ang lalaking yun? Anong pakay niya sa mga Saiga suit...
Napatingin nalang sa kalangitan si Kieth matapos ang mga pang-yayari.... at inisip kung sino ang siyang may sala ng lahat.
___________________________________________________________________
1 year later...
Megatropolis city...ang itinuturing tiger city of Asia, ang sinasabing pinaka malinis at maunlad na siyudad sa buong asia at pilipinas. At katuwang dito, ang pag-gamit nila ng makabagong teknolohiya na kung tawagin ay tesla plasma, isang uri ng unlimited power source. Na hindi na kailangan pang gumamit ng mga fossil fuels at mga ibang elemento na siyang nakakasira ng kalikasan....at ito ay itinatag ng nag-iisang ama ng Golden tiger Empire, na si Benjamine Ong, na kalaunan ay pumanaw na.
At dito rin sa siyudad na ito, uusbong ang siyang bagong kabanata ng mga taga pag-mana...
Fonseca residence.....
WOOF! WOOF! WOOF!
Isang husky ang siyang bumabatok sa isang babaeng nakahiga parin hanggang ngayon sa kaniyang kama, ngunit hindi niya pinansin ang ingay na ginagawa ng kaniyang alaga...at ang babaeng ito ay walang iba kung hindi si Anya...ang isa sa kambal ni Abby at Jake.
ANYA: Ano ba blade...huwag ka munang maingay...katutulog ko lang!
WOOF!-WOOF!-WOOF!
Nag-patuloy sa pag-batok ang alaga niyang si Blade...hanggang sa pumasok na si Abby sa kuwarto nito.
ANYA: Blade!!!
ABBY: Hanggang anong oras ka pa hihiga diyan!?
Tila nakaramdam ng takot si Anya ng makita na niya mismo ang Mama niya...
ANYA: M-Mama...
ABBY: Bumangon ka na diyan, may pasok ka pa...
ANYA: O-Opo...
______________________________________________________
-katapos sermonan ni Abby ay, bumaba na ito at nag-tungo sa dinning room nila...at dito binati naman siya ng kaniyang bunsong kapatid ng magandang umaga.
CALEB: Ah...Magandang umaga sa iyo Ate Anya...
ANYA: Good morning Caleb....YAAAWWWNNNN
CALEB: Mukang antok ka pa ata Ate...diba may pasok ka pa ngayon.
ANYA: Ayaw ko nga pumasok ngayon, medyo masakit ang katawan ko. Ito naman kasi si Blade pahamak.
WOOF!-WOOF!
ABBY: Hindi ka puwedeng hindi papasok, may responsibilidad ka sa School...at ayaw kong baliwalain mo yun...
CALEB: Good boy Blade...(Inubos na ang kinain) Mama, kaya na po muna ang bahalang mag-pakain kay
Blade, papasok na po ako!
ABBY: Sige mag-ingat ka anak....
CALEB: Sige po!
At umalis na si Caleb para pumasok sa Megatropoli Junior High....
ABBY: Mabuti pa itong si Caleb, alam ang kailangan gawin....
ANYA: Oo na...daig narin ako ni Caleb...
ABBY: Anya, hindi ganyan ang gusto kong makita sa iyo, ang sa akin lang...gusto lang namin na maging responsable ka sa sarili mo at sa mga bagay na kailangan mong gawin, ayaw ko na napag-iiwanan ka parati...at saka hindi naman ako nag-babawal sa kung ano ang gusto mong gawin...diba...yun lang ang hiling ko sa iyo.
ANYA: Pasensiya na Mama...
ABBY: Haayyy...mag-kaiba nga kayo ng kapatid mo...kahit na medyo tamad si Drake, responsable naman siya pag dating sa dapat gawin...ikaw ewan ko ba sa iyo, manang-mana ka lang talaga sa Papa mo.
ANYA: Si Mama naman...alam ko mag-kaiba kami ni Drake, pero hindi naman niya ako kagaya na introvert...Sandali...nasaan na ba yun?
ABBY: Pumasok na siya, dahil may trabaho daw siya sa school...diba may trabaho ka rin sa disciplinary office niyo? Kaya hindi ka puwedeng umabsent...
ANYA: Hmmpp... Oo na...(Kumain ng pandesal)
______________________________________________________
METROPOLI HIGH...
Isa sa kilala at tanyag na paaralan sa buong pilipinas. Na pag-mamay-ari ni Benjamin Ong...dito sinasanay ang lahat ng kabataan mula sa elementary hanggang senior high upang maging bihasa, sa iba’t ibang larangan...at dahil sa magandang reputasyon nito, at sa oras na mag-tapos sila ay mismong oppurtunidad na mismo ang lalapit sa kanila sa career na ninanais nila, kabilang na ang mga kilalang unibersidad na gusto nilang pasukan.
At sa kasalukuyang….gumagawa sila ng tribute para sa Gammaranger, na siyang nag-ligtas sa mundo noon.
Dalawang dekada na ang nakakaraan…at sa may bandang sulok, isang lalaki ang siyang naka-tayo, at pinag-mamasdan ang VTR, habang kumakain ng kaniyang hotdog sandwich.
Siya ay walang iba kung hindi si John Drake Foncesa…ang panganay na anak nila Jake at Abby, at kakambal ni Anya.
Sa kasalukuyan ay nakapag tapos na siya ng high school sa edad na sampu...at grumaduate naman siya sa harvard university sa edad na 15 at may apat na degree sa physic, math, engineering, biological science at naging summa cum laude ito... itinuturing isa sa mga kagaya niya na advance gift ng henerasyon nila...na minsan lang sumibol sa loob ng isang daan taon.
At habang kumakain ay tinawag naman siya ni, Alice…ang kasalukuyang principal ng eskuwelahan.
ALICE: Professor Fonseca….
DRAKE: Ma’am Alice…(Kaagad inubos ang kinakain)
ALICE: Nadito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap….sandali ano bang ginagawa mo dito?
DRAKE: Wala naman po, tinitingnan ko lang ang VTR na iyan…
ALICE: Ang Gammaranger? Bakit hindi pa ba naikuwento sa iyo ng mga magulang mo ang pinag-daanan nila, para lang matapos ang Axis empire…
DRAKE: Wala akong pakielam sa mga bagay na iyan, ang hindi ko lang maintindihan, bakit kailangan nilang gumamit ng limang kulay, para lang matawag na isang groupo…I mean nasaan ang logic do’on…puwede naman silang tawagin bilang Gammaranger kahit wala ang mga color coding, diba?
ALICE: May punto ka naman sa sinabi mo…pero ang bawat kulay na iyan, ay may inirerepresenta sa bawat miyembro…malalaman mo yun pag-dating ng tamang panahon, sandali…may balak ka bang maging ranger kagaya ng mga magulang mo?
DRAKE: Huh? Huwag nga po kayong mag-patawa, sino naman ang may gustong maging ganyan, sabihin na natin isa ako sa mga gumagawa ng sikretong proyekto para sa kompanyang ito, pero wala akong balak na mag-suot ng armor…Oo, nagamit ko ang iba sa trial, pero hanggang do’on nalang yun…mas pipiliin ko nalang maging isang game developer, kesa sa maging ranger. Sakit lang sa katawan yan…
ALICE: Haaayyy…bata ka pa nga rin kung mag-isip…pero kung yan ang gusto mo, hindi ka naman siguro pinipilit ng mga magulang mo...siya nga pala…kumusta na ang phase 2?
DRAKE: Heto po…
Ibinigay ni Drake ang data ng phase para sa kanilang proyekto…
DRAKE: Tapos ko ng gawin, i-uupload nalang ito sa mismong suit…nagawa ko narin ang formula para sa phase 3 para sa tesla core, ano mang araw puwede na silang gamitin.
ALICE: Magaling…maaasahan ka talaga----
Habang nag-uusap ang dalawa ay, meron silang narinig na sigaw…
HANGGANG DIYAN NALANG KAYO!
ALICE: Ano yun?
DRAKE: Anya?
__________________________________________________________
Ito ang sigaw ni Anya, sa mga estudiyanteng gumawa nanaman ng gulo sa kabilang paaralan. Nag-tatakbo ang mga ito, para takasan ang head ng disciplinary team.
Ang mga naturang estudiyante ay walang iba kung hindi sila Rigo, Hill, at Chuck ang tinaguriang mga sadista ng Metropoli High...
Nag-patuloy ang habulan, ngunit ginamit naman ni Anya ang kakaibang liksi at bilis nito para iwasan ang
mga harang sa daraanan niya.
HILL: A-Ano bang klaseng babae yan!
ANYA: Hindi kayo makakatakas!
Akmang may makakasalubong na janitor ang mga lalaking estudiyante, at ito ang ginamit nilang pag-kakataon para pigilan si Anya sa pag-habol sa kanila. Itinulak ng isa sa kanila ang cart na gamit ng janitor kay Anya.
CHUCK: Heto ang sa iyo!
BAAAAAAAAAAAAAAMMMM
Tumilapon ang laman na tubig ng cart, pero at ang buong akala nila ay naiwan na nila si Anya, kaya nag-madali ang mga ito na pumunta sa roof top ng eskuwelahan.
RIGO: Huf...Huf…Huf...Grabe kala ko hindi na natin malulusutan ang babaeng yun...saan ba kasi pinag-lihi yun, at ganon nalang ang lakas at bilis niya!?
HILL: Nag-tanong ka pa, alam mo naman na anak siya ng mga sundalo diba.
CHUCK: At hindi lang basta mga sundalo, miyembro sila ng Gammaranger...kaya nakakasigurado ako na sinanay si Anya ng mga magulang niya.
RIGO: Tama na nga yan...wala ako pakielam sa kaniya....ang mabuti pa ituloy nalang natin ang dapat gawin mamaya.
At ano ang itutuloy niyo?
RIGO: A-Anong!
Laking gulat ng tatlo na nasa itaas na pala nila si Anya...
ANYA: Kumusta!
RIGO: G-GRRRRRR...Upakan na natin yan!
At sumugod nga ang tatlong estudiyante kay Anya, ngunit kaagad itong lumundag sa kaniyang kinatatayuan, at naka-lapag naman siya ng ligtas...
Umatake ang unang dalawa nila Chuck at Hill, kay Anya...ngunit mabilis lang niya itong naiwasan, at napantumba ang dalawa gamit lang ang ang pag-talisod dito.
ANYA:Oppss…Mabagal!
HILL: WOAAAAAHHH
CHUCK: AAAAAAHHH
BAAAAAMMMMMM
RIGO: Ikaw!!!
At dahil sa tila minamaliit sila ni Anya, ay sumunod ng umatake si Rigo...at nag-pakawala siya kaagad ng mabibilis na suntok at sipa dito, ngunit panay sa hangin lang ang tama ng mga atake niya. Hanggang sa tila nakaramdam na ito ng pagod sa kaniyang katawan.
ANYA: Ano, mukang pagod ka na ata eh... iwasan mo kasing mag-bisyo, at ugaliing ang pag-eexercise, makakabuti sa iyo yun.
RIGO: Tumahimik ka!
At muling umatake si Rigo kay Anya...pero sa pag-kakataong ito, ay hindi na nakaporma pa ang estudiyanteng si Rigo...dahil isang malakas na upper cut ang ginawa niya dito.
BAAAAAAAAMMMMMMM
RIGO: A-AAAAHHHHHH
Bagsak si Rigo, at nawalan ito ng malay...na ikinabahala naman ni Anya.
ANYA: A-Ah...lagot...napalakas ata...
HILL: YIIII...Sibat na tayo!
Akma pa sanang tatakas, ang isa sa kanila, pero sa pag-bukas ng pintuan ay naroon na pala ang student council president na si Axel....
HILL: AAAAHHHHHHHH...A-Axel!
ANYA: Axel!?
Pinag-masdan ni Axel ang buong paligid, at nakita niyang bagsak ang mga estudiyanteng hinabol niya.
AXEL: Mukang ang laking gulo nanaman ang ginawa niyo...Anya, sumama ka sa akin....ipaliwanag mo ang
lahat ng ito.
ANYA: A-Ano?
___________________________________________________________________
Samantala sa secret lab ng Metropoli High...pumasok dito si Alice, at kinumusta ang progess sa ginagawa nilang proyekto...
ALICE: Kumusta na ang phase 1 Aimee...
Si Aimee Santilian, ang isa sa mga junior inventor scientist na kinuha ni Alice para mag-trabaho under
sa G.T.C. at anak siya ni Professor Owen Santillian ng Gamma...
AIMEE: Ah kayo pala Ms. Alice!
ALICE: Nasaan na tayo sa phase 1....
AIMEE: Sa ngayon tapos na ito...isa-salin nalang namin ni Drake ang five color element galing sa tesla, pamula dito sa mga saiga cellular...sandali nasaan na po ba siya?
ALICE: Papunata narin siya dito, para tulungan ka heto nga pala may regalo siya sa iyo.
AIMEE: Ito ang phase 2 para sa saiga project…nagawa na niya kaagad…ang bilis ah!
ALICE: Hindi lang ang phase 2 ang natapos niya…maging ang phase 3 ay tapos narin niya…
AIMEE: Ano pa nga ba ang inaasahan sa evil genius na iyun… hi hi hi…salamat dito at mapapabilis na ang trabaho natin….hayy, gusto ko na makalabas dito sa lab at makapag relax kahit papaano. Na mimiss ko na sila Mia at Anya.
ALICE: Hayaan mo, pag-natapos mo yan, pag-bibigyan kita sa gusto mo…deserve mo ang malaking break.
AIMEE: Talaga po! Maraming salamat, Ms. Alice!
ALICE: Sandali, nakuha mo na ba ang listahan ng mga candidate na hinihingi ko?
AIMEE: Opo, nakuha ko narin po sila...tingnan niyo nalang po sa main server.
At tiningnan ni Alice ang mga possible candidate para sa kanilang secret project...
ALICE: Ang mga ito, mga dating miyembro ng special tactical force army...expert sa mga hand to hand combat, long range attack, at mga guerilla tactics, hindi na-lalayo ang mga abilidad nila sa Gammaranger no’on.
AIMEE: Pero walang silbi ang mga yan,kung hindi pa sila dadaan sa tesla surgery...kailangan muna nilang ma expose ang mga katawan nila dito, para gumana ang mga suit na ito.
ALICE: Tama ang sinabi mo...Aimee, ipatawag mo na kaagad sila, para sa test...gusto kong malaman kung sila na nga ang hinahanap natin.
AIMEE: Yes Ma’am!
________________________________________________________________________
Sa Hall way nag-lalakad ang dalawa ni Axel at Anya, habang pinag-sasabihan nito ang ka-klase...
AXEL: Mabuti nalang at hindi natuluyan si Rigo...ano bang iniisip mo at ginamitan mo siya ng jujutsu?
ANYA: Pasensiya na napa-sobra lang ako....
AXEL: Haaayy...kailangan kontrolin mo ang lakas mo, hindi porket isa ka sa mga disciplinary officer ay malaya ka ng gawin ang lahat ng gusto mo, tandaan mo disilpina ang kailangan hindi karahasan.
ANYA: Oo na pasensiya na nga diba...hindi ko naman talaga sinasadya yun....
At habang nag-lalakad ang dalawa, ay siya naman tila nag-kagulo ang mga kapwa nila estudiyante, dahil sa pag-dating ng mga hinahangaan nila sa ekuwelahan....
AAAHHHHHHHHHHH
ANYA: Sandali ano yun?
AXEL: Mukang alam ko na kung sino ang mga yun...
Nilapitan nila Anya at Axel ang mga estudiyanteng nag-kakagulo...at doon pumasok ang isa sa mga sikat sa eskuwelahan, siya ay walang iba kung hindi si Wei Han Villiapando...ang kilalang ace player ng
Megatropoli High Blazing tiger basketball team.
Hindi mag-kamayaw ang mga kababaihan sa pag-hanga sa kaniya...
FEMALE STUDENT: Wei! Pa selfie naman!
FEMALE STUDENT: I love you Wei!
WEI: Easy lang....huwag niyo naman ako masiyadong dumugin...isa-isa lang...
At isa-isang binigyang pansin ni Wei ang mga tagahanga niya....
ANYA: Wala ba tayong gagawin sa mga ito?
AXEL: Ewan….
Ilang sandali lang din, ay meron panibagong sigawan ang siyang naganap...at ito naman ay parte ng mga kalalakihang estudiyante...
MALE STUDENT: Nariyan na siya!
MALE STUDENT: Ang diyosa ng Metropoli High!
WOOOAAAAAAAHHHHH
Dumating ang isa pa sa mga hinahangaang estudiyante sa buong eskuwelahan, at ito ay walang iba kung hindi si Mia Amber Edwards...ang itinuturing reyna at diyosa ng mga kalalakihan, dahil sa aking ganda nito...at kahit na mga kapwa niya babae ay hindi rin mapigilan humanga sa kaniya....kilala rin si Mia bilang freelance model sa iba’t ibang fashion magazine at tv commercial.
FEMALE STUDENT: Ang ganda talaga ni Ms. Edwards...karamihan sa ating mga estudiyanteng babae dito, gustong maging kagaya niya.
FEMALE STUDENT: Ang balita ko ang mama niya ay isang sikat na broadway actress sa new york...hindi ako mag-tataka na someday maging actress din siya dito sa atin.
MALE STUDENT: Grabe, nakaka-inlove...lalo na ang maganda niyang buhok at asul na asul na mata.
MALE STUDENT: Tama ka...maka date ko lang siya ng isang beses, puwede ko ng ikamatay yun!
MALE STUDENT: Miss Mia!
Pinag-kaguluhan na rin si Mia ng mga lalaking estudiyante...hanggang sa makita niya ang best friend niyang si Anya kasama si Axel...
MIA: Anya! Axel!
At kaagad niya itong nilapitan....
ANYA: Haaayyyy...
MIA: Magandang umaga sa inyo...
AXEL: Magandang umaga din...
ANYA: Sandali Mia...hindi mo ba patitigilin ang mga fan boy mo?
MIA: Pasensiya na kayo....hindi ko naman talaga ginugusto ito.
Maya-maya rin lang ay lumapit na rin si Wei dito....
WEI: Kumusta na kayo...
ANYA: Isa ka pa...bakit nalang ba sa tuwing nag-papakita kayo, lagi nalang nag-kakagulo, hindi ba puwedeng maging normal ang araw niyo ng walang ganito...daig niyo pa ang pa may meet and greet.
WEI: Sorry mahirap lang talagang maging sikat at gwapo….
AXEL: Hoy, hindi ibig sabihin na apo ka ng may ari ng eskuwelahan ay kinukunsiti ko na ang mga ganitong klaseng bagay...Wei, At ikaw narin Mia...kontrolin niyo ang mga taong humahanga sa inyo. Kung hindi may-kalalagyan sila...pati narin kayo...
MIA: P-Pasensiya na Axel...pangako gagawin ko makakaya ko.
WEI: Easy lang Axel...ikaw naman masiyado mong sineseryoso ang pagiging Student council president,
paminsan-minsan gumawa karin naman ng mga kalokohan, masasayang ang kabataan mong yan at wala kang tatawanan sa pag-tanda mo...teka baka naman, naiinis ka parin, dahil na unahan ka nanaman ng itinuturing mong karibal.
AXEL: Anong sabi mo!
WEI: Alam mo na iyun....at ayan siya oh....
Mula sa mga nag-tutumpukan na mga estudiyante, ay nabaling ang tingin ng iba sa bagong dating na lalaki...na tila ikinatakot at ikinabahala nila.
Nag-bulungan ang mga ito, tungkol sa mga ginagawa ng lalaking ito....
FEMALE STUDENT: Teka diba siya si....
MALE STUDENT: Isa sa mga Junior professor...at tinatawag na advance gift sa henerasyon natin....
Isang matapang na tingin lang ang makikita kay Axel, sa pag-dating nito...
AXEL: Drake....
At tila iwas sa kaniya ang ibang mga estudiyante...
DRAKE: Teka bakit nag-alisan kayo?
At sa isang salita nito, ay tila natakot ang lahat, at sumunod...maliban lang kila Axel...
WEI: Grabe...natakot ang lahat ng mga estudiyante ng mag-pakita ka lang...parang nabaliwala ang student council president pati na ang disciplinary officer dito.
DRAKE: Wala naman ako ginagawa ah…sandali nga, diba may klase pa kayo. Pumasok narin kayo…any minute mag-sisimula na ang first period.
Tila bahagyang na-asar si Axel sa parte niya dahil sa sinabi ni Wei…
AXEL: Drake…
DRAKE: Axel, saka ko nalang uli’t sasagutin ang hamon mo…sa ngayon busy ako, sige mamaya nalang…. At ikaw Anya…huwag ka masiyadong gumawa ng gulo naiintindihan mo.
ANYA: Anong sabi mo! Buwiset ka talaga Drake!
MIA: Huminahon ka lang Anya…
Isang matalas na tingin lang ang ginawa ni Axel kay Drake….at sa kaloob-looban niya, ay hindi niya matangap na mas angat na ito sa kaniya.
____________________________________________________
GAMMA Private Air field….
Kasalukuyang nag-hahanda na ang mga candidate na pinili ng G.T.C para sa kanilang saiga project…at sakay ng isang convoy, binagtas nila ang kahabaan ng kalsada, nang hindi inaasahan na meron isang ambush na naganap.
BOOOOOOOOOOOOOMMMSSS
Huminto ang ilan sa mga convoy nila, at ang lima na sakay para sa pagiging Saigaman ay lumabas para alamin ang kanilang sitwasyon.
LT. CASTRO: Ambush!
Nag-patuloy ang pag-sabog, at humanap naman ng matataguan ang mga sundalo.
LT. CASTRO: Rooker, Elias….tingnan niyo kung may survivor…the rest with me, kailangan ma kita sino gumawa nito.
YES SIR!
Hinanap ng mga sundalo, ang pinag-mulan ng ambush…at mula sa crush site naman, nakita ng dalawa ni Rooker at Elias ang mga patay nilang kasamahan.
ROOKE: Wala na....
ELIAS: Malas...sino may gawa ng mga ito?
ROOKE: Lt. Castro...wala ng natirang survivor sa convoy 1 ...mag-ingat kayo, possible lang na narito ang kalaban---
ELIAS: ROOKE!
SLLLAAAASSSSSSHHHHH
Biglang may umatake kay Rooke, at isang malakas na slash ang humati sa katawan niya, at kaagad niya
itong ikinamatay....
ELIAS: Nasaan ka!
Hinanap ni Elias, ang kalabang pumaslang sa kasamahan niya, at tila nag-paparamdam lang ito sa kaniya.
ELIAS: Mag-pakita ka duwag!
Hanggang sa may bumulong sa kaniya...
Narito ako...
At sa pag-lingon ni Elias...isang malaking kari, ang siyang tumagpas sa ulo niya...
SLLLLAAAAAASSSSSSHHHH
AAAHHHHHHHHH
_____________________________________________________________
Na alarma ang mga kasamahan ni Lt. Castro dahil sa sigaw na narinig nila.
LT. CASTRO: Rooke! Elias!
Akmang pupuntahan ng mga kapwa nila mga sundalo sa mga kasamahan nila para tingnan ang lagay nito...pero ilang sandali lang ay...
BOOOOOOOOOOOOMMMSSSSS
isa muling pag-sabog ang naganap...at halos ang lahat ay tumilapon, at namatay....
LT.CASTRO: E-EEERRR....
Dahan-dahan naman nag-kamalay si Lt. Castro...at nakita niya ang nilalang na merong suot na puting baluti, na merong marka ng isang bungo sa kaniyang mukha....akmang kukunin pa ni Lt. Castro ang kaniyang sandata para lumaban, ngunit sinipa ito ng nilalang, at pinutol ang kaniyang kanang kamay.
SLLAAAASSSSSSSSHHH
LT. CASTRO: AAAAAAAAHHHH
NILALANG: Anong pakiramdam na unti-unti kang namamatay...napakasakit diba?
LT. CASTRO: S-Sino ka!? Bakit mo ginagawa ito...
NILALANG: Nararapat lang sa inyo ang mawala...upang hindi na umusbong mga salot na mag-lalagay sa mundo mula sa kapahamakan.
LT. CASTRO: A-Ano!
NILALANG: Ako ang siyang...mag-dadala sa inyo sa kabilang buhay...
Inilabas muli ng nilalang ang kaniyang higanteng kari...at dito, tinuluyan na niyang paslangin si Lt. Castro....
SLLLLLAAAAAASSSSSSHHHHH
Maya-maya ay isang higanteng bagay naman ang siyang lumalapit sa kaniya....habang pinag-mamasdan nito ang mga nag-liliyab na katawan ng kaniyang pinaslang.
Ay mapansin nito, ang tila isang file na nag-kalat, kinuha niya ito at inupload sa kaniyang mini computer device...
NILALANG: Kung ganon...nagawa na pala nila....mukang kailangan ko ng gawin ang susunod na plano...
Binatawan ng nilalang ang file, at makikita ang imahe ni Drake, maging ang eskuwelahan na megatropolis.
_____________________________________________________________
Ilang ang araw ang nakalipas...
Natangap ni Alice ang report, ng pagkamatay ng candidate para sa saiga project...at ito ay kinumpirma ni Brian.
ALICE: Ano!
GEN. TAVAREZ: Tama ang narinig mo... Pinatay sila sa isang ambush...
ALICE: Hindi maaari...sino ang gumawa nito?
GEN. TAVAREZ: Hindi pa malinaw kung sino....pero natitiyak ko na ang character na ito ang siyang umatake rin sa amin no’on, isang taon na ang nakakaraan...walang tamang patern kung ano ang gusto niyang mang-yari, pero isa lang ang sigurado, na ang lahat ng may kinalaman sa proyektong yan, ang puntirya niya.
ALICE: Kung ganon...Hindi maaari, nasa panganib ang mga tauhan ko, lalo na ang dalawang batang yun.
GEN. TAVAREZ: Ibig mo bang sabihin!
ALICE: Kailangan masabihan sila Jake tungkol dito, Hindi ako papayag na masaktan ang mga batang yun!
GEN. TAVAREZ: Ngunit wala akong balita ngayon kung nasaan siya...tila ata naka low profile siya ngayon
sa isang misyon na ginawa niya....
ALICE: Kahit sino...basta ma protektahan lang ang mga batang ito! Hindi natin alam ang iniisip ng kalaban, Kung bakit talaga niya pinupuntirya ang lahat ng may kinalaman...at ang dalawang yun, sila ang naging dahilan kung bakit nabuo ang lahat.
GEN. TAVAREZ: Naiintindihan ko...sige mag-papadala ako ng tauhan diyan, sasabihin ko narin ito kay Abby.
ALICE: Salamat....
At agad tinapos nila Alice at Brian ang kanilang pag-uusap...ngunit hindi maiwasan na mag-alala ni Alice para kay Drake at maging kay Aimee, dahil alam niya na naging malaki ang papel ng dalawang batang ito para mabuo ang kanilang proyekto.
___________________________________________________________________
Sa classroom nila Anya...kasalukuyang nag-uusap-usap ang mga groupo tungkol sa darating na science festival. Hanggang sa mapansin ni Anya ang kakambal niya na nasa isang sulok at nakikinig nang musika sa kaniyang headset, nilapitan niya ito at tinanong.
ANYA: Hoy...anong ginagawa mo ngayon dito?
DRAKE: Bakit ba....
ANYA: Wala ka bang trabaho ngayon?
DRAKE: Wala ka ng pakielam do’on...
ANYA: Ayos ka din ano...ikaw ang naturingan junior professor, pero heto ka ngayon naka upo sa silya ng mga estudiyanteng katulad ko!
DRAKE: Bakit masa ba...baka nakakalimutan mo, kahit na may titolo akong bilang professor, mas pinili ko paring manatili dito...dahil yun ang utos ni Papa at Mama...at para narin bantayan ka sa kahit anong kalokohan na gagawin mo!
ANYA: A-Ano!
DRAKE: Kung ayaw mo na talaga ako makita dito, ayusin mo ang attitude mo...para hindi na sila nag-aalala pa.
At tumayo si Drake matapos ang pag-uusap nila ni Anya....
ANYA: Hoy bawiin mo ang sinabi mo, mayabang!
WEI: Mukang supal-pal ka naman sa kakambal mo...Bakit hindi mo nalang kasi siya dineretso?
ANYA: (Namula) Tumigil ka nga! Kahit kailanan ayaw ko humingi ng tulong sa kaniya .
WEI: Hoy alam mo naman na kailangan natin ng tulong niya, para sa science festival sa susunod na araw!
ANYA: Bahala ka!
WEI: Haayy...kailan kaya natin makikita na mag-kasundo ang magkapatid na iyun.
MIA: Siguro nahihiya lang talaga si Anya na ilabas ang tunay na nararamdaman niya para kay Drake...
WEI: Ganon ba...Hindi ko kasi alam ang mga ganyan, dahil wala naman kasi akong kapatid eh...
MIA: Ang mabuti pa, tayo nalang ang kumausap sa kaniya. Siguro naman makikinig siya sa atin.
_______________________________________________________________
Mula sa hallway, nag-lalakad si Drake, ng makasalubong niya si Axel....
DRAKE: Axel....
AXEL: Puwede ba kitang makausap...
DRAKE: Sige ano yun....
AXEL: Hindi naman lingid sa ka-alaman mo na, karibal talaga ang tingin ko sa iyo....kahit no’ong mga bata pa tayo, hindi talaga kita natatalo sa kahit anong bagay...pero mag-kaganon man, mag-kaibigan parin tayo, at hindi mag-babago yun.
DRAKE: Ang drama mo naman...may gusto ka lang sabihin kung anu-ano pa ang lumalabas diyan sa bibig mo...sige na sabihin mo na.
AXEL: Tch...kahit kailan talaga puro ka-sarkastikohan ang lumalabas diyan sa bibig mo....gusto ko lang sabihin na, kailangan namin ang tulong mo sa darating na science school festival...para sa groupo natin.
DRAKE: Yun lang ba....
AXEL: Anong yun lang ba?
DRAKE: Wala kang dapat ipag-alala...dahil kahit wala ako ro’on, magagawa niyong manalo....
AXEL: Ano!?
DRAKE: Mag-tiwala ka lang sa sarili mong kakayahan, at huwag mo na akong hangadin na abutin pa...sige mamaya nalang.
AXEL: Huwag ng abutin....anong gusto niyang palabasin....
Tila nakaramdam ng pagka-offend si Axel sa mga sinabi ni Drake sa kaniya.
________________________________________________________________
Sa isang lihim na lugar....
Kasalukuyang inaayos ng nilalang ang kaniyang baluti, ng merong tumawag sa kaniya.... at tinawag siyang sa pangalang bilang Raganos....
NILALANG: Raganos...
Kaagad isinuot ni Raganos ang kaniyang maskara...at humarap sa kaniyang kausap.
RAGANOS: Ikaw pala…
NILALANG: Kumusta na ang susunod na hakbang...
RAGANOS: Nakahanda na ako para sa gagawin ko, sa susunod na araw, tinitiyak kong babagsak na ang kumpanyang ipinatatag ni Benedict Ong at ang buong Imperyo niya. Para makawala na ang mundo mula sa pag-durusa nito. Ako ang mag-hahatid sa kaniya mula sa kabilang buhay, bilang ang kanyang kamatayan.
Lumakad-lakad si Raganos, at dito tiningnan niya ang mga bata-batalyong metalic anroid, na ginawa niya para wasakin ang siyudad ng megatropolis na matagal na niyang minimithi...
RAGANOS: Para sa sarili ko, at sa kinabukasan ng lahat....makikipag-laro ako sa mga demonyo.
__________________________________________________________
At dumating ang araw ng science festival....dito nag-pasiklaban, ang mga estudiyante sa kani-kanilang mga proyekto...dahil sa oras na manalo ang isang groupo, ay mapipili ang proyekto nila para bigyan ng prebilehiyo na ina-angat pa ito sa mas mataas na antas, at ito ay sa pamamagitan ng pag-pondo ng G.T.C.
WEI: Grabe, ang daming taong dumating dito ngayon...at halos mga bigating tech company ang narito para sa isang science festival. Sandali sigurado ka bang may laban tayo sa bagay na ito?
AXEL: Sigurado ako....
MIA: Ang ganda niya diba...
Isang humanoid suit ang tila naging proyekto nila Axel, at mga kagroupo niya, na gawa sa mga metalic
scraft at ilang mechanical parts....
AXEL: Iuuplaod ko nalang ang A.I. system sa kaniya, pagkatapos no’on okay na.
Napansin naman ni Anya si Drake, na kasama si Aimee, at pinag-mamasdan nila ang mga bawat gawa ng estudiyante...
ANYA: Ang buwiset na yun....
MIA: Kasama niya si Aimee?
AXEL: Huwag niyo na siyang pakielamanan, hindi natin siya kailangan dito...
MIA: Pero, si Drake ang advicer natin...dapat lang narito siya kasama natin.
AXEL: Ayaw ko sa mga taong masiyadong mataas ang tingin sa sarili nila, na akala mo alam na ang lahat...makikita niya, makakakuha tayo ng first place dito. Pangako yan...
WEI: Sa totoo lang wala naman talaga ako pakielam sa festival na ito...
AXEL: Anong sabi mo...Hindi mo ba alam kung gaano ko katagal pinag-handaan ang bagay na ito?
WEI: Teka easy lang, hindi yun ang ibig kong sabihin...ang sa akin lang, meron akong mga bagay na mas importante pa dito...hindi niyo naman ako kagaya nila Drake na science nerd, athlete ako, pero nakahanda naman akong suportahan ka, dahil mag-kakaibigan tayo dito diba.
AXEL: Ikaw talaga!
WEI: Mag-tiwala ka lang Axel, makukuha natin ito...
Tila umaalab ang determinasyon ni Axel, para mag-tagumpay, at ipamukha kay Drake na kaya niya kahit wala ang tulong nito.
AIMEE: Wow ang galing naman ng isang ito...isang robotic figures...at may iba’t ibang design...tingnan mo Drake oh...ang cute nila.
Tiningnan ni Drake, ang naturang disenyo ng mga robotics na kinuha ni Aimee...at halos sinipat niya itong mabuti.
DRAKE: Sa tingin ko gumamit siya ng, tesla core para sa unlimited power source at hindi lang yun, hindi basta-basta ang main body at makina na nakakabit...meron din siyang solid titanium....talagang binigyan niya ng panahon ang pag-gawa dito. Teka mga stress reliver bots ang mga ito, hindi na masama para sa mga kagaya nila….
AIMEE: Teka tingnan mo...diba sila Axel yun? Halika lapitan natin....
DRAKE: Aimee..sandali lang...teka yun si?
Nilapitan ni Aimee sila Axel, ngunit napansin naman ni Drake ang tila isang pamilyar sa kaniya...
________________________________________________________________
Lumapit si Aimee kila Axel, at kinumusta ito...
AIMEE: Kumusta!
MIA: Aimee!
Kaagad pumasok sa loob ng kanilang booth si Aimee, at tiningnan niya ang ginawa nila Axel...
AIMEE: Wow, ang ganda naman nito...sandali, ikaw ba ang gumawa nito Axel?
AXEL: Hindi...kaming lahat ang gumawa niyan. At binase ko lang siya sa suit na ginagamit no’on ni Papa ng panahong ranger pa siya....
Sinipat mabuti ni Aimee, ang bawat parte ng suit na ginawa ni Axel...at nakita niya na tila may kongting adjustment pa ang kailangan nito.
AIMEE: Sandali, may balak ka bang ipagamit ito?
AXEL: Balak ko sanang si Wei ang mag-suot nito, para sa presentation!
WEI: Sandali bakit ako?!
ANYA: Tumigil ka nga, yan lang naman ang maitutulong mo, dahil wala ka naman ginawa para mabuo ito.
WEI: Ano!
AIMEE: Puwede ko ba kayong tulungan dito? Mukang kailangan pa niya ng konting adjustment para magamit.
AXEL: Sige... maraming salamat.
_________________________________________________________________
Samantala, sinundan naman ni Drake, ang taong tila pamilyar sa kaniya....hanggang sa maka-salubong niya si Alice...
ALICE: Drake!
DRAKE: Ma’am Alice...?
ALICE: Teka saan ka ba pupunta? Kailangan na natin simulan ito....
DRAKE: Pero----
ALICE: Hali ka na...may presentation pa tayo, para sa mga big tech....
DRAKE: Opo....
Tila nang-hinayang si Drake, dahil hindi niya nasundan ang tila pamilyar sa kaniya....
_______________________________________________________________
AYAN TAPOS NA!
Ito ang sigaw ni Aimee, na matapos niya ang tamang adjustment, para sa suit ni Axel...
AXEL: Maraming salamat Aimee, maaasahan ka talaga....
AIMEE: Wala yun...at saka kaibigan niyo ako, puwede niyo akong sabihan kahit anong oras....sandali, diba si Drake ang advicer niyo? Bakit nga ba wala siya dito sa booth niyo?
ANYA: Wala naman pakielam sa amin ang lalaking yun...
AXEL: Hayaan mo nalang, hindi namin siya kailangan dito....
AIMEE: Ganon ba, well kilala niyo naman siya, masiyado siyang nag-sasarili...oh siya, sige na Wei, subukan mo na ito....
WEI: Teka bakit ba ako ang pinag-pipilitan gumamit niya! Eh kung sira yan, edi napahamak pa ako!
MIA: Sandali, tingnan niyo!
Nakita naman nila, na nasa stage na si Alice at ang ilan sa mga kasamahan niya, pati na si Drake...
AIMEE: Mukang mag-sisimula na ata sila sa presentation nila...
___________________________________________________________________________
Mula sa presentation stage...ay nag-handa na si Alice mag-bigay ng kaniyang speech, para sa pag-bubukas ng science school festival ng Metropoli High....
ALICE: Good morning everyone....Ako nga pala si Alice Manansala....ako ang siyang tumatayong principal
director ng Megatropoli High....ang science festival na ito, ay opisyal na binuksan, para sa ating mga mag-aaral o kabataan na gustong ipakita ang kanilang natatanging galing at obra. Para pakinabangan natin sa hinaharap...
Nag-patuloy sa pag-sasalita si Alice...ngunit ang lalaking hinahabol ni Drake kanina ay tila nakarating na sa secret underground base...
______________________________________________________________________________
Nilibot niya ang bawat lugar, at nakita niya rito...ang mga prototype suit na ginawa ng GTC... at sinimulan ang pag-uupload ng satanel virus dito para mag-wala...
Pero habang ginagawa niya ito...ay nakita siya ng mga security ng lab...
SECURITY: Sandali sino ka!
SECURITY: Code 1 may nakapasok dito sa lab----
SLLLAAAASSSSSSHHHHH
Ngunit mabilis na pinaslang ng lalaki ang dalawang security, sa pamamagitan lang ng pag-hagis niya ng
dagger... At saka pinag-patuloy ng lalaki ang pag-upload ng virus...
__________________________________________________________________________________
Nag-patuloy ang pag-sasalita ni Alice para sa presentation....hanggang sa dumating naman si Abby, para panoorin ang kaniyang mga anak...
ABBY: Anya!
ANYA: Mama?
MIA: Kumusta naman po kayo...Tita Abby?
ABBY: Mabuti naman Mia...
ANYA: Sandali anong ginagawa niyo dito? Diba may trabaho pa kayo?
ABBY: Huwag mo na alalahanin ang trabaho ko...gusto kong makita ang presentation na gagawin ng Kuya mo.
ANYA: Pero...
ABBY: Huwag kang mag-alala, susupportahan ko kayong pareho dito okay...alam ko naman na ginawa mo rin best mo.
ANYA: Hindi naman yun eh....
__________________________________________________________________________________
ALICE: Ngayon, ito na ang oras...para simulan ang ating event, malugod kong binubuksan ang megatropoli science festival----
BOOOOOOOOOOOMMMMSSSSSS
Pero isang malakas na pag-sabog ang naganap....dahilan kung bakit nag-kagulo ang mga tao sa loob ng
mega hall ng eskuwelahan.
WEI: Sandali anong nang-yayari...
AXEL: Sumabog ang backsatge!
MIA: Sandali tingnan niyo!
At laking gulat nila na biglang na activate ang mga protosuit na ginawa nila Aimee sa lab...
AIMEE: Ang mga proto suit! Bakit kumikilos sila!
ABBY: Mukang nang-yayari na...Anya, umalis na kayo dito...titingnan ko kung ano ang nang-yayari!
ANYA: Mama sandali!
___________________________________________________________________________________
Inatake ng mga proto suit ang lahat ng sibilyan na nasa loob, at ang iba ay nasaktan at nasugatan....rumesponde naman kaagad ang mga security...ngunit wala silang nagawa, at sila ay pinasalang ng mga ito....
BRATATATATATATATATATATATATATA
ALICE: Drake! Drake!
DRAKE: Ms. Alice!
ALICE: Ito na ang kinakatakutan ko...mukang kumikilos na ang kalaban para lang pabagsakin tayo.
DRAKE: Ano!? Pero sino...
ALICE: Hindi ko alam, ngunit kailangan maka-alis ka na dito.... sige na!
DRAKE: S-Sige po! Pero papaano po kayo?
ALICE: Huwag mo akong alalahanin, kaya ko ang sarili ko...Sige na Drake.
DRAKE: Naiintindihan ko po, mag-ingat po kayo!
Akmang kumilos si Drake, para umalis...pero biglang hinarang siya ng isang proto suit...at akma siyang aatakehin nito.
ALICE: Hindi!
Pero mabilis na rumesponde si Alice, para prinotektahan niya ang kaniyang tauhan....Pero wala din siyang nagawa.
BAAAAAAAMMMMMM
Nakatangap si Alice ng isang malakas na suntok, at siya ay tumilapon at nawalan ng malay.
DRAKE: Ma’am Alice!
At ngayon, kay Drake na nakatuon ang atensiyon ng proto suit, para paslangin siya pero biglang...
BANG!-BANG!-BANG!
Gamit ang kaniyang Ex-Blaster, at pinag-babaril niya ang naturang suit na balak manakit kay Drake, at ito ay walang iba kung hindi si Abby...
ABBY: Drake!
DRAKE: Mama!
ABBY: Ayos ka lang ba anak?
DRAKE: Opo!
ABBY: Mabuti naman...sige na, lumabas na kayo ng kapatid mo dito...ako na ang bahala kay Alice at sa iba pa.
DRAKE: Pero---
ABBY: Huwag kang mag-alala...kaya ko ito.
DRAKE: Sige po, naiintindihan ko….
At agad ng ginamit ni Drake ang pag-kakataon para, tumakas...pero akma pa siyang pipigilan ng mga proto suit, ngunit prinotektahan ni Abby ang kaniyang anak...
ABBY: Hindi ko hahayaan na saktan niyo ang mga anak ko!
Inilabas ni Abby ang Command Saver, at isinigaw ang katagang....
CROSS EXZA!
Nag-palit si Abby, bilang si Green Saver...at nilabanan niya ang mga proto suit....
_________________________________________________________________________
Samantala, patuloy parin ang kaguluhan, at hindi rin alam ng mga bata ang kanilang gagawin....
WEI: Sandali, hindi ko na naiintindihan ang mga nang-yayari, unti-unti ng nasisira ang school hall!
AIMEE: Mukang may nag-activate ng mga proto suit, para mag-wala....pero ang tanong sino ang gumawa nito.
MIA: Mga kasama umiwas kayo!
BAAAAAAAMMMMMM
Dahil sa babala ni Mia, nagawang makaiwas nila Axel sa isang malaking debrie na tatama sana sa kanila.
ANYA: Muntik na tayo do’on....
AXEL: Buwiset...kailangan may gawin tayo, kung hindi mawawasak ang buong eskuwelahan natin.
Nakita ni Axel ang kaniyang suit na ginawa, at nag-desisyon siyang gamitin ito....
AXEL: Wei tulungan mo ako dito!
________________________________________________________________________________
Nag-patuloy sa pakikipag-laban si Green saver, at ilan na sa mga proto suit ang napatumba niya....
BANG!-BANG!-BANG!
Ngunit tila nakasagap siya ng mas malakas na readings, na papalapit sa kaniya....at kaagad niya itong iniwasan galing sa pinakang ilalim ng lupa.
BAAAAAAAMMMM
GREEN SAVER: EEEERRRRR....
At dito nag-pakita si Raganos....
GREEN SAVER: Sino ka...
RAGANOS: Ako ang siyang mag-hahatid sa iyo, mula sa kabilang buhay...Col. Abby Fonseca. Ito na ang huling tapak mo dito sa lupa!
Inilabas ni Raganos ang kaniyang death scythe, at sinugod niya si Green saver, at saka sila nag-laban ng buong husay.
_________________________________________________________________
Samantala, papalapit na kila Axel, ang naturang mga proto suit...at ang puntirya nito ay si Aimee...
AIMEE: AHHHHHH!!!!
WEI: Hindi si Aimee!
ANYA: Axel!
AXEL: Heto na!
Biglang na activate ang suit na ginawa ni Axel, at siya na mismo ang nag-suot nito....at sinalubong niya ng isang malakas na suntok ang proto suit.
BAAAAAAAAAMMMMM
AXEL: EEEEERRRRR....
Pero tila nakaramdam siya ng matinding sakit, mula sa kanang kamao na ginamit niya...at nasira din ang suit. Ngunit nagawa naman niyang mapatumba ang kalaban.
WEI: Ayos nagawa niya!
ANYA: Axel...ayos ka lang?
AXEL: E-EEERRR...ayos lang ako, umalis na tayo dito!
MIA: Aimee bilisan na natin...
AIMEE: S-Salamat...
At kumilos na sila Axel, para umalis sa loob ng hall, ngunit muling kumilos ang ibang proto suit, pinalibutan sila....
WEI: Lagot!
Pero biglang.....
ZAAAAAPPPPPP
BOOOOOOOOOMMMSSSS
Isang pag-sabog ang siyang pumuksa sa ilang mga suit...at ito ay kagagawan ni Drake, gamit ang kaniyang isa sa mga secret gadget device. Na kung tawagin ay mini fire bomb, na sa anyo ng parang bola.
ANYA: Drake!
DRAKE: Ayos lang kayo?
WEI: Hello, muka bang ayos tayo dito...tingnan mo nga nawasak na lahat ng pinag-hirapan ng mga estudiyante dito. Pati na ang school natin!
DRAKE: Kailangan makalabas tayo dito...Aimee!
AIMEE: O-Oo!
ANYA: Sandali si Mama!
Nakita nila na hinaharap ni Green Saver, ang nilalang na may puting baluti...
DRAKE: Mama!
BAAAAAAMMMMM
Isang malakas na atake ang natangap ni Green Saver...at siya ay tumilapon, hanggang sa mawasak ang helmet nito at mga piraso sa kanyang baluti... saka siya nawalan ng malay.
_____________________________________________________________________________
At dahil sa nang-yari sa kanilang ina, tila nakaramdam ng matinding galit ang dalawa ni Drake at Anya...lalo na si Drake.
ANYA: Mama....Hindi...Mama!
DRAKE: Anya...hali ka na...
ANYA: Pero!----
DRAKE: Halina kayo bilisan niyo!
Hindi na nag-salita pa si Anya, at sumunod na sila kay Drake....umalis sila sa naturang hall na halos gumuho na.
At nakita naman ito ni Raganos na papatakas ang mga tunay niyang target.....
RAGANOS: Hindi kayo makakatakas!
___________________________________________________________________________
Kaagad hinanap ni Drake ang isa sa mga secret passage papunta sa kanilang Saiga lab.
WEI: Sandali, papaano nag-ka elevator diyan?
DRAKE: Wala ng maraming tanong, pumasok na kayo dito!
At kaagad pumasok ang anim, bata na sa naturang elevator....at mabilis itong bumaba patungo sa kanilang saiga lab....
BAAAAAAAMMMMMM
RAGANOS: Hindi niyo ako matatakasan!
Kinontrol muli ni Raganos, ang mga proto suit...at inutusan nitong bumaba, patungo sa mga saiga lab....
________________________________________________________________
Ilang sandali pa, ay nakarating na silang lahat sa Saiga Lab...may pag-kagulat at pag-kamangha ang kanilang nasaksihan....
WEI: Sandali, merong palang ganitong klaseng lab ang school natin?
AXEL: Drake! Anong ibig sabihin nito!
DRAKE: Aimee...kumusta na ang mga cadets para sa saiga project....
AIMEE: Sandali, hindi pa ba nababangit sa iyo...pinatay sila ilang araw na ang nakakaraan, kaya imposible na magamit natin ang mga ginawa mo.
DRAKE: Malas....sila nalang ang pag-asa natin...
ANYA: Sandali nga, ano ba talaga ang nang-yayari...Drake ipaliwanag mo!
DRAKE: Hindi ko rin alam....wala akong alam sa mga nang-yayari ngayun, basta ang alam lang namin ni
Aimee, ay gawin ang mga ito.
Ipinakita ni Drake ang limang saiga cellular sa kaniyang mga kaibigan.
MIA: Sandali, ano ang mga yan?
AIMEE: Ito ang mga saiga cellular na dinevelop namin kasama ang GTC research team na para ibigay sana sa mga sundalong pinili ng Gamma, at gamit ito...mag-kakaroon ng pambihirang lakas at kakayahan ang isang tao, at makapag-palit anyo bilang isang saigaman...tapos na ito, pero hindi pa kumpleto ang trials dahil sa walang mga user...
WEI: Ano nakagawa kayo ng ganitong bagay? Na parang sa Gammaranger...
AXEL: Pero papaano...papaano niyo ginawa ito.
AIMEE: Sandali Drake, huwag mong sabihin na...
DRAKE: Wala ng maraming tanong...wala na tayong pamimilian, seryoso ang taong yun na patayin tayo...tatanungin ko kayo, handa ba kayong baguhin ang kapalaran niyo.
ANYA: Anong ibig mong sabihin Drake...
DRAKE: Ang maging ranger kagaya ng mga magulang natin...
WEI: Teka, maging ranger...imposible, papaano natin magagawa yun, eh hindi naman tayo mga sundalo o espesiyal. At saka diba ikaw na ang nag-sabi no’on ayaw mong maging kagaya ng magulang mo!
DRAKE: Iba ngayon ang sitwasyon...isa lang ang gusto kong malaman na sagot sa inyo. Nakahanda ba kayo.
Nagulat ang lima ng sabihin ito ni Drake, dahil ang buong akala nila, ay wala itong pakielam...ngunit ng makita niyang nasaktan ng husto si Abby, ay tila nag-bago ang pananaw niya....
MIA: Tama si Wei, hindi tayo mga sundalo para gawin ito...
Nakahanda ako....
Biglang sumabat si Anya, at kinuha ang isa sa mga Saiga cellular....
DRAKE: Anya...
ANYA: Nakahanda ako...handa akong saluhin ang responsibilidad ng mga magulang natin. At isa pa,
pangarap ko ito simula no’on maliit pa ako, ang maging kagaya ni Papa...basta ako ang magiging red hah!
DRAKE: Hmp!
WEI: Sandali seryoso na ba ito....
AIMEE: Drake...
DRAKE: Ako na ang bahala dito Aimee... wala kang kailangan panagutan.
AIMEE: Pero...masiyadong mabigat ang responsibilidad na ito...
DRAKE: Mag-tiwala ka lang, magiging maayos ang lahat...
Tila napansin ni Aimee, ang pag-babago ng personalidad ni Drake, na nawala ang pagiging bugnutin nito...at sa bawat salita na lumalabas sa kaniyang bibig, ay pawang mga responsableng bagay.
Habang naguguluhan ay tila nakarating na sa main entrance ang mga kalaban nila, at unti-unting winawasak ang pintuan nito...
BAAAAAAAAAAMMMMMM
WEI: Mukang alam niyang narito tayo!
AIMEE: Mag-desisyon na kayo, kung gagawin niyo o hindi!
MIA: B-Bahala na...
WEI: A-Asar...ikaw ang magiging responsable sa lahat ng ito Drake!
DRAKE: Axel...
Tila nag-iisip pa si Axel, kung tatangapin niya , at napansin niya ang suot niyang armor, na para bang wala itong naging pakinabang...
AXEL: Sige...gawin natin ito...
DRAKE: Kung ganon...pumasok kayong lahat sa capsule tube...Aimee, ikaw na ang bahala sa tesla surgery!
AIMEE: Sige!
At sabay-sabay pumasok ang lima, sa sinasabing capsule tube at nakaramdam sila ng kaba at takot... habang patuloy paring winawasak ng mga proto suit ang pintuan....
______________________________________________________________
Tila nakikipag-habulan na sila sa oras...ngunit pinipilit ni Aimee na matapos ang lahat ng kailangan gawin...
AIMEE: System all set...tesla surgery on the go....Drake!
DRAKE: Wala ng atrasan ito....
Gumalaw na ang lahat ng aparatos sa loob ng capsule tube...at sabay-sabay na tumurok sa kanila ang mga tesla serum....at naramdaman nila ang hirap at kakaibang pakiramdam....
WEI: E-ERRRR...anong pakiramdam ito...
AXEL: GRRRRRR....
DRAKE: Konting tiis pa...kaya natin ito!
AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH
Ramdam ni Aimee, ang sigaw ng mga kaibigan niya, dahil sa sakit na nararamdaman nila....ngunit sa
kabila no’on, ang unti-unting pag-babago ng physical na panga-ngatawan nila.
AIMEE: Konti nalang...tatagan niyo pa....
______________________________________________________________
Nakarating naman si Raganos sa mismong lab, at ginamit niya ang kaniyang death sycthe, saka winasak nito ang entrance....
SLLLAAAAAASSSSSSHHHH
RAGANOS: Nasaan na kayo!
AIMEE: Hindi!
RAGANOS: Huli ka ngayon!
Akmang sumugod si Raganos kay Aimee, para tapusin ito...pero biglang...
Surgery complete....
Biglang natapos ang surgery ng lima, at sabay-sabay nabuksan ang mga capsule tube na kinalalagyan nila.
AIMEE: Drake!
At ilang sandali ay....
BLLAAAAASSSSSSTTT
Isang malakas na blast ang siyang tumama, kay Raganos...at siya ay napa-atras.
RAGANOS: E-EEERRRRR...
Hanggang diyan ka nalang....
At mula sa usok, dahan-dahang lumabas ang limang nilalang, na nakasuot ng mga kakaibang uri ng baluti, na may inirerepresentang mga kulay sa bawat isa. Na lalong mas ikinagulat ni Raganos....
RAGANOS: Imposible! Kayo....
AIMEE: Nagawa niyo!
SAIGA 4: Woah, ang astig nito parang nararamdaman ko ang lakas sa katawan ko...sandali...kulay yellow at number 4? Sakto kulay ng Blazing Tigers!
SAIGA 5: Pink naman ang sa akin at number 5...sandali Anya, kulay green ka at number 3?
SAIGA 3: Ano! Bakit ako ang green, diba sinabi ko sa iyo na ako ang red...teka sino sa inyo si Drake?
SAIGA 2: Siya ang naka pula Anya....
SAIGA 3: Ano!? Ang daya naman! Diba ayaw mo sa kulay na iyan! Palit tayo!
SAIGA 1: Tumigil ka nga!
RAGANOS: Nagawa niyo....sinilang na ang mga diablong wawasak sa mundo!
SAIGA 1: Hindi ko alam ang sinasabi mo...at hindi ko rin mapapayagan na gawin mo uli’t ang bagay na ito....sinaktan mo ang Mama ko...at sinira mo ang school namin, hindi kita mapapatawad! Tayo na!
SAIGAMAN: Oo!
RAGANOS: Tapusin sila!
Sumugod ang mga Proto suit sa limang Saigaman, at ganon din ang ginawa ng lima....nakipag-laban sila sa puwersa ni Raganos....
______________________________________________________________
Lumundag kaagad si Saiga 4, at binigyan niya ng isang malakas na flying kick ang mga kalabang proto suit...at ng tumama ito ay halos nawasak niya ang lahat.
BAAAAAAAMMMM
SAIGA 4: Grabe ang lakas no’on!
Nakipag-sabayan naman ang dalawa ni Saiga 5 at Saiga 3, sa pamamagitan ng husay nila sa sari-sariling martial arts...
SAIGA 5: Nice Anya!
SAIGA 3: Salamat!
SAIGA 2: Masiyadong maliit ang lugar natin dito...Drake!
SAIGA 1: Tama ka, dalhin natin sa labas!
Kaagad tumakbo palabas sa lab ang lima para dalhin ang laban sa mas malawak na lugar.
RAGANOS: Hindi kayo makakatakas!
_________________________________________________________
Ilang sandali pa ay naka-labas na ang lima, at dinala nila ang laban sa parke ng eskuwelahan....at dito, mas tumindi ang labanan.
Nag-pakawala ng malalakas na suntok at sipa si Saiga 2, sa kaharap niyang mga Proto suit...ngunit hindi ito naging sapat....
SAIGA 2: Sandali, baka may mga weapon dito na puwedeng gamitin!
Hinanap ni Saiga 2 ang listahan ng weapon configuration, hanggang sa makita niya ang G-Rod...inilabas
niya ito, at ginamit ang husay niya sa arnis....pinag-hahampas niya ang mga ito, at mabilis niyang nawasak ang iba.
SAIGA 2: Ang pang huli!
G-BLASTER!
At ang huli, ay ginamit niya ang G-Blaster...at isang malakas na blast ang siyang tumapos sa lahat ng kalaban niya.
BLLLLAAAASSSSTTTTT
BOOOOOOOMMMMMSS
_________________________________________________________________________
Nagtuos naman ang dalawa ni Saiga 1 at Raganos...parehong hindi nag-patalo ang dalawa. Ginamit ng batang ranger ang galing niya sa sariling karate...
Isang mabibigat na suntok at sipa ang ginawa niya, habang iniiwasan ang mga atake ni Raganos, sa pamamagitan ng kaniyang death scythe....
RAGANOS: Hindi ka makakalusot!
SLLAAAAASSSSSHHHH
SAIGA 1: EEEEERRRRR...
Natamaan nito si Saiga 1, saka napa-atras, at dito ginamit na ni Raganos ang pag-kakataon para tapusin ang pinakang pakay niya.
RAGANOS: Mamatay ka na!
Pero biglang....
YAAAAAAAAAHHHH
Biglang sumaklolo ang dalawa ni Saiga 3 at Saiga 5, sa pamamagitan ng kanilang mga flying kick.
BAAAAAAAAAMMMMMMM
RAGANOS: GRRRRRR....
SAIGA 4: Tayo naman Axel!
SAIGA 2: Sige!
At ginamit naman nila Saiga 2 at Saiga 4 ang kanilang mga G-Blaster...saka tinad-tad ng bala ang kalabang mandirigma.
BLAST!-BLAST!-BLAST!
SAIGA 2: Drake tapusin mo na!
SAIGA 1: G-Rod!
Lumundag si Saiga 1 at ginamit niya ang kaniyang G-Rod at nag-karoon ito ng plasma blade sa paligid...saka ginawa ang isang mapaminsalang pag-atake laban kay Raganos....
RAGANOS: Hindi ako papayag!
Akmang pipigilan pa niya ito, ngunit nagawa niyang pigilan ang pag-atake ng ranger, pero...dahil sa lakas ng batang ranger, at sa nang-hihinang katawan ni Raganos, ay nagawang maitagos ni Saiga 1 ang atake niya, hanggang sa mawasak nito ang maskara ni Raganos at masugatan ito...
SLLLLAAAAASSSSSSSHHHHH
Ngunit sa kabila ng ginawa ni Saiga 1, ay tila nakaramdam siya ng kaba, ng makita niya kung sino ang nasa likod ng maskara....
SAIGA 1: S-Sandali...ikaw...imposible...
RAGANOS: Tch...sinusuwerte ka bata! Tandaan mo babalikan ko kayo! Lalo ka na!
Biglang umatras si Raganos sa kaniyang mga kalaban, at tuluyan na itong tumakas...
SAIGA 4: Ayos nagawa natin! Ang galing mga kasama!
SAIGA 5: Tama ka...
Napansin naman nila ang biglang pagiging tahimik ni Saiga 1.... at kasabay ang pag-dede-activate niya ng kaniyang helmet.
DRAKE: Hindi maaari...
SAIGA 2: Drake....
Ngunit maya-maya pa ay dumating na ang Gamma, para rumesponde sa pang-yayari....
SAIGA 3: Mukang dumating na ang dapat gagawa ng trabahong ito.
At nakita rin ni Alice, ang lahat ng ginawa nila, na hindi siya makapaniwala sa lahat...
ALICE: Imposible ito...ang mga batang yan...Aimee, bakit mo hinayaan na gawin nila ito.
AIMEE: Patawad po Miss. Alice...hindi ko na napigilan si Drake, tila nag-bago ang personalidad niya sa mga nang-yari kanina...
ALICE: Ano si Drake?... Masama ang kutob ko sa mga puwede pang mang-yari....
Tila panibagong pangamba ang hinaharap ngayon ni Alice, matapos makita niyang ang mga bata ang siyang kumuha sa responsibidad ng iba.
__________________________________________________________
RAAAAAHHHHHH
BAAAAAAAAGGGGGG
Dahil sa galit ni Raganos, ay halos winasak niya ang lahat ng makita niya sa paligid....
RAGANOS: Huf...Huf...Bakit...Bakit hindi ko nagawang matapos ang kailan, bakit!
Maya-maya ay tila dumating ang taong sumusuporta kay Raganos, at mula sa dilim ay nag-pakita ito.
NILALANG: Mukang isang malaking problema ngayon ang kahaharapin natin, dahil sa pag-silang nila....
RAGANOS: Ikaw, Mephisto...pakiusap, bigyan mo pa ako ng sapat na kapangyarihan para tapusin ang mga huwad na yun...
NILALANG: Mukang yun na nga lang ang tanging paraan...
Lumakad pasulong ang tinawag ni Raganos na si Mephisto. At makikita dito ang tila kakaiba at hindik-hindik na baluti na suot niya. Inilabas niya ang isang tila bracer, at ibinigay niya ito kay Raganos.
MEPHISTO: Gamitin mo ito...ito ang huling alas mo, para tapusin ang trabaho.
_______________________________________________________________
Kinagabihan....
Tinipon lahat ni Alice ang mga bata, at kasama na dito ang presidente ng GTC na si Kieth Ong...kasama na ro’on ang pag-babalita ni Alice sa kalagayan ni Abby...
ALICE: Ayos na si Abby ngayon, wala na siya sa kritikal na kondisyon...
ANYA: Talaga po....mabuti naman.
ALICE: Huwag kayo masiyadong mag-alala sa kaniya, malakas na babae ang ina niyo, kaya hindi siya basta-basta mamatay ng ganon....
KIETH: Pero bago niyo makalimutan, papaano nang-yari ito...Alice, ipaliwanag mo...papaano nasangkot ang mga batang ito, at sila ang gumamit ng mga Saiga cellular.
WEI: Nako lagot...mukang galit sa atin ang uncle ko....
ALICE: Yun ay---
DRAKE: Ako po ang may kasalanan ng lahat...
ALICE: Drake!
DRAKE: Patawarin niyo po ako...dahil sa naging emosyon ko kaya ko nagawa yun, hindi ko dapat pinakielamanan ang bagay na napaka importante sa inyo...
WEI: Uncle, huwag na kayong magalit hindi naman namin---
KIETH: Alam niyo ba ang pinasok niyo!
Natahimik ang lahat ng medyo mag-taas ng boses si Kieth sa mga bata...
KIETH: Hindi biro ang bagay na ito, hindi ito isang laro o isang club activity sa school...ang tinutukoy dito ay laban sa pagitan ng buhay at kamatayan...pati na ang kaligtasan ng mundo. Nang dahil sa pagiging mapusok niyo, ang huling pag-asa natin----
Hindi ito masasayang....
KIETH: Anong sabi mo....
MIA: Drake....
DRAKE: Hindi masasayang ang lahat ng ito, ng dahil lang sa pagiging mapusok, huwag niyong
kalimutan...kami ang mga anak ng dating bayani ng mundo...at kung ano ang nagawa nila, magagawa rin namin....nang mas higit pa!
Tila hindi makapaniwala si Kieth at Alice sa sinabi ni Drake sa kanila....
WEI: T-Teka Drake...seryoso ka ba....baka nabibigla ka lang, puwede pa naman tayong umatras at ibigay sa kanila ang responsibilidad.
DRAKE: Hindi na puwede...
AXEL: Anong ibig mong sabihing hindi na puwede?
KIETH: Mag-isa na lang sa mundo ang mga ginamit niyong limang tesla serum para magamit niyo ang saiga cellular, bukod do’on, wala na ang tunay formula nito...dahil kasama itong namatay ng ama ko na si Benjamin Ong, ilang taon na ang nakakaraan...
WEI: Kung ganon...wala na palang atrasan ito....
KIETH: Kaya papaano niyo gagampanan ang resposibilidad na ito, na ngayon ay mga hamak na estudiyante palang kayo...at mas malaki pa ang mundo, kesa sa inyo.
DRAKE: Magagawa namin...hindi ko na uulitin ang sasabihin ko...dahil alam kung kaya namin ito.
Makikita sa mga mata ni Drake ang pagiging determinado para patunayan ang mga sinabi niya kay Kieth, kaya nag-desisyon si Alice...
ALICE: Paumanhin President. Ong...kung papayag kayo, ako na ang mag-sasanay sa kanila, at hahawak ng responsibilidad.
KIETH: Ms. Manansala....
ALICE: Wala man sa mga itsura nila, pero nakikita ko na minana nila ang determinasyon ng mga magulang nila no’on, naniniwala ako...magagawa nilang mag-tagumpay. At saka hindi lang naman sila ang kauna-unahang high school squad na nabuo, marami na ang nauna sa kanila...at nag-tagumpay.
Gumanti ng tingin si Kieth ay Drake mata sa mata...at makikita niya ang umuumapaw na determinasyon nito.
KIETH: Mukang wala na akong magagawa....Ms. Alice...sa iyo ko na ipauubaya, gabayan mo sila at palakasin ng husto, upang protektahan ang siyudad na ito, at ang mundo laban sa kahit na sinong banta.
ALICE: Maaasahan niyo...
WEI: Patay na ang career ko ngayon...
Lumapit naman si Anya kay Drake, at tinapik ito sa likuran....
ANYA: Nakuha mo nga ang gusto kung kulay, pero tandaan mo, kulay naman ni Mama ang hawak ko, hindi ako mag-papadaig sa iyo pag-dating dito.
DRAKE: Anya...
AXEL: Ganon din ako....
MIA: Ako rin...pipilitin ko rin maging malakas, makasabay lang sa inyo.
DRAKE: Mga kasama....
ALICE: Kung ganon, sisimulan na natin kaagad ang trainning niyo, sa lalong madaling panahon!
__________________________________________________
Ilang araw ang naka-lipas, dinala ni Alice ang lima, kasama si Aimee sa isa sa mga training facility na ginagamit no’on ng Gamma.
ALICE: Maligayang pag-dating sa inyong pag-sasanay...nais ko lang sabihin sa inyo, hindi magiging madali ang lahat ng ito, para sa inyo...kalimutan niyo na muna ang mga buhay niyo sa labas, at pag-tuunan ng pansin bagay na ito...dahil dito malalaman, kung nararapat ba talaga kayo.
Uumpisahan ko sa tatlong patarakan ng pagiging ranger...una, teamwork...kailangan maging isa kayo at pag-katiwalaan ang bawat isa sa labanan. Dahil ito ang susi sa tagumpay...ang pangalawa determinasyon, kung wala kayo nito, hindi niyo makakamit ang tagumpay....at ang huli, puso, hangga’t may puso kayo para lumaban, magagawa niyo ang lahat ng imposible. Tandaan niyo basta mag-kakasama kayong lahat, walang makakatalo sa inyo.
Sisimulan natin ngayon basic training niyo...ngayon kailangan niyong takbuhin ang field na ito ng sampung beses, at pag-nagawa niyo yun...susunod na tayo sa iba pang aktibidad.
WEI: A-Ano sampung beses...
DRAKE: Bakit naduduwag ka ba?
WEI: Pero...
AXEL: Athleta ka diba, kaya dapat ikaw ang mas nakakalamang sa amin...
MIA: Simulan na natin ito....
ANYA: Tama ka...Aimee, alam mo na hah!
AIMEE: Okay!
DRAKE: Ngayon na!
At sinimulan na nila Drake ang pag-t-training nila...binuksan naman ni Aimee ang mega speaker, at pinatugtog niya ang kantang back in black ng AC/DC. Dahil do’on tila mas ginanahan sa pag-sasanay sila Anya...
_______________________________________________________________
Dumaan ang mga araw... iba’t ibang pag-sasanay ang ginawa nila, pamula basic at actual military training drills.
BOOM!-BOOM!-BOOM!
Iniwasan lahat ni Drake ang mga patibong na siyang naharang sa kaniya...at ganon din ang ginawa ni Anya, at iba pa...
BAG!-BAM!-BAGG
WEI: YAAAAAHHHH
Isang malakas na sipa ang ginawa ni Wei, sa isang punching bag, at dito mas hinahasa niya ang husay niya sa wing chun.
______________________________________________________________
Hindi rin nag-pahuli si Mia sa kanila...ginamit niya ang pag-kakataong ito para mas mahasa ang husay niya sa gymnas...at hindi maiwasan ng mga kasamahan niya na mamangha....
WEI: Ang galing naman, hindi ko alam na ganon pala kaliksi ang katawan ni Mia...
DRAKE: Syempre, natural born athlete din siya...at bihira lang niya ipakita ang tunay niyang kakayahan, kaya masasabi kong hindi siya basta-basta...ang mga taong kagaya niya ay dapat hindi minamaliit dahil lang sa physical niyang anyo.
Nag-patuloy ang ensayo ni Mia...
___________________________________________________________
At habang wala naman silang ginagawang pag-eensayo, kinuha ni Axel ang kaniyang laptop, at gumawa siya nang desenyo para kanilang symbolo bilang Saigaman...
AXEL: Ibigay niyo ang mga, Cellular niyo...
ANYA: Sandali ano bang ginagawa mo?
AXEL: Gumagawa ako ng insignia natin...para makilala tayo bilang isang groupo...
Iginuhit ni Axel ang isang hugis wrech at may circel logo, at ito ay inilagay niya sa bawat saiga cellular nila at mga armors.
WEI: Woah, ang angas niyan ah….
AXEL: Hmp, natural….
_________________________________________________________
Nag-patuloy ang matinding training nila sa ilalim ng panga-ngalaga ni Alice...at dumaan ang mga araw, tila mas nag-bago na ang bawat isa...
ALICE: Sige pa ituloy niyo pa! Maaabot niyo na ang tuktok! Walang susuko!
Pinipilit na abutin ng groupo ni Drake, ang pinakang main goal, ng biglang bumagsak si Axel, dahil sa pagod...
AXEL: AAAAAHHHHH
ANYA: Axel!
AXEL: Tch...Malas...sige iwan niyo na ako! Abutin niyo na ang goal!
Ngunit biglang bumaba si Drake at Wei...para siya ay tulungan, at sinabing...
WEI: Sira ka ba...hindi namin magagawa yun.
DRAKE: Isang team tayo, ang pag-bagsak ng isa ay ang pag-bagsak ng lahat, hindi ka namin puwedeng iwan dito, dahil lang bumagsak ka...gusto mo bang ulitin muli sa simula at mag-hirap!
WEI: Malapit na tayo sa goal, konting tiis nalang!
Inabot ni Drake ang kamay ni Axel, at dito tinangap niya ang tulong ng kaibigan...
AXEL: Sige, tapusin natin ito ng sama-sama...
MIA: Mga kasama...
ANYA: Tayo na Mia...
At ilang sandali pa ay....nagawa nilang matapos ang matinding training na ibinigay sa kanila ni Alice...
WEI: Nawaga natin!!!
ANYA: Mia!
MIA: Nagawa natin pareho Anya...
AXEL: Drake... (Nakipag-fist bump)
DRAKE: Tagumpay tayo... (Nakipag-fist bump)
At sa wasak handa na silang harapin ang mga pag-subok na darating sa kanila.
____________________________________________________________
Matapos ang kanilang training, pinulong muli ni Alice ang lima...para batiin ito, at ibigay ang tunay na kahulugan ng bawat kulay na sumisimbolo sa kanila.
ALICE: Ngayon natapos niyo na ang pag-sasanay niyo, wala akong masasabi kung hindi pinag-mamalaki ko kayo...ngayon gusto kong makita niyo ito, sumunod kayo sa akin.
Sumunod sila Drake, kay Alice, at mula sa isang malaking hangar, ipinakita niya sa lima ang isa sa mga pinakang supresa sa pagiging Saigaman...
WEI: Sandali, yan ang....
MIA: Mga mecha?
AIMEE: Tama kayo, yan ang dinevelop ng GTC, bilang isa sa mga main arsenal ng Saiga project, ito ang
GM-0S, o mas kilala bilang Guardian Machine...binase namin sila mga sasakyan na nakikita niyo, at kaya din nitong mabuo bilang isang makapangyarihan humanoid mecha na tinatawag naman bilang si Saiganos...
AXEL: Saiganos...Hindi na masamang pangalan...
ANYA: Ang astig...kailan kaya natin ito puwede subukan.
AIMEE: Sa tingin ko hindi niyo pa kailangan gamitin ang mga yan, pero huwag kayong mag-alala...kayo na ang saigaman, at hawak niyo ang mga tesla serum, na nag-bibigay ng talino at lakas para magawa ang imposible sa posible. Mag-tiwala lang kayo darating din kayo sa puntong k-kailanganin niyo ang mga ito.
ALICE: Makinig kayo...hindi ito ang bagay na gusto kong ipakita sa inyo...may nais akong sabihin sa inyo, ang tungkol sa katotohana sa likod ng mga kulay na hawak niyo. Ito ang matagal mo ng gustong malaman, diba Drake...
DRAKE: Tama po kayo...
ANYA: Ano, tungkol sa mga color designation namin?
ALICE: Tama Anya...ang bawat kulay niyo ay may nirerepresnta, na napakahalaga sa papel niyong ranger o Saigaman...Drake, nasa iyo kulay ng pula, ang katangian ng isang pinuno o leader ang pinang-hahawakan mo. Dapat sa lahat ng oras hindi ka nawawalan ng tapang at paninindigan sa isang laban, ikaw ang siyang puso ng inyong samahan.
DRAKE: Naiintindihan ko po...
ALICE: Axel...alam ko na ikaw ang siyang student council president, pero iba ang laban na ito...sinasabi dati sa mga nakaraan na squadron ang itim ang siyang pumapangalawa sa pula, ngunit sa kaso natin ay iba...dahil minana mo ang kulay ng iyong ama, bilang asul...ikaw ang siyang responsable sa bawat taktika na inyong gagawin...at ikaw din ang siyang tatayong kanang kamay ng pinuno, na hahalili sa kaniya sa oras na wala ito, at sa lahat ng desisyon na kaniyang gagawin.
AXEL: Gagawin ko ang makakaya ko...
ALICE: Anya...ang kulay mong berde ang siyang hahawak ng pag-asa...na siyang mabibigay inspirastion sa
lahat, para ipag-patuloy ang laban at buhay. Tamang-tama ang kulay na iyan para sa iyo, hindi mo man namana ang katalinuhan ni Abby, pero masasabi ko naman na namana mo ang pagiging matatag niya at malakas.
ANYA: Sa totoo gusto ko ang pula, pero...ng marinig ko yan, hindi ko na ipag-papalit ang kulay na ito...ang kulay na hinawakan ni Mama...
ALICE: Wei... nakikita ko sa iyo ang pagiging masayahin mo at pag-ka totoo...bagay na bagay sa kulay na hawak mo, dahil ganyan din ipinapakita ng Malin no’on miyembro pa siya ng Gammaranger. Sana mapanatili mo ang ugali mong yan, dahil hindi makukumpleto ang groupong ito, kung wala ang isang kagaya mo...
WEI: Hindi ko na kayo bibiguin..pangko yan.
ALICE: At ang huli...kahit na mag-kaiba kayo ng kulay, nakikita ko ang ama mo sa katauhan mo sa iyo,
Mia...ang kulay mong rosa, ay nirerepresenta ang pag-mamahal, respeto, at kagandahan sa bawat buhay sa mundo...at sa mga mata mong yan, minana mo ang pagiging determinado ni Scott. Tiyak akong ipag-mamalaki ka niya.
MIA: Salamat po Miss. Alice...gagawin ko po ang makakaya ko.
ALICE: Ngayon, ganap na kayo bilang isang groupo...tandaan niyo, daraan kayo sa lahat ng pag-subok, at isa lang ang hinihiling ko...ang maging matatag kayo sa bawat oras na kailangan. Mag-tiwala sa isa’t-isa, yan ang batas natin.
ALL: Opo!
AIMEE: Guys, heto na ang private uniform niyo...ako mismo ang gumawa nito, at syempre meron din kami ni Ms. Alice....
Ibinigay ni Aimee, ang limang saiga jacket sa kanila, hindi maiwasan na humanga ang mga ito, dahil sa ganda ng pag-kakagawa...
WEI: Wow ang lupit nito...kung ganon opisyal na nga tayo.
AXEL: Maraming salamat sa iyo...Aimee, kahit na hindi ka isang saiga, alam ko na hindi kami makukumpleto kung wala ka....
ANYA: Syempre kasama rin siya sa atin, saiga man siya o hindi...
AIMEE: Maraming salamat sa inyo...Drake, heto ang sa iyo.
Kinuha ni Drake ang jacket na ginawa ni Aimee para sa kaniya, ngunit hindi maiwasan mapatingin ni Mia sa dalawa.
DRAKE: Maraming salamat, Aimee...
WEI: Okay, mag celebrates naman tayo...dahil isa na tayong tunay na squadron.
_________________________________________________________________
Kinagabihan...
Nasa balkunahe naman si Axel, ng puntahan naman siya ni Drake, para kausapin....
DRAKE: Puwede ba kitang makausap...
AXEL: Drake...syempre naman, bakit ano yun?
DRAKE: Axel, alam ko sa mga nakaraan taon, patuloy mo parin akong hinahabol...at itinuturing karibal...at kahit minsan hindi ka nanalo sa akin tama ba.
AXEL: Teka nag-punta ka lang ba dito, para asarin ako?
DRAKE: Sandali lang...huwag kang magalit, Oo pranka ako at sarkastiko kung minsan, pero hindi mo ako
masisisi, kung totoo ako sa bawat tao...at dahil do’on maraming may ayaw sa akin...pero ikaw, iba ka...dahil patuloy mo parin akong tinangap na kaibigan, kahit na ilang beses kong tinangihan ito...dahil do’on, maraming salamat sa ginawa mo.
AXEL: Ano ka ba, ang drama mo ngayon, parang hindi ikaw yan....Pero...salamat sa iyo, dahil din sa iyo
mas pinag-butihan ko pa, hindi man ako kasing galing o talino mo...nagagawa ko naman ang mga bagay na
ako lang talaga ang nakaka-alam.
DRAKE: Yan ang gusto kong iparating sa iyo no’on, nang humihingi ka sa akin ng tulong bilang advicer sa science festival.
AXEL: Kung ganon, hindi mo pala ako minamaliit no’on?
DRAKE: Bakit ko naman gagawin yun...kilala na kita Axel, ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo, at isinasagad sa sukdulan ang limitasyon...na hindi ko magawa, bilang ako...kaya diyan ako humahanga sa iyo. Dahil sa ating dalawa, ikaw lang ang nakakagawa nito.
AXEL:Hmp...ngayon ikaw naman ang madrama...pero pangako, tutulungan kita, sa abot ng aking makakaya...
Nag-fist bump ang dalawa, bilang tanda ng kanilang pangako na susuportahan ang isa’t-isa...
_______________________________________________________
MEGATROPOLI HIGH....
NEWS REPORTER: Isang linggo na ang nakakaraan...simula ng mangyari ang insidente dito sa metropoli high, at sa ngayon bantay sarado parin ng Gamma ang buong lugar, at patuloy na umaandar ang imbestigasyon...at ayon sa mga ulat, isang di umanong metalic creature ang siyang gumawa ng kaguluhan na nag-lagay sa buhay ng maraming tao, at mga estudiyante...sa ngayon kinansela muna ang klase, sa naturang eskuwelahan...hangga’t wala pang lead sa kasong ito.
Ako si Maria Villiapando...SBC News...
And Cut....
DON: Good take Malin...
Tila nakita ni Don ang lungkot sa mga mata ng kaniyang asawa...kaya sinubukan niyang palakasin ang loob nito.
DON: Mukang malungkot ka nanaman ah...
MALIN: Nag-aalala ako sa kalagayan ng anak natin, wala akong balita sa kaniya simula nung nang-yari ang insidente sa loob ng school nila. Kahit tawag or message man lang, wala akong matangap mula sa kaniya...hindi kaya---
DON: Huwag kang mag-salita ng ganyan...
MALIN: Don...hindi ko na alam ang gagawin ko...para bang gusto kung bumalik sa pagiging sundalo, para lang makita ang buong katotohanan sa mga nang-yayari...
DON: Hindi mo na kailangan gawin ang bagay na iyan...tandaan mo, sa posisyon mo ngayon, para ka naring sundalo na nakikipag-digma sa araw-araw....upang mailahad lang ang katotohanan...na niniwala ako, na niniwala ako na ayos lang ang anak natin, kung saan man siya naroroon...
MALIN: Don...
Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone ni Malin...at tila isang mensahe ang siyang dumating na ikinagulat niya..
MALIN: Sandali, ito ay...
____________________________________________________
Kaagad naman nag-tungo sa labas si Malin, at sinagot ang tawag niya...at ito ay mula kay Brian...
GEN. TAVAREZ: Malin...
MALIN: Kuya Brian...napatawag ka...
GEN. TAVAREZ: May nasagap akong balita kung sino ang may kagagawan ng lahat ng ito...maaari ka bang makipag-kita sa amin...darating ngayon si Scott mula sa Us, at si Abby naman ay kalalabas lang sa ospital...do’on natin malalaman kung sino ang utak ng lahat ng ito.
MALIN: Sige payag ako...bukas, sa isang coffee shop malapit dito sa studio namin 2:30 ng hapon, mag-hihintay ako.
_____________________________________________________
G.T.C Empire building....
Kasalukuyang nag-kakaroon ng board meeting ang buong board of members, dahil sa nabalitaan nilang hindi na matutuloy ang mass produce ng Saiga armor... at kaungay rin sa nang-yaring insidente...
Ang ibig sabihin nito Benedict!
Ito ang isa sa mga major share holders ng G.T.C, at siya ay walang iba kung hindi si Donald Lee.
DONALD: Ipaliwanag mo ito, anong hindi na mang-yayari ang pag-mamass produce ng mga saiga armor, sabahin mo!
KIETH: Huminahon lang kayo...hindi ibig sabihin na hindi na ito matutuloy, ay tuluyan na nating isasara ang pinto para sa proyektong ito...
DONALD: Kung ganon ipaliwanag mong mabuti, lahat...pati na ang insidente no’ong nakaraan sa Metro high...
Tama siya...kailangan na nating kumilos, para hindi tayo masadlak sa kahihiyaan...
Isa muli sa mga major stock holder ang nag-salita, at ito naman ay si Lea Chu....
LEA: Isipin natin naging kalagayan ng mga estudiyanteng nadamay, at ang mga magulang na nag-aalala sa kanilang mga anak...ano nalang ang kinabukasan nila, kung hindi na sila mag-titiwala sa atin...malaking kawalan ito sa mga bata, at lalo na sa atin kompanya...
KIETH: Alam ko ang mga bagay na iyan...
DONALD: Pero bakit parang wala kang ginagawa? Alam mo naman maraming aatras na----
KIETH: Hindi na ito usapin sa pera o kung ano pa man!
Nag-taas ng boses si Kieth, at halos lahat ng mga tao sa board room ay tila nakaramdam ng kakaibang takot.
KIETH: Tandaan niyo, itinatag ng Ama ko ang siyudad na ito...at handa akong protetkahan ang kahit na sinong mamamayan na namamalagi dito. Pakiusap lang...bigyan niyo pa ako ng sapat na oras, para magawa ang nararapat...
At sandaling katahimikan ang siyang nang-yari, sa loob ng board room, dahil sa naging sinsiridad ni
Kieth, para sa lunsod nila...ng bigla naman.
BAAAAAAAAAAAAAAMMMMM
Biglang nawasak ang pintuan ng kanilang board room, at tumalsik dito ang dalawang security, na ikinatakot naman ng lahat ng tao na nasa loob.
DONALD: A-Anong nang-yari!
Mula sa nawasak na pintuan, dahan-dahang pumasok si Raganos, bit-bit ang isang walang buhay na guwardiya ng kumpanya ni Kieth...
DONALD: A-AAHHHH....teka...sino ang isang yan....
LEA: Benedict!
RAGANOS: Hanggang dito ba naman, panay bulsa parin niyo ang siyang ina-aalala niyo...
Inihagis ni Raganos ang walang buhay na katawan ng guwardiya sa harap nila Kieth. At halos matakot naman ang mga kasamahan niya sa board.
KIETH: Ikaw...ang puting kamatayan...
RAGANOS: Ang lugar na ito...ang puno’t dulo ng lahat ng pag-hihirap ng sangkatauhan! Hayaan mong wasakin ko na ito!
DONALD: A-HHAAAA...Benedict, anong gagawin natin...
Kalmado lang si Kieth sa mga nang-yayari ngayon.... hanggang sa mag-salita na muli siya.
KIETH: Alam kong hindi mo magagawa yan sa ngayon...sabihin mo, anong kailangan mo...
Biglang kumuha ng upuan si Raganos, at umupo siya sa puwesto ng president seat.
RAGANOS: Kung gan’on, may proposal ako sa iyo...ilabas mo ang batang yun...at pag-bibigyan kita sa
kahit anong gusto mong kundisyon...
KIETH: Sa tingin mo ba papayag ako sa gusto mo...
RAGANOS: Kailangan kong pigilan ang pag-usbong ng mga sungay nila, para sa ikapapanatag ng mundo ito.
DONALD: Benedict...anong sinasabi ng halimaw na ito?
KIETH: Hindi ko sila puwedeng ibigay sa inyo...dahil sila...
BRAAACCCCCCKKKKK
Biglang nabasag ang, mga bintana ng board room...at mula dito, dumating ang limang mandirigmang tinutukoy ni Kieth....
KIETH: Ang bantay ng lunsod na ito...
SAIGA 4: Oras na para bumawi sa iyo!
RAGANOS: Mukang kayo na mismo ang lumapit sa kamatayan niyo!
Akmang aatake ang lima, pero biglang lumabas ang mga galamay sa likod ni Raganos, at sabay-sabay niyang inatake ang lima, at maging ang mga miyembro ng board.
Pero mabilis na naiwasan ng lima ang mga atake, at ginamit ni Saiga 2 ang kaniyang G-Rod, at pinutol ang ilan sa mga galamay ni Raganos.
SAIGA 2: Drake!
SAIGA 1: Alam ko!
Pinuntirya ni Saiga 1 si Raganos, at sila na mismo ang nag-laban....
SAIGA 2: Wei ilabas niyo ang mga tao dito... susundan ko si Drake!
SAIGA 4: Okay! Uncle!
KIETH: Sige! Mga kasama sumunod kayo sa akin!
__________________________________________________________
Dinala ni Saiga 1 ang laban sa mismong roof top, at dito nag-sabayan ang dalawang mandirigma....
RAGANOS: Mukang mas nag-improve mga kilos mo bata...talagang ipinapakita mo lang na kailangan kitang tapusin!
SAIGA 1: Puwes uunahin na kita!
Ginamit ni Saiga 1 ang kaniyang G-Rod, at akma niyang hahatiin si Raganos, ngunit mabilis niyang na depensahan ang atake ng batang ranger, sa pamamagitan ng kaniyang death sycthe....
SAIGA 1: EEEERRRR....
RAGANOS: GRRRRR...
SAIGA 1: Huli ka na ngayon!
RAGANOS: Ano!
SAIGA 1: Ngayon na!
Mula sa likuran, ay lumabas ang dalawa ni Saiga 3 at Saiga 5, at sa pamamagitan ng kanilang plasma chain, ay sinubukan nilang hulihin si Raganos...
RAGANOS: Imposible!
SAIGA 3: Mia!
SAIGA 5: Okay!
At inactivate nila ang electrical shock, para magawa nilang mapabagasak si Raganos....
RAGANOS: EEEERRRRRR
SAIGA 3: Nagawa natin! ----
Pero laking gulat nila na biglang hinigop lang nito ang electrical energy nila, at muling ibinalik ito sa dalawa...
SAIGA 5: Imposible!
SAIGA 3: Mia ilag!
RAGANOS: RAAAAAAAAAHHHH
BOOOOOOOMMMMSSSSSS
SAIGA 1: Anya! Mia!
RAGANOS: At saan ka tumitingin!
Isang supresang pag-atake ang siyang biglang bumulaga kay Saiga 1, ng malihis siya nang tingin...
BAAAAAAAAAAMMMMMMM
SAIGA 1: GGRRRRRR...
SAIGA 3: Drake!
Dahil sa lakas ng suntok , ay halos malag-lag na si Saiga 1 sa roof top, ngunit mabilis na kumilos si
Saiga 3 at iniligtas ang kapatid niya.
SAIGA 3: GRRRRR!
RAGANOS: Huwag na natin sayangin ito...ang mabuti pa mamatay na kayo!
Akma nang tatapusin ni Raganos sila Saiga 1, pero mabilis na rumesponde sila Saiga 2 at Saiga 4.
At nakipag-laban sila dito, gamit ang husay nila sa mga martial art skill nila.
RAGANOS: Mga peste!
Nakipag-palitan sila ng mga atake sa mandirigmang si Raganos...at samantala, nailigtas naman ni Saiga 3 si Saiga 1 sa kapahamakan...
SAIGA 3: Grabe ang bigat mo...Mag diet ka nga!
SAIGA 1: Tumahimik ka! Mas matakaw ka nga kesa sa akin!
SAIGA 3: Ano! Bawiin mo ang sinabi mo!
At sa pag-tayo muli ni Saiga 1, ay ginamit na niya ang kaniyang Special weapon...para tapusin ang
kalaban nila habang nililibang ito ng mga kasama niya.
SAIGA 5: Sandali ano ang bagay na iyan?
SAIGA 1: Saiga Buster!
Inipon ni Saiga 1 ang buong energy particle niya...para sa isang kalabit nito ay tapos na ang kalaban.
Foton particle charge....ito ang sabi sa computer helmet ni Saiga 1, bilang tanda na puwede na niyang pakawalan ang inipon niyang enerhiya.
SAIGA 1: Axel! Wei! Tumabi na kayo!
SAIGA 2: AH!
SAIGA 4: Paalam na sa iyo!
SAIGA 1: Kainin mo ito!
At sa isang kalabit ni Saiga 1 sa gatilyo ng kaniyang Saiga buster, ay tumama ito sa katawan ni
Raganos...ngunit tinangka nitong pigilan ang lahat....
RAGANOS: GRRRRRR.....
BOOOOOOOOOOMMMMSSSSSS
SAIGA 4: Ayos....
SAIGA 2: Nagawa mo ba....
SAIGA 1: Tingnan natin...
Lumapit ang lima, para tingnan ang lagay ni Raganos...ngunit laking gulat nila na walang kahit na anong bakas ng katawan niya ang naroroon, mula sa pag-sabog.
SAIGA 5: W-Wala siya dito...
SAIGA 2: Ah...Drake sa itaas!
Mula sa itaas, isa muling pag-atake ang ginawa niya, at ang mas nakakagulat ay hawak niya ang particle foton na pinakawalan ni Saiga 1...
RAGANOS: Kainin niyo ito!
ZOOOOOOMMMMM
BOOOOOOOMMMMSSSS
Halos mayanig ang buong gusali ng mangyari ang pag-sabog....at dahil do’on natakot ang mga empleyado na nasa loob ng G.T.C.
SAIGA 4: BRRR....hoy huwag mong wasakin ang building ng pamilya ko!
Ngunit makikita rin sa itsura ni Raganos, ang pinsala na ginawa sa kaniya...pero dahil sa mga galamay niya, ay nagawa niyang pigilan ang mapaminsalang atake na yun... at muli, dito na nabulgar kung sino bang talaga siya....
SAIGA 1: Kung ganon tama ang hinala ko...ikaw nga...
SAIGA 2: Sandali, sino ba siya...
At kilala rin ito ni Saiga 4....
SAIGA 4: Uncle Dennis!
SAIGA 3: Ano sino siya?
SAIGA 4: Siya si Dennis Marco Quillia...isa sa mga dating main investor, at main researcher ng GTC...ang buong akala ko, matagal na siyang patay.
SAIGA 1: At siya rin ang naging mentor ko...no’ong nasa harvard ako...
RAGANOS: Mukang masiyado ko kayong minaliit...
SAIGA 4: Bakit mo ginagawa ito uncle! Anong dahilan! Sabihin mo!
RAGANOS: Anong dahilan...simple lang, dahil isang malaking pag-kakamali na nabuhay kayo, at ang pag-kakatatag ng kompanyang ito! Kaya nararapat lang na ito ay mawala! Lalo ka na, Drake Fonseca! Isa kang salot na kailangan burahin!
SAIGA 2: Hindi namin hahayaang mang-yari yan!
SAIGA 5: Tama siya! Nakahanda kaming pigilan ka!
RAGANOS: Puwes, tingnan natin kung may magagawa pa kayo pag-katapos nito...
Mula sa isang maliit na device, ipinakita ni Raganos ang magaganap na pag-pupulong ng mga magulang nila. At ito pala ay isang patibong lang ni Raganos para sa kanila.
SAIGA 4: Hindi...Mama!
SAIGA 2: Ang mga magulang natin!
SAIGA 3: Hindi!
SAIGA 5: Dad!
SAIGA 1: Tch!
RAGANOS: Mag-paalam na kayo sa mga pinaka-mamahal niyong magulang!
SAIGA 3: HINDI!
Akmang pinindot ni Raganos ang switch button, at ilang sandali pa ay...
BOOOOOOOOOMMMMMMSSSSSSS
Isang malaking pag-sabog ang nasaksihan nila, at ito ay ikinabigla nilang lahat...
RAGANOS: Ha...HA HA HA HA HA HA HA! Ngayon wala na ang mga puno, isusunod ko na ang mga bunga...at kayo yun.
Saglit na natahimik ang bawat, isa...nang bigla nalang....
SAIGA 1: Mag-babayad ka...MAG BABAYAD KA!! RAAAAAAHHH
SAIGA 3: DRAKE!!!!
Bigla nalang umatake ng walang anu-ano sila Saiga 1...at hindi siya napigilan, para mapaslang lang ang responsable sa mga pang-yayari...
RAGANOS: Mukang lumalabas na ang tunay niyang katauhan! Sige magalit ka lang!
SAIGA 4: Hindi ako papayag na ganito lang ang mang-yari!
SAIGA 2: Humanda siya!
At dahil din sa galit nila, sabay-sabay na sumugod ang mga lalaking ranger....
SAIGA 5: Sandali, huminahon lang kayo!
SAIGA 3: Drake!
______________________________________________________
Nag-pakawala ng matitinding atake si Saiga 1 kay Raganos, mag-kakasunod na suntok at sipa ang ginawa niya, ngunit ang lahat ng ito ay na depensahan lang ng mandirigma, at isang malakas na sipa ang kaniyang ginawa dito.
BAAAAAAAAAMMMMM
SAIGA 1: AAAAAHHHHH
RAGANOS: Sunod!
SAIGA 4: Ako naman ang harapin mo!
Sabay na umatake ang dalawa, at dahil wala na sa kanilang tamang pag-iisip ay umatake lang sila ng umatake, hanggang sa makakita ng butas si Raganos para sila ay pabagsakin.
BAM!-BAG!-BOG!
Bagsak ang dalawa...at sabay nawalan ng malay...
SAIGA 3: Mga kasama!
RAGANOS: At saan ka nakatingin!
SAIGA 5: Anya!
Akmang tutulungan ni Saiga 5 si Saiga 3, pero biglang humaba ang galamay ni Raganos...at hinampas ito ng malakas, at nawalan din ito ng malay...
SAIGA 3: Mia!
At ilang sandali lang ay....
BAAAAAAAAMMMMMMM
Isang malakas na suntok sa sikmura, ang ginawa niya sa babaeng ranger...at bumagsak narin si Saiga
3....at samantala, unti-unti naman nag-kakaroon ng lakas si Saiga 1 para tumayo, ngunit isa-isang dinampot ni Raganos ang apat...at dumating ang higante niyang mecha, na si White Grim...
SAIGA 1: I-Ibaba mo sila!
RAGANOS: Drake Fonseca...inaamin ko, pinahanga mo ako sa mga naging kakayanan mo no’on, na kahit kailan ay hindi ko nakamit noong nasa ganyang edad mo ako, ngunit iba ngayon ang kinahaharap natin sitwasyon...kung gusto mong iligtas ang buhay ng mga kaibigan mo, alam mo na ang dapat mong gawin...dalhin mo si Aimee Santillian sa cooridanate na ibibigay ko sa iyo, dito mo malalaman ang lahat ng katotohanan na gusto mong malaman kung bakit gusto kitang mawala!
SAIGA 1: Tch...Hindi!
At sumakay si Raganos sa kaniyang white grim, at tuluyan ng umalis kasama ng ibang Saigaman, hanggang sa mawalan ng malay si Saiga 1...at nakita naman ni Kieth ang buong pang-yayari.
KIETH: Drake! DRAKE!
_________________________________________________
Samantala, dumating naman sila Alice sa pinang-yarihan ng pag-sabog...at nakita nilang tila ayos lang ang mga lagay nila Malin do’on!
ALICE: Malin!
MALIN: Alice...
Agad nilapitan ni Alice si Malin, para kumustahin ito...
ALICE: Ayos lang ba kayo...may nasaktan ba sa inyo...
MALIN: Wala naman...salamat nalang kay Ate Abby at nagawa niyang pigilan ang pag-sabog ng maaga.
ABBY: Ayos na ang sitwasyon dito...pero sa ngayon tinitingnan nila Scott ang kalagayan ng ibang sugatan.
ALICE: Abby, kumusta ka naman...
ABBY: Mabuti naman…Alice, may gusto akong itanong sa iyo...sabihin mo, nasaan ang mga anak namin!
ALICE: Yun ay...
Tama si Abby, nasaan sila Axel!
At dumating narin sila Brian at Scott, para tanungin kung nasaan ang mga anak nila.
ABBY: Sagutin mo kami Alice...nasaan sila Drake at Anya!
Tila hindi makapag-salita si Alice dahil sa nakikita niyang galit sa mga mata ng mga kasama niya. Hanggang sa isang tawag mula kay Aimee ang siyang pumasok.
BEEP!-BEEP!-BEEP!
ALICE: Aimee!?
Sandaling katahimikan ang ginawa ni Alice, habang nakikinig sa mga sinasabi ni Aimee...at ilang sandali ay natapos na ito.
MALIN: Sandali, anong sinabi ni Aimee? Ate Alice!
ALICE: Naiintindihan ko papunta na kami diyan....Sumunod kayo sa akin!
_____________________________________________________________
Sa hideout ni Raganos...ay tila unti-unti ng nag-kakamalay ang apat...at una dito ay si Axel...
AXEL: E-EEERR...Sandali, nasaan tayo...Hoy gumising kayo! Anya! Wei! Mia! Gising!
ANYA: Teka, anong lugar ito?
Nag-lakad-lakad si Wei, at nilibot niya ang buong paligid, para sipatin...at tila may nakita siyang pamilyar na imahe dito...
WEI: Sandali, tingnan niyo...
AXEL: Ano yun?
Pinag-masdan nila ang lumang insignia na pamiliyar kay Wei...
WEI: Ang simbolong ito...ito ang lumang insignia ng GTC...Kung ganon, nadito tayo sa isa sa mga lumang pasilidad ng lolo ko.
AXEL: Ano!
Mukang nagising na ang mga bisita ko....
AXEL: Raganos!
ANYA: Ikaw, pag-babayaran mo ang ginawa mo sa mga magulang naming!
WEI: Uncle! Pakiusap ipaliwanag mo ang nang-yayari!
RAGANOS: Gusto niyo bang malaman...Kung bakit...
_____________________________________________________________
Samantala, dumating naman sila Alice sa Saiga lab, at dito...tumambad kay Abby, ang tila nakaratay niyang anak...
ABBY: Drake!
Kaagad tumakbo si Abby, para tingnan ang lagay nito...
ABBY: Drake! Drake! Gumising ka...
DRAKE: E-EEERR...M-Mama?
ABBY: Oo anak...ako ito...
SCOTT: Alice, where’s the rest of the kids...were’s Amber i want to know!
MALIN: Ate Alice! Nasaan ang mga anak namin! Nasan si Wei!
ALICE: Sila ay----
DRAKE: Dinukot sila ng kalaban!
Ikinagulat ng mga magulang nila Axel ang sinabi ni Drake, tungkol sa nang-yari sa kanila.
SCOTT: What do you mean Drake?
ABBY: Drake...nasaan ang kakambal mo?
DRAKE: ....
___________________________________________________________
AXEL: Anong ibig mong sabihin!
Tila ikinagulat nila Axel, ang narinig nila...
RAGANOS: Tama ang narinig niyo...ang lahat ng ito ay pawang pag-lilinis lamang sa kalat na ginawa ng ankan mo...Wei Ong...
WEI: Hindi...
RAGANOS: Kayo ang pinag-ugatan ng lahat nang kaguluhan na nang-yayari dito sa mundo, pamula sa unang pag-usbong ng Axis, hanggang sa pakikiealam ng Orias. At ngayon kayo naman ang siyang nilikha nila, upang suwayin ang kapayapaang matagal ng hinahangad ng nakararami...
ANYA: Hindi ka namin maintindihan, bakit mo ba ginagawa ang mga bagay na kagaya nito, anong kinalaman namin! Hindi naman namin kasalanan kung naging anak kami ng dating mga bayani...at wala kaming karapatan na pumili ng magulang namin!
MIA: Tama siya...hindi ganon kasama ang tingin ko sa mga taong nakapalibot sa amin ngayon...
RAGANOS: Anong sinasabi niyong hindi masama...mga wala pa kayong muang, ang pag-silang ni Drake Fonseca ang isang patunay, ang pag-papatuloy ni Kieth Ong sa naiwang pamana ni Benjamin Ong, lahat yun ay isang malaking pag-kakamali! Kayo ay isang malaking pag-kakamali! Dahil habang nabubuhay kayo, Hindi maibabalik sa dati ang lahat! Patuloy mag-hihirap ang mundong ito dahil sa mga katulad niyo!
WEI: Uncle, alam mong inidolo kita, dahil sa kabutihan mo...Pero bakit ngayon parang hindi na kita kilala! Kung puwede lang itigil mo na ito!
AXEL: At isa pa, matagal ng nag-dudusa ang mundo, simula pa no’ong unang panahon...bakit mo kami idinadamay sa mga nakaraan na gusto mong ungkatin!
RAGANOS: Walang nang-yari sa akin...nagising lang ako sa katotohanan...na ako ang siyang pinili ng langit, upang putulin ang mga ugat! At wasakin ang mga bunga nito!
Lumapit si Raganos, sa kaniyang main server, at tila inihahanda na niya ang kaniyang huling balak, para sa pag-babagong gusto niya.
ANYA: Sandali, anong ginagawa mo!
AXEL: Teka yan ang!
RAGANOS: Sila ang mga alagad na gagamitin ko, para wasakin ang siyudad niyo, sila ang mga white reaper...at kasama narin ang pinag-mamalaki niyon tesla core....
WEI: Ano...nahihibang ka na! Hindi ba ikaw ang isa sa mga gumawa nito...bakit mo kailangan itong wasakin!
MIA: Tama siya...sa oras na mawasak ito, tiyak na maraming inosenteng buhay ang mawawala...
RAGANOS: Yun ang nararapat...dahil ito ang tungkulin ko! Pero bago yun, kailangan ko munang patayin ang itinuturing na diablo.
_______________________________________________________
MALIN: A-Anong ibig sabihin nito...
ABBY: Drake...Kayo ay...
Tama ang narinig niyo sa kaniya...
MALIN: Kuya!
Dumating naman si Kieth, para ipaliwanag din ang panig nila...
KIETH: Ginawa lang ng batang ito ang nararapat...
GEN. TAVAREZ: Pero kahit na, hindi parin yun dahilan para gawin nila ang isang bagay na napaka delikado! Isipin mo, mga bata palang sila! At dapat tayong mga matatanda ang siyang gumagawa ng paraan para protektahan sila!
ABBY: Drake...bakit...bakit mo ginawa ito...bakit ka nag-desisyon nang pabigla-bigla, alam mo naman na hindi biro ang ganitong klaseng buhay, kaya nga mas pinili ng Papa mo ang lumayo muna sa atin. Para nang saganon, hindi kayo mapahamak.
DRAKE: Pero sino naman ang p-protekta sa inyo...nang makita ko kayong nasaktan ng husto, kakaibang galit ang naramdaman ko, na para bang gusto kong sumabog...Ma, ayaw kong dumating ang araw na...bigla nalang kayong mawala nang dahil lang sa pag-protekta sa amin ni Anya...hindi ko matatangap yun.
Kahit na ganito ako...kahit na gusto ko lang laging mapag-isa, hindi naman kaya ng kunsensiya ko ang mga maling bagay na nang-yayari sa paligid ko...alam ko, may dahilan ang lahat, kung bakit ako mismo ang siyang lumikha sa mga bagay na ginagamit namin ngayon...at ito na yun, ang gampanan ang tungkulin, na ginawa niyo no’on...
MALIN: Pero mali parin...hindi niyo obligasyon iyan...kung meron man dapat gumawa ay kami, o ang ibang tao mas nararapat!
DRAKE: Magagawa namin....
Tila makikita na sa mga mukha ni Drake, ang pagiging seryoso at muli, nag-bago nanaman siya ng personalidad...
DRAKE: Tinitiyak ko, mag-tatagumpay kami bilang isang team...bilang Saigaman!
ABBY: Anak...
Tila biglang nakita ni Abby, ang sarili ni Jake sa katauhan ni Drake....
ABBY: Jake!
GEN. TAVAREZ: Mukang nag-bago na ngayon ang panahon...No’on ganyan edad natin, yan din ang sasabihin natin...tama ba...
SCOTT: Yeah...it’s a different era now...look’s like the old timer just to step back and watch.
ALICE: Mukang malinaw nanaman sa inyo ang lahat, alam natin na hanggang lima lang ang ginawang tesla serum, at ang groupo lang nila Drake ang nag-tagumpay para sa trial...dahil yun sa kadahilanan, mga espesiyal sila at sila ay mga anak niyo na minana ang mga alab niyo...mag-tiwala tayo, magagawa nila ang nagawa niyo no’on...
KIETH: Ngayon ang gusto mong mang-yari Drake, alam na natin kung sino ang kalaban...at hindi ako
makakapayag na sirain niya ang iniwan ng ama ko para sa mga taong naninirahan dito.
DRAKE: Ako na po bahala do’on...pero kailangan ko ang tulong ni Aimee, dahil malaki papel na gagampanan
niya dito.
AIMEE: Kung ganon, nakahanda ako tumulong sa iyo...para lang mailigtas sila
________________________________________________________________
Sa Saiga command room...
Ibinigay ni Scott ang nakuha niyang impormation, kay Raganos, o mas kilala bilang si Dennis Quilla...
GEN. TAVAREZ: Matagal na siyang under surveillance, si Dennis Quilla AKA The white reaper o
Raganos...matapos siyang patalsikin bilang isa sa mga major board member ng GTC...nasangkot siya sa iba’t ibang klase ng krimen at pag-bibigay ng sandata sa mga bandidong groupo....at itinuturing siyang tagapagligtas ng iba dahil sa mga huwad na paniniwala at conspiracies...
KIETH: Tama ka...pero hindi lang yun ang dahilan...maraming factors kaya siya tinangal at ilan narito ang kagustuhan niyang i-convert ang tesla plasma, para sa massive weapon of destruction na hindi pinayagan ng board lalo na ng Ama ko...Drake, maaari nga na siya ang naging mentor mo no’on, pero ang taong ito ay may malagim na lihim na itinatago. Ang kakayahan niya ang mag-lalagay sa mundo, mula sa pag-kawasak.
Na-alala ni Drake ang mga sinabi sa kaniya ng dati niyang mentor, kaugnay sa mga lohika, teoriya...lalo na ang pakinabang ng siyensiya sa buhay ng tao. Hanggang sa mapatingin siya sa pinaka malaking reactor na hawak ngayon ng buong siyudad...
DRAKE: Ang core...
AIMEE: Bakit Drake, anong iniisip mo?
DRAKE: Bakit hindi pa niya ginagalaw ang tesla core, kung ito rin lang ang isa sa mga target niya...bakit...hindi kaya!
Tila may sumagi sa utak ni Drake, kaya nag-tungo kaagad siya sa main server nila...at tiningnan niya kung papaano ang magiging epekto, pag nag overload ang mismong core...
DRAKE: Hindi maaari ito...ito ang gusto niyang mang-yari...makinig kayo, kailangan natin siyang pigilan, Sa kahit anong paraan.
____________________________________________________________________
Samantala, pinipilit naman maabot nila Axel ang kanilang mga Saiga cellular, ngunit wala parin silang magawa, dahil sa selda na naka-palibot sa kanila.
WEI: E-EEEHH...hindi ko maabot...bakit kasi kinulang parin ako sa tangkad, mukang malabo na talaga ako makapasok sa NBA ito, kung hanggang 5’11 parin ang height ko!
ANYA: Puwede ba huwag ka muna mag-biro ng ganyan...umisip tayo ng ibang paraan para maka-alis tayo dito, at mabalaan si Drake.
Tila tahimik lang si Mia, at ang iba naman ay iniisip kung papaano makakatakas, nang siya ay bigla nalang tumayo at lumapit sa narutang selda.
AXEL: Sandali anong gagawin mo Mia?
Ikinimis ni Mia ang kaniyang kanang kamao, at ilang sandali pa ay hinawakan niya ang mga rehas...at ilang saglit lang ay ...
ZAP BAAAAAAAAMMMMM
ALL: ...
Natulala sila sa ginawa nito, dahil sa pag-wasak niya sa selda na kinalalagyan nila...
ANYA: T-Teka...anong ginawa mo?
MIA: Anong ginawa ko? Diba kailangan natin tumakas dito, kaya ginawa ko lang ang nararapat...
AXEL: S-Sandali, epekto ba iyan ng tesla serum? Papaano ka lumakas ng ganyan?
MIA: Kung meron man naging epekto ang serum, yun ay ang makapag-transform lang ako bilang saiga...pero ang lakas na ito, hawak ko na simula pa pag-kabata...
ALL: Ano!
WEI: Ibig sabihin...
MIA: Ayaw ko lang gamitin ito, at maka-sakit ng iba...yun ang utos ni Daddy...kahit sa sitwasyon na ito, ayaw ko siyang gamitin...pero kailangan natin maka-alis dito, para kay Drake at Aimee.
ANYA: Siguradong hindi mag-loloko ang magiging boyfriend mo, kapag ipinakita mo ang abilidad mong yan.
MIA: Kung meron man, subukan lang niya...Hi Hi Hi...
AXEL: Wala na tayong oras para mabigla pa...umalis na tayo dito!
WEI: Pambihira, kanina pa kami nag-papakahirap dito, tapos ikaw itong tahimik lang, edi sana kanina mo pa ginawa yan, at ginamit mo narin ang lakas mo laban kay Raganos!
ANYA: Hoy Wei! Tayo na!
WEI: Ah sandali!
AXEL: Ayos nakuha na natin! Lumabas na tayo dito!
WEI: Sundan niyo ako!
Agad nakuha ng apat ang kanilang mga Saiga cellular, at lumabas sa naturang labaratoryo...
________________________________________________________________
Tumakbo ng tumakbo ang apat, para hanapin ang mismong daan...ngunit napansin nila na parang pabalik-balik nalang sila...
ANYA: Sandali nga Wei, alam mo ba talaga ang daan?
AXEL: Pansin ko kanina pa tayo pabalik-balik dito...hindi kaya naliligaw na tayo? Wei mag-salita ka!
ANYA: Hoy Wei!
Tila kinabahan si Wei, dahil nahalata na nila na naliligaw nga sila...
WEI: Ah...Eh...Parang ganon na nga....
AXEL: Sinasabi na nga ba! Paano ngayon yan.
MIA: Sandali, bakit nga ba tayo kanina pa tumatakbo? Puwede naman natin gamitin ito?
Inilabas ni Mia ang kaniyang Saiga Cellular...at gusto niyang subukang tawagan sila Drake.
AXEL: Tama ang mga Saiga Cellular!
Kaagad sinubukan ni Axel, na kontakin ang Saiga Lab, ngunit bago palang nila ito magagawa ay saka naman
isang supresang patibong nang-yari sa kanila.
WEI: A-Ano ito!
ANYA: Ang bigat ng katawan ko!
AXEL: I-Isang...force gravity!
MIA: E-EEERRRRR...
Tila unti-unting niyuyupi ng gravity ang buong katawan ng apat...at lumabas muli si Raganos...
RAGANOS: Ang akala niyo ba magagawa niyong makalabas dito?
AXEL: R-Raganos!
RAGANOS: Ngayon palang mag-sisimula ang totoong palabas!
______________________________________________________
Saiga Lab...
Kasalukuyang gumagawa ng counters measure si Drake, para pigilan ang mga teoriya niya kay Raganos...ngunit ilang sandali pa ay siya na itong tumawag dito.
RAGANOS: Kumusta na kayo...
DRAKE: Professor...
KIETH: Dennis!
RAGANOS: Benedict...
KIETH: Dennis, isuko mo na ang sarili mo, alam na namin ang gusto mong mang-yari! Kaya pakawalan mo na ang mga batang yan! Wala silang kinalaman, kung may-atraso ka...ako nalang ang pag-balingan mo!
RAGANOS: Tumigil ka! Huwag kang mainip, dahil darating din ako sa iyo!
Ilang sandali naman ay pumasok na sila Brian, sa lab para tanungin din si Raganos...
GEN. TAVARES: Raganos! Ibalik mo ang mga anak namin!
RAGANOS: Gamma, ang mga pinag-lumaan ng panahon...dapat hindi na kayo nakikielam pa dito. Pero hindi ko
lubos akalain na makakaligtas pa kayo sa ginawa ko. Kung sabagay inaasahan ko na yun sa mga dating
bayani ng mundo.
MALIN: Anong ibig niyang sabihin...
RAGANOS: Makinig ka...Drake Fonseca, at ikaw narin Aimee Santilian, sa inyong dalawa naka-salalay ang buhay ng mga kaibagan niyo, at ang buhay nang mga tao sa siyudad niyo...mag-hihintay ako sa pag-dating niyo.
KIETH: Sandali!
Biglang natapos ang pakikipag-usap ni Raganos, sa kanila ngunit iniwan nito ang coordinate niya para kila Drake at Aimee...
DRAKE: Sandali ang coordinate na ito...
ALICE: Puwede bang makita... teka yan ang!
KIETH: Alam ko ba kung saan ang lugar na iyan...
DRAKE: Opo, alam niyo ito...ito ang lumang GTC lab factory...dito sa Megatropolis...
KIETH: Ano!
GEN. TAVAREZ: Kung ganon, narito lang pala siya...kailangan pakilusin ko na ang mga tauhan ko para pigilan siya----
DRAKE: Hindi na po kailangan....
ABBY: Drake...
DRAKE: Ako na po ang bahala do’on, may-naiisip ako.
______________________________________________________________
RAGANOS: Ito na ang oras!
At sinimulan na ni Raganos, ang pag-sasalin ng isa sa mga reactor sa kaniyang white grim...at matapos yun, pinag-masdan niya ang isang larawan nang isang bata kasama siya. At sabay no’on ay inilagay niya ito sa kaniyang bulsa.
ANYA: Hoy, hanggang kailan mo ba kami ikukulong dito! Alam na namin ang gusto mong mang-yari, kaya huwag mo ng pilitin...ano mang oras, darating ang buong Gamma, para lang pigilan ka!
RAGANOS: Darating? Huwag niyo akong patawanin mga bata, kahit kailan walang magagawa ang mga pinag-lipasan na. Makikita niyo, lilikha ako ng bagong mundo mula sa pag-kawasak!
_______________________________________________________
DRAKE: Nakahanda na ba ang lahat!
AIMEE: Oo!
DRAKE: Magaling!
At natapos naring mag-handa sila Aimee at Drake, para tulungan ang mga kasamahan nila, at habang ipinapasok nila ang kagamitan, kinuha naman ni Drake ang apat na saiga app para sa mga saiga cellular na ginawa niya.
Maya-maya ay nilapitan naman siya ni Abby, para tanungin at bigyan ng malaking supporta...
ABBY: Drake...
DRAKE: Ma...
ABBY: Mag-ingat ka, ipag-dadasal ko na makabalik kayo kasama ang kapatid mo at mga kaibigan mo...(Ngumiti) Kuhang kuha mo ang wangis ng ama mo, Hindi mo nga lang namana ang magaspang na ugali niya, pero namana mo naman ang paninindigan niya. Sana naririnig din ito ni Anya... mukang kapalaran nga ng pamilya natin ang mag-suot ng baluti, hindi rin ako mag-tataka na baka si Caleb ay maging kagaya natin balang araw.
DRAKE: Mas nag mana ako sa inyo Ma...Pangako, babalik kami!
ABBY: Alam kong magagawa niyo...may-tiwala ako sa inyo. At ipinag-mamalaki ko kayo ang naging mga anak ko.
DRAKE: Ganon din po ako sa inyo…
At agad sumakay si Drake, sa isa sa mga vehicle arsenal ng Saigaman, at ito ang GS-Trailer...
DRAKE: Nakhanda ka na ba...
AIMEE: Oo naman, ako na ang bahala dito...mag-relax ka muna diyan!
Sinimulan ni Aimee na buhayin ang lahat ng aparato at main engine ng kanilang sasakyan.
AIMEE: GS-Trailer..take-off!
At umarangkada na ito, patungo sa kanilang pupuntahan...ang lugar kung saan naroroon ang banta.
ABBY: Pakiusap...bumalik kayo ng ligtas!
MALIN: Ako lang ba, pero napansin ko...parang si Kuya Jake ang nakita ko sa katauhan ngayon ni Drake...yun nga lang minus ang pagiging mayabang no’ong kabataan niya.
GEN. TAVAREZ: Hindi ako makapaniwala na ang batang yun, ang gumawa ng plano na dapat tayo ang gumagawa, mukang nag-bago na talaga ang panahon ngayon. At tumatanda na tayo...
SCOTT: Brian...let’s go!
GEN. TAVAREZ: Oo!
At kumilos narin ang dalawa nila Scott at Brian para isagawa ang sarili nilang mga trabaho.
_______________________________________________________
Samantala, papalapit na nang papalapit sila Drake, kung saan naroroon si Raganos...
AIMEE: Malapit na tayo...
Pero habang papalapit sila, ay hindi nila inaasahan ang mga patibong na sasalubong sa kanila.
DRAKE: Aimee!
Lumabas ang mga alagad ni Raganos ang mga metalic android na nilikha niya na kung tawagin ay...white reaper.
Inatake nila ang GS-Trailer...at tinangkang wasakin ito habang umaandar.
AIMEE: Ako na ang bahala sa kanila!
Kaagad inactivate ni Aimee, ang electrical barrier sa kanilang sasakyan, at ang ilan sa mga white reaper ay napinsala...ngunit hindi sila nag-patinag dito, at patuloy nilang winawasak ang sasakyan ng dalawa.
AIMEE: E-EHHH..nasisira na ang barrier natin!
DRAKE: Pakawalan mo na ang shockwave!
AIMEE: Sige!
Pinakawalan nito ang Shockwave, mula sa barrier, at muli nawasak ang ilan sa mga white reaper, at bumanga naman ang kanilang trailer sa isang malaking pinto...
BAAAAAAAAMMMMMMM
_____________________________________________________________
Narinig naman nila Axel, ang nang-yaring pag-yanig...
WEI: A-Ano yun!
MIA: Yumayanig...
AXEL: Mukang dumating na siya....
ANYA: Si Drake!
___________________________________________________________
Habang naka-sadlak pa GS-Trailer, ay ginamit na nang mga white reaper ang pag-kakataon para tapusin ang
dalawa...hinanda nila ang mga sandata nila, para sa katapusan...pero bigla naman isang supresa ang lumabas.
BRUUUMMMMMMM!!
Lumabas ang isang kulay pulang motorsiklo.. at ito ang tinatawag na tiger cycle. Umarangkada ito, at nag-pakawala ng mga blast.
BLAST!-BLAST-BLAST!
At ilan sa mga white reaper ang napatumba niya...
SAIGA 1: Kumapit ka lang mabuti Aimee!
Patuloy na umarangkada sila Saiga 1 sakay ng kaniyang tiger cycle habang sila ay pinauulanan ng mga bala.
BLAST!-BLAST!-BLAST!
_________________________________________________________
Nag-tangkang humabol ang mga white reaper, at pinaputukan sila nito, ngunit nagawan iwasan ito ni Saiga 1...at ang ibang white reaper ay bumanga sa mga sirang pader, at sumabog....
BOOOOOOOOOMMMMSSSS
AIMEE: Drake!
SAIGA 1: Oo!
Merong isang malaking piraso ng debrie ang nakaharang sa kanilang daraanan, ngunit pinalipad ito ni Saiga 1, at ligtas na nakalapag...hanggang sa...
ZOOOOOMMM!!
BOOOOOOOMMMSSSS
Nag-pakawala si Saiga 1 ng missile, at sumabog ang malaking pinto...at sa pag-pasok niya, naroon si
Raganos na nag-aabang.
RAGANOS: Maligayang pag-dating sa iyong kamatayan, Drake Fonseca!
ANYA: Drake! Aimee!
Nang-makita naman nila Anya si Saiga 1, ay tila nabigyan sila ng bagong pag-asa, at pangamba narin.
SAIGA 1: Narito na kami...pakawalan mo mga kasama ko!
RAGANOS: At sino naman may sabi sa iyo, na tutuparin ko ang pangakong yun! Puwes, isa kang malaking
hangal!
Bigla nalang lumabas ang mga galamay ni Raganos sa likod, at mabilis niyang hinuli si Aimee...
AIMEE: AAAAAHHHH
SAIGA 1: AIMEE!
AXEL: Hindi!
SAIGA 1: Pakawalan mo siya, akong kailangan mo diba!
RAGANOS: Hmp, napaka walang muang mo talaga, Drake Fonseca...kayong mga elite na kagaya mo...ay lubos kong kinasusuklaman!
Sa senyas ni Raganos, umatake ang mga White reaper kay Saiga 1...ngunit nilabanan niya ang mga ito.
__________________________________________________________
WEI: Kailangan may gawin na tayo para matulungan siya! Hindi niya kakayanin ang mga ganyang karaming kalaban ng mag-isa!
ANYA: Drake!
AXEL: Raganos, madugas ka!
Tila naman nag-iisip si Mia, kung papaano muli sila makakatakas...at hinihintay lang niya ang pag-kakataon.
__________________________________________________________
Nakatangap si Saiga 1 nang matitinding atake at pinsala sa kalaban niya...pero hindi siya napang-hinaan ng loob at determinasyon, nag-patuloy siya....para sa kaniyang mga kaibigan na umaasa sa kaniya.
SAIGA 1: Nakakalamang na kayo...Puwes ako naman!
Lumundag si Saiga 1 at inilabas niya ang kaniyang G-Blaster...pinag-babaril niya ang mga kalabang white reaper...
BLAST!-BLAST!-BLAST!
At ilan din ang napabagsak niya...ngunit hindi pa dito natatapos ay may lumundag pa sa kaniya at tinangka siyang umatake...
AXEL: Drake sa likod mo!
Pero dahil sa babala na ibinigay ni Axel, kaya mabilis na iwasan ni Saiga 1 ang kapahamakan,kung kaya’t ginamit niya ang galing sa karate at pag-iwas...saka, pinabagsak ang mga kalabang nag-tangka sa kaniya.
AXEL: Ano ba ito...wala tayong magawa!
ANYA: Mia, kaya mo pa bang, wasakin ang seldang ito!
Tahimik lang si Mia....at nag-mamasid...
____________________________________________________________
Nag-patuloy si Saiga 1, sa kaniyang pag-harap sa mga kalaban nila...ngunit makikita na, hindi na pumapabor sa kaniya ang lahat...dahil halos, hindi maubos-ubos ang mga kalaban na nakapalibot sa kaniya.
SAIGA 1: Huf...Huf...Huf...
RAGANOS: Ngayon, makikita mo na ang tunay na realidad ng buhay...
Sumeyas si Raganos, sa mga alagad niya, at kinuyog si Saiga 1 ng mga white reaper...pero nagawa pa niyang lumaban, at napatumba ang iba...pero sa bandang huli, ay hindi na sapat ang kaniyang lakas para pigilan ang lahat.
BAM!-BAM!-BAAAMMMMM
SAIGA 1: AAAAAAAAHHHHH
AIMEE: Drake!
ANYA: Hindi!!!!
RAGANOS: May nag-sasabing, kasalanan ang pagiging mahina, pero isang sumpa naman katalinuhan!
SAIGA 1: E-EERRRR....
RAGANOS: Isang malaking kasalanan, ang iyong pag-silang...at ang talentong hawak mo...
Dahan-dahang lumalapit ang mga White reaper, Kay Saiga 1 para siya ay tuluyang tapusin...ngunit pinilit niyang makatayo...at sinabing..
SAIGA 1: Kung sumpa pala ang pagiging isang matalino...ano ka pa...mas sumpa ka pang ituturing kesa sa akin, dahil sa maling mga paniniwala mo! Nakakawa ka, binigyan ka ng kakayanan na matagal ng hinahangad ng iba, ngunit anong ginawa mo, mas pinili mong tahakin ang maling landas....hindi ko kasalanan na isinilang ako, bagkos, nag-papasalamat ako sa mga taong nag-bigay ng tiwala, at buhay sa akin! Dahil sa kanila...kaya ako mag-papatuloy!
RAGANOS: Wala nang mga say-say ang pinag-sasabi mo, dahil sa bandang huli...isa lang ang ititingin sa iyo ng mga tao, kahit na gaano ka pa kahusay, may mali paring silang masasabi sa iyo...yun ang realidad ng buhay.
SAIGA 1: Ano naman ang masama do’on...parte yun ng pagiging isang tao, hindi mo makukumbinsi ang lahat sa gusto mo!
Tila sa mga sinabi ni Saiga 1 ay lalong nakaramdam ng galit si Raganos...kaya’t inihanda na niya ang huling alas niya para tapusin ang buhay nito.
RAGANOS: Kung ganon, mag-paalam ka na!!!
AXEL: Hindi!
ANYA: Drake!
WEI: Huwag!
Ngunit biglang tumayo si Mia, at ginamit ang pambihirang lakas niya para wasakin ang seldang nag-bubuklod sa kanila.
MIA: YAAAAAAAAAAHHHH
BAAAAAAGGGGGG
Nawasak ni Mia ang selda, at ibinato niya ito sa mga white reaper na nakapaligid sa kanila...
RAGANOS: ANONG!
______________________________________________________________
BAAAAAAAAAAMMMMM
MIA: Mag-madali kayo bilis!
Kaagad silang lumabas, at nilabanan ang mga white reaper, Na humarang sa kanila...
ANYA: Drake!
RAGANOS: RAAAAAAAHHHHHHHH...Katapusan mo na!
SAIGA 1: Nag-kakamali ka! Ngayon na Aimee!
Ang hindi alam ni Raganos, ay habang nasa panga-ngalaga niya si Aimee, ay meron itong itinanim sa
kaniya ng hindi niya nalalaman...isang thicker bug virus na kasing liit ng langgam ang hinayaan niyang gumala sa buong katawan niya, at nang oras na makarating ito sa main core ng kaniyang armor, ay kaagd itong inactivate ni Aimee.
AIMEE: Pakawalan mo na ako!
RAGANOS: HINDE!
SHOOOOCCCCCCCCCKKKKK
RAGANOS: AAAAAAAAAHHHHHHHHH
Nakawala si Aimee sa pag-kakatabihag niya, at samantala, sinamantala ng apat ang pag-kuha nila sa kanilang mga saiga cellular na hawak ni Raganos.
AXEL: Ang mga cellular natin! Wei! Anya! Mia! Saluhin niyo!
ANYA: Hoop!
WEI: Ayos!
MIA: Salamat!
Samantala, bumalik naman sa dating anyo si Saiga 1 bilang si Drake...at nilapitan nito ang tila nag-hihirap na si Raganos...
DRAKE: Ang akala mo ba hindi ko pinag-handaan ang mga binabalak mo, alam kong gawa din sa saiga technology ang armor mo, at gumagamit karin ng isang tesla core...at isa lang sa kahinaan nito, ay ang mismong grain thicker virus, na ako mismo ang siyang lumikha...
RAGANOS: B-Buwiset ka! Sumpain kang bata ka!
DRAKE: Wala nang silbi pa kung pipigilan mo pa yan...dahil unti-unti nitong sinisira ang mga particle
na hawak ng armor mo...Hindi ka na makakalaban pa...ang mabuti pa sumuko ka na!
RAGANOS: Hindi ako mag-papatalo sa mga kagaya niyong salot! RAAAAAAAAAHHHH
Inilabas na ni Raganos, ang bagay na ibinigay sa kaniya ni Mephisto...at saka pinindot niya ito...at
ilang sandali pa ay isang kakaibang liwanag ang siyang bumalot sa kaniya.
SHOOOCCCCCCCKKKK
AXEL: Hah! Anong nang-yayari!
DRAKE: Umiwas kayo!
RAGANOS: RAAAAAAAAAHHHHHHH
AIMEE: Ang liwanag!
__________________________________________________________________________
At dahil din sa ginawa ni Raganos, ay biglang na activate ang lahat ng white reaper, at lumabas sila mula sa ilalim ng lupa sa lunsod ng megatropolis...at nag-simula ng isang malawakang pag-atake at pag-wasak.
RAGANOS: Hindi niyo ako magagawang, maisahan! Wawasakin ko ang lahat!
AXEL: Tingnan niyo, nag-babago siya ng anyo!
DRAKE: Masama ito, mukang sinagad niya ang tesla plasma na nasa loob niya.
RAGANOS: RAAAAAAAAHHH
At kumilos narin ng mag-isa ang White grim ni Raganos, at siya ay sumakay sa naturang, mecha, at nag-tungo na papunta sa lunsod ng megatropolis..
DOOOOOOOOOOOOMMMMM
WEI: E-EEEHHH...Wala pa ba tayong gagawin...
DRAKE: Meron, papunta siya sa siyudad kung saan mas malakas ang current ng tesla plasma, balak niya
itong higupin lahat, para i-converte kagaya ng isang massive atomic bomb...
ANYA: Ano pero papaano natin siya mapipigilan!
AIMEE: Huwag kayong mag-alala...may sagot tayo diyan!
DRAKE: Tama si Aimee, kumilos na tayo pigilan natin siya!
At kumilos na sila Drake, para pigilan si Raganos....
____________________________________________________________________________
SAIGA Lab....
NAVIGATOR: Ms. Alice, kasalukuyang papalapit ngayon ang isang higanteng humanoid mecha sa tesla plant!
At ang bawat madaanan niyang lugar ay hinihigop niya ang tesla current...
KIETH: Hindi maganda ito, kapag nang-yari ang iniisip ni Drake, katapusan nating lahat...alam niyo naman na sa oras na ma overload ang current ng tesla plasma, maaari itong maging isang mapanganib na sandata na puwedeng bumura sa atin sa isang iglap.
ALICE: Mag-tiwala lang tayo sa kanila....
NAVIGATOR: President...Ms. Alice, dumating na ang Gamma force, para pigilan ang mga sumasalakay na mecha android.
ALICE: Sabihan ang lahat ng mamamayan na mag-tungo sa kanilang mga escape shelter patungo sa Benjamin
Island...at ang iba naman saiga force, tulungan ang Gamma force habang wala pa ang mga bantay ng lunsod!
NAVIGATOR: Masusunod!
_____________________________________________________________________________
At dahil sa utos ni Alice, kaagad nag-sagawa ng evacuation plan ang GTC, sa pamamagitan ng bawat tahanan ng mamayan gamit ang kanilang escape shelter...
Hinarap naman ng Gamma at Saiga force ng GTC ang mga white reaper na sumasalakay...ngunit kasabay nito, ang pag-dating ni White grim, at halos ng madaanan niya ay winawasak, at hinigop ang mga current ng tesla plasma...
RAGANOS: Wasakin...wawasakin ko ang lahat!
Nag-pakawala ito ng malakas na laser beam...at halos mawalis ang puwersa ng mga Gamma...at hindi pa dito natapos, ay mula sa bunga-nga niya ay isang matinding plasma blast ang siyang pinakawalan niya, at pinuntirya nito ang gusali ng GTC....
ZOOOOOMMMM
BOOOOOOMMMMSSSSSS
Ngunit sa kabutihang palad, nakagawa kaagad ng defensive barrier ang gusali, kaya hindi ito masiyadong napinsala.
Dahil sa mga kaganapan ngayon ay nag-panic at nag-kagulo ang mga mamamayan sa lunsod ng tigre ng Asia….
___________________________________________________________________________
KIETH: Mukang balak din niyang wasakin ang GTC building...talagang malaki na ang galit niya.
ALICE: Nasaan na ba sila, kailangan na natin sila dito....
Na nga-ngamba na si Alice, sa mga susunod na mang-yayari....dahil wala parin ang mga bata na kaniyang inaasahan.
___________________________________________________________________________
Samantala, sumaklolo naman sila Abby sa nang-yayaring labanan, at tinulungan niya ang mga sugatang sibilyan pati na ang mga tao, kasama si Malin.
ABBY: Malin tulungan mo ako dito!
MALIN:Okay!
Binuhat nila Abby ang malaking tipak ng bato, na duma-dagaan sa kawawang bata, ngunit hindi nila ito kaya dahil masiyadong mabigat, at ilang sandal ay dumating naman si Scott, para tulungan din sila..
SCOTT: Need a hand!
MALIN; Scott!
SCOTT: Okay in the count of 3, 1! 2! 3!
At sa pinag-sama-sama nilang lakas, ay nagawa nilang matangal ang mabigat na batong umiipit sa isang
kawawang bata....
ABBY: Ayos ka lang....
BATA: O-Opo...maraming salamat po!
MALIN: Kailangan madala na natin sila sa isang ligtas na lugar, masiyadong delikado na dito!
SCOTT: Come on! Let’s get out of here!
ABBY: Tayo na!
Akma nang aalis sila Abby, Sa pinang-yayarihan ng kaguluhan, pero bigla silang hinarang nang mga white reaper....
ABBY: Hindi maaari!
SCOTT: Damn, looks like we have to fight in our way!
MALIN: Ate Abby!
ABBY: Sige lalaban tayo!
Akmang lalabnan nila Abby ang mga mecha anroid na humarang sa kanila....ngunit sumagi sa isip nila, na baka mapahamak ang mga kawawang sibilyan.
At habang sila ay naka-hinto, ay siya namang gumawa na nang hakbang ang mga white reaper...at umatake na sila, para tapusin sila Abby...
Pero biglang...
BRUUMMMMMMMM
BLAAAASSSSSSSSTTTT
Isang malakas na blast mula sa isang pulang motorsiklo ang tumama sa mga White reaper at sila ay bumagsak...at kasabay nito, dumating din ang apat pang motorsiklo at ito ay walang iba kung hindi sila Drake.
ABBY: Drake! Anya!
DRAKE: Ma!
ANYA: Mama!
Kaagad nilapitan ni Abby ang mga Anak niya, at isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya dito...
ABBY: Ang akala ko hindi na kayo babalik...salamat...Salamat sa diyos at ligtas kayo!
ANYA: Patawad Mama kung naging pabaya kami....
ABBY: Hindi...Hindi mga Anak, ipinag-mamalaki ko kayo...siguro ganito rin ang sasabihin ng Papa niyo, kung nadito rin siya ngayon...
______________________________________________________
MALIN: Wei!
SCOTT: Amber!
WEI: MA!
MIA: Dad!
At kaagad din niyakap ni Mia at Wei ang mga magulang nila...dahil sa tuwa na muli silang makita...
SCOTT: I thought i lost you my Princess...
MIA: Hindi ako mawawala sa inyo Dad, dahil tinuruan niyo ako kung papaano maging matatag.
SCOTT: That’s my girl...
MALIN: Wei, pinag-alala mo ako ng husto, ang buong akala ko---
WEI: Ma...Hindi mo na kailangan mag-alala sa akin, dahil malakas na ang anak mo ngayon, kaya na kitang protektahan ngayon....
MALIN: Xiao Wei....
______________________________________________________
Habang pinag-mamasdan naman ni Axel, at Aimee ang mga kasamahan nila, ay tumawag naman si Brian sa kaniyang anak...
BEEP-BEEP-BEEP
AXEL: Tay..?
GEN. TAVAREZ: (Sa kibilang linya) Mukang ayos ka lang....
AXEL: Opo...pasensiya na po kayo kung pinag-alala ko kayo...
GEN. TAVAREZ: Hindi, dahil naniniwala ako sa iyo...dahil ikaw ang anak ko! Alam kong malalampasan mo
ang mga pag-subok na kagaya nito...
AXEL: Maraming salamat po...Tay...
GEN. TAVAREZ: Gawin mo ang nararapat...Anak...ipinag-mamalaki kita.
AXEL: Opo!
AIMEE: Nakakatuwa naman...Sana narito rin si Papa, para mayakap ko....
______________________________________________________________
Habang nag-karoon ng reunion sila Drake, ay bigla nag-sulputan ang mas marami pang White Reaper...at nakahanda na silang tapusin ito.
DRAKE: Mukang dito na mag-sisismula ang tunay na Origin natin....Saigaman, handa na ba kayo...
AXEL: Sinabi mo eh...
ANYA: Handa na....
WEI: Game!
MIA: Wasakin na natin sila....
ABBY: Mga bata...kaya niyo yan!
DRAKE: Ngayon na!
ALL: OO!
Inilabas ng lima ang kanilang mga saiga cellular...at isinagawa ang kanilang transformation sequence, sa katagang...
CROSS! GUARDIAN!
At ilang sandali pa ay nabalutan sila ng tesla plasma, at sila ay nag-palit ng anyo bilang mga Saigaman....
SAIGA 1: RED GUARDIAN...SAIGA 1!
SAIGA 2: BLUE GUARDIAN...SAIGA 2!
SAIGA 3: GREEN GUARDIAN...SAIGA 3!
SAIGA 4: YELLOW GUARDIAN...SAIGA 4!
SAIGA 5: PINK GUARDIAN...SAIGA 5!
SAIGA 1: GUARDIAN SQUADRON!
ALL: SAIGAMAN!
Bigla naman sumagi sa isip nila Malin, Abby, Scott, at maging sila Brian at Alice, ang kanilang nakaraan no’ong panahong mga Gamma ranger pa sila...
ABBY: Ito na ang oras, para ipasa ang mga alab sa kanila....
BATA: A-Ate...sino po sila? Para silang....
AIMEE: Sila ang bantay ng siyudad na ito, sila ang p-protekta sa mga ngiti natin...at sila ang pang-
labing limang groupo na p-protekta sa mundo....ang ikalawang henerasyon ng mga bayani, sila ang
SAIGAMAN!
________________________________________________________
SAIGA 1: Ngayon na!
SAIGAMAN: AH!
At sumugod ang limang saigaman, para labanan ang lahat ng White reaper na gumagawa ng kaguluhan sa siyuadad nila.
_______________________________________________________________
Mula naman sa SAIGA LAB...inutusan ni Brian, ang mga tauhan niya supportahan ang Saigaman, at ang iba naman ay para piglan ang white grim sa pamamagitan ng Gamma airforce 1st squad...
GEN. TAVAREZ: Lahat ng in field troops, supportahan niyo ang Saigaman, at airforce 1st squad pigilan niyo ang higanteng mecha ng kalaban, upang hindi ito makalapit sa tesla tower core!
KIETH: Kailangan matapos na ito, bago pa mas lumala ang sitwasyon.
________________________________________________________________
WAAAAACCCCHHHHAAAAAA
BAAAAAAMMMMMMMMMM
Isang malakas na sipa ang ginawa ni Saiga 4 sa mga kalabang white reaper, at sinundan naman ng atake ni Saiga 2, sa pamamagitan nang pag-hati ng kaniyang G-Rod.
SLLAAAAASSSSSSSHHHHH
SAIGA 1: Walang hihinto!
Tumatakbo si Saiga 1, habang pinag-hahampas niya ang ilan sa mga kalaban at kasabay no’on ang pag-baril
gamit naman ang kaniyang G-blaster.
SAIGA 3: SHAAAAAAANNN!!!!
BAAAGGGGGGG
SAIGA 5: Anya!
Akmang may-aantake kay Saiga 3 patalikod...pero mabilis na sumaklolo sa kaniya si Saiga 5, at winasak niya ang white reaper sa pamamagitan ng isang malakas na suntok.
BAAAAAAAAAAMMMM
SAIGA 3: Salamat Mia!
SAIGA 5: Ah!
Ilang sandali pa ay nag-regroup ang lima, at pansin nila na hindi nauubos ang mga ito...
SAIGA 2: Mukang hindi magiging madali ito...Drake...
SAIGA 1: Alam ko, pero kailangan natin walisin ang lahat nang ito, bago natin harapin ang higanteng
bagay na iyun!
_________________________________________________________
Mula naman sa kaniyang white grim...nakita ni Raganos, ang ginagawang pakikipaglaban ng mga batang ranger.
RAGANOS: Mukang pinasisiklaban ako ng mga batang ito...ano kaya kung dag-dagan natin ang mga kalaro niyo!
Inactivate ni Raganos, ang isang device, mula sa ilalim ng lupa, lumabas ang mga mas makapangyarihang mecha armor...
_________________________________________________________
SAIGA 4: Sandali ano naman ang mga iyan!
SAIGA 1: Mga metal golems!
Yumanig ang buong paligid, at umatake ang mga tinatawag ni Saiga 1 na Metal Golems! Bumilog sila, at
sinagasaan ang lahat nang humaharang sa kanilang dinaraanan.
DOOOOOOOOMMMM
BAAAAAAAMMMMMM
Nag-patuloy ang pag-kakarambola nila...at halos wala namang magawa ang mga batang ranger, dahil sa oras na madaganan sila nito, ay tiyak na ang katapusan nila. Kaya naisip ni Saiga 1 na ibigay ang mga bagay na ginawa niya para sa mga kasama niya.
SAIGA 1: Ipapasa ko sa inyo ito!
Mula sa kaniyang computer helmet, ipinasa ni Saiga 1 ang mga Saiga App o ang Saiga Arsenal mula sa kanilang data….
SAIGA 3: Sandali, ano ang mga ito?
SAIGA 5: Weapon app?
SAIGA 1: Ilagay niyo ang mga saiga na iyan, para magamit niyo ang mga Saiga aresnal!
Ginamit ni Saiga 1 ang kaniyang Saiga arsenal, at inilabas ang kaniyang Saiga Buster....saka gumanti ng
atake sa metal golem, pati na sa mga nakapalibot na white reaper...
SAIGA 2: Gawin din natin!
At sinundan nila ang ginawa ng pinuno nila, inilagay din nila ang kanilang mga saiga app sa kanilang mga Saiga Cellular, at ilang sandali pa lumabas ang mga kani-kanilang Saiga arsenals.
SAIGA 2: Saiga saber!
SAIGA 3: Saiga Hammer!
SAIGA 4: Saiga Nunchucks!
SAIGA 5: Saiga Ring Blade!
SAIGA 2: Kilos na!
At muling hinarap nang Saigaman ang mga kalaban nila, At ito ay sa pamamagitan ng kanilang mga bagong sandata...
_____________________________________________________________
Dumating naman ang Gamma airforce 1st squad, at saka nila pinuntirya ang white grim upang mapigilan ito sa tangkang pag-higop sa Tesla Plasma....
GAMMA PILOT 1: This Eagle 1...engaging to target! Form offensive manuver!
Nag-sagawa ng kanilang formation ang Gamma airforce 1st squad...para pabagsakin
RAGANOS: Mga pakielamero!
GAMMA PILOT 1: Ngayon na!
At sinimulan na nang elite Gamma airforce ang kanilang pag-atake....
GAMMA PILOT 1: Squad 1! FOX 2!
Nag-pakawala ng missile ang pinuno nang Gamma airforce squad 1...ngunit dinakma lang ni White Grim ang missile, at ibinalik ito sa kanila, at tumama ang missile sa isa sa mga fighter jets nila...
BOOOOOOMMMMSSSSS
GAMMA PILOT 2: Captain! Mukang hindi siya madadaan sa offensive manuver!
GAMMA PILOT 1: Tch...All fighter pilots...scramble! Pagbasakin natin ang higanteng target in all cost!
GAMMA PILOT’S: Roger!
Nag-all out offensive narin ang mga fighter jets ng airforce...nag-pakawala sila ng mga missile, at
taurent blast sa kalabang mecha....
RAGANOS: Mga sagabal!
Habang umaatake ang Gamma airforce squad, ay siya namang nag-pakawala ng mga funnels ang white grim, at ito ang naging pang-depensa ni Raganos sa sarili....
GAMMA PILOT 3: A-Ano ang mga ito!
GAMMA PILOT 1: Funnels...iwasan niyo ang lahat!
Tila nakipag-laro ang mga fighter jets, sa mga funnels ni White Grim...ngunit ang ibang piloto ay walang kakayanang iwasan ito, kaya’t hindi sila pinalad at sila ay bumagsak...
BOOOOOOOOOOOMMMMSSSS
GAMMA PILOT 5: Halimaw ang isang ito!
GAMMA PILOT 4: E-EEEEEHHH...Captian!
GAMMA PILOT 1: Tch!
Nag-patuloy ang kanilang pakikipag-laban sa mga funnels....ngunit dumating na ang pag-kakataong sila ay
nalipol...
BOOOOOOOOOOMMMSSS
__________________________________________________________
NAVIGATOR: Sir...karamihan sa 1st squad airforce ay na wipe out na...pero ang Gamma pilot 1 ay patuloy
paring lumalaban....
GEN. TAVAREZ: Sabihan niyo sa kaniya na abandonahin na ang misyon, hindi na niya kakayanin ang kalaban sa lagay na iyan!
NAVIGATOR: Roger...Comin Gamma pilot 1...do you read me!
__________________________________________________________
GAMMA PILOT 1: This is Gamma airforce 1st squad Captian. Ricardo Ramirez...pakisabi kay General
Tavarez...susuwayin ko ang utos niya ngayon...para ito sa mga kasamahan ko!
NAVIGATOR: Captian Ramirez...mission abort...i reapet mission abort, that an order form General Tavarez!
GEN. TAVAREZ: Ramirez, i repeat! Abort the mission! ---
_________________________________________________________________
GAMMA PILOT 1: Pasensiya na! Hindi ako papayag na hindi ako makaka-isa!
Iniwasan ng natitirang piloto ng Gamma air force, ang mga funnels na sumalubong sa kaniya, at nang makakita na siya ng pag-kakataon, dito na niya pinakawalan ang isa sa mga missiles niya, at pinuntirya ang ulo ni white grim...
GAMMA PILOT 1: GAMMA 1...FOX 2!
ZOOOOOOOOOOOMMMMMM
Akmang tatama na ang naturang missile, pero laking gulat niya ng bigla itong hinati sa dalawa ng mecha ni Raganos...at saka sabay itong humarap sa papalapit na fighter jet ng gamma, at sinuntok, ito para
tuluyang bumagsak ang huling piloto ng Gamma.
BOOOOOOOMMMMSSSSSS
RAGANOS: Tapos na ang palabas niyo....
_____________________________________________________________
Samantala, natulala naman sila Brian, ng makita niyang winalis lang ang kaniyang elite air force
squad...at ilang sandali ay dumating naman sila Aimee sa loob ng Saiga Lab....
GEN. TAVAREZ: Inubos lang niya...ang elite air force squad ng Gamma...
ABBY: Sandali ano na ang nang-yayari dito...
ALICE: Abby....
KIETH: Papalapit na siya ng papalapit sa tesla tower...nasaan na ba ang mga bata....
AIMEE: Teka, may paraan pa para pigilan si Raganos... (Tumingin kay Alice)
ALICE: Aimee...Sige naiintindihan ko....
AIMEE: Okay!
ABBY: Sandali, anong gagawin niyo...
AIMEE: Drake...naririnig mo ba ako...
___________________________________________________________________
Mula naman sa pinang-yayarihan ng labanan, natangap ni Saiga 1 ang tawag ni Aimee..
SAIGA 1: Loud and clear!
AIMEE: (Sa kabilang linya) Makinig ka, bagsak na ang lahat ng air force mula sa Gamma, wala ng depensa ngayon ang tesla tower...isa lang ang tanging paraan para mapigilan ang mecha ni Raganos...
Bigla naring pumasok sa isip ni Saiga 1 ang gustong sabihin ni Aimee...
SAIGA 1: Kung ganon, ilabas mo na siya kaagad ng mabilis, ako na ang bahalang pumigil kay Raganos!
_____________________________________________________________________
AIMEE: Naiintindihan ko...Ms. Alice! Mr. President, permission to launch the Guardian machine!
KIETH: Ano!
ALICE: Sige....Permission granted....
KIETH: Pero Alice...wala pa silang karanasan para sa ganito.
ALICE: Wala na tayong ibang pamimilian, nakasalalay na ang lahat para dito.
Tila wala nang pamimilian si Kieth, kung hindi ang pumayag nalamang sa gustong mang-yari ni Alice…
KIETH: Kung ganon, naiintindihan ko, gawin niyo ang mas nararapat!
ALICE: Roger! AIMEE!
AIMEE: GM-01...SAIGA RACER...TAKE-OFF!
Mula sa higanteng hangar ng Saiga lab, bumukas ang mga bulwagan nito, at nag-simulang umandar ang isang higanteng sasakyan na may wangis ng isang kotse na kung tawagin ay Saiga Racer....at nag-madali itong nag-tungo kung saan nagaganap ang kaguluhan.
___________________________________________________________________
Kaagad naman sumakay si Saiga 1 sa kaniyang red tiger cycle, at mabilis na nag-tungo sa rendezvous point...
SAIGA 1: Axel, ikaw na muna ang bahala dito...kailangan mapigilan na si Raganos!
SAIGA 2: Sige naiintindihan ko!
At kaagad hinarurot ni Saiga 1 ang kaniyang red tiger cycle...at naiwan naman ang apat, para lumaban.
_____________________________________________________________________
Papalapit ng papalapit si White Grim, para sa kaniyang balak....at ilang sandali ay narating na niya mismo ang planta ng tesla...saka sinimulan ang pag-wasak sa ibang lugar, sa pamamagitan ng kaniyang laser beam.
RAGANOS: Sa wakas...matutupad na ang isa sa mga kapalaran ko...
Inihanda ni Raganos ang grim vacuum, upang higupin ang buong tesla plasma sa planta, ngunit....
BLAST!-BLAST!-BLAST!
Isang blast ang siyang pumigil sa White Reaper...at ito ang GM-01 ang Saigar Racer....
RAGANOS: Anong!
At kasabay ng pag-andar nang Saiga Racer, si Saiga 1 na sakay sa kaniyang Red Tiger cycle...pinindot ni
Saiga 1 ang kaniyang cellular, para bumukas ang likuran ng kaniyang mecha, at sabay nag-dive in para kontrolin ito....
SAIGA 1 AUTHORIZED...ito ang sabi ng voice command ng saiga cellular...
SAIGA 1: Saiga cellular set...GM-01 ONLINE! SAIGA RACER!
Nag-pakawala ng kaniyang malalakas na blast at missile ang mecha, para protektahan ang huling tore...
RAGANOS: Talagang hindi kayo nadadala!
Ngunit ganon din ang ginawa ni Raganos...pinaulanan niya ng mga missile at laser beam ang mecha ni Saiga 1...
SAIGA 1: EEEERRRR...
Maya-maya ay biglang pumasok ang tawag muli ni Aimee...
AIMEE: Drake, gamitin mo beast mode...do’on mo lang siya malalapitan ng husto!
SAIGA 1: Sige! GM-01...Activate beast mode!
COMMAND AUTHORIZED...GM-01...LIGER MODE....ACTIVATE!
Nag-palit ng anyo ang Saiga racer, sa pagiging Liger mode nito...o ang isang hybird big cat na pinag-samanag leon at tigre. Na ikinagulat ni Raganos....
ROAAAAAARRRRR
SAIGA 1: Heto na kami!!!
At bigla nitong sinungaban ang White Grim...saka sila nag-laban...
_______________________________________________________________
Samantala, patuloy naman na nakikipag-laban ang apat pang Saigaman sa mga metal golems at white reaper....
Pinag-hahampas ni Saiga 4, ang mga ito gamit ang kaniyang saiga nunchucks na sinamahan pa niya ng husay sa wing chun....
Si Saiga 2 naman ay sabay ang pag-gamit sa G-Rod at Saiga saber na sinamahan pa niya ng galing niya sa eskrima....
Nag-tulongan ang dalawang lalaking ranger para mapabagsak ang lahat ng mga kalaban nila, hanggang sa makaharap na nila muli ang dalawang metal golem...
SAIGA 2: Heto nanaman sila!
SAIGA 4: Axel!
SAIGA 2: Sige!
Muling bumilog ang dalawang metal golem, para tuluyan ang dalawang saigman, ngunit gumamit ng kakaibang
taktika si Saiga 2...
SAIGA 2: Wei!
SAIGA 4: Okay!
Lumundag si Saiga 2, at ibinato niya ang kaniyang G-Rod sa lupa, at saka ito nag-pakawawla ng mga plasma blade, sa buong sahig upang pigilan ang pag-arangkada nila.
Nag-tagumpay ang balak ni Saiga 2, at napahinto nila ang pag-atake ng dalawang metal golem...
SAIGA 2: Pag-kakataon na natin!
At ito na ang finale para tapusin ang laban....inipon pareho ni Saiga 2 at Saiga 4 ang mga enerhiya ng kanilang mga sandata....
SAIGA 2: GUARDIAN SLASH!!
SAIGA 4: BLAZING ROAR!
SLLLAAAAAASSSSSHHHH
ROOOOOAAAAAARRR
Isang makapangyarihang at isang imahe ng tigre ang siyang nag-pakita, sa mga atakeng ginawa pareho ng dalawang batang ranger...nag-sama ang kanilang mga atake, na siyang tumapos sa mga kalaban nilang pareho. At ilang sandal ay…
BOOOOOOOOOOMMMSSSS
SAIGA 4: Yun ang tinatawag na...Slashing tiger!
SAIGA 2: Ang baduy naman!
SAIGA 4: Hah!
_____________________________________________________________
BAAAAAMMMMM
SAIGA 3: AAAAAAAHHHH
Napahandusay si Saiga 3 ng matagap niya ang isang malakas na atake mula sa isang metal golem.
SAIGA 3: E-EERRRR...
At muli itong bumilog, para sagasaan na si Saiga 3....
DOOOOOOOOOOOMMMMM
Ngunit mabilis na sumaklolo si Saiga 5, para pigilan ang kapahamakan na darating sa kaibigan, gamit ang lakas niya.
SAIGA 5: Y-YAAAAAAHHHH
SAIGA 3: Mia!
SAIGA 5: Anya, tapusin mo na!
Habang pinipigilan pa ni Saiga 5 ang metal golem, ay kaagad tumayo si Saiga 3, at kinuha ang kaniyang Saiga Hammer...
SAIGA 3: Home run!
At sa pamamagitan din ng kaniyang kakaibang lakas, hinampas niya ang metal golem, at tumalsik ito pa itas...
Ito rin ang ginamit ni Saiga 5, para gamitin ang pag-kakataon upang tapusin na ang kanilang kalaban....
SAIGA 5: Dancing Blade!
Inihagis ni Saiga 5 na parang isang bumerang ang kaniyang Saiga ring blade, at ilang sandali ay nahati sa dalawa ang katawan ang metal golem...
Ngunit habang naka-lingat si Saiga 5, ay siya namang aatake pa ang isa pang metal golem...pero naka-antabay na pala si Saiga 3, at winasak ang hawak nitong malaking tipak ng bato para ipangdurog sa babaeng ranger...
SAIGA 3: YAAAAAAAAHHHH
BAAAAAAAAAAMMMMM
SAIGA 3: MEGA BOMB!
Tinapos na nang tuluyan ni Saiga 3 ang huling metal golem gamit ang kaniyang pinaka malakas na pag-
atake...at ilang sandali naman ay nakipag-regroup sa kanila ang dalawang lalaking ranger.
SAIGA 5: Anya, nagawa natin!
SAIGA 3: Tama ka...
SAIGA 2: Mia! Anya!
SAIGA 3: Kayo pala...mukang natapos narin kayo.
SAIGA 2: Hindi pa, kailangan natin tulungan si Drake---
BAAAAAAAAMMMM
Bigla nalang bumagsak ang mecha na ginagamit ni Saiga 1 na Liger Machine...at sinimulang itong tapak-tapakan ng White grim para tuluyan mawasak.
SAIGA 3: Drake!
SAIGA 2: Hindi...kumilos narin tayo!
SAIGA 4: Mukang alam ko narin ang iniisip mo!
SAIGA 2: Oo...tayo na!
At kumilos ang apat, para tulungan si Saiga 1 sa laban....
____________________________________________________________________
At habang bagsak naman ang Liger machine, ay sinamantala na ni Raganos ang pag-kakataon para higupin
ang buong tesla plasma na nag-susuplay sa buong lunsod...
RAGANOS: Sinabihan na kita, hindi kayo mag-tatagumpay dahil lang sa determinasyon niyo...kailangan niyo na muling ipanganak para lang matalo niyo ang isang kagaya ko!
BAAAAAAMMMM
Sinipa ng white grim ang Liger Machine, tila matinding pinsala ang tinamo nito....
SAIGA 1: G-RRRRR....
________________________________________________________________________
Samantala, nararamdaman nila Alice, ang unti-unting pag-kawala ng kanilang enerhiya sa buong lugar....
AIMEE: Nawawala ang energy source natin...unti-unti na itong hinihigop ni Raganos!
ALICE: Hindi ito maganda! Aimee...
AIMEE: Alam ko po...at nariyan na sila!
________________________________________________________________________
Pag-katapos sipa-sipain ng White Grim ang Liger machine, ay iniangat niya ito, at unti-unti namang niyuyupi ang bawat piraso....
RAGANOS: Ito na ang katapusan mo Drake Fonseca....Para sa pag-lilinis ng mundo....
Akmang puputulin na nang white grim ang mecha ni Saiga 1, ngunit biglang....
HINDI NAMIN PAPAYAGANG MANG-YARI YAN!
BLAST! BLAST! BLAST!
Dumating bigla ang iba pang mga Guardian Machine, at tinulungan makawala ang Liger Machine ni Saiga 1 sa kamay ni White grim...
SAIGA 1: Mga kasama!
RAGANOS: Anong!
Mula sa ere, ang Gyro Machine ni Saiga 2 at ang Figther Machine ni Saiga 3...at mula sa lupa ang Buggy Machine ni Saiga 5 at ang Drill Machine ni Saiga 4....
Umatake ng sabay ang dalawang machine aero fighter, at gumamit sila ng mga missile at laser blast....
SAIGA 3: Kainin mo ito!
SAIGA 2: Magaling...Kayo naman, Mia! Wei!
SAIGA 5: Okay!
Inactivate lahat ni Saiga 5 ang kaniyang mga arsenal, at walang humpay niya itong ibinuhos sa mecha ni Raganos....
RAGANOS: GRRRRR...Mga pasaway na bata!
Pero maya-maya ay nag-karoon din ng konting pag-yanig ang kalupaan, at laking gulat ni Raganos, na
lumabas mula sa ilalim ng lupa ang mecha ni Saiga 4 na Drill Machine...
SAIGA 4: Surprise!
ZOOOOOOOOOOOOOMMMMM
RAGANOS: EEEERRRR...Hindi ako makakapayag sa gusto niyo!
Muling nag-power up si Raganos, sabay ng kaniyang white grim, at dahil dito mas dumoble pa ang lakas niya kung para no’ong una.
SAIGA 2: Mukang nag power up nanaman siya....Drake...ano ang plano....
SAIGA 1: Pigilan siya... bilang isang team!
Sa pag-bigkas na sinabi ni Saiga 1 bilang isang team...lumabas sa kanilang control pannel ang combination code, para mabuo ang makapangyarihang mandirigma na si Saiganos....
SAIGA 1: Ngayon na! GUARDIAN FORMATION!
COMBINATION AUTHORIZED!
Nag-hanay hanay ang limang mecha, at nag-bigay ng kaniya-kaniyang hugis, ngunit tinangka pa silang
pigilan ni white grim, Pero dahil sa plasma barrier na pumoprotekta sa kanila ay hindi siya nag-tagumpay....
Nabuo ang liger machine, sa pamamgitan ng katawan, balikat...hanggang sa dumugtong naman ang buggy machine, bilang Bewang...at ang dalawa ng gyro machine at fighter machine ay naging mga braso at kamay...at ang huli naging mga paa at binti ang drill machine ni Saiga 4...
At ilang sandali pa, nabuo na si Saiganos, at nag-sama-sama sa iisang cockpit ang limang batang ranger.
COMBINATION COMPLETE! SAIGANOS!
SAIGA 4: Ang angas nito!
SAIGA 3: Tama ka!
____________________________________________________________
Namangha naman sila Aimee sa ginawa ng mga kasama niya, dahil nag-tagumpay sila na buoin si Saiganos...
AIMEE: Nagawa nila! Nabuo nila si Saiganos!
ALICE: Saigaman! Tapusin niyo na ito ngayon din!
_____________________________________________________________
SAIGAMAN: Roger!
RAGANOS: Huwag niyo akong minamaliit!
Umatake ng sabay ang Saiganos at ang White Grim, at nag-pakawala sila ng malalakas natake sa bawat isa, na halos ikayanig ng buong kapaligiran.
Suntok...Sipa...at tadyak, ang mga pinakawalan nilang, hanggang sa matamaan ng isang beses si Saiganos sa katawan, at sila ay napa-atras...
SAIGAMAN: AAAAAAHHHHH
SAIGA 4: Ang kulit mo hah! Kainin mo ito!
Biglang nag-pakawala ng missile si Saiga 4...at tumama naman ito sa white grim hanggang sa mawindang ito.
SAIGA 1: Pag-kakataon na natin!
Ginamit ng Saiganos ang pag-kakataon , para tapusin na ang laban sa pamamagitan ng kanilang
pinakalamakas na sandata...ang guardian saber...inipon nito ang buong enerhiya nila para tapusin na si Raganos at ang kaniyang white grim...
SAIGAMAN: YAAAAAAAAHHHHH
Ngunit tila naalala ni Raganos, ang nakaraan niya, kaya tila nabigyan ito ng kakaiba pang uri ng lakas para hindi dito matapos ang laban.
RAGANOS: Hindi ako papayag!
Isang malakas na shockwave ang pinakawalan niya, at dahil do’on, tumilapon si Saiganos sa isang
bulubundukin.
DOOOOOOOOOOMMMMM
SAIGA 3: A-anong klaseng lakas yun...parang nawindang ako sa ginawa niya..
SAIGA 5: Ako rin....
Napansin naman ni Saiga 2 na wala na silang oras, dahil halos paubos na ang kanilang tesla plasma ni
Saiganos...at ang iniipon namang plasma ni Raganos, ay malapit ng mapuno para gawing isang nakakakilabot na sandata.
SAIGA 2: Wala na tayong oras...papaaubos na ang tesla natin, at patapos na si
Raganos...sandali...papatapos na?
Ngunit tila ata, hindi pa sila nawawalan ng pag-asa, dahil merong naisip si Saiga 2, kung papaano tatapusin ang laban...
SAIGA 2: Mukang alam ko na ang kailangan natin gawin...Drake...siguro naman, alam mo narin ito.
SAIGA 1: Sinabi mo pa...kayo lang naman ang hinihintay ko para kumilos...ano...handa ba kayo.
SAIGA 4: Sandali, anong binabalak niyo...
SAIGA 1: Papunta tayo...sa kalawakan!
SAIGA 4/SAIGA 3: Ano!
_____________________________________________________________
Biglang kinuha ng saiganos ang machine na humihigop sa tesla plasma...at bigla nitong binukad-kad ang kanilang fighter wing...at saka idinikit niya sa katawan ni Raganos ang sarili niyang sandata.
ALICE: Wala na silang oras...ano pang binabalak nila...
AIMEE: Sandali, huwag niyong sabihin na!
ABBY: Drake! Anya!
________________________________________________________________
RAGANOS: Anong binabalak mo!
SAIGA 1: Samahan mo kaming lumipad!
Biglang lumipad papuntang himpapawid si Saiganos, dala ang tesla bomb machine at pati na ang white grim...
SAIGAMAN: E-EEEEERRRRR....
RAGANOS: Hindi niyo magagawa ito!
Nag-pupumiglas pa si White Grim, para makatakas...
RAGANOS: Ang pag-lilinis ko! Hindi ito kailangan ma baliwala! RAAAAAAHHHHHH
At ilang sandali pa, nakarating na sila sa earth athmospher...at sinipa nila papalayo ang mecha ni Raganos, kasama na ang tesla bomb na ginawa niya...
SAIGA 1: Paalam na...Professor!
SAIGAMAN: Guardian Buster!
Ginamit ni Saiganos ang Guardian buster...at pinuntirya niya ito, at saka tumama ang mismong bomba sa katawan ng white grim at ni Raganos.
RAGANOS: HINDEEEEEE
BLLLAAAASSSSSSSSTTT
BOOOOOOOOOMMMSSSSSSSS
Dahil sa lakas ng pag-sabog, halos bumulusok paibaba si Saiganos, pabalik sa daigdig...
___________________________________________________________
Lumabas naman sila Alice at ang iba para tingnan ang nang-yari, at kita nila ang nang-yaring pag-sabog mula sa kalawakan.
ALICE: Hindi! Ang mga bata...
ABBY: Drake! Anya!
GEN. TAVAREZ: Axel!
SCOTT: Amber!
MALIN: Wei!
AIMEE: Mga kasama, pakiusap!
Habang sila ay nag-aalala, nakita ni Kieth na papabulusok paibaba ang mecha nila, at dahan-dahan na
itong nag-babawas ng bilis para makababa ng ligtas.
KIETH: Sandali, tingnan niyo!
AIMEE: Ang saiganos!
___________________________________________________________
SAIGA 1: Konti nalang!
Dahan-dahan parin silang bumababa...hanggang sa, Tagumpay ang pag-lapag nila....
AIMEE: Nagawa nila! Napigilan nila ang balak ni Raganos na wasakin ang megatropolis! Ms. Alice...
ALICE: Tama ka!
Mula naman sa mga magulang ng Saigaman, makikita sa mga mata nila ang labis na tuwa at galak, dahil ligtas ang mga anak nila, pero hindi rin makakaila na ipinag-mamalaki nila ang mga ito.
ABBY: Nagawa niyo...Mga anak...Jake nagawa nila...
__________________________________________________________
Mula naman sa cockpit ni Saiganos, hinubad ng lima ang kanilang helmet...
WEI: WHOOOHHHH...Grabe, hindi ko akalain na makakaligtas pa tayo do’on!
MIA: Tama ka...nag-tagumpay tayo.
ANYA: He He He, nakakapagod...parang gusto kong kumain ng marami, at matulog buong araw pag-katapos
nito.
AXEL: Drake...Nagawa natin... (Nakipag-fist bump)
DRAKE: Oo...Nagawa natin! (Nakipag-fist bump)
WEI: PANALO TAYO!
At tagumpay ang unang laban na ginawa ng Saigman, sa bantang kanilang kinaharap....
___________________________________________________________
Ngunit sa hindi kalayuan, pinanood ni Mephisto ang siyang kabuuan ng laban...
MEPHISTO: Nakakapanghinayang, natalo ng hamak na mga bata lamang si Raganos...
Ilang sandali naman ay nag-pakita ang isa pa sa mga alagad ni Mephisto, at ito ay si...
MEPHISTO: Anong ginagawa mo ngayon dito...Ireven...
IREVEN: Master Mephisto...tapos na po ang ipinapagawa niyo, utos niyo nalang ang kailangan ko, para sa hakbang na gagawin ng Elysium...
MEPHISTO: Magaling kung ganon, hihintayin ko ang mga susunod na mang-yayari...nasasabik na ako. Para sa Saigaman at Para sa mga taga Orias...Halika na!
IREVEN: Masusunod....Hmp, Raganos...isa kang talunan.
At nawala ang dalawa, pero sino nga ba sila...at ano ang tinutukoy nilang Elysium...o mas kilala sa tawag na heavens army...
____________________________________________________________________
Dalawang linggo ang nakalipas....
New flash...
Magandang umaga, this is Maria Ong, para sa SBC News....kasalukuyang dumadaan parin sa rehabilitation ang buong lunsod ng Megatropolis...katuwang ang GTC at si Mr. Kieth Benedict Ong at mga kasamhan niya, ay patuloy silang mag-hahatid ng tulong para maitayo muli ang siyudad na ng oppurtunidad...ang tinaguriang tiger city...
At sa ibang mga balita, patuloy na bumabaha ng papuri ang mga mandirigma na siyang pumigil sa masamang hangarin ng kinikilalang character na si Raganos...ayon sa mga saksi, ay maihahalintulad ang limang hindi pa nakikilalang mga nilalang bilang mga bagong bayani na Gammaranger. At sinasabi rin ng iba na sila ang siyang bantay ng buong siyudad.....
Habang nag-babalita si Malin, ay siya naman umalis sa panonood si Anya, at kinuha ang kapirasong toast bread...at saka siya nag-paalam sa kay Abby...
ANYA: Aalis na po ako!
ABBY: Mag-iingat ka!
ANYA: Opo Mama! Caleb una na ako sa iyo...By Blade!
WOOF!
CALEB: Sandali Ate Anya!
____________________________________________________________
Tumatakbo si Anya, nang makasalubong naman niya si Mia at si Aimee na papasok narin.
MIA: Anya!
ANYA: Mia! Aimee!
AIMEE: Kumusta...
At sabay-sabay na silang pumasok...at habang papasok sila ay napag-usapan nila ang tungkol sa nang-yari dalawang linggo na ang nakakaraan.
MIA: Sa tingin niyo...may mang-yayari pa bang kaguluhan pag-katapos nito.
ANYA: Hindi natin alam...pero, nakahanda naman tayo na gawin muli ang nararapat...Diba Aimee...
AIMEE: Ah...asahan niyo tutulungan ko parin kayo....
Habang patuloy sa kanilang pag-lalakad...tila nakatangap sila ng tawag mula kay Drake, at pinapupunta sila sa Saiga lab....
ANYA: Sandali, ano naman ito?
MIA: Mula kay Drake...isang emergency meeting...?
__________________________________________________________________
Kasalukuyang inaayos parin ang megatropoli high...at kausap naman ni Alice, ang secretary of defense....sa isang pribadong pag-pupulong.
A
LICE: Hindi ko akalain na mag-pupunta kayo dito...General. Angeles....
SEC. ANGELES: Bakit mo pa ako tinatawag na ganyan, retirado na ako bilang isang heneral.
ALICE: Pero nasanay po kasi ako, kahit na naging secretary of defense na kayo, hindi mawawala ang pag-tingin namin sa iyo, as one of the founding member ng Gammaranger.
SEC. ANGELES: Mukang wala na ako magagawa, bueno...gusto kong pag-usapan natin, ang tunkol sa
Saigaman... anong benepisyo ang makukuha ng bansa pati na ang mundo mula sa kanila. Hindi ba sila magiging banta sa kasalukuyang sitwasyon.
ALICE: Isa lang po ang magagarantiya ko...sila ang nag-mana ng mga alab ng unang gammaranger. At sila ngayon ang tinuturing mga bayani, sa henerasyo na ito.
SEC. ANGELES: Bueno...aasahan ko sa kanila iyan....dahil maraming mata ang naka-subay-bay sa kanila...
ALICE: Tama po kayo...
SEC. ANGELES: Sana lang naging kagaya ng apo kung yun ang mga batang ito.
__________________________________________________________________
SAIGA LAB...
Ipinatawag ni, Drake ang mga kasama niya para sa isang bagay na gusto niyang bangitin...
WEI: Sandali ano bang gusto mong sabihin ngayon?
Tila pinag-iisipan pa ni Drake, kung ano ang gusto niyang sabihin...
ANYA: Hoy nahihilo na ako sa kakauli mo! Puwede ba sabihin mo na!
AXEL: Tama si Anya, Drake...sabihin mo sa amin, kung ano problema....
DRAKE: Tungkol ito sa pagiging saigaman natin....
WEI: Ano, para saan naman, diba itinuturing tayo bilang bantay ng siyudad?
DRAKE: Hayaan niyo ang ipaliwanag ko sa iyo...ang magiging epekto natin sa labas....kung mag-papatuloy tayo sa pag-ooperate, hindi malabong mas lumaki pa ang gulo...tama no’on si Wei, may mas karapat-dapat na gumawa ng trabaho natin. Kesa tayo....
AXEL: Teka ano bang sinasabi mo...Diba tangap naman natin kung ano na tayo?
MIA: Tama siya...Drake, bakit parang, nag-iba ka nanaman?
DRAKE: Iniisip ko lang ang kapakanan niyo, hindi lang ang pagiging saiga ang dahilan kung bakit tayo
naririto...may mga ibang bagay na mas malaki sa pagiging saiga...at yun ang kasalukuyang buhay natin.
ANYA: Ibig mo bang sabihin...
DRAKE: Kailangan muna natin isuko ito...at sa tamang panahon, malay natin, tayo talaga ang naka-tadhana para dito...
Inilabas nila isa-isa ang kanilang mga Saiga cellular, at ibinigay naman ni Aimee ang case para sa lalagyan...
DRAKE: Alam ko na naging malaking bagay sa inyo ito nitong mga nakaraang araw...pero, nakapag-desisyon na ako, pati na ang mga nakakataas...kailangan muna natin itong bitawan pansamantala...
WEI: Haaayyyy...kala ko naman magiging super hero na ako, pero sige wala naman ako magagawa...heto, ibinabalik ko na...total magiging sagabal ito sa career ko bilang basketball player...
MIA: Kung ito ang makakabuti, sige pumamayag ako....
DRAKE: Anya....
ANYA: Ayaw ko nga!
Tila nag-mamatigas pa si Anya, dahil ayaw nitong bitawan ang kaniyang Saiga cellular...
DRAKE: Huwag ng matigas ang ulo...para sa iyo rin ito, upang makapamuhay tayo ng normal...at kung gusto mo talagang maging kagaya ni Papa...mag-sumikap kang mabuti. Para abutin ang pangarap mo...
ANYA: Tch...basta, sa susunod na magagamit ulit natin yan, ako na ang magiging pula!
At ibinigay narin ni Anya ang kaniyang cellular kay Drake....
DRAKE: Axel...
Walang anu-ano naman ay ibinalik din ni Axel ang kaniyang cellular kay Drake.
WEI: Teka hindi ka makikipag-talo sa kaniya?
AXEL: Wala namang dahilan para makipag-talo pa, naiintindihan ko ang sitwasyon...at isa pa, gusto ng tatay ko na maging bata lang tayo sa ngayon...sa pag-kakataong ito. Hindi natin alam ang hinaharap natin, ngunit kagaya ng sinabi mo Drake...kung mag-susumikap tayo, tiyak ang kapalaran na mismo ang lalapit. Hindi natin kailangan mag-madali, sa mga bagay na kagaya nito.
DRAKE: Aimee!
AIMEE: Okay!
At ibinigay na ni Drake, ang case kay Aimee...at...
DRAKE: Hindi natin alam kung ano pang hakbang ang susunod...pero nakakatiyak ako, na magiging maaayos ang lahat. Saigaman o hindi. Maaari tayong maging bayani, sa paraan na alam natin.
Tila tinangap lang nila Axel ang gustong mang-yari ni Drake...na ang buhay nila ngayon, ay mas malaki kesa sa pagiging isang bayani.
_____________________________________________________________________
Sa sikretong labaratoryo ng Elysium...kasalukuyang isang ekesperemento, ang siyang ginagawa nila....at sa pangu-nguna ito ni Ireven....tila isang genetical subject ngayon ang gusto niyang makuha.
At ilang sandali pa ay itinurok ito, sa isang preso nila na mag-sisilbing lab rat.
PRESO: H-Huwag! HUWAG!!!!
Nag-sisigaw ang preso, ngunit wala siyang nagawa, at naiturok na sa kaniya ang serum na ginawa ng mga scienctist...at ilang sandali naman ay nag-palit ito ng anyo, bilang isang nakakatakot na halimaw....at inatake ang mga taong nag-turok sa kaniya.
AH AHHHHHHH!!!!!
Walang humpay niyang pinaslang ang mga taong ito, hanggang sa gumawa siya ng isang alulong....
AWWWWOOOOOOOOOO
IREVEN: Kulang pa...Hindi natin magagawang mapabagsak ang Orias, at ang Saigaman, kung ganito tayo kahina...gusto ko pa ng maraming sample, gawin niyo ang lahat para sa ikatatagumpay ng proyektong ito!
SCIENCTIST: Masusunod po....
Pumasok si Ireven sa armory building room, at dito, pinag-masdan niya ang isang uri ng baluti...na merong ulo ng tatlong lobo....
IREVEN: Konting panahon nalang, at isisilang ka na...Cerberus....
__________________________________________________________________
Samantala.. sa isang disiyerto sa bansang lebanon, ay kasalukuyang pinag-mamasdan ng isang lalaki ang isang larawan. At habang nag-mumuni-muni, ay nilapitan naman siya nang isa pang lalaki.
LALAKI: Nakakamis talaga ang pamilya, lalo na at malayo ka sa kanila....diba Owen...
OWEN: Sinabi mo pa....namimiss ko na nga rin si Aimee...ikaw naman kasi, bakit mo pa ako sinama dito...Jake.
Si Owen ang lalaking lumapit at si Jake naman ang lalaking naka-tingin sa larawan ng kaniyang mag-anak gamit ang kaniyang smart phone....
JAKE: Pasensiya ka na, pero kailangan talaga kita dito bilang technical support...hindi natin magagawang mahanap ang kalaban kung wala ang tulong mo.
OWEN: Ano pa bang magagawa ko...sandali, nabalitaan mo na ba ang nang-yari sa megatropolis?
JAKE: Oo...mukang, minana na nang mga anak ko ang alab mula sa amin ni Abby...at hindi rin ako mag-tataka kung balang araw maging ranger din si Caleb balang araw.
OWEN: Hindi ka ba nag-aalala? Alam mo naman na hindi biro ang ganitong klaseng buhay.
JAKE: Hindi, at natitiyak kong...magagawa nilang lagpasan ang inaaasahan ko sa kanila.
At muling pinag-masdan ni Jake ang larawan ng kaniyang tatlong anak....pero tila merong papalapit na gulo sa kanila.
OWEN: Mukang may gulo kang kahaharapin ngayon....
JAKE: Bueno, tapusin na natin ang trabaho...para makabalik na sa kanila....
Tumayo si Jake, at binitbit ang G-Rifle sa kaniyang balikat....at sinimulan niyang makipag-laban sa mga hinihinalang kampon ng Orias.
_____________________________________________________________
Samantala...sa isang arcade shop, kung saan isang lalaki ang tila pinatumba na ang lahat nang humamon sa kaniya sa isang laro....
LALAKI: Talo nanaman tayo!
LALAKI: Malaking pera na ang nawawala sa atin...sandali sino ba ang lalaking yan?
Sandali, anong kaguluhan ito....
Ilang sandali naman ay dumating ang isa sa itinuturing amo ng groupong ito, at tinawag siya sa
pangalang....Daks....
LALAKI: Ikaw pala Daks....
DAKS: Ano bang nang-yayari dito, parang kanina pa kayong inis na inis....
LALAKI: Daks, ang lalaking yun, mukang sinasagasaan niya tayo sa teritoryo natin....ang laking pera na
ang kinuha niya.
DAKS: Ganon ba...sige ako na ang bahala....
At lumapit ang lalaking si Daks, sa lalaking nag-lalaro ng fighting game....at kinausap niya ito.
DAKS: Hoy, ang lakas ng loob mo na pahiyain ang mga kasama ko sa sarili naming teritoryo ah...
Ngunit patuloy lang ang pag-lalaro ng lalaki, at hindi pinansin ang lalaking si Daks.
DAKS: Hoy! Kinakausap kita! Huwag mo akong bastusin! TALAGANG!
At wala paring kibo ito, at patuloy na nag-lalaro...hanggang sa maubos na ang pasensiya nito, at akmang isusungab ang ulo niya sa monitor ng arcade....pero biglang ibang nang-yari....
BRAAACCCCCCCKKKKK
Dahil ang lalaking si Daks ang siyang sumungab ang mukha nito sa monitor ng arcade, at nawalan na nang
malay...at ikinagulat din ito ng mga kasamahan niya.
LALAKI: D-DAKS!!!!
LALAKI: A-Anong ginawa mo! Sino ka ba!
Nag salita na ang lalaking may pulang buhok....at pinakilala niya ang sarili niya na may kasamang pag-babanta.
BEALZ: Julian Bealz Angeles...At ayaw kong inaabala ako sa mga gusto ko!
BAAAAAAAAMMMM
Sinipa ni Bealz ang isa pang kasamahan sa groupo ni Daks, at bumulagta ito, dahil dito...hindi narin nakapag-pigil ang groupo ni Daks kaya sinugod nila si Bealz.
LALAKI: Turuan ng leksyon ang isang yan!
At tilang isang malaking rambulan ang naganap sa loob ng arcade shop....
_______________________________________________________
Ilang sandali pa, dumating naman si Drake sa arcade shop na ito para maglaro din....pero pag-bukas palang ng pinto ay, ay isang upuan ang siyang akmang tatama sa kaniya...pero nagawa niya itong iwasan.
BAAAAAAAAAMMMM
DRAKE: Sandali, anong nang-yayari?
Nilapitan na si Drake ng may-ari nang arcade na si Jess, upang makiusap na pigilan ito....
JESS: D-Drake mabuti naman at dumating ka....pakiusap, pigilan mo ang mga lalaking yan, alam ko ikaw lang makakagawa nito...
Tila napansin din ni Drake na wasak ang paborito niyang arcade, kaya nag-desisyon siya na pigilan na ito...
DRAKE: Sige, ako na ang bahala....
Bagsak na ang lahat ng nakalaban ni Bealz, pero hindi parin niya ito tinitigilan hanggang hindi ito
nalalagutan ng hininga....akma pa niya itong susuntukin, pero pinigilan ito ni Drake...
DRAKE: Sandali, tama na iyan!
BEALZ: Huwag kang makielam dito....
DRAKE: Bugbog sarado na ang mga yan, hindi na sila makakalaban pa...tama na, panalo ka na....saka bayaran mo ang lahat ng nasira dito. Lalo na itong paborito kong machine na sinira niyo.
BEALZ: Pakielam ko!
Biglang inihagis ni Bealz ang lalaking hawak niya, at akmang susuntukin ni Bealz si Drake, pero naka-
porma na kaagad ito, at nagawang pigilan ang atake, hanggang sa mag-kasalubong ang mga kamao nila.
BAAAAAAAAAMMMMMM
Maya-maya naman ay dumating sila Axel at iba pa...dahil nasangkot sa isang malaking gulo ang mga estudiyante nila. At nakita nila si Drake ang kaharap nito.
AXEL: Drake!
WEI: Teka sino naman ang isang yan....
MIA: Drake....
ANYA: Hoy anong ginagawa mo! Bitawan mo ang kapatid ko!
Nag-salita si Bealz kay Drake.....
BEALZ: Hindi ko akalain na mag-kikita tayo dito....Evil genius....Drake Fonseca.
DRAKE: Ikaw....BealzAngeles....
AXEL: Sino....Bealz Angeles....
Nag-titigan lang ang dalawa, at tila isang matagal ng hidwaan ang siyang bumabalot sa kanila.....ano ang siyang magiging papel ni Julain Bealz Angeles, para sa hinaharap....
END OF ARC 1....
GAMMARANGER Created by Conrad Morales...
SAIGAMAN Created by Conrad Morales and Gaider 23
Story by: Gaider 23
AXT SQUADRON....EASTERN HEROES
SAIGAMAN will return...
All the characters in this series have whatsoever outside no existence the imagination of author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown, and all the incidents are merely invention.
2020....