AUGURY OF DEATH
Artofthesnner
Ipinanganak si Javion mula sa mundo ng mga hindi pangkaraniwang mga nilalang, lugar na tinatawag na Borealis, kung saan ay naninirahan ang mga Elvian, Sirena, at Wizards. Kakaiba ito sa daigdig ng mga tao.
Nagmula si Javion sa mga Wizards pero nakakapagtaka ang kaniyang hitsura dahil naiiba ito sa kaniyang mga kauri. Ang mga Wizards, at ang kaniyang pamilya ay karaniwang puti ang kanilang mga buhok, mga pilik-mata, kilay, maging ang balbas 'man sa mga lalaki, ang mga mata ay yari sa garing, at ang balat nila ay kulay porselana. Mga mukha naman nila ay bibilugin.
Habang itong si Javion ay magkakahalo ang kaniya.
Ang kaniyang buhok ay puti na may pagkaitim sa gilid at pula mula sa gitna hanggang sa kanang bahagi, kaniyang pilik-mata ay may puti ngunit may iilang mga pula rin sa maliliit na bahagi, kaniyang kilay ay puti, mga matang matutulis kung tumingin dahil sa pula ng mga 'to at may kaunting puti sa loob na tila ba ito ang nagsisilbing ilaw kahit pa siya ay nasa dilim, at ang kaniyang balat naman ay maputla.
Ang hugis ng mukha ni Javion ay para bang nililok ng Diyos dahil sa napakaperpekto nito, napaka-oval nito na parang itlog at tama lamang ang pagkakatabas.
Si Javion ay may dalawang kaibigan, ito ay sina Fawieza at Caspian. Mula naman ang dalawang 'to sa mag-kakaibang bayan ng kanilang kaharihan.
Isang babaeng Warlock si Fawieza, mula siya sa Australis kung nasaan naninirahan ang kaniyang mga kauri kasama ng mga Wolves at mga Dwarvitus. Isang lalaking Sorcerer na mula naman sa Kataraménos kasama ng mga Dragons si Caspian.
Ang mga ito ay para lamang ang pamilya ni Javion, ganun na ganun ang kanilang mga hitsura ngunit ang kakaiba lamang sa kanila ang ugali at kasuotan. Asul ang gamit ng pamilya ni Fawieza, samantalang si Caspian ay itim, iyon din ang sumisimbulo kung ano ang kanilang mga wangis, kung gaano sila gumalaw, at kumausap ng mga tao.
Kasalukuyan na ngayong nakaupo ang magkakaibigan sa pinakaitaas na bahagi ng bundok ng Agartha kung nasaan mula sa kanilang kinauupuan ay makikita harap nila ang pagkakahati-hati ng Australis, Borealis, at Kataraménos.
Gamit naman ng mahika ni Fawieza ay makakagawa ito ng projector at dito ay makikita nila nang malapitan ang ginagawa ng mga tao sa kanilang mga bayan.
Habang humahagikgik silang tatlo dahil sa nakikita sa harapan, bigla ay may tumawag kay Javion.
"Javion! Javion!"
Sabay-sabay silang napalingon at nakita nila ang tatlong Wizard na lalaki.
Pare-pareho lamang ang taas ng mga ito na nasa isang daan at apat na put sentimetro, sa kanilang mga hitsura ay nasa labing apat na taong gulang pa lang sila, ang kanilang mga buhok ay gulo-gulo at tila ba kanina pa hinahanap si Javion dahil pawis na pawis din ang mga ito.
"Bakit po?" nagtatakang tanong ni Javion sa kanila.
"Ang nanay mo, umaalis!" sagot kaagad ng nasa unang kaliwa.
Muli ay binuksan na naman ni Fawieza ang kaniyang palad upang tinignan ang tahanan nila Javion at totoo nga ang sinabi ng mga lalaki. Paalis na ang kaniyang ina at ang iilang mga bagahe nito ay inilalagay na sa kaniyang sasakyan.
Nagmamadali at paluhang tumingin si Javion sa kaniyang mga kasama.
"Mauna na ako, Javion, at Fawieza. Susubukan kong pigilan si Tita Jaht." paalam ni Caspian bago mag-laho agad sa kanilang harapan. Hindi na nasabi pa ni Javion ang kaniyang gustong sabihin kay Caspian kaya siya ay nabahala.
"Bilisan na po na'tin, mag-bukas na po kayo ng lagusan." Umiiyak nang sabi ni Javion. Tumango-tango ang kaniyang mga kasama at natatarantang nagbukas na ng lagusan.
Pagkabukas ay kaagad na tumalon dito ang batang Javion at sumalubong sa kaniya ang tulalang Caspian.
Hindi na pinansin ni Javion ito at iniikot ang paningin upang hanapin ang kaniyang ina.
Nang makita naman siya ng kaniyang ina ay nagmamadali itong sumakay sa kaniyang sasakyan at pinaandar na ito.
"Ma! Ma, sandali! Saan ka pupunta? Isama mo ako!" Umiiyak na sigaw ni Javion habang hinahabol ang sasakyan ng ina.
Patuloy na tumatakbo ang batang Javion hanggang sa aksidente itong makaapak ng sanga na ikinadapa niya dahil 'don ay malakas siyang napahiyaw.
"Hindi! Ma! Ma! Sandali lang po!" Humahagulgol na nitong hiyaw habang pinapanood na ang papalayong ina.
Lumapit naman sa kaniya ang kaniyang lola at niyakap siya. "Tahan na, Javion."
"Iniwan niya ako, Lola. Bakit niya ako iniwan? Gusto kong sumama eh."
"Tahan na, Javion, tumahan kana. Pagusapan na lang na'tin ito sa loob ng bahay." Sagot ng kaniyang lola at pinatayo na siya kaya tumahan na ito at tumango-tango tsaka na siya inakay papunta at papasok sa kanilang bahay, ngunit bago pa 'man sila makapasok ay hinanap nito si Caspian dahil sa kaniyang napansin kanina.
"Fawieza, nasaan si Caspian?" Tanong nito sa kaniyang kaibigan.
"May sinabi ang nanay mo sa batang 'yun habang pinipigilan niyang umalis ito at hindi na namin narinig dahil napakahina ng pagkakasabi pagkatapos ay ayun bigla na lang siya natulala at kanina lamang ay naglaho na. Kawawang bata." Imbes na si Fawieza ang sumagot ay ang isa sa mga kapitbahay nila ang tumugon sa kaniyang tanong.
"Kakausapin ko na lang siya bukas, Javion. Pahinga kana." Sabi na sa kaniya ni Fawieza, napatango siya at binigyan lamang ng maliit na ngiti ang kaibigan.
"Salamat."
MAKALIPAS ang labing isang taon ay nananatili lamang si Javion sa kaniyang Lola. Nag-iba naman din ang kaniyang hitsura at mas lalong naging matured. Naging masaya ang kaniyang mga taon at saglit na kinalimutan ang kaniyang mapait na alaala nang siya ay iwanan ng kaniyang ina.
Noong siya ay labing apat na, natanggap na niya ang kaniyang Vivlío, ang libro kung nasaan nakasulat ang tungkol sa mga spells ng kaniyang mahika at kung papaano ito gamitin.
Kulay pula ito na ayon sa kaniyang pinanghahawakang mahika, kakaiba ang pagkakadisenyo, may puti na guhit-guhit mula sa harap hanggang likod na tila ba kidlat, at sa tuwing bumubukas o binubuksan ito ay may itim na bilog ang aangat sa kaniyang harapan tsaka mapapaikot ang mga kakaibang lengguwahe rito na tanging si Javion lamang ang nakakabasa.
Pinag-aralan niya ito ng mabuti at lagi ng namamalagi sa kanilang silid-aklatan hanggang sa matutunan niya na itong gamitin ng maayos.
Pangarap niya noon ng siya ay bata pa ang tumulong sa kanilang bayan ngunit ang kaniyang mahika na nakuha ay ang pinaka-kinakamuhian ng lahat ng taong nakatira sa kaniyang bayan.
"Kumusta?" tanong ni Fawieza sa kaniya habang nakangiti at may pinaglalaruan ito sa kaniyang palad.
Maging si Fawieza ay mas naging matured pa ang hitsura nito, mas lalong gumanda rin ang kaniyang mga kasuotan, mas lalong tumingkad ang pagkakulay asul ng mga ito dahil sa kaniyang kutis.
Hindi siya nilingon ni Javion, "Kung ako, ayos lang pero kung tungkol dito sa nakuha kong Vivlío, ayun ganun pa rin. Marami 'man akong natutunan dito, hindi ko pa rin magagamit sa lugar na 'to dahil alam mo ang mga tao rito." napabuga na lamang ng mahabang buntong hininga si Javion matapos niyang sagutin si Fawieza at napakamot ng batok.
"Nabalitaan mo na pala kung ano ang nangyari sa Annwn?" napalingon ang ulo ni Javion at tingin kay Fawieza na tila ba naging interesado ito sa sinabi.
"Anong balita?" tanong niya.
"Ayan ang napapala mo eh, kasi hindi ka lumalabas ng bahay kaya hindi mo na alam kung ano nangyayari." Ipinaikot ni Fawieza ang paningin kay Javion bago ipinagpatuloy ang sasabihin, "Nawawala na 'yung pumoprotekta sa lugar nila, ang alam ko para lang siyang dyamante na ganito kaliit. Nasa isang sentimetro lang." Iniaksyon pa ni Fawieza kung gaano kaliit ang tinutukoy niya na dyamante.
"Anong mangyayari ngayon?"
"Kapag nawala 'yun, susunod na ang Australis, Borealis, Agartha at 'yung kila Caspian, kaya binalak ko sanang pagsabihan si Caspian din sa nangyayari kaso hindi ko siya mahagilap." sagot muli ni Fawieza.
"Hindi ko na nga rin siya makausap, baka masyado na 'yun maraming inaasikaso." naglakad si Javion patungo sa mga libro na magkaugnay sa tinutukoy ni Fawieza ngunit bigla ay natisod ito.
"Baka kasi-" nahinto sa pagsasalita si Fawieza nang maglakad ang kaibigan sa harap ng mga libro tsaka natisod. Napahawak naman si Javion sa mga libro ngunit sa 'di sinasadya ay naiusog niya ang isa sa mga ito na ikinabukas ng pagitan ng mga libro.
Manghang napatingin si Fawieza dito nang akmang maglalakad na sana patungo rito ng pigilan siya ni Javion.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Fawieza? Napakadelikado niyan, hindi ko nga alam na may ganiyan pala rito sa silid-aklatan namin."
"Baka ito na ang sagot mo sa katanung— OH?! May ilaw!" napahiyaw sa saya si Fawieza ng biglang lumiwanag ang loob nito, kaagad siyang naglagad papasok kaya hindi na siya napigilan pa ni Javion at napasampal na lamang ng kaniyang noo.
Dahan-dahan siyang tumayo at pinagpagan ang kaniyang kasuotan bago sinundan ang kaibigan sa loob.
Sa kaniyang pagpasok ay bumungad ang isang malawak na pisara na may mga papel na nakadikit na medyo may pagkaluma na, ang iilan ay tila ba kinain na ng daga ngunit buo pa, may iilan ay hindi 'man gaanong nagalaw. Hindi niya muna ito linapitan dahil iniikot niya pa ang paningin sa paligid.
She saw some empty beaker, a used erlenmeyer flasks, their map, a pipette inside the test tube rack and other a lot of stuffs that seemed to be used already.
"Jav, parang ganito yata 'yung tinutukoy nila. Hawak yata ni Tita ang isa sa mga ito, at may pinagp-planuhan siya." Ipinakita niya ang isang litrato na nasa itaas ng mesa at nakalagay ito sa isang kwadro.
Lumapit si Javion kay Fawieza at iniabot ang kaniyang hawak na litrato. Sandali niyang pinakatitigan ang libro bago humarap sa malaking pisara na nasa kanilang harapan ngayon.
"Basahin mo." Turo ni Fawieza sa isang papel na nasa kanilang taas, binasa naman ito ni Javion.
"Ang mga bagay na hindi magkatulad ay kailanma'y hindi pa rin magiging magkatulad. Kahit 'man humanap ng daan ang isa sa kanila ay hindi na magbabago ang nangyari na."
"Anong ibig sabihin 'nun? Tsaka tignan mo 'to. Nakasaad dito na kapag nawala ang bagay na pumoprotekta sa Annwn ay susunod na maaapektuhan ang Agartha o pagkatapos ay ang Australis at Borealis.. huli ay Kataraménos. Meron pa, "Sa kaniyang pagsira ng mga ito ay siya namang kaniyang pagbuo at kaniyang haharihin. Sa huli, magiging isa lamang ang ngalan nito na kasunod ng kaniya." Ibig sabihin, may tao ng nagplano nito na matagal na panahon tapos ngayon na ito kumikilos." paliwanag nito habang itinuturo ang pagkakasunod ng mga papel na nasa kanilang harapan.
"Teka, Fawieza. 'Yang lalaki katabi ni Mama. Napakapamilyar niya." paghihinto ni Javion kay Fawieza.
"Baka tatay mo. Medyo may pagkakahawig kayo eh." kunot-noong idinikit ni Fawieza ang litrato sa tabi ng mukha ng kaibigan.
"Huminto ka nga. Hindi siya ang tatay ko, may binigay sa akin si Lola. May litrato ako ni Papa-" Napahinto siya ng mapagtanto kung ano ang kaniyang sinasabi. Kinapa-kapa niya kaagad ang mga bulsa at kinuha ang kaniyang hinahanap. Nang mahanap ay ibinigay niya ang litrato kay Fawieza.
"Ito. Ipagdugtong mo, hindi ba kasama ang dad ko diyan? Baka.. ang ipinapahiwatig ni Mama ay dating magkakaibigan sina Tito Jacob, ang mama ko at ang papa ko bigla, may nangyari?"
"Siguro? Tsaka tignan mo 'to." Ibinigay ni Fawieza kay Javion ang kaniyang nakita. Isa itong bakal at ang pagkakagawa nito ay para bang hugis brilyante na tama lamang ang sukat upang mahawakan ng buo. Kakaiba ang disenyo nito at kulay abo.
Iniangat nito ang itaas upang lumabas ang ilaw rito, pagkalabas ng ilaw ay lumabas rin ang mukha ng kaniyang ina.
Dito ay makikita at mapapakinggan ng dalawang mag-kaibigan ang ginagawa ng kaniyang ina sa kanilang silid-aklatan at kung paano nito ipaliwanag ang tungkol sa mga bagay na pumoprotekta sa kanilang mga lugar nang biglang may sumabog sa kanilang gilid at itaas kaya dali-daling tumakbo si Javion patungo sa kung saan nakalagay ang tinutukoy ng kaniyang ina sa vidyo at itinago ito sa kaniyang bulsa.
"Fawieza, umakyat kana sa taas, tignan mo ang lola at kung maaari ay lisanin niyo agad itong lugar na 'to" Seryosong sabi saad nito tsaka itinago sa kaniyang bulsa ang bagay na pumoprotekta sa kanilang lugar.
"Paano ka?" Nagaalalang tanong ng kaibigan.
"Ako na ang bahala. Alam ko naman kung ano ang pakay nila sa akin kaya umalis kana!" Tumango-tango si Fawieza sa sinabi ni Javion at sinabing magiingat siya bago tumakbo papaalis sa silid-aklatan.
"Sa tingin ko ay ang sinabi ng mama mo kay Caspian ay totoo. Nakita ko kung paano mo itago ang pakay namin dito. Abot mo nang hindi kana masaktan." Bigla ay may lumitaw sa harapan ni Javion, isang lalaking nakaitim at tanging mata na lamang ang nakikita. May hawak itong sandala.
"Hindi ko ibibigay 'to hangga't hindi mo ako napapabagsak!" hiyaw ni Javion tsaka niya sinugatan ang sariling pulso at ibinuklat ang kaniyang Vivlío. Sa pamamagitan ng kaniyang dugo ay mas lalong naging malakas ang Vivlío niya tsaka gumawa ng sandata rin si Javion tsaka naunang lusubin ang kalaban.
Humanap ng magandang pwesto si Javion upang patuloy lamang na kalabanin ang kaniyang kalaban hanggang sa mapatumba na niya ito, ngunit ang hindi niya alam ay dumadami pa pala ang mga ito, pinagpatuloy niya ang pagkalansing ng kaniyang mga espada sa espada ng kalaban.
Muli ay nag-cast siya ng spell upang gumawa ng iba pang sandata, isang bloody lasso kung tawagin upang ang kaniyang mahika ay mas lalong lumakas sa pamamagitan ng pag-absorb ng enerhiya ng kaniyang kalaban, akmang ihahagis niya ito sa kaniyang kalaban na nasa harapan niya ay hindi na naramdaman ang galaw ng kalaban na nasa likuran niya at inatake siya ito sa likuran.
Napaluhod siya at napabuga ng dugo dahil sa lakas ng pagkakaatake sa kaniya ng kalaban.
Kinuha siya ng kalaban na nasa likod, at sinakal siya gamit ang braso. Kaagad namang nagpumiglas si Javion tsaka gumawa ng paraan upang makawala.
Aatakihin pa sana siya ng isa niya pang kalaban ng biglang naging bula ito kaya napalingon siya kung saan galing iyon, at kung sino ang may gawa ay nakita niya si Fawieza kasama si Caspian.
Akmang gagawa na ng kilos si Caspian din ng mabilis na kaagad na binaliktad ni Javion ang sitwasyon ng kaniyang kalaban at kaniyang binawian ito ng buhay.
"Anong ginagawa mo rito, Caspian?" malumanay na tanong ni Javion sa kaibigan. Hindi niya na ito hinintay na sumagot at muling nagsalita. "Anong sinabi sayo ng nanay ko bago siya umalis?
"Uhm.."
"Ikaw ba ang may gawa nang lahat ng ito?" tanong pa muli ni Javion.
"Ano? Hindi! Bakit pa ako haharap sayo kung kagagawan ko lahat 'to." kaagad na sagot ni Caspian.
Pinagtaasan siya ng tingin ni Javion tsaka dahan-dahang tumayo, "E di kung ganun ay sagutin mo ako ng diretso. Gusto ko ng diretsong sagot dahil wala na akong oras magpaligoy-ligoy."
Huminga naman ng malalim muna si Caspian bago siya muling harapin at sagutin tulad ng gusto ni Javion.
"Ang sabi ng nanay mo sa akin ay magkakaroon ka raw ng mahika na maaaring makakitil ng sarili mong buhay. Nakita ka niya sa panaginip niya, at naniwala siya na baka iyon na ang tanda upang humanap na ng sagot sa lahat ng mga bagay na akala niya tapos na."
"Bakit ka naman kaagad umalis 'nun? At bakit parang ayaw mo kaming kasama?" kunot-noong tanong ni Fawieza kay Caspian.
"Hindi naman sa ayaw kong makasama pero pagkatapos kong marinig 'yun mula sa mismong nanay ni Javion ay hindi na maalis sa isip ko kaya naghanap din ako ng sagot."
"So, iniwan ako ni Mama ko dahil hindi niya ako kayang palakihin? 'Yun pala ay naghahanap siya ng sagot para hindi ako mamatay sa sarili kong magic? Sa mga panahong 'yun.. naniwala akong iniwan niya ako dahil hindi niya ako palakihin." Umigting ang panga ni Javion sa galit at napailing-iling dahil hindi pa rin ito makapaniwala sa kaniyang mga narinig.
"Nahanap niya ang ama mo pero pagkatapos niyang mahanap tunay mong ama ay pinapatay siya nito, at ang ama mo.. siya ang naghahari sa Menagerie." Napatulala si Javion maging si Fawieza at hindi na nga mapigilan pang mapaluhod sa panghihina ni Javion nang marinig pa ang susunod na sasabihin nito.
"Sinamahan ako ng ama ko upang humanap ng sagot at alam niya na ang tatay mo ang may gawa nang lahat ng ito. Ikaw ang dahilan niya kung bakit gusto niyang akuhin lahat ng mga bagay na pumoprotekta sa lugar na'tin dahil iyon ang dahilan at susi para mabuhay ka, pagkatapos ay gusto niyang ikaw mismo ang maghari sa lahat at isunod ang pangalan mo sa lahat ng 'yun."
Nanggigigil at nanlilinsik ang mga mata ni Javion sa galit matapos marinig ang lahat ng iyon. Lumuluha siya dahil sa sakit na nararamdaman tungkol sa nalaman niya sa kaniyang ina. Ang kaniyang mga luha ay hindi ordinaryong luha kundi ay ang dugo niya.
Binuksan niya ulit ang kaniyang Vivlío at hinanap nang hinanap ang isang pahina na alam niyang makakatulong sa kaniya. Nang makita niya ito ay pumikit siya habang patuloy lang na dumadaloy ang dugo sa kaniyang mga mata tsaka dahan-dahang ibinigkas kung ano 'man ang nakasulat sa pahina.
May kung itim na bumalot sa kaniyang katawan at ang kaniyang pulang mata ay mas lalong naging pula.
"Barrera de sangre, protege a mis compañeras."
Matapos niyang sabihin iyon ay lahat ng dugo niya mula sa iba't-ibang parte ng katawan ay lumalabas na sa kaniya.
"Lima.."
Nagumpisa nang magbilang si Javion, habang mabagal siyang nagbibilang ay muli na namang pumatak ang dugo sa kaniyang mata na luha niya. Napahiyaw at napahagulgol si Fawieza nang masaksihan ito lalo na ng magsiangatan na ang dugo ni Javion sa kanilang harapan na nagsisilbing pader.
"Tatlo.."
Napaluhod muli si Javion nang halos lahat ng kaniyang enerhiya sa katawan ay nauubos na dahil sa kaniyang ginagawa, gustuhin 'mang pumikit na at matumba ay hindi niya ito hinayahan, at mas lalo pang ibinigay lahat upang maprotektahan lahat ng kaniyang nasasakupan tsaka matapos na ang kaniyang barrera.
"Isa.." Nang maramdamang natapos na ay pumikit na ito ay hinayahan ang sariling matumba.
AUGURY OF DEATH by Artofthesnner