Every day I like to wait for you to walk infront of my apartment.
I cherish every smile when I see you. You are my living sunshine in my everyday life.
You are like my coffee, my morning is not complete with out having you.
Am I sort of a stalker?
Because every move you make, I want to capture.
When you're happy, sad, sleepy, angry and all the emotion you show everyday, every moment and every second. I want to capture every details.
What are you doing to my system, my sunshine?
Napadako ang tingin ko ng dumaan siyang muli sa tapat ng apartment ko. Para akong timang na nag aabang dito at kunwari na nagdidilig ng halaman. Wala akong hilig sa halaman dati pero naisipan ko din mag tanim ng halaman, para may dahilan ako para makita siya tuwing umaga na hindi niya napapansin. Malala na nga yata ako.
Mataas na ang ibang dahon ng halaman na tanim ko kaya hindi niya ako masyadong pansin.
May kapit siyang mga bulaklak na iba't iba ang kulay at mukhang magagandang klase. Para saan niya kaya gagamitin ang mga 'yun?
Isinasayaw ng hangin ang kanyang mahabang buhok na may pagkakulot sa bandang dulo nakapony ang kalahati nito at kulay brown. Hindi siya kaputian ang kulay ng kaniyang balat ay olive na tulad ng mga australlian.
Maaliwalas ang kaniyang aura. Kay ganda niya talagang pag masdan. Madalas siyang nakasuot ng dress na may bulaklak na disenyo.
Kailan ko kaya mahahawakan ang kaniyang kamay?
Dadating din kaya ang panahon na ibubulong ko sa kaniya ng paulit ulit ang aking pag sinta sa kaniya?
Umikot ikot pa siya sa saya na tila isanasayaw ng hangin. Mukhang masaya siya. Masaya ako para sa kaniya sana din ay dumating ang panahon na ako ang dahilan ng kaniyang mga ngiti. Kamangha mangha siyang nilalang ng Diyos. Hindi ko mapigilan ang pagkabighani sa kaniya.
Nangingiti akong mag isa rito na parang timang at nakadungaw sa kaniyang kagandahan.
Ang gags mo talaga Gab. Para kang hindi lalaki kung kiligin. Gags masama bang kiligin din ang lalaki? Marahan kong kinagat ang ibabang labi ko para pigilan ang nais kumawala na ngiti sa labi ko habang minamasdan siya.
Tumigil siya sa isang tindahan at inabot ang mga bulaklak sa taong nasa loob. Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng pinag abutan niya. Nakangiti siya habang nagkukwento sa taong naroon.
Ano kaya ang pinag kukwentuhan nila. Hanggang tingin nalang talaga ako. Bakit ba kasi ang torpe mo Gab, hanggang papogi at papansin lang ang alam mo. Hindi ka kasi sanay manligaw dahil ikaw ang nililigawan ng babae.
Malala na talaga ako at pinapagalitan ko ang sarili ko.
Umikot siya doon sa gate at pumasok siya sa loob. Sino kaya ang pinupuntahan niya doon? Naku kung dito siya pupunta laging bukas ang gate ko para sa kaniya.
Tss... Nakontento na ako sa nakaw na pag tingin sa kaniya at puriin siya ng paulit ulit sa isipan ko.
Nakangiti ako maghapon habang nag eedit ako ng mga kuha kong litrato. Isa akong freelance photographer. Ito ang palagi kong ginagawa para kumita ng pera. Ako bumubuhay sa sarili ko. Twenty nine na ako hindi pa ako handang lumagay sa tahimik. Kung hindi rin si Hannalyn ang papakasalan ko. Nasa hustong edad na rin naman siya kung guato niya lang naman. Hindi ko naman siya mamadaliin, 26 pa lang naman siya.
Pwede niya munang sulitin ang kaniyang kalayaan bilang isang dalaga.
Isipin ko palang ang kasal, siya na agad ang pumapasok sa isip ko at nagdudulot ng ngiti at kasiyahan sa puso ko. Soon...
Magtatapat na ako sa kaniya ng pag ibig ko. Handa na rin siguro akong magtapat sa kaniya.
Lumipas ang maghapon na puro trabaho ang ginagawa ko. Sana susunod na mga araw hindi lang lilipas ng ganun ang araw ko. Sana lumipas naman na mukha niya ang minamasdan ko habang nasa mga bisig ko siya.
Hindi puro litrato ng iba ang nakikita ko maghapon, kaumay. Pero sa kaniya hindi ako mauumay. Naks.
Hirap kayang kumain mag isa, matulog mag isa, gumising mag isa. Hirap maging single! Tsk. Masyado na ba akong desperado. Hindi naman siguro.
Kinabukasan ay muli akong nagtago sa likod ng mga halaman.
Nakilala ko lang siya dahil sa mga kaibigan ko noong naglaro kami ng basketball. Kapatid siya ng isa sa kalaban naming kupunan.
Pero kaibigan din naman ng mga ka teammate ko. Isang taon na simula noon na naging mag kakilala kami.May pagkamahiyain siya. Kaya noong nakipag kamay ako sa kaniya ay nakayuko siya.
Tumatak sa akin ang mga ngiti niya at ang maganda niyang mga mata.
Madalas lang akong napapatingin sa mga mata niya. Kasi kakaiba ang kulay ng mga ito, Light hazel brown. Kapag titingin ka kasi ay para itong hindi totoo. Aakalain mo na nakasuot siya ng contact lense. At tila may mahika na hindi mo na maibabaling sa iba ang paningin mo.
Patagal ng patagal, kumukorni na ako.
-
na naman at maaga ako sa raw na ito upang masilayan muli ang kaniyang magandang ngiti na sa tagal man ng panahon na lumilipas ay hindi parin nagbabago.
Nabaling ang tingin niya sa akin. What's happening? Is this a sign. Sabi ko magtatapat na ako. Kaso bwisit 'yung mga daga na nagtatakbuhan sa loob ng puso ko. Ang bilis... ng tibok ng puso ko. Lanja!
Unti-unti siyang lumapit sa tapat ng gate kung nasaan ako nakatayo. Bumibilis din lalo ang tibok ng puso ko. Huwag kang lalapit magkaka heart attack yata ako. Parang sa bawat hakbang niya pasikip ng pasikip naman ang daluyan ng hangin sa lalamunan ko. Hindi ako makahinga.
Lalo na nang nagsalita siya. Wala na... End of the world na yata ang pakiramdam ko. Totoo ba 'to nasa harapan ko talaga siya at kinakausap ako?
"Ahm..." Simula ni Hannalyn at parang hindi mahagilap ang sasabihin. Nakayuko habang nagsasalita. Sinong hindi mahuhumaling sakaniya? siya ay kaibig-ibig.
Malala na talaga.
Tapos may inabot sa sakin na sobre na kulay gold at may ribbon na kulay puti.
Nangunot ang noo ko kung ano itong inabot niya sakin. Ako naman si Gags na Gab, feeling ko love letter. Pinilit kong itago 'yung ngiti ko. Kinagat kong ang ibabang labi ko. Para kaming teenager nito. Mamaya ko ito bubuksan.
Ngumiti siya ng bahagya at heto nanaman ang puso ko, nasisira na yata dahil sa nagrarambulan na mga daga.
"Sige, sana maka punta ka," sabi niya sa malambing na boses. Natural lang ba na ganoon ang boses niya?
"Sige, Ingat ka pag uwi." Tanging nasabi ko.
Nang makaalis siya marahas kong naibuga ang hangin na kanina ko pa pala pinipigil. She can take my breathe away.
Nagkukumahog akong pumasok ng bahay. Muntik na akong madapa, natisod ako sa paa ng upuan. Napaka Gags mo talaga Gab.
Para akong bata na niregaluhan ng paborito kong laruan. Nang makaupo ako sa upuan nanginginig ang kamay ko na buksan ang sulat. Nagdadalawang isip pa ako kung bubuksan ko na ba?
Lintik talaga. Ang bilis ng kabog ng puso ko. Para talaga akong timang.
Huminga muna ako ng malalim at marahas kong binuga ito. Baka mabawasan ang bilis ng tibok ng puso ko. Pero ganoon parin talaga.
Hinila ko ang ribbon para matanggal na. Nanginginig ang kamay ko talaga. Dahan dahan kong binuksan.
Kinuha ko ang papel sa loob at ng mabasa ko ay naibagsak ko din ang papel ng wala sa oras.
Lanja...
Bakit ko binasa...
E 'di sana natahimik nalang 'yung puso ko...
Hindi ganito na nararamdam ko ang unti unting pagkabasag at pag pira-piraso...
Bakit...
Iyan lang ang tanong na paulit ulit sa isip ko sa sandaling ito...
Bakit hindi ko sinabi agad noong una palang ang nararamdaman ko...
Sana hindi ganito...
Sana hindi tumutulo ang luha ko sa sandaling ito...
Hindi sana binabasag ng paulit ulit ang puso ko...
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiiyak sa sitwasyon ko...
Pero sana talaga hindi ko nalang binasa...
Kasi sinira na nito ang plano ko...
Ang pangarap ko...
Dahil sa wedding invitation ang natanggap ko...
Imbes na love letter. Pero ang mas malala hindi ako ang groom sa nasabing istorya...
Bakit my sunshine?
Ako dapat 'yung groom. Pangarap ko 'yun.
Kung sinabi ko ba agad sasagutin mo kaya ako?
Nauna mo akong makilala kesa sa kaniya...
Kung sinabi ko kaya, naging tayo kaya?
Sasagutin mo din kaya ako?
Kaso siya pala ang pangarap mo...
Hanggang dito nalang ang laban ko...
Hindi manlang ako nagkaroon ng pagkakataon na mahawakan ang kamay mo...
Maipasyal ka sa mga paborito kong lugar.
Ang kumuha ng litrato kasama ka...
Kumain ng sabay at simulan ang umaga na magkasama tayo...
Sa pagtulog sa gabi na ikaw ang katabi...
Wala na...
Hanggang pangarap nalang talaga...
Hindi ko pa nauumpisahan talo na agad ako...
Hanggang sa pagtanaw nalang sa'yo ang magagawa ko...
Hanggang dito lang talaga ako...
Pero masaya ako na ikaw ang naging dahilan kung paano ko sisimula ang bawat umaga ko na may ngiti sa mga labi...
My Living Sunshine.
Here I am crying. For the last time. Your someone who can't owned you.
-Galaxy Brent Valencia
END.
-MegumiJ29🔥
Â