"Sinabi ko nga po sa inyo! Hindi nga ako ang nagsimula ng gulo!""Sinabi ko nga po sa inyo! Hindi nga ako ang nagsimula ng gulo!"

"Pero alam mo namang mali ang ginagawa mo!"

"Hindi ko naman pwedeng hayaan na lang na bastusin nila ang kaibigan ko!"

"Pero you better keep your mind cool and just report it to your teacher! Ngayon, you are now kick out dahil ubos na ang warning sayo sa school niyo."

"Eh anong gusto niyong gawin ko?! Panoorin na lang ang ginagawa nila sa kaibigan kong babae?!"

Napatahimik na lang si Gng. Madeline G. Mercado dahil sa sinabi ng anak niya. Kanina pa sila nagtatalo mula sa school hanggang dito sa bahay nila. Nasa loob ng kuwarto si Arl (short for Antonio Robert Lawrence) samantalang siya ay nakatayo sa labas ng pintuan ng kuwarto nito. Nasa ikalawang palapag ang kuwarto nito, isa sa tatlong kuwarto rito. Nakasuot siya ng itim na dress na may mga desinyong rosas sa bandang ilalim nito at nakasuot ng kulay gray na 3-inch heels. Naka-ponytail ang kaniyang itim at mahabang buhok. May suot siyang gold plated na hikaw at kuwintas. Katamtaman ang hugis ng kaniyang mga mata at may katangusan ang kaniyang ilong. Dark violet ang inilagay niyang lipstick sa kaniyang labi. Morena siya at perpekto ang kurba ng kaniyang katawan. 38 years old, single mom simula ng sumakabilang buhay ang kaniyang asawa, si G. Jason G. Mercado, 6 na taon na ang nakakalipas. 10 taong gulang pa lang noon si Arl. Kulay light green ang ding-ding ng kanilang bahay. May mga larawan na nakasabit rito at malapit sa hagdan ang kuwarto ni Arl. Nasa kanang bahagi naman ang dalawang kuwarto. Nakadesinyong parang tabla ang kulay kayumangging sahig.

"Mag-usap na lang tayo mamaya." ani ni Gng. Mercado pagkatapos ng ilang minutong katahimikan. Hindi naman sumagot si Arl mula sa kaniyang kuwarto. Bumaba si Madeline mula sa ikalawang palapag at nagtungo sa kusina na nasa gilid lang ng kanilang sala.

Samantala, nakahiga lang sa kama sa loob ng kuwarto si Arl. 16 years old, single but not available, artist, at RoS, CF, Lol, Coc gamer. Suot pa rin niya ang kaniyang uniporme. May konting pasa siya sa mukha at magulo ang kaniyang buhok. Magkahawig sila ng kaniyang ina maliban lang sa ilong niya na katamtaman lang ang tangos nito. Malapit ang kaniyang kama sa bintana. May mga nakasabit na poster ng anime sa ding-ding tulad ng Fairytail, One Piece, Black Clover, Tokyo Ghoul, etc. Nakapuwesto naman sa paanan ng kaniyang higaan ang dalawang sky blue and gray cabinet na lagayan ng kaniyang damit. Nasa gilid nito ang lagayan ng kaniyang mga laruan tulad ng mga toy car collection, teddy bears, at mga action figures ng anime at avengers. Nasa kanang gilid sa bandang ulunan ng kaniyang kama ang isang green studying table at may mga nakalagay na libro at ilang novel tulad ng Harry Potter series. Manaka-naka niyang tinitingnan ang kaniyang hawak na kulay black stitch cover na cellphone hanggang sa makaidlip ito.

##########@##########

7:56 ng gabi, ika-16 ng Oktubre, 2019. Nakaupo sa likod ng van si Arl. Nakasuot siya ng jacket na kulay pula at itim. Nakasuot rin siya ng pulang headphone at nakikinig sa music. Nakatingin lang siya sa labas habang pinagmamasdan ang mga ilaw na nagmumula sa daan, mula man sa poste ng kuryente o sa mga tahanan at establisyemento na kanilang nadaraanan.

"Ok ka lang ba diyan Arl?" tanong ni Gng. Mercado.

Maraang tumango si Arl saka sumagot, "Ayos lang ako dito Ma."

Nakasakay sila ngayon sa van na pagmamayari ng kaniyang tita Maribeth G. Asuncion na siya mismong sumundo sa kanila. May pagkahawig ito sa kaniyang ina maliban lang sa medyo singkit na mata at may kaliitan ang height nito. Maikli ang kaniyang buhok at nakasuot pa ng pink na damit at itim na pantalon. Ka-aalis lang nila sa airport at patungo sila sa Nampisan, Capiz. Ayaw man niyang umalis sa Gabon, Sorsogon, pero wala siyang magagawa dahil nagdesisyon na si Mrs. Mercado na lumipat sila sa probinsiya ng kaniyang ina. Dito na rin niya ipagpapatuloy ang pag-aaral sa Grade 10. Makailang ulit rin na tumatawag sa kaniya habang umiiyak si Cindy, ang kaibigan niya na ipinagtanggol niya sa siraulong anak ng may-ari nang private school na kaniyang pinasukan. Kanina pa rin niya itong pinapataha dahil hindi lang ang pagkakakick-out sa kaniya ang dahilan, kundi dahil rin sa long time crush siya nito. 

Pagkalipas ng halos isang oras, huminto ang van na kanilang sinasakyan sa isang two-storey mansion sa loob ng isang village, ang Tamisah Village, ng Brgy. Marimlan, Nampisan, Capiz. Maganda ang pagkakagawa sa bahay. Ang ding-ding ay may kaaki-akit na desinyo at may mga pine trees na nakatanim sa gilid ng gate. Bumukas ang kulay pulang gate ng mansyon at pumasok rito ang van at saka nag-park. Lumabas na sila Arl sa van at kinuha nila ang kanilang mga dalang bagahe. Inalalayan naman sila ng driver samantalang nagtungo naman ang kaniyang tita Maribeth sa pintuan na pinagbuksan naman ng mga kasambahay nito.

"Bilisan niyo diyan para makapagpahinga na kayo." ani ni Maribeth. "Yaya Nenita, nandiyan na ba si Jhonny?"

"Yes po ma'am. Kadarating niya nga lang po." sagot ng kasambahay.

"Ganun ba, si Bea nandiyan na ba?" muling tanong ni Maribeth.

"Kanina pa po ma'am. Maaga pa po siyang umuwi dahil nagkaroon ng meeting sa school." sagot ni yaya Nenita.

"Halina kayo, medyo nagugutom na rin kasi ako." ani ni Maribeth. "Wala na ba kayong naiwan sa van?"

"Wala na." sagot ni Madeline habang bitbit nito ang magarang kulay violet na bag at hila naman ni Arl ang kaniyang maleta. "Hindi halatang hindi ka nagbago ah." At sabay silang nagtawanan papasok ng mansyon. Hindi naman umimik si Arl habang nakasunod sa kanila.

Nasa loob na ng kuwarto si Arl. Inilagay nalang niya ang kaniyang mga maleta sa gilid ng kama nito. Umupo siya rito at tinanggal niya ang kaniyang headset at ipinatong ito sa mesa sa gilid ng kama. May kalakihan ang mansyon na ito sa kanilang bahay. May dalawang guest room, isa sa kaniya at isa sa kaniyang ina, at tatlong kuwarto sa ikalawang palapag. Dalawang kuwarto sa ibaba para sa mga kasambahay at driver. Tanaw sa kaniyang kuwarto ang swimming pool sa likod ng mansyon. Nagpalit muna siya ng damit bago bumaba para kumain.

Pagdating niya sa hapag-kainan nakita niya ang kaniyang ina at tita na nakaupo na sa mesa, may nakaupo ring lalaki na kasama nila, iyon siguro ang kaniyang tito Jhonny. Kakagupit palang ng kaniyang buhok at maging ang kaniyang balbas. Matangos ang ilong at katamtamang hugis ng asul na mata. May lahing Amerikano ito kaya kung minsan napagkakamalang bakasyonistang foreigner. May nakaupo ring isang magandang babae at nakangiti ito habang nakikinig sa usapan ng kaniyang ina, ang pinsan niyang si Beatrice, Bea for short. Tanging ang singkit na mata lang nito ang namana niya sa kaniyang ina. Pinakulayan niya ng asul ang kaniyang mahabang buhok. Nakita siya ng kaniyang tito.

"Oh Arl, andiyan ka na pala. Halika, samahan mo na kaming kumain dito." imbita ng kaniyang tito Jhonny. Lumingon ang kaniyang ina at tita, ganun rin si Bea sa kaniya. Maraming nakahandang pagkain sa hapag, may tinolang manok, relyenong bangus, mechado, at iba pa. May nakalagay rin na iba't ibang klase ng prutas at may nakahandang pineapple juice. Tumungo siya sa mesa at umupo sa tabi ni Bea. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang kaniyang pinggan. Marami ang napag-usapan ng kaniyang ina at tito't tita. Mga karanasang nakuwento na o hindi pa sa isa't isa. Manakanakang nakikisali si Bea sa usapan pero hindi naman halos umiimik si Arl. Sumasagot lang siya kapag tinatanong.

Pagkatapos ng hapunan, bumalik agad si Arl sa kuwarto niya. Gusto niya munang magpahinga pagkatapos ng mahabang biyahe. Humiga agad siya sa kama at ipinikit ang kaniyang mata. Pinag-usapan kanina ang tungkol sa paaralan na papasukan niya bukas pero balewala lang sa kaniya. Para kasi sa kaniya, kahit ano man yan ang paaralan ay paaralan pa rin at nasa mag-aaral na kung may matutunan siya o wala. Pagkaraan ng ilang sandali ay dinalaw na siya ng antok at tumungo sa kaniyang panaginip.

April 21, 2019(2:30pm)

#PFA #DD #FSF

Mr. Err0rN0tEs Creator

...