" Hindi na ba galit sa akin si Papa?"Pareho lamang silang nanatiling nakatayo at nakatingin sa isa't- isa.
" Napag- utusan lamang ako ng Signor Cuore na sabihin ito sa iyo." Ang sabi ng tagapagsilbi." Kailan man ay hindi ka na palalabasin sa cuartong itatakda sa iyo." " Bakit?" " Dahil mapanganib ang mundo sa labas" " Ngunit palagi kaming naglalaro sa labas ni Oleon" " Ang Signo Oleon ay ipapadala sa Paaralan"Ibinungkos ng bata ang palda sa mga kamao at nagtalim ng titig sa nakakatandang babae. " Galit sa akin ang Papa, hindi ba?" Iniiwas ng tagapagsilbi ang kanyang tingin. Pinigilan niya ang sarili na lumuhod para sa bata dahil baka ipagwalang-bahala nito ang mga salita ng ama.Ang Signor. Wala siya. Ni anumang bakas sa kanya ay tila isang multo sa mga nakaraang araw. Kahit ang tingnan man lang ang mukha ng bata. Grasya na itong maituturing pagkat ano pa kung ito mismo ang makikipanugsap sa batang babaeng ito? Kalupitan. Huminga ng malalim ang tagapagsilbi. Ipinilit ang puting talukbong sa ulo ng munting bata. Sa una ay pananatili, tapos ay paglaban. Sa wakas ay pagsuko.
" Isusuot mo ang talukbong na ito sa lahat ng pagkakataon, " sabi nito. " Utos ng Signor." " Maari ko ba itong alisin bukas?" " Hindi. Hindi, kailanman." " Bakit?"Lumuhod and tagapagsilbi sapagkat nakatakip na ang mukha ng bata." Shh." Inilapat nito ang daliri sa labi ng bata. " May mga bagay na hindi na nararapat pang maintindihan."