NOVEMBER 25, 2018, 1:57 am    


Linggo na ng madaling araw pero heto ako at gising na gising pa rin.    


Narito ako ngayon sa aking silid at nakikinig ng kung ano anong kanta sinabayan pa ito ng kung ano-anong bagay na tumatakbo sa aking isip.    


Napaahon ako sa aking malalim na pag iisip ng mapansin kong tumigil na pala ang kanta na aking pinatutugtog. Natapos ko na palang i-play lahat ng kanta ko sa aking playlist. Gusto ko pa sanang magpatugtog pero ayaw ko naman ng ulitin ang mga kantang napakinggan ko na kanina.    


Kaya naman naisipan ko nalang mag-tweet sa twitter para makahingi ng opinyon na kung anong musika ang magandang pakinggan.    


Criana    


Any music suggestions?    


💬 | 🔁 | ❤️    


Ilang minuto pa lamang ang nakaraan pagkatapos kong i-post ito ay narinig ko agad ang pagtunog ng notification bell ng aking messenger.    


Ramonito    


Saw your tweet.    


Balang Araw by I belong to the zoo.    


Try mong pakinggan yan.    


Criana

 

Thank you, Ramonito!

   


Sa totoo lang ay hindi naman talaga kami malapit nitong si Ramonito, schoolmate lang kami. Nakikita ko lang naman siya sa school dahil bukod sa magkatabi lang ang aming classroom ay kaibigan din siya ng kaibigan ko si Ashley, na sa pagkakaalam ko ay dati ding niligawan nitong si Ramonito.    


Pinakinggan ko na ang kantang sinend niya sa akin. Hmm… Maganda naman, kaso medyo need lang i-filter yung ibang words. Kung siguro ay broken hearted ako ay baka makakarelate ako sa kantang ito.    


Maya maya pa ay habang nakikinig ako ng kanta ay narinig ko ulit na tumunog ang notification bell ng messenger ko.    


Ramonito    


Napakinggan mo na?    


Maganda, hindi ba?    


Criana

 

Hahaha oo nga, maganda yung kanta.

   


Ramonito    


Kaso kailangan lang i-filter yung ibang lyrics dyan.    


Criana

Oo nga eh, sa katunayan ay iyon din ang nasa isip ko habang pinapakinggan ko ito.

Sige na. Good night na Ramonito. Matutulog na ako.

 


Ramonito  


Good night Criana!  


***  


NOVEMBER 26, 2018, 1:15 pm  


Araw nang lunes ngayon at may pasok na. Nasa gate na ako ng school at naglalakad na ako papunta sa classroom ko. Nang makarating ako sa classroom ay nagulat pa ako nang nakita ko na nandoon si Ramonito. Nakaupo siya sa upuan sa may bandang likuran na medyo malapit sa upuan ko. Nang medyo gumalaw siya at napalingon sa may gawi ko ay doon ko lang napansin na kausap niya pala si Ashley na nakaupo sa tabi niya.  


"Uy! Hello Criana! Kamusta ka?" Nakangiting bati agad sa akin ni Ramonito ng makita niya ko. Sa una ay medyo nagulat at nahiya pa ko pero kalaunan ay nginitian ko din siya.  


"Ahh… hello din! Ok lang naman ako. Sige punta na ko sa upuan ko ah." Lalakad na sana ako pabalik sa upuan ng pigilan ako ni Ramonito sa pamamagitan ng paghawak niya sa kaliwang braso ko.  


"Teka lang Criana! Dito ka muna, magkwentuhan muna tayo." Nahihiya man akong makipag usap sa kanya ay wala akong nagawa kundi makipagkwentohan din.  


Habang nagkukwentuhan kami ay napansin ko na nakagaan ko na ng loob si Ramonito. Sa totoo lang ay masaya siyang kausap, masyado siyang kwela at palabiro. Siguro nga ay kung hindi pa dumating ang teacher namin ay hindi kami matitigil sa kwentuhan.  


***  


LUMIPAS ang mga araw ay naging mas malapit kami ni Ramonito sa isa't isa, lagi kaming nagcha- chat at kapag nasa school naman ay lagi kaming nag-uusap tuwing bago magsimula ang klase at tuwing break time.  


Oo, aaminin ko na. Unti-unti ng nahuhulog ang loob ko sa kanya.  


Sino ba namang hindi? Napakasaya niyang kausap. Nakakatuwa yung sense of humor nya. Tapos nakakatuwa din yung nakakausap ko din siya sa mga seryosong bagay.  


Isa pa pala sa napagkasunduan namin ni Ramonito ay ang musika. Mahilig siyang magsend sa akin ng mga voice message habang kumakanta at nagigitara siya. Aaminin ko hindi ganoong kagandahan ang boses niya, pero labis akong natutuwa dahil sa effort niyang magsend sa akin ngayon.  


Hanggang sa…  


December 12, 2018, 10:44 am  


Criana

Ramonito missed your video chat.

Dec 12 at 10:44 am

Call Again

 


Ramonito  


Bakit mo binaba? Sasagutin ko na dapat eh.  


Criana

Hala sorry! Napindot ko lang.

Bakit mo naman sasagutin?

 


Ramonito  


Gusto kitang makausap eh.  


Criana

Huh? Para saan pa? Magkikita rin naman tayo mamaya.

 


Ramonito  


Wala lang, gusto ko eh.  


Teka! Ako na lang ang tatawag sayo.  


Sagutin mo 'ha.  


At gaya nga ng gusto ni Ramonito ay sinagot ko ang tawag niya. Nang sagutin ko ang video call request niya ay nakita ko sya na may hawak na gitara, at nang nakita niya na sinagot ko ay nginitian niya muna ako bago nagtipa ng chords sa gitara.  


🎶Parang tangang kausap ang tala at buwan Naghihintay ng mayro'n sa gitna ng kawalan Natutong lumipad kahit pagod at sugatan Pag-ahon ko sa lupa'y iiwanan lang naman🎶  


Pag-awit ni Ramonito.  


Itutuloy…  

You can check Ramonito's stories here: https://webkomph.com/profile/hammy