Life is so unpredictable in many circumtances. Madalas ginugulat tayo sa mga bagay na akala natin mararanasan pa natin kinabukasan. Papasayahin pa tayo. Naghihintay sa pagkikitang muli. Mga kina sanayan. Mga bagay na pareho niyong ginagawa.



Mga akala na binigo tayo. Alam mo 'yung pakiramdam na pinaasa ka sa mga bagay na hindi mo na pala makikita pang muli. Masakit. Malungkot. Halo halong emosyon ang kumakain sa sistema natin.



May mga bagay na ang hirap intindihin.

Nakahiga ako ngayon sa taas ng bubong namin kung saan madalas kaming tumambay ni Misaki. Ang bestfriend ko.



Meron pa bang tulad mo? San ako makakahanap. O kung gusto ko bang talagang humanap?



Kasi gusto ko 'yung tulad mo na masayahin.

Magsasabi sa akin kung mali na ang ginagawa ko.
Mga bagay na

kasundo kong gawin.

Bibigyan ako ng regalo kahit hindi ko birthday.

Kasama ko sa lungkot at saya ng buhay ko.



  Binuksan ko ang sarili ko sa isang tao ang tiwala ko, mga lugar na pareho naming gustong puntahan. Parang abnormal naman 'tong mga luhang 'to, basta nalang pumapatak nakiki emote sa akin.

Mapagod naman kayo aba.



Tatlong taon na ang nakalipas pero nandito parin 'yung sakit sa puso ko at pangungulila sa'yo

Misaki.

  Wala na akong mapagsabihan na iba.

Marami akong kaibigan, pero iba kasi 'yung bond nating dalawa andaya mo naman kasi bakit ka nang iiwan? Sabi mo pupunta pa tayong Korea, Japan, tsaka lilibutin pa natin ang Pilipinas.

Daya mo naman kasi.
Dito pa lang tayo sa malapit nakaka pasyal eh.
Balik ka na 'di na ako nag tatampo dahil sa pag iwan mo.


Parang kahapon lang noong umalis ka eh.

Aalis ka, pero wala naman balikan ang daya talaga.

Tapos, magpapa picnic ka sa burol mo pa.



Kaasar ka. Kape hindi manlang juice. Lalo kasi akong 'di makatulog kakaisip ko sa'yo.

Alam mo nagtataka ako kung naging mabuting kaibigan kaya ako sa'yo?
Dami kong regrets...


Ano ba 'to letter to my bestfriend? Hindi naman. Daldal lang ng utak ko kapag namimiss kita...

Mga sandaling masaya tayo na magkasama, sandali na gusto kong ulit ulitin.



Masakit sa pakiramdam na akala mo marami pa kayong oras na dalawa. Tapos magigising kang isang araw na ikaw nalang pala...



Ganda ng gabi oh, daming bituin. May shooting star! Teka, gusto kong subukang humiling.

"What if bigyan pa kami ng pagkakataon ng Diyos na magawa namin ang mga hindi namin nagawa ni Misaki. Bigyan pa muli ng isa pang buhay... Gusto pa namin na makapunta sa lugar na gusto naming puntahan. Mga bagay na gusto naming gawin. Mga bagay na gusto naming itry. Sige na Lord, alam kung imposible... Pero baka naman? Sana bigyan niyo pa kami ng pagkakataon. Salamat po." tapos nag mulat ako ng mata at tumingala sa langit.



"Woy, Zeph anong binubulong mo diyan. Tawag ka na ni tita." Agad akong napamulat ng mata. Nanlaki ang mata ko... Totoo ba 'to? Oh Gosh! She's really her.



Agad akong napatayo at niyakap ko siya ng mahigpit. Kasabay ng pagbagsak lalo ng mga luha ko. Hindi ako makapaniwala!



"Misaki! Oh Gosh! Your really her." Sabi ko at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Kasi baka mamaya maglaho siya sa paningin ko eh.

"Langya naman Zeph... D-di ako makahinga. Papatayin mo ba ako?"

Kinalas ko ang pagkaka yakap kay Misaki. Sinampal ko ang sarili ko baka panaginip. Shems, ang sakit naman. So hindi ito panaginip? Hindi ito panaginip!



Kaya napayakap akong muli kay Misaki.


"Anong nangyayri sa'yo? Natanggal na ba ang turnilyo ng utak mo? Alam ko naman na matanggal ng kalas ang iba mong turnilyo eh kaso lalong lumala Zeph, hindi na bagay sa'yo." Kasi naman eh. Hindi talaga panaginip 'to ah? Kasi parang totoo na nandito siya. Nakatulog ba ako ng mahabang oras? O baka panaginip lang nung namatay siya?



Tinignan ko ang paligid, nasa rattan swing ako? Bakit ako nandito sa likod ng bahay namin sa tambayan ko kapag gusto ko mag basa ng libro. Nag kibit balikat nalang ako, baka nga may tama na utak ko. Niyakap ko ulit si Misaki. Gosh parang ayaw ko na siyang pakawalan. Kaso sinabunutan ako, pabiro lang naman. Ibig sabihin naiinis na siya, cute, namiss ko siya.



"Ang creepy mo na Zeph. Naka droga ka ba? Sinasabi kong 'wag kang mag aadik. Isang linggo lang akong wala nagkaka ganiyan kana. Ipapatokhang kita sinasabi ko sa'yo" Napatawa nalang ako sa mga hirit niya. Hanggang sa hindi ko napigilang umiyak. Namiss ko ang mga hirit niya. Isang linggo lang ba siyang nawala? Pakiramdam ko tatlong taon eh.



Ang gulo, bakit parang may nagbago. Baka nasa mental na ako at nabaliw?



"Tita nasisiraan na po yata ng bait si Zeph!" Sigaw ni Misaki sabay takbo sa loob ng bahay. Napangiti nalang ako sa sarili ko. Susulitin ko ang araw na ito baka kasi hindi totoo atleast lahat ng mga regret ko maitatama ko ngayon.



Pumasok ako sa loob ng bahay para sundan si Misaki. Naabutan kong bumubulong si Misaki kay mama, ewan ko kung bulong 'yun kasi rinig ko naman.



"Tita, nagdo-droga ba 'yang si Zeph? Isang linggo lang akong nasa probinsiya bakit ganiyan na 'yan? Hindi na po siya ang bestfriend ko." Pinahiran niya pa ang mata niya, kunwari talaga may luha siya. Kung ako naka droga siya parang takas sa mental. Bagay nga kaming maging mag kaibigan. May mga sapi.



"Ay grabe siya. Namiss lang kita oa mo." Sabi ko sa kaniya.



Namaywang siya sa harapan ko at tinaasan ako ng kilay. "Ay sino kaya ang oa sa atin. Ikaw kaya. May paiyak-iyak epek ka pa diyan kanina tapos niyakap mo kaya ako ng mahigpit. Magsabi ka ng totoo 'san mo dinala ang kaibigan ko?" Tawa ng tawa si mama sa mga kabaliwan namin ni Misaki.



Lumapit ako sa kaniya at inakbayan ko siya. "Mana lang ako sa'yo loka-loka."



Niyaya ko siya sa favorite spot namin, sa bubong. Kumuha muna ako ng panlatag namin at kumot.



Ang lamig ng pang gabing simoy ng hangin. Ang daming bituin sa kalangitan. Humiga kaming pareho at tumingin sa kalangitan.



"Kumusta naman ang bakasyon mo?" Tanong ko sa kaniya. Kahit hindi ko naman naaalalang nag bakasyon siya. Ibang bakasyon ang nasa isip ko 'yung walang balikan.



"Masaya na malungkot wala ka kasi doon. Pero ayos lang dahil nakabalik na ako... Gusto ko kasi kasama kang maglibot. Marami akong naging kaibigan doon, pero iba parin kapag kasama kita. Ikaw kaya ang nag iisa kong bestfriend slash sister ko na ring ituring. Kahit gusto kitang isama hindi pa pwede eh. Pero ngayon sulitin natin ang sandali." Sabi niya na may ngiti sa kaniyang labi. Gusto ko din 'yun.



Meron pa kayang tulad mo
Na merong mga matang katulad sa'yo Sa bawat tingin tila ba nagsasabing
Mananatili hanggang sa huli


Meron pa kayang tulad mo
Na merong mga kamay na tulad sa'yo
Sa tuwing hawak na'y 'di na nangangamba
Kailanma'y hindi na mag-iisa


Pang asar na kapit bahay 'yan bakit biglang nagpapatugtog ng ganiyan... Pumatak ang luha ko... Bakit ba nagpapaiyak 'yang kantana 'yan.


"Oh bakit umiiyak ka nanaman? Hala siya, sinabing 'wag sisinghot ng katol. Iyan ang napapala mo." Sabay ng 'mabait kong bestfriend'.


🎶Pwede ko ba na malaman
Sa'n ba matatagpuan...


Meron pa bang isa pang ikaw
Sa'n hahanapin, sabihin sa akin
Kung meron pa bang isa pang ikaw Ngayon na wala ka na, nagtatanong ang puso
Meron kaya, meron pa bang tulad mo...



"Eh kasi naman nakakaiyak ang pinapatugtog ng kapit bahay." Pagdadahilan ko, paano ba naman kasi sakto pa 'yung kanta sa sitwasyon. Nakakaiyak.



"Mag kwento ka nalang kesa iyak ka ng iyak diyan, para kang sira." Sabi niya. Kaso ano naman ang ikukwento ko? Mga kadramahan ko sa buhay? Mga panahon na nag lalakbay ang isip ko sa mga what ifs, at regretko sa buhay?



Oh kaya na asawa ko na ang baby Ji Chang Wook ko. Pero syempre secret ko lang 'yun baka mainggit siya at agawin niya pa sakin. Lalo na ngayon magkaka anak na kami. Malala ka na self, baka nga nag kadroga ako ng hindi ko alam.



Hindi ako makapili, nagsabi nalang ako ng mga ramdom thing na ginagawa ko at mga natuklasan kong mga bagay.



Minsan pala kapag nag iisa ka dun mo mas lalong makikilala ang sarili mo at marami kang matutunan sa mga pagkakataon na 'yun.



"Ahm... Sa nakalipas na araw nag aral akong tumugtog ukelele at natuto naman ako kayangayon gusto mo tugtugan kita?" Tanong ko sa kaniya. Tumango lang siya bilang pag sang ayon sa akin. Pumasok ulit ako sa maliit na bintana na daanan namin papuntang bubong. Ngayon naman ay pababa ako dito.



Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang ukelele ko. Si MisZeph, from our name. Umupo ako sa tabi niya at pinakita ko ang baby blue color ko na ukelele na may calligraphy, kung titignan ito patayo ay nasa bandang kaliwa ito, MisZeph ang nakasulat. Rainbow color ang kulay.



She was amazed sa ukelele ko at natutuwa siya. Sinubukan niyang i-strum ang ukelele ko.

"Wow ang cute naman!" Sabi niya. Kaya pina kita ko muna kung paano gamitin at i-strum ang ukelele. "Ganda ng tunog. Chill lang. Para tayong nasa beach." May paghanga sa kaniyang boses habang sinasabi 'to. Kaya nga nagustuhan ko din ang pag tugtog nito. Bukod sa napaka cool sa pandinig, madali pang dalhin kahit saan. Tapos apat lang 'yung string madaling i-strum, pati narin ang mga chords ay madaling kabisaduhin. But at the same time it makes you feel the emotion out of the beat.



"Ano ang gusto mong tugtugin ko?" Tanong ko sa kaniya habang ini-strum ang string ni MisZeph.

"Ahm... Ano nga ba? KLWKN nalang ng music hero. Bet ne bet ko ang song na 'yun. I feel like the man of may dream singing that song for me" sabay kaming natawa kasi pareho lang kaya kaming walang boyfriend. Mana talaga sa'kin 'tong si Misaki, mahilig mag imagine.



I played the intro, tapos sa simula ay kinanta niya na. Ganda talaga ng boses niya. Sobrang sweet na sakto sa lamig ng simoy ng hangin at tamang tama sa tahimik at madilim na paligid. Para kang hinihele. Samantalang ako, hindi ko alam kung saang kalawakan ba kinuha 'yung voice ko. Nanggagaling yata sa ilalim ng lupa eh.



🎶O kay sarap sa ilalim kalawakan
Tuwing kapiling kang tumitig sa kawalan...
Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan

Nating dalawa

Nating dalawa...

Habang kumakanta siya napatingin din ako sa kalawakan.  How does it feel kaya kung nandoon kami sa kalawakan, nakakalipad katulad nila Peter Pan. Tapos iikutin namin ang buong kalawakan. Sarap i-experience. Nang walang iniisip na kahit ano. Susulitin bawat sandali. Pupuntahan ang mga lugar na gusto namin na walang makakapigil...



Tanaw pa rin kita, sinta
Kay layo ma'y nagniningning, mistula kang tala
Sa tuwing nakakasama ka

Lumiliwanag ang daan sa kislap ng 'yong mga mata
Pag ikaw ang kasabay, puso'y napapalagay
Gabi'y tumatamis tuwing hawak ko ang 'yong kamay...


Sinabayan ko siya kahit pangit boses ko.


🎶O kay sarap sa ilalim kalawakan
Tuwing kapiling kang tumitig sa kawalan...

Saksi ang buwan at bituin sa pagmamahalan
Nating dalawa

Nating dalawa...

Kumanta kami hanggang sa natapos namin. Sarap lang damhin noong kanta. Lalo na boses ni Misaki para akong pinapatulog.



Magdamag kaming gising, nag slept over siya sa'min. Lagi naman kaming ganito. Minsan ako ang natutulog sa kanila.



Nanood kami ng mga kdrama, japanese movie at mga anime. Talagang hindi kami natulog hanggang umaga. Para kaming mga sira, umiiyak kami kapag may nakakaiyak na scene, tapos tatawa na parang sira at kikiligin sa mga scene.


Tapos kina umagahan naman nagpaalam kami kay mama na mamasyal kami. Nagdala kami ng ilang gamit at mga pagkain. Pareho kaming may bag pack na dalawa. Sa kabilang bahay lang naman ang bahay nila.



Namasyal kami gamit ang mga bike namin, nagpaunahan kami hanggang sa makarating kami sa tabi ng dagat. Naglatag kami ng dala naming panlatag tsaka namin nilagay ang mga bag namin.



Walang gaanong tao sa parteng ito. May mga malalaking bato sa bawat paligid ng dagat. Malinis ang tubig dito. Kita ang nasa ilalim. May maliliit na isda sa mga gilid ng bato kung saan mababaw lang ang tubig.

Nag unahan na kami sa pag takbo doon sa medyo malaking bato kung saan pwedeng tumalon at mag dive. Bago kami tumalon ay nag unat muna kami ng aming katawan at mga paa para hindi kami pulikatin.



Nakasuot lang kami pareho ng short at sando, kulay royal blue ang sakin at sa kaniya naman ay violet.

"Ano ready ka na?"tanong ko sa kaniya. Tumango siya bilang sagot.



Bumuwelo muna kami bago tumalon at nagdive sa ilalim ng tubig. Hindi ganoon kalamig ang tubig, maligamgam ang ilalim. Woah. Nakaka sabik lumangoy. Sumisid kami sa may kalimang parte at tinignan namin ang ibang mga isdang naroroon. Malaya silang lumalangoy na kasama ng iba pang mga isda.


Feeling ko mga isda din kami na nakawala sa aquarium at pinakawalan sa malawak na karagatan. Para libutin at damhin at libutin ang bawat sulok ng karagatan. Para pakawalan ang mga lungkot na aming pasan, mga problema na aming dinaranas. Kalimutan ang bawat masasalimuot na pangyayari at gawin ang mga bagay na magpapasaya sa amin. Lumagoy kasama ng iba pang mga isda.



Umahon kami saglit ng makaramdam kami ng pagod. Bumalik kami sa pinag iwanan ng gamit namin para kumain. Baon namin na chicken sandwich at milo namin na nasa mini thermos na baunan.



Kulay light blue na may drawing na stitch sakin sa kaniya naman ay violet na may drawing naman na stitch din. Stitch lover kami pareho kaso siya nga lang mahilig sa violet na kulay. Kaya nahirapan kami maghanap ng sa kaniya. Kaya nag pa personalize printing nalang siya.



"Nakaka miss 'yung ganito," sabi niya habang nginunguya ang sandwich niya at uminom ng milo.


"Oo" pag sang ayon ko at kinain ko na din 'yung pagkain ko. Naglabas narin ako ng ilang kutkutin.


"Maging masaya ka at maging malaya ka sa lungkot. Huwag mong hahayaang mag wagi ang lungkot sa puso mo. At ang mga bagay na nagpapa bagabag sa'yo; tulad ng mga regrets." Seryosong ani niya habang nakatingin sa karagatan na tila tinatawid ang kabilang ibayo nito at dito kinukuha ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig, malawak. Malalim, tulad ng ilalim ng karagatan. Parang hindi ko halos maintindihan kong saan siya nanggaling.



"Uh... Bakit mo nasabi 'yan. Masaya kaya ako..." Hindi kumbinsido kong tama ba ang isinagot ko kasi parang hindi talaga ito ang nararamdaman ko.



"Masaya, oo masaya ka. Pero hindi lubusan dahil may regrets ka pa diyan sa puso mo. Kahit na anong regrets mo diyan, may mga bagay talagang dapat mangyari para mabuksan ang isip natin sa mga bagay na hindi pa natin alam. Sinusubok tayo, hindi para sumuko. Kundi para tumatag tayo at makarating tayo hanggang dulo."



Tila may bumara sa lalamunan ko at maging dahilan para mahirapan akong lumunok. Nagbabadya din ang luha sa mga mata ko na konti pa ay papatak na.

Nagpatuloy siya sa pag sasalita o pangangaral yata sa akin.

"Alam mo mabigat kapag may kinikimkim ka diyan sa puso mo. Kesyo dahil sa hatred 'yan, inggit, selos o regret man 'yan. Hindi mo mararanasan ang kapayapaan sa puso mo. Let it go, the things you can't control. Regrets, make you regret more. Lalo na kapag nasayang ang mga oras mo kakamukmok sa isang sulok at kakaisip mo sa mga regrets mo sa buhay. Kasi no matter what it is, all your regrets is in the past na. Bakit hindi mo simulang baguhin ang mga mali mo noon o kaya gumawa ka ng mabuti ngayon. Ikaw. Ikaw lang din ang makaka tulong sa sarili mong gumaling... Dahil sa regret mo, marami ang nag sa-suffer. Lalo na si Mama Zenny ang mama mo. Nahihirapan siya lalo na kapag nakikita ka niyang ganiyan," tumulo ang luha ko wala akong masabi. Lahat ng sinabi niya tumagos sa akin. Yes, I'm leaving on my regrets from almost 3 years na.



Ang hirap naman kasing mag move on. Lalo na kung alam mong hindi kana makaka bawi ng pag kukulang sa taong 'yun. Tapos, hindi mo pa natutupad 'yung pangako mo. Pati narin 'tung mga plano na dapat ay gagawin niyo pa. Saklap lang kasi, madaling sabihing mag move on. Pero kasi nandito parin sa puso ko 'yung lungkot at pag asam sa SANA...



"I don't know what to say, but at the same time gusto ko din naman sabihin. Ang bigat na kasi sa dibdib." Bumuntong hininga ako baka sakaling mabawasan ang bigat sa dibdib ko pero lalo yatang lumala.



"Go on Zeph. Kahit na anong iwas mo, kailangan mong sabihin para gumaan ang pakiramdam mo. Hindi gagaan ang loob mo kapag hindi mo ito binahagi sa iba. Let it go and let God control the situation. He knows everything. He knew you for who you are, every inch of you. Believe and it shall be given to you... Pray and make Him do his way. Sa pag gising mong muli, wala na ang sakit ng kahapon. Mananatili ako sa puso mo, sa memorya mo. Pero sana tanggapin mo na wala na ako..." Mahabang pahayag niya. Dumaloy ang luha ko, hindi ko na mapigilan ang emosyon dahil sa sinasabi niya. Bakit niya ba sinasabi sa'kin 'to. Aalis ba siya ulit? Ayoko... Hindi ko pa kaya.



Hinili niya ako patayo papunta sa  malaking bato na tinalunan namin kanina. "Zeph, shout all your pain. Hindi man ito maalis, atleast mabawas man lang 'yung bigat sa dibdib mo na pilit mong kinukubli for almost a year na naging dahilan ng isang bagay sa'yo. Don't dwell in the past. Make your past a living well. Supply ng pagmamahal, pang unawa at motivation mo para huwag sumuko sa buhay.  Go shout all your regrets, pain, longing and all that makes your heart heavy." Nakangiti siya habang nakatingin ng deretso sa mga mata ko. Pinunasan ko ang mga luhang naglandas at tumango ako sa kaniya bilang pag sang ayon.



Humarap ako sa karagatan. Huminga ng malalim at dinama ang bawat nasa paligid. Pumikit muna ako para pakalmahin ang sarili ko. Mga huni ng ibon na malayang lumilipad. Malayang alon na humahapas sa mga malalaking bato. Malayang hangin na sumisimoy sa paligid. At ang tibok ng puso ko na gusto ng bumalik sa dati, gusto na ding lumaya sa sakit ng kahapon na dulot ng masalimuot na panahon...



Nagmulat ako ng mga mata at handa ng pakawalang ang mga nag papabigat sa puso ko. Tumingin ako sa kalangitan. From this day. I Zephanaia giving all my burden to you, all the thing that make me live in the past. Now, I want to live freely in my present to make my beautiful and stronger future. Before I am selfish but now I want to be selfless to wholeheartedly accept the things I can't accept before.



I shout all my pain, anxieties, depression, all that things that made me cry for the past year. All my regrets, stoping me to do what I needed to do.



"God! If you hear me. Please... Please take away all my pain, my regrets, my anxieties all that makes me cry. Help me to be strong enough to fight for my life more... To love all the people who always there for me. Na palaging binabalewala dahil puro 'yung pain and sorrow ko lang ang nakikita ko. Pero hindi ko nakikita ang lungkot sa mga mata ni mama at ni papa tuwing malungkot ako. Sorry for all my fault, please forgive me to forgive myself freely. I know I am a sinner, please give me another chance... I want to be a better person for the people who see me in my cloudy moment. Gusto ko ng palayain ang lungkot at pangungulila na bumabalot sa puso ko..." I can't control my emotion now, my tears are continually flow from my eyes. I pour out all my pain, sorrow, regrets all that makes me weak, makes me cry everyday...



Napaluhod ako habang umiiyak. Misaki hug me so tight to make me feel that she's here no matter what.

"Zeph, I love you. Thank you for making me feel that I'm so special. Treating me like your true sister. Thank you for all you've done for me from the past year. Go live your life without regrets. Believe more in God. If you feel sad, talk to Him. He will answer you. No matter what ot is. Talk to Him. He can be your friend, you can talk every time you need Him. Your brother, you can lean on and a Father who understand you sa lahat ng bagay. Now, live your life. You have a mission kaya hindi ka pa niya kinukuha. I'm done with mine so, gawin mo din 'yung sa'yo..."



Pagkasabi niya noon biglang nagbago ang paligid ko. Luminga ako sa paligid... Wala akong makita.

Hanggang sa napadilat ako at habol ko ang hininga ko. Napatingin ako sa paligid puro puti ang nakikita ko. May mga machine at oxygen tank sa unahan ng hinihigaan ko. Pagtingin ko sa katawan ko ay nakasuot ako ng kulay puti. Napatingin ako sa pinto ng biglang bumukas ito.

Sumalubong ang nanlalaking mata ni mama at tumakbo at marahang yumakap sa akin ganun din si papa.



"Oh God! I can't believe this... After so many years, gising ka na din sa wakas. Anak." Sabi ni mama habang hinahaplos ang buhok ko. Tapos kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at kinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. Tinitignan ang bawat parte ng mukha ko. Bakas sa kaniyang mga mata ang pangungulila, pagmamahal at hindi maka paniwalang emosyon. Na nasasalamin ko din sa mga mata ni papa. Masaganang luha ang naglalandas sa kanilang mga mata. Naguguluhan man ako sa nangyayari ngumiti ako ng bahagya kay mama at papa.



"Anak... Salamat sa Diyos buhay ka. Matagal ka namin hinintay ng mama mo. Buti gumising ka na. Salamat sa Diyos." Sambit ni papa at lumabas muna para tawagin ang doctor at nurse. Hindi ko matandaan kong ano ba ang nangyari sa akin bago ako napunta dito sa hospital.



Pumasok ang doctor at ilang nurse para tignan ang vital sign ko. Nang masiguro na ayos na ako ay nag rekomenda nalang ng mga dapat ipain at ipainom sa akin dahil maninibago pa raw ang katawan ko sa tagal kong comatose.



Nang makalabas na ang mga doctor ay ngumiti si mama habang hawak ang kamay ko.

"Zeph, kumusta ang pakiramdam mo anak, gusto mo na bang kumain?" Tanong niya. Tumango lang ako bilang pag sang ayon dahil nanunuyo pa ang lalamunan ko.



Pero pinilit kong magsalita para humingi ng tubig. "Ma... Gusto ko pong uminom ng tubig," sabi ko sa medyo mahina at nanginginig pa na boses.

Kumuha siya ng mineral at nilagyan niya ng kaunting mainit para maging maligamgam tulad ng palagi kong gusto. Lumapit siya sa akin itinaas niya ng bahagya ang higaan ko, para kahit papaano ay nakaupo ako. Inalalayan niya akong uminom ng tubig. Halos napangalahati ko ang tubig. Tapos  kumuha siya ng pagkain, sinubuan niya ako ng lugaw. Namiss ko si mama. Naninibago man ako sa mga nangyayari, nakaramdam naman ako ng kakaibang saya sa puso ko. Magaan na pakiramdam, masayang pakiramdam na kahit wala nagpapatawa ay pakiramdam ko ang saya ko.



Si papa naman ay nakatayo sa may tapat ng pinto at may kausap sa cellphone. Siguro para ibalita sa iba na gising na ako.

"Ma ano po ba ang nangyari sa akin? Hindi ko po kasi maalala" Tanong ko kay mama pag katapos kong kumain.



Tumanaw siya sa may bintana para alalahanin ang nangyari. "May tumawag sa amin na staff ng hospital, sinabi na naaksidente ka... Agad kaming pununta ng papa mo dito kahit na busy kami noon Anak... Hindi ko alam... Sorry... Anak... Hindi manlang kita na  kumusta o kinulit manlang tuwing sinasabi mong okay ka lang... Pero deep inside pala kinikimkim mo lang 'yung sakit at pangungulila sa kaniya. Palagi ka raw malungkot sabi ng mga kaklase mo, tulala ka daw palagi sa klase..." Napatakip si mama ng mukha at humagulgol... Hindi ko alam na ganito ang nararamdaman ni mama... Niyakap ko siya sa balikat ko.



"Okay lang 'yun ma, kasalanan ko din naman. Hindi ko sinabi sa inyo. Wala dapat sisihin dito ma. Nangyari na ma. Let's move forward." Sabi ko, pero parang wala siyang narinig kaya hinayaan ko nalang siyang mag salita at ilabas ang saloobin niya para gumaan 'yung nararamdaman niya.



"Tapos... Tapos... Nakita kitang walang malay sa E.R. anak parang dinudurog ang puso ko, namin papa mo..."halos hindi na siya makapag salita ng maayos dahil sa kakaiyak kaya hinagod ko ang likod niya at inabot ang tubig na nasa side table. At pinainom ko sa kaniya. Nagpatuloy ulit siya ng matapos uminom. " Wala kang malay... Parang gumuho ang mundo ko noon, hindi ako makakilos at hindi ko alam ang gagawin noon... Namumutla ka anak. Puro dugo ang katawan mo, akala ko ay mawawala kana sa amin... Sinabi ng doctor na okay kana pero malala ang epekto sa'yo ng aksidente at nag cause nag pagkaka comatose mo... Araw araw kaming nanalangin na sana isang araw gumising kang muli at makasama pa namin. Salamat sa Diyos napawi niya ang lungkot at mga pangungulila namin sa'yo sa nagdaang mga taon. Dininig niya ang panalangin namin na muli kang magising...muntik na kaming sumuko noon, pero naniniwala kami na gagawa ng paraan ang Diyos..." Walang tigil parin siya sa pag iyak.



"Sshh... Ma tahan na. Andito na po ulit ako. Salamat sa Diyos..."malambing kong sambit kay mama. Kalaunan naman ay tumahan na siya. Pumasok si papa galing sa labas at may kasama siyang batang maliit na lalaki siguro ay nasa lima o anim na taon na, buti at pwede ang bata dito. Dahil private naman siguro itong kwarto ko.



Sa una ay nahihiyang lumapit ang bata pero kinumbinsi lang ni papa. Kaya lumapit din siya at humalik sa pisngi ni mama. Sino kaya itong bata na cute na ito.



"Hello po ate,"sabi niya at kumaway sa akin na may cute na ngiti sa kaniyang labi. Agad akong napatingin kay mama.



"Zeph, ito nga pala si Zion. Kapatid mo. Bago ka na aksidente, hindi ko alam na dalawang buwan na pala akong buntis noon. Muntik na akong makununan, pero salamat sa Diyos at matatag 'tong kapatid mo." Nakangiting wika ni mama sa akin. Napangiti din ako sa kaniya at napatingin kay Zion, ang cute naman. Akala ko hindi na ako magkakaroon ng kapatid. Kaya pala medyo hawig ni mama si Zion.



"Hello Zion, yakap mo naman si ate." Tinulungan siya ni mama na umakyat sa gilid ng kama ko at umupo. Nagyakapan kami ng bahagya. Naglanda ang luha ko, hindi dahil sa lungkot kundi sa nag uumapaw na kasiyahan sa puso ko.



Nagkwentuhan kami ni Zion ng kung anu-ano. Nakakatuwa siyang bata, sa edad niya ay marami na siyang alam. Anim na taon na pala siya. Naikwento niya ang tungkol sa school niya. Grade one na siya at Marami daw siyang kalaro sa school. Madami siyang kwento hanggang sa nakatulog siya sa tabi ko at nakayakap sa akin.



"Alam mo ba tuwing nandito kami ng kapatid mo, nahbabasa siya palagi ng mga book niya. Sabi niya para daw hindi ka malungkot. At palagi niyang gustong pumunta dito dahil baka wala kang kasama at malungkot ka, para gumising ka na. Sabik siya palagi na makausap ka, palagi kitang kinikwento sa kaniya. Alam mo ba Anak, palagi siyang nasa kwarto mo sa bahay. Inaayos niya ang kwarto mo, sabi niya malapit ka na daw umuwi. Kagaya kahapo , inayos niya nilagyan niya ng maliit na flower base ang kwarto mo at nilagyan ng asul na bulaklak kasi paborito mo daw 'yun. Nakakatuwa ang kapatid."



Kahit hindi niya pa ako nakikilala sabik siya. Nakaka tuwa naman. Sabik na rin akong makipaglaro sa kaniya. Matagal kong ninais na magkaroon ng kapatid. Maiispoiled sa'kin 'tong batang 'to panigurado.



Ilang araw muna akong minonitor ng doctor bago ako pinayagan ng umuwi ng masigurado na nilang stable na ang kalagayan ko at malakas na ako. Sabik na rin sina mama na umuwi ako.

Pagdating ko sa bahay sa kwarto agad ako dumiretso. Nakita ko na maayos at malinis ang mga gamit ko. Nasa tamang lagayan parin ang mga gamit ko. Ang nakaagaw ng atensyon ko ay ang flower vase na maliit na nasa side table. May nakalagay na asul na bulaklak. May nakadikit na note sa vase kaya lumapit ako para basahin ang nakalagay.



Ate welcome home i love you From Zion



Ito ang nakalagay hindi pa gaanong maayos ang sulat niya pero mababasa naman. Ang sweet naman niya.



Bumaba ulit ako para hanapin si Zion. Nakita ko siya sa may hardin naglalaro kasama ng isang cute na aso. Nakikipag habulan siya dito.

"Zion" pagtawag ko sa kaniya agad siyang napatingin sa dereksyon ko at excited na tumakbo papunta sa'kin.



"Ate..." Umiiyak siya at niyakap niya ako. Natawa ako sa kaniya.



"Sshh. Bakit ka ba umiiyak, hindi ka ba masaya na nakauwi na si ate?" Umiling siya at ngumiyi sa akin.



"Masaya po ako ate, dito ka na titira at hindi na sa hospital. Lagi kang nandoon. Hindi naman po maganda doon. Tapos po lagi ka lang nag sleep. Salamat kay Jesus, ginising ka na niya."



"Oo Zion, dito na ulit titira si ate. Lagi tayong mag piplay. Tsaka salamat pala sa sulat mo. Masaya si ate pati sa flowers. Favorite color ko 'yun. Saan mo kinukuha 'yung flowers na nilalagay mo doon?" Nakangiti ako kay Zion at niyaya ko siyang umupo sa rattan swing namin. At ako naman ay sa kalapit na upuan, siya ang umupo sa rattan swing.



Dumating sina mama galing sa kusina may mga dala silang pagkain at nilapag sa lamesa. Dito kami ngayon kakain sa labas. Maginhawa ang simoy ng hangin... I miss everything in this house. The memory of her still in my head but she said I need to move on. From this day I will move forward and leaving my past behind not to forget but to be motivated in the future...



My home...


My family...


My life..


Thanks God.


For the second chance of life...


No more regrets...


Hindi na ako hahanap pa ng katulad ni Misaki, dahil iba siya. Wala ng katulad niya... She's morethan enough. See you again bestfriend/sister...



This is me Zephanaia willing to take my mission....

The End...

MegumiJ29 Creator