Nasa isang silid ngayon si Marvin habang naka tingin sa mga bitwin. Tahimik siyang nagmu-muni-muni dahil iniisip nya ang nakita nya kaninasa recollection.
***
Tumatakbo ang ate nya papa balik sa kanilang bahay ng biglang hilain s’ya ng isang lalaki at eto si Efer. Nagulat ang dalaga at naghanda para sa kanyang depensa. Hindi nya pa kilala si efer nuon at parang kaduda duda ito sa kanya.
“Sygnomi, p-paumanhin binibini ngunit hindi ligtas sa iyong pupuntahan.” Nakataas ang kamay nito habang nagsasalita, senyales na wala s’yang gagawing masama.
Nainis naman ang dalaga at nagpatuloy sa pagtakbo. Wala s’yang oras para kausapin ang wirdong lalaking ito dahil nasa peligro ang buhay ng kanyang mga magulang.
PARALYZE
Biglang hindi magalaw ni Aby ang kanyang katawan at dahil dito ay nadapa s’ya at nag pagulong-gulong. Maya-maya pa ay dumating ang lalaking nakausap nya kanina. Tagaktak ang pawis nito at hingal na hingal dahil sa pag-habol nya sa dalaga.
“Haahhh… haahhh haahhh…. Bi… hhahaa… ni.. binibini, Paumanhin po ngunit delikado po duon. Baka mapano ka.” Hingal na hingal na sabi ng lalaking kalbo.
“Pakawalannn mo kooooo… wizard ka diba? Diba marami kayong alam? Diba mga matatalino kayo? Pero bakit di mo maintindihan kung bat gusto kong tumuloy” Sunod-sunod at puno ng galit na tanong ng dalaga.
Tama ang dalaga alam ng isang wizard ang nang yayari sa paligid nya, ni isang dahon na nalaglag sa puno ay nakikita ng mga mapagmasid nilangmga mata. Ngunit sa kasamaang palad sa mga ganitong pagkakataon ay hanggang tanaw lamang ang kanilang nagagawa sapagkat hindi sanay ang kanilang katawan sa pakikipaglaban.
Alam ito ni Efer higit sa dalaga, ngunit alam din nya ang kalalagyan nito kung hahayaan nya lang itong pumunta sa lugar na iyon. Likas na mababangis ang mga minotour at malakas ang kanilang libido. Kung ikaw ay isang magandang babae ay hindi mo gugustuhing mapadaan kahit sa gilid ng kanilang mga mata.
Hindi alam ni Efer na mga magulang pala ng dalaga ang inaatake ng dalawang halimaw sa hindi kalayuan. Sa toto ay napadaan lamang s’ya sa lugar na ito at hindi nya ito teritoryo. Ang kanya lamang nais ay iligtas ang dalagang ito. Dahil wala na s’yang mgagawa para sa dalawang taong nasa loob ng bahay.
Sasagutin na sana nya ang dalaga ng bigla na naman itong nagsalita.
“Hyaaaaaaa…. Sino ka ha? Sino ka ba para pakealaman ako? Ililigtas ko ang mga magulang ko kahit na ikamatay koo…. Hyaaaaaaaaaaa” Sigaw ng ngayon ay galit nag alit ng dalaga.
Nabasag nya ang spell at saka sinuntok sa mukha ang binata sabay tamakbo. Ngunit bago s’ya tumakbo ay tiningnan nya muna ang binata saka nagsalita.
“Pasensya na, mabuti kang nilalang ngunit kailangan kong gawin to.” Matapos nya itong sabihin ay tumakbo na s’ya pero may dinugtong pa ito.
“Hoy kalbo! Kung gusto mo kong iligtas hanapin mo ko”
Tulalang nakaupo habang nakahawak sa kanyang mukha si Efer. Iniisip nya ang mga sinabi ng dalaga. Siya ang pinuno ng mga Plirofories. At lahat ng nangyayari sa mundo alam nila. Pero kahit kailan di pa s’ya nakaka rinig o nakakakita ng ganitong klaseng pangyayari. Isang taong nakawala sa paraliyze. Isang dalagang kahit nasa bingit na ng kamatayan ngunit nakangiti parin.
At dahil isa siyang wizard at higit sa lahat s’ya ay isa ding Plirofories, kating-kati s’ya kung anong meron sa dalagang ito. Dali dali siyang tumayo at nag cast ng mga spell
BIRDS” EYE
SEARCH
PROTECTION
***
Patuloy sa pagtakbo si Aby papunta sa kanilang bahay. Malayo palang s’ya ay rinig na nya ang sigaw ng kanyang ina. Para itong naghahabol ng hininga at hirap na hirap na. Binilisan nya ang kanyang pagtakbo dahil baka may mas malala pang nangyari sa kanyang mga magulang.
Maya maya lang ay nakapasok na siya sa likod bahay. (Dito din sila dumaan ni Marvin nung sila ay tumakas.) Pag pasok nya ay naghanap agad siya ng kahit anong matulis na bagay para meron man lang s’yang pang sak-sak. Pupunta na sana s’ya sa salas ng biglang may gumulong sa kanyang paanan.
Ulo ito. Ulo ng pinaka mahalagang lalaki sa kanyang buhay.
Parang binuhusan ng malamig na tubig ang dalaga ng makita ang ulo ng kanyang ama na nasa kanyang paanan. Nagdilim ang kanyang paningin at sinugod ang mga Minotour.
Pag-pasok nya sa sala ay tumambad sa kanya ang dalawang minotour na may tig-isang katawan. Ang isa ay sa kanyang ina na kahit naka dilat ay parang walang malay. Ang isa naman ay ang katawan ng kanyang amang wala ng ulo.
“Uy may isa pa. Tiba-tiba tayo ngayon ahhh” Sabi ng Minotour na may buhat sa kanyang ina.
Di na naka tiis si Aby at sinugod Angmay hawak sa kanyang ina. Diretso lang nyang sinugod ang halimaw. Walang karanasan sa pakikipaglaban ang dalaga kaya madali lang para sa halimaw ang atakihin ang katulad nya.
Sinipa sya nito at tumama sa dingding ang kanyang ulo na dahilan ng pagkawala ng kanyang malay.
BIND
***
“Nasan naba ang binibining yaon. Lubos akong nababagabag sa huli niyang mga salita. Pano pa ako makakatulog ng mahimbing sa gabi kung hahayaan ko lamang sya.” Mabilis ngayon ang takbo ni Efer Dahil nilagyan nya ng buff spell ang kanyang sarili. Isang tao palang ang nakakagawa nito at hindi nya inaasahan na sa ganitong paraan nya pa masusubok ang pamamaraang ito.
Mabilis syang pumasok sa isang bahay at duon nakita nya ang dalagang naka handusay at akmang dadakutin ng isang minotour.
Agad syang nag cast ng bind spell sa Minotaur upang di ito makagalaw. Na wala sa balance ang halimaw at napatumba na siya namang ikinahulog ng babaeng nakapatong sa kanyang balikat kanina.
Agad namang pumunta sa harap ni Aby ang binata upang protektahan sya. Itinutok nya sa Minotour ang kanyang bakal na staff. Wala ding karanasan si Efer saa pakikipaglaban pero wala na syang magagawa dahil nandito na sya.
Kapansin-pansin ang panginginig sa tuhod ng minotaur na nasaharap nya ngayon.
“Isa kang wi-wizard… Kayo…kayo ang puumatay sa pinuno….” Takot na takot na turan ng halimaw na sya namang ipinagtaka ni Efer.
Tumakbo ang halimaw na ito daladala ang isang katawan at sinundan naman ito ng kanyang kasamahan na nakawala na sa mahinang bind. Mabuti nalang ay napagkamalan siyang ibang tao kung hindi ay baka nadurog din sya.
***
Duon natapos ang RECOLECTION
Gabi na ng matapos sila ni Efer, Hindi na nagsalita ang binata at lutang na naglakad ni hindi nya nga namalayan na haawak-hawak nya ang kamay ng kanyang ate habang naglalakad. Ginabayan sya nito sa kanyang magiging tutulugan.
Naka tutok ngayon ang binata sa langit at paulit ulit na sinisisi ang kanyang sarili.
“Pinapangako ko ate magiging ayos din ang lahat.”