Umpisa:

 

      "Angels, may mission kayo. This is the last mission na ibibigay ko sainyo. Then after this you can choose what ever you want to do in you life. I know the feeling na you chained in something, but you wanted to feel the freedom at your age." Sabi ni Lord Korumples. Habang inaayos niya ang kaniyang salamin sa mata.

 

"Okay lang naman iyon sa akin Lord Korum. Masaya po ako dito," sagot ni Maine Lee, habang pinag didikit ang dalawa niyang hintuturo at naka pout ang kaniyang labi. Hindi niya magawang tumingin ng deretso kay Lord Korumples dahil nahihiya siya. Lalo na nga at humahanga siya dito. Not romatically but in terms of his ability, his wisdom and also because of how he move majestically.

 

"That's not the point this time. I just want you to experience on how to enjoy life without any threatening mission. Just an ordinary lady who find the love of their life. Enjoying the beach while playing volleyball. Enjoying everyday without any danger ahead of you, Angels. All of you were special to me, I really care about the three of you." Kalmadong paliwanag nito sa tatlong agent na malapit na sa kaniya. Nakangiti siyang bumaling sa bawat isang nasa harapan niya. Ngayon ay nasa head quaters sila at nag meeting sa bagong mission at huli na din.

 

Hindi mapigilan ni Zaika ang pagdaloy ng kaniyang luha. Mababaw lang talaga ang luha niya pagdating sa mga ganitong bagay.

 

Samantalang si MegumiJ Inaayos niya ang kaniyang pamaypay. Naramdaman niyang namasa ang kaniyang pisngi, kahit siya ay hindi niya mapigilan ang kaniyang luha. Sa tagal ng kanilang pinag samahan  at turingan nila ay para na silang magkakapatid. Tapos si Lord Korumples ang isa na rin sa bumuo ng kanilang pagkato at humasa sa kanilang kakayanan.

 

"L-lord Korum, h-hindi ko po k-kaya na malayo sa inyo..." Garalgal na ang boses ni Zaika sa kakaiyak. Napayakap pa ito kay Maine.

 

Lumungkot ang paligid ng bawat isa na animo'y katapusan na ng mundo. Hindi rin napigilan ni Lord Korum ang pag daloy ng luha sa kaniyang pisngi. Palihim niya itong pinupunasahan. Ayaw niya man na mawalay sa kaniya ang tatlong agent na malalapit sa kaniya. Tinuring na niya itong mga anak. Hindi man akma sa kaniyang edad ay ganito ang pakiramdam niya. Dahil ilang taon din niyang nakasama ang mga ito. Tinuruan niya ng mga kaalaman niya sa pakikipag laban, mga alam niya na strategy at alam niyang mga bagay-bagay na natutunan niya sa buhay.

 

"How about you Lord Korum, bakit hindi mo naiisipang mag girlfriend or mag asawa manlang?" Kuryosong tanong ni Maine.

 

Bumaling siya sa bintana, habang nililipad ng hangin ang kurtina nito. Makikita ang ganda ng sinag ng araw sa umaga, "I have someone I adore since I was a teen. Until now, I truly adore her or more than that. It's deepen every time I thought of her. I dunno why but she's always on my mind since then." tila nakikita niya ulit ang maamong mukha ng babaeng gusto niya. Gumuhit ang matamis na ngiti nito na ngayon lang nila nakita. Halata sa mga mata nito ang nararamdan niya. May kinang ng pag hanga sa kaniyang mga mata at may higit pa doon. Na tanging ang babaeng gusto niya lang ang nakakagawa sa kaniya ng ganito.

 

"Ang laki ng ngiti mo Lord Korum, tignan mo Maine." Mula sa pag iyak ay agad na bumalik ang sigla ni Zaika ng makita niya ang malaking ngiti ni Lord Korumples. Niyugyog niya pa ang balikat ni Maine.

 

Napadako nga ang paningin nito sa matamis na ngiti ni Lord Korumples. Namangha siya sa matamis na ngiti nito. Hindi niya maalis ang paningin niya dito.

 

Tumikhim ito bago ulit magsalita, "Balik tayo sa topic. After this mission you can take back your freedom. And enjoy your life. Angels." After saying that he stand up and without any further ado he leaves the room and hide his emotion at the moment. Deep inside he feel his heart broke into pieces because of his Angels who serve and join him after ten years of their lives.

 

May mga bagay talaga na kailangan mong palayain para sumaya sila kahit mabigat sa damdamin.

 

Hawak na nila ang kani-kaniya nilang mga relo at pinindot ang maliit na buton. Binasa na nila ang susunod na mission na binigay sa kanila. Nasa hologram na lahat ng kailangan nilang malaman. Matapos nilang basahin ang lahat kahit mabigat sa kanilang kalooban ay umalis na sila para gawin ang huling mission na binigay sa kanila ni Lord Korumples.

 

——

 

     Tumungo na sila sa destinasyon na kailangan nilang puntahan. Sa Pearl Island, isang magandang isla sa Pilipinas. Malimit lang ang pumupuntang turista dito. Exclusibong isla ito para sa mga mayayaman na miyembro ng White Pearl Organization. Dito ginaganap ang malakihang event ng mga mafia clan. Para sa illegal na mga transaction. May mga casino, hotel, restaurant, arcade, black market, bar at sabihin na din nating dito din madalas nagaganap ang mga illegal na gawain. Pag mamay-ari ito ng kilalang Mafia Clan. Ang Mafia Clan nina Ramon Ricardo at  Henry Jay na tinawag nilang Fukurō Ōkoku Mafia Clan (FOMC). They are one of the powerful Mafia in the society and the worse case is they were the former agent of Lord Korumples.

 

Bago pumunta sa event na ito ang mga angels ay nag disguise na sila.

 

Kailangan nilang magpanggap na ibang tao. Na kilala sa society. Kaya may mga fake identity sila ngayon. Ang identity na kinuha nila sa tatlong member na kasama sa White Pearl Organization. Ito ang organization ng ilan mga Mafia na nakikipag transaction Kina Ramon Ricardo at Henry Jay.

MegumiJ's wearing a long red spaghetti strap and fitted dress na may slit hanggang hita niya. Naka hair extension siya na kulay itim para matakpan ang totoong kulay ng kaniyang buhok, straight ito abot hanggang bewang. She wear doll eye contact lense with special ability to scan, zoom the area and also for disguise.

While Maine she's wearing a long sleeve red dress exposing her bare back. The front was glistening with diamond shape beads. Her hair was in a simple hair bun and she let some strand of her hair flowing in the sideway. To look her more sophisticated. She changed her eyeglass into a doll eye contact lense it also have a special ability.

 

And Zaika she's wearing  a red sexy sweetheart crop top and she's pairing it with a red leather skirt. In her left and right leg was her favorite weapon, her knives.  Like MegumiJ and Maine she's also wearing her contact lense.

 

They scan the parameter of the area.

All of them was wearing a silver stiletto. Mayroong kakayahan na maglabas ng usok na pampatulog. Sinuot na nila ang hikaw nila na magsisilbi nilang earpice at mouthpiece, naka konekta ito sa kanilang tatlo at sa HQ na magsisilbing guide nila sa mga dapat gawin. Sinuot nadin nila ang kulay rose gold nilang kwintas ang pendant nito ay hugis rosas. Ito ang magsisilbi nilang camera. May hand bag din ang bawat isa na naglalaman pa ng iba nilang gamit.

 

Maraming gwardiya ang nakapalibot sa bawat sulok ng venue. Pero kumpara sa ibang lugar ay hindi gaanong kahigpitan dito dahil mga imbitadong guest lamang ang maaring makapunta dito. Dahil din may mga membership card sila ay sila lang din ang maaaring makapasok sa Pearl Island.

 

Pumasok na sila sa loob ng malaking Event hall. Dito nagaganap ang mga bidding ng mga kagamitan kung minsan ay mga babae o lalaki. Ngayon ang special event ay magpapataasan na  sila sa bidding ng Nagawang rare na droga. Nalikha ito ng Laboratory na pagmamay-ari ni Hyouka Denver isang sa kilalang Mafia Clan ng bansa at isa sa gumagawa ng mga droga.

 

Inabot nila ang invitation sa bantay at ng masigurado nito na tama ang  invitation at may selyo ito ay pinapasok na sila.

 

"Ang ganda naman dito, magarbo ang kanilang pagkakaayos 'no? Kaso sinasayang lang nila ang kanilang pera. Tapos mag bibidding sila para sa droga. Mga Mafia talaga walang magawa sa kanilang pera. Bukod na nga sa masama galing, ginagastos pa sa walang kwentang bagay." Pabulong na sabi ni Maine habang kumukuha sila ng pagkain sa buffet at pasimpleng nag mamasid sa paligid.

 

The event hall was beautifully arrange according to what Mr. Ramon like. The theme is a mixture of gold, black and silver. Dinig ang malamyos na tugtugin sa buong event hall. May live band na kumakanta ng mga hilingin nilang awitin at tugtugin.

 

"Masayang pumunta sa ganitong pagtitipon tapos isasayaw ako ng mahal kong si Sato. Magtitigan kami sa mata habang dinadama namin ang saliw ng tugtugin," sabi ni Zaika habang ini-imagine niya ang matagal na niyang pangarap na mangyari.

 

"At nanaginip na naman po siya ng gising," pasaring na sambit naman ni MegumiJ na palagi niyang ginagawa kapag nakakarinig siya ng 'kakornihan' kina Zaika at Maine.

 

"Panira ka talaga Two-nine. Ganiyan din naman naiimagine mo sainyo ni JL eh. Hanggang ngayon panira ka padin." Nakasimangot na si Zaika. Habang nililibot parin ang paningin sa paligid.

 

"Ako, bigla yata akong kinilabutan. Naalala ko nanaman ang mahangin na si A'Damn!" Bahagyang nagpapadiyak si Maine ng may maalala siyang tao dahil sa okasyon.

"Zero-two, may palayaw ka na pala kay Adam. Hindi na ba kinaya ng powers mo ang kahanginan niya sa katawan?"

 

"Oo, Ewan ko ba sa taong iyon. Natanggalan yata ng turnilyo sa utak kaya lalong humangin," inis na singhal parin ni Maine. Naalala niya kasi na nagdrama ito isang beses sa kaniya. Nakainom ito at... At... Ayaw ng balikan pa ni Maine ang pangyayari na ito.

 

"Ang galing natin, alam na ng HQ mga tinatago nat—"

"Nice butt." Nagulat nalang sila ng may biglang tumampal sa buttocks ni MegumiJ. Muntik na niyang mabitawan ang platong hawak niya.

Kinapitan niya ang kanang kamay nito at pinilipit ang kamay ng kung sininuman na walang hiya ang gumawa nito sa kaniya at ilang beses niyang hinampas ang ulo nito sa lamesa. At ilang beses niyang tinuhod ito sa sikmura hanggang sa mawalang ng malay.

 

Ito sana ang gagawin niya, kaso masisira ang plano nila at maaaring magkagulo sa paligid. Kaya kinubli niya ito sa pag ngiti at pakikiharap dito ng mahinahon. Kahit na sa loob loob niya ay gusto na niyang bigwasan ang matandang manyakis na ito.

 

"Oh well, thank you for your compliment." Sarap mong bigwasan! Pinag iinit mo ang ulo ko.

 

"Want to spend the night with me, beautiful?" Nakangising alok nito at pinasadahan niya ng nakaka lokong tingin ang katawan ni MegumiJ at muling tumingin dito habang hinihintay ang sagot.

 

"Even if I want to go with you,"inayos niya ang colar ng matandang manyakis at bumulong dito, "I am waiting for someone else." Ginamit niya ang pagkakataon na ito para mapatahimik ito gamit ang karayom na may pampatulog. Itinusok niya ito sa batok ng matanda.

 

Kaya naging dahilan ito ng pag tulog nito sa balikat niya. Agad naman niyang nasalo ang mabigat na katawan nito.

 

"Ano ba 'yan baby. Hindi pa tayo nakaka alis may tama ka na agad," habang sinasabi niya ito ay halos maduwal na siya sa mga pinagsasabi niya.

 

Sinenyasan niya si Maine at Zaika na tulungan siyang alalayan ang matanda ng walang makakapansin. Sinamahan siya na ilapag ito sa isang ekslusibong silid para sa mga member ng isla.

 

"Kumukulo ang dugo ko sa matandang manyakis na 'yan. Tara na nga!" Nanguna ng lumabas si MegumiJ kaso ay naisipan niyang bumalik dahil inis parin talaga siya.

 

Sa inis niya piningot niya ng malakas ang tulog na matanda. Napangiti siya matapos ito. Humirit pa siya at pinukpok niya ng malakas ang matanda gamit ang pamaypay niya.

 

"Grabe ka Two-nine wala kang patawad. Dapat sinipa mo pa mukha! Kung ako dun malala pa aabutin niya sakin." Si Zaika.

 

"Tss. Yaan niyo na. Let's survey the area para makapag set up tayo ng mga kailangan na gamit."

 

——

 

"Kinagagalak namin na makasama kayo. Mga Nag gagandahan at nagkikisigan naming mga panauhin. Lubos na nagpapasalamat ang White Pearl Organization. Sana ay mag enjoy kayo sa mga magaganap ngayong gabi. May mga pakulo ang ating Jowable na mga Taga panguna. Before we proceed to our next segment, may I call Mr. Ramon Ricardo Bigotilyo and Mr. Henry Jay Sebastian our star of the night. Let them shower us with their speech." Pag katapos mag salita ng emcee ay nagpalakpakan ang mga tao.

 

Umakyat na ng entablado ang dalawa at kumaway sa mga taong nasa loob ng event hall. Some where cheered and whistling playfully. Because they know that Ramon will whisling back to them playfully. Ramon whistled and dance like a crazy man he is. He's dancing his all time favorite song na kabit o kilala natin bilang 'Its really hurt'. Nag dulot ito ng malakas na tawanan sa mga manonood. Lalo na ng sinayawan niya si Henry Jay at hinaplos niya pa ang dibdib na ikinainis lang nito at gumiling giling.  Gusto na niyang batukan si Ramon sa mga kalokohan nito.

 

Sinabayan pa ito ni Ramon ng pag kanta, "Its really hurt ang magmahal ng ganito Henry, ilang taon na akong naghihintay, wala parin. Pansinin mo naman ako Henry baby." Nag flying kiss pa ito na ikinasama ng tingin ni Henry na akala mo ay uusok na ang ilong sa sobrang pagkayamot niya sa taong ito. Ilang taon na ang lumipas ay ganito parin ito kabaliw sa kaniya. Sa inis niya ay pinatahimik na niya ito at binigay na ang matagal na nitong nais.

 

Tinitigan niya ito ng seryoso sa mga mata at kinabig niya ito ay binigyan ng matamis ngiti at tinuhuran niya ito sa mahiwagang bilog na iniingatan nito.

 

Napakapit ito sa gitna ng hita niya at hindi malaman kung maiihi o mapapamura sa sobrang sakit. Kaya hindi niya talaga napigilang murahin si Henry.

 

"Damn you! Lahat ng l-lahi mo. Gago ang sakit. Tan—" Napatigil siya sa sasabihin niya ng lumuhod si Henry at naglabas ng kahita na galing sa kaniyang bulsa at binuksan ito. Ngumiti siya kay Ramon.

 

"Marry me, Ramon baby..." Ito pa lang nasasabi niya ay napaluha na si Ramon at napayakap na kay Henry. Hindi siya magkamaliw sa narinig niya mula kay Henry. Dahil sa matagal na panahon ay narinig na niya ang gusto niyang marinig kay Henry. Naghiyawan ang iba sa mga nakanood.

 

Napakalas siya ng pagkakayakap kay Henry, "hoy gago totoo? Kinikilig ako putspa! Langya! Tang ina ng lahi mo." Nag uumapaw ang kaligayan ni Ramon ng mga sandaling ito at napaluha siya dahil hindi siya maka paniwala.

 

Pinihiran naman ni Hery ang luha niya at nginitian niya si Ramon. "Ano ka ba naman Ramon ang arte mo. Tumigil ka nga. Nakakahiya sa mga tao."

 

"Kiss mo muna ako." Ngumuso siya at hinihintay ang halik ni Henry.

 

"Tumigil ka nga ang kalat mo. Ano payag ka ba na mag pakasal sa akin o si Chisaki nalang balikan ko?" Nakangising asar na ni Henry kay Ramon na bumura ng masayang ngiti nito.

"Subukan mo lang tang ina ka! Tang ina ng buong angkan ng Chisaki na iyan hindi ko papatahimikin. Suot mo na ang singsing." Sinuot nga ni Henry ang singsing at napa ikot si Ramon ng may masayang ngiti sa mga labi at hindi niya napigilan na halikan si Henry sa labi.

 

"Wooaahhh congrats!" At pinatunog ng mga naka saksi ang champaigne at wine glass nila. Para sa masayang pangyayaring ito kina Ramon at Henry.

 

Samantalang ang tatlong agent at ang mga nasa HQ na single ay napa "sana all my baby!"

 

——

 

Hinintay lang nila na matapos ang kasiyahan ng bawat isa. Pinindot na ni MegumiJ ang maliit na buton na hawak niya na nakaugnay sa ilaw. Pinindot niya ito at namatay ang ilaw.  Nagulat ang bawat isa ng mamatay ang ilaw.

 

"Let the real show begin," MegumiJ said and she's now ready and excited for this mission.

Isa-isang pinindot ng Angels ang mga button na kanilang dala na naka konekta sa bawat sulok ng lugar.

 

Una nilang pinasabog ang lugar kung saan sana gaganapin ang bidding ng droga. Nakuha na nila ang droga at naibigay na ni Zaika sa piloto ng kanilang sasakyan na helicopter.

"Mga walang hiya talaga kayo mga agent! Panira kayo ng moment. Humanda kayo sa akin. Ugh! Tang ina ng lahi niyo!" Nakailang mura si Ramon dahil sinira ng mga ito ang magandang gabi nila.

 

Kaya naalarma ang mga gwardiya at ibang mga nasa islang ito. Pumwesto na si Maine sa taas kung saan niya nilagay ang British L96A1 sniper rifle niya. Pinatamaan na niya sa ulo ang naka bantay sa may gate. May mga hindi siya inaasahan na tao sa pwesto niya. Naramdaman niyang may papalapit kanya kaya napilitan siyang ilabas pa ang nakatago niyang pistol.

 

Malaki ang kalaban niya. Hindi niya alam kung kakayanin niya ba ito. Binaril niya ito ng ilang beses ngunit naka ilag ito at. Nagpagulong sa semento at ito naman ang nagtangkang bumaril sa kaniya. Agad siyang nakapagtago sa pader. "Zero-seven at Two-nine, may naka alam ng kinaroroonan ko. Kayo kumusta kayo diyan?" Nakarinig siya ng mga buntong hininga at mga hiyaw ang naririnig niyan. Tiyak na nakikipag laban din ang mga ito. Napubuntong hininga nalang siya. Maine 2.0 was now activated. Her mode was now change in fighting mode. Gone the shy and sweet Maine. Marami pa ang dumating na kalaban at handa na siyang makipag sabayan...

 

Si Zaika naman ay nilabas na rin niya ang kaniyang favorite combat knives. The Kershaw secret agent boot knife and Gerber Mark II Blade knife. Handa na siya sa mga asungot ng lipunan. Dumami na ang kailangan niyang patulugin sa sandaling ito...

 

MegumiJ lose her temper when someone grab her hair.  Hinila niya ang kamay nito at sinipa ito sa tagiliran. Napa igik ito sa sakit. Lumapit ulit ito sa kanya at umamba ng suntok at sipa. Mabilis na nasalag ito ni MegumiJ at nagpalitan sila ng sipa at suntok. May ilan din na dumating na mga body guard ng mga kalaban. Nagdatingan na din ang ibang mga pinadala ng kalaban. Kaya mapapasabak na siya sa laban nito...

 

Minaliit nila ang kakayanan ng kalaban. Marami sila ngayon na maaring magtulungan para mapabagsak sila.

 

Kaya hindi nila inaasahan na mangyayari ang ganitong bagay.

"Agent Zero-Seven a-are you o-okay...? Sorry I can't even protect you from those society crap."Tanong  ni  Two-Nine gamit ang earpiece niya, "But let's see this time, I will fight no matter what it takes. Ayokong sumuko nalang basta. Wala sa vocabulary natin ang sumuko." Sumugod siya sa dalawang kalaban na nasa harapan niya. Malapit na siyang maubusan ng lakas dahil parang hindi sila nauubos. May ilan na siyang sugat sa katawan ng hindi niya maiwasan ang ilan sa mga ito ay sabay na sumugod sa kaniya. Habol na rin niya ang kaniyang hininga.

 

Nilabas niya ang natitira niyang sandata. Ang kahuhulihan niyang gamit. Isang pamaypay.  Na kung saan hindi lang ito pang karaniwan na pamaypay. This is have many function that will surely caught you off guard. Hindi mo dapat maliitin. This is many function that can help her in emergency.

 

Hinugot niya mula rito ang ilan sa mini metal spear niya na maaring makapag paralyzed sa isang tao. Three inches lamang ito at tinawag niya itong spearhead. Iba't ibang klase ito ng mini metal spear na matagal binabad sa likido na may  lason, pamparalisa at pampatulog. May iba pang gamit ang nasa pamaypay nito bukod sa mga spearhead niya.

 

Naka ilang hagis siya ng  kaniyang spearhead sa mga kalaban. Natamaan niya ang tatlo at bumaril naman pabalik ito. Tumalon siya ng mataas at hinagisan ang ilan pang nagkalat na kalaban sa paligid.

 

Sa dami ng sumasalakay sa kaniya hindi niya namalayan ang pagtama ng bala ng baril sa kaniyang likod. Ilang beses ito na nagdulot sa kaniya ng panlalabo ng paningin at tanging naririnig nalang niya ay ang sigaw ng mga tao sa HQ. Ito ang huli niyang narinig hanggang sa naging madilim na ang lahat.

 

 

Nakailang yuko at tumbling si Zaika para lang makaiwas sa kalaban. Habol na niya ang kaniyang hininga at tagaktak na ang pawis niya sa buong katawan. Malapit na siyang sukuan ng kaniyang lakas.

 

Lumapit ang isa pang kalaban sa kaniya at binuhat siya ng walang kahirap hirap dahil malaki ang katawan nito. Pina ikot ikot siya sa ere at hinagis sa itaas ng lamesa. Narinig niya ang sigaw ni agent zero-one sa kabilang linya at sumisigaw ito na nagdulot sa kaniyang labi ng matamis na ngiti bago siya nawalan ng malay.

 

Hindi mapakali si Lord Korumples sa mga nangyayari kaya nagpasya siya na pumunta na sa Pearl Island at mag sama ng ibang  tauhan. Naging kampante siya na kakayanan ng kaniyang angels. Minaliit niya masyado ang mga kalaban. Busy din ang ilan sa mga agent sa kani-kanilang mission.

 

"Lupex, ready the helicopter and call the line M to back up the Angels.  And please bring our weapons." Pilit kinalma ni Lord Korumples ang kaniyang sarili. Pinipigilan niya ang takot na umuusbong sa kaniyang dibdib. Ganitong ganito ang naramdaman niya ng mangyari ang masalimuot na bagay sa kaniyang nakalipas.

 

Hindi niya mapigilan ang nararamdaman niya na anxiety sa sandaling ito. Bumibilis ang pintig ng puso niya dahil sa takot na maulit muli ito sa ibang pangyayari naman.

"Master lahat ng pinag uutos mo ay nagawa ko na. I see fear in you eyes— Hindi iyan ang master na kilala ko. Calm down, everything will be okay. Let's go?"

 

Tumango lang si Lord Korumples at makailang buntong hininga bago sumunod dito. Si Lupex ang nag maniobra ng helicopter.

 

Mabilis silang nakarating sa Pearl Island. Tinungo nila ang kinaroroonan ng mga angels ayon sa gps nito. Habang si Lupex ay ang siyang bumabaril sa mga taong nakaraharang sa daan nila. Mabilis silang naglakad papasok ng event hall at eksperto niyang pinag babaril ang mga kalaban.

 

Nakita ni  Lupex ang naka handusay at walang malay na katawan ni MegumiJ, puno ito ng dugo. Binuhat niya ito at dinala papunta sa helicopter.

 

Sunod naman ay si Zai ang pinuntahan niya, nakita niyang puro sugat ang katawan nito at may dugo na dumaloy sa bibig nito. binuhat niya ito ng marahan at dinala din sa helicopter at sinakay.

 

Samantalang si Lord Korumples naman ang may buhat kay Mai. Nakita niya din na wala itong malay at puno ng dugo may ilang galos sa mukha at saksak sa balikat. Hindi niya makayang tignan ang kalagayan nito. Maingat niyang isinakay ito sa backseat ng helicopter.

 

Bago sila naka alis ay dumating ang Line M. Ito na ang bahalang tumapos ng kanilang gawain.

 

Dinala na agad nila ang mga angels sa hospital ng Owl Organization of Secret Agent Hospital para dito.

 

Naipasok na ang mga ito sa loob at kinabitan na ng dextrose. Critical ang condition ng mga ito.

 

Kumawala ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Lord Korumples at napaluhod nalang sa sahig. Nawawalan na ng pag asa dahil sa nangyayari. Bumabalik nanaman sa isipan niya ang nangyari ilang taon na ang nagdaan.

 

Napakislot siya ng may pumahid ng luha sa kaniyang pisngi at napaangat siya ng tingin sa kaharap. Nanlaki ang mga mata niya sa mukha na bumungad sa kaniya.

 

"Huling pagkikita natin umiiyak ka. Tapos ngayon umiiyak ka nanaman. Kailan kaya kita makikita muli na hindi na umiiyak?" Naka ilang kurap si Lord Korumple bago namutawi ang mga salitang gusto niya ulit bigkasin.

 

"Lady Emerald..."

 

—MegumiJ29❣️

 

Author's Note:

Bigkas ng name ng character.

 

Lord Korumples- korumpols MegumiJ- Megumi(Jey) Maine- Mine Zaika- Zayka Lupex- lupeks

MegumiJ29 Creator