[ ISABELA ]
At Filipino Viral Story Company (FVSC)
"Hayy! Lunes na naman, nakakatamad pumasok. Gusto ko ng mag-resign," isang mahinang tapik sa batok ang natanggap ko kay Cael "aray naman boss! makabatok ka naman!" in-exaggerate ko lang para pag-tripan siya.
"Bakla ka! Baka mamaya may makarinig sayo diyan! Mabuti nga ako pa lang narito, kapag narinig ka ni Ma'am Cyril magiging totoo yang resignation mo!" Nanggigigil na sita sa akin ng boss slash kaibigan ko, si Marcus Cael Rementilla, MC for short.
Actually, Si Ma'am Cyril talaga ang boss namin, but technically mataas ang posisyon ng baklang ito sa akin kaya parang boss ko na rin siya. Rearcher slash assistant editor siya ni Ma'am Cyril, samantalang ako ay assistant researcher naman niya. By the way, I'm Isabela Dela Cruz, ang isa sa alilang assistant sa isang sikat na kumpanya sa Pilipinas.
"Sus! Takot ka kay Ms. Cyril, Cael? Haha!" Pinandilatan ng mata naman ako ni Cael. Bumubulong bulong pa ito 'Gaga ka manahimik ka na' sabay tusok sa tagiliran ko.
"Aray naman! HAHA! May kiliti ako diyan! Cael sorry na! Haha!" Dagdag pa sa gigil niya ang pagtawag ko sa second name niya. Ayaw na ayaw niya kasi na tinatawag siyang Cael, masyado raw kasing lalaki ang pangalan niyang iyon.
Tumigil naman ako sa pagtawa at lumingon sa likod namin. Naroon pala si Ms.Cyril. Patay! Akala ko kinikiliti lang ako ni MC. Salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa akin, mukhang narinig niya ata kami ni MC kanina.
Tumayo naman ako at lumapit sa kanya.
"Madam! Nariyan ka pala, kanina pa po ba kayo nakatayo diyan? Hehe, upo ho kayo rito Ma'am-" pilit na ngiti at hinawakan ko pa ang braso ni Ma'am Cyril para maka-upo siya. Feeling close lang.
Pero imbis na sagutin ako ay lumapit ito kay MC. Yari na! Ang bakla kabado na sa kinatatayuan niya. Si Ma'am Cyril kasi ay may intimidating aura, pero walang effect sa akin ang ganoon.
"Mr. Rementilla, do you have any updates? Ano na ang trending ngayon? May nakita na ba kayong bagong kwento o nagkikilitian lang kayo rito sa opisina?!" Sunod sunod na tanong ni Ma'am Cyril. Hindi naman nakasagot agad si MC. Kaya ako na ang sumalo sa bessy ko.
"Ahm, Madam, nagse-search pa kami-" hindi na niya ako pinatapo magsalita, lumingon lang ito sa akin at naglitanya muli.
"Look at this!" ipinakita nito ang tablet niya at isang post sa social media, "Mas ako pa ang nakakakita ng trabaho niyo! Puro kasi kayo harutan habang nagtatrabaho eh!" Nako, talagang galit si Madam. Katakot!
Napatikhim at napayuko na lang kami ni MC, para kaming estudyante na nasa harap ng principal. Jusko!
Naglakas loob na magsalita si MC, "Ahm, Madam este- Ms. Cyril? Relax lang po, ano po ba-"
"Kailangan ba basahin ko pa yan sa harap mo? O gusto mo maghanap na ako ng papalit sayo?" Pataray pang sabi pa ni Ms.Cyril. Natatawa naman ako sa isip ko dahil kay MC, ako lang kasi ang tumatawag na 'Madam' kay Ms. Cyril lalo na kapag ganitong galit siya.
"I need full details on that story, and I'll only give you one week to finish it! The story will get spoiled if it takes a few more weeks." pagkasabi non ay pabagsak niyang ibinaba ang tablet sa table ni MC. Magsasalita pa sana si MC pero tinalikuran na siya ni Ms. Cyril.
Sabay ang pagbagsak ng balikat namin ni MC, one week lang? Napahawak pa nga sa dibdib si MC, "Kaloka ka baks! Akala ko mashishigpay (mamatay) na ko kanina, parang nakalimutan kong huminga dahil sa kaba!" sabi pa ni MC.
"Shuta mhie, narinig kaya ako ni Madam?" sinamaan pa ko ng tingin ni MC.
"At talagang yan ang iniisip mo? Oy, mas alalahanin mo yung one week na palugit sa atin. Tsaka kasalanan mo to eh!"
"Bakit ako? Ikaw tong mataas sa akin eh, dapat confident kang sumagot, tapos bakla parang natatae itsura mo kanina! Pinigilan ko nga tawa ko nung tinawag mo siyang "Madam" eh!" Ganito lang kami mag-usap ni MC sa opisina, parang magka-level lang ang posisyon naming dalawa. Ayaw rin naman niyang maging Bossy bossy, dahil hindi niya daw kasi forte ang pagtataray-tarayan o pagiging seryoso.
"Ikaw talaga ang dahilan! Mukhang narining niya yung sinabi mo kanina! Mhie! Please lang, mahal ko ang trabaho ko! Kaya kung pwede wag kang mandamay sa susunod ha, kung magreresign ka? Wag muna ngayon! HAHA!" Akala ko naman papayag siyang mag-resign ako. Hayy, joke lang din naman ang sinabi ko kanina. Sadyang nakakatamad lang talaga pumasok ng lunes.
"Oo na, sorry na." napahinto ako saglit para bumalik sa kinauupuan ko kanina. "ano pala yang sinasabi ni Madam?" tukoy ko sa tablet na nasa table niya. Bago pa man makasagot si MC ay tumunog na ang cellphone niya
"Hello? Oh ? Kamusta nay? Nakapagpadala na ko ahh? Ha? May project sa school? Ahh, Sige sige. Sa linggo na lang po. Sige po. Bye."
Pag-end call niya ay nagsalita agad ako. "Tapos ka na? Pwede na ba tayong magtrabaho?" biro ko sa kanya.
"Opo boss!" sumaludo pa ito sa akin, "Pasalamat ka kaibigan kita!" napailing iling pa ito habang binabasa ang nasa tablet na binigay ni Madam Cyril kanina.
"Haha! Joke lang naman, anong meron sa tawag mo kanina?" gusto ko lang maki-chismis kahit may ideya na ko kung ano pinag-usapan nila.
"Si Nanay nanghihingi ng pera, kailangan daw ng kapatid ko para sa project."
"Okay." di na bago ang ganitong usapan namin ni MC, lagi naman siyang nagpapadala sa nanay niya o kahit sa mga kapatid niya. Sadyang matulunging at mabait itong si MC.
"So, back to work." napahinto sa pagsasalita si MC at parang nagulat ng matapos niyang basahin ang nasa tablet, parang nakakita ng isang milagro. "Oh my God ! Bakls! It's a blessing!"
Napatayo pa si MC at napapunta sa puwesto ko para alugin ang mga balikat ko. Malapad lang ang ngiti ko kahit hindi ko alam kung bakit siya masaya.
Parang kanina lang kabado at takot siya kay Madam Cyril.
"Teka nga! Saglit na lang, ano ba kasi yun?" tumayo naman ako at kinuha ang tablet sa table niya.
"Mr.J.D.Guzman, Cebu City-" mahaba ang post na iyon.
"Pagkakataon na ito baks, makakauwi na ko ulit sa probinsya namin!" sabi pa ni MC na nagbubunyi agad ng malaman na taga-Cebu ang nagpost .
"Teka! Di ko pa tapos basahin! Wag kang magulo diyan!"
"The historical writings of Ms. Flordelisa Dela Cruz-" nanlamig ako ng mabasa ko ang pangalan iyon. Hindi ko siya kilala pero ka-apilyedo ko siya.
"Okay ka lang friend? Bakit parang di ka masaya?" kinuha pa ni MC ang tablet sa kamay ko bago ulit nagsalita. "Uuwi tayo sa probinsya ko bakla! Makikita mo na kung saang isla ako galing! Ang isla ng mga Diyosa!"
"Ahh" yun lang ang nasabi ko.
Sa tagal ng panahon babalik ako sa lugar kung saan ako nanggaling. Hindi pa alam ni MC iyon. Hindi dahil sa malihim akong tao, pero ang pinanggalingan ko ang hirap akong i-share sa mga taong nakakasama ko. Matagal ko na kasing kinalimutan iyon.
"Mag-book ka na ng flight natin, excited na kong umuwi! Ayy teka, wait! Tatawagan ko ulit si Nanay!" di magkandaugaga si MC, halatang sobra ang saya niya.
"Okay, ako ng bahala." bumalik ako sa table ko at humarap sa laptop ko para magbook ng dalawang ticket. Manila flight going to Cebu.
KINABUKASAN.
At Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
"Hello?! MC, anong hindi ka sasabay? MC ha, ayoko mag-isa pumunta ron! Saan ka na bang bakla ka?" napahalukipkip pa ko habang hinihintay siya sa terminal 1.
"Emergency lang Sis! Promise susunod ako."
"Ano pa bang magagawa ko? Tsk! Isusumbong kita kay Madam makita mo eh! Nakakainis kang bakla ka! Ikaw na bahala magrebook ng ticket mo ahh!" Sa inis ko ay binabaan ko na siya ng tawag. Nakakainis!
"All passengers of flight 0123***** please proceed to departure..."
May nagsalita sa intercom pero hindi ko maintindihan. Mas inaalala ko kasi kung magiging okay ba ako sa pagbiyahe ko ng mag-isa.
First time kong babiyahe ng wala si MC, lagi ko kasi siyang kasama dahil assistant niya ako. Siya ang boss ko pagdating sa field, tapos ngayon wala siya! Parang gusto kong maiyak.
"Miss? Okay ka lang?" natulala na pala ako, nabalik lang ako sa ulirat ng mayroong kamay na kumakaway malapit sa mukha ko.
"Hmn, I'm okay-I'm fine." sagot ko sa kanya. May nagsalita muli sa intercom kaya napatayo na ako. Sh*t! Departure time ko na pala !
Lakad takbo ang ginawa ko para makarating sa gate, matapos ipa-check ang ticket ay pumila na ko sa sasakyan naming bus. Iyon ang maghahatid sa amin sa eroplano.
Ilang minuto lang ay nasa loob na ko ng eroplano, hindi pa rin ako mapakali.
Good Luck na lang talaga sa akin!
"Please turn off your mobile devices temporarily, and in a few minutes we will be ready to take off." sabi pa ng isang flight attendant.
Mariin akong napapikit at taimtim na nagdasal. Ilang sandali pa ay nagsimula ng umandar ang eroplano.
Kaya mo ito Isabela! Aja!
KABANATA I