(Unedited)
Life:

"Ganito nalang ba ang buhay ko? Nakakasawa!" Sigaw ko ngayon dito sa madilim na tulay hindi ko alam kung nasaang lugar na ba ako palakad lakad ako sa kawalan habang umiiyak dulot ng sakit pisikal, mental, pati yata kaluluwa ko eh?! Nakakabaliw! Pwede bang mawala nalang? Tutal wala namang silbi ang buhay ko.


"Pag namatay siguro ako wala namang mag hahanap diba sino ba naman ako? Walang kwenta ang turing nila sakin hahaha" patuloy kong sambit sa saririli natatawa nalang ako habang umiiyak nababaliw na nga yata ako. Nagtatanong ako sa Diyos bakit pa ako binuhay tutal sabi ng pamilya ko na tanga ako, walang silbi at pabigat.


Umakyat ako sa tulay balak ko nalang tumalon at mawala nalang. Ngunit may narinig akong tinig may narinig akong munting tinig. Sa aking likuran bago pa ako makatalon hinihigit niya ang laylayan ng damit ko.


"Ate ano pong ginagawa mo diyan baka mahulog ka?" Sabi nung bata gamit ang maliit niyang boses napatingin ako sa kanya.


"Iyon nga ang gusto ko mahulog ako at mawala nalang" sabi ko habang umiiyak.


"Bakit mo naman gugustuhing mawala Di ba po masaya ang mabuhay?"inosente niyang sabi.


"Kung masayang mabuhay bakit ako umiiyak ngayon ha, sabihin mo nga ano bang alam mo eh bata ka lang naman!" Pasigaw kong sambit sa kanya na di alintana na bata ang kausap ko dahil sa galit ko sa buhay kong ito.


Kahit nasigawan ko siya, patuloy lang na nakatingin sa akin ang maamo niyang mga mata. Nakita ko din na wala siyang buhok at maputla mukha at labi niya, nakasuot din siya ng pang ospital.


"Hindi nga po ganoon karami ang nalalaman ko sa buhay pero nakita ko naman po kung gaano ito kahalaga, minsan lang po tayo mabubuhay kaya dapat pahalagahan at dapat ienjoy bawat sandali sa atin" nakangiti siya habang sinasabi ito sa akin, ngunit parang sarado ang isip at puso ko at ayaw ng pakinggan ang mga sinasabi niya.


"Ang dami mong sinasabi hindi mo kasi naranasan ang nararanasan kong hirap, tinakwil ng sariling pamilya, sinabihan pa ng masasakit na salita" patuloy ko habang humihikbi "muntik na akong magahasa at pinagtangkaang patayin at alam mo kung ano ang pinakamasakit ha? Pinandidirihan ka ng lahat lalo na iyong mga tinuturing mong kaibigan. Ano ako ngayon isa nalang basura na wala ng kwenta patapon at dapat nalang mawala sa mundo." Nakikinig lang siya sa akin habang ako walang tigil sa pagluha. Hindi ko maintindihan kung bakit ko pa sinasabi mga bagay na ito sa kanya may kakaiba sa kanya na di ko mawari.


"Aalisan niya lahat ng pasakit, hihilumin niya bawat sugat, hinuhulma ka lang niya para maging matatag ka , 'wag kang sumuko may nagmamahal pa sayo at pagkatapos ng bagyo sa buhay mo darating ang bahaghari, bibigyang kulay ang madilim mong pananaw"


"Ano bang sinasabi mo hindi mo ba naririnig ang sinasabi ko? Tinalikuran na ako ng lahat, wala ng nagmamahal sa akin." Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya hindi parin matanggap ng sistema ko.


"Mayroon paring nagmamahal sa'yo, tulad ko mahal ka rin niya isa siyang Diyos na mapagmahal kahit talikuran mo man siya, mahal ka pa rin niya. Tumawag ka at pagbubuksan ka niya, hinihintay ka lang niyang dumulog ng panalangin. Tumingin ka sa paligid mo may natitira paring nagmamahal saiyo, natatakpan lang ng pighati at lungkot ang puso mo, buksan mo itong muli." Pagkasabi niya nun parang isang magic spell na nagpatigil ng mga luha at lungkot ko at patuloy sa pakikinig sa kanya.


Napatingin ako sa may bandang kaliwa ko dahil may naaninaw akong liwanag mula sa sasakyan.


"Jazzen! Jazzen babe!, nasan kaba Jazzen! Sumagot ka naman please! Asan kanaba?" Sigaw ng kilalang kilala kong boses, boses ni Corithian 'yun ah. Ito ba iyong sinasabi niyang nagmamahal pa sa akin, ang ex ko pero ayaw niyang makipag break kaya hindi ko daw siya ex. Nagsisi na ako dahil nakalimutan kong may handa pangang umunawa at magmahal sa akin. Muling bumuhos ang luha ko hindi dahil malungkot ako. Dahil sa ligayang nadarama ko, At natauhan ako at muling nagising sa katotohanang may nagmamahal pa sa akin at hindi ko nakita ito dahil sa mga hinanakit ko.


Bumaba ako sa kalsada at kumaway para makita niya ako. Nang napansin siya ako'y mabilis itong tumigil sa harapan ko at mabilis lumabas ng kanyang sasakyan.


"Corithian" unang namutawi sakin habang yakap niya ako. Ramdam kong nakauwi na ako sa totoong tahanan ko, sa mga bisig ng taong nagmamahal sa akin ng tunay. Kahit hindi ko napagtutuon ng pansin mahal parin ako. Salamat sa Diyos dahil binigyan niya ako ng isang tulad ni Corinthian na hindi sumuko sa akin.


"Babe sobra mo akong pinag alala" sabi niya habang hinahagkan ang gilid ng ulo ko. "Thank God, akala ko kung ano na ang nangyari sayo buti ayos ka lang. Mahal na mahal kita Jazzen. God! Jazzen mababaliw ako kung hindi kita natagpuan, ano ba kasing ginagawa mo dito sa dilim? At bakit ganiyan itsura mo?"


Tuloy tuloy parin ang luha ko habang yakap ko siya. Sinapo niya ang mukha ko at hinalikan ako, halik na nagpapawi sa bigat ng dinadala ko ngayon. Gumisising sa natutulog kong damdamin na pilit kong tinatago. Lumipas ang ilang minuto ay pinakawalan na niya ang mga labi ko.


"Salamat babe, at sorry sa mga pang babalewala ko sayo" lalong lumakas ang hagulgol ko.


"Shhh, naintindihan ko babe tama na andito na ako. Hindi ka na nag iisa" lalo ko siyang minamahal at lalo na ngayon na na aappreciate ko na ang purpose kong bakit siya ang binigay ng panginoon sakin hindi sasayangin ang taong handang ibigay ang lahat para sa akin. Hindi man ako karapat dapat, ibibigay ko naman ang nararapat na tugon para sa kanya.


"Masakit lang sa akin hindi mo nakikita ang sobrang pagmamahal ko sa'yo, mahal na mahal kita kasama ang nakaraan mo at patuloy kitang mamahalin at hindi ako magsasawang mahalin ka hanggang bukas, bukas na walang hanggan" at niyakap niya ulit ako ng mahigpit na akala mo aalis ako at ayaw na niya akong pakawalan.


Hindi ko mapigilang ngumiti, kinalas ko ang yakap niya at sinapak ko ng marahan ang dibdib niya.


"Sobrang cheesy babe"natatawa kong sabi. "Pero salamat, nasabi ko na ba sa'yong sobrang mahal din kita? Mahal na mahal." Madamdamin kong pag amin sa kanya.


Nakangiti siya na parang mapupuknat na sa sobrang lapad. Marahan niya ding pinunasan ang luha ko sa pisngi.


"Nagiging cheesy ka na din" natatawa niya na ding sabi.


"Ganun siguro talaga pagmahal mo" kibit balikat kong sagot sa kaniya.


Pareho kaming nakangiti sa isa't isa.


"Tara alis na tayo" sabay hawak sa kamay ko. Bigla kong naalala yung bata kanina kaya lumingon ako sa likod, kaso wala. Nilibot ko sa paligid ang panin ko pero wala talaga.


Napansin ni Corinthian ang palinga linga ko kaya nagtataka siyang tumin sakin.


"Teka lang babe, hinahanap ko kasi iyong bata kaninang kausap ko, pero wala nasan kaya iyon?"


"Sinong bata? Eh wala naman akong napansin na bata kanina"


"May bata akong kausap dito kanina, pinayuhan niya panga ako eh, nasan na kaya iyon wala pa naman kasama iyon" nag aalala ko ng sambit.


"Baka umuwi na babe?" Pagkasabi niya nun tumunog ang cellphone niya. "Teka lang babe, sagutin ko lang 'to"


"Hello, Brixx pare balita napatawag ka?"


"Pare wala na si Mikaela" sagot ng kausap nito sa malungkot na boses.


"Ahh sige hinantayin mo kami diyan papunta na kami diyan" Pagkababa niya ng cellphone niya ay hinila na niya ako palapit sa sasakyan niya. Pinagbuksan niyan muna ako at pagkatapos ay umikot sa at tsaka siya naman ang pumasok sa kotse. Agad naming tinahak ang ospital na kinaroronan nitong mikaela.


Habang nasa daan nagtatanong ako sa kanya.


"Sino si Mikaela babe?" Tanong ko.


"Kapatid ng kaibigan ko si Brixx, hindi pa pala kita napapakilala sa kanya andami kasing nanyari"


Medyo malapit lang ospital kaya nakarating agad kami. Nagtungo kami sa nurse starion para magtanong kung saang room si Mikaela.


Agad kaming nagtingo sa tinuro ng nurse. Naabutan naming umiiyak ang isang lalaki na palagay ko'y si Brixx, habang yakap yakap ang isang batang wala ng malay at maputla. Hindi ko gaanong makita ang itsura dahil yakap ito ni Brixx.


Agad siyang nilapitan ni Corinthian, napayakap si Brixx sa kaniya, tinapik naman nito ang likod ni Brixx pakikisimpatya rito.


Tuluyang tumambad sa akin ang itsura ng bangkay. Sa gulat ko'y napatakip ako ng bibig, habang nakaturo sa bibig at napaiyak muli. Nagulat silang dalawa sa inasal ko.


Humarap si Corinthian sa akin ng may nagtatakang tingin.


"B-babe, ss-siya yy-yung batang si-sinasa-sabi ko sayong batakanina" nauutal kong sambit dahil sa gulat.


"Anong sinasabi mo? At paanong nangyari iyon" naguguluhan niyang tanong.


"Siya talaga iyon" lumapit ako sa bangkay ni mikaela, naguguluhan parin silan nakatingin sa akon. Kahit ako'y hindi makapaniwala sa nangyari.


Hindi man literal na siya ito, siguro ang kaluluwa niyang naglalakbay bago siya tuluyang mawala.

"Salamat dahil sa'yo nakita kong muli ang halaga ng buhay, ang ligayang dulot nito. Hanggang sa muling pagkikita ikumusta mo ako diyan pakisabi sa panginoon magbabago na ako" may luhang dumadaloy sa aking mga mata pero nakangiti kong sabi sa kanya.


Dahil naguguluhan sina Corinthian ay naikwento ko sa kanila ang nangyari. May pagtataka, gulat at halos hindi makapaniwala sa nangyari.


"Hanggang sa huli parin pala ay naging positibo ang pananaw ng aking kapatid sinulit niya ang huling sandali niya sa pag gawa ng mabuti ipinagmamalaki ko iyang kapatid ko hindi man kami matagal na magkakasama proud parin ako sa kanya" si Brixx na may ngiti na ngayon sa mga labi.


Gumaan din ang pakiramdam ko, simula ngayon susulitin ko ang buhay ko may mga masamang bagay man na nangyari sa akin may pagkakataon pa naman akong gumawa ng magagandang karanasan kasama ang mahal ko si Corinthian. At patuloy kong iingatan ang mumunting ala-alang binigay ni Mikaela na malaki ang tulong para sa akin.


May kanser pala siya, kaya siya maputla at wala ng buhok. Pero ang nilalaman ng kanyang pagkatao ay napakakulay upang ang mga bagay na madilim ay lumiwanag.


Tinulungan naming ayusin ang burol ni Mikaela, sila nalang palang dalawa ang magkasama ng kuya niya. Kaya ngayon nag iisa nalang si Brixx. Nasa iisang subdivision lang pala nakatira si Corinthian at Brixx naisipan naming pasyalan palagi si Brix para hindi marandamang nag iisa nalang siya.


Ilang araw lang at nailibing na si Mikaela at natitiyak kong masaya siya at maraming napapasaya kung nasaan man siya naroroon.


Isang buwan ang pinalipas ni Corinthian bago siya nagpropose sa akin. Walang pagsidlan ang galak ko ng sandaling iyo, tatanggi pa ba ako? Kaya sinagot ko ang proposal niya ng yes!


Nasa ibang bansa ang mga magulang ni Corinthian. Umuwi ang mga ito ng malaman na magpapakasal na ang anak nila. Katulad niya din mabait ang mga ito kaya nakasundo ko agad sila. Sa halos mag dadalawang taon namin ngayon ko lang sila nakita madalas ay busy. Pero naikukwento naman daw niya ako dito.


Sobrang saya ko, dahil pagkatapos ng mga madidilim na nangyari sakin talagang may bahagharing naghihintay. Dalawang buwan ang nakalipas at kasal na kami ni Corinthian naging masaya ang buhay mag asawa namin napaka hands on niya sakin lalo na nang nalaman niyang nagdadalang tao na ako makalipas ang ilang linggo pagkatapos ng honeymoon namin, sa palawan lang namin ginanap ang honeymoon, gusto ko kasing libutin ang napaka gandang mga lugar dito.


Nakakarelax ang mga tanawin, ang bughaw na karagan na akala mo'y wala ng hangganan at ang mayayabong na mga puno. Ang nagagandahang mga tanawin.


Kaya naisipan namin dito magpatayo ng bahay namin. Gusto ko ng ganitong buhay simple at napakatahimik wala na akong mahihiling.


Isang malusog na sanggol na lalaki ang naging anak namin. Sinunod ko sa pangalan namin, Corinthian Jazzen Salvador.


"Salamat babe, mahal na mahal kita at ang anak natin" madamdamin kong sabi, nadagdagan na naman ang kahulugan ng buhay ko. Dahil munting anghel na binigay samin.


"Mahal ko din kayo ni baby CJ, gagawin ko lahat para sainyo."


Dahil sa halo halong damdamin nagtagpong muli ang aming mga labi, na hindi ko pagsasawaan sa tagal man ng panahon.


-END.



Madalas pinapipili tayo ng tadhana. Sakit o pighati. Parang wala namang pagpipilian. Madalas sarado ang ating kaisipan. Wala sa edad o sa sakit ng ating nararamdaman. Oh, sa dami ng problema. Sa kung paano natin titignan ang isang bagay. Sasalubungin ng walang takot. Lalaban kahit hindi kana ipinaglalaban. Pinanghihinaan ka man ng loob. Isarado mo man ang puso mo. Huwag mong kakalimutang may Diyos. Handa kang ipaglaban, kahit tinalikuran kana ng lahat. Ligayang dulot pagkatapos ng pighati. Mamahalin ng walang pasubali. Ibigay mo lang ang tiwala. Hindi kana mawawala.

"Plagiarism is a crime."

MegumiJ29 Creator