Sa mundo ng "Leirvion" (Levyon), more than a trillion light years ang layo mula sa ating mundo. Isang pangyayari ang kinahaharap ng mga Liervionans. Ito ay ang tinatawag nilang "Imit Chaotic Age", kung saan ang dalawang pinakamakapangyarihang halimaw na naghahari sa liwanag at dilim, ang "Black Beast" at "Airen Dragon", na kapwang kayang gamitin ang lahat ng elemento at walang kahinaan ay nagawang talunin ng isang "Karzel" (hunter demon) na kilala lang sa pangalang "Neville". Ito ang dahilan ng pagsisimula ng Imit Chaotic Age, kung saan ang kapangyarihan ng dalawang halimaw ay naikulong sa katawan ng tao. Isa para sa Black Beast at isa naman sa Airen Dragon. Kasama rito, lumabas rin ang mga "Kenstry", ang mga tao na susi upang mapag-isa ang kapangyarihan ng dalawang halimaw. Mayroon silang kapangyarihan ng bawat isang elemento tulad ng apoy, tubig, hangin, at lupa. Ngunit may mga henerasyon na higit pa sa apat na Kenstry, minsan may buhangin, nature, at iba pa na kasama rito. Ang kaharian ng "Erlenia" ang naatasan na protektahan ang mga "Kenstry" dahil nasa Royal Family nila ibinigay ang kapangyarihan ng Airen Dragon at sila ay tinawag na "Protector" upang hindi ito makuha ng nagmamay-ari ng "Black Beast" upang maghari hindi lang sa mundo ng Leirvion, kundi sa buong kalawakan. Ilang henerasyon na silang nagtatagumpay na pangalagaan ang mga Kenstry ngunit nangangamba sila dahil ayon sa propeseya mas magiging malakas at makapangyarihan ang ika-labintatlong henerasyon ng Black Beast. Magagawa kaya ng ika-labintatlong henerasyon ng Protector na protektahan ang mga Kenstry laban sa Black Beast o tuluyan na itong magtatagumpay at maghari sa buong kalawakan? 09/10/2018(12:53pm) #PFA #DD #FSF
Mr. Err0rN0tEs Creator

...