Tulad sa isang bulalak ang pag-usbong ng kagandahan ng isang babae. Ngunit hindi para kay Iris na isang wirdong mahilig sa Horror movies, series at iba pang nakakatakot na bagay. Para sa kanya ang kadiliman ay kanyang kaibigan.
Hanggang sa makilala niya ang lalaking napagkamalan niyang gangster dahil sa hitsura. Si Dandy na isang anak mayamang may pagkamaangas ang dating. Magtatagpo ang landas nila at makikilala nang husto ang isa’t isa.
Mamukadkad kaya ang kanilang pagsasama tulad sa isang magandang bulaklak o mauwi na lamang ang lahat sa isang Horror na relasyon? Sa paglalim ng kanilang samahan matutuklasan ang sekretong magpapakilala sa tunay na pagkatao ni Iris.