HALFWAY POINT
It's a distance that is equally far from two places.
"Ano Ma'am? Kaya niyo pa ho ba?" Tanong ni Kuya na kanina pa naka-alalay sa akin. Alam kong pagod na rin siya kaka-alalay at kakahintay sa akin. As usual, nasa dulo lagi ako ng trail.
Hays! Bakit ko ba naisipang gawin ulit ito?
"Sa-sandali K-kuya, j-just give me t-two minutes. Woah! I n-need to breathe. Inhale, exhale." Halata ang pagod ko sa paghingal ko. Naupo ako sa saglit sa isang malaking paanan ng puno.
Alam kong malayo pa pero parang hindi ko na kaya pang umahon.
"Woah! Kaya mo ito Dyna! Nakaya mo nga noon eh!" pag-self-motivate ko sa aking sarili, grabe rin ang tagaktak ng pawis ko dahil sa isang oras naming paglalakad. Puro na kasi pa-akyat ang nilalakaran namin kaya ramdam ko na ang pagod at hingal.
"Talaga ho bang hiker kayo Ma'am? Parang hindi niyo na ho kasi kaya eh. Haha. Aba'y malayo pa ho tayo sa tuktok." aba't parang di tanong yun ahh, iniinsulto yata ako ni Kuya. Uminom muna ako ng tubig bago siya sagutin.
"Matagal na po kasi akong hindi na-ahon Kuya, simula nung pandemic di na ko nakapag-hiking ulit." pagsisinungaling ko at maya maya ay tumayo na rin ako para magpatuloy sa pag-akyat.
Kahit pagod ako ay pipilitin ko pa ring umahon.
Gusto ko ulit makita ang lugar kung saan una kaming nagkakilala eh.
Memorable sa aming dalawa ang lugar na ito.
"Bakit ho pala kayo mag-isa Ma'am? Naalala ko ho kasi kayo, parang isa po kayo sa kasama ni Sir Patrick noon." Nang banggitin niya ang panagalan ni Patrick ay natigilan ako.
"Bakit ho kayo huminto Ma'am?" lumingon lang ako kay Kuya at di na pinansin ang tanong niya.
"Kuya ano nga ulit pangalan niyo?"
"Jimboy po Ma'am." naglakad ulit kami. Matarik na ang daan, mabuti na lang at di maulan. Kasi kung maulan o maputik ang daan, sigurado 'GPS' na naman ako nito : 'Gapang Para Safe'
"Kuya Jimboy, lagi ho bang dito ang ahon ni Patrick?" Ahon ang tawag ng mga hiker kapag umaakyat sila ng bundok.
"Ay oo Ma'am, halos linggo linggo ho. Nadala na po ata niya lahat ng kaibigan at katrabaho niya rito, pati ho pamilya niya na-isama na niya rito."
"Edi, kilalang kilala niyo po pala siya, Kuya Jimboy?" napahinto ulit ako, para magpahinga ng konti at isa pa, kailangan kong pag-isipan kung paano ko hahatakin ang sarili ko paangat para makatuntong sa isang malaking bato. Medyo may kataasan iyon at agad namang napansin ni Kuya Jimboy na kailangan ko ng tulong ulit niya.
Hirap akong hatakin ang katawan ko paangat kaya halos nasa kanya na ang bigat ko "Kaya niyo yan Ma'am. Ayan konti pa." sabi pa ni Kuya Jimboy.
"Pasensya na po Kuya." muli ay nagpatuloy kami sa paglalakad ng maka-akyat na ko.
"Ayos lang po Ma'am. Si Sir Patrick din po mahilig tumulong sa ibang hikers, kahit pa minsan hindi naman kasama sa grupo niya, basta kailangan ng tulong at kasabayan naman umakyat ay talagang umaalalay din siya." Tahimik lang akong nakikinig kay Kuya Jimboy.
"Isa si Sir Patrick sa bumuhay ng turismo rito sa aming Bario. Marami siyang naituro sa amin, lalo na sa pagto-tour guide Ma'am."
I remember his views in life.
Basta kaya niyang ituro o ibigay sa ibang tao, ituturo at ibibigay niya ito.
Hindi siya madamot na tao.
That's one of his genuine and lovely characters that I love about him.
"Good morning po." Ilang hikers ang nakasalubong namin, siguro ay galing sila sa kabilang trail at naka-akyat na sa mountain's peak. Huminto muna ulit kami saglit para bigyan sila ng daan.
"Good morning din po."
"Dyna?" napatitig ako sa pababang lalaki na tumawag sa pangalan ko. Do I know him?
"Uhm?" Nagsalubong ang kilay ko at pilit kong inaalala ang pangalan niya.
"It's Ricky, Patrick's friend, remember?"
"Ahh, yeah. I remember now." He's one of Patrick's colleagues in this field. They both love mountains and adventures.
"What brings you here? Kasama mo ba si Pat?" tipid ang ngiti ko bago siya sagutin.
"Nope, solo ako ngayon."
"Ahh okay, sige una na kami huh. I-kamusta mo na lang ako kay Patrick."
"Oh wait! Is that Dyna?" Another hiker ang bigla bigla na lang sumulpot sa kung saan. And I also don't remember her.
It's a woman. Don't tell me kaibigan din siya ni Patrick?
"Yes, she's Dyna, tara na Marj para makadaan pa tayo sa Falls," sabi pa ni Ricky, hindi pa pala siya naglakad pababa dahil hinintay muna niya ang ilang kasama para maalalayan, "Don't worry Dyna, Pat didn't know her. She's my Girlfriend by the way, naikwento ko lang sa kanya ang lovestory niyo ni Pat." Parang natatawa pa ito habang nagpapaliwanag, nakita niya siguro ang reaction ko ng tawagin ako ng girlfriend niya.
"Ow, well, ingat kayo pababa..."
"Bye Dyna." napasenyas na lang ako ng pamamaalam. Hindi ko naman alam na kilala nila ako. O di ko lang talaga matandaan na naipakilala na sila sa akin ni Patrick noon? Sobrang tagal na kasi talaga nung huling akyat namin eh.
"Dyna? Yun po pala pangalan niyo Ma'am?" Si Kuya Jimboy ang nagtanong matapos makalayo ang dalawang dumaan na kaibigan ni Patrick. Halatang sikat siya rito ah at maging ang pangalan ko ay alam nila. Nakakapagtaka.
"Yes po." tipid kong sinagot ang tanong ni Kuya Jimboy. Naglakad na ulit kami matapos makaraan ang ilan pang kasalubong namin hikers. Ganito talaga kapag iisa lang ang trail o lalakaran, bigayan lang sa daraanan.
"Lagi ho kayong naikukuwento ni Sir Patrick."
"Kwento? Talaga po ba? Anong klaseng kwento naman po?"
"Kung gaano ho kayo kaganda, kagaling magluto, kung gaano ho kayo katalino mga ganun po." Halos mag-init ang dalawa kong pisngi sa mga sinabi ni Kuya Jimboy, puro talaga kalokohan itong si Patrick. Hindi agad ako nakapagsalita nang dahil doon. Saglit ding napahinto sa pagsasalita si Kuya Jimboy pero tuloy lang ang lakad namin.
Nilingon ko siya sandali para malaman kung bakit ito natahimik. At ng magtama ang aming mga mata, saka ito nagsalita ulit.
"Nai-kwento niya rin ho kung bakit kayo naghiwalay Ma'am."
"Ahh, ikaw kuya ha, may pagka-chismoso ka ahh. Haha." tumawa akong para maalis ang nagbabadyang 'awkwardness' sa pagitan namin, parang tinatantya ni Kuya Jimboy kung itutuloy pa ba niya ang usapan tungkol sa hiwalayan namin ni Patrick.
"Past naman na iyon Kuya, siguro after ng akyat ko na ito, magkakaroon na rin ng closure." Hindi ko na siya ulit nilingon, diretso na ulit ang tingin ko sa daraanan.
Ilang minutong lakarin.
Ilang minutong katahimikan.
Ako na mismo ang bumasag ng katahimikang iyon.
"Alam mo ba Kuya Jimboy, iba yung pakiramdam ko nung makabalik ako rito." hinihingal man ay nagpatuloy ako sa pagsasalita. Ilang oras na pala kaming naglalakad at alam kong malapit na rin kami sa mountain's peak.
"Tingin ko magiging masaya at tahimik na ako kasi alam kong masaya at tahimik na rin si Patrick." Nanatiling walang imik si Kuya Jimboy. Hinihintay ang susunod ko pang sasabihin.
"Itong pag-akyat ko ngayon ay parang relasyon namin noon. Nagsimula ako na buo ang loob na kami hanggang dulo, pero nung halos nasa gitna na ng paglalakad, nakaramdam ako ng pagod at pagsisisi." agad na dumaloy ang mga luha ko sa aking pisngi. Hindi ko nakontrol iyon na halos sumabay pa sa pawis ko na sanhi ng pagkahapo sa paglalakbay namin.
Hindi pa rin nagsasalita si Kuya Jimboy. Mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit ako narito.
Napatingala ako saglit, isang hakbang na lang mararating na namin ang tuktok.
I want to feel him again.
I want to see him again.
Sa pagtapak ko sa paborito puwesto niya kapag kumukuha siya ng litrato ay ginawa ko na ang pakay ko.
"Ma'am bakit ho kayo naghuhukay?"
"This is what He wanted. Ito ang huling hiling niya sa akin Kuya Jimboy." patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko habang naghuhukay. Nakatalikod ako kay Kuya Jimboy kaya di niya alam na umiiyak ako.
Nang lingunin ko si Kuya Jimboy ay bakas sa mukha niya ang pagtataka. Nakita niya rin ang mugto kong mga mata.
Nang sapat na ang lalim ng hukay ay inilabas ko sa aking bag ang urn jar ni Patrick.
"He died two years ago." I paused for a minute, praying for his soul and trying not to imagine how he died alone. Maya maya pa ay napa-iyak na rin si Kuya Jimboy. Hindi akalain ang taong kanina niya pa ikinukwento ay namayapa na.
Wala akong narinig na kahit anong salita pa kay Kuya Jimboy, halatang ayaw sana nito magpakita ng kahinaan. Mukhang malapit talaga si Patrick sa mga taga-rito.
"I'm sorry Patrick. I'm sorry for making you wait. Sorry kung napagod ako. Sorry kung bumitaw ako." Hindi ko mapigilan ang mapahagulgol. Wari'y boses ko lang ang umaalingawngaw sa kabundukan ngayon. Hindi alintana kung may ibang tao pa sa paligid.
Tinanaw ko ang lahat, nagbabaka sakaling maramdaman ko siyang muli. Nagbabaka sakaling maibalik ko pa ang lahat. Ngunit tanging haplos lang ng malamig na hangin ang dumadampi sa aking balat. Ang init ng araw ay unti-unting nawawala, at para bang alam ng kaulapan ang pighati kong nararamdaman kaya't parang nagbabadya ang pagbuhos ng ulan ano mang oras.
Sinubukan akong lapitan at aluin ni Kuya Jimboy pero parang may sariling isip ang mga luha ko at ayaw nitong tumigil. Tanging kalungkutan ang tuluyang bumalot sa akin.
Mas lalo kong naramdaman ang pag-iisa.
Ang lugar na ito ang aming simula at ngayo'y magiging wakas.
"Namimiss kita palagi, walang oras na hindi." halos pabulong pero bumabaon ang sakit sa aking dibdib. Napaka-bigat sa pakiramdam.
Sobrang bigat ng kalooban ko Pat. Sobrang bigat ng puso ko.
Tuloy tuloy pa rin ang mga luha ko, ganon din ang mga bagay na gusto kong sabihin sa kanya. Napatingin pa ko muli sa urn jar niya bago tumingala sa kalangitan.
"Napakadaya mo! Hindi mo ba alam na ang sakit sakit na! Sobrang sakit na Patrick! Ang hirap gumising sa bawat araw na wala ka!"
Gusto ko nang makalaya sa sakit Patrick.
Isisigaw ko lahat dito, gaya ng sabi mo sa huling sulat mo.
"Sa bawat lugar na pinupuntahan ko! Sa bawat gagawin ko! Ikaw at ikaw lang ang naaalala ko! Bakit kasi kailangan mong mawala?!"
Sabi mo sa sulat mo, pag-naka-akyat na ko rito maririnig mo ko, because you said heaven was halfway here...
"Baka pwede mo na kong balikan Pat! O kaya isama mo na ko diyan. Mababaliw na ko kakahintay sayo eh!"
Para na talaga akong baliw na kinakausap ang kalangitan.
Nagmamaka-awa.
Humihiling ng imposible.
"Tama na ho Mam Dyna, alam ko hong masakit pero kailangan niyo pong tanggapin."
"Pinipilit ko namang tanggapin, pero eto mismo ayaw tanggapin ang katotohanan! Ayaw nitong makalimot!" itinuro ko pa ang kaliwang dibdib ko kung saan malapit ang puso ko.
"Paano nga naman makakalimot kung ito mismo ang puso niya?! Ng dahil sa akin kaya siya nawala. Ang buhay ko ngayon... Ang dahilan ng pagkawala niya!"
"Minsan kailangan nating magpalaya para makalaya rin tayo."
"Paano? Paano ko gagawin yun?" pinilit kong ikalma ang aking sarili, pinipilit kong intindihin ang mga sinabi niya. Mahigpit kong niyakap ang urn jar niya, tahimik na humihikbi habang patuloy sa pagsasalita si Kuya Jimboy.
"Palayain mo siya Ma'am, kaya ka siguro pinapunta ni Sir Patrick dito para makita mo pa ang ganda ng mundo. Para makita mo ang tunay na ganda ng buhay, tingnan mo Ma'am." inilibot ko ang paningin ko.
Ang kaninang nagbabadyang pagbuhos ng ulan ay naging ulap na dagat na yumayakap sa kabundukan.
Is this how you see heaven, Patrick?
Many minutes had passed, inilagay ko na ang urn jar ni Patrick sa hukay. Pati ang huling liham niya sa akin ay isinama ko ng ibinaon roon.
Malaya ka na Pat.
Pinapalaya na kita.
Sana dumating din ang oras na makalaya ako sa sakit ng pagkawala mo.
HALFWAY POINT It's a distance that is equally far from two places.