DUNGEON ZERO





Chapter 1 : Happy Birthday!



Z I R O



TAHIMIK lang ako habang pinagmamasdan ang bayang tanaw mula sa kwarto ko. Ang sarap ng hangin mula dito sa bintana, maririnig mo din ang mga huni ng ibon at makikita ang mga nilalang na lumilipad sa himpapawid.



Sa pamumuno ko ay natigil ang labanan sa pagitan ng mga halimaw at Tao, alam kong pahirapan sa pagkausap sa kanila pero kailangan upang maibalik ang kapayapaan.



Mahirap man ang posisyong meron ako pero sa tuwing naiisip ko ang mga taong umaasa saakin ay nawawala ang takot ko. Napatingin ako sa likuran ko ng pumasok si Riku habang may ngiti sa labi niya. Tumabi ito saakin at sumiksik talaga para lang makita ang tinitingnan ko. Hindi naman kasi gaano kalakihan ang bintana ko.



Pinagmasdan ko lang siya habang dinadama ang hanging dumadampi sa balat niya. Hinahangin naman ang buhok namin. Mediyo mahaba nadin ang buhok ko, magpapagupit nalang ako mamaya. "Ziro" nilingon ko si Riku na nakatingin parin sa bayan ng Andoria.



"Hmm?"



"Gusto mo bang dalawin ang magulang ko?" Ilang segundo siguro ang lumipas bago mag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Wala sa sarili kong sinabi ang salitang 'sige' at napangiti naman ito.



Hinila na ako nito at hindi na ako nakapagpumiglas pa dahil sa higpit ng hawak niya. Dudurugin ata ng babaeng to ang kamay ko. Habang naglalagad kami ay nakatingin lang ako sa kaniya. Parang may mali kasi sa kilos niya.



"Riku ayos kalang ba?" Taka kong tanong sa kaniya.



"H-huh? Ayos lang ako! T-tama ayos lang" nag iba ang lakad nito na parang robot. Ano bang nangyayari sa kaniya? Nakakapagtaka.



Hindi ko nalang ito pinansin at nag patuloy kami sa paglakad. Sinamahan kami ng ilang kawal at kasama doon si Hance. Si Hance ang punong kawal at pinagkakatiwalaan ni haring Alvan, katiwa-tiwala naman talaga siya dahil binibigay niya ang buong puso niya sa bawat gawin niya.



Pumunta kami sa simenteryo at pumunta sa libingan kung saan nakahimlay ang mga magulang ni Riku.



Riyana Verdilion



Victor Verdilion



Yan ang nakalagay sa lapida. Tinulungan ko siyang linisin ang lapida na natabunan ng mga tuyot na dahon at iilang lupa. "Parang ang tagal na atang hindi ito nadadalaw"



"Tama ka, simula ng mapasama ako sa Arc knight nakalimutan ko na silang dalawin" mapait itong napangiti at pinigilan niya ang luhang babagsak sana. "Tanda mo yung una nating pagkikita?"



Napaisip naman ako at natawa ng maalala "Oo, sino bang makakalimot sa pangyayaring yon? ikaw ba namang tutukan ng espada ng taong niligtas ka" natawa naman ito ng bahagya at mukhang naalala niya yung ginawa niya.



Parang maiihi ako non sa kaba, ewan ko kung bakit ganon nalang ang takot ko, siguro dahil sa alam kong kaya niya akong mapatay.



Napatingala ito at parang inaalala ang mga nangyari non "alam mo ba, gusto kitang patayin non yung tipong gusto kitang pag pira-pirasuhin"



"Pero bakit hindi mo tinuloy?"



"Kasi naisip ko, ano bang magandang mangyayari pag pinatay ko ang walang kaalam-alam na lalaking to? Mabubuhay ba ang magulang ko kapag ginawa yon? Tas ayun, hindi ko tinuloy" lumingon ito saakin at ilang minuto ata kaming nag titigan.



"Naaawa kaba saakin?" Umiling-iling naman ito "bat hindi moko pinatay?"



"Kung pinatay kita tingin mo magiging hari kaba?" Natawa naman kami. Parang kailangan ko pang magpasalamat sa ginawa niya.



Nagkwentuhan lang kami tungkol sa mga nakaraang pinaggagawa namin at talagang naalala pa niya yon. "Hoy! Mag kaibigan lang kami ni Diyosa no"



"Wag moko lokohin Ziro, nakita namin kayong dalawa na magkatabi matulog. Magkayakap pa nga kayo eh" nginisi ako nito na parang nang-aasar. Wala naman talaga akong gusto kay Sora dahil ang turing ko sa kaniya ay kaibigan.



"Sanay lang talaga kami minsan na magkatabi. Pamilya ko si Sora at hanggang don nalang yon, nakita mo naman diba ang mga tingin saakin ni Sandro pag tungkol na kay Sora? Baka mapatay pa ako nun"  Sa simula palang ay alam ko ng may gusto ang dalawang yon sa isa't isa at ayokong maging dahilan upang hindi sila mag katuluyan.



"Talaga bang pamilya lang ang turing mo sa kaniya?" Tumungo-tungo naman ako at tinaas ang kanang kamay upang mangako.



"Siyempre ang turing ko sayo," nagulat ito at parang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Napakamot naman ako sa batok ko "S-siyempre kaibigan lang" parang nadismaya naman ito at nakita ko ang inis sa mukha niya.



May mali ba akong sinabi?



Tumayo ito at sinamaan ako ng tingin. Masama ang pakiramdam ko dito at mukhang mapapatay niya ako. "Ang manhid mo talaga!" Nakatanggap ako ng sipa mula sa kaniya at halos tumilapon ako at napasandal sa isang puno.



Hindi man lang umimik ang mga kawal at parang natatakot sa kaniya. "R-riku! Bakit b—" malakas niyang sinuntok ang puno at napaiwas naman ako sa kamao niya na kamuntikan ng tumama saakin.



"WO.MA.NI.ZER!" Bumwelo ito at malakas akong sinuntok. Wala na akong maalala sa sumunod na nangyari ng dumilim na ang paningin ko.



MEDIYO malabo ang paningin ko kaya hindi ko gaano makita ang paligid ko. Madilim, At tanging ang isang bumbilya mula sa itaas ko ang nagsisilbi kong liwanag. "Riku? Nasaan ka?"



Bakit naman kaya ako dinala ng babaeng yon sa lugar nato?



"Hinahanap moba ang babaeng to?" Lumitaw ang isang tao na nakasuot ng maskara. Base sa tindig at boses niya ay lalaki siya. Pamilyar yon at parang narinig ko na yon sa kung saan. Napatingin ako sa hawak-hawak niya at nanlaki ang mata ko ng makita kung sino yon.



"Riku!" Hindi man lang ako makaalis sa pwesto ko dahil sa kadenang nakakabit sa akin. "Anong kailangan mo?!" Sinamaan ko ito ng tingin at pilit na inuusisa, nagbabaka sakali akong makilala ang taong nasa harap ko.



"Gusto ko ang trono m—"



"Hance? Teka—ikaw nga! Hance ano bang ginagawa mo?" Nagulat naman ito at naaligaga na. Hindi mapakali ang ulo niya sa kaka lingon. "Hance, sabihin mo anong nangyayari?" Kalmado kong tanong sa kaniya.



"A-ano po kasi Mahal na hari.. ano" tinaasan ko ito ng kilay pero umiwas lang ito ng tingin saakin. Ano naman kaya ang problema? Parang takot na takot siya. "Isa... dala—"



"E-eto na po! S-sila—jsjsjwhsxh" tinakpan ng kung sino ang bibig ni Hance upang pigilan sa pagsasalita. Nang makita ang asul niyang buhok ay doon ko lang nakilala kung sino yon.



"Sandro? Teka ano ba talagang nangyayari?" Hindi ko tuloy maiwasang magtaka sa kinikilos nila. Una si Riku na hindi mapakali kanina, si Hance na parang takot na takot at si Sandro na bigla nalang sumulpot. Sobrang nakakapagtaka na talaga ang nangyayari ngayon.



"Hay! Wala na nasira na ang plano" nagpakita naman sumunod si Sora at binuksan ang ilaw. "HAPPY BIRTHDAY ZIRO!" Nagulat ako ng makitang nandito ang lahat.



Si Miya, Creg, fey, Freya at ang iba pa. Para bang ilang taon na din nung huli ko silang nakita. Nang bumukas ang ilaw ay doon ko lang napagtantong nasa palasiyo kami. Puno ng mga lobo ang bawat sulok at may iba't ibang dekorasiyon ang paligid.



"K-kaarawan ko?" Hindi makapaniwala kong tanong. Tinapik ni Sandro ang braso ko at tinanggal ang kadenang nakakabit saakin.



"Ano kaba Ziro? Lagi mo nalang nakakalimutan ang kaarawan mo!" Saway saakin ni Sora at piningot ako. Hindi ako dumaing o sinaway siya, bagkos ay niyakap ko siya. Umiiyak nanaman ako, dahil siguro ito sa tuwa. "Iyakin ka talaga kahit kailan" hinimas nito ang likod ko at mas hinigpitan ko ang yakap sa kaniya.



Ilang buwan naba ang lumipas nung huli ko silang nakita? Dalawa? Tatlo? Umalis sila para gawin ang misiyon nila na kausapin ang mga halimaw na makianib at makipagkaibigan saamin upang maibalik ang kapayapaan.



Nagawa naman nila ang misiyon nila, sila ang may dahilan kung nasaan kami ngayon. "Nakakatuwa na nandito kayong lahat" masaya kong sabi habang pinupunasan ang luha ko.



"Kuya Ziro, hindi namin papalampasin ang araw nato!" Masiglang sabi ni Creg habang may ngiti sa labi. Makikitang malaki na siya at ngayon ay isa nading Adventurer.



"Nagpapasikat ka nanaman!" Sigaw ni Miya kay Creg. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya o sadiyang trip lang ni Miya na awayin si Creg. Hindi parin sila nagbabago dahil lagi paring nag-aaway ang dalawa.



"Ziro ko~" yumakap sa braso ko si Felisha at hindi nanaman mapakali ang tenga niya "Tingan mo yung Cake" hinila ako nito at pinakita ang napakalaking cake na may 3 layer ata.



"Grabe ang laki naman, sino nagluto?" Tinuro niya si Riku na tahimik lang sa isang sulok. "Si Riku? Hindi ko alam na marunong pala siya gumawa ng cake" Base kasi sa itsura ni Riku ay hindi siya sanay pagdating sa pagluluto.



"Siya din ang nagluto ng mga handa ngayon" ngumiti naman ito at nginitian ko nalang pabalik. Iniwan ko muna saglit si Felisha at nilapitan si Riku.



"Riku," tawag ko dito at napalingon naman ito saakin. "Balita ko ikaw daw ang nagluto ng handa natin ngayon" umiwas naman ito ng tingin.



"Ang daldal talaga ng elf nayon" bulong nito. Natawa naman ako at kumuha ng plato at naglagay doon ng niluto niyang adobo.



"Titikman ko ha" agad ko yung tinikman at para bang may kung ano akong nalasahan. Kakaiba, kakaiba talaga...



"M-masarap ba?" Tumungo-tungo naman ako at pilit na ngumiti. Para akong kumain ng panis na ulam, inaamag na tinapay at kung ano pang mapapangit ang lasa na maaari mong matikman sa buong mundo.



Taka naman ako nitong tiningnan. Hindi ko dapat siya pahiyain, dapat hindi ko ipakita na hindi masarap ang pagkain. Nanginginig ang kamay ko ng kainin ko lahat ng adobong nasa plato ko. "Masarap!" Nag thumbs up ako at parang guminhawa naman ang pakiramdam niya.



"Buti naman, akala ko hindi masarap" ngumiti ito at makikitang nagustuhan niya ang sinabi ko.



"S-sige aalis muna ako saglit"



"Huh? San ka—" hindi ko na siya pinatapos pa at tumakbo na papalayo, agad akong pumunta sa Garden at doon sinuka ang kinain ko kanina. Hindi ko akalaing ganon pala ang lasa non, mukhang masarap pero pag tinikman mo na ay masusuka ka talaga.



Napatingin ako sa kaliwa ko ng makita si Sandro na nakatayo sa sulok at mukhang takot na takot. "Sandro anong ginagawa mo diyan?"



"Shhh! Baka marinig tayo ni Riku!" Mahina ngunit may diin sa boses niya. Mas siniksik nito ang sarili sa mga halaman na talagang matatakpan siya.



"Bakit ba?" Tumingin ito sa kaliwat-kanan niya at hinila ako papalapit sa kaniya. Ngayon ay dalawa na kaming nagtatago sa nagtataasang halaman.



"Tumakas lang ako, alam mo kasi pag nagluto na si Riku hindi mo na gugustuhing kumain ng kahit anong pagkain" para bang sumama ang timpla ng tiyan ko sa sinabi niya.



Para bang ang kahit anong makita kong pagkain ay luto ni Riku. "Tama ka, ayokong masaktan ang damdamin niya kaya ano... nagsinungaling ako"



"Ang party na to ay isa nang impyerno para saamin ng Arc knight! Yung mga bisita mo hindi pa natitikman ang handa ni Riku kaya wala silang alam! Sigurading nagtatago nadin ang iba kaya dito ka nalang din!" Babala nito. Wala akong nagawa kundi ang magtago din.  "Ilang taon kana ba ngayon?" Napatingin ako saglit sakaniya.



"Bente" tamad kong sabi sa kaniya



"Ziro! Sandro? Nasan kayo!?" narinig namin ang boses ni Sora na naghahanap saamin. Hindi na ako mapakali dahil baka magalit saamin ni Sora pag di kami lumabas.



Akmang lalabas na ako ng pigilan ako ni Sandro at umiling ito ng dahan-dahan. "Baka magalit siya saatin!" Mahina kong sabi.



"Anong gusto mo? Magsuka ng magsuka o mabungangaan ni Sora pumili ka?" Nanahimik nalang ako at niyakap ang tuhod ko. Mas gusto ko naman yung bungangaan ako ni Sora, pero pag hindi ako lumabas dito siguradong malulungkot si Riku at matutulad saamin ni Sandro ang mga bisita.



"Kailangan nating iligtas ang mga bisita" napalingon saakin si Sandro at parang nagtataka. "Sa dami nila siguradong madaming magagalit at lalayo kay Riku, ayokong mangyari yon"



Napabuga ito ng hangin at tinapik nalang ako sa balikat. "Sige na.."



"Sige na? Pumapayag ka ng iligtas natin sila?" Tinulak ako nito at ka muntikan pa akong mangudngod sa damuhan.



"Asa ka! Gawin mo yan mag-isa!" Nakakahiya siya. Tumayo na ako at dali-daling pumunta sa kwarto kung nasaan sila. Sigurading hindi pa sila makakain kaagad dahil wala pa ako. Maililigtas ko sila sa tamang oras!



Marahas kong binuksan ang pinto at saktong hindi pa sila nakakakain. "Ziro saan kaba nagpunta?" Tanong kaagad saakin ni Anthoneth.



"Wag niyo kainin ang handa!" Nagulat naman sila sa sinabi ko. Taka akong tiningnan ni Riku at mukhang nakakatunog na ito. "W-wag niyo kainin dahil..." napatingin ako kay Riku na mukhang iiyak na.



Jusko po bahala na! Kayo ng bahala saakin!



"Dahil ako lang ang pwedeng kumain ng handa ni Riku, ayokong matikman niyo yan dahil sa sobrang sarap talaga namang magkakagusto kayo sa kaniya"



"Masarap pala eh! Edi kakainin na namin!" Akmang kukuha na si Yuri ng muli akong magsalita.



"T-teka! M-magpapakain tayo sa bayan! Tama, ililibre ko kayo. Kahit anong gusto niyong kainin ay bilhin ko" natuwa naman sila at nagsilabasan.



Nakahinga naman ako ng maluwag. Tiningnan ko si Yuri na sarap na sarap sa kinakain niya. Wala bang panlasa ang babaeng to?



Lumapit saakin si Riku at tiningnan ako ng asul niyang mga mata. Wala nanamang emosiyon yon na parang bumalik ang dating siya. "Alam kong hindi masarap" malungkot itong lumabas at naiwan akong tulala at puno ng pagsisisi.



ZaiPenworld Creator