"Loneliness is like starvation: you don't realize how hungry you are until you begin to eat."
~ Joyce Carol Oates
Taong 2020, bumaba ang ekonomiya sa buong mundo, kasama na ang Pilipinas. Malaki ang ibinagsak ng ekonomiya ng Pilipinas nitong 2020 nang maranasan ang pandemya dulot ng covid-19. Ayon pa sa ulat ng Philippine Statistics Authority o PSA, lumagpak sa negative 9.5 percent ang Gross Domestic Product o GDP, kung saan ito na ang pinakamababang gdp na nakamit ng bansa mula nang matapos ang World War II.
Naging matindi ang epekto ng pandemya sa karamihan. Nasa milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho at kabuhayan. At tanging ang dulot nito ay pagkagutom. May mga naitala ding mga namatay karamihan ay dahil sa virus at may iilang dahil sa pagkagutom. Sa taon ding iyon ay nagkaroon ng vaccine para sa virus ngunit ang bunga ng pagkagutom ng maraming pilipino ay nagsisimula palamang na mahinog.
May isang lugar sa lungsod ng Maynila, kung saan may naglalakihang mga gusali, naggagandahang sasakyan, maliliwanag at makukulay na ilaw, ay nagkukubli ang katutuhanan, nagkukubli ang totoo mukha ng Manila, ang lugar na halos i baon sa limot ng may mga kapangyarihan at ikahiya ng mga nasa taas, ang kahirapan.
Sa pagpasok palang ay sasalubong ang mabahong amoy ng basurang nagkalat at nagpalutang lutang, kakatapos palang umulan kung kaya'y hanggang bukung-bukong ang baha. kahit sino ay aalisan ng tapang na lumusong sa baha, lalo na't bukod sa basura, ay matatanaw din ang mga dagang ani moy naglalaro sa gitna ng baha. Nagsisiksikan ang mga barung barong. may iilang gawa sa yero meron din naman sa kawayan.
"Kung iyong pagmamasdan ang mga tao dito ay masiyahin, laging may kantahan at kasiyahan ngunit sa kabila ng kanilang matatamis na ngiti ay mga kumakalam na sikmura." saad ng lalaking naka red suit at may kulot na buhok.
"Aaron, sila ang masuswerteng napili ko. ipaalam mo sa kanila ang magandang balita at magparami kayo." dagdag pa nito
"masusunod po, Don Franklin."
__________________________________________________________
March 15, 2020 pinatupad ang ECQ O Enhance Community Quarantine. Sa unang gabi ng pagronda ng mga tanod ay walang abiryang naganap. Dumaan ang araw, hanggang sa lumipas ang ilang buwan ay wala paring pagbaba sa kaso ng covid-19 at lalo pa itong lumulubo. Dahil dito maspinahigpit pa ang pagpapatupad ng ECQ at halos lahat ng industriya sa Pilipinas ay nagsarado. Naging dahilan ito upang ang mga tao ay manatili sa bahay at mawalan ng trabahong pinagkukunan ng pera pang tustos sa araw araw. Tanging sa ayuda na pinamimigay ng baranggay lamang sila umaasa, ngunit ito ay kulang kahit anong pagtitipid pa ang gawin. Lumipas ang ilang buwan ay nanatili parin sa ganoong sitwasyon ang buong lungsod ng maynila ngunit hindi na nasundan pa ang pamamahagi ng ayuda.
"Kailangan na naming lumabas upang makapagtrabaho at may ma i uwing pagkain sa pamilya" sigaw ng mga nahuli.
"Kung ayaw niyo kaming lumabas, at magtrabaho, saan kami kukuha ng makakain pang araw araw."mangiyak ngiyak na sabi ng matandang lalaki.
" Hindi nga mamamatay ang pamilya ko sa virus, mamamatay naman sa gutom." nanginginig na sigaw ng isang nanay.
"Hindi ako takot sa virus na yan. Takot ako na mamatay ang pamilya ko sa gutom." nanggagalaiting sigaw ng isang lalaking may malaking pangangatawan at puno ito ng tattoo, may matapang na pagmumukha, ngunit sa mga mata nito ay may nagkukubling mga luha.
"Naiintindihan naman namin ang mga hinaing ninyo, kayo lang din naman ang pinoprotektahan namin laban sa virus." sigaw naman ng isa sa mga tanod.
Dinala ang mga nahuli sa baranggay hall. Karamihan ay mga matatandang lalaki, may iilan din namang mga nanay at ang menor di eda na si Joshua. Isang palaboy sa kanilang baranggay na may mapupungay at mapupulang labi. Sa kabila ng madumi nitong mukha ay litaw na litaw ang kagwapuhan nito.
"Ikaw, noy saan magulang mo? Bakit ikaw ang nasa labas?" Tanong ng isang tanod.
"'wag mong kausapin 'yan, 'di nakakapagsalita 'yan. " sigaw ng matabang tanod na nakatayo sa kanang bahagi ng kapitan .
" Pangalawang huli niyo na to, huwag na sanang maulit dahil pulis na ang manghuhuli sa inyo." Anunsiyo ng kapitan.
Pinakawalan din ang mga nahuli makaraan lamang ang ilang oras. Sa sumunod na araw nga ay pulis na ang rumorunda upang manghuli. Ngunit walang pinagbago, may mga lumabas at lumabag parin upang maghanap buhay. Ang mga nahuling lumabag ay ikunulong at ang mga nanlaban ay sinasaktan. Hindi na sila binigyan pa ng karapatang magpaliwanag.
Dahil sa dami ng lumalabag ay napag pasyahan ng kapitan na isailalim sa 14 days total lockdown ang baranggay na iyon. Sa unang araw ng lockdown ay namigay ng ayuda, ayudang sasapat lamang sa ilang araw. Ngunit kahit papaano ay maswerte parin ang mga nabigyan kumpara sa mga pamilya ng mga nahuli na ayon sa kapitan, ay hindi mabibigyan ang mga matitigas ang ulo.
Lumipas ang mga araw at walang pagkain, tubig na maiinom ang pamilyang naiwan ng mga nahuli. May mga nangamatay na dahil sa gutom ngunit wala paring tulong na natatanggap mula sa taas.
Mga nakaluwang ang mga mata, mga labing sugat sugat at nanunuyo pa, at mga buto butong katawang. Epekto ng labis na pagkagutom at pagka uhaw.
Mula sa labas ay makikita ang isang inang nakaupo malapit sa bintana, tinatanaw ang gate na nakakadena at nakapadlock. Maririnig din ang mga iyakan ng mga batang kumakalam ang tiyan. May batang nakahiga katabi ang walang buhay na katawan ng nakababatang kapatid na 'di kinaya ang gutom. Daan daang pamilya ang naghihintay, umaasa at nananalangin na may tulong mula sa taas ang dumating.
Matapos ang labindalawang araw ay pinalaya ang mga nahuli kasama na ang isang lalaking may malaking pangangatawan na puno ng tattoo na si Fernan at si Joshua na 'di nakakapagsalita.
"Pasalamat kayo sa lalaking iyon, siya ang nag piyansa sa inyo." sabay turo sa lalaking naka all black suit, nasa 30 nasa 5'4 ang taas at halatang mayaman.
"Kilala ko siya." Sabi ng isang lalaki sa mga nahuli. Tumakbo ito papunta sa lalaki at saglit silang nag usap at sumakay din agad ito sa pulang kotse nito.
"Bakit niya tayo tinulungan?"
"Hindi kaya sindikato yun? Baka pilitin tayong gumawa ng ilegal."
"Ano ba kayo, magpasalamat nalang tayo sa kanya." Saad ng lalaking may malaking pangangatawan.
"Tama si Fernan, magpasalamat nalang tayo at tinulungan niya tayo atsaka mabait iyon si sir Seb."
Napawi ang pag a alinlangan sa mga ito at nagpasyang umuwi sa kanyang kanya nila bahay upang makita ang mga mahal sa buhay. Kahit nasa ilalim ng lockdown ang baranggay ay walang nagawa ang mga tanod at pulis kung hindi papasukin ang mga ito lalo na at doon sila nakatira.
Si Fernan na isa sa mga nahuli ay may naiwang dalawang anak at asawa, kaya naman mababakas sa mga mata nito ang pagka sabik. Nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa kanya, ang eskenitang dati ay puno ng mga batang naglalaro ngayon ay napakatahimik. Tinawag nito ang kanyang asawa at agad naman itong sumagot. Niyakap niya ito ng napakahigpit at halik sa noo ang nagsilbing pasalubong nito.
"Nasaan ang mga bata? May binili akong tinapay."
"Nakatulog ka aantay sayo, sandali gisingin ko lang." Inilagay ni Fernan ang tinapay sa lamesa. Habang ang asawa naman nito ay pumunta sa higaan ng mga anak.
"Mga anak, nandito na tatay niyo may dalang tinapay. Diba gutom kayo, sige kayo, ang mahuli walang tinapay." pabirong saad nito.
" Junior... Tinay... Gumising na kayo!" nabalot ng takot ang boses ng asawa nito, maging si Fernan ay lumapit na din upang gisingin ang mga ito. Halos yugyugin na ng mag asawa ang mga anak ngunit hindi parin ito nagi gising.
"Junior...Tinay... Nandito na si tatay, may dala akong tinapay, ung paborito niyo...mga anak." Pagsusumamo ni Fernan ngunit kahit anong gawin ay hindi na ito magising.
humagulgol na sa iyak ang asawa ni Fernan at isa isa na ring kumawala ang mga luha niya. Niyakap niya ng mahigpit ang dalawa at nabalot ang kanilang tahanan ng hinagpis. Masakit man sa mag asawa na makita ang dalawang anak na walang buhay ay minabuti parin nilang ibalot ito ng kanilang kumot.
Isang gabi bago matapos ang ipinatutupad na total lackdown ay nag ronda ang mga tanod at pulis, sa pagpasok sa loob ng baranggay ay sumalubong ang malamig na hanging yumayakap sa mga tanod, nabalot ng nakakabinging iyakan ng mga batang kumakalam ang sikmura, hinagpis ng mga inang nawalang ng mga mahal sa buhay, pagtangis ng mga amang walang magawa dahil sa lockdown na pinatupad ng nasa taas. Ngunit hindi ito pinansin ng mga tanod at pulis.
"Pinabayaan na tayo ng Diyos, kahit ang gobyerno ay pinabayaan na tayong mamatay sa gutom, walang tulong ang dumarating, Helda sayo na itong natitirang tinapay."
ibinaling nito ang tingin sa asawang nasa kusina at napansing abala ito sa kung ano, may maririnig na hiyaw at galak na para bang nababaliw na ito. Nagkalat ang patak ng pulang likido sa kusena kung saan naroroon si Helda. Lubos ang pagtataka ni Fernan kung ano ang mga ito inamoy niya ito at ng mapagtanto na isa itong dugo ay dali dali itong pumunta sa kinaroroonan ng asawa. Laking gulat nito ng makita sa sulok ang bangkay ng kanyang lalaking anak at nawawala ang kanang braso nito.
Nakita niya ang asawang sarap na sarap na kinakain ang putol na braso ng sariling anak habang umaagos pa ang dugo mula dito. Nanlilisik at namumula ang mga mata nito, nagkalat ang dugo sa kanyang bibig at buong katawan.
"DIYOS KO PO..."
Ano nga ba ang mga bunga ng kagutuman?
Will people end up of death or being a murderer? If they run out of food, will they become vegan, who eats green leaves in the yard? Or will they turn into cannibals, who end up eating human flesh?
The new era is near, wherein in order to be alive, you must kill or live like a demon.
The question is, are you ready for this new era?