Una sa lahat, binabati ko kayo ng magandang araw, nawa'y nasa maayos kayong kalagayan ngayon.

     Ngayon, nais kong ipaalam sa inyong lahat na ito ang unang beses ko na gumawa ng series na nobela, hindi ako magaling sa pagsusulat ( pero pagaaralan ko at mas magbabasa ako ng libro na nobela upang mahasa ang aking abilidad sa pagkekwento ) pero ito ang pinakamabilis na paraan upang maipaalam sa inyo ang mga ideyang pilit kong itinago sa matagal na panahon.

 

     Ang iilan sa mga tauhan, senaryo at ultimo mga bagay ay hango sa totoong karanasan ng nagsulat habang ang desisyon ng mga karakter na inyong matutunghayan ay mga desisyong kamuntikan ng isagawa ng nagsulat subalit minabuting ibasura para sa ikabubuti ng sarili nya at ng kapwa....

 

Babala, ang istoryang ito ay naglalaman ng labis na karahasan at pangaabuso, mga tema na ikasisira ng pinaniniwalaan, mga salitang hindi angkop sa bata, hwag na hwag babasahin kung alam nyong hindi kakayanin ng inyong sikmura at kaisipan, ituring itong lason na wawasak sa inyong pagkatao... At para sa mga nagpasyang lumusong sa nobelang ito...binabati ko kayo ng... Maligayang pagdating sa mundo ng mga ABNO....

Kapumax Creator