August 24, 2015.
Ingay lang mula sa aircon ng puting kwarto kung nasaan ako ngayon lang ang naririnig ko na kinaiiirita ko pa. May nag-iisang bintana na pinagmumulan ng liwanag ng araw, nakahiga ako sa puting kama.
I straightened my arms as my hands tries to reach the window while I am lying on my bed. Nakita ko ang kamay ko na humaharang partially sa mga sinag na galing sa . Nabasa ko ang numbers at sign tattoo sa mga daliri ko.
2 3 : 5 7
Ito na lang ang nagpapaalala kung sino talaga ako.
Ako si Rio Sakurada and I survived the curse of 23:57.
Magta-tatlong buwan na pala simula nang magsimula ang rehabilitation sa akin kaya ako nandito sa loob ng puting kwarto. They bleached my hair. Namimiss ko na ang red cage. Nakulong ako noon dahil sa violation ko sa Shibuya Station nung araw na nakipagsapakan ako sa mga train staff dahil sa mga umatakeng mga multo ng 23:57 incident at naging resulta ng pagkamatay ng kaibigan ko.
Pero makalipas ang ilang lingo kong pagkakakulong sa detention center ay bigla na naman akong hinuli dahil daw may nag report na drug addict daw ako. Alam kong ang mga tattoos ko sa katawan ay nakakatakot pero hindi ibig sabihin noon ay drug dependent na ako agad.
Ang totoo niyan, I was framed as a drug addict and I was forced to have a drug rehabilitation. Imagine, I was just shopping for clothes in 109 Men's Shibuya mall when random police officers arrested me without any procedures? Look, I never just allowed them to just randomly arrest me. I put up a fight but then, I felt a really painful hit on my head and nape! I woke up blindfolded and then here I am, I am inside this really boring white room. Wala akong contact since then. Imagine, first two weeks ko ay parang mababaliw na ako. No visitation rights, no cellphone, no anything. They detained me here with force and I cannot even ask for the help of my guardian. I am a minor! Is this even legal?
Kinukuhanan rin ako ng blood samples araw-araw sa loob ng isang linggo Yes, araw araw. Tapos bibigyan ako ng kakaunting shampoo, maliit na sabon at pagkaing pagkakasyahin ko lang sa ilang araw. Bukod pa sa total torture na ito ay papatayin yata ako ng mga ito.
I was briefed that I am being in a three to four months drug rehabilitation. I was able to talk to a strict nurse. She is the only person who visits me in this white room. She bleached my hair again and again kasi masyado raw makapit ang pink na kulay sa buhok ko at mas maganda kung sisimulan kong ipakita ang tunay na sarili ko as part of the drug rehabilitation process. That's bullshit.
Meaningful pa naman sa akin ang buhok kong pink kasi iyon ang nagpapaalala sa akin na naging malakas ako at one point of my life noong panahong duwag ako. People who color their hair doesn't mean they are hiding their real selves to the public. What if kung ang pagkukulay ng buhok, o pagpapatattoo o pagsusuot ng kakaibang damit ang nagpapakita ng totoong anyo nila? Aren't she just forcing her own idea of "your true self" to me?
Ngayon ay puti na ulit ang buhok ko. Ang totoong kulay ng buhok ko dahil sa albinism. Inalisan rin ako ng contact lenses as part of their protocol. I have pink pupils and white hair because of my albinism. Hinubaran ako at ininspect ang katawan ko. Nakita niya ang mga tattoos ko. At nang makita niya ang tunay kong anyo, ay parang nandidiri siya sa itsura ko. Kahit hindi addict maiirita sa ganitong set up. Hindi ko talaga maintindihan ang society. Makakita lang ng hindi tugma sa norm, it's either they will see at as their personal form of entertainment or will if they can't understand you still, they will just fear you.
Oh such a really crazy world we live in!
I was so bored at nagre-reminisce na lang ako habang nakahiga sa kama na bitin pa sa height ko. Hindi man lang nag provide ng kama sa long legged na tulad ko! Oh well, kung hindi kasya sa kama, matutong bumaluktot. Well, kumot or kama man yan. Tumagilid ako ng higa at nakita ko na naman ang 23:57 tattoo sa mga daliri ng kamay ko.
Napapikit ako nang madiin at paunti unti ko na namang naaalala ang takot at tapang sa mukha ni Yuuya sa huling sandaling isinakripisyo niya ang sarili niya para mailigtas kami. Para mailigtas si Ayako at ang magiging anak nila sa sumpa. Naaalala ko pa ang amoy ng Shibuya Station at ang nanlalamig kong mga pawis noong nandoon ako.
Hihihihi!
Habang naka stretch ang kamay ko ay nramdaman ko na lang na may nakahawak na malamig sa hinliliit ko. Naramdaman ko na lang ang mabilis na pitik. Binali ang daliri ko!
AAAAARRRGHHHH!
Napahiyaw ako sa sakit at na shock ako nang makita ko ang hinliliit kong nasa sahig na. Ang hinliliit kong may inked tattoo na "7". Para makumpleto ang 23:57 on each of my five fingers.
Nanlaki ang mata ko nang damputin ito ni Hinako nang nakangiti at patuloy sa pagbungisngis.
Ang batang demonyong si Hinako!
Shit! Guni guini ko lang bai yon o talagang nandito kang demonyo ka?!
At paglingon ko ay nakumpirma ko ang kinatatakutan ko. Itim na mga mata na para kang malulunod kapag tinitigan mo ng matagal. Ang ngiti niyang nakakapanindig balahibo at ang presensya niyang punong puno ng kababalaghan. At hindi na ako makagalaw!
Ginamit niya ang putol kong daliri pangsulat sa sahig na akala mo ay naglalaro lang siya ng chalk.
8.
Iyon ang nakasulat na numero sa sahig. Anong ibig sabihin nito?
Nagsimula nang pumatak ang dugo sa tabi ko. Nakita kong muli ang patuloy na pagtulo ng dugo sa pinagputulan ng hinliliit ko at napahiyaw ako sa realization at sakit.
Dahan dahan lumapit sa akin ni Hinako habang patuloy siyang nakangiti. Hindi na ako makagalaw sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Takot, gulat at trauma na naghalo-halo na yata ito.
Nang makalapit ang batang demonyo sa akin ay sinalo niya ang dugong tumutulo mula sa pinagputulan ng hinliliit ko. Patuloy pa rin ang pagdurugo at nanghina ang buong katawan ko at napaupo sa sahig hanggang napahiga na ako. Nanlabo na rin ang paningin ko.
Nakikita ko na lang na binubuhusan na ako ni Hinako ng dugo sa ulunan mula sa maliliit niyang mga kamay. Para na akong nalulunod sa pulang likido na ito.
Pinilit kong bumangon para lumaban. Hindi ako pwedeng mamatay dito. Hindi ito ang magiging katapusan ko. Sinimulan kong magdasal ng ancient prayers of exorcism na natutunan ko noon. Ang problema ko lang ay wala akong ofuda ngayon. Kung mayroon sana akong Ofuda ngayon ay mas malakas ako. Pero hindi bale! Hangga't kaya ng bibig kong magsalita at magdasal ng mga oracion at exorcism prayers, ay makakalaban pa ako.
At susubukan ko rin gumawa ng mandala mula sa dugo ko.
"Gago ka ah. Paranormal Expert yata ako, Salamat sa pagputol ng daliri ko at magagamit ko itong tinta para makagawa ng mandala at seal."
Pero ilang saglit lang ay napapikit ako sa sakit na mula sa nabali kong daliri.
Pagkadilat ko ay nakita ko ang duguang mukha ni Yuuya sa isip ko. Napahiyaw ako.
AAAARGH!
Nanumbalik ang alaala ko sa huling minuto ng pagkamatay ni Yuuya. Nanumbalik sa isip ko ang nagkalat na lasog-lasog niyang katawan sa Shibuya Station. Na imprint na sa utak ko ang pangyayari at paulit ulit ko itong naalala na para bang paulit-ulit na nire-rewind ang malagim na araw na iyon sa utak ko. Ang takot, galit at pagsisisi ay naghalo halo para kainin na ako. Napatigil ako.
Parang mababaliw na ako!
Ilang saglit lang ay nababalot na ng dugo ang puting kwarto. Nakita ko na lang sa sulok ng kwarto ay humihingi ng tulong sa akin si Yuuya!
Holy shit! Ikaw ba talaga yan Yuuya?!
"Tulungan mo ang pamilya ko Rio!" sigaw at pagmamakaawa ni Yuuya sa akin na patuloy ang pagsusuka niya ng dugo at napupunit ang bibig niya. Ramdam ko ang sakit at torture sa kanya mula sa distansya naming sa isa't isa. Ang area niya ay may halos pool of blood na nangggagaling sa katawan niya.
Hihihihi!
Agad niyang nilapitan si Yuuya at binatak ang mga pisngi nito na pinipilit siyang ngumiti. At kapag hindi ngumiti si Yuuya ay patuloy na mapupunit ang mga pisngi niya. Napilitang ngumiti na si Yuuya. Ang ngiting ipinilit at nagdurusa. At tinakpan ng batang demonyo ang bibig niya ng surgical mask at nagdudugo na rin ang surgical mask.
"Protektahan mo ang pamilya ko Rio!" sigaw ni Yuuya sa akin at takot na takot ang mga mata niya. Hanggang sa nagsilabasan na rin ang mga namatay sa sumpa ng 23:57 para kunin na si Yuuya papalubog sa pool of blood.
Naawa ako kay Yuuya at naluha ako. Ang bigat sa pakiramdam na makita siyang nasa ganyang kundisyon kasama ang iba pang naging biktima ng 23:57 curse.
At nagising ako! Normal na naman ang lahat. Puti na naman ang kwarto at parang wala na namang nangyari. Ano bang nangyayari?
Kumuha ako ng tubig na nakapatong sa mesa sa loob ng kwartong ito. Uhaw na uhaw ako. Pumasok sa utak ko ang Infinity sign at number 8 na isinulat ng batang demonyo.
Napapikit akong muli sa takot at dahan dahang binuksan ang mga mata ko para I check ang tattoo sa kamay ko.
At nagulat ako nang makita ko ang 8 sa hinliliit ko. Hindi na ito 7.
23:58 na ang nakasulat sa mga daliri ko. Paanong?!
At sa mesa ay nakita ko ang orasan.
2 3 : 5 8
Nang makita ko ang mga senyales na ito, isa lang ang tumatakbo sa utak ko.
Kailangan kong makaalis dito.
Prologue End.
Up Next Chapter 1: Kambal
A few years ago, I started doing some drafts already for a possible sequel of 23:57 but I was not able to put my full concentration and dedication into it because of a very tight schedule. However, I want to really make myself productive too since I cannot go out nor do other activities that I need to do in 2020. I am glad that my announcement received the warmest response. So thank you for still supporting me and for those who are still looking forward to reading this sequel!