Magiisang taon na matapos piliin ni Maxx lakarin ang landas at gawi ng pusang ligaw. Pinagaaralan kung paano tustusan ang sarili at mabuhay ng may kasarinlan sa siyudad ng Nueva Imperia. Alukan man siya ng ayuda ng kaniyang pamilya at mga tinuturing pamilya, pursigido siya sa kaniyang desisyon. Bagama't hindi magtatagal ang mga kamay na nagaalok ng ang dating tahimik na bukol ng korapsyon sa ilalim ng mga kalsada ay muling kakalat at ang mga pwersang hindi madalumat ay mabibigyang hininga.