Sa kabilang banda naman ay matindi ang labanan nila Ivy at ang mayak na shooter nang demigods. Hindi makalapit  sila Rex at Kyle dahil sa pinagbabaril ito nila Hicami at Nicoh, pero dehado sila sa laban kaya baril tago lang ang nangyayari sa kanila. May hinahaggis-hagis na bagay kung saan-saan si Nicoh habang pa lipat-lipat sila ng lugar. Pati na rin si Hicami ay may hinahagis na rin, patago nila itong ginagawa para hindi mapansin ng mga kalaban nila. Pero sila Rex at Kyle ay para bang sumusunod na lang dahil hindi nila gusto ang kanilang mga kalaban.

“Nasaan na si Rouge sya ang gusto ko makalaban bakit puro pipityugin na tao kinakalaban natin“

  “Hmmg Viper Slash….”

  Bukam-bibig ni Rex habang si Kyle naman ay pinapatamaan ng skill sila Nicoh, nang biglang lumindol. Gumalaw na si Rex at sinugod si Ivy binabaril ito ni Hicami pero mabilis ito nakakailag sa pa zigzag na galaw. Nakipag sabayan si Ivy kay Rex sa close range. Panay ang gamit niya ng shield para sanggain nito ang espada ni Rex at binabaril niya ito pagkatapos. Nagulat si Nicoh dahil pwede pala makipag sabayan ang mga shooter sa attacker pati na rin si Rex ay nagulat nang biglang binitawan ni Ivy ang kanyang baril at ginamitan ng teakwando si Rex. Sinipa ang likuran at ang tuhod ni Rex. Ang paningin niya ay bumaba at sabay sipa sa panga at tadyak pabulusok sa pader ng gumuhong gusali habang umuusok ang sandals ni Ivy.

      “Wew pahiya ka kaunti Rex ahh…..”

Sabi ni Kyle, habang ang shooter naman ay natakot kay Ivy. Si Nicoh naman ay napahanga sa kanyang nakita na advance teakwando na galaw, dahil ang alam lang niya ay onting self defence at karate.

“Pwede pala yun.”

“Hindi porket may sandata ka malakas kana.”

Sabi ni Hicami habang sinisipa si Kyle at ang shooter nang magkasunod. Sa kabilang banda. Nakatayo parin si Rex sa tipak ng mga bato habang dumudugo ang labi nito at seryoso ang tingin.

“(Tsk isa akong high profile na sindikato pero ginaganito lang ako ng isang babae. Magbabayad ka.)”

Sabi niya sa kanyang isip. Pinunasan niya ang kanyang labi at sumugot ulit. Kasabay nito ang pagbaril ni Ivy. Gumamit ng skill si Rex kaya inilagan ito ni Ivy pero sumunod si Kyle sa likuran ni Rex. Hindi agad ito napansin ni Nicoh. Bumitaw ng isang malakas na skill si Kyle. Hindi maiilagan ni Ivy ang skill nang biglang tinulak siya ni Nicoh. Siya ang tinamaan at napatalsik silang dalawa sa magkabilang direskyon. Nalaman naman ng manyak na shooter ang pinagtataguan ni Hicami at pinuntahan ito.

“Arghhgh ma mamatay na ba ako”

Tinignan ni Nicoh ng kanyang sarili at tumayo ito. Nakita rin niya na tumayo si Ivy kaya nagka lakas ng loob din siya na makipaglaban sa close range. Pinagpag niya ang kanyang damit at ikinasa ang kanyang baril, habang ang kalaban ay unti-unting dumadating nang biglang isang liwanag ang nakita nila, at papunta ito sa kanilang direksyon. Napansin ni Kyle na skill ito ni Macbeth. Si Rex naman ay sumugod na para labanan si Ivy. si Kyle naman ay nakipag laban kay Nicoh. Gumamit ng skill si Nicoh habang tumatakbo nang patagilid.

“Rapid Fire!!!!!!”

“Viper Slash”

Pinapatamaan nila ang isat isa habang papalapit sa isang pwesto. Nagka tamaan ang kanilang baril at espada, sabay suntok at sipa kay Nicoh at ganoon rin ay Kyle.

“Huhh? karate ahh “

Sabi ni Kyle, habang walang humpay ang pag baril at hataw ng kanilang sandata. Ganoon din sa kabila na sila Ivy at Rex. Habang si Nicoh naman ay mabilis na tinapakan ang paa ni Kyle at sumipa nang tatlong beses pataas. Pinatamaan niya ang tiyan dibdib at panga nito. Napaangat niya si Kyle pero nagawang nitong umikot sa ere at masipa si Nicoh. Kasabay ng kanilang pagtalsik ay ang pag guho ng isa sa malaking building sa syudad. Tinukod ni kyle ang kanyang espada at gusto na tapusin ang laban. Si Nicoh rin na ready na sa kakaiba niyang naisip. Sumugod siya ng payuko, hawak-hawak ang isang bagay. Habang sukbit-sukbik ang kanyang baril mabilis na lumapit si Nicoh. Si Kyle naman ay nag activate ng skill at lumabas ang umiilaw na parang viper effect sa espada nito. Itinaas niya ito at inihataw papunta kay Nicoh. Slow-mo na nangyari na pinalupot ni Nicoh ang kanyang kamay sa kanang kamay ni Rex at payakap naman ang isang kamay. May nilagay siya sa likoran ng attacker, kasabay noon ay hiniwa siya sa nito sa dib-dib at tumilapon ng napaka layo. Habang tumatalsik ay pinindot niya ang bomba na nasa likod ni Kyle. Hindi nito namalayan na nilagyan siya ng bomba sa likod. Sumabog ang bomba at nagka durug-durug ang katawan ni Kyle at nag talsikan. Ang manonood ay tuwang tuwa sa kanilang nakita at napatalon.

Nagkaroon na din ng 1point ang team nila Glenn ganoon din ang team na PARAGON at kasunod ang team ng DEMIGODS dahil natalo ni Rex si Ivy. Naka hawak sa buhok ni Ivy si Rex at wala na itong malay, Inihagis ito ni Rex sa lapag at isang bagay na pabulusok ang bumagsak sa pwesto niya. Na balot ito ng usok at nang mawala ay si Escarlet pala ito nang VIG4 na puro galos.

“Ha!! Nice isang tunay na kalaban. Walang kwenta kalaban ang teammate mo.”

Nakita kaagad ni Escarlet ang itsura ni Ivy at nag iba ang presensya nito. Galit at puot ang bumalot dito at matalim ang tingin niya kay Rex. Walang ano-ano ay bigla nalang nawala sa paningin ni Rex si Escarlet at ng lumingin siya ay nasa likuran nya na ito. Pero biglang nawalan ng balanse si Rex at natumba. Nakita niya na putol na ang kalahati ng kaniyang katawan. Kasabay nuon ang pag balik ni Escarlet sa lalagyan ng kanyang katana.

“Sakura sword style no3: fugenfugo mohuken………….”

Pero kahit na nagsasalita pa rin si Rex ay nagulat sa ginawa ni Escarlet at pasigaw na tinatanong kung ano ang ginawa niya. Nang biglang nag salita si Escarlet na pairap.

“Kung ako sayo hawakan mo ang pagmumukha mo baka malaglag yan.”

Nang sinabi niya iyon ay nahati pa sa dalawa ang kalahati ng katawan ni Rex at napatay. Nagkaroon na din ng score ang team vig4 at nagging 2 points dahil may nadagdag. Kasabay nuon ang pagsabog sa building na kinaroroonan ni Hicami. Durog-durog ang katawan ng manyak na shooter at butas ang ulo na tumalsik sa labas ng sumabog na building.

Habang sa syudad ay mabilis ang mga laban at literal na umuulan ng bala. Pinapaikot ni Kim ang kanyang scythe para gawing shield laban sa walang humpay na pamamaril si Macbeth sa itaas ng building. Habang si Mey naman ay nakikipag sabayan sa lakas ni Macross. Dumadagung-dong at parang gyera ang maririnig sa syudad. Gumamit ng skill si Macross at ganoon din si Mey. Parahas silang sumugod, galing si Mey sa rooftop ng isang maliit na building. Si Macross naman ay sa natapyas na building. Nagkatamaan sila sa ere at sa lakas ay nabasag ang mga salamin sa paligid at umuulan ng bubug, mga tipak ng bato at bakal. Nagkakaroon na ng kidlat sa kanilang mga espada, at sabay silang bumuwelo ng pa urong at bumagsak sa daaan.

“hindi ko akalain na ang isang idol na tulad mo ay malakas pala. Akala ko pa cute cute lang kayo”

“Hahh natatakot kaba matalo nang isang bababe??”

Biglang nag activate ng skill si Macross at pinatama ito kay Mey. Mabilis na nakailag si Mey at nakapag activate ng shield, nang biglang sumulpot sa kanya si Macross at nagkatamaan sila nang sandata. Ang tinamaan ng skill ay isang gusali na nabutas unti-unting gumuguho. Biglang hinawakan ni Mey ang kamay ni Macross at pinaikot ito. Sabay tadyak sa tiyan at tumalsik sa isang gusali, pero nagpakawala ng skill si Macross at pinataaman siya ulit nito. Pero gumamit ng skill si Mey at nasangga niya lahat. Habang si Macross naman ay ginamit ang shield para gawing suporta sa kanyang pag tama sa pader, para mabawasan ang impact na kayang matatamo.

Sa kabilang banda naman si Kim ay tumatakbo ng tagilid sa pader at pataas ito patungo sa pwesto ni Macbeth, habang pinapaulanan ito ng mga bala gumamit si Kim ng skill at paikot na inihagis ang kanyang sandata.

“Unsheathe culverin.”

Hindi ito mapigilan ni Macbeth at napatras sa rooftop ng gusali at papunta sa kanya ang umuukit na scythe na tumama at natusok sa sahig ng rooftop. Mabilis itong binunot ni kim nan aka sunod at hinataw si Macbeth pero sinangga niya ito ng kanyang dalawang rifle naka cross

“Hindi ko aakalain na isa ka palang candidate sa pagka G.M. rouge. Pero hindi ikaw ang magiging G.M.”

“…….papa paano mo nalaman….”

Nagulat si Kim at napatras at si Macross naman ay nagsalita.

“Nung tinanggihan mo ang inbitasyon ko nag saliksik ako at nalaman ko ito kay Macross. Pero ang pinagtataka ko ay lima lang talaga ang official na candidate, pero may isang unofficial at nalaman ko na ikaw pala ang unofficial na yun. Pero ganun parin, ako parin ang magigin G.M. Pag nagawa ko ito ay mababalik ko ang dignidad ko bilang isang Royal Knight.”

Biglang pinagdikit ni Macbeth ang kanyang baril at nag activate nang skill. Isang nakakasilaw na liwanag nag lumalabas sa baril ni Macbeth at biglang sabi.

“Laser!!!! Canon…….!!!!”

Isang nakasisilaw na laser ang pinakawalan ni Macbeth. Alam ni Kim na hindi niya ito mapipigilan kaya umilag nalang ito. Sa sobrang lakas ay umabot ito sa kagubatan. Nakita ito ni Mey at Macross habang nag lalaban. Nang mawala ito ay agad na sinugod ni Kim si Macbeth at pinaulanan siya ng bala at guamit nang skill na rapid fire. Si Kim naman ay pinaikot niya ulit ang kaniyang scythe hanggang sa makalapit sabay hataw, pero pa tambling na umilag si Macbeth. Pagkatapos sabay baril. Pa ulit-ulit ang nangyari kaya gumamit na ng skill si Kim. Sinugod niya si Macbeth pero nasasabayan niya ang bilis ni Kim.

"Unsheathe reaperx2"



"Shield"

Nasangga ni Macbeth ang unang atake ni Kim at sa pangalawang beses ay ginamit niya ulit ang kanyang baril. Sa pagkakataon na iyon ay tinutok niya ang nguso nang baril sa pwesto ni Kim at kinalabit ang gatilyo. Mabilis na umatras si Kim at sabay ikot ng kanyang sandata na parang elesi nang eroplano. Biglang nag side-step si Kim at pabulusok na sumugod ulit. Puro hiwa at sangga nang shield ang maririnig na tunog at mga basyo nang bala na nagkakalaglagan. Pero ang hindi inaasahang pangyayri ay biglang na armlock si Kim. Hindi naka galaw si Kim at naipit ang kanyang kamay at leeg.

“ ha…. Hindi porket may kakaibang kang sandata ehh kaya mo na ako talunin.”

Sabi ni Macbeth habang iniipit si Kim pero biglang itinaas niya ang kanyang paa at sumigaw nang malakas pagkatapos ay tinadyakan ang sahig. Nawasak ito sa sobrang lakas at na laglag sila sa pangalawang huling palapag. Nakita nila Mey at Macross ang tuktok nang building na gumuguho. Na lingat si Mey nang biglang nasa harapan na niya si Macross at hinataw siya nang skill. Sa lakas ay napatras ito at nagalusan si Mey.

“uwaaaahh masakit ba ??? Pwede ka naman sumuko kung gusto mo.”

Sabi Macross kay Mey at si Mey ay nagpapagpag nang damit.

“Ang hina mo naman na iintimidate ka ng isang babae.”

Nanlaki ang ugat ni Macross sa sinabi ni Mey dahil mabilis na mapikon ito sa mga pangaasar lalo na kung babae ang gumawa nito. Nagpakawala ito ng skill na agad ring sinabayan ni Mey ng skill.

“Crosss…!!!...Splint­¬er!!!!!”

“Helix!!!!!.... Slash”

Sa lakas ay nagka roon nang crater sa pagitan nila at makikita ang mistulang bola ng liwanag. Tumalsik ang dalawa kasama ang mga basag na salamin at tipak ng bato sa kanilang paligid. Sa itaas naman ay nagtalsikan rin si Kim at Macbeth sa magkabilang panig nang building. Nang nasa ere si Kim ay nag activate ito ng skill pumikit ito at huminga ng malalim. Kasabay nito ang paglabas ng aura sa kanyang scythe na may pagka asul. Lumalakas ang liwanag kasabay nito ang pagbabago ng kulay na pula. Nakakita ng pagkakataon si Macbeth dahil hindi maiilagan ni Kim ang mga bala, kaya binuhos na niya ang kanyang lakas sa dual rifle niya at skill. “WARGGGGGGHHHHHHH!!!­¬!!!!!!!! LASER!!!!!CANON!!!!!­¬!!!!!!!!!

“IHHHHHHHHHH FUUUUUUUUUUU………………GR­¬IM…….. SLASH…….”

Isang napakalaking parang cresent moon ang itsura ng atake ni Kim, at may pagka kulay pula ang mga liwanag na naiiwan nito. Halos parang buwan sa pwesto ni Mey na kulay pula at araw naman sa kabila dahil sa laser canon ni Macbeth. Nahati sa dalawa ang laser at tumama sa mga kabahayan at iba pang gusali. Ang skill naman ni Kim ay tatama na kay Macbeth pero ginamit ni Macbeth ang mga nalalaglag na bato bilang patungan para bumuweloat makailag. Gumuho ang building sa pagitan na nahati at nagkabutas-butas. Habang sila Mey at Macross ay umatras dahil mababagsakan sila ng mga debri ng building. Napahanga si Macross sa kanyang nakita na mistulang pulang buwan at puting araw. Habang siya ay nakatingala si Mey naman ay narinig si escarlet sa kanyang R.E.D. Nakita niya ang score ng buksan niya ang windows screen habang naka alerto. Dumating na si escarlet at nagulat siya sa itsura ng syudad. Tapyas tapyas ang mga gusali na nag mustulang binomba.

“Mey ano na nangyayari ??? Nasaan na si Kim…….?”

Sabi ni Escarlet habang si Mey naman ay lumalapit kay escarlet nang biglang sumulpot si Macross sa mga usok sa likuran ni Mey

“Mey!!!!!!! Salikod mo!!!!!!!”

Walang ano ano ay hiniwa ni Macross si Mey pero sa bilis ni Escarlet ay nagawa nitong hawakan si Mey at ihagis at sabay harangin ang atake. Nagulong gulong si Mey at si Escarlet naman ay umatrass habang hawak hawak ang kanyang kaliwang braso. Ang kapalit ng kaniyang pagharang sa atake ay ang kanyang kaliwang kamay.

“Wahhhhhh Wahahahahahh ahahah grabe……. Ikaw pala si Escarlet ahhh kadadating mo lang tapos naputulan ka kaagad”

“Ha?? Ee anu yang braso mo bakit kulang ng kaparehas?”

Pangiting sinabi ni Escarlet kay Macross, habang nagulat si Macross sa kaliwang braso niya. Hindi niya alam na gumamit ng skill si Escarlet para mahiwa ito. Nakatayo na si Mey at pumunta ito kay Escarlet

“Pa sensya na leader ahhh ano….. si ….. Lj diba kasama nyo??????”

Pa hiyang tanong ni Mey at si Escarlet naman ay nainis kay Cj, pero sinabi niya na may ibang pakay si Cj kaya sya lang ang dumating. Nagulat sila ng dumating rin si page na hingal na hingal. Nagulat rin si page sa kanyang nakita at pumunta kay Macross.

“Ohhh buhay ka pa pala?? “

Sabi ni Macross at ganon din ang nasa isip ni Escarlet pero nagtaka siya dahil si Page lang ang dumating. Ang isang player na si Hao ay wala. Naisip niya na baka pumunta ito kay Cj.

cjp00 Creator